You are on page 1of 12

JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

IKAAPAT BUWANANG PAGSUSULIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
PEBRERO ___, 2020
Time Allotment: 40 mins

Name: ____________________________________________ Score: ______________________


(Last Name) (First Name) (M.I.)

LRN: _____________________ Section: __________________ Teacher: _______________________

Test A. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Piliin ang pinakawastong sagot at isulat ito sa
patlang.
______1. Anong isyung moral sa buhay ang tumutukoy sa pagpapalaglag at pag-alis ng isang fetus o sanggol na
hindi maaaring mabuhay sa pamamagitan ng kaniyang sarili sa labas ng bahay-bata ng ina?
a. Aborsiyon c. Euthanasia
b. Alkoholismo d. Pagpapatiwakal

______2. Isang mahalagang katanungan na kinapapalooban ng dalawa o higit pang mga panig o posisyon na
magkakasalungat at nangangailangan ng mapanuring pag-aaral upang malutas.
a. Balita c. Kontrobersiya
b. Isyu d. Opinyon
Basahin at unawaing mabuti ang talata. Sagutin ang aytem tatlo at apat ayon sa pagkauunawa mo nito.

The Lifeboat Exercise


Hango sa aklat ni William Kirkpatrick
Why Johnny Can’t Tell Right from Wrong: And What We Can Do About It (1992)

Sa isang klase, nagbigay ng sitwasyon ang guro upang mapag-isipan ng mga mag-aaral. Ayon sa kaniya, isang
barko ang nasiraan sa gitna ng karagatan at nanganganib nang lumubog. Dahil dito, ihinanda ng mga tauhan ng
barko ang mga lifeboat upang mailigtas ang mga pasahero. Ngunit limitado lamang ang bilang nito at hindi lahat ng
mga pasahero ay makagagamit nang sabay-sabay. Nangangahulugan ito na may maiiwan at di tiyak ang kanilang
kaligtasan. Nagbigay ang guro ng maikling paglalarawan ng mga nasa loob ng barko. Kabilang dito ang mag-asawa
at ang kanilang anak, accountant, manlalaro ng basketball, guro, doktor, inhinyero, artista, mang-aawit, pulis,
sundalo, isang batang Mongoloid, matandang babae, at marami pang iba. Mula sa nabanggit, dapat pumili ang mga
mag-aaral kung sino-sino ang mga sasakay sa lifeboat at ang mga maiiwan sa barko.

_______3. Sa pahayag na “Limitado lamang ang bilang ng mga lifeboat at hindi lahat ng mga pasahero ay
makagagamit nang sabay-sabay. Nangangahulugan na may maiiwan at di-tiyak ang kanilang kaligtasan,” ano ang
dapat na maging kaisipan ng taong may hawak ng lifeboat?
a. Mahalaga ang oras sa pagsagip lalo na kung nasa panganib.
b. Mahalaga ang kontribusyon ng mga tao sa lipunan sa pagpili ng sasagipin.
c. Mahalaga ang buhay anuman ang katayuan o kalagayan ng tao sa lipunan.
d. Mahalaga ang edad sa pagsasaalang-alang sa pagpili ng sasakay sa lifeboat.

_______4. Bakit hindi maituturing na mabuting halimbawa ang lifeboat exercise kung iuugnay
sa kasagraduhan ng buhay?
a. Dahil susi ito tungo sa mabuting pagtingin sa tunay na kahulugan ng buhay.
b. Dahil nagbibigay ito ng positibong pagtingin sa kasagraduhan ng buhay.
c. Dahil balakid ito upang mabawasan ang halaga ng pagtingin sa buhay.
d. Dahil daan ito upang maisantabi ang pagpapahalaga sa buhay.

_______5. Dahil sa isip at kilos-loob, inaasahan na ang tao ay makabubuo ng mabuti at matalinong posisyon sa
kanila ng iba’t ibang isyung moral na umiiral sa ating lipunan. Ang pangungusap na ito ay:
a. Tama, dahil ginagabayan ng isip ang kilos-loob tungo sa kabutihan.
b. Tama, sapagkat ang tao ay may isip na nagbibigay ng kakayahang gumawa, kumilos, pumili, at magmahal.
c. Mali, dahil ang tao ay malayang mamili at mamuno sa kaniyang paghusga, gawi, at kilos.
d. Mali, dahil ang tao ay may kakayahang hanapin, alamin, unawain, at ipaliwanag ang katotohanan sa kaniyang
paligid.
________6. Si Matteo ay mahilig sumama sa kaniyang mga kaibigan sa labas ng paaralan. Dahil dito,
naimpluwensiyahan at nagumon siya sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Hindi nagtagal, nakagagawa na siya
ng mga bagay na hindi inaasahan tulad ng pagnanakaw. Marami ang nalungkot sa kalagayan niya sapagkat lumaki
naman siyang mabuting bata. Ipaliwanag ang naging kaugnayan ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot sa isip at
kilos-loob ni Matteo at sa kaniyang maling pagpapasiya.
a. Ang isip ay nagiging “blank spot,” nahihirapang iproseso ang iba’t ibang impormasyon na dumadaloy dito – sanhi
ng maling kilos at pagpapasiya.
b. Ang isip ay nawalan ng kakayahang magproseso dahil na rin sa pag-abuso rito at di pag-ayon ng kilos-loob sa
pagpapasiya.
c. Ang isip at kilos-loob ay hindi nagtugma dahil sa kawalan ng pagpipigil at matalinong pag-iisip.
d. Ang isip at kilos-loob ay humina dahil sa maraming bagay na humahadlang sa paggawa nito ng kabutihan.

________7. Anong proseso ang isinasagawa sa modernong medisina upang wakasan ang buhay ng taong may
malubhang sakit na kailanman ay hindi na gagaling pa?
a. Suicide c. Euthanasia
b. Abortion d. Lethal injection

________8. Bakit pinakaangat ang tao sa ibang nilikhang may buhay?


a. Nilikha siyang may isip, kilos-loob, puso, kamay, at katawan na magagamit niya upang makamit niya ang
kaganapan bilang tao.
b. Taglay niya ang kakayahang piliin ang mabuti para sa sarili at sa ibang nilikha ayon sa Likas na Batas Moral.
c. May kakayahang hanapin, alamin, unawain, at ipaliwanag ang mga katotohanan at layunin ng mga bagay-bagay
sa kaniyang paligid.
d. May isip at kilos-loob na nagbibigay ng kakayahang kumilos, gumawa, at magpahalaga sa kaniyang sarili,
kapuwa, at iba pang nilikha.

________9. Ang sumusunod ay pisikal na epekto ng labis na pag-inom ng alak maliban sa:
a. Nagpapabagal ng isip c. Nagiging sanhi ng iba’t ibang sakit
b. Nagpapahina sa enerhiya d. Nababawasan ang kakayahan sa pakikipagkapuwa
________10. “May tamang oras ang lahat ng pangyayari sa ating buhay. Hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Sa
kabilang banda, hindi nararapat husgahan ang mga taong nagpatiwakal. Maaaring sila ay may pinagdaraanang
mabigat na suliranin at wala sa tamang pag-iisip (halimbawa, depresyon) sa oras na ginawa nila iyon.” Ano ang
mahalagang diwa ng isinasaad ng pahayag?
a. Ang buhay ay sadyang mahalaga anuman ang pinagdaraanan ng tao sa kaniyang kasalukuyang buhay.
b. May responsibilidad ang tao sa kaniyang sariling buhay.
c. Hindi sagot ang mga pinagdaraanang suliranin upang magpasiyang magpatiwakal.
d. Ang pag-asa ay magiging daan sa pagpapatuloy sa buhay gaano man kabigat ang pinagdaraanan.

________11. Alin sa mga sumusunod ang pinakamatibay na batayan ng katotohanan?


a. Likas na Batas na Moral c. pisikal na batas
b. Kalikasan ng tao d. batas trapiko
________12.Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng katotohanan?
c. Walang hanggan c. unibersal
d. Kultural d. local
________13. Alin sa mga sumusunod ang pinakamatinding epekto ng media sa tao?
a. Hinuhubog ng media ang kamalayan at pananaw ng tao
b. Naghahatid ng maraming impormasyon ang media
c. Iniimpluwensyahan ng media ang pagpapasya at pagkilos ng tao
d. Nagbibigay ng kasiyahan at paglilibang sa tao
________14. Ang mga sumusunod ay ilang salik na maaring makahadlang sa tao na matuklasan ang katotohanan
maliban sa

a. Limitado sa kaisipan ng tao


b. Maaring mabulag at madala ng emosyon ang tao
c. May likas na kakayahan ang tao na matuklasan ang katotohanan
d. ng katotohanan ay para sa iilan lang

_________15. Alin sa mga sumusunod ang higit na nagpapakita ng kolektibong pagkilos para sa pangangalaga sa
kalikasan?

a. Pagtatanim ng puno at halaman sa bakuran


b. Pagboboluntaryo para sa simpleng pamumuhay
c. Pakikibahagi sa tamang paghihiwalay at pag-recycle ng mga basura
d. Pagbibigay ng koleksyon sa komunidad
_________16. Ano ang pinakamainam na gawin kapag ikaw ay nalilito sa pagpapasyang moral?
a. Mangalap ng impormasyon
b. Suriin ang mabuti at masamang kahihinatnan ng impormasyon
c. Sumangguni sa iba pa upang magkaroon pa ng mas malinaw na pananaw
d. Takasan ang problema

__________17-20. Ibigay ang apat na mahalagang tungkulin ng kalikasan na ginagampanan.

____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

II. A. Ipaliwanag ang mga sitwasyon na kung saan mapapakita ang pagpapasyang moral sa loob lamang limang
pangungusap. (20 puntos)

1. Pinagyayabang at ipinagmamalaki ang magagandang nagagwa.


______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________.
2. Pagiging legal ng aborsiyon
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________.
3. Pagsasama bilang mag-asawa na hindi naman kasal
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
_____________________________.
4. Pagbebenta ng boto tuwing eleksyon
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________.

B. Ipaliwanag ang mga batas ukol sa pangangalaga ng Kalikasan sa loob lamang ng limang pangungusap. (20 puntos)
1. PD 1219 AT PD 1698 o ang “Coral Resources Development and Coservation Decree”
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________.

2. RA 8749 o “Philppiline Clean Air Act”


______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________.

3. RA 9275 o “Philippine Clean Water Act”

______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________.

4. PD 705 o “Revised Forestry Code”


______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________.

Test III.. Panuto: Basahin at timbangin ang sumusunod na mga pahayag. Lagyan ng tsek ang kahon ng S kung ikaw ay
sumasang-ayon sa pahayag, DS kung di-sumasang-ayon at DT kung di ka tiyak sa iyong palagay at saloobin. Malayang
magbigay ng sariling opinyon ayon sa pasiyang napili.
S DS DT
1. Ang sinuman ay may karapatan na
itago ang katotohanan.

2. Ang isang guro ay nagbigay ng mga special


assignment sa kaniyang mga mag-aaral upang
magamit sa tinatapos niyang term paper sa Masteral.
Tulong na rin para sa kaniya na mabawasan ang
hirap sa paggawa nito ngunit lingid ito sa kaalaman
ng mag-aaral niya.

3. Ang mga sensitibong usapin tulad ng pagbubunyag


ng mga lihim ay nararapat na pag-usapan nang
bukas, may paggalang, at pagmamalasakit sa
nagpapahayag nito.

4. Ang mga tagapagturo ay may moral na obligasyon


na ingatan ang mga dokumento tulad ng kanilang
academic records. Gayunpaman, maaari niya itong
ipakita sa mga magulang kahit pa walang pahintulot
sa anak nito.

5. Marapat na gawing pribado ang anumang pag-


uusap lalo na kung nakasalalay ang kapakanan ng
nakararami sa mga anomalyang nangyayari sa loob
ng samahan o organisasyon.

6. Ang pangangalaga sa kapaligiran ay mahalaga.

7. Ang kalikasan ay pinagkukunan ng iba’t ibang


pinagkukunang yaman.

8. Ang korupsiyon ay nangyayari rin sa sistemang


hudikatura ng isang bansa.

9. Ang korupsiyon ay nangyayari rin sa sistemang


hudikatura ng bansa.

10. Ang suhol ang akto ng pagbibigay ng salapi o


regalo na nagpapabago ng pag-aasalng
tumanggap nito.

GOOD LUCK AND GOD BLESS US ALL!


JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
IKAAPAT BUWANANG PAGSUSULIT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
PEBRERO ___, 2020
Time Allotment: 40 mins

Name: ____________________________________________ Score: ______________________


(Last Name) (First Name) (M.I.)

LRN: _____________________ Section: __________________ Teacher: _______________________

TEST 1 Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang tamang sagot sa
Patlang. (2 pts. each)
_______1. Maganda ang pagkakagawa ng mga bag na yari sa tetra pack ng juice ng pamilya nina Suzanne. Mabenta ang mga
ito lalo na yung mga bag na may iba’t ibang kulay at disenyo. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasabuhay o
nagpapakita sa kagalingan ng tao sa paggawa?
a. Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kanyang mga kakayahan
b. Nakagagawa ng paraan ang tao upang iangat ang kanyang pamumuhay
c. Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-sam sa mithiin ng lipunan
d. Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay
_______2. Inilunsad ng isang kilalang kumpanya ng softdrinks in can ang proyektong “Ang latang naitabi mo, panibagong
pamatid uhaw ang dala nito sa iyo” upang makaipon ng maraming lata na ido-donate sa Tahanang Walang Hagdan. Ang
programang ito ay tumutugon sa mga pagpapahalagang mayroon ang pagawaan o ang kumpanya sa paglikha ng isang
produktong may kalidad at nakikibahagi sa lipunan, lalo na sa mga may kapansanan. Kung ikaw ang lilikha ng produkto alin sa
mga sumusunod ang dapat mong isaalang-alang?
a. Gumawa ng produktong kikita ang tao
b. Gumawa ng produktong makatutulong sa tao
c. Gumawa ng produktong magpapabago sa buhay ng tao
d. Gumawa ng produktong ayon sa kalooban ng Diyos
_______3. Laging pagod si Katrina sa trabaho niya bilang tagaluto at tagahugas ng plato sa
pinapasukang karinderya pero hindi ito nagrereklamo at nagpapabaya sa kanyang
tungkulin. Paano isinasabuhay ni Katrina ang kagalingan niya sa paggawa?
a. Ginagawa niya nang may kahusayan ang kanyang tungkulin
b. May pagmamahal at pagtatangi siya sa kanyang katrabaho
c. Ang kaganapan nang kanyang pagiging mabuting manggagawa ay kaganapan ng
kanyang pangarap
d. Ang pagnanais na magkaroon ng karagdagang benepisyo sa trabahong ginagawa
_______4. Sa pagreretiro ni Mang Rene binigyan siya nang mga benepisyong hindi niya
inaasahan ng pabrikang kanyang pinaglingkuran ng mahigit sa 40 taon, bukod dito binigyan din siya nang plake ng pagkilala
bilang natatanging manggagawa ng pabrika. Ang pagtanggap ba nang benepisyo at pagkilala ni Mang Rene ay palatandaan ng
kagalingan niya sa paggawa?
a. Oo, sapat na basehan ang 40 na taon niyang paglilingkod
b. Hindi, binibigay talaga ang parangal at benepisyo sa isang manggagawa sa oras
na siya ay magretiro bilang bahagi nang kanyang karapatan bilang isang manggagawa
c. Oo, hindi ibibigay ng isang kumpanya ang pagkilala at benepisyo sa
manggagawang hindi nararapat bigyan o gawaran nito
d. Hindi, binigay lang ang parangal upang maging masaya si Mang Rene dahil sa edad na mayroon siya
_______5. Hindi natapos ni Baldo ang kanyang kolehiyo dahil sa hirap ng buhay. Sa kabila
nito siya ay matagumpay dahil sa negosyong kanyang itinayo at pinaunlad. Naging madali
ito para sa kanya dahil ito ay ayon sa kanyang gusto at hilig. Ano ang katangian ang
mayroon si Baldo?
a. Masipag, madiskarte at matalino
b. May pananampalataya, malikhain, may disiplina sa sarili
c. Maganda ang relasyon niya sa Diyos, may pagpapahalaga sa sarili, kapwa at bansa
d. May angking kasipagan, pagpupunyagi at tiwala sa sarili

_______6. Malapit na ang pasko, abala na ang mga gumagawa ng mga palamuti
dekorasyong siguradong mabenta. Ano ang magandang motibasyon na dapat isaalangalang nang gumagawa ng mga ito?
a. materyal na bagay at pagkilala ng lipunan
b. personal na kaligayan na makukuha mula dito
c. pag-unlad ng sarili, kapwa at bansa
d. kaloob at kagustuhan ng Diyos
_______7. Pinalitan ni Lesie ang nagretirong punong-guro ng kanilang paaralan. Marami ang
nagsasabing hindi niya kayang higitan ang kabutihang nagawa at tagumpay na narating ng huli. Alin sa mga sumusunod ang
dapat niyang linangin upang mapatunayan na siya ay
karapat-dapat sa posisyong ibinigay sa kanya?
a. Magpakumbaba at ipagpatuloy ang mga programang nasimulan ng dating
punongguro
b. Gamitin ang ganda, angking karisma, talino at kasipagan
c. Maging masipag, masigasig at malikhain sa pagsasabuhay nang kanyang trabaho
d. Sundin ang payo at gusto ng mga matatandang guro upang maging maganda ang
relasyon ng mga ito
_______8. Bata pa lang si Juan Daniel pinangarap na niyang maging isang guro tulad ng
kanyang mga magulang. Alin sa mga sumusunod ang dapat niyang isaalang-alang upang
maging madali sa kanya na upang maabot ang pangrap at sa huli’y magkaroon ng
kagalingan sa paggawa?
a. Maging masipag, magpunyagi at magkaroon ng disiplina sa sarili
b. Magkaroon ng sapat na kaalaman sa paghawak ng pera at paraan ng paggastos
c. Maging matalino, marunong magdala ng damit, magaling makipag-usap
d. Magkaroon ng kakayahang kontrolin ang sarili sa lahat ng pagkakataon
_______9. Hindi naging madali kay G. Sandy Javier ang pagpapaunlad ng Andok’s, sa kabila
nito napagtagumpayan pa rin niya ito. Paano kaya tinignan ni G. Javier ang pagkabigong
dinanas kaya ito nagtagumpay?
a. Itinuring niya itong hamon na kailangang malampasan
b. Pinag-aralan ang sitwasyon at pinag-isipan ang gagawing hakbang
c. Ang pagkabigo ay paraan ng pagsusulit sa kanya
d. Ang pagkadapa ay hindi senyales upang tuluyang malugmok
_______10. Maganda ang binitawang hamon ng Tagapagsalita sa mga mag-aaral na
magtatapos sa taong ito bilang susi upang maiangat ang sarili, pamilya, kapwa at bansa
sa kabuuan. Alin ang maaaring maging instrumento upang maisabuhay ito?
a. Gumawa ng produkto o gawaing para sa tao at sa Diyos
b. Gumawa ng produkto o gawaing na pagkakakitaan
c. Gumawa ng produkto o gawaing makatutulong sa tao at bansa
d. Gumawa ng produkto o gawaing magiging intsrumento ng kapayapaan
_______11. Ano ang inaasahan sa atin bilang tao sa lipunan na nilikha upang makipagkapwa at makibahagi sa buhay-sa-mundo
(lifeworld) na ang layunin ay makipag-ugnayan sa isa’t-isa at makipagtulungan?
a. makiangkop c. makipagsundo
b. makialam d. makipagsimpatya
_______12. Ito ang proseso ng pagpapaunlad, pagdaragdag at pagyakap sa makabagong pamamaraan upang higit na lumabas o
umigting ang kaalamang taglay ng isang indibidwal.
a. Paglinang b, kaisipan c. kasanayan d. responsible
_______13. Ano ang dalawang kakyahang taglay ng bawat tao na magagamit niya sa pagpapasiya at malayang pagsasakilos ng
kanyang pinili at ginusto nang may pananagutan ditto?
a. kagalingang mangatwiran at matalas na kaisipan
b. kahusayan sa pagsusuri at matalinong pag-iisip
c. kalinawan ng isip at masayang kalooban
d. kakayahang mag-isip at malayang likos-loob
_______14. Ano ang inaasahan sa atin bilang tao sa lipunan na nilikha upang makipagkapwa at makibahagi sa buhay-sa-mundo
(lifeworld) na ang layunin ay makipag-ugnayan sa isa’t-isa at makipagtulungan?
a. makiangkop c. makipagsundo
b. makialam d. makipagsimpatya
_______15. Ito ay bahagi na ng ating buhay.
a. Paggawa b. Pagluluto c. Cellphone d. Watawat

II. Magbigay ng mga kasabihan o talinghaga at isulat sa loob ng bawat puso. Ipaliwanag
ang bawat kasabihan sa di lalampas ng limang pangungusap. (10 pts. each)
_____________________________________ _____________________________________
_____________________________________ _____________________________________
_____________________________________ _____________________________________
_____________________________________ _____________________________________

_____________________________________ _____________________________________
_____________________________________ _____________________________________
_____________________________________ _____________________________________
_____________________________________ _____________________________________
III. Isaayos ang mga sumusunod na mga salita ayon sa iyong sariling pang-unawa. Itala ang mga positibong
mga salita sa kahon sa gawing kaliwa at mga negatibong salita sa kahon sag awing kanan.(2 pts. each)

Linangin tiwali pagkamakasarili makalat Compassion Pagpapaliban Pagbabalewala

Kasipagan Magtiwala Malasakit Katamaran Kalinga Pabaya Maling Hinala o hinuha

Masinop
POSITIBO NEGATIBO

God Bless Us All!

JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


IKAAPAT BUWANANG PAGSUSULIT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
PEBRERO ___, 2020
Time Allotment: 40 mins

Name: ____________________________________________ Score: ______________________


(Last Name) (First Name) (M.I.)

LRN: _____________________ Section: __________________ Teacher: _______________________

Panuto: Isulat ang malaking titik ng tamang sagot sa patlang bago ang numero. (2 pts. each)

______1. “Mas malala pa sa pagiging isang bulag ang may paningin ngunit walang tinatanaw na
kinabukasan?”Ano ang higit na malapit na pakahulugan ng pahayag ni Helen Keller;
A. Mahirap maging isang bulag
B. Ang kawalan ng pangarap ay mas masahol sa kawalan ng paningin
C. Hindi mabuti ang walang pangarap
D. Hindi garantiya ang pagkakaroon ng paningin sa pagtatagumpay sa buhay
______2. Ano ang kaibahan ng panaginip sa pangarap?
A. Ang panaginip ay natatapos din kung ikaw ay magising
B. Ang panaginip ay nangyayari lang sa isip habang natutulog
C. a at b
D. wala sa nabanggit
______3. Ano ang kaibahan ng pagpapantasya sa pangarap?
A. Ang pagpapantasya ay likha ng malikhaing isip
B. Ang pagpapantasya ay pananaginip ng gising
C. Ang pagpapantasya ay ginagawa ayon sa kagustuhan ng nagpapantasya
D. lahat ng nabanggit
______4. Ano ang kahulugan ng bokasyon?
A. Ang bokasyon ay higit sa trabaho o propesyon o negosyo
B. Ang bokasyon ay kalagayan o gawain na naayon sa plano ng Diyos sa atin
C. Ito ay tumutukoy sa mga gawaing hindi nangangailangan ng kapalit na sweldo o pasahod
D. lahat ng nabanggit
______5. Ito ay pinaka tunguhin o pinakapakay na iyong nais na marating o puntahan sa hinaharap
A. Pangarap B. Mithiin C. Panaginip D. Pantasya
______ 6. Anu-ano ang dalawang hangganan ng pagtatakda ng mithiin?
A. Pangmatagalan at Panghabambuhay
B. Pangmatagalan at Pangmadalian
C. Pangmadalian at Panghabambuhay
D. Pangngayon at Pangkinabukasan
______ 7. Alin ang halimbawa ng pangmatagalang mithiin?
A. Makapasa sa Licensure Exams for Teachers
B. Maging guro sa aming pamayanan
C. Makatapos ng pag-aaral
D. Maging iskolar ng bayan
_____8. Bakit mahalaga ang kakailanganing mithiin o enabling goals?
A. Nakatutulong ang mga ito upang makamit ang itinakdang pangmatagalang mithiin
B. Nakatutulong ito sa pagpapanatili ng tuon sa itinakdang mithiin
C. Napapabilis nitong makamit ang itinakdang mithiin
D. Wala sa mga nabanggit
_____ 9. Alin sa mga sumusunod ang hakbang sa pagtatakda ng mithiin?
A. Isulat ang iyong itinakdang mithiin at ilagay ito sa ilalim ng unan
B. Sabihin ang itinakdang mithiin sa mga kaibigan
C. Ipagpasa Diyos ang mga itinakdang mithiin
D. Isulat ang takdang-panahon sa pagtupad ng mithiin

_____10. Ang pakahulugan sa moral dilemma ayon kay Kohlberg “Ito ay mga sitwasyong nagpapahayag ng
dalawang magkasalungat na posisyon na kinapapalooban ng dalawang magkaiba o nagtutunggaling
pagpapahalaga. Ibig sabihin nito na:
A. Mahirap ang magpasya dahil ito ay nagiging sanhi ng pagtatalo ng isip tungkol sa mga iba’t ibang mga
posisyon.
B. Ang pagpapasiya ay nababatay sa ating mga pagpapahalaga.
C. Ang pagpapasya ay pagpili sa maraming pamimilian.
D. Madali lang magpasya kung alam natin ang sarili nating mga pagpapahalaga.
_____ 11. Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasiya. Ibig sabihin nito na:
A. Ang lahat ng kilos natin ay dumadaan sa isang mahabang proseso.
B. Ang lahat ng kilos natin ay ginagamitan ng proseso ng mabuting pagpapasiya.
C. Ang lahat ng ating kilos ay nababatay sa ating isip at kilos-looB.
D. Kailangang pinag-iisipang mabuti ang lahat ng ating kilos o ginagawa.
_____12. Paano maikukumpara sa chess ang proseso ng pagpapasya?
A. Mahirap laruin ang chess dahil ginagamitan din ito ng pag-iisip.
B. Kinakailangan ito ng panahon upang laruin.
C. Pinag-aaralan munang mabuti ang bawat galaw upang maging batayan ng gagawing tira.
D. Kailangang isaalang-alang dito ang iyong mga pagpapahalaga.
_____13. Karaniwan na ang mga linyang “Bigyan mo pa ako ng panahong makapagisip, “sa mga mahalagang
pagpapasiyang ginagawa. Ibig sabihin nito;
A. Mahalagang bahagi ng proseso ng pagpapasiya ang panahon
B. Kinakailangan ng mahabang panahon ang pagpapasiya.
C. Mahirap talaga ang gumawa ng pasya
D. Ang balangkas ng proseso ng pagpapasiya ay nakabatay sa panahon
_____14. Kahit na binigyan ng magandang pwesto sa kumpanya si Chit ng kanyang ama sa kanilang
kumpanya, pinili pa rin nito ang magtayo ng sariling negosyo. Ito ang tunay na nagpapasaya sa kanya.
A. Nakakahiya namang mabansagang COO o Child of Owner sa isang kumpanya bagama’t ikaw ay mahusay
na CEO.
B. Kinakailangan ding isaalang-alang ang damdamin sa paggawa ng pasya.
C. Mas mahalaga na masaya ang tao sapagkat maikli lamang ang buhay.
D. Mahalaga kay Chit ang kanyang pansariling kaligayahan.
_____15. Kung nananatili sa iyo ang agam-agam dahil mayroon ka ring pakiramdam na maaari kang magsisi
sa iyong pasiya, kailangan mong…
A. Pag-aralan muli ang iyong pasiya na may kalakip na panalangin at mas ibayong pagsusuri.
B. Huwag mag-agam-agam dahil hindi ka makakikilos hanggang hindi ka nakapipili.
C. Gawin na lamang kung ano ang magpapasiya sa iyo.
D. Gawin na lamang ang magpapasiya sa mas nakararami.
_____16. Ang higher good ay tumutukoy sa:
A. Kagandahang loob sa bawa’t isa
B. Kabutihang panlahat
C. Ikabubuti ng mas nakararami
D. Ikabubuti ng mga mahal sa buhay
_____17. Ito ay preperensya sa mga partikular na uri ng gawain. Ito ang naggaganyak sa iyo na kumilos at
gumawa.
A. Hilig B. Pagpapahalaga C. Kakayahan D. Mithiin
_____18. Sa kabilang banda, ito ay kalakasan (“power” o mas akma, “intellectual power”) upang makagawa ng
isang pambihirang bagay tulad sa musika o sa sining. Ito ay likas o tinataglay ng tao dahil na rin sa kanyang
intellect o kakayahang magisip.
A. Hilig B. Pagpapahalaga C. Kakayahan D. Mithiin
_____19. Siyang nagiging dahilan upang ang isang bagay o ideya ay maging kanais-nais, kaiga-igaya,
kahanga-hanga o kapaki-pakinabang. Mga motibo upang piliin ang isang hakbangin o pasya. (Hall, 1973)
A. Hilig B. Pagpapahalaga C. Kakayahan D. Mithiin
_____20. Ito ay ang pinakatunguhin o pinakapakay ng iyong nais na marating o puntahan sa hinaharap. Sa
simpleng salita, ito ang nais mong mangyari sa iyong buhay sa hinaharap.
A. Hilig B. Pagpapahalaga C. Kakayahan D. Mithiin
_____21. Isa sa mga hakbang sa pagtatakda ng mithiin ang pagkakaroon ng tuon sa nais nating maabot, may
kasiguruhan at pinag-isipan.
A. Tiyak o Specific B. Nasusukat o Measurable C. Naabot o Attainable D. Angkop o Relevant
_____22. Si Lara Faye ay isang medical sales representative sa isang malaking kumpanya ng gamot. Siya ay
nagtapos ng medisina sa isang kilalang pamantasan sa Maynila.
A. job market B. labor market information C. job mismatch D. referral

_____23. Matagal nang nagtratrabaho si Auring sa pagawaan ng payong. Sa katunayan siya ngayon ay isa
nang tagapangasiwa roon. Nagsimula siya bilang isang manggagawa sa assembly line bagama’t siya noo’y isa
nang lisensiyadong guro.
A. job market B. labor market information C. job mismatch D. referral
_____24. Nakatira si Mang Juan sa isang kariton sa kanto ng Aurora Boulevard at St. Michael Street. Naisanla
nito ang lupang sinasaka nang magkasakit ang asawa at kinailangang lumuwas ng Maynila upang
magtrabaho. Mag-iisang taon nang namumulot ng basura si Mang Juan para kumita at makaipon upang
muling makabalik ng probinsya.
A. job market B. labor market information C. job mismatch D. referral
_____25. Maraming mga trabahong nakalathala ngayon sa peryodiko ang wala pa sa listahan ng mga trabaho
noong dekada 90.
A. job market B. labor market information C. job mismatch D. referral
_____26. Isa sa mga in-demand na trabaho ngayon ang mga may kaugnayan sa cyberservices.
A. job market B. labor market information C. job mismatch D. referral
_____27. Ang liham ni Rizal sa mga kababaihan ng Malolos ay isang pagpapahayag ng ang kanyang papuri at
paggalang sa katapangang ipinamalas ng mga ito sa pagsusulong ng karapatan sa edukasyon.
Nagpapahayag ito ng kanyang damdamin tungkol sa halaga:
A. ng mga kababaihan sa pagpapaunlad ng lipunan B. ng pag-aaral maging para sa mga
kababaihan
C. na ipaglaban ang karapatan sa edukasyon D. ng mga kababaihan sa pagtataguyod ng
edukasyon
_____28. Ang pahayag na, “Mahalagang papel ang ginagampanan ng edukasyon sa pagtatagumpay nina
Rocell Ambubuyog, Cecilio K. Pedro, at Diosdado Banatao,” ay tama dahil
A. Tama, lahat sila ay nagtapos ng kurso sa kolehiyo. B. Tama, lahat sila ay patuloy na nag-aaral
at nagsasanay.
C. Tama, lahat sila ay dating mahihirap na naiangat ang katayuan sa buhay D. Lahat ng
nabanggit
_____29. Ang kahulugan ng pahayag na, “paligsahan ang merkado sa paggawa o job market” ay:
A. Maraming pare-parehong kasanayan ang nagpapaligsahan sa iilang trabaho
B. Ang mga trabaho at ang katumbas na pasahod sa mga ito ay nakadepende sa antas ng pangangailangan
ng mga kumpanya para sa kasanayang ito at ang bilang ng mga mayroong ganitong kasanayan.
C. Maraming mga bagong job titles o trabaho sa ngayon ang walang katapat na manggagawang may
kasanayan para dito.
D. Depende sa kasanayan at kwalipikasyon ng mga manggagawa ang pasahod dito.
_____30. Isang halimbawa ng highly skilled worker ang inihinyero sapagkat…
A. siya ang nagbubuo ng mga bahagi ng produkto sa isang industriya
B. siya ang gumagawa ng balangkas at nag-iisip ng mga kailangang sangkap at disenyo ng produkto
C. malaki ang pasahod sa kanya ng kumpanya
_____31. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na “Ang taong may pormal na edukasyon ay higit na may
kakayahang magtamasa pa ng higit na kaalaman at maging isang highly skilled na manggagawa.
A. Ang taong nakatapos ng kolehiyo ay maaaring mag-aral pa ng ibang kurso o kaya’y magtamo pa ng mas
mataas na titulo.
B. Ang taong may pormal na pag-aaral ay mas madaling makaunawa at makagawa ng tamang pagpapasya.
C. Ang taong hindi marunong bumasa at sumulat ay wala nang pag-asang umasenso.
D. Ang isang taong hindi marunong bumasa o sumulat ay walang kakayahan upang matanggap ang mga
kaalaman at impormasyong pinalalaganap sa buong mundo sa pamamagitan ng edukasyon.
_____32. Ano ang buod ng talata:
Itinuturo sa haiskul ang kahalagahan ng kalinisan at pangangalaga sa kapaligiran. Sina Juan at Lynn
ay kapwa mag-aaral sa haiskul kung kaya’t sinisikap nilang pangalagaan ang kalinisan ng kanilang kapaligiran.
Karamihan ng mga kabataan sa kanilang baranggay ay tumigil na ng pag-aaral. Marami rin sa mga matatanda
dito ang no read, no write. Marami sa kanila ang nagtatapon ng mga basura kung saan-saan lamang. Madalas
na mayroong nagkakasakit sa kanilang baranggay. Isa si Juan sa mga malubhang nagkasakit bunga ng
maruming kapaligiran.
A. Mas maraming hindi nangangalaga sa kanilang kapaligiran sa baranggay nila Juan.
B. Hindi lang ang mga hindi nakapag-aral ang nagdurusa sa kasalatang bunga ng kawalan ng edukasyon.
C. Walang pagkakaisa ang mga tao sa kanilang baranggay.
D. Hindi nagpapatupad ng proyektong kaugnay sa pangangalaga sa kapaligiran ang pamahalaan ng barangay
_____33. Ano ang makatwirang aksyon ang maaring gawin ni Juan o Lynn sa aytem 33, bilang isang mag-
aaral ano ang pangmatagalang solusyon na maaari mong gawin upang matulungan ang iyong baranggay?
A. Mamamahagi ng polyetos na nagsasaad ng mga hakbang sa pangangalaga sa kapaligiran
B. Maghahain ng petisyon sa barangay upang magkaroon ng proyektong mangangalaga sa kapaligiran
C. Hihimukin ang mga kapwa kabataan na bumalik sa paaralan
D. Wala kang magagawa sapagkat ikaw ay mag-aral lang sa haiskul

_____34. Sa survey ng Filipino Youth Study noong 2001, lumalabas na malayo pa rin ang mga Pilipino sa
ideya ng EDCOM ng isang Pilipinong may sapat na edukasyon. Karamihan ng mga kabataan (65%) ang hindi
sumasali o nakikilahok sa mga gawaing pansibika o pangkomunidad. Ibig nitong ipakahulugan na:
A. Walang pagmamahal sa bayan ang mga kabatang Pilipino.
B. Katangian ng Pilipinong may sapat na edukasyon ang pakikilahok sa mga gawaing pansibika at
papampamayanan.
C. Indikasyon ng pag-aaral sa kolehiyo ang pagiging makabansa.
D. Karamihan ng mga kabataang Pilipino ay walang pinag-aralan.
_____35. Ang inyong lugar ay palaging dinadaanan ng bagyo.ubos na ang mga pananim at nakakaranas na
ng tag gutom ang mga naninirahan ditto.Ano ang maitutulong mo sa kanila?
A. Hindi mo sila papansinin kasi marami naman kayong pambili ng pagkain
B. Ibibigay mo sa kanila ang lahat ng pag kain at pera mo
C.Tatawanan mo sila dahil sila ay nagugutom na
D.Tutulungan mo sila at ipagdarasal na sana ay matapos na ang dumating na paghihirap na ito
_____36.Inaaanyayahan ang lahat sa parokya ninyo na sumali sa prusisyon ng Santa Maria.nagkataong hindi
ka katoliko.Ano ang nararapat mog gawin?
A.Hindi ka sasali ngunit igagalang moa ng pananampalataya nila
B.Hindi mo na lamang papansinin ang paanyaya.
C.Kukutyain mo ang mga katoliko sa kanilang pananampalataya
D.Makikilahok ka sa prusisyon alang-alang sa pakikisama sa barangay
_____37.Pinag-aaralang awitin ni Dea ang kantang pangsimbahan na kanyang narinig pagkagaling niya sa
pagsimba.Hindi mo nagugustuhan ang kanyang ginagawa sapagkat naiingayan ka at nalilito ka sa iyong
pinapanood na pelikula.Ano ang gagawin mo?
A.Pagagalitan mo siya sapagkat naiingayan ka
B.Sasabihin sa kanya na sa kanyang silid-tulugan mag-aral ng pa-awit upang magkaroon pareho sila
ng konsentrasyon
C.Sisigawan siya at palalayasin
D.Tatawanan mo siya sapagkat hindi maganda sa pandinig mo ang kanyang boses
_____38.Kasama mo sapag sisimba ang kapatid mong maliit.habang nagmimisa ang pari ay nakita mong
naglalaro lamang ang kapatid mo sa loob ng simbahan.Alin sa mga sumusunod ang nararapat mong gawin.
A.Ipagpapatuloy ang pakikinig sa pari
B.Hahayaan mong maglaro ang iyong kapatid
C.Magagalit ka at sisigawan mo ang kapatid mong naglalaro
D.Pasimple kang lalapit sa kapatid mo at sasabihin mo makinig muna sa pari at pagdating na sa
bahay maglaro
_____39.Si Jonases ay isa manlalaro ng sipa sa kanilang paaralan at palagi silang nanalo sa kanilang
distrito.Isang araw habang sila ay naglalaro,nakita niya na sadyang binagga ng kanilang ka-team si
Peter.Nadapa ito at napasubsob.Tamang-tamang siya ang sisipa at mananalo sila ngunit sa halip,tinulungan
niya si Peter na siyang kinatalo ng kanilang team.Anong katangian ang pinamalas ni Jonases na siyang
pagkakataong ito?
A.Pagiging isport
B.Pagiging mapagmahal sa kapwa
C.Pagiging patas
D.Lahat ay maaaring maging sagot
_____40.Nagpabili ang kapatid mo sa nanay mo ng bagong sapatos dahil luma na ito.Alam mong walang pera
ang iyong nanay.may pera kang naipon.Ibinigay mo kaagad sa iyong kapatid ang pera mo at nang makabili
siya.Ikw ay __________.
A.Mapapagkatiwalaan C.Matulungin
B.Matipid D.Palakaibigan
_____41.Matalik na kaibigan ni Rex si Jec.Sa tuwing magkakaroon sila ng pangkatang gawain,nais ni Rex na
desisyon lamang niya ang dapat masunod.Bilang kaibigan,paano papayuhan ni Jeric si Rex?
A.Mahinahong kakausapin ang kaibigan at sasabihin na pakinggan ang opinion ng lahat.
B.Pagagalitan siya at sasabihin na siya na lamang ang gumawa ng gawain
C.Sasabihin na lilipat na lamang sila sa ibang pangkat.
D.Sasabihan na huwag na lamang pagawain ang pangkat
_____42.Nag-away ang iyong kamag-aral dahil nais ng isa na huwag pahiramin ng aklat ang ibang mag-aaral
sa kabilang pangkat.Ano ang dapat mong gawin?
A.Hayaan na lamang silang mag –away
B.Huwag silang pansinin
C.Panonoorin na lamang ang mangyayari sa kanila
D.Pagsabihan sila sa kanilang ginagawa at sabihin na masama ang pagdadamot sa kapwa.

_____43.Ikaw ay panganay sa apat na magkakapatid.Alam mo na kapos kayo sa araw-araw na gastusin at


walang hanapbuhay ang iyong mga magulang.Dahil dito , nais na ng mga kapatid mon a huminto na sa pag–
aaral.Ano ang maari mong maging desisyon?
A.Ako na lamang ang hihinto sa pag-aaral
B.Bilang nakakatanda sasabihin ko sa kanila ang halaga ng edukasyon
C.Hahayaan ko na lamang silang huminto sap ag-aaral
D.Uutusan ko sina nanay at tatay na maghanapbuhay para kami ay makapag-aral.
_____44.Oras ng recess,nakita moa ng iyong kamag-aral na walang baong pera o pagkain.Ikaw ay
pinabaunan ng dalawang tinapay ng iyong ina.Ano ang gagawin mo?
A.Ibibigay ang isa sa iyong kamag-aral
B.Huwag na lamang siyang pansinin
C.Kakainin ang dalawang tinapay upang mabusog ka
D.Sabihin sa guro na walang baon ang is among kamag-aral
_____45.Umuulan at naglalakad ka sa kalye.Nasalubong mo ng isang batang basing-basa sa ulan at mukhang
nanginginig sa sobrang lamig.Ano ang nararapat mong gawin?
A.Ihahatid mo ang bata sa isang masisilungan kahit na maabala ka sa pag-uwi.
B.Ipahihiram mo sa kanya ang iyong paying
C.Huhubarin moa ng iyong kamiseta at ibibigay sa kanya
D.Panonoorin mo ang kanyang panginginig sa lamig at tatawanan siya.
_____46.Kaibigan mong matalik si Jose at batid moa ng kanyang mga suliranin sa mga magulang.Binalak
niyang maglayas.Bilang isang matapat na kaibigan ,paano mo siya papayuhan?
A.Alam mong ito ay ikapapahamak niya kaya’t pipigilan mo
B.Isusumbong mo siya sa kanyang mga kapatid at kaibigan
C. Isusumbong mo siya sa kanyang mga magulang
D.Sasang-ayunan mo siya sa kanyang binabalak
_____47.Tuwing sasapit ang Pasko ay nakaugalian nang magbigay ng aguinaldo ang mag asawang mayaman
na sina G at Gng.Ramirez sa mga pulubing nakikita sa lansangan.Sa iyong palagay,tama ba ang kanilang
ginagawa?
A.Hindi,ang Pasko ay para lamang sa mga may kaya at kilalang tao
B.Hindi,sapagkat ang pagtulong sa kapwa ay hindi lamang dapat sa araw ng Pasko ginagawa kundi
kahit ano pang araw.
C.Oo dahil pasko naman
D.Oo,para naman makita ng tao na sila ay matulungin
_____48.Nakita mo si Ludegario na habang pauwi ng bahay ay tumatakbo.Nadapa siya.Nagkaroon siya ng
maliit na gasgas sa tuhod.Alin sa mga sumusunod ang nararapat mong gawin?
A.Dalhin siya sa ospital
B.Hindi siya papansinin
C.Pagtawanan siya
D.Tutulungan siyang linisin at gamutin ang sugat kahit maliit lamang ito
_____49.Ang pamilya nina Dr.Julita Ilagan ay laging sumisimba tuwing araw ng Linggo at mga pistang
pangilin.Hindi nila nalilimutan ang magpasalamat sa Diyos sa tuwi-tuwina.Ang pamilyang ito ay________
A.Makabansa C.Maka-Diyos
B.Makakalikasan D.Makatao
_____50. Sa mga sumusunod na salitang nakalimbag, ano dito ang mabuting gawain?
A.Tumulong sa kapwa C. Magbahagi ng biyaya sa mga kakilala
B.Makibaka sa agos ng buhay D. Mag-aral mabuti para sa sariling kapakanan

God bless us all!

You might also like