You are on page 1of 20

89

Filipino 8
Ikatlong Markahan - Modyul 2

PAGLIKOM NG DATOS SA
PANANALIKSIK

NegOr_Q3_Filipino8_Module2_v2
Filipino – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan-Modyul 2: Paglikom ng Datos sa Pananaliksik
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Hermana M. Malagueňa


Editor: Ritchel Elnar, Roshelle G. Abella, Kendrick M. Kitane
Tagasuri: Jennie S. Jarabe, Maria Dina B. Jalisan, Marissa B. Cadorna,
Analiza F. Kadusale, Jershon T. Montaňo, Rustom R. Notato
Tagalapat: Wendell Calingacion
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis JD EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Renante A. Juanillo EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi
na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman
ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung
sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan

i
ALAMIN

Malugod kitang binabati dahil napagtagumpayan mo ang naunang aralin.


Ngayon iyong tatahakin ang mapanghamong gawain na may kinalaman sa
pananaliksik, ang pangangalap ng mga datos. Maituturing ito na pinakamabusisi
at pinakamalawak na gawain ng pananaliksik sapagkat kadikit nito ang
pangangalap ng mga datos.
Ang modyul na ito ay sadyang idinisenyo upang makaagapay sa sariling pag-
aaral at pagkatuto ng mga mag-aaral hinggil sa wastong pamamaraan sa
pangangalap ng datos bilang bahagi sa pagsasagawa ng pananaliksik.
Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na:
1. Naiuulat nang maayos at mabisa ang nalikom na datos sa pananaliksik.
F8PS lIla-c-30

MGA TIYAK NA LAYUNIN

Sa aralin na ito, inaasahan na ikaw ay:


1. Nakasusuri at nakakikilala ng mga pamamaraan ng paglikom ng mga datos
sa pagsasagawa ng isang pananaliksik;
2. Nakasusulat ng sariling interpretasyon batay sa ibinigay na datos; at
3. Nakabubuo ng sariling pagtitimbang-timbang sa kahalagahan ng paglikom
ng mga datos bilang bahagi sa pagsasagawa ng pananaliksik.

1 NegOr_Q3_Filipino8_Module2_v2
SUBUKIN

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat aytem sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong kuwaderno.

1. Ang tawag sa batayan at sanggunian ng pananaliksik ay __________.


A. interbyu B. datos C. pananaliksik D. proseso

2. Ano ang tawag sa isa sa mga popular na paraan sa pangangalap ng datos?


A. interbyu B. datos C. pananaliksik D. proseso

3. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa makaagham at sistematikong paraan


ng pangangalap ng datos?
A. interbyu B. datos C. pananaliksik D. proseso

4. Ang tawag sa ginagawang pag-eeksperimento ng mga nasa larangan ng


agham pangkalikasan ay _______.
A. pananaliksik sa larangan C. pananaliksik sa aklatan
B. pananaliksik sa laboratoryo D. pananaliksik na kontrolado

5. Paano isagawa ang paglalatag ng mga katanungang nais masagot hinggil sa


paksa?
A. pagtatanong C. pagsulat ng Journal
B. brainstorming D. emersiyon

6. Paano gawin ang pangangalap ng opinyon at katuwiran ng ibang tao?


A. pagtatanong C. pagsulat ng Journal
B. brainstorming D. obserbasyon

7. Magagawa ito sa pamamagitan ng sadyang paglalagay sa sarili sa isang


karanasan o pakikisalamuha sa isang grupo ng tao. Paano ito gawin?
A. pagtatanong C. pagsulat ng dyornal
B. brainstorming D. imersiyon

8. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagtatala ng mga mahalagang pangyayari


upang hindi makalimutan. Paano ito gawin?
A. pagtatanong C. pagsulat ng journal
B. brainstorming D. emersiyon

9. Paano gawin ang pagsubok ng isang bagay bago sumulat ng akda?


A. pagtatanong C. pag-eeksperimento
B. brainstorming D. obserbasyon

2 NegOr_Q3_Filipino8_Module2_v2
10. Paano ipinapakita ang pagmamasid ng mga bagay-bagay, tao o pangkat,
pangyayari, at mga katangian na kaugnay ng paksa?
A. pagtatanong C. pag-eeksperimento
B. brainstorming D. obserbasyon

11. Alin sa mga sumusunod ang paraan ng presentasyong naglalahad ng


patalatang pahayag upang ilarawan ang mga datos?
A. graph B. tabular C. tekstuwal D. pie graph

12. Kailan maituturing ang impormasyong nakalap bilang nakasulat na datos?


A. kung kapanahong saksi at may tuwirang kaugnayan ito sa pinag-aaralang
paksa.
B. kung mayroong limbag na dokumentong kaakibat nito.
C. kung parehong may A at B
D. lahat ng nabanggit

13. Ano ang tawag sa paraan ng presentasyong nagpapakita ng pagkakahatihati


o distribusyon ng isang kabuuan?
A. graph B. tabular C. tekstuwal D. pie graph

14. Ilan ang klasipikasyon ng mga datos?


A. 1 B. 2 C. 3 D. 4

15. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa pagpapasagot ng isang questionnaire


sa isang grupo ng mga respondent?
A. emersiyon B. pagsasarbey C. pakikipanayam D. interbyu

TUKLASIN

Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang maibigay ang hinihinging kasagutan
batay sa mga gabay na tanong.

SOTAD 1. Ito ay batayan at sanggunian sa pananaliksik.

YUBRETNI 2. Ito ay isa sa mga popular na paraan sa pangangalap ng datos.

SIKLIKNANAPA 3. Ito ay isang makaagham at sistematikong paraan ng


pangangalap ng mga datos.

3 NegOr_Q3_Filipino8_Module2_v2
SURIIN

Ang gawaing pampananaliksik ay sinasaklaw ng bahaging kaparaanan o


metodolohiya na tumutukoy sa mga lapit at pamamaraan sa pagtamo ng mga
inaasahang impormasyon o datos. Ang datos ay batayan at sanggunian sa isang
pananaliksik na isang makaagham at sistematikong paraan ng pangangalap ng
datos. Ang datos ay may dalawang klasipikasyon:

KLASIPIKASYON NG DATOS

1. Nakasulat o Hindi Nakasulat na Datos

Maituturing ang datos bilang nakasulat na datos kung mayroong limbag na


dokumentong kaakibat nito. Kabilang dito ang mga libro, dyornal, magasin,
pahayagan, liham, awtobiyograpiya, kronika, mapa, larawan, kalendaryo, at iba
pang kasulatan. Sa kabilang dako, ang mga hindi nakasulat na datos ay pasalitang
panitikan, sining audio-biswal, iba’t ibang labi, fossil, artifact, at iba pang katulad nito.

2. Primarya, Sekondarya, o Terserang datos

Maituturing na primarya ang datos kung ang impormasyong makukuha ay


galing mismo sa taong nakasaksi ng pangyayari. Kabilang dito ang pakikipanayam,
taalarawan atbp. Halimbawa nito ay ang mga interbyu ng mga mag-aaral na
nakaranas sa modyular na pamamaraan sa pagkatuto. Sekondarya naman ang
datos kung ang mga impormasyong ay naglalarawan, nagsasalin o nagsusuri ng
impormasyong mula sa primaryang sanggunian. Kabilang dito ang mga dyaryo,
libro, at pahayagan. Halimbawa nito ay ang mga ulat sa pahayagan. Terserang
datos naman ang turing sa mga sangguniang gumamit, nagtipon, at naglagom ng
mga primarya at sekondaryang datos. Halimbawa nito ang mga dokumentaryong
nabuo sa mga telebisyon tulad ng sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).

SAAN MAAARING MANGANGALAP NG DATOS?

Walang saysay ang pananaliksik kung wala itong sustansiya – nilalaman,


diwa, bigat at katatagan. Ang isang mahusay na pananaliksik ay nakabatay sa
ilalatag na mga datos. Kapag nakakuha ng datos at naihanay ito sa maayos na
paraan, hindi na maaring pagdudahan ang nilalaman at pamamaraan ng proseso sa
pagbuo ng pananaliksik.

4 NegOr_Q3_Filipino8_Module2_v2
Ang Datos ay batayan at sanggunian sa pananaliksik. Mahalagang bahagi ng
pananaliksik ang datos. Kung walang datos, walang susuriin o sasaliksikin.

May tatlong pangunahing pamamaraan sa pangangalap ng datos. Ang mga ito ay:

1. Pananaliksik sa laboratoryo
Tumutukoy ito sa ginagawang pag-eeksperimento ng mga nasa larangan ng
agham pangkalikasan. Ang datos ay nakukuha mula sa kahihinatnan ng
ginagawang eksperimento.

2. Pananaliksik sa aklatan o sa lugar na pinaglalagakan ng mga dokumento at


impormasyon
Tumutukoy ito sa pangangalap ng datos mula sa mga dokumento at
babasahing makikita sa aklatan, sinupan, internet, pribadong koleksiyon, simbahan,
munisipyo, museo, at iba pa. Mahalagang kasanayang dapat matamo ng isang
mananaliksik sa aklatan ang wastong paggamit ng card catalog (CC) o online public
access catalog (OPAC) sa paghahanap ng mga akda gamit ang titulo ng
publikasyon, pangalan ng may-akda, o kaugnay na paksa. Gayundin, dahil sa
pagunlad ng teknolohiya, marami na ring mga website ang masasangguni sa
mananaliksik.

3. Pananaliksik sa larangan
Tumutukoy ito sa mismong pagtungo sa pook ng pinag-aaralang paksa.
Mahalagang maisaalang-alang sa ganitong lapit ang pakikipagkapwa ng
mananaliksik sa kaniyang mga kalahok. Kongkretong manipestasyon nito ang bukal
na pakikipagkaibigan sa kalahok at hindi lamang para sa layuning makapangalap
ng impormasyon. Gayundin, esensiyal ang paggamit ng katutubong wika o diyalekto
sapagkat tanging sa taal na wika ng mga kalahok lamang nila maipa-hahayag ang
kaniyang ideya, damdamin, pananaw, at pag-uugali (Pe-Pua, 2005).

IBA’T IBANG ESTRATEHIYA SA PANGANGALAP NG MGA DATOS O


IMPORMASYON SA PANANALIKSIK
1. Pagbabasa at Pananaliksik

Magagawa ito sa pamamagitan ng pagkonsulta sa mga libro at iba pang mga


materyales.

2. Obserbasyon
Magagawa ito sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga bagay-bagay, tao o
pangkat, pangyayari, at mga katangian na kaugnay ng paksa.

5 NegOr_Q3_Filipino8_Module2_v2
3. Pakikipanayam o interbyu

Isa sa mga popular na paraan sa pangangalap ng datos ang pagsasagawa ng


interbyu. Sa biglang tingin, ang paraang ito ay hindi nangangailangan ng maraming
kagamitan—tanging recorder at sulatan lamang at ng komplikadong kasanayan
sa pakikipag-usap. Magagawa ito sa pamamagitan ng pakikipagpanayam sa mga
taong malaki ang karanasan at awtoridad sa paksang hinahanapan ng
impormasyon.

4. Pagtatanong o Questioning
Magagawa ito sa pamamagitan ng paglalatag ng mga katanungang nais
masagot hinggil sa paksa.

4. Pagsulat ng Dyornal
Magagawa ito sa pamamagitan ng pagtatala ng mga mahalagang pangyayari
upang hindi makalimutan.

6. Brainstorming
Magagawa ito sa pamamagitan ng pangangalap ng opinyon at katuwiran ng
ibang tao.

7. Pagsasarbey
Magagawa ito sa pamamagitan ng pagpapasagot ng isang questionnaire sa
isang grupo ng mga respondente.

8. Imersiyon
Magagawa ito sa pamamagitan ng sadyang paglalagay sa sarili sa isang
karanasan o pakikisalamuha sa isang grupo ng tao.

9. Pag-eeksperimento
Magagawa ito sa pamamagitan ng pagsubok ng isang bagay bago sumulat ng
akda.

10. Sounding-out friends


Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng isa-isang paglapit sa mga
kasambahay, kaibigan, kapitbahay, o kasama sa trabaho upang magsagawa ng
pakikipagtalastasan sa kanila hinggil sa isang paksa. Kalimitang ang usapan ay
maikli lamang at pormal.

6 NegOr_Q3_Filipino8_Module2_v2
PAG-UULAT NG MGA DATOS

Sa pag-uulat ng mga datos, kinakailangan ang paggawa ng isang presentasyon.


Sa pananaliksik, ang presentasyon ay tumutukoy sa proseso ng pagoorganisa ng mga
datos sa lohikal, sikwensyal, at makahulugang kategorya at klasipikasyon ayon sa
isinasagawang pag-aaral at interpretasyon. Tiyakin na lahat ng datos na nakalap ay
maingat na maitala. Ang maliit na pagkakamali ay makaaapekto sa tuklas ng
pananaliksik.

Narito ang ang mga paraan sa paglalahad ng mga datos batay kay Balauan (2021):

1. Tekstuwal na Presentasyon

Gumagamit ng patalatang pahayag upang ilarawan ang mga datos. Layunin


nitong maipokus ang antensyon sa ilang mahahalagang datos at upang
magsilbing suplement ng presentasyong tabular at grapikal. Kailangan nitong
taglayin ang mga sumusunod na katangian,

a. Kaisahan o pagkakaroon ng isang ideya sa loob ng talata


b. Kohirens o pagkakaugnay-ugnay ng mga bahagi sa loob ng talataan
c. Empasis o pagbibigay ng angkop at sapat na diin sa datos

Bukod sa tatlo, dapat din nitong taglayin ang mga sumusunod na katangian;

a. Malinaw

Ang mga pangungusap ay hindi malabo o hindi maaaring magbunga ng


iba’tibang interpretasyon

b. Tuwiran
Iwasang maging paliguy-ligoy ang mga pahayag.
Tandaang ang tekstuwal na presentasyon sa pananaliksik ay isang teknikal
nasulatin at hindi isang akdang literari o malikhain.

c. Maikli
Sa teknikal na pagsulat, ang pagpapaikli ng mga pahayag ay isang
pangangailangan.

d. Wasto ang balarila at gramatika


Kailangang maging maingat sa konstruksyon ng mga pangungusap, sa
pagbabaybay at sa paggamit ng mga bantas.

e. Lohikal
Kailangang lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan.

7 NegOr_Q3_Filipino8_Module2_v2
HALIMBAWA:

Noong taong 1990, tumaas ng dalawampung bahagdan (20%) ang bilang ng


mga turistang pumunta rito sa Pilipinas batay sa dami ng bilang ng mga dayuhang
turistang naitala ng Departamento ng Turismo noong 1986. Dalawampung
bahagdan (20%) din ang itinaas ng bilang ng mga turistang dumadayo sa Pilipinas
tuwing ikaapat na taon mula 1986 hanggang 1998.

2. Tabular na Presentasyon

Ginagamit ang isang istatistikal na talahanayan. Ang mga magkakaugnay na


datos ay inaayos nang sistematiko, bawat numerikal na datos ay itinatala sa ilalim
ng isang kolum at katapat ng isang hanay upang ipakita ang ugnayan ng mga
iyon sa isang tiyak, at nauunawang anyo.

HALIMBAWA:

Profayl ng mga Respondenteng Grade 8 Batay sa Kasarian

Kasarian Bilang ng Mag-aaral Porsyento (%)

Lalaki 96 45.07

Babae 117 54.93

Kabuuan 213 100.00

3. Bilog na grap (circle o pie graph)

Upang ipakita ang distribusyon, pagkakahati-hati o dibisyon, proporsyon,


alokasyon, bahagi o praksyon ng isang kabuuan. Ang kabuoang hinati-hati ay
maaaring katawanin ng isang simpleng bilog o di kaya ng multidimensyonal na
bilog na kahawig ng isang pie.

8 NegOr_Q3_Filipino8_Module2_v2
HALIMBAWA:

BADYET NG PAMILYA MALAGUEÑA

IPON
5%

IBANG GASTUSIN
10%
PAGKAIN
30%
MEDIKAL
10%

KURYENTE AT TUBIG
20%
EDUKASYON
25%

Huling Tagubilin:

• Kailangang sikaping maging malinaw at akyureyt ang presentasyon ng


mga datos na nakalap.
• Kailangang maging konsistent ang mga datos na inilalahad sa teksto at
sa talahanayan o grap.
• Kailangang gamitin ang kumbinasyon ng presentasyon sa pangangalap
ng datos.

Pamprosesong Tanong:
1. Para sa iyo, gaano kahalaga ang paglikom ng datos bilang bahagi sa
pagsasagawa ng pananaliksik?
2. Sa palagay mo, bakit kailangang maingat na maitala ang lahat ng datos
na nakalap?

9 NegOr_Q3_Filipino8_Module2_v2
PAGYAMANIN

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang datos na inilahad sa ibaba at sagutin ang
mga gabay na tanong.

Marami ang napinsala ng Bagyong Lucas. Nagdudulot ito ng malaking delubyo


sa bayan ng Capingping, Misamis Oriental. Sinasabing mahigit limang milyon ang
katumbas ng mga sakahan at ari-ariang tinangay ng baha dulot ng bagyo. Ayon pa
ng kanilang punong barangay na si Kapitan Kulas, maliban sa pinsala ay
nababahala siya sa mga kabaranggay niya na nabiktima ni Lucas. Dagdag niya, 100
ka tao pa ang kailangang ilikas upang makaiwas sa patuloy na pagguho ng mga
lupain, 105 ang nakatira sa mga baybayin at malapit sa ilog ang nangangailangan
ng agarang relokasyon, subalit walang kakayahan ang bayan nila para matugunan
ang pangangailangan. Aniya, mahigit 35 pa ang kasalukuyang hinahanap,78 ang
nasa ospital at 287 ang nasa ebakwesyon center.

May nagpaabot na ng mga tulong at kasalukuyan nang na bawasbawasan ang


sakit at perwesyong dulot ng bagyo. Ngunit patuloy pa rin si Kap. sa pagsigaw ng
“Tulong!” sa mga nakatataas na opisyal.
- mdbj
Mga gabay na tanong:

1. Tungkol saan ang datos na nakalap?


2. Paano inilahad ang datos na nakalap?
3. Bakit kailangang malinaw at maayos ang pagkakalahad ng datos?
4. Para sa iyo, ano ang pinakamadaling paraan ng paglalahad ng datos na
nakalap?

ISAISIP

Kumustangat ng iyong kaalaman sa pananaliks


Ang datos ay batayan at sanggunian sa
pananaliksik. Ito ay mahalagang bahagi ng
pananaliksik sapagkat kung walang datos walang
susuriin o sasaliksikin. Mahalagang matutuhan
ang tamang paraan ng pangangalap ng datos at
siguraduhing makatotohanan at may
pinagbabatayan.ng da ka ng isagawa ang
paglalapat.

10 NegOr_Q3_Filipino8_Module2_v2
ISAGAWA

Batay sa nalikom na datos sa bilog na grap, gumawa ng sariling interpretasyon


mula rito. Bumuo ng dalawa hanggang tatlong pangungusap lamang. Nasa ibaba
ng grap ang pormat kung paano ilalahad ang iyong interpretasyon. Isulat sa
kuwaderno ang iyong sagot. Para sa pagbibigay ng interpretasyon gawing batayan
ang rubrik na nasa ilalim ng pormat.

BADYET NG PAMILYA ENOLPE

IPON AT BIGLAANG
GASTUSIN
10%

UPA NG BAHAY
14% PAGKAIN
43%

KURYENTE AT TUBIG
12 %

EDUKASYON
21%

____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

11 NegOr_Q3_Filipino8_Module2_v2
Rubrik sa Pagwawasto ng Tugon

PAMANTAYAN LAGPAS PA NAKAMIT BAHAGYANG NANGANGA MARKA


SA ANG MGA NAKAMIT ILANGAN
INAASAHAN INAASAHAN ANG MGA PANG
(10) (9-7) INAASAHAN PAGSASANAY
(6-4) (3-1)

Nilalaman Mahusay na Mahusay ang Di-gaanong Hindi


mahusay pagkakala mahusay ang mahusay ang
ang had ng mga pagkakalah ad pagkakalah ad
pagkakalaha impormas ng mga ng mga
d ng mga yon at impormasy impormasy
impormasyo interpretas on at on at
n at yon. interpretasy interpretas yon.
interpretasy on.
on.
Kaisahan Angkop na Angkop ang Di-gaanong Hindi angkop
angkop ang interpretasy angkop ang ang
interpretasy ong batay sa interpretasyo interpretasy
ong batay inilahad na ng batay sa ong batay sa
sa inilahad datos. inilahad na inilahad na
na datos. datos. datos.

Kabuoan 30/30 puntos

TAYAHIN

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat aytem sa ibaba. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Paano isagawa ang pangangalap ng opinyon at katwiran ng ibang tao?


A. pagtatanong C. pagsulat ng dyornal
B. brainstorming D. emersiyon

2. Alin sa mga sumusunod ang paraan ng presentasyong nagpapakita ng


pagkakahati-hati o distribusyon ng isang kabuuan?
A. graph C. tekstuwal
B. tabular D. pie graph

3. Magagawa ito sa pamamagitan ng sadyang paglalagay sa sarili sa isang


karanasan o pakikisalamuha sa isang grupo ng tao. Paano ito gawin?
A. pagtatanong C. pagsulat ng dyornal
B. brainstorming D. imersiyon
12 NegOr_Q3_Filipino8_Module2_v2
4. Ano ang tawag sa paraan ng presentasyong naglalahad ng patalatang
pahayag upang ilarawan ang mga datos?
A. graph C. tekstuwal
B. tabular D. pie graph

5. Paano isagawa ang pagsubok ng isang bagay bago sumulat ng akda?


A. pagtatanong C. brainstorming
B. pag-eeksperimento D. obserbasyon

6. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga bagay-bagay, tao o


pangkat, pangyayari, at mga katangian na kaugnay ng paksa. Paano ito
isagawa?
A. pagtatanong C. brainstorming
B. pag-eeksperimento D. obserbasyon

7. Ano ang tawag sa isa-isang paglapit sa mga kasambahay, kaibigan,


kapitbahay, o kasama sa trabaho upang magsagawa ng pakikipagtalastasan
sa kanila hinggil sa isang paksa?
A. pagtatanong C. pagsulat ng journal
B. brainstorming D. sounding-out friends

8. Kailan maituturing ang impormasyong nakalap bilang nakasulat na datos?


A. kung kapanahong saksi at may tuwirang kaugnayan ito sa pinagaaralang
paksa.
B. kung mayroong limbag na dokumentong kaakibat nito.
C. kung parehong may A at B
D. lahat ng nabanggit

9. Ang tawag sa mismong pagtungo sa pook ng pinag-aaralang paksa ay ___.


A. pananaliksik sa larangan
B. pananaliksik sa laboratoryo
C. pangangalap ng datos
D. pananaliksik sa aklatan o sa lugar na pinaglalagakan ng mga
dokumento at impormasyon

10. Ilan ang klasipikasyon ng mga datos?


A. 1 B. 2 C. 3 D. 4

11. Ano ang tawag sa batayan at sanggunian ng pananaliksik?


A. datos B. pangangalap C.eksperimento D. laboratoryo

13 NegOr_Q3_Filipino8_Module2_v2
12. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa paraan ng presentasyong gumagamit
ng estadistikal na talahanayan?
A. graph C. tekstuwal
B. tabular D. pie graph

13. Ang tawag sa isa sa mga popular na paraan sa pangangalap ng datos ay ___.
A. interbyu B. datos C. pananaliksik D. proseso

14. Ang tawag sa makaagham at sistematikong paraan ng pangangalap ng datos


ay ___.
A. interbyu B. datos C. pananaliksik D. proseso

15. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa ginagawang pag-eeksperimento


ng mga nasa larangan ng agham pangkalikasan?
A. pananaliksik sa larangan C. pananaliksik sa aklatan
B. pananaliksik sa laboratory D. pananaliksik na kontrolado

KARAGDANG GAWAIN

Binabati kita! Mahusay mong nagampanan ang mga gawain. Ngayon


naman ang iyong pagkakataon para ibahagi ang iyong sariling refleksiyon tungkol
sa ating aralin.

Ang aking natutuhan sa aralin na ito ay ______________________________


______________________________________________________________
______________________________________________________________.

Aking napagtanto na _____________________________________________


______________________________________________________________
______________________________________________________________.

Gagamitin ko ito sa ______________________________________________


______________________________________________________________
______________________________________________________________.

14 NegOr_Q3_Filipino8_Module2_v2
SUSI SA PAGWAWASTO

15 NegOr_Q3_Filipino8_Module2_v2
MGA SANGGUNIAN

Ailene Baisa Julian, A. et al., 2015, Pinagyamang Pluma 8. Quezon City: Phoenix
Publishing Hause, Inc.

Bulauan, Karen. Klasipikasyon ng Datos: Posted last


January 2021. https://bit.ly/2Zgyun6.

Cabardo, Edwin. “Pagsulat ng Balita”. Last modified September 30, 2017.

ELCOMBLUS. Pananaliksik: Pangangalap ng Datos. Posted Last October 30, 2020.


https://bit.ly/37i9a4f.

Lucena, Rubelyn. Presentasyon ng mga Datos. Published last September 29. 2014.
https://bit.ly/3bh5VeV.

WorldPDFSlide. Presentasyon ng mga Datos. https://bit.ly/2ZkHasw.

Perez, Ella. Pangangalap ng Datos New. Posted last 2021. https://bit.ly/3jWeW0z

Taborada, Jonalyn. Iba’t Ibang Estratehiya ng pangangalap ng impormasyon.


Published on Jan 3, 2018. https://bit.ly/3d6jQa2.

16 NegOr_Q3_Filipino8_Module2_v2

You might also like