You are on page 1of 11

8

Filipino
Unang Markahan
Modyul 1- Aralin 8:
Hakbang sa Pagsulat ng
Pananaliksik
Pagsulat ng Resulta ng
Pananaliksik ang Awtentikong
Datos na Nagpapakita ng
Katutubong Kultura
Pahayag sa Pag-aayos ng Datos
(una, isa pa, iba pa)

* Pagsulat ng Karunungang-Bayan

77 DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_1
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
• Naipapaliwanag ang mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik ayon sa
binasang datos F8PB-Ii-j-25
• Nagagamit sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik ang awtentikong datos na
nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang Pilipino.
F8PU-Ii-j-23
• Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa pag-aayos ng datos (una,
isa pa, iba pa) F8WG-Ii-j-23

Panuto: Piliin ang letra ng wastong sagot sa sumusunod na pahayag mula sa loob
ng kahon sa ibaba. Isulat ang gawain sa sagutang papel.

1. Ito ay nangangahulugan na ang mga datos ay orihinal, tunay o ang


pinagmulan (origin) tulad ng wika, kultura, tradisyon, paniniwala,
pananamit, pamumuhay at iba pa.
2. Ang pinaghalong mga tradisyon, paniniwala, at pamumuhay ng mga
dayuhang sumakop at ang mga katutubong Pilipino.
3. Ang sistematikong paghahanap ng mahahalagang impormasyon hinggil sa
tiyak na paksa o suliranin.
4. Ang pangangalap ng mga datos ay sa hakbang na ito.
5. Dito pinipili at nililimita ang paksa.
6. Ang pagsulat ng pinal na kopya ng pananaliksik ay nasa bahaging ito.
7. Pahayag sa pag-aayos ng datos sa wakas na bahagi ng pananaliksik.
8. Ang pagbuo ng konseptong papel ay makikita dito.
9. Ginagawa ang pansamantalang balangkas sa bahaging ito.
10. Pahayag sa pag-aayos ng datos na ginagamit sa pasimula.
11. Nangangahulugang sumusunod sa maayos at makabuluhang proseso.
12. Sa hakbang na ito, itinatala ang mga ginamit na sanggunian.
13. Ang batayang yunit ng impormasyon.
14. Pahayag sa pag-aayos ng datos sa gitna ng pananaliksik.
15. Ang paggawa ng dokumentasyon ay makikita sa bahaging ito.

A. Pananaliksik F. Awtentikong datos K. Kultura


B. Ikapitong hakbang G. Ikaapat na hakbang L. Unang hakbang
C. Ikalawang hakbang H. Wakas M.Ikalimang hakbang
D. Ikatlong hakbang I. Sa una N. Sistematiko
E. Ikaanim na hakbang J. Datos O. Sumunod

78 DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_8
DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_1
*Hakbang sa Pagsulat ng
Pananaliksik
Aralin *Pagsulat ng Resulta ng Pananaliksik
8 ang Awtentikong Datos na
Nagpapakita ng Katutubong Kultura
*Pahayag sa Pag-aayos ng Datos (una,
isa pa, iba pa)
Ang modyul na ito ay idinisenyo at nilinang para sa inyong pagkatuto
gayundin upang mahasa ang inyong kasanayan at kakayahan sa aralin. Ang
nilalaman ng aralin na ito ay hinggil sa Hakbang sa Pagsulat ng Pananaliksik,
Pagsulat ng Resulta ng Pananaliksik ang Awtentikong Datos na Nagpapakita sa
Katutubong Kultura at Pag-aayos ng Datos. Ang saklaw ng aralin na ito ay
makapagbibigay pagkakataon sa inyo upang masanay gamit ang iba’t ibang
sitwasyon sa pagkatuto gayundin ang malinang ang pagmamahal at pagpapahalaga
sa katutubong kultura gabay ang matamang paggamit ng pahayag sa pag-aayos ng
datos at paraan ng pagsulat ng pananaliksik.

Panuto: Pumili ng tatlong salita sa loob ng kahon na may kinalaman sa pagsulat


ng isang saliksik-papel at ipaliwanag ang dahilan ng pagkakaugnayan ng
mga ito sa pananaliksik. Isulat ang gawain sa sagutang papel.

datos kongklusyon metodolohiya siyentipiko etikal

panimula kaalaman sanggunian obhetibo

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

79 DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_8
DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_1
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga hakbang sa pagsasagawa ng pananaliksik.
Isulat ang letra A-J sa sagutang papel.

_____ 1. Pagsulat ng burador


_____ 2. Pagpili ng paksa
_____ 3. Paghahanda ng tentatibong balangkas
_____ 4. Pangangalap-tala
_____ 5. Paghahanda ng bibliyograpi
_____ 6. Paghahanda ng iwinastong balangkas
_____ 7. Narito ang mga hakbang sa pagsasagawa ng pananaliksik
_____ 8. Pagrerebisa
_____ 9. Pagsulat ng pinal na pananaliksik
_____10.Paglalahad ng layunin

PANANALIKSIK
• Ang sistematikong paghahanap ng mahahalagang impormasyon hinggil sa
isang tiyak na paksa o suliranin.
• Ito ay proseso ng pangangalap ng totoong impormasyon na humahantong sa
kaalaman.
• Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o
napag-alaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan
ng pagpapatunay ng mga panukala (teorya) o mga pamamaraan (sistema), at
sa pagsubok sa mas mainam na pagpapaliwanag ng mga naoobserbahan.
• Isang prosesong mapagsuri, sistematiko, organisado o nakaayos, at walang
kinikilingan (obhetibo).
• Ang maaaring mapagkunan ng impormasyon ay ang internet, mga aklat, mga
artikulo sa magasin, pahayagan, dyornal, mga video mula sa youtube, mga
dokumentaryo, at iba pang palabras sa telebisyon, mga panayam, seminar at
workshop.
• Awtentiko datos, nangangahulugan na ang mga datos (anomang uri ng
kaalaman tungkol sa kahit anong bagay) ay orihinal, tunay o ang pinagmulan
(origin) tulad ng wika, kultura, tradisyon, paniniwala, pananamit,
pamumuhay at iba pa. Ang kultura ng isang bansa ay binubuo ng kanyang
mga katutubo at katangi-tanging kaugalian, paniniwala at mga batas. Sa
kultura nakikilala ang isang bansa at ang kanyang mga mamamayan. Ang
kultura ay mabisang kasangkapan sa pambansang pagkakaisa dahil dito
naipapahayag ang tunay na diwa ng pakikipagkapwa.

80 DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_8
DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_1
MGA HAKBANG SA PANANALIKSIK
1. Unang Hakbang
✓ Pagpili at Paglimita ng Paksa. Ang paksa ay dapat na alam mo,
nakawiwili, mapagkukunan ng datos, may sanggunian, may
kabuluhan, at magagawan ng kongklusyon.
2. Ikalawang Hakbang
✓ Pagsasagawa ng Pansamantalang Balangkas
a. Ilahad sa isang pangungusap ang nais pag-aralan na paksa,
b. Ilahad ang layunin.
c. Itala o ilista ang mga tanong
d. Pangatwiranan ang kahalagahan ng paksa.
3. Ikatlong Hakbang
✓ Pagtatala ng Sanggunian. Maksimum na bilang ng sanggunian ang
nararapat itala ngunit gawin itong minimum sa pitong sanggunian
lamang.
4. Ikaapat na Hakbang
✓ Pangangalap ng Datos. Makatutulong ang paggamit ng index card sa
pagtatala ng mga datos.
5. Ikalimang Hakbang
✓ Pagbuo ng konseptong papel. Kasama sa bahaging ito ang balangkas o
framework ng daloy ng laman ng pananaliksik na magbibigay-linaw sa
isusulat.
6. Ikaanim na Hakbang
✓ Paggawa ng Dokumentasyon. Sinupin ang mga datos, gumamit ng
parentetikal na paglalahad ng sanggunian at obserbahan ang paggamit
ng wastong pagbabantas.
7. Ikapitong Hakbang
✓ Pagsulat ng Pinal na Kopya ng Pananaliksik.

PAHAYAG SA PAG-AAYOS NG DATOS

• Sa pagsusulat ng resulta ng pananaliksik, marapat din isaalang-alang ang


paggamit ng pahayag sa pag-aayos ng datos.

1. Pagsusunod-sunod
Halimbawa: una, ikalawa, ikatlo, at iba pa, sumunod, pagkatapos, sa puntong
ito, nauna rito, bago ito, kasabay nito, sa susunod
2. Paghahambing
Halimbawa: samantala, sa kabilang banda, gayonpaman, kung ihahambing,
bagaman, pagkatapos ng lahat, bagama’t maaaring totoo.
3. Pagdaragdag
Halimbawa: at, saka, muli, bukod dito, bilang karagdagan, dagdag pa rito.
4. Pagpapatunay
Halimbawa: dahil, sapagkat/pagkat, kasi, sa gayon ding dahilan, sa
katunayan, ang totoo niyan, iyon na nga.
5. Pag-uulit
Halimbawa: sa madaling sabi, gaya ng sinabi ko, tulad ng nabanggit.
6. Paglalagom
Halimbawa: sa kabuuan, bilang paglalagom, bilang kongklusyon,
samakatwid, bilang resulta.

81 DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_8
DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_1
GAWAIN 1. Panuto: Magbigay ng ideya hinggil sa mga salitang may kaugnayan sa
pananaliksik. Isulat ang gawain sa sagutang papel.

1. Paksa:___________________________________________________________________
2. Layunin:_________________________________________________________________
3. Burador:_________________________________________________________________
4. Bibliograpi:_______________________________________________________________
5. Rebisa:___________________________________________________________________

GAWAIN 2. Panuto: Magbigay-hinuha sa salitang nasa loob ng bilog. Isulat ang


gawain sa sagutang papel.

Awtentikong
Kultura
Datos

GAWAIN 3. Panuto: Basahin ang bahagi ng Abstrak ng pananaliksik. Pagkatapos,


sagutin ang sumusunod na tanong hinggil dito. Isulat ang
gawain sa sagutang papel.

Abstrak:
Ang wikang Filipino, tulad ng alinmang wika sa daigdig, ay may sinilangang
lugar. Sa lugar na ito, gumamit ang mga tao ng wikang magbubuklod sa kanila. Sa
wikang ito naipahayag ang nabuo nilang karunungan, paniniwala, sining, batas,
kaugalian, pagpapahalaga, at iba pang kaangkinang panlipunan. Ang mga ito, na
kultura sa kabuuan, ay nagpasalin-salin sa bawat henerasyon sa pamamagitan din
ng wikang yaon. Sa patuloy na pag-unlad ng wika, sa patuloy na pagyabong nito,
bunga ng pakikisalamuha ng mga katutubo sa mga dayuhan-mananakop o kaibigan
na may naiibang kultura - ang wikang ginagamit na kasangkapan sa pakikipamuhay
ay yumaman sa salita. May mga salitang hiram at ligaw na ganap nang inangkin. Sa
paggamit sa mga katawagang ito sa mga pahayag na may kayarian o kaanyuang
katutubo, kasama ang mga likas na katawagan, ang mga inangking salita ay
nagkaroon narin ng katangiang Pilipino, nagkaroon ng kulay at karakter na Pilipino,
at naging kasangkapan na sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino.
(Mula sa https://ejournals.ph/article.php?id=7757)

82 DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_8
DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_1
1. Ano ang paksa ng pananaliksik?

__________________________________________________________________

2. Ibigay ang bentaha sa pagkakaroon ng wika.

________________________________________________________________________
3. Batay sa pag-aaral, paano napayayabong ang wika ng isang lugar?

__________________________________________________________________
4. Sa pananaliksik na ito, ano ang naitulong sa inyo ng mga datos na
nakalahad?

__________________________________________________________________
5. Kaugnay ng pag-aaral, magbigay ng mga salitang hiram at ligaw na ganap
nang inangkin nating mga Pilipino.

__________________________________________________________________

GAWAIN 4. Panuto: Pag-aralan ang resulta ng pananaliksik. Punan ang


talahanayan ng angkop na mga datos batay sa
interpretasyong nakalahad. Isulat ang gawain sa sagutang
papel.

Talahanayan 1
Ang Magagandang Kaugalian ng Pilipino Magpahanggang Ngayon

kabuoan

Isinasaad ang kadahilanan ng kapakinabangan sa unang kabanata na may


mga ugali ang Pilipino na natural sa ating lahat. Ang mga magagandang ugaling ito
ay may relasyon sa presentasyon na ito. Ayon sa katanungan sa talatanungan,
itinatanong kung ano ang napupusuan ng tao na magandang ugali ng Pilipino na
hanggang ngayo’y sinasanay pa rin. Ayon sa survey, 8 katao na may 26.67% na
porsyento ang sumagot ng pagiging matulungin; 3 katao na may 10% na porsyento
sa respeto; kaparis ng bilang at porsyento sa matulungin ang kategoryang may takot
sa Diyos; at 11 katao na may 36.66% na porsyento ang sumagot ng pagmamahal sa
pamilya. Lumalabas dito na ang pagmamahal sa pamilya ang pinaka-importanteng

83 DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_8
DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_1
ugali ng isang Pilipino dahil ang pamilya ang nagsisilbing pundasyon tungo
samagandang bukas. Lumalabas sa survey na 36.66% ang sumagot ng kategoryang
ito.

GAWAIN 5. Panuto: Iguhit ang _____ kung ang pahayag ay nagpapakita nang
pagpapahalaga sa katutubong kulturang Pilipino. Isulat ang
gawain sa sagutang papel.

1. Makuntento na lang na natapos ang pananaliksik nang hindi na ibinabahagi


sa iba.
2. Dayain ang resulta upang positibong tanggapin ng tao ang pananaliksik.
3. Ilathala ang resulta ng pananaliksik.
4. Sumali sa mga pagpupulong ng mga mag-aaral upang maibahagi ang
pananaliksik.
5. Ipagmalaki ang katutubong kultura sa pamamagitan ng polyeto, social
media at iba pang daluyan ng impormasyon hinggil sa iyong pananaliksik.

GAWAIN 6. Panuto: Bilugan ang mga pahayag na ginagamit sa pag-aayos ng


datos. Isulat ang gawain sa sagutang papel.

Ang mga katutubo natin sa Pilipinas ay may mga tradisyon at kulturang unti-
unti nang nakalilimutan at tila hindi na napapansin. Sa puntong ito, ang buwan ng
Agosto ay itinakda bilang Araw ng mga Katutubong Agta ng Dinapigue upang
mapanatili at mapagyaman ang mga tradisyon at kultura ng mga katutubong
Dumagat. Kasabay nito ang maipamalas sa lahat kung gaano kaganda ang tradisyon
at kultura ng ating mga ninuno.
Sa pagdaraos ng Araw ng mga katutubong Agta, una ay ipinamalas nila ang
husay nila sa pagsasayaw ng kanilang iba’t ibang tradisyonal na sayaw, sumunod
ay ang pagtugtog ng kanilang mga tradisyonal na istrumento. Ang mga sayaw na
pinamalas ng mga katutubo ay nagpapakita ng mga paraan ng pagkuha ng pagkain
sa kabundukan at sa katubigan.
May dalawang tradisyunal na instrumento ang mga Agta na kalimitang
ginagamit—ito ang Gulo–gulo at Sabkal. Ang Sabkal ay tinutugtog ng kahit sinong
katutubo, lalaki man o babae samantalang ang Gulo–gulo ay tinutugtog lamang ng
mga kababaihan.
Sa kabuuan, ang ganitong mga pagdiriwang ang makapaglalapit at
makapagdadala sa mga tao ng halaga ng ating mga katutubo at nakapagbibigay ng
pagkakataon upang mapagyaman at mapanatili ang kultura at tradisyon ng mga
katutubong Agta.

Panuto: Punan sa pinakamatapat na paraan ang hinihingi sa bawat patlang.


Isulat ang gawain sa sagutang papel.

Sa mga tinalakay na proseso at bahagi ng pananaliksik, sa tingin ko ay malaki ang


maitutulong ko sa bahaging _____________________________________________________

84 DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_8
DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_1
_________________________________________________________________________________
Maaaring mahirapan ako sa bahaging ___________________________________________
_________________________________________________________________________________
Dahil may kahinaan ako sa _____________________________________________________
Subalit ako ay magiging _________________________________________________________
Upang sa huli’y__________________________________________________________________

Panuto. Basahin ang ilang kaugaliang Pilipino na bahagi ng ating kultura.


Magsagawa ng sarbey sa iyong pamilya kung alin sa mga kaugalian ang
kanilang isinasabuhay. Pagkatapos, ilahad ang naratibong interpretasyon
ng mga datos na nakalap. Isulat ang gawain sa sagutang papel.

Talahanayan 1
Kaugaliang Pilipino na Isinasabuhay

Kaugaliang Pilipino OO HINDI

A. Bayanihan
Nabuo ang bayanihan sa mga samahan ng mga magkakapitbahay na
nagtutulungan kahit saan mang sitwasyon. Kadalasang inilalarawan ito ng paglilipat
bahay noon ng mga nasa lalawigan. Ang mga bahay ay sabay-sabay bubuhatin ng
mga kalalakihan na sinasabayan pa kung minsan ng awitin upang di gaanong
madama ang kabigatan nito.
B. Matinding Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak
Ang mga Pilipino ay kadalasang malalapit sa kanilang mag-anak at iba pang
kamag-anak. Maraming mga Pilipino ang tumitira malapit sa kanilang mga kamag-
anak, kahit pa sila ay may edad na o kaya naman ay may sarili na ring mag-anak.
Kadalasan ang isang bahay sa Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa dalawang mag-
anak. Sa mga lalawigan, ang mga nayon ay kadalasang binubuo ng iisang angkan,
at halos lahat ay magkakakilala.
C. Pakikisama
Ito ay ang kaugaliang Pilipino na nagnanais magkaroon ng maganda at mabuting
pakikitungo sa iba.
D. Ang Kaugaliang Hiya
Isang panlipunang kaugalian. Ang mga Pilipino ay naniniwala na dapat na
kumilos sila kung ano ang mga tinatanggap na kaugalian ng lipunan; kung sila ay
nakagawa ng kaugaliang hindi tanggap, ang kahihiyan na ginawa nila ay hindi lang
para sa kanilang sarili kundi kahihiyan din ito para sa kanilang mag-anak.

85 DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_1
DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_8
E. Utang na Loob
Isang utang ng tao sa taong tumulong sa kanya sa mga pagsubok na kanyang
dinaanan.
F. Amor Propio
Ito ay pagpapahalaga ng isang tao sa kanyang dignidad. Maisasalin itong “pag-
ibig sa dangal” at nangangahulugan ng pag-iingat sa sariling karangalan o
pagkakaroon ng paggalang sa sarili.
G. Delicadeza
Isang ugali na marapat na ikilos ng isang tao saan man siya naroroon. Kailangang
ang pagkilos ay tanggap ng lipunan upang hindi marumihan ang dignidad ng mag-
anak.
H. Palabra de Honor "May isang salita”
Isang kaugalian ng mga Pilipino na kailangang tuparin ang mga sinabi nitong
mga salita o pangako.

Panuto: Piliin ang sagot sa sumusunod na katanungan o pahayag. Isulat ang letra
ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay sistematikong paghahanap ng mahahalagang impormasyon hinggil sa


isang tiyak na paksa o suliranin?
A. Pagbabalita B. Pagtatanong C. Panayam D. Pananaliksik
2. Ano itong hakbang sa pananaliksik na binibigyang-pansin ang pagsasatama
ng isinulat ng nilalaman at maging ang baybay, bantas at wastong gamit ng
salita?
A. Pinal na Balangkas C. Pagwawasto at Pagrerebisa
B. Paglalahad ng Layunin D. Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik
3. Ang bahaging kailangang planuhin at isiping mabuti ang pagkakabuo ng
pananaliksik na gagawin ay tinatawag na _____.
A. Pinal na Balangkas C. Pagsulat ng Burador
B. Paglalahad ng Layunin D. Pangangalap-Tala
4. Hakbang sa pananaliksik na nagbibigay direksyon at gabay sa pananaliksik.
Ano ito?
A. Balangkas C. Pagsulat ng Burador
B. Piliin ang Paksa C. Pangangalap-Tala
5. Ito ang hakbang sa pananaliksik na ayon sa iyong interes at may malawak
kang kaalaman.
A. Balangkas C. Paglalahad ng Layunin
B. Bibliograpi D. Piliin ang Paksa
6. Makikita rito ang iyong mga dahilan kung bakit nais isagawa ang
pananaliksik.
A. Balangkas C. Pangangalap-Tala
B. Paglalahad ng Layunin D. Pinal na Balangkas
7. Anong hakbang ang tungkol sa pagsulat ng talaan ng mga sanggunian kung
saan kinuha ang mga impormasyon sa pananaliksik?
A. Bibliograpi C. Pagwawasto at Pagrebisa
B. Pinal na Balangkas D. Pagsulat ng Burador
8. Ito ang hakbang sa paghahanap ng mga impormasyon at pagsulat agad nito
para sa pananaliksik na karaniwang ginagamitan ng index card.
A. Balangkas C. Pangangalap-Tala

86 DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_8
DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_1
B. Bibliograpi D. Piliin ang Paksa
9. Ano itong hakbang sa pananaliksik na tuloy-tuloy ang pagsulat ng kaisipan o
ideyang dumadaloy sa kaisipan?
A. Balangkas C. Pagsulat ng Burador
B. Pangangalap-Tala D. Pagwawasto at Pagrebisa
10. Ang huling hakbang sa pananaliksik.
A. Pangangalap-Tala C. Pagwawasto at Pagrebisa
B. Pagsulat ng Burador D. Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik
11. Lahat ay kasing-kahulugan ng salitang datos, maliban sa _____.
A. layunin B. detalye C. nilalaman D. impormasyon
12. Ang pahayag na at, saka, muli, bukod dito ay halimbawa ng _____.
A. pagdaragdag B. pag-uulit C. paglalagom D. pagsusunod-sunod
13. Ang pahayag na sa madaling sabi at gaya ng nasabi ko ay halimbawa ng _____.
A. pagdaragdag B. pag-uulit C. paglalagom D. pagsusunod-sunod
14. Ang pahayag na una, pagkatapos, sumunod ay halimbawa ng _____.
A. pagdaragdag B. pag-uulit C. paglalagom D. pagsusunod-sunod
15. Ito ay nangangahulugan na ang mga datos ay orihinal, tunay o ang
pinagmulan (origin) tulad ng wika, kultura, tradisyon, paniniwala,
pananamit, pamumuhay at iba pa.
A. awtentikong datos C. kultura
B. haka-haka D. tala

Panuto: Bilang kabataang Pilipino paano mo mapangangalagaan at mapahahalagahan ang


katutubong kulturang Pilipino? Isulat ang gawain sa sagutang papel.

87 DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_8
DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_1

You might also like