You are on page 1of 44

ST.

SEBASTIAN INTERNATIONAL SCHOOL Negros GRADE 10


occidental, inc. 2nd Quarter
Tindalo Avenue, Capitol Shopping, Bacolod City TERM
S.Y 2022-2023
Tel. Nos. (034) 461-7021 / (034) 703-3980
SSISBcd@gmail.com SUBJECT FILIPINO 10
SSIS Bacolod
SSIS Bacolod Mitolohiya
TOPIC Pele, ang Diyosa ng Apoy at
Bulkan
Prepared
COURSE NOTES 8 Bb. Trisha Marie M. De Vera, LPT
by:
Junior High Department
Teacher: Bb. Sandra P. Binatero, LPT

I. Pagtatanaw!

 Tukuyin ang mga mahahalagang pangyayari sa nabasang mitolohiya;


 Isulat ang sariling saloobin at karanasan tungkol sa mga mahahalagang tanong galing sa
mitolohiyang nabasa; at
 Lumikha ng simpleng kasabihan galing sa mga natutunan mula sa mitolohiyang binasa.

II. Pagtuklas!

ALAM MO BA?
Ang Hawaii ay ang ikalimampu at pinakahuling estado ng Amerika na naitatag noong Agosto 21, 1959.
Ito ay binubuo ng walong malalaking islang tinitirhan ng mga tao at 124 na mas maliliit na islang walang
naninirahan. Ito rin ay nahahati sa apat na lungsod ng Honolulu, Kauai, Maui, at Isla ng Hawaii na
tinatawag ding “the Big Island.” Ang isla ay pinaniniwalaang nabuo dahil sa pagsabog ng Mauna Loa nang
dahil sa pag-aaway ng magkapatid ng diyosang sina Namaka at Pele, mga pangunahing tauhan ng babasahin
mong mitolohiya.

Marami pang kuntil-butil na kaalaman ang malalaman mo ukol sa estado ng Hawaii tulad ng sumusunod:
 Ito ang kaisa-isang estado ng Amerika na may maulang kagubatan o tropical rainforest. Ito rin
ang kaisa-isang estadong nagtatanim ng kape, cacao, at vanilla beans.
 Ang Isla ng Hawaii na kilala ring "the Big Island" at sinasabing tahanan ni Diyosang Pele ay
nadadagdagan ng 16 na ektaryang lupa taon-taon, dahil sa patuloy na pagsabog ng Bulkang
Kīlauea. Ang bulkang ito ay tatlumpung taon nang patuloy na sumasabog.
 Walang makikitang billboard sa Hawaii dahil may batas silang nagbabawal nito. Ang tatlo pang
estado sa Amerika na nagbabawal din sa paglalagay ng billboard ay ang Alaska, Maine, at
Vermont.
 Alam mo ba kung ano pang bagay ang wala sa Hawaii? Ang tunog ng busina. Karaniwang
mabagal ang takbo ng buhay sa isla na tinatawag nilang aloba lifestyle kaya't hindi nila
kailangang magmadali sa pagmamaneho. Dahil dito'y hindi na nila kailangang bumusina. At
dahil nga isang isla sa gitna ng malawak na karagatan, wala ring mga dayuhang sasakyang
makikita rito kaya napananatili nila ang nakagawiang paraan ng pagmamaneho.
 Huwag na huwag kang susubok tumawid sa maling tawiran o tumawid kung naka-berde pa ang
ilaw trapiko kapag ikaw ay nasa Hawaii. Kung hindi, maghanda ka na ng $130 na multa dahil
mahigpit nilang ipinatutupad ang No Jaywalking" sa islang ito.
Ang isa pang wala sa isla ng Hawaii ay ang ahas kaya't ligtas maglakad-lakad maging sa kanilang kagubatan.
Ang dahilan dito ayon sa Discover.com ay ang kinalalagyan ng Hawaii na nasa kalagitnaan ng Karagatang
Pasipiko kaya't ang tanging paraan para maabot ito ng mga hayop ay kung lalangoy o lilipad sila patungo rito.
Mula sa: http://www.huffingtonpost.com/2014/04/18/things that are absent in hawaii n_5149294.html

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 1
III. Pagtatalakay

Mitolohiya

Ang salitang mito


kung saan hinango ang salitang mitolohiya ay mula sa salitang Griyegong mythos na unang
nangahulugang “talumpati” subalit sa katagalan ay nangahulugang "pabula" o "alamat." Ang
mitolohiya ay mga sinaunang kuwentong may kaugnayan sa paniniwala o pananampalataya at
nagtataglay ng tauhang karaniwang diyos o diyosa na may kapangyarihang hindi taglay ng
pangkaraniwang mortal. Sa katagalan ay nangahulugang "pabula" o "alamat." Ang mitolohiya ay mga
sinaunang kuwentong may kaugnayan sa paniniwala o pananampalataya at nagtataglay ng tauhang
karaniwang diyos o diyosa na may kapangyarihang hindi taglay ng pangkaraniwang mortal.
Ang mitolohiya ay naglalayong magbigay-paliwanag sa mga bagay na mahirap ipaliwanag
dahil hindi pangkaraniwang nangyayari sa mundo at sa lipunan. Sa mitolohiya, kitang-kita ang
pagiging likhang-isip lamang ng mga kababalaghang taglay nito subalit marami pa rin ang
naniniwalang tunay nga itong nangyari lalo na sa lugar kung saan nangyari ang nasabing mito. Ang
isang dahilan sa ganitong paniniwala ay dahil sa mga mitolohiyang nakasalig sa mga totoong
pangyayari sa kasaysayan. Dahil dito'y naging mahirap nang maihiwalay ang katotohanan sa likhang-
isip lamang lalo pa't ang karamihan sa mitolohiya ay nagpasalin-salin lamang sa bibig ng iba't ibang
henerasyon kaya naman madaling mabawasan o madagdagan ang mga pangyayari depende sa
layunin o katauhan ng nagkukuwento.
Kapag binanggit ang salitang mito libya ay agad pumapasok sa isipan ng tao ang Mitolohiyang
Griyego dahil sa pagiging tanyag ng mga ito sa buong mundo. Gayumpama'y marapat maipabatid at
mabigyang-diing mayroon ding mitolohiya o koleksiyon ng mitolohiya ang iba't ibang lahi sa mundo.
Maaari itong mapangkat ayon sa koleksiyon tulad ng Mitolohiyang Egyptian, Mitolohiyang Indian,
Mitolohiyang Maori, at Mitolohiyang Griyego. Maaari din itong mauri ayon sa kung saang lokasyong
pangheograpiya ito umusbong tulad ng Mitolohiyang Kanluranin, Mitolohiyang Silanganin, at
Mitolohiyang Aprikan.
Ang atin mang bansang Pilipinas ay mayroon ding mitolohiyang taglay Tulad ng mga diyos at
diyosa ng mga mitolohiya ng ibang lahi, ang ating sariling mitolohiya ay may mga diyos at diyosa ring
tulad ni Bathala, ang pinakamakapangyarihang diyos, si. Idionale, diyos ng mabuting pagsasaka; si
Apolaki, diyos ng digmaan, paglalakbay, at pangangalakal: si Mayari, ang diyosa ng buwan; si
Agawe, ang diyos ng tubig si Hanan, diyos ng mabuting pag aani si Tala. diyosa ng pang-umagang
bituin, at marami pang iba.

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 2
Taglay rin ng ating mitolohiya ang iba't ibang mitikal at mahiwagang mga tauhan tulad ng
tiyanak, diwata, aswang, duwende, engkanto, mambabarang, mangkukulam, nuno, kapre, tikbalang,
engkanto, tiktik, at iba pa. Bukod sa mga ito'y may mga kilaláng tauhan din sa ating mitolohiya tulad
nina Malakas at Maganda, Mariang Makiling, at iba pa. Ang mitolohiya ay nilikha nang dahil sa iba't
ibang kadahilanan subalit ang ilan sa pinakamagandang dahilan ng pagbabasa sa mga ito ay upang
tayo'y maaliw sa magandang kuwento, mamangha sa mga taglay nitong hiwaga, matuto sa mga
taglay na mabubuting aral sa buhay, at mapalawig pa ang imahinasyon sa mga pangyayaring kakaiba
kaysa sa pangkaraniwan.

Si Pele, Ang Diyosa ng Apoy at Bulkan

Noong una'y pílit inaayos ng magulang ang alitang ito. Katunayan, ninais nilang maging isa ring
diyosa ng tubig si Pele tulad ng kapatid na si Namaka. Inaakala nilang makatutulong ito upang
magkasundo ang magkapatid subalit hindi ito natupad sapagkat nang nadiskubre ni Pele ang apoy sa
kailaliman ng lupa, labis siyang naakit at wala nang sinumang magkapaglalayo sa kanya at sa apoy.
“Napakaganda ng apoy, Ina. Bakit ba ninyo akó pilit inilalayo rito?" ang madalas niyang
sabihin sa ina kapag nahuhuli siyang nakikipaglaro sa apoy.
"Mapanganib iyan sa iyo at sa iyong mga kapatid," ang paalala naman ng kanilang ina subalit
hindi nito nabago ang pagkaakit ni Pele sa apoy.
Hindi nga nagkamali si diyosang Haumea sa pagpapaalala sa anak. Isang araw, sa muling
pakikipaglaro ni Pele sa apoy ay aksidenteng nasunog ang kanilang tirahan, ang buong isla ng Tahiti.
Galit na galit si Namaka nang maláman ang ginawa ni Pele at nagbantang paahunin ang tubig sa
buong isla upang lumubog ito sa baha. Sa takot ng mag-asawang Haumea at Kane Milohai para sa
kaligtasan nilang lahat ay agad-agad nilang isinakay ang kanilang buong pamilya sa isang bangka. Si
Pele ang naatasang gumaod at magdala sa kanila sa isang isla upang makatakas sa poot ni Namaka.
"Ahhhhh, hindi kayo makakalayo! Susundan kita. Pele, kahit saan ka magpunta!" ang galit na
galit na pagbabanta ni Namaka.
Subalit naging napakabilis ng paggaod ni Pele kaya't hindi na sila inabutan ng nagngingitngit
na kapatid. Bukod sa layuning mailayo ang pamilya sa galit ni Namaka ay mayroon pa siyang isang
mahalagang misyon. Sa kanya ipinagkatiwala ng magulang ang kanyang bunsong kapatid na noo'y
nása loob pa ng isang itlog at hindi pa napipisa. Habang mabilis siyang gumagaod ay buong ingat

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 3
niyang inilagay sa kanyang kandungan ang itlog upang maiwasang mabasag at upang ito ri'y
mainitan.
Pagkatapos nang mahaba at nakapapagod na paglalakbay ay sumapit na rin ang mag-anak sa isang
isla. "Dito muna táyo títigil, ama, ina, ang sabi ni Pele "Mainam tirhan ang lugar na ito dahil kakaunti
pa lang ang nakatira. Magiging ligtas tayo rito, dugtong pa niya.
At sa islang iyon nga pansamantalang nanirahan ang mag anak. Sa islang ito napisa mula sa
itlog at lumaking isang napakagandang dalagita na may likas na hilig sa pag awit at pagsayaw ang
bunsong kapatid na pinag-ingatan nang labis ni Pele. Pinangalanan siyang Hi taka. Dahil sa kanya
nagmula ang bila na isang sagradong sayaw, si Hi iaka ay itinuring na diyosa ng hula at ng mga
mananayaw.
Ang mga tao sa isla ay labis na humanga sa kagandahan nina Pele at Hi iaka gayundin sa
husay ni Hi'aka sa pagsasayaw ng húta, subalit hindi lahat ay natuwa sapagkat may apat na diyosa
ng niyebeng naninirahan din sa isla ang naiinis sa magkapatid dahil silá na lang ang nabibigyang
atensiyon at paghanga ng mga tao. "Hindi sila dapat narito. Ginugulo nila ang isip ng mga tao
sapagkat sa kanila na lang nauukol ang kanilang paghanga. Kailangang mapaalis natin silá," ang sabi
ng pinakapangulo ng apat na diyosa. Kayâ naman, sa tuwing makapagpapatayo ng tahanan si Pele
para sa kanyang pamilya ay binubugahan nila ng niyebe ang tahanan. Napilitan tuloy ang pamilyang
magpalipat-lipat ng tirahan sa mga kalapit na isla. Subalit sa pagpapalipat-lipat nila'y hindi rin naman
silá naligtas sa matataas na along ipinadadala ni Namaka na nag-aabang lang palá sa dagat.
Sa huli'y nakahanap din si Pele ng isang ligtas na lugar para sa kanyang pamilya. Ito'y sa isang
napakataas na bundok na tinatawag na Mauna Loa. Ito ang pinakamataas na bundok sa buong
mundo kung susukatin ang taas nito mula sa bahaging nakalubog sa karagatan. Subalit kahit nása
mataas na lugar na sina Pele ay hindi basta sumuko si Namaka. Pilit niyang pinaabot sa tuktok ng
bundok ang mga along kanyang pinakakawalan. Hindi naman nagpatalo si Pele. Sa wakas, nagamit
niya ang apoy upang makaganti kay Namaka.
Sa kagustuhan na rin niyang mailigtas ang kanyang pamilya ay pinagliyab niya ang apoy sa
pusod ng bundok. Ang init ng apoy mula sa kailaliman ng bundok ay naging dahilan ng pagputok
nito. Ang lumabas na lava sa tuktok ng bundok ay gumulong pababa at tumabon sa malaking bahagi
ng dagat na nása ibaba nito. Nang matuyo ang makapal na lava ay naging kalupaan ang paligid ng
sumabog na bundok at tinawag na ngayong isla ng Hawaii o The Big Island."
Bagama't nanalo siya sa matinding labanan nila ni Namaka labis na nanghina ang katawang lupa ni
Pele at siya'y namatay. Subalit ang kanyang espiritu ay nanatili at nagagawa nitong baguhin ang
kanyang anyo sa anumang itsurang nais niya.
Minsa'y nakikita siya bilang isang magandang babaeng may mahaba at nakalugay na buhok,
minsa'y isang matandang sumusubok sa kabutihan ng mga mamamayan, minsa'y isang maliit na
asong puti, at iba pa.
Minsan sa kanyang pamamasyal sa paligid ng bulkan, siya'y nagbalatkayo bilang isang
napakagandang dalaga. Doon niya nakita ang isang makisig na lalaking nagngangalang Ohi'a. Agad
inakit ni Pele ang laláki subalit buong galang siya nitong tinanggihan sapagkat siya'y may asawa nang
mahal na mahal niya. Nakita nga ni Pele si Lehua, dumating ito upang dalhan ng tanghalian ang

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 4
asawang si Ohi a. Kítang-kíta rin ni Pele kung paanong niyakap at hinagkan nang buong pagmamahal
ni Ohi a ang kanyang asawa. Dalá ng matinding galit at paninibugho ay kumawala kay Pele ang
matinding apoy na tumama kay Ohi a kaya't ito'y naging isang sunog na puno. Nang makita ni Lehua
ang nangyari sa asawa ay buong pait na niyakap niya ang puno habang lumuluha at nagmamakaawa
kay Pele. "Maawa ka diyosang Pele, ang pakiusap niya."Buhayin mo po ang asawa ko o gawin mo na
rin akong isang halaman upang magkasama na kami habambuhay. Hindi ko kakayaning mapawalay
sa kanya, mahal na mahal ko po siya," ang pagmamakaawa nito habang patuloy ang walang
katapusang pagluha.
Sa walang tigil na pagluha at pakikiusap ng babae ay lumambot ang puso ni Pele at
pinagsisihan ang kanyang nagawa. Ginawa niyang isang halamang may pino at magagandang pulang
bulaklak si Lehua na ikinapit niya sa puno ng ohi a. Naging espesyal sa kanya ang puno ng ohi a
lehua kaya't ang mga ito ang unang-unang sumisibol sa nabubuong lupa mula sa lava ng pumuputok
na bulkan. Mula noon hanggang ngayon, lagi nang magkadikit ang puno ng ohi a at ang mga
bulaklak ng lehua.
Katunayan, may paniniwala sa Hawaii na habang magkadikit ang ohi a at lchua ay maganda
ang panahon subalit kapag biglang umulan nang malakas ay naniniwala silang may pumitas sa
bulaklak ng lehua. Pinaniniwalaang ang ulan ay dala ng mga luha ni Lehua na ayaw mawalay sa
kanyang pinakamamahal na si Ohi’a.
Subalit hindi pa rito nagtatapos ang kuwento sa pagiging sobrang selos ni Pele at hindi
inaasahang ang magiging susunod pa niyang biktima ay ang pinakapaborito niyang kapatid na si Hi
iaka. Isang araw, habang tahimik at masayang naglalaro sa hardin at nag-aalaga sa mga tanim na
Ohi a lehua sina Hi iaka at ang matalik niyang kaibigang si Hopoe ay tinawag siya ni Pele. "Hi iaka,
sunduin mo ang bago kong kasintahang si Lohi au. Isa siyang makisig na laláki. Binabalaan kita
dalhin mo siya rito at huwag aakitin." ang habilin ni Pele sa kapatid.
"Masusunod po Ate Pele," ang sagot naman ni Hi iaka."Dadalhin ko rito si Lohi au para sa iyo
pero alagaan mo sana ang aking hardin habang wala ako." Pumayag si Pele at si Hi iaka ay
nagsimula na sa isang mahaba at mapanganib na paglalakbay. Napakarami palang halimaw at mga
panganib sa kanyang daranan. Naging matagal ang kanyang paglalakbay dahil nakipaglaban pa siya
sa mga halimaw na ito bago marating ang pupuntahan. Sa tagal ng paglalakbay ay nadatnan niya si
Lohi au na noo'y halos patay na dahil sa pagkakasakit at sa pag aakalang nalimutan na ni Pele ang
pangakong babalikan siya.
Kailangan mong gumaling, Lohi au," ang sabi ni Hi iaka sa binata. "Hinihintay ka ni Ate Pele,"
ang dugtong pa niya habang ginagawa ang lahat nang makakaya at ginagamit ang kung anumang
mumunting kapangyarihang mayroon siya upang mabuhay lang ang binata.
Habang hinihintay na gumaling nang lubusan si Lohi au ay unti-unting nagkakalapit ang
kalooban dalawa subalit malaki ang paggalang ni Hi iaka sa kanyang ate at hindi siya gagawa ng
bagay na makasasakit dito kahit pa nakadarama na siya ng pag-ibig sa binata.
Subalit hindi na mapakali si Pele sa tagal nang hindi pagbabalik ni Hi iaka. Umabot na nang
apatnapung araw ay hindi pa bumabalik ang bunsong kapatid. Kung ano-ano na ang kanyang naiisip.
Inakala niyang inakit na ni Hi iaka ang kanyang kasintahan. Sa tindi ng selos at galit ay muling

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 5
sumabog ang lava mula sa bulkan at nasunog nito ang harding ipinagbilin ng kapatid na alagaan
niya. Sa kasamaang palad ay natabunan din ng lava at nasunog ang kaibigang matalik ni Hi iaka na si
Hopoe.
Sa kanyang pagbabalik, malayo pa'y nakita na ni Hi iaka ang ginawa ni Pele sa kanyang hardin
at nakita rin niyang patay na si Hopoe na nagmistulang taong bato dahil natabunan ng lava. Labis
niya itong ipinagdamdam at ikinagalit. At upang makaganti, nang alam niyang natatanaw na silá ni
Pele ay hinagkan at niyapos niya si Lohi au na siyang muling nagpasabog sa galit ng kanyang selosa
at mainitin ang ulong kapatid. Namatay si Lohi au na isang mortal dahil sa dumaloy na lava mula sa
sumabog na bulkan subalit si Hi iaka na isang diyosa ay hindi nasaktan. Nang mamatay si Lohi au ay
napagtanto ni Hi iaka na mahal na mahal pala niya ang binata.
“Kuya, tulungan mo akong makuha ang kaluluwa ni Lohi’au sa kailaliman ng lupa,” ang
pakiusap niya sa panganay na kapatid na lalaki, ang diyos na si Kane-milo.
"Sige, tutulungan kita. Napakarami nang nadadamay sa init ng ulo at wala sa lugar na
pagseselos ni Pele, ang sagot naman ng kanyang kuya. Namangka si Kane-milo patungo sa
kailaliman ng lupa subalit hindi pa siya nakalalayo ay nakita na niya ang lumulutang na kaluluwa ni
Lohi au sa tabi ng kanyang bangka. Muling ibinalik ni Kane-milo ang kaluluwa ni Lohi au sa kanyang
katawang-lupa kaya't labis na naging masaya ang magsing-irog na si Lohi au at si Hi iaka nang sila'y
muling magkita. Nagpasiya silang lumayo sa isla ng Hawaii at lumipat na lang sa isla ng Kaua'i at
doon na manirahan upang makaiwas sa galit ni Pele.
At si Pele, pinagsisihan niya ang ginawa sa pinakamamahal niyang kapatid. at kay Lohi au.
Hinayaan na niya silang mamuhay nang tahimik at payapa. Hindi alam ni Hi iaka na ang masaganang
pagsibol ng anumang itanim sa kanilang mga lupain ay kagagawan ni Pele bilang pagpapakita ng
pagsisisi at patuloy na pagmamahal sa kanyang bunsong kapatid.
Sa kasalukuyan, patuloy pa ring kuwentong nakaririnig ng mga kaugnay ng diyosang si Pele.
May mga nagsasabing nakapagsasakay silá ng matandang babaeng nakaputi na may dalang áso sa
Kilauea National Park subalit paglingon nila ay wala na silang pasahero. Sa ilang nakunang larawan
ng pagsabog ng bulkan ay nakikita raw ang mukha ni diyosang Pele. Ang lahat ng naninirahan sa isla
anuman ang relihiyon ay nagbibigay-galang sa diyosa, At bakit hindi kung nalalaman nilang may
mahigit 200 gusali o estruktura na ang nasira ng pagsabog ng bulkan mula noong 1983 at higit pa
rito, ang malalakas na pagputok ng bulkan ay nakapagdagdag na ng mahigit 30 hektaryang lupain sa
timog silangang bahagi ng isla ng Hawaii.

Ang salitang mito kung saan hinango ang salitang mitolohiya ay mula sa salitang Griyego
mythos na unang nangahulugang “talumpati” subalit katagalan ay nangahulugang "pabula" o
"alamat Ang mitolobiya ay mga sinaunang kuwentong may kaugnayan sa paniniwala o
pananampalataya at nagtataglay ng tauhang karaniwang diyos o diyosa na may kapangyarihang
hindi taglay ng pangkaraniwang mortal.

Ang mitolohiya ay naglalayong magbigay-paliwanag sa mga bagay na mahirap ipaliwanag


dahil hindi pangkaraniwang nangyayari sa mundo at sa lipunan. Sa mitolohiya, kitang-kita ang
pagiging likhang-isip lamang ng mga kababalaghang taglay nito subalit marami pa rin ang
naniniwalang tunay nga itong nangyari lalo na sa lugar kung saan nangyari ang nasabing mito. Ang

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 6
isang dahilan sa ganitong paniniwala ay dahil sa mga mitolohiyang nakasalig sa mga totoong
pangyayari sa kasaysayan. Dahil dito'y naging mahirap nang maihiwalay ang katotohanan sa
likhang-isip lamang lalo pa't ang karamihan sa mitolohiya ay nagpasalin-salin lámang sa bibig ng
iba't ibang henerasyon kaya naman madaling mabawasan o madagdagan ang mga pangyayari
depende sa layunin o katauhan ng nagkukuwento.

Kapag binanggit ang salitang mitolobiya ay agad pumapasok sa isipan ng tao ang
Mitolohiyang Griyego dahil sa pagiging tanyag ng mga ito sa buong mundo. Gayumpama'y marapat
maipabatid at mabigyang-diing mayroon ding mitolohiya o koleksiyon ng mitolohiya ang iba't ibang
lahi sa mundo. Maaari itong mapangkat ayon sa koleksiyon tulad ng Mitolohiyang Egyptian,
Mitolohiyang Indian, Mitolohiyang Maori, at Mitolohiyang Griyego. Maaari din itong mauri ayon sa
kung saang lokasyong pangheograpiya ito umusbong tulad ng Mitolohiyang Kanluranin,
Mitolohiyang Silanganin, at Mitolohiyang Aprikan. Ang atin mang bansang Pilipinas ay mayroon
ding mitolohiyang taglay Tulad ng mga diyos at diyosa ng mga mitolohiya ng ibang lahi, ang ating
sariling mitolohiya ay may mga diyos at diyosa ring tulad ni Bathala, ang pinakamakapangyarihang
diyos, si Idionale, diyos ng mabuting pagsasaka; si Apolaki, diyos ng digmaan, paglalakbay, at
pangangalakal; si Mayari, ang diyosa ng buwan, si Agawe, ang diyos ng tubig; si Hanan, diyos ng
mabuting pag aani, si Tala, diyosa ng pang-umagang bituin; at marami pang iba. Taglay rin ng
ating mitolohiya ang iba't ibang mitikal at mahiwagang mga tauhan tulad ng tiyanak, diwata,
aswang, duwende, engkanto, mambabarang, mangkukulam, nuno, kapre, tikbalang. engkanto,
tiktik, at iba pa. Bukod sa mga ito'y may mga kilalang tauhan din sa ating mitolohiya tulad nina
Malakas at Maganda. Mariang Makiling, at iba pa.

Ang mitolohiya ay nilikha nang dahil sa iba't ibang kadahilanan subalit ang ilan sa
pinakamagandang dahilan ng pagbabasa sa mga ito ay upang tayo'y maaliw sa magandang
kuwento, mamangha sa mga taglay nitong hiwaga, matuto sa mga taglay na mabubuting aral sa
buhay, at mapalawig pa ang imahinasyon sa mga pangyayaring kakaiba kaysa sa pangkaraniwan.

Mga Paniniwala at Pamahiing Kaugnay ni Diyosang Pele


Hanggang sa kasalukuyang panahon, maraming paniniwala at kaugalian ang patuloy na
isinasagawa ng mga mamamayan isla ng Hawaii upang maiwasan daw magalit ang diyosang si Pele
katulad ng pagbati ng "aloha" kung may masasalubong na magandang babaeng may mahaba at
nakalugay na buhok o kaya'y matandang babaeng nakaputi. Ang mga pagkain, bulaklak, at alak ay
iniaalay rin kay diyosang Pele.
Ipinagbabawal din sa isla ang pagpitas ng pulang bulaklak ng Ichua dahil nga sa paniniwalang
ang halamang ohi a lehua ay nagmula kina Ohi'a at Lehua, ang magasawang labis na nagmamahalan
at ayaw maghiwalay subalit naging mga halaman nang dahil kay diyosang Pele. Naniniwala ang mga
taong kapag pinitas ang bulaklak ng Ichua ay uulan nang malakas na tila ba pagbagsak ng mga luha
ni Lehua dahil ayaw niyang mawalay sa kanyang kabiyak

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 7
At higit sa lahat, huwag na huwag daw mag-uuwi ng mga batong nagmula sa lava ng bulkan
dahil sa paniniwalang kapag ginawa mo ito, kahit nasaan ka na ay aanihin mo ang galit at
paghihiganti ni diyosang Pele at magdadala ito sa iyo ng kamalasan. Katunayan, napakaraming bato
ang ipinababalik sa koreo ng mga taong nag-uwi nito upang mabago ang mga kamalasang maaari
ngang nadala sa kanila ng mga bato.
 Si diyosang si Pele ay natutuwa sa mga atong bumabati ng “ aloha”
 Ang mga pagkain, bulaklak at alak ay inaalay ng mga tao para kay Pele.

POKUS NG PANDIWA
(Taga-ganap at Layon)
Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa o salitang kilos sa simuno o paksa ng
pangungusap. Naririto ang dalawa sa iba't ibang pokus ng pandiwa:
Tagaganap o Aktor ang pokus ng pandiwa kung ang paksa o simuno ng pangungusap
ang tagaganap ng kilos ng pandiwa.
Halimbawa: Si Namaka ay nagalit nang labis kay Pele
Layon o Gol ang pokus ng pandiwa kung ang layon ay siyang paksa o binibigyang-diin
sa pangungusap.
Halimbawa: Pinag-usapan ng mga mag-aaral ang mitolohiya tungkol kay Pele.

IV. Pagtatalipuspos
 Ang salitang mito kung saan hinango ang salitang mitolohiya ay mula sa salitang Griyegong
mythos na unan nangahulugang “talumpati” subalit sa katagalan ay nangahulugang "pabula"
o "alamat."
 Huwag kang mainggit sa mga taong masama o hangarin mang makipagkaibigan sa kanila.
Sapagkat ang iniisip nila at sinasabi ay para sa kapahamakan ng iba. Kawikaan 24:1

`ST. SEBASTIAN INTERNATIONAL SCHOOL Negros GRADE 10


occidental, inc. 2nd Quarter
Tindalo Avenue, Capitol Shopping, Bacolod City TERM
S.Y 2022-2023
Tel. Nos. (034) 461-7021 / (034) 703-3980
SSISBcd@gmail.com SUBJECT FILIPINO 10
SSIS Bacolod
SSIS Bacolod TOPIC MACBETH (DULA)
Prepared
COURSE NOTES 9 Bb. Trisha Marie M. De Vera, LPT
by:
Junior High Department
Teacher: Bb. Sandra P. Binatero, LPT

I. Pagtatanaw!

 Tukuyin ang mahalagang detalye sa nabasa o napakinggang akda;


 Ilahad ang kultura ng lugar na pingamulan ng dula sa napakinggan o nabasang usapan /
pangyayari sa mga tauhan; at

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 8
 Gamitin nang wasto ang iba’t ibang pokus ng pandiwa.

II. Pagtutukas!
Ang pagkakaroon ng mataas na ambisyon sa buhay ay maaaring makabuti o makasama. Sa paanong paraan
ito makabubuti at sa paanong paraan naman ito makasasama? Punan ang mga kahon sa ibaba ng iyong mga
sagot.

MAKABUBUTI ANG PAGKAKAROON NG MAKASASAMA ANG PAGKAKAROON NG


MATAAS NA AMBISYON KUNG: MATAAS NA AMBISYON KUNG:

III. Pagtatalakay

Macbeth
Ang Macbeth ay itinuturing na isa sa pinakamahuhusay na trahedya at isa rin sa pinakapopular sa mga
dulang isinulat ni William Shakespeare kung ang dalas o bilang ng pagtatanghal ang pag-uusapan. Ito rin ang
pinakamaikli sa mga dulang isinulat niya na halos kalahati lang ng haba ng isa pa niyang dulang Hamlet.

Sinasabing nabuo niya ito sa pagitan ng mga taong 1603 hanggang 1607. May mga pamahiing
iniuugnay sa dula na kilala ng mga artista sa teatro bilang "curse of Macbeth." Maraming kuwento ng
kababalaghan ang iniuugnay rito. Isa sa mga kuwento ang tungkol daw sa biglang pagkamatay ng batang
lalaking gumaganap bilang Lady Macbeth sa araw ng unang pagtatanghal ng dula.

Marami pang ibang kuwento tulad ng pagkakagamit daw ng totoong patalim sa halip na di totoong
patalim na nagiging sanhi ng pagkamatay ng tauhan. May mga ginagawa ang mga artista upang makaiwas sa
kamalasang dala raw ng dula sa mga nagtatanghal nito, Isa na rito ang hindi nila pagbanggit nang malakas sa

pamagat ng dula kapag sila'y nasa loob ng tanghalan maliban na lang sa aktuwal na pagsasadula. Sa halip,
tinatawag nila itong The Scottish Play"o"That Play Ang remedyo raw kapag aksidenteng nabanggit ang
pamagat ng dula ay ang paglabas muna ng taong nakagawa nito, pag-ikot ng tatlong beses, pagdura, at
pagmumura nang malakas.

Gayumpaman, ang isang paliwanag kung bakit may mga nasasaktan sa pagsasadula nito ay dahil sa
napakaraming eksenang may pisikal na labanan sa Macbeth. Hindi tuloy maiwasang may masaktan at kapag
ang mga kuwentong ito ay nagpasalin-salin na sa bibig ng mga tao, nagiging bahagi na ito ng "curse of
Macbeth."

Sanggunian:

“The Story of Macbeth”

Sparknotes Editors. “Sparknotes on Macbeth.” Sparknotes LLC. 2002

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 9
Macbeth
(BUOD NG DULA)
Ni William Shakespeare
(Isang Malayang Salin)

Si Macbeth at ang kaibigan niyang si Banquo, kapwa mga heneral ng kaharian ng Scotland na
pinamumunuan ni Haring Duncan ay papauwi na mula sa matagumpay nilang pakikidigma sa dalawang
hukbong magkahiwalay na sumalakay sa kanilang kaharian. Nakasalubong ng magkaibigan ang tatlong
manghuhulang may nakatatakot na itsurang tila mga bruhang hindi nagmula sa daigdig ng mga tao. Binati nila
si Macbeth bilang Thane ng Glamis (na siya niyang tunay na titulo) at Thane ng Cawdor (na kanyang
pinagtakhan dahil hindi naman siya ang Thane ng Cawdor).

Sinabi rin nilang magiging hari siya balang araw. Kay Banquo naman ay sinabi ng mga manghuhula na
magmumula sa kanyang lahi ang magiging tagapagmana ng korona. Nang maglaho ang mga manghuhula ay
naiwan ang magkaibigang hindi makapaniwala sa kanilang narinig. Maya-maya'y dumating ang mga tauhang
ipinadala ni Haring Duncan upang batiin at pasalamatan ang dalawa at upang sabihin ding si Macbeth ay
hinihirang bilang Thane ng Cawdor bilang kapalit ng dating thane na nagtraydor sa kaharian at naparusahan
ng kamatayan. Dito napagtanto ng magkaibigan na nangyari nga ang unang bahagi ng hula.

Nang tanungin ni Macbeth si Banquo kung umaasa ba siyang sa lahi niya magmumula ang magiging
tagapagmana, ipinagkibit-balikat lang niya ito at sinabing ang demonyo minsan ay nagsasaad ng kalahating
katotohanan upang maakit ang taong gumawa ng makasasama sa sarili. Hindi ito pinansin ni Macbeth na nag-
iisip kung magkakatotoo nga kayang siya'y magiging hari at kung basta na lang ba ito ibibigay sa kanya o
matutupad ito sa pamamagitan ng paggawa niya nang hindi mabuti.

Nang magkita sina Haring Duncan at ang dalawang heneral ay nagpasalamat nang labis ang hari sa
kanilang kabayanihan at sakâ inihayag na ang gusto niyang maging tagapagmana ng trono ay ang kanyang
anak na si Malcolm. Sinabi rin ng hari na gusto niyang maghapunan at magpalipas ng gabi sa kastilyo ni
Macbeth. Sumulat si Macbeth sa kanyang asawang si Lady Macbeth upang ipaalam ang planong pagdalaw ng
hari gayundin ang mga sinabi sa kanya ng tatlong manghuhula.

Nang mabasa ni Lady Macbeth ang liham ng asawa tungkol sa inihayag ng tatlong manghuhula ay labis
niyang inasam na mapunta ang trono sa kanyang asawa at ang naiisip lang niyang paraan ay ang pagpatay ni
Macbeth sa hari habang ito'y nása kanilang kastilyo. Pinag-isipan ni Macbeth ang kagustuhan ng asawa subalit
hindi niya maatim gawin dahil napakabuti ng hari at wala siyang dahilan para patayin ito maliban sa kanyang
ambisyon subalit ikinagalit ito nang labis ni Lady Macbeth. Pinagsabihan siyang duwag at kinuwestiyon ang
kanyang pagkalalaki. Hinikayat siya nito sa pamamagitan ng isang plano; paiinumin niya ng alak ang dalawang
bantay ng hari para makatulog. Pagkatapos ay sasaksakin ni Macbeth ang natutulog na hari at ang dugo'y
ipapahid sa dalawang guwardiya upang sila ang mapagbintangan. Nakumbinsi si Macbeth at kinagabiha'y
isinagawa niya ang karumal-dumal na pagpatay sa mabuting hari.

Kinabukasan, nadiskubre ni Macduff, isa pang maginoong pinagka- katiwalaan ng hari ang kanyang
bangkay. Ang krimen ay ibinintang ng mag asawang Macbeth sa dalawang guwardiya. Sinabi ni Macbeth na
napatay rin niya ang dalawa dahil sa matinding galit niya sa ginawa nilang pagpaslang sa hari. Hindi
makapaniwala si Macduff na kayang patayin ng mga guwardiya si Haring Duncan at siya'y nagsimulang
magsuspetsa. Sa pagkamatay ng hari, si Macbeth ang hinirang na hari ng iba pang maharlika. Ang dalawang
anak ng haring sina Malcolm at Donalbain ay agad na tumakas dahil sa takot para sa kanilang kaligtasan. Alam

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 10
nilang kung sino man ang pumatay sa kanilang ama ay gugustuhin ding isunod silá, Si Malcolm ay nagtungo
sa England at si Donalbain ay nagtungo sa Ireland.

Bagama't naging hari na ay hindi ang pa rin nawala sa isipan ni Macbeth ane sinabi ng tatlong
manghuhula na ang magiging tagapagmana ng kaharian ay magmumula sa lahi ni Banquo. Inimbita nilang
mag-asawa si Banquo sa pagtitipong gagawin sa kanilang palasyo kinagabihan. Ang hindi alam ni Banquo ay
kumausap na palá si Macbeth ng dalawang mamamatay-tao upang ipapatay siya at ang anak niyang si
Fleance. Kinagabihan, may ikatlong mamamatay taong ipinadala upang makatulong sa dalawang kinausap ni
Macbeth. At nang patungo na nga sa palasyo ang mag ama ay inabangan at sinugod sila ng mga mamamatay-
tao subalit si Banquo lang ang napatay at nakatakas si Fleance. Sa pagtitipong inihanda ni Macbeth para sa
lahat ng maharlika sa Scotland ay nagpakita sa kanya ang multo ni Banquo. Labis na natakot at nataranta si
Macbeth na ikinagulat ng kanyang mga panauhin. Sinikap ni Lady Macbeth na ayusin ang sitwasyon subalit
ang pangyayari'y nakasira hindi lang sa marangyang pagtitipon kundi sa paningin din ng mga maharlikang
bisita para sa kanilang bagong hari.

Binalikan ni Macbeth ang tatlong manghuhula at kanilang inilahad ang sumusunod na hula para sa
kanya: Kailangan niyang mag-ingat kay Macduff, na hindi siya kailanman mapapatay ng sinumang "iniluwal ng
isang babae"; at magiging ligtas siya hangga't hindi niya nakikita ang gubat ng Birnam Wood na papalapit sa
kastilyo ng Dunsinane.

Nakahinga nang maluwag si Macbeth at nakadama ng kapanatagan dahil sa pagkakaalam niya, ang
lahat ng tao ay iniluluwal ng babae, at ang kagubatan ng Birnam Wood ay hindi naman puwedeng gumalaw at
magpunta sa Dunsinane.

Ang hindi alam ni Macbeth ay tumakas na pala si Macduff upang pumanig kay Malcolm. Sinubok muna
ni Malcolm ang katapatan ni Macduff bago niya ito tinanggap. Nang malaman ni Macbeth ang ginawang
pagpanig ni Macduff kay Malcolm ay agad niyang ipinag-utos na kubkubin ang kastilyo nito at ipapatay ang
asawang si Lady Macduff at ang kanilang mga anak. Galit na galit at labis na nagdalamhati si Macduff nang
makarating sa kanya ang ginawa ni Macbeth sa kanyang pamilya at sumumpang ipaghihiganti ang nangyari sa
kanila. Bumalik silá ni Malcolm sa Scotland kasáma ang sampung libong sundalong ipinahiram ni Haring
Edward para labanan ang hukbo ni Macbeth. Suportado sila ng mga maharlikang Scottish na tumutol na rin sa
mapaniil na pamumuno at malupit na pagpatay ni Macbeth maging sa mga inosente.

Sa kabilang dako, si Lady Macbeth ay unti-unti nang inuusig ng kanyang konsensiya. Siya'y naglalakad
sa kanyang pagtulog at ipinagpipilitang may dugo ang kanyang mga kamay na hindi kayang hugasan ng tubig.
Bago dumating ang mga kalaban ni Macbeth ay nakarating sa kanya ang balitang nagpakamatay ang kanyang
asawa. Ikinabagabag niya ang balitang ito subalit lalo pa niyang pinalakas ang puwersa sa Dunsinane at inisip
na dahil sa sinabi ng mga manghuhula ay hindi siya matatalo. Gayumpama'y labis siyang natakot nang
malamang ang hukbo nina Malcolm at Macduff ay paparating na at may dalang pinutol na mga sanga mula sa
Kagubatan ng Birnam Wood upang maikubli ang tunay nilang bilang. Nangyari na ang isa sa mga hula.

Nakipaglaban nang buong giting si Macbeth subalit malakas ang hukbo mula sa England. Unti-unting
natalo ang kanyang hukbo at nang magkaharap sila ni Macduff ay sinabi nitong hindi siya iniluwal ng kanyang
ina kundi mula sa sinapupunan ng kanyang ina, siya'y tinanggal upang mailabas (ito ang kilala natin ngayong
CS o panganganak sa pamamagitan ng cesarean section) Kahit alam na niyang matatalo siya ay ipinagpatuloy
pa rin ni Macbeth ang pakikipaglaban hanggang sa mapatay siya ni Macduff. Si Malcolm, anak ni Haring
Duncan ang itinanghal na hari ng Scotland.

POKUS NG PANDIWA
(Pinaglalaanan at Kagamitan)

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 11
Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa o salitang kilos sa simuno o paksa ng
pangungusap. Naririto ang dalawa pang pokus ng pandiwa:

 Pinaglalaanan (tinatawag ding tagatanggap) ang pokus ng pandiwa kung ang paksa o simuno
ng pangungusap ang pinaglalaanan o tagatanggap sa kilos na isinasaad ng pandiwa.

Halimbawa: Ipinaghanda ng mag-asawang Macbeth ang mga maharlika sa Scotland.

 Kagamitan ang pokus ng pandiwa kung ang paksa o simuno ay ang kagamitang ginamit sa
pagsasagawa ng kilos ng pandiwa. Halimbawa: Ipinambukas niya ng pintuan ang susi ng
palasyo.

IV.Pagtatalipuspos

 Si Lady Macbeth May kasabihang "Sa likod ng tagumpay ng lalaki, ay isang “babae”
Gayumpaman, sa binasa nating akda ay nakita ang kabaliktaran nito:"Sa likod ng
pagbagsak ng isang lalaki, ay isang babae. Naging masamang impluwensiya si Lady
Macbeth sa kanyang asawa sapagkat siya ay higit na malakas, higit na ambisyosa, at
higit na malupit kaysa kay Macbeth. Namanipula niya ang asawa upang gumawa ng
karumal-dumal na krimen para lang makamit ang ambisyon. Ang alak na ipinainom
sa mga guwardiya, ang punyal na ginamit sa pagpatay kay Haring Duncan, ang
planong gagamitin upang maitago ang kasalanan, lahat ay kanyang napaghandaan.
Ang masaklap, nang nasimulan na nilang gumawa nang masama sa ngalan ng
paghahangad sa kayamanan at kapangyarihan, naging tulad na ito ng isang bisyong
tuloy-tuloy at hindi na nila napigilan. Naging mas madali na sa kanila ang pumatay at
sumira ng sinumang hahadlang sa kanilang plano at ambisyon. Ang hindi
napaghandaan ni Lady Macbeth ay ang bagsik ng sarili niyang konsensiya. Kung
naging malakas ang puwersang nagtulak sa kanya upang ipagawa sa asawa ang
kanyang mga buktot na plano, naging mas malakas ang sumbat ng konsensiyang
dala ng "dugong kumulapol sa kanyang mga kamay" na naging mitsa ng kanyang
sariling kapahamakan at pagbagsak ng kanyang asawa mula sa kapangyarihan.

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 12
`ST. SEBASTIAN INTERNATIONAL SCHOOL Negros GRADE 10
occidental, inc. 2nd Quarter
Tindalo Avenue, Capitol Shopping, Bacolod City TERM
S.Y 2022-2023
Tel. Nos. (034) 461-7021 / (034) 703-3980
SSISBcd@gmail.com SUBJECT FILIPINO 10
SSIS Bacolod
SSIS Bacolod TOPIC TULA
Prepared
COURSE NOTES 10
by: Bb. Sandra P. Binatero, LPT
Junior High Department
Teacher:

I. Pagtatanaw!

 Ibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula;


 Kilalanin ang mga salitang magkakaugnay o magkakasingkahulugan; at
 Pagsulat ng sariling tulang may hawig sa paksa ng tulang tinalakay;

II. Pagtatalipuspos!

DIGMAAN
Si Nathaniel
Hawthorne ay isinilang Ano-anong bagay o pangyayari ang
noong Hulyo 4, maiiugnay mo sa salitang digmaan?
1804, sa Salem,

Massachusetts, US. Noong siya'y nasa dalawampung


taong gulang ay nagdagdag siya ng titik te sa kanyang apelyido upang ang orihinal na Hathorne ay maging

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 13
Hawthorne. Ginawa niya ito para hindi siya maiugnay sa mga kamag anak na naging bahagi ng tinatawag na
Salem witch trials kung saan dalawampung tao ang naparusahan ng kamatayan dahil napagbintangang mga
mangkukulam. Apat na taong gulang pa lang si Hawthorne nang mamatay ang kanyang ama kaya't naiwan
siya sa pangangalaga ng kanyang inang labis na nagkanlong sa kanya. Naging dahilan ito upang lumaking
mahiyain.mapag-isa, at palabas si Hawthorne, mga katangiang humubog sa kanyang pagiging manunulat
Marami siyang naisulat na maikling kuwento, tula, nobela, at sanaysay subalit ang itinuturing na
pinakamahuhusay ay ang maikling kuwentong Young Goodman Brown at ang nobelang The Scarlet Letter Sa
kanyang paglalakbay ay nakita niya ang mukha ng digmaan sa mga giyerang sibil na nangyayari sa iba't ibang
estado sa Amerika at ito ang naging inspirasyon niya sa pagsulat ng artikulong Chiefly About War Matters" at
ng tulang mababasa mo,"Ang Aking Aba at Hamak na Tahanan o My Low and Humble Home Namatay siya
noong Mayo 19, 1864 pagkatapos ng mahabang panahon ng pagkakasakit. Marami sa kanyang mga hindi
natapos na akda tulad ng nobelang The Dolliver Romance ang nalathala pagkamatay niya. Bagama't sa buong
buhay niya'y hindi ganap na nasiyahan si Hawthorne sa kanyang mga akda, itinuturing pa rin siyang isa sa
mga pinakadakilang Amerikanong manunulat.
SANGGUNIAN: GradeSaver Biography of Nathaniel Hawthorne: List of Works, Study Guides & Essays
GradeSaver, 15 October 2014 Web.
III. Pagtatalakay

Ang Aking Aba at Hamak na Tahanan


Nathaniel Hawthorne

"Iniwan ko'ng aba't hamak na tahanan


Malayo sa bukid ni Ama't naglakbay.
Payapa kong katre'y wala nanhalina,
Hudyat ng Digmaan ang aking ligaya.

Tungo sa larangan ako'y nagsumagsag


Ang natatanaw ko'y imortal na sinag
Puntod ng bayani na masisikatan,
Bunying alaala ng mga pumanaw

Sa mithii'y kita'ng malayong bituin


Dulot na liwanag di-maabot mandin;
At turo ang landas tungo sa buntunan
Ng naghihingalo't ng mga namatay.

"Nagpilit din ako't paa'y nananabik,

Lagim na dagundong ng Digma'y sumaltik


Sa gasóng tenga ko. Pagyapak saanman,
Kita ko ang berde, luntiang damuhan.

"Pumula sa dugo ng kalabang puksa,


Naglambong sa Bangis ay umamba;
Narating ko'ng rurok na mithiin; hayun,
Kinasabikan ko'ng tanging bahay, doon

"Buhay sa maghapo'y lumilipad lámang

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 14
Sa pakpak ng tuwa niyong kabataan.
Huli na, batid kong rurok ng Tagumpay,
Hindi magdudulot ng masayang araw.

-Malayang salin ni Rogelio G. Mangahas

ANG TULA AT MGA ELEMENTO NITO

Ang tula ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni,


pinararating sa ating damdamin, at ipinahahayag sa pananalitang may angking kariktan o aliw-iw. Ito
ay nagtataglay ng mahahalagang elemento o sangkap upang higit na maging masining ang
paglalahad. Mababasa sa ibaba ang iba't ibang elemento ng tula.
1. Tugma-Ang pare-pareho o halos magkakasintunog na dulumpantig ng bawat taludtod ng tula.
Ang mga dulumpantig na ito ay maaaring nagtatapos sa patinig o katinig. Ang tugma ay may
dalawang uri:

 Tugmang Patinig-mga salitang nagtatapos sa iisang patinig na may pare-pareho ring


bigkas na maaaring mabilis o malumay(walang impit) at malumi o maragsa (may impit).
Ang mga patinig na puwedeng magkakatugma ay mahahati sa tatlong lipon: a, ef, at o-
u. Malayang nagpapalitan ang e-i, at o-u.

Basahin nang malakas ang mga salitang magkakatugma sa bawat hanay. Tugmang patinig
ang mga salitang ito na hindi lang nagtatapos sa pare-parehong patinig kundi pare-pareho
ring may impit o walang impit ang bigkas.

Halimbawa ng mga salitang mabilis at Halimbawa ng mga salitang malumi at


malumay na puwedeng maging maragsa na puwedeng maging
magkatugmang patinig (nagtatapos sa magkatugmang patinig
patinig na walang impit) (nagtatapos sa patinig na may impit)
mabilis malumanay malumi maragsa
sinta ligaya luha tula
kanta halina tula pasa
mata kasama lupa wala
dala parusa diwa sawa

Tugmang Katinig-mga salitang nagtatapos sa mga katinig. Ito ay may dalawang uri:

 Ang tugmang malakas ay ginagamitan ng pare-parehong patinig tulad ng a, ei, o-u at


nagtatapos sa mga katinig na b, k, d. g. p, s, at t

Halimbawa: Tugmang malakas gamit ang a alab, balak, palad, payag, usap, atas, at salat,
kalat, pilat, salat, malat, atas, patas, lakas, wagas
 Ang tugmang mahina naman ay ginagamitan din ng pare parehong patinig tulad ng a,
e-t, out at nagtatapos naman sa mga katinig na 1, m, n, ng, r, ut at y

Halimbawa: Tugmang mahina gamit ang a halal, alam, bayan, halang, asar, araw, at
away,banal, kasal, bawal, dangal, bayan, kawan, larawan, laman

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 15
2. Sukat-Ito'y isa pang mahalagang elemento ng tula. Ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtod
ng saknong. Ang karaniwang sukat na gamitin ay ang labindalawa, labing anim, at
labingwalong pantig. Basahin ang halimbawa sa ibaba:

Tu-ngo –sa- la-ra-ngan/ a- ko'y nag-su- mag - sag/


1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12

Ang-na-ta-ta-naw - ko'y i- mor- tal - na - si - nag/


1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12

Ang bawat taludtod ng tula ay may sukat na labindalawang (12) pantig. Mapapansin
ding pagkatapos ng ikaanim na pantig o sa kalagitnaan ng taludtod ay may saglit na tigil sa
pagbása o pagbigkas at nilagyan ng panandang /. Ang saglit na tigil na ito ay tinatawag na
sesura.

3. Saknong-Ang pagpapangkat ng mga taludtod o linya ng tula. Nakapagdaragdag ito sa ganda


at balanse ng tula bukod pa sa nakapagbibigay rin ng pagkakataon para sa makata na
magbago ng tono o paksa sa kanilang tula. Iba't iba ang bilang ng taludtod sa isang saknong
tulad ng mga nasa ibaba:

2 taludtod sa isang saknong o couplet


3 taludtod sa isang saknong o fercet
4 taludtod sa isang saknong o quatrain
5 taludtod sa isang saknong o quintet
6 taludtod sa isang saknong o sestet
7 taludtod sa isang saknong o septet
8 taludtod sa isang saknong o octave

Sa mga bilang na ito, pinakakaraniwang ginagamit ang saknong na may dalawa (couplet),
tatlo (tercet), at apat (quatrain) na taludtod.
4. Larawang-Diwa (Imagery)-Ito ay mga salitang binabanggit sa tulang nag-iiwan ng malinaw at
tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.
Halimbawa: Pumula sa dugo ng kalabang puksa,
Naglambong sa usok, Bangis ay umamba.

Sa mga taludtod na ito malinaw na ipinakikita ang kulay ng dugong dumadanak sa isang
digmaan gayundin ang lambong ng usok ng mga baril at bombang pinasasabog na pagkatapos ay
nag-iiwan ng bakas ng bangis na karaniwang mga bangkay na nagkalat sa pinangyarihan at mga ari-
ariang natupok na lámang.

5. Simbolismo (Symbolism)-Ito ang mga simbolo o mga bagay na ginamit sa tulang may
kinakatawang mensahe o kahulugan at nagpapalalim sa diwa o esensiyang taglay ng tula.
Halimbawa: bituin-pangarap ilaw-pag-asa

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 16
6. Kariktan-Ayon kay Julian Cruz Balmaceda, maaaring bigkasin ang isang hanay-hanay ng mga
talatang tugma-tugma ang mga dulo at sukat-sukat ang mga bilang ng pantig ngunit di pa rin
matatawag na tula kung hindi nagtataglay ng kariktan. May mga tulang walang sukat at
tugmang sinusunod subalit matatawag pa ring tula sapagkat ang mga salita, kataga, parirala,
imahen o larawang diwa, tayutay o talinghaga, at mensaheng taglay na siyang lalong
nagpapatingkad sa katangian nito bilang tula at pumupukaw sa mayamang imahinasyon ng
bumabasa.

MATATALINGHAGANG PANANALITA

Ang matatalinghagang pananalita ay mga pahayag na di tuwiran o di literal ang kahulugang


taglay at sa halip ay may nakakubling mas malalim na kahulugan. Karaniwang ginagamit ang
matatalinghagang pananalita sa panitikan lalong-lalo na sa panulaan sapagkat isa rin ito sa mga
itinuturing na elemento ng tula. May iba't ibang uri ng matatalinghagang pananalita tulad ng
sumusunod:

Mga Idyoma-Mga pahayag na karaniwang hango mula sa karanasan ng tao, mga pangyayari
sa buhay at sa paligid subalit nababalutan ng higit na malalim na kahulugan.

Ilang halimbawa ng idyoma at kahulugan nito

idyoma kahulugan idyoma kahulugan


alog na ang babà Matanda na Kamal na bakal Mahigpit na
pamamalakad
anak-pawis Mahirap Mahigpit na Magtipid
sinturon
bahag ang buntot Duwag Mahaba ang pisi Mapagpasensiya
balát-kalabaw di-marunong mahiya Malaki ang ulo Mayabang
balát-sibuyas Maramdamin Mapurol ang utak Mahina ang isip
basang-sisiw Api,kaawa-awa Nagbibilang ng Walang trabaho
poste
buto't balát Payat na payat Nakalutang sa Masaya
ulap
ginintuang puso Mabuti ang kalooban Pabalat-bunga Pagkukunwari,
hindi totoo
huling hantungan Libingan Pantay ang paa Patay na
ilista sa tubig Utang na wala nang Pusong mamon Maawain
bayaran
usad-pagong mabagal

Mga Tayutay-Isa pang uri ng matatalinghagang pagpapahayag kung saan sadyang lumalayo ang
nagpapahayag sa karaniwang paraan ng pagsasalita upang higit na mapaganda o mabigyang-halina
ang isinusulat o sinasabi.

Maraming uri ng tayutay subalit ang sumusunod ang higit na gamitin:

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 17
1. Pagtutulad (Simile)-paghahambing ng dalawang magkaibang bagay na ginagamitan ng mga
pariralang katulad ng, gaya ng, at iba pa.
Halimbawa: Ang digmaan ay tulad ng halimaw na sumisira sa bawat madaanan.

2. Pagwawangis (Metaphor)-Naghahambing din ito tulad ng pagtutulad ngunit ito ay tiyakang


naghahambing at hindi gumagamit ng pariralang tulad ng,gaya ng, at iba pa. Halimbawa: Ang
digmaan ay maitim na usok ng kamatayan.

3. Pagmamalabis (Hyperbole)-Lubhang pinalalabis o pinakukulang ang tunay na kalagayan ng


tao, bagay, o pangyayari. Halimbawa: Bumaha ng dugo sa nangyaring digmaan.

4. Pagbibigay-Katauhan (Arsonification)-pagbibigay katangian ng isang tao sa isang bagay na


walang buhay.
Halimbawa:Ang baya'y umiiyak dahil ito'y may tanikala.

5. Pagpapalit-saklaw (Synechdoche)-pagpapahayag sa pamamagitan ng pagbanggit sa bahagi


bilang pagtukoy sa kabuoan. Halimbawa: Maraming puso ang nadurog sa kalagayan ng mga
batang nabiktima ng digmaan.

6. Pagtawag (Apostrophe)-ito naman ay ang tila pakikipag-usap sa karaniwang bagay na malayo


o wala naman
Halimbawa: O Kamatayan, hayaan mong mamuhay munà at yumabong ang mga kabataan.

7. Pag-uyam (Irony)-ito ay isang pangungutya sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang


kapuri-puri ngunit kabaligtaran naman ang kahulugan.
Halimbawa: Ang ating bayan ay malaya, kaya't mga dayuhan ang namamalakaya.

IV. Pagtatalipuspos

Ang digmaan ay hindi kailanman magbubunga nang mabuti. Maliban sa mga sundalo o
kawal sa magkabilang puwersang namamatay sa pakikipaglaban ay nadadamay rin
ang mga inosenteng sibilyang wala namang kinalaman anumang ipinaglalaban ng
magkabilang panig. Sinisira ng digmaan hindi Limang ang buhay sa kasalukuyan,
ninanakaw rin nito maging ang kinabukasan ng mga taong nasasangkot o nadadamay
lalo na ang mga walang kinalaman.

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 18
`ST. SEBASTIAN INTERNATIONAL SCHOOL Negros GRADE 10
occidental, inc. 2nd Quarter
Tindalo Avenue, Capitol Shopping, Bacolod City TERM
S.Y 2022-2023
Tel. Nos. (034) 461-7021 / (034) 703-3980
SSISBcd@gmail.com SUBJECT FILIPINO 10
SSIS Bacolod
SSIS Bacolod Ang Kuwento ng Isang Oras
(MAIKLING KUWENO mula sa
TOPIC
Estados Unidos)

Prepared
COURSE NOTES 11
by: Bb. Sandra P. Binatero, LPT
Junior High Department
Teacher:

I. Pagtatanaw!

 Suriin sa diyalogo ng mga tauhan ang kasiningan ng akda;


 Isalaysay nang masining at may damdamin ang isinulat na maikling kuwento; at
 Sumulat sariling maikling kuwento tungkol sa nangyayari sa kasalukuyang may
kaugnayan sa mga kaganapan sa binasang kuwento.

II. Pagtuklas!

1. Sa edad mong iyan ay maaaring napupuna mo na ang uri ng samahan o relasyong


namamagitan sa mga mag-asawa sa iyong paligid. Ano-ano sa mga napapansin mo ang
makapagpapatunay na hindi man perpekto ay maganda ang samahan ng mga mag-asawa
at kapwa sila masaya sa kanilang relasyon?Isulat sa buong puso ang iyong sagot

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 19
2. An
o-
ano
naman sa tingin mo ang mga senyales na hindi na gaanong maganda ang samahan ng
mag-asawa at maari pang mauwi sa hiwalayan kung hindi maagapan? Isulat sa basag na
puso ang iyong sagot.

Si Kate Chopin o Katherine O'Flaherty ay isinilang sa St. Louis,


Missouri US noong Pebrero 8, 1850. Sa murang edad na lima, siya ay
naulila sa ama at lumaki sa pangangalaga ng mga babaeng pawang
naging balo: ang kanyang ina, lola, at lola sa tuhod. Maging nang
magaral siya ay mga babae pa rin ang naging malaking impluwensiya
sa kanya dahil sa paaralang pinamumunuan ng mga madre siya

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 20
pumasok. Napangasawa niya si Oscar Chopin noong siya'y dalawampung taong gulang at sila'y
nanirahan sa New Orleans. Nagkaroon sila ng anim na supling.

Maaaring dahil sa impluwensiya ng matatatag at matatalinong babaeng nagpalaki sa kanya, si


Kate Chopin ay naging kakaiba sa karaniwang babae sa kanyang kapanahunan. Siya ay matatag at
hindi palaasa sa iba. Nakapaglalakad siya nang mag-isa sa lansangan, naninigarilyo, at
nakikipagdebate tungkol sa mga usaping pampolitika at panlipunan, mga katangiang malayo sa
nakaugalian ng kababaihan sa panahong iyon. Nabago ang takbo ng kanyang buhay nang mamatay
ang kanyang asawa. Muli siyang nagbalik sa kanyang ina subalit sa kasamaang palad ay namatay rin
ito nang sumunod na taon. Sa payo na rin ng kanyang doktor, nagsimulang magsulat si Kate upang
mapaglabanan ang depresyon at upang makapaghanapbuhay para sa kanyang mga anak.
Nakapagsulat na siya ng kanyang unang nobelang At Fault at dalawang koleksiyon ng maiikling
kuwento ang Bayou Folk noong 1894 at A Night in Acadia noong 1897.Nang ilathala niya ang
kanyang kontrobersiyal na nobelang The Awakening noong 1899 tungkol sa pakikiapid ng isang
babaeng may-asawa, isang paksang hindi tinanggap bagkus ay tinuligsa ng mga mambabasa sa
panahong iyon. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay iilang maikling kuwento na lang ang naisulat
niya hanggang sa kanyang pagpanaw noong 1904.

Sa kasalukuyang panahon, si Chopin ay hinahangaan sa ginawa niyang paglikha ng mga


akdang may temang feminismo maraming taon bago pa naitatag sa Amerika ang mga Kilusang
Feminista. Sa mga panahong iyon, matapang na inilabas ni Chopin sa pamamagitan ng kanyang mga
tauhan ang kaapihan ng kababaihan sa kamay ng mga aswang nagtuturing sa kanila bilang pag-aari
ayon sa idinidikta ng lipunan noon katulad na lang ng temang tinalakay sa mababasa mong maikling
kuwento, ang
"Ang Kuwento ng Isang Oras.

" MGA SANGGUNIAN


SparkNotes Editors "Spark Note on The Story of an Hour SparkNotes LLC. 2007,
http://www.sparknotes.com/short-stories/the-story of an hour/ (accessed October 11, 2014). Neal Wyatt
"Biography of Kate Chopin'http://www.vcu.edu/engweb/webtexts/hour/katebio html/

ANG KWENTO NG ISANG ORAS


Ni Kate Chopin
Batid ng lahat na may sakit sa puso si Ginang Mallard kaya naman lahat ng pag-iingat ay ginawa nila
sa pagpapaalam sa kanya ng masaklap na balitang patay na ang kanyang asawa.

Si Josephine, ang kanyang kapatid ang bumasag nito sa kanya. Sa paputól putól na paraan ay unti-
unting naipahiwatig nito ang pangyayari habang nakatabi naman sa kanya si Richard, Si Richard ay kaibigan
ng kanyang asawa at siyang unang nakarinig sa balita. Nása tanggapan siya noon ng pahayagan nang
makarating ang balitang nagkaroon ne sakuna sa may riles ng tren kung saan isa si Brently Mallard sa mga
namatay" Naghintay lang siya sandali upang makumpirma ang balita at saka sa pagdating ng pangalawang
telegrama nagmamadaling nagtungo sa tahanan ng mea Mallard upang siya ang maunang 2 makapaghatid ng
balita at maagapan ang ibang taong maaaring hindi maging Lasing ingat at kasimbanayad niya sa pagasabi.

Ditulad ng ibang babaeng nakaririnig ganitong masaklap na balita na di agad makukuha ang bigat at
kahulugan to, si Ginang Mallard ay agad napasigaw at buong pait na nanangis sa mga bisig ng kanyang

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 21
kapatid. Nang mapawi ang matinding unos ng dalamhati ay agad siyang nagkulong sa kanyang silid. Sinabihan
niya ang lahat na gusto niyang mapag-isa.

Napasalampak siya sa isang malaking silyang nakaharap sa bintana. Pakiramdam niya'y pagód na
pagód siya. Pagod na hindi lang nadarama ng kanyang katawan kundi umaabot sa kaibuturan ng kanyang
kaluluwa Natatanaw niya sa labas ng bintana ang mga dahon ng punong tila masayang-masaya sa pagdating
ng tagsibol. Naaamoy niya sa hangin ang mabangong hininga ng bagong patak na ulan. Naririnig niya mula sa
ibaba ang sigaw ng tinderong nag-aalok ng kanyang paninda. Nakarating din sa kanyang pandinig ang
mahinang himig ng awiting inaawit ng kung sino, gayundin ang masasayang awitan ng mga ibong maya.

Sa gawing kanluran ng kanyang bintana ay nakasilip ang bughaw na langit sa mga balumbon ng
mapuputing ulap. Isinandal niya ang kanyang ulo sa malambot na kutsong nakabalot sa silya nang hindi halos
gumagalaw, maliban ta lang sa paghikbing tila bumibikig sa kanyang lalamunan at yumanig sa kanyang buong
katawan, tulad ng isang batang sa pag idlip ay humihikbi pa rin hanggang sa kanyang panaginip.

Bata pa siya, may maganda at kalmadong mukha, kung saan ang mga guhit ay kakikitaan ng
katatagan at pagsupil sa kung anumang nararamdaman. Subalit Ingayon siya'y nakatitig sa kawalan, sa
bughaw na kalangitang natutuldukan ng mumunting ulap. Hindi ito titig ng pagmumuni-muni kundi pagpigil sa
isang matalinong kaisipang nais kumawala. May isang damdaming paparating sa kanya at hinihintay niya ito
nang may pagkatakot Ano ba ito? Hindi niya maipaliwanag banayad at mailap, hindi niya matanto kung ano.
Subalit nararamdaman niyang ito'y gumagapang sa Lalangitan, dumarating sa kanya sa pamamagitan ng mga
tunog, ng amoy, ng kulay na pumupuno sa hangin. Ngayo'y tumahip ang kanyang dibdib at nakadarama siya
ng kalituhan. Unti-unti na niyang nakikilala ang bagay na lumalapit at bumabalot sa kanyang pagkatao habang
pinipilit niya itong paglabanan kahit pa wala na siyang lakas na makikita sa dalawang maninipis at namumuti
niyang palad. Namalayan na lang niyang isang salita ang ibinulong ng kanyang mga labi. Paulit-ulit ang
pagbigkas nang pabulong Malaya, malaya, malaya!" Ang titig sa kawalan at pagkatakot ay nawala sa kanyang
mga mata. Sa halip ang mga ito'y napalitan ng ningning. Bumilis ang tibok ng kanyang puso, ang bugso ng
dugo ay nakapagpa-relaks sa bawat himaymay ng kanyang buong katawan.

Hindi siya huminto upang tanungin kung ang damdamin bang umiiral sa kanya'y isang higanteng
kaligayahan o hindi. Minaliit ng malinaw at mataas niyang pananaw ang nadarama. Alam niyang luluha siyang
muli kapag nakita niya na ang mabubuti at mapagpalang mga kamay na pinagsalikop ng kamatayan; ang
mukhang tanging titig lang ng pag-ibig ang iniuukol sa kanya, ngayo'y matigas, kulay abo, at patay. Subalit
natatanaw na niya sa kabila ng mapait na gunitang ito ang paparating na maraming taon na kanyang kanya
na. Iniunat niya ang kanyang mga braso at kamay upang salubungin ito.

Wala na siyang sinumang paglalaanan ng kanyang buhay sa mga darating na taon, Mabubuhay na lang
siya para sa sarili niya. Wala ng makapangyarihang bagay ang magpapasunod sa kanya sa isang bulag na
paniniwalang ang babae at lalaki ay may karapatang magpataw ng kagustuhan para sa isa't isa. Mabuti man o
masama ang intensiyon, isa pa rin itong krimen sa kanyang pananaw sa mga sandaling ito ng kanyang
pagmumuni-muni

Subalit mahal niya ang asawa-minsan-minsan. Madalas, hindi niya ito nadarama. Subalit hindi na ito
mahalaga. Ano pa ba ang silbi ng pagmamahal sa harap ng malakas na damdaming itong bago pa lang niyang
nakikilala at bumabalot sa kanyang pagkatao.

"Malaya na! Malaya na ang aking katawan at kaluluwa!" ang paulit-ulit niyang ibinubulong.

Si Josephine ay nakaluhod sa labas ng nakapinid na pinto habang ang mga labi ay nakadikit sa susian
at nagmaniakaawang papasukin siya. Louise, buksan mo ang pintuan! Para mo nang awa, buksan mo ang

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 22
pinto-magkakasakit ka sa ginagawa mo. Ano ba ang ginagawa mo, Louise? Sa ngalan ng Diyos, buksan mo
ang pinto!"
Umalis ka na. Hindi akó gagawa ng bagay na magdudulot sa akin ng sakit." Hindi. Ngayon pang siya ay
tumutungga ng gamot mula sa buhay na nagmumula sa bukás na bintana ng kanyang silid.
Naiisip na niya ang mga araw na darating sa buhay niya. Mga araw ng tagsibol, mga araw sa tag-araw,
at iba't iba pang araw na kanyang-kanya lang. Umusal siya nang maikling panalangin na sana'y humaba pa
ang buhay niya. Kahapon lang, naisip niya nang may pag-aalala na baka maging mahaba ang buhay niya.

Tumayo siya at pinagbuksan ng pinto ang kapatid na kanina pa nangungulit. Makikita sa ningning ng
kanyang mga mata ang tagumpay at naglakad siyang tila isang diyosa ng tagumpay. Sinapo niya ang
baywang ng kapatid at masigla silang bumaba ng hagdan. Nakatayo si Richard habang naghihintay sa kanila
sa ibaba ng hagdan.
May nagbubukas sa susian ng harapang pintuan. Gulát ang lahat nang pumasok si Brently Mallard,
halatang pagód nang kaunti, dala-dalá ang kanyang bag at payong. Malayo raw siya sa lugar kung saan
nangyari ang sakuna at ni hindi nga niya alam na nagkaroon palá nito. Ikinatulala niya ang malakas na pagtili
ni Josephine; naging mabilis si Richard na humarang sa pagitan nila ng asawa.
Nang dumating ang doktor ay sinabing namatay si Louise dahil sa sakit sa puso-nang dahil sa
kaligayahang nakamamatay.

PAGSULAT NG MAIKLING KUWENTO

Isa sa mga anyo ng panitikang pinakapopular sa mga mambabasa ang maikling kuwento.
Ang maikling kuwento ay may mga katangiang taglay na wala sa iba pang uri ng panitikan kaya naman,
marami ang nawiwili o nagkakagustong magbasa nito. Naririto ang ilan sa mga katangian ng maikling
kuwento: ito'y maikli lang at karaniwang kayang tapusing basahin sa isang upuan lang, mas kakaunti ang
tagpuan at mga tauhang gumaganap kompara sa ibang anyo ng panitikan tulad ng nobela o dula, at mabilis
ang galaw ng mga pangyayaring umaabot sa kasukdulan at agad nagwawakas at nag-iiwan ng

isang kakintalan. Marami rin ang naaakit sumulat ng maikling kuwento. Isa kasi ito sa madadaling isulat lalo
na ng mga baguhang manunulat. Naririto ang mga bagay na dapat tandaan o pag-isipan sapagkat
makatutulong sa pagsulat ng sariling kuwento:

1. Isang mahusay na paksa o ideya para sa iyong kuwento: Sa bahaging ito, ikaw ay kukuha ng mga
ideya para sa iyong susulating kuwento. Makabubuting mag-obserba sa paligid, makipag-usap sa iba
tungkol sa isang pangyayari sa buhay nilang kakaiba, kapupulutan ng aral, at hindi nila malilimutan,
magbasa at tingnan kung alin sa mga binása mo ang labis na nakaakit sa iyong imahinasyon, mag-isip
kung anong paksa ang sa tingin mo'y kalulugdan ng mga tao lalo na ang target mong edad ng
mambabasa. Iminumungkahing isulat mo sa isang kuwaderno ang lahat ng malilikom mong ideya
sapagkat mula sa mga ito'y pipili ka ng paksa para sa kuwentong iyong bubuoin. Sa panahong ito ng
smartphone ay maaaring kunan ng video o larawan ang isang hindi pangkaraniwang pangyayaring
maaaring pagmulan ng ideya para sa isang kuwento.
2. Makatotohanang mga tauhan para sa kuwento, Mula sa paksang napili mo ay buoin mo sa iyong isipan
ang mga tauhang gaganap sa iyong akda. Mahalagang ikonsidera ang sumusunod para sa iyong
tauhan o mga tauhan:

Ang mga tauhan ay makatotohanan, katulad ng mga tunay na tao sa iyong paligid, sila'y
buháy, nagkakaroon ng problema o suliranin, natatakot din, marunong magsayá, minsa'y
nagagalit, mahusay sa isang bagay, at iba pa.

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 23
Tukuyin ang itsura at kalagayan sa buhay ng iyong tauhan. Siya ba'y mayaman, mahirap,
nanay na bungangera, mabuting ama, matangkad at guwapong atletang kinababaliwan ng
kababaihan, mahiyaing tinedyer, at iba pa.
Isipin kung paanong magsasalita, magbibihis, at gagalaw ang iyong mga tauhan. Ang kilos,
pananalita, at pananamit ng mga tauhan ay dapat nababagay sa kung anong karakter ang
taglay nila. Kung mayroon kang peg o mga totoong taong inihahawig sa iyong mga tauhan ay
makabubuting obserbahan mo kung paano siya kumilos, manamit, magsalita, at iba pa upang
maihabi mo ito sa bubuoin mong tauhan.

3. Angkop na tagpuan para sa iyong kuwento. Ang tagpuan ay hindi lámang ang lugar kung saan
mangyayari ang kuwento kundi kasama rin ang oras, panahon, at kalagayan ng lugar (kung umaga o
gabi, umuulan o umaaraw, malamig o mainit, magulo o tahimik, at iba pa.) Makabubuting kabisado mo
ang lugar ng iyong tagpuan. Halimbawa, kung sa Divisoria ang tagpuan ay dapat lang na nakapunta ka
na rito at alam na alam mo kung ano-ano ang mga gusaling makikita, ang kalagayan ng mga bagay-
bagay, ang sikip, ang ingay, ang amoy, ang takbo ng mga pangyayari, at iba pa upang higit itong
maging kapani paniwala at makakumbinsi sa iyong mga mambabasa.

4. Uri ng pananaw o paninging gagamitin sa kuwento. Dito mo isasaad kung sa kaninong paningin
ilalahad ang mga pangyayari sa kuwento. Ang pangunahing tauhan ba ang magkukuwento, o ang
katulong na tauhan,o kaya'y isang makapangyarihang tinig na nakaaalam maging sa iniisip o nadarama
ng mga tauhan? May mga makabagong kuwentong gumagamit na rin ng hindi lang iisang pananaw
kundi magsasalit ang dalawa o higit pang tauhan sa paglalahad ng mga pangyayari.

5. Ang epektibong banghay ng iyong susulatin. Ang banghay ay ang maayos na pagkakasunod-sunod o
daloy ng mga pangyayari sa buhay ng iyong tauhan o mga tauhan. May iba't ibang paraan ng pagbuo
ng banghay. Maaaring buoin ang banghay sa pamamagitan ng isa sa mga paraang nasa kabilang
pahina:

A. Isulat ang mahahalagang pangyayari nang magkakasunod-sunod mula sa simula hanggang sa


kasukdulan, kakalasan, at wakas. Siyempre, wala muna itong mga detalye, tulad ng estruktura
ng isang gusali na unti-unting nagkakahugis habang binubuo mo ang kuwento.
B. Sa halip na mga pangyayari'y maaaring mga diyalogo ng mga tauhan ang isulat mo. Mula sa
mga diyalogong ito'y makikita kung paano mo pagsusunod-sunurin ang mga pangyayari sa
iyong susulatin.
C. Isulat ang buod ng iyong kuwento. Madalas, ang buod ay isinusulat lamang kapag nabuo na
ang kuwento subalit ang pagbuo ng buod bago pa magsimulang sumulat ay makabubuti upang
sa una pa lang ay alam mo na kung ano ang kahihinatnan ng kuwento. Makatutulong kung ang
buod ay hahatiin mo sa tatlong talata, ang buod para sa simula kung saan ipakikilala ang
tauhan at ang suliraning kakaharapin nito, ang buod para sa gitna na katatagpuan ng papataas
na pangyayaring hahantong sa kasukdulan, at ang buod para sa dulo na nagsasaad kung paano
ito magwawakas.

6. Gamit ang lahat ng iyong mga inihanda, maupo ka na at buoin ang iyong maikling kuwento. Tiyaking
magiging kawili-wili at makakukuha ng atensiyon ng mambabasa ang iyong unang pangungusap. Isipin
ang suliranin o tunggaliang haharapin ng iyong pangunahing tauhan at kung paano ito mauuwi sa
kapana-panabik na kasukdulan. Kapag naabot na ang kasukdulan at nalutas na ang suliranin, huwag
mo nang gaanong patagalin, kailangang bumaba na ang mga pangyayari at magwakas sa isang
paraang mag-iiwan ng kakintalan o mensaheng pag-iisipan ng mambabasa.

POKUS NG PANDIWA
(Sanhi at Direksiyonal)

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 24
Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa o salitang kilos sa simuno o paksa ng
pangungusap. Naririto ang dalawa pang pokus ng pandiwa:
 Sanhi ang pokus ng pandiwa kung ang paksa o simuno ng pangungusap ang sanhi sa kilos
na isinasaad ng pandiwa. Halimbawa: Ikinagalit nang labis ng taumbayan ang pagbaril kay
Malala.

Direksiyonal ang pokus ng pandiwa kung ang paksa o simuno ay ang direksiyon o tutunguhin ng
kilos ng pandiwa.

Halimbawa: Pinuntahan ng mag-anak ang Birmingham, England upang doon na manirahan.

Subukan!
Nakikilala at natutukoy ang pokus ng pandiwa Basahing mabuti ang bawat pangungusap.
Salungguhitan ang paksa o simuno at ikahon ang pandiwa. Pagkatapos, isulat sa linya kung ang
pandiwa ay may pokus sanhi o direksiyonal.

__________1. Binalikan ng Taliban ang Pakistan para igiit ang kanilang gusto.

__________2. Ikinalungkot ng mga tao ang pagpigil ng grupo sa pag-aaral ng mga batang babae.
__________3. Ikinagalit ng buong mundo ang pagbaril nila sa isang batang nagtatanggol lang sa
kanyang karapatan.
_________ 4. Pinuntahan nila ang Amerika para roon ipagpatuloy ang kanyang adbokasiya.
_________ 5. Ang tagumpay ni Malala ay ikinagalak ng buong mundo.

IV.Pagtatalipuspos

Si Kate Chopin o Katherine O'Flaherty ay isinilang sa St. Louis, Missouri US noong Pebrero 8,
1850. Sa murang edad na lima, siya ay naulila sa ama at lumaki sa pangangalaga ng mga
babaeng pawang naging balo: ang kanyang ina, lola, at lola sa tuhod. Maging nang magaral
siya ay mga babae pa rin ang naging malaking impluwensiya sa kanya dahil sa paaralang
pinamumunuan ng mga madre siya pumasok. Napangasawa niya si Oscar Chopin noong
siya'y dalawampung taong gulang at sila'y nanirahan sa New Orleans. Nagkaroon sila ng anim
na supling.
Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa o salitang kilos sa simuno o paksa
ng pangungusap.
Ang maikling kuwento ay may mga katangiang taglay na wala sa iba pang uri ng panitikan
kaya naman, marami ang nawiwili o nagkakagustong magbasa nito.

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 25
ST. SEBASTIAN INTERNATIONAL SCHOOL Negros GRADE 10
occidental, inc. 2nd Quarter
Tindalo Avenue, Capitol Shopping, Bacolod City TERM
S.Y 2022-2023
Tel. Nos. (034) 461-7021 / (034) 703-3980
SSISBcd@gmail.com SUBJECT FILIPINO 10
SSIS Bacolod
SSIS Bacolod Si Anne Green Gables
TOPIC
(Isang Nobela mula sa Canada)
Prepared
COURSE NOTES 12
by: Bb. Sandra P. Binatero, LPT
Junior High Department
Teacher:

I. Pagtatanaw!

 Bigyang- kahulugan ang mahihirap na salita, kabilang ang mga terminong ginagamit
sa panunuring pampanitikan;
 Suriin ang nobela bilang akdang pampanitikan sa pananaw realismo o alinmang
angkop na pananaw/ teoryang pampanitikan; at
 Gamitin ang iba’t ibang batis ng impormasyon sa pananaliksik tungkol sa mga
teroyang pampanitikan.

II. Pagtuklas!

Paano mo mapagtatagumpayan ang anumang hadlang o balakid sa nakaraan moupang


hindi makaapekto ang mga ito sa iyong hinaharap?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Payabungin!
Ibigay ang kahulugan ng mga salitang nakasulat nang madiin sa pangungusap. Hanapin
mula sa kahon ang sagot at saka isulat sa linya bago ang bilang.

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 26
alagaan libingin magmasid sumama
nakapinid nakatago matanong makipag-usap

________1. Si Ginang Rachel ay mausisa at nais maláman ang lahat ng nangyayari


sa kanyang mga kapitbahay.
_________2. Mahilig siyang magmatyag sa mga hindi pang karaniwang ikinikilos ng
mga tao sa kanyang paligid.
_________3. Nais ni Matthew na kupkupin na lang nila si Anne.
_________4. Sa Bángko ng Abbey nakalagak ang lahat ng kanilang salapi.
_________5. Ang kanyang naging huling himlayan ay isang lugar na malayo sa minahal niyang
lupain.

III. Pagtatalakay

Si Anne Green Gables


Ni L.M Montgomery
(Isang Pagbubuod)
Napansin ni Gng. Rachel Lynde, isang kapitbahay na mausisa at mahilig magmatyag sa mga
pangyayari sa buhay-buhay ng kanyang mga kapitbahay & Matthew, isang animnapung taong gulang
na magsasaka, tahimik, labis na sa bayan ng Avonlea ang hindi pangkaraniwang ikinilos ni Matthew
Cuthbert. mahiyain, at hindi madalas lumabas ng bahay ay nakita niyang bihis na bihis, sakay ng
kanyang munting sasakyan, at halatang may mahalagang sadya sa Labas ng bayan. Bihira itong
mangyari kaya naman labis na naging interesado si Ginang Lynde na maláman ang dahilan.

Nagpunta siya sa Green Gables, ang lupaing pag-aari ng magkapatid na Matthew at Marilla
upang makiusisa Nalaman niyang papunta palá sa estasyon ng tren si Matthew upang sunduin ang
binatilyong ipinadala ng ampunan sa Nova Scotia upang ampunin nila at makatulong sa ilang gawain
sa bukid. Dito nagpahayag ng pagkagulat si Ginang Lynde at nagsabi na ng kung ano-anong
nakatatakot na kuwentong nabalitaan niyang ginawa na dati ng mga batang inampon. Naisip din ito
ni Marilla subalit pinayapa na lang niya ang sarili lalo pa't alam niyang Canadian din ang batang
aampunin kaya hindi na rin ito naiiba sa kanila. Hindi nga lang niya naisip ang pag-aampon ng isang
babae dahil wala naman itong magiging silbi sa bukid.

Nang dumating si Matthew sa estasyon ng tren ay laking gulat niya nang malamang nagkamali
ng batang ipinadala ang ampunan. Isang batang babae, sa halip na ang gusto sana nilang batang
lalaki ang inabutan niya. Kakaiba si Anne Shirley, isang labing-isang taong gulang na batang babaeng
may suot na kupas, luma, at pangit na damit; lumang sombrero, may mapulang buhok na
nakatirintas, at may dalang isang lumang bag na lalagyan ng kanyang mga gamit. Wala siyang
nagawa kundi iuwi muna sa kanilang bahay si Anne. Sa maikling biyahe pabalik sa Green Gables ay
naging magaang agad ang loob ni Matthew sa bata kahit pa siya'y takót makisalamuha sa mga babae
dahil sa ito'y masayahin, ubod ng daldal, at may napakakulay imahinasyon.

Pagdating sa Green Gables ay hindi naitago ni Marilla ang pagkadismaya nang makita si Anne.
Dito nalaman ni Anne na hindi siya ang inaasahan ng mga taong mag-aampon sana sa kanya.
Umiyak siya nang umiyak. Hindi maláman ng magkapatid kung ano ang gagawin sa batà.

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 27
Iminungkahi ng mahiyaing si Matthew na kupkupin na lang nila at huwag nang ibalik sa ampunan si
Anne. Kinabukasan nang paalis na sina Marilla at Anne para kausapin ang kinatawan ng ampunan sa
Avonlea at ayusin ang pagkakamaling nagawa ng ampunan sa Nova Scotia ay sinabi ni Matthew na
kukuha na lang siya ng taong makatutulong sa bukid dahil gusto niyang kupkupin na nila si Anne.

Habang nasa daan ay nalaman ni Marilla ang kuwento ng buhay ni Anne. Namatay ang
kanyang magulang na kapwa mga guro noong siya'y sanggol pa lang. Nagpalipat-lipat siya sa
dalawang pamilyang maraming mga anak kung saan si Anne ay naging katu-katulong sa pag-aalaga
ng mga batà. Muli siyang ibinalik sa ampunan nang mamatay ang asawa ng babaeng huling nag-
ampon. sa kanya. Naawa si Marilla sa narinig. Nang malaman ni Ginang Spencer, ang may-ari ng
ampunan sa Avonlea ang nagawang pagkakamali ay sinabi niyang aayusin niya ang gusot. May isang
babae rin kasing naghahanap ng batang babaeng maaampon, si Ginang Blewett. Nang marinig ni
Marilla kung sino ang interesadong mag-ampon ay nagdalawang isip siya dahil kilalá sa buong bayan
ang masamang ugali ng babaeng ito. Sinabi niyang iuuwi na lang muna niya si Anne upang mapag-
isipan ang dapat gawin.

Pagdating sa bahay ay kinausap ni Marilla si Matthew. Pumayag na siyang ampunin si Anne


subalit mayroon siyang kondisyon; hindi makikialam si Matthew sa gagawin niyang pagpapalaki kay
Anne. Tuwang-tuwa naman si Matthew Ang pakiusap lang niya'y maging mabuti si Marilla kay Anne.

Kinagabihan ay sinimulan na nga ni Marilla ang pagtuturo ng mabubuting asal kay Anne.
Pinagsabihan niya ang batang magdasal subalit ikinagulat niyang malaman na hindi palá ito
marunong Ayon kasi sa babaeng unang nag-ampon sa kanya, sinadya raw ng Diyos na bigyan siya
ng pulang buhok na labis niyang kinaiinisan kaya naging malayo ang loob niya sa Panginoon. Dito
napag-isipan ni Marilla na ipasok si Anne sa Sunday School ng kanilang simbahan upang matuto siya
ng tungkol sa relihiyon.

Kinabukasan nang muling magtanong ang bata ay ipinaalam na ni Marilla kay Anne na
patitirahin na rin siya sa Green Gables Tuwang-tuwang nangako ang bata na siya'y magiging mabait
at masunurin; mga katangiang alam niyang magugustuhan ni Marilla. Nagtanong din siya kung
puwede niyang tawaging Auntie si Marilla subalit sinabi niyang Marilla lang ang itatawag sa kanya.
Naging maayos ang mga unang araw ni Anne sa Green Gables. Nagawa

niyang maglibot at kilalanin ang mga punò at halaman sa paligid hanggang sa muling
dumalaw ang mausisang kapitbahay na si Ginang Lynde. Nang makita niya si Anne ay pinintasan ang
bata at sinabing napakapayat, pangit, at may buhok na kakulay ng carrots. Nagalit si Anne at
gumanti sa pasigaw na sinabing si Ginang Lynde ay mataba, mausisa, at walang imahinasyon saka
patakbong umakyat sa itaas ng bahay. Hindi sinaktan ni Marilla si Anne tulad ng mungkahi ni Ginang
Lynde subalit sinabi niya sa batang humingi ng paumanhin sa ginawang pagsigaw sa bisita. Ayaw
itong gawin ng bata sa paniniwalang hindi siya dapat humingi ng paumanhin sa bagay na hindi
naman niya pinagsisisihan. Si Matthew ang nagpaliwanag sa kanya kung bakit kailangan niyang
humingi ng paumanhin. Sumunod si Anne at humingi ng paumanhin sa paraang mabulaklak at ma-
drama.

Hindi dito nagtapos ang pagsisikap ni Marilla na maturuan ng kagandahang asal si Anne
sapagkat alam niyang kailangan nitong matuto ng mga asal na katanggap-tanggap sa lipunan.
Pinapunta niya ang bata sa simbahan at pinadalo sa Sunday School pagkatapos ng simba upang

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 28
matuto ng tungkol sa relihiyon. Sa daan ay nakakita ang bata ng makukulay na bulaklak na kanyang
ipinalamuti sa kanyang sombrero at pinagtawanan ng mga mamamayan ng Avonlea. Pag uwi ni Anne
ay sinabi niya kay Marilla na nakababagot ang sermon at pagtuturo ng guro sa Sunday School.
Pinagsabihan siya ni Marilla subalit sa loob-loob. niya'y alam niyang totoo ang sinasabi ng bata.
Maliban sa mga kakaibang kilos at prangkang pananalita, ang isa pang naging suliranin kay Anne ay
ang labis na imahinasyon at wala sa lugar na pangangarap na madalas nagdadala sa kanya sa
kapahamakan tulad na lang nang mag-bake siya ng cake na hindi makain dahil nalagyan niya ng
liniment sa halip na ranilla at nang muntik na siyang .malunod habang iniaarte ang isang tula.

Subalit hindi lang si Marilla ang nagturo kay Anne.SiAnne man ay pumukaw rin ng mga
damdaming hindi alam ni Marilla na taglay pa palá ng kanyang puso tulad nang minsang yakapin at
hagkan siya ni Anne sa laki ng tuwa nito sa balitang magkakaroon ng picnic ang mga batang kasama
sa Sunday School, nakadama si Marilla ng hindi maipaliwanag na kaligayahan. Marami pang
pangyayaring naganap sa akda ang lalong naglapit kay Anne sa puso ni Marilla. Kung tahimik at
malamig man siya sa pakikitungo sa bata, batid niyang mahalaga si Anne at hindi niya pinagsisihan
ang pagkupkop dito.

Nagsimulang pumasok sa paaralan si Anne kung saan siya nagkaroon ng maraming kaibigan.
Naging mas malapit nga lang siya sa mga babae at umiwas sa mga lalaki. Mas lumawak ang mundo
niya at dito lumutang ang taglay niyang na katalinuhan. Naging karibal niya sa pangunguna sa klase
si Gilbert Blythe, ang kaklaseng kinainisan niya dahil tinawag siyang "Carrots" at pabirong hinatak pa
ang kanyang tirintas. Mula noon hanggang sa halos pagtatapos na ng nobela ay hindi niya pinansin
at kinausap si Gilbert kahit pa paulit-ulit na itong nagpapakumbaba at humihingi ng tawad. Masakit
kay Anne na tawaging carrot dahil sa simula pa lang ay ayaw na ayaw niya sa pulang buhok na sa
tingin niya'y nagpapapangit sa kanya.

Naging matalik na kaibigan ni Anne si Diana, isang batang kapitbahay at kaklase rin niya. Lagi
siláng sabay sa pagpasok sa paaralan at pagsasadula sa mga bagay na bunga ng makulay na
imahinasyon ni Anne. Minsan, sa kanilang pagsasadula ay aksidenteng napainom niya ng totoong
alak si Diana sa halip na juice ng raspberry. Inakalang nanay ni Dianana sinadyaniyang lasingin ang
anak kaya't pinagbawalan niya si Diana na makipaglaro o makipag usap kay Anne. Labis itong
ikinalungkot ni Anne. Nabago lang ito nang mailigtas ni Anne ang bunsong kapatid ni Diana nang
sumpungin ito ng croup o pagdalahit ng ubo habang wala ang kanilang magulang.

Nagkaroon ng magandang pagbabago sa buhay ni Anne nang mapalitan ang mga dating guro
niya sa paaralan at sa Sunday School ng mga gurong tulad nina Ginang Allan at Binibining Stacy na
higit na makabago, mahuhusay magturo, at may malasakit sa mga mag-aaral. Lalong lumago ang
taglay na talino at galing ng bata. Dahil din sa matiyagang paggabay ng dalawang guro ay nagbago
maging ang mga hindi magagandang ugali ng bata.

Ang pagsisikap at katalinuhang ipinakita ni Anne ay nagbunga nang mapasama siya sa ilang
piling mag aaral na sasanayin ni Binibining Stacy upang kumuha ng entrance exam sa Queen's
Academy. Kasama rin sa grupong sinasanay ang mahigpit niyang karibal na si Gilbert Blythe.
Nalungkot lang si Anne dahil hindi na niya kasama ang matalik na kaibigang si Diana. Wala na kasing
balak ang magulang niyang papagaralin siya sa kolehiyo. Nang lumabas sa mga pahayagan ang
resulta, hindi lang basta pumasa si Anne. Sila ni Gilbert ay parehong nanguna sa pagsusulit at ang

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 29
lahat ng mga mag-aaral mula sa Avonlea na kumuha rin ng pagsusulit ay pumasa. Tuwang-tuwa sina
Matthew, Marilla, Ginang Lynde, at Diana sa tagumpay ni Anne.

Nakapasok at nakapagtapos ng isang taong programa si Anne sa Queen's Academy. Hindi lang
iyon, nakuha rin niya ang Avery Scholarship para sa pinakamahusay na mag-aaral sa Ingles, kaya't
pagkatapos ng isang taon niya sa Queen's Academy ay maaari na niyang ituloy ang apat na taong
kurso sa Redmond College. Naroon pa rin ang paligsahang namamagitan sa kanila ni Gilbert subalit
para kay Anne, hindi na mahalaga ang manalo. Sa halip, iniisip niyang sana'y maging magkaibigan na
silá ni Gilbert.

Sa pagbabalik niya sa Avonlea ay nalaman niyang magtuturo na si Gilbert sapagkat hindi na


siya kayang papag-aralin ng kanyang ama. Ikinalungkot ni Anne ang balita. Bukod dito, napansin
niya ang pagsama ng kalagayan ng kalusugan nina Matthew at Marilla. Si Matthew ay may iniindang
sakit sa puso samantalang si Marilla ay patuloy ang paglabo ng mata at madalas na pagsakit ng ulo.
Madalas din niyang naririnig ang dalawang nag-uusap ukol sa hindi magandang lagay ng Bángko ng
Abbey kung saan nakalagak ang lahat ng kanilang salapi.

Ang sakit sa puso ni Matthew ang naging dahilan ng biglaan niyang pagkamatay nang
malamang bumagsak at nagsara ang Bángko ng Abbey kasama ang lahat ng naipon nila. Labis na
ikinalungkot nina Marilla at Anne ang pagkamatay ni Matthew. Ito ang kauna-unahang pagkakataong
nakaramdam si Anne ng sobrang sakit sa pagpanaw ng isang minamahal. Naging karamay siya ni
Marilla na noo'y nagpahayag ng pagmamahal kay Anne. Sa kanilang mga pag-uusap ay ipinagtapat
din ni Marilla na ang ama palá ni Gilbert ay dating nanligaw sa kanya subalit nang minsang
magkasamaan silá ng loob ay hindi na niya ito binigyan ng pagkakataon at ito'y pinagsisihan niya
nang labis. Isang bagay na ayaw niya sanang maranasan ni Anne.

Dahil sa paglala ng kalagayan ng mga mata ni Marilla ay nagpasiya si Anne na manatili na sa


Green Gables upang maalagaan siya sa halip na ipagpatuloy ang pag-aral sa pamamagitan ng Avery
Scholarship. Tinanggihan niya ang plano ni Marilla na ipagbili ang Green Gables, Magtuturo na lang
daw siya sa Carmody, isang paaralang nasa labas pa ng kanilang bayan dahil ang paaralan sa
Avonlea ay naibigay na kay Gilbert. Subalit hindi inaasahan ni Anne ang sakripisyong ginawa ni
Gilbert. Nakiusap pa ang binata sa mga namamahala ng paaralan sa Avonlea upang ibigay na lang
ang posisyon kay Anne at nang hindi siya malayo kay Marilla. Siya naman ay sa White Sands na
magtuturo, isang paaralang malayo sa Avonlea kung saan kakailanganin pa niyang mangupahan.
Natuwa si Anne na sa Avonlea na lang siya magtuturo dahil mababantayan niya si Marilla at malalapit
siyang muli kay Diana. Nang magkita sila ni Gilbert ay binasag na niya ang limang taong malamig na
pakikitungo sa binata. Pinasalamatan niya ito at sila'y nagkamay bilang tanda ng pagsisimula ng
isang mabuting pagkakaibigan. Naging mas makitid at nagkaroon man ng liko ang hinaharap para
kay Anne ay nanatili siyang masaya at umasang ito’y maghahatid sa kanya sa higit na mabuting
bukas.

Si Anne ng Green Gables


(Ang Mag-aaning Tinatawag na Kamatayan)

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 30
Matthew--Matthew--Anong nangyayare Matthew, may sakit ka ba?

Halatang halata ang pagaalala s nanginginig na tinig ni Marilla. Siya namang pagpasok ni
Anne, hawak ang pumpon ng mga puting bulaklak ng narcissus,-pagkatapos nito'y matagal bago
muling nagustuhan ni Anne ang amoy at ganda ng narcissus-nakita at narinig niya si Matthew,
nakatindig sa bungad ng kanilang terasa, hawak ang isang papel, nakangiwi at nagkukulay abo ang
mukha Sumambulat ang mga bulaklak na hawak ni Anne nang mabilis siyang tumakbo upang
alalayan ang pagbagsak ng matandang lalaking kasabay ni Marilla subalit huli na; bago pa nila
naabot si Matthew ay bumagsak na ito. "Nawalan siya ng malay," sigaw ni Marilla. "Anne, tawagin
mo si Martin

bilis, bilis! Näsa silungan siya ng mga hayop." Si Martin, ang katulong nila sa bukid na
kararating lang mula sa post office ay lumabas agad upang tumawag ng doktor subalit dumaan muna
sa Orchard Slope upang pasabihan ang mag-asawang Barry Dumating din si Ginang Lynde na
nagkataong nasa labas noon. Nadatnan nila sina Marilla at Anne na sumusubok mapanumbalik ang
malay ni Matthew

Lumapit si Ginang Lynde at pinatabi muna ang dalawa saka niya pinulsuhan si Matthew.
Idinikit din niya ang tainga sa dibdib ng lalaki. Pagkatapos ay malungkot siyang napatingin sa mga
nag-aalalang mukha sa paligid at saki napaluha.

"Marilla," ang sabi niyang puno ng dalamhati. "Wala na tayong magagawa para sa kanya."

"Ginang Lynde, iniisip n'yo po bang-sa palagay po ba ninyo, si Matthew ay-ay- Hindi mabigkas
ni Anne ang mga salitang kinatatakutan niya. Pakiramdam niya'y magkakasakit siya.

"Anak, ikinalulungkot ko, subalit wala na siya. Tingnan mo ang kanyang mukha. Kapag nakita
mo ang ganyan, malalaman mo na kaagad ang kahulugan niyan.

Tinitigan ni Anne ang walang kakilos-kilos na mukha at doon, nakita niya ang
makapangyarihang presensiya.

Nang dumating ang doktor ay sinabi niyang hindi nakayanan ng puso ni Matthew ang
matinding pagkabiglang naging sanhi ng kanyang pagkamatay Maaaring ni wala siyang nadamang
sakit. Nabatid ng lahat ang naging dahilan ng pagkabigla ni Matthew mula sa papel na hawak niya at
kinuha ni Martin sa post office nang umagang iyon. Nakasaad dito ang pagbagsak ng Bangko ng
Abbey.

Mabilis na kumalat sa buong Avonlea ang balita at sa buong maghapon, ang mga kaibigan at
kapitbahay ay nagsitungo sa Green Gables, Naipakita rito ang kabutihang inukol hindi lamang para sa
yumao kundi gayundin sa mga naulila. Sa kauna-unahang pagkakataon, ang mahiyaing si Matthew
ay naging sentro ng atensiyon ng lahat.

Nang sumapit ang gabi, ang kabuoan ng lumang bahay sa Green Gables ay naging tahimik at
payapa. Sa sála ng bahay ay nakahimlay ang mga labi ni Matthew Cuthbert. Ang kanyang mahaba at
abuhing buhok ay nakaayos at sa kanyang mukha'y makikita ang bahagyang ngiting parang
natutulog lang at nananaginip ng isang magandang panaginip. Maraming nakapaligid na bulaklak,

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 31
mababango at makukulay na bulaklak mula sa mga halamang itinanim pa ng kanilang ina sa hardin
ng kanilang bukirin.

Pinitas ni Anne ang mga bulaklak para kay Matthew habang ang kanyang malulungkot na mga
matang hindi magawang lumuha ay kapansin-pansin sa kanyang maputlang mukha. Ito na lang ang
maaari niyang gawin para sa pinakamamahal na si Matthew.

Nang gabing iyon ay sinamahan silá ng mga Barry at ni Ginang Lynde. Nilapitan ni Diana ang
kaibigan na noo'y nakatayo sa tapat ng isang bintanang nása gawing silangan ng gable at saka
masuyong nagtanong: "Anne, gusto mo bang samahan kitá sa pagtulog ngayong gabi?"

"Salamat, Diana," sabi ni Anne habang nakatitig sa mukha ng kaibigan. "Pero sana
maintindihan mo akó, gusto ko muna sanang mapag-isa. Hindi akó natatakot. Hindi pa akó nakapag-
iisa simula nang mangyari ito-at gusto ko sana. Gusto kong tumahimik at subuking unawain ang mga
pangyayari. Hindi ko maunawaan. Ang isang bahagi ng isipan ko'y nagsasabing hindi pa patay si
Matthew subalit ang kabilang bahagi naman ay nagsasabing matagal na siyang patay at taglay ko
ang matinding pait na ito noon pa man.

Hindi maunawaan ni Diana ang kaibigan. Mas madali niyang naunawaan ang pagbaha ng labis
na emosyon at pagdadalamhati ni Marilla na hindi inaasahan sa isang tulad niyang malamig at
kontrolado ang emosyon kaysa sa tahimik na pagdadalamhati ni Anne. Subalit iginalang niya ang
pasiya ng kaibigan at iniwan ito sa kanyang unang paglalamay sa kalungkutan.
Umaasa si Anne na dadaloy ang kanyang luha kapag siya'y napag-isa. Para sa kanya'y
nakapanghihilakbot ang hindi pagpatak ng kanyang luha para kay Matthew na mahal na mahal niya
at naging napakabuti sa kanya, si Matthew na kasima lang niyang naglakad habang papalubog ang
araw kahapon, ngayo'y payapang nakahiga sa isang kabaong sa ibaba. Subalit hindi pa rin
magawang pumatak ng kanyang luha kahit pa lumuhod siya sa bintanang balot ng kadiliman at
nanalangin habang nakatanaw sa mga buról na nasa malayo-walang luha, maliban sa pait na
nadarama ng kanyang puso hanggang sa siya'y makatulog dala na rin ng pagod sa maghapong
paggawa at sa sakit ng kalooban.

Nagising siya nang maghahatinggabi, tahimik at madilim ang buong paligid, at nagbalik sa
kanyang alaala ang mga nagdaang napakalungkot na pangyayari. Nagbalik sa kanyang alaala ang
nakangiting mukha ni Matthew nang maghiwalay sila nang nagdaang gabi. Parang naririnig pa niya
ang masayang tinig nitong nagsasabing. "Ang aking anak-ang aking anak na ipinagmamalaki ko. At
noon bumuhos ang luha at si Anne ay tumangis. Narinig siya ni Marilla kaya't ito'y dahan-dahang
lumapit upang payapain siya.

"Siya, siya, huwag ka nang umiyak, mahal ko. Hindi na siya maibabalik ng ating mga luha.
Hindi-hindi tamang umiyak Alam ko iyan subalit hindi ko rin napigilan ang aking sarili. Naging
napakabuti niyang kapatid sa akin-subalit ang Diyos ang nakaaalam kung ano ang makabubuti."

"Hayaan mo lang akong umiyak, Marilla," sabi ni Anne habang humihikbi. "Hindi ako
nasasaktan ng aking mga luha, di tulad ng sakit na nararamdaman ko nang hindi ako makaiyak.
Samahan mo muna sana akó sandali at yakapin mo akó. Hindi ako nagpasama kay Diana kahit pa
siya'y napakabait at napakabuti. -sapagkat hindi niya ito dalamhati-nása labas siya nito kaya hindi

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 32
niya magawang makalapit sa aking puso upang tulungan ako. Ito'y ating dalamhati -sa iyo ak sa akin.
Marilla, paano na tayo ngayong wala na siya?"

"Naririto tayo para sa isa't isa, Anne. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka-kung hindi
ka dumating sa buhay namin. Anne, alam ko, naging mahigpit at masungit ako sa 'yo-subalit huwag
mo sanang iisiping hindi kitá minahal na tulad ng pagmamahal sa iyo ni Matthew. Gusto kong sabihin
na ito sa 'yo ngayon habang kaya ko pa. Hindi naging madali sa aking sabihin ang mga bagay na
nagmumula sa aking puso, subalit sa ganitong pagkakataon ay magiging mas madali. Mahal na
mahal kitang parang tunay kong dugo at laman at ikaw ang naging kaligayahan at nagbigay-aliw sa
akin simula nang dumating ka sa Green Gables."

Pagkalipas ng dalawang araw ay dinala nila si Matthew Cuthbert sa kanyang huling himlayang
malayo sa bukid na kanyang pinagyaman at minahal, at sa mga punong kanyang itinanim. At ang
Avonlea ay muling bumalik sa nakagawiang mapayapang pamumuhay. Maging sa Green Gables ay
patuloy na naisagawa ang mga tungkulin at gawaing tulad nang dati, kahit pa nadarama ang pait sa
pagkawala ng mga "nakasanayang bagay." Para kay Anne na bago sa pagdadalamhati, nakaradama
siya ng pagkalito at kalungkutan dahil nagawa pa rin nila ang mga dating ginagawa kahit pa wala na
si Matthew prang napapahiya at nagsisi siya sa nadaramang kaligayahan sa pagtanaw sa gandahan
ng papalubog na araw, sa mga umuusbong na mga kulay rosas na sa hardin, gayundin sa mga
pagbisita ni Diana at sa mga pagngiti at phalakhak niya sa mga pagbibiro nito. Nadarama pa rin niya
sa kanyang puso kapangyarihan ng magagandang bulaklak, gayundin ang pagmamahal at
pagkakaibigan.

Pakiramdam ko'y nagtataksil akú kay Matthew dahil nakadarama pa rin ako ng kaligayahan sa
mga bagay-bagay kahit wala na siya," sabi niya kay Ginang Allan isang gabing sila'y magkasama sa
hardin ng manse. Nami-miss ko ya nang sobra-sobra-sa lahat ng oras-subalit bakit po ganoon Ginang
Allan, mundo at ang buhay ay nananatiling maganda at kawili-wili para sa akin. Kanina, may sinabing
nakatatawa si Diana kaya't hindi ko naiwasang matawa. Alala ko nang wala siya'y hindi ko na
kakayaning tumawa pang muli. Parang hindi ito dapat nararamdaman, hindi ba?"

Nang narito pa si Matthew, gustong-gusto niyang marinig na tumatawa ka at ikinatutuwa niya


ang magagandang bagay na nangyayari sa paligid mo," ang sabi ni Ginang Allan. "Nása malayo lang
siya ngayon subalit tiyak na gusto pa rin niyang manatili ang dating ikaw. Sa palagay ko hindi natin
dapat ihinto ang ating puso sa pagdama sa kagalingang hatid ng kalikasan. Subalit nauunawaan lo
ang iyong nadarama. Sa tingin ko, nararanasan nating lahat ang ganyan. Ayaw nating makadama ng
saya kapag hindi natin kasima ang ating mahal sa buhay Akala nati'y hindi tayo nagiging tapat sa
ating pagdadalamhati kapag naramdaman na nating nagbabalik na ang ating interes sa buhay
"Kanina'y galing ako sa libingan ni Matthew at nagtanim ng mga rosas,

ang tila nangangarap na sabi ni Anne. Galing ang mga rosas na ito sa mga puting rosas na
dinala pa ng kanilang ina mula sa Scotland. Ang mga mumunti at mababangong rosas na iyon ang
paborito nij Matthew Natutuwa akong itanim ang mga to sa kanyang libingan dahil alam kong
katutuwa niya kapag inilapit ko ang mga ito sa kanya. Sana may mga rosas na tulad nito, sa langit.
Maaaring ang kaluluwa ng mga puti at mumunting rosas na minahal niya sa maraming tag-araw ay
naroroong lahat 12 upang salubungin siya. Uuwi na po ako. Nag-iisa kasi si Marilla at nalulungkot

siya kapag sumasapit ang paglubog ng araw."

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 33
"Sa tingin ko'y lalo pa siyang malulungkot kapag umalis ka na upang mag anal sa kolehiyo,"
sabi ni Ginang Allan. Hindi kumibo si Anne. Nagpaalam na siya at saka mabagal na naglakad pauwi
sa Green Gables.

ALAMIN NATIN!
MGA PAGDULOG O PANANAW SA PAGSUSURING PAMPANITIKAN

Ang panitikan ay sumasalamin sa tunay na buhay. Mababatid ang kalagayan at kasaysayan ng isang
lugar sa isang partikular na era o panahon sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga panitikang nasulat
at umusbong sa panahong ito. Sa maraming pagkakataon, nakita ang lakas at kapangyarihan ng
panitikan sa pagiging daan nito upang mabago ang lipunan. Nakita natin sa kasaysayan kung
paanong ang panitikan ang naging mitsa upang maghimagsik ang mga karaniwang taong nasikil ang
kalayaan, at magkaisa sa paglagot ng tanikalang bumihag sa kanila sa mahabang panahon. Kung
ganito kalakas ang impluwensiya ng panitikan sa tao ay nararapat lamang na matuto tayong sumuri
o maging mapanuri sa mga panitikang ating binabasa at sinusundan.

Paano nga ba sumuri ng isang akdang pampanitikan? Kailangan bang maging dalubhasa upang
makapagsuri ng akdang pampanitikan? Sa ano-anong pagdulog o pananaw ba maaaring suriin ang
isang panitikan? Mababasa sa ibaba umusunod na mga pagdulog o pananaw at pahapyaw na
pagpapaliwanag tangian ng bawat isa:

1. Moralistiko-Sa pananaw na ito sinusuri ang panitikan batay sa pagpapahalagang taglay nito.
Mababatid ng isang manunuri kung taglay ba ng akda ang pagpapahalaga sa disiplina,
moralidad, at kaayusang nararapat at inaasahan ng madla.
2. Sosyolohikal-Sa pamamagitan ng pananaw na ito mahihinuha ang kalagayan ng lipunan nang
panahong isinulat ang akda. Karamihan sa mga akdang sinusuri gamit ang pananaw na ito ay
dumadalumat sa kalagayan ng lipunan at sa uri ng mga taong namayagpag sa panahong ito.
3. Sikolohikal-Sa pananaw na ito makikita ang takbo o galaw ng isipan ng manunulat. Mahihinuha
sa kanyang akda ang antas ng kanyang pamumuhay, ang kanyang paninindigan, paniniwala, at
pagpapahalaga, gayundin ang mga ideya o kaisipang naglalaro sa kanyang isipan at kamalayan.
4. Formalismo-Sa pamamagitan ng pananaw na ito, binibigyang. pansin ng manunuri ang kaisahan
ng mga bahagi at ang kabuoan ng akda nang malayo sa pinagmulang kapaligiran, era o
panahon, at maging sa pagkatao o katangian ng may-akda.
5. Imahismo-Umusbong ang paggamit ng pananaw na ito noong mga unang dekada ng
1900.Laganap kasi sa panahong ito ang romantisismo sa panitikan kaya inilunsad ang imahismo
na naglalayong magpahayag nang malinaw gamit ang mga tiyak na larawang biswal. Nagiging
mas epektibo ang pagpapahayag ng mensahe sa kadahilanang nabibigyang buhay ng may-akda
ang mga kaisipang nais ipahiwatig
6. Humanismo-Binibigyang-pansin ng pananaw na ito ang kakayahan o katangian ng tao sa
maraming bagay. Ang pananaw na ito ay nagpapahalaga higit sa tao kaysa sa anumang bagay.
7. Marxismo-Ito ay nakabase sa teorya ni Karl Marx patungkol sa pagkakaiba-iba ng kalagayan sa
buhay at ang implikasyon ng sistemang kapitalista sa ating lipunan. Karaniwang ginagamit ang
pananaw Marxismo sa pagbibigay-halaga sa tunggalian sa pagitan ng dalawang malalakas at
magkasalungat na puwersa o kapangyarihan tulad ng tunggalian sa pagitan ng mahihirap at
mayayaman, may kapangyarihan at naaapi. Ipinakikita ng Marxismo kung paanong ang

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 34
mahihirap at manggagawa ay naaapi hindi lang sa panitikan kundi higit sa lahat sa tunay na
buhay.
8. Arketipo-Ang pananaw na ito ay gumagamit ng huwaran upang masuri ang elemento ng akda.
Ang salitang arketipo ay nangangahulugang modelo kung saan nagmumula ang kapareho nito.
Feminismo-Sa pamamagitan ng pananaw na ito nasusuri ang kalagayan ng kababaihan at ang
pagkakapantay-pantay ng kalagayan ng kababaihan at kalalakihan sa lipunan at maging sa
panitikan. Layon nitong labanan ang anumang diskriminasyon, eksploytasyon, opresyon, at ang
tradisyonal na pananaw sa kababaihan. 10. Eksistensyalismo-Ipinakikita sa pananaw na ito na
ang tao ay malayang magpasiya para sa kanyang sarili upang mapalutang ang pagiging
indibidwal nito at nang sa gayon ay hindi maikahon ng lipunan. Makikita o mababanaag ito sa
uri ng mga tauhang gumaganap sa akda.

Ginamit din sa pagsusuri ng panitikan ang tatlong malalaking kilusang pansining at


pampanitikan tulad ng sumusunod:

1. Klasisismo

Ang sumusunod ay ang mga katangian ng akdang klasisismo:


 Pinahahalagahan nito ang katwiran at pagsusuri
 Layunin nitong mailahad ang katotohanan, kabutihan, at kagandahan
 Malinaw, marangal, payak, matimpi, obhetibo, magkakasunod sunod, at may hangganan.
2. Romantisismo

Ito'y isang malaking kilusang pansining at pampanitikan sa Europa na sumibol noong huling bahagi
ng 1800 at pagpasok ng 1900. Ang sumusunod ay ang mga katangian ng mga akdang romantiko:

 Binibigyang-halaga nito ang indibidwalismo kaysa kolektibismo, ang rebolusyon kaysa


konserbatismo, imahinasyon kaysa katwiran, at likás kaysa pagpipigil.
 Kung ang panitikan sa panahon ng klasisismo ay maayos, mapayapa, ideyal, at rasyonal, sa
panahon naman ng romantisismo ay higit na lumutang ang damdamin kaysa kaisipan.
3. Realismo-
Ipinakikita ng panitikang realismo ang katotohanan. Ipinalalasap nito ang katotohanan ng buhay
maging ito man ay hindi maganda. Layunin nitong ilahad ang mga pangyayari sa tunay

IV. Pagtatalipuspos

 Ang panitikan ay sumasalamin sa tunay na buhay


 Ang Anne ng Green Gables ay isinulat at inilathala noong 1908 ni L.M. Montgomery o
Lucy Maud Montgomery. Isinilang si Montgomery sa Clifton, Prince Edward Island, sa
Canada noong Nobyembre 30, 1874. Namatay ang kanyang ina nang siya'y dalawang
taong gulang pa lang at nang muling nag-asawa ang kanyang ama, siya ay ipinadala
at lumaki sa kanyang mga lolo at lola sa Cavendish, Prince Edward Island. Katunayan,
ang bayan ng Cavendish ang naging inspirasyon niya sa mga lugar na isinama niya sa
Avonlea, ang tagpuan ng kanyang nobela. Nang makapag-asawa si Montgomery ay
tumira na silá sa lungsod ng Ontario subalit nang siya'y yumao noong 1942 ay ibinalik
muli sa Cavendish ang kanyang mga labi upang ito ang kanyang maging huling
himlayan. Katunayan, hanggang sa kasalukuyan ay dinarayo pa ng mga turista ang

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 35
kanyang tahanan, libingan, at ang muscong ipinatayo para sa kanya at sa kanyang
mga obra.
 Ang pagiging kapamilya’y hindi lang nakikita sa pagiging kadugo kundi sa pagiging
mabuti, magalang at mapagmahal na kapuso.

ST. SEBASTIAN INTERNATIONAL SCHOOL Negros GRADE 10


occidental, inc. 2nd Quarter
Tindalo Avenue, Capitol Shopping, Bacolod City TERM
S.Y 2022-2023
Tel. Nos. (034) 461-7021 / (034) 703-3980
SSISBcd@gmail.com SUBJECT FILIPINO 10
SSIS Bacolod
SSIS Bacolod PAG-IBIG NA NAWALA AT
TOPIC NATAGPUAN SA BERLIN WALL
(SANAYSAY)
Prepared
COURSE NOTES 13
by: Bb. Sandra P. Binatero, LPT
Junior High Department
Teacher:

I. Pagtatanaw!

Iugnay nang may panunuri sa sariling saloobin at damdamin ang naririnig na balita,
komentaryo, talumpati, at iba pa;
Ipahahayag nang may katalinuhan ang sariling kaalaman at opinyon tungkol sa isang
paksa sa isang talumpati; at
Sumulat ng isang talumpati tungkol sa isang kontrobersyal na isyu.

II. Pagtuklas!

A. Pampukaw na tanong:
1. Bakit mahalagang igalang at pangalagaan ang kalayaan ng isang tao?

B. Nasubukan mo na bang makagawa ng kasalanan at ang naging kaparusahan


ygrounded ka at hindi ka pinayagang lumabas ng bahay nang ilang araw maliban na
lang kung papasok ka sa paaralan?.________________

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 36
 Ano ang mararamdaman mo kung mawalan ka ng kalayaan sa loob ng ilang araw?
__________________________
 Ano kaya ang mararamdaman at gagawin mo kapag nawalan ka ng kalayaan sa
loob ng dalawampu't walong taon?____________________________________

III. Pagtatalakay

Ang Berlin Wall ay itinuturing na simbolo ng "Cold War" sa pagitan ng demokrasya at komunista.
Itinayo ito noong Agosto 12, 1961 bilang pansamantalang bakod na gawa sa barbed wire para
mapaghiwalay ang Silangang Berlin na kontrolado ng mga Komunista at ang Kanlurang Berlin na
nagtatamasa ng demokrasya. Sa pagdaan ng panahon ito ay pinatibay, pinataas, at ginawang
kongkreto. May taas itong labing-isa hanggang labintatlong talampakan at nakapaikot sa kabuoan ng
Silangang Berlin sa habang isandaan, animnapung kilometro. Ang mga gusaling nasagasaan ng
Berlin Wall ay giniba.

Maraming ginawa ang pamahalaang komunista upang mapigilan ang pagtakas ng mga
mamamayan tulad ng paglalagay ng napakaraming guwardiya, pagtatanim ng mga pampasabog, at
paglalagay ng makinis na túbo sa ibabaw upang hindi matalunan. Nagtayo rin sila ng Ba pang bakod
at ang malapad na pagitan ng dalawang bakod ay tinawag na no man's land" o "death strip kung
saan gumagala ang mga guwardiya at mababangis na áso. Ang mga guwardiya ay naatasang barilin
ang sinumang magtangkang tumakas. Katunayan, humigit-kumulang 100,000 Berliner ang
nagtangkang tumakas papuntang kanluran subalit nása lima hanggang sampung libo lang ang
matagumpay na nakatakas. Umaabot sa dalawandaang tao ang naitalang namatay habang
tumatakas. Ang iba'y binaril at napatay ng mga guwardiya, ang iba nama'y namatay sa sakuna dahil
sa mapanganib na paraan nila ng pagtakas.

Pagkalipas ng dalawampu't walong taon ay nabuwag ang bakod noong 1989 at ang Berlin ay
naging isang ganap at buong lungsod muli noong Oktubre 3, 1990. Gayumpaman, ang Berlin Wall ay
mananatiling bahagi ng madilim na kasaysayang sumisimbolo sa panunupil sa kalayaan at karapatan
ng tao na nagpabago sa buhay ng milyon-milyong Berliner.

Pag-ibig na Nawala at Natagpuan sa Berlin Wall

Totoo nga ang kasabihang sa buhay ng tao'y walang kasiguraduhan. Minsa'y matutulog ka
lang at paggising mo'y iba na ang iyong kalagayan. Napatunayan ko ito at ng milyon-milyong
Alemang tulad kong natulog lang noong gabi ng Agosto 12, 1961 at paggising kinabukasa'y mistulang
naging bilanggo at hindi na makalabas sa bayang nabakuran. Akó si Amelie Böhler, isinilang sa
lungsod ng Berlin noong 1939. Ang isasalaysay ko'y nangyari sa akin at sa aming bayan, limampu't
tatlong taon na ang nakararaan. Napakatagal nang nangyari subalit sa aki'y parang kahapon lang at
hinding-hindi ko maibabaon sa limot. Naalala ko pa, akó noo'y isang dalagang dalawampu't dalawang
taong gulang. Nakatirá akó at ang aking magulang sa silangang bahagi ng Berlin. Araw-araw ay
bumibiyahe akó patungong Kanlurang Berlin upang pumasok sa aking trabaho. Isa akong kawani sa

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 37
malaking pagawaan ng gulong ng sasakyan. Masayá akó sa aking trabaho dahil marami akong
kaibigan, maganda ang pasahod at ang kalagayan namin sa pagawaan, at higit sa lahat, dito ko
nakilala ang aking kasintahang si Ludwik. Marami kaming plano ni Ludwik at kasama na rito ang
pagpapakasal sa pagkalipas ng anim na buwan. Nagpapatayo na siya noon ng tahanan para sa
aaming magiging pamilya at pinaghahandaan ko naman ang paglipat ng tirahan mula sa poder ng
aking magulang patungo sa piling ng aking pinakamamahal. Kontento ako sa aking buhay at wala na
akong mahihiling pa, hanggang sa sumapit ang gabi ng Agosto 12, 1961. Tulad ng karamihan sa mga
Berliner. natulog ako at umaasang kinabukasan ay magpapatuloy ang aking buhay. Ni wala sa
hinagap kong isang napakahabang bangungot pala ang nakatakdang mangyari.

Kinabukasan, Agosto 13, 1961, papasok sana ako sa trabaho subalit wala nang biyahe ng tren
patungong Kanlurang Berlin. Sa loob ng magdamag ay isang bakod na gawa sa alambreng may tinik
ang kagyat na itinayo at ipinalibot sa kabuoan ng Silangang Berlin. Humati ito sa kanluran at
silangang bahagi ng lungsod. Napakaraming guwardiya at hindi na pinayagan ang sinumang tumawid
sa border. Sa isang iglap, nagbago nang lubusan ang buhay ko. Hindi ko matanggap na wala na
akong trabaho, mga kaibigan, at ang pinakamasakit, ang pinakamamahal kong kasintahan. Subalit
hindi ako nag-iisa. Ang libo-libong Berliner at ang buong mundo ay nagulantang din sa pangyayari

Paano umabot sa ganito? Ano nga bang nangyari?" Ito ang tanong na pilit inihahanap ng
kasagutan ng mga Berliner lalo na ang mga naiwan sa silangang bahagi. Babalikan ko ang bahagi ng
kasaysayang naging dahilan sa pangyayaring ito.

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang aming bansang Alemanya o Germany ay


nasakop ng Allied Powers. Pinaghatian ng mga ito ang buong bansa gayundin ang kabisera nitong
Berlin. May bahaging napunta sa bawat bansang kabilang sa Allied Powers tulad ng Estados Unidos
ng Amerika, Gran Britanya, Pransya, at Soviet Union. Noong una'y nagkakasundo ang apat sa paraan
ng pamumuno sa aming bansa subalit hindi rin ito nagtagal dahil sa pagkakaiba sa paniniwala at
pamamahala. Ang Estados Unidos ng Amerika, Gran Britanya, at Pransya ay pawang nagpatupad ng
sistemang demokrasya, samantalang ang sa Soviet Union ay komunista. Nagkaisa ang tatlong bansa
kaya't mula sa mga bahaging napunta sa kanila ay nabuo ang Kanlurang Germany na tinatawag ding
Federal Republic of Germany. Ang bahagi namang sinakop ng Soviet Union ay tinawag na Silangang
Germany o German Democratic Republic.

Ganito rin ang nangyari sa Berlin. Ang Kanlurang Berlin ay namuhay sa demokrasya
samantala, komunista ang umiral sa Silangan. Hindi nagtagal, nakita agad ang pagkakaiba sa
pamumuhay ng nahating bansa. Ang Kanlurang Germany ay tinulungan ng mga sumakop upang
makabawi sa pagkasirang dalá ng digmaan kaya't dagling umunlad ang kanilang ekonomiya.
Nagkaroon ng maraming trabaho, sumigla ang kalakalan, umunlad, at naging maganda ang buhay ng
mga mamamayan. Kabaligtaran ito ng nangyari sa Silangang Germany. Sa halip na tulungan,
inangkin ng Soviet Union ang lahat ng mapakikinabangan at dinala sa kanilang bansa. Naging
napakabagal ng pag-unlad at apektado nito ang pamumuhay ng mga tao.

Dahil dito, napakaraming mamamayan mula sa Silangang Germany ang naglipatan sa


kanluran. Noong 1961, umabot sa dalawa't kalahating milyong tao ang nag-alsa-balutan at tumakas
patungong kanluran. Sila pa naman ang mga nakapag-aral at mga propesyonal. Ikinatakot ng
silangan ang bilis ng paglipat ng kanilang mga mamamayan dahil baka maubusan sila ng

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 38
magtataguyod sa kanilang ekonomiya. Ang naisip nilang solusyon ay ang pagpapatayo kaagad ng
Berlin Wall upang mahadlangan ang mga tao sa paglipat sa kabilang bahagi ng bansa.

Dahil sa dagliang pagtatayo ng bakod na humati sa mga lansangang nag uugnay sa silangan
at kanluran at sumikil sa kalayaan ng mga mamamayan, marami ang nagtangkang tumakas at hindi
inalintana ang panganib. Subalit kung marami ang nagtagumpay, napakarami rin ang nabigo at
umabot pa sa pagbubuwis ng maraming buhay, Isa ako sa mga sumubok tumakas upang
maipagpatuloy ang dati kong buhay sa kanluran subalit tulad ng maraming iba pa, nabigo rin ako. Sa
pagdaan ng mga taon ay lalo pang pinatibay at pinataasan ng Silangang Berlin ang bakod at sinarhan
ang mga lagusang dinaanan ng mga naunang tumakas Naging mas lalong imposible ang pagtakas.

Hindi ko alam noon kung paano muling magsisimula Pinutol ang mga kawad ng telepono
kaya't kahit tawag sa telepono o liham ay hindi man lang kami nagkaroon ng pagkakataong
makapagpaalaman nang maayos ng aking mahal. Sa loob ng dalawampu't walong taon ay walang
araw na hindi ko pinanghinayangan ang naging maayos ko sanang buhay kung sa kanlurang bahagi
akó inabutan ng paglalagay ng bakod. Kinamuhian ko ang aming pamahalaan sa pagkontrol na
ginawa nila sa buhay ko at sa buhay ng mga Berliner na tulad ko.

Dalawampu't walong mahahabang taon ang lumipas nang bigla na lang isang pangyayari ang
muling gumulantang sa amin noong Nobyembre 9, 1989. Binuksang muli ang Berlin Wall! Bagama't
may mga paghihiwatig sa paghina ng kilusang komunismo noong taong 1988 pa lamang, hindi pa rin
inasahan ng láhat ang napakagandang pangyayaring ito. Maraming Berliner ang may takot pa ring
lumapit sa mga border upang sumubok tumawid subalit naglulundag sa tuwa nang payagan sila ng
mga guwardiya. Sa isang saglit ay nagkagulo ang mga tao. Dalá ang martilyo, pact, at kung ano
pang maipampupukpok, tulong tulong na iginuho ng mga mamamayan ang matibay na bakod.
Pagkatapos ay nagyakapan, naghalikan, nagsayawan, nagsigawan, at nagbunyi ang lahat sa
pangyayaring ipinagbunyi rin ng buong mundo. Ang bawat isa'y nagnais makakuha ng tipak ng
batong sumisimbolo sa kalayaang sinikil sa loob ng dalawampu't walong taon na ngayo'y nakamtan
din sa wakas.

Isa ako sa mga naunang kumuha ng mga tipak ng bato. Nang itayo ang bakod ay
dalawampu't dalawang taon pa lang ako, ngayo'y limampung taon na ako. Dalawampu't walong taon
ang ninakaw ng mga batong ito sa buhay ko. Hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin at nag-
iisip kung madurugtungan pa ba ang naputol na kabanata ng buhay ko. Labis akong nasasabik na
makabalita tungkol kay Ludwik sapagkat sa loob ng panahong iyo'y tanging isang liham ang
patagong naipadala niya sa isang kinatawan ng pamahalaan mula sa Kanlurang Berlin na tumungo sa
Silangan. Maikli lang ang nilalaman ng liham na nagsabing "Hihintayin kitá." Hindi ko alam kung
matutupad ba niya ang pangakong ito. Sa puso ko'y takot at kaba ang dalá ng pagbabago. Naisip
kong huwag na lang umasa upang hindi maging lubhang masakit ang dadalhin nitong kabiguan kung
sakali subalit, ano ito? Sa karamihan ng mga taong nagsisigawan, nagbabakasakaling makita sa
kulumpon ng mga tao ang minahal na napawalay ay nakita ko si Ludwik. Palinga-linga at tila
naghahanap. Malaki ang ipinagbago ng kanyang anyo sa paglipas ng dalawampu't walong taon
Pumayat at ang pagputi ng buhok at pagkakaroon ng mga gatla sa mukha'y hindi na maitago subalit
hindi akó maaaring magkamali. Siya nga si Ludwik!
Tinawag ko nang malakas ang kanyang pangalan at nang makita ako'y patakbo siyang lumapit
nang luhaan. Ang higpit ng aming pagyayakap ay nagbabadyang no'y panghabambuhay at hindi na
muling mapaghihiwalay.

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 39
Ang tahanang itinayo niya para sa amin ay labis niyang inalagaan sapagkat hindi raw siya
kailanman nawalan ng pag-asang muli kaming magkikita at mabubuo ang lahat ng aming mga
pangarap. Wala na kaming inaksayang panahon at sa loob ng isang buwan ay ikinasal kami. Ngayo'y
ipinagdiriwang na namin ang ikadalawampu't limang anibersaryo ng aming pag-iisang dibdib. Sa
pagtatakip-silim ng aking buhay ay hinding-hindi ko malilimutan ang pinakamalaking hadlang na
sumubok sa katatagan namin at ng iba pang Berliner. Isa na itong madilim na bahagi ng
kasaysayang pagmumulan ng aral hindi lang para sa mga Alemang tulad ko kundi gayundin ng buong
mundo. Ang kalayaan ng tao'y isang biyaya, kaya naman sa lahat ng nagtatamasa nito, pakaingatan
at huwag hayaang ito'y mawala.

PAGBUO NG TALUMPATI
Ang pagtatalumpati ay isang sining ng pagpapahatid ng isang mensahe o kaisipan hinggil sa
isang mabisa o napapanahong paksa sa mga tagapakinig sa pamamagitan ng wasto, mabisa, at
madamdaming pagbigkas. Ang isang talumpati ay may iba't ibang layuning tulad ng sumusunod:

1. Makapagbigay ng Kabatiran o Kaalaman-Layunin nitong mabigyan ng mga bagong


kaalaman o kabatirang makapagdaragdag sa mga dati nang kaalaman ng mga tagapakinig.

2. Makapagturo at Makapagpaliwanag-Ang isang talumpati ay maaaring makapagturo o


makapagpaliwanag ng bagong paraan o paniniwalang kaugnay ng isang ideya o kaisipan.
Makatutulong ito sa mga tagapakinig upang makita ang paksa sa ibang anggulo at maiangat
ang nalalaman ukol sa paksang tinatalakay

3. Makapanghikayat-Ang isang mabisang talumpati ay maaaring makapanghikayat sa mga


tagapakinig. Maaari nitong mabago ang pananaw ng isang tagapakinig at maakit itong
sumang-ayon o tanggapin ang pinagtatalunang bagay o kalagayan. Madalas itong nagagamit
ng mga politiko sa pangangampanya.

4. Makapagpaganap o Makapagpatupad-Ang isang talumpati ay maaaring makapaglahad


ng isang adhikain, proyekto, batas, o ordinansang kailangang mapalaganap o maipatupad sa
nakararami. Ito ay magtutulak sa tagapakinig upang isagawa o isakatuparan ang kaisipang
nabanggit sa talumpati.

5. Manlibang-Ang talumpati, upang maging mabisa ay kailangang magkaroon ng pang-akit


at makapanlibang sa mga tagapakinig. Ang anupamang layunin ng talumpati ay
magtatagumpay lang kung lubos itong pinakinggan at kinagiliwan ng mga tagapakinig kaya't
nararapat ang talumpati'y maging kawili-wili sa mga tagapakinig

Naririto naman ang mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng isang talumpati Bago ang araw ng
pagbigkas o pagbasa ng isang mananalumpati sa kanyang piyesa ay nararapat lang na paghandaan
niya muna ito. Naririto ang mga bagay na dapat tandaan sa pagbuo ng talumpati:

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 40
1. Pagtukoy sa uri ng tagapakinig-Mahalagang batid ng mananalumpati ang uri ng kanyang
tagapakinig upang maibagay o maiakkma niya para sa mga ito ang estilo, paksa, at paraan ng
pagsasaad ng kanyang talumpati.

2. Pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa paksa-Mahalagang magkaroon ng malawak na


kaalaman sa paksang kanyang ilalahad ang mananalumpati. Makukumbinsi at matututo lang ang
tagapakinig sa paksang tinatalakay kung ang nagtatalumpati ay may lubos na kaalaman sa kanyang
sinasabi. Makatutulong din upang masagot niya nang walang gatol at makapagpaliwanag nang
mahusay sa mga tanong na ibibigay ng mga tagapakinig kung malawak ang kabatiran niya ukol sa
paksa.

3. Pagbuo ng isang mabisang balangkas-Bago pa maupo at simulan ang pagsulat ng aktuwal na


talumpati ay makatutulong nang malaki ang pagbuo muna ng balangkas. Narito ang mga hakbang na
maaaring sundin sa pagbabalangkas ng bubuoin mong talumpati:

Pambungad ng Talumpati

a. Panimula-Mahalaga ang panimula sapagkat ito ang magiging basehan ng tagapakinig kung
ibibigay ba niya ang kanyang buong atensiyon sa nagtatalumpati o hindi. Kailangang makapag-isip
ang nagtatalumpati ng mahusay na panimulang makapupukaw o makatatawag pansin sa
tagapakinig. Sa bahaging ito naihahayag na ng mananalumpati ang paksang kanyang tatalakayin.

Katawan ng Talumpati

b. Paglalabad-Dito matatagpuan ang esensiya o ang nilalaman ng talumpati. Kailangang maging


masinop ang mananalumpati sa paglalahad ng mga puntong kanyang bibigyang pansin.
Makatutulong kung sa balangkas pa lang ay isa-isang isusulat ng mananalumpati ang mga paksang
sunod-sunod niyang ilalahad upang masuri niya kung naisama ba niyang lahat ang mahahalagang
puntong kailangang mabigyang-diin.

Pagwawakas ng Talumpati.

c. Impresyon-Kung napaghandaan ng mananalumpati ang isang mabisang wakas ay kailangan ding


paghandaan niya ang isang pagwawakas na hindi lang lalagom sa kabuoan ng mga paksang kanyang
binibigyang-diin kundi mag-iiwan ng isang malalim na impresyong kikintal sa puso at isipan ng mga
tagapakinig. Maaaring ang pagwawakas ay sa pamamagitan ng isang hámon, tanong, kuwento, o
kasabihang mapag-iisipan ng tagapakinig at maiuugnay niya sa kabuoan ng pinakinggang talumpati.

4. Pagsulat ng Talumpati-Mula sa nabuong balangkas at mga nasaliksik na-datos ay maaari nang


maupo at isulat ng mananalumpati ang kabuoan ng kanyang talumpati. Makatutulong kung batid niya
sa una pa lang kung gaano kahaba ang laang oras para sa kanya. Makatutulong kung susulat muna
ng borador at saka ito rebisahin nang ilang beses pagkatapos. Iwasang maging maligoy ang
talumpati. Maaari itong maging maikli subalit maliwanag, malamán, at kawili-wili sa mga tagapakinig.

Gawain:

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 41
Gamitin ang estratehiyang Read and React upang maibahagi ang sariling pananaw o opinyon
kaugnay ng binasang sanaysay.
Read: Hindi natagalan ng mga mamamayan sa Silangang Alemanya ang uri ng pamamalakad ng
mga Komunista sa kanilang bayan kaya't sila'y nagsitakas papuntang kanluran.

React:

Read: Upang mapigilan ang patuloy na pagtakas ng kanilang mga mamamayan ay nagdesisyon
ang pamahalaang itayo ang Berlin Wall na kumulong sa buong Silangang Alemanya.

React:

PAGPAPALAWAK NG PANGUNGUSAP

Ang paksa at panaguri ay nakapaglalahad sa mensaheng taglay ng isang pangungusap.


Gayumpaman, madalas ay nangangailangan pa ang pangungusap ng mga karagdagang kataga,
salita, o pariralang magpapalawak dito upang higit na mapalawig at maipaliwanag nang husto ang
kaisipan o mensaheng taglay ng pangungusap.

Maaaring mapalawak ang pangungusap sa pamamagitan ng pagdaragdag ng paningit o


ingklitik, paglalagay ng panuring (pang uri at pang-abay), at paggamit ng mga pamuno sa
pangngalan. Isa-isahin natin ang bawat paraang nakalahad:

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 42
1. Mga Paningit o Ingklitik Bilang Pampalawak-Ang mga paningit o ingklitik ay isinasama o
idinaragdag sa paksa o panaguri ng pangungusap upang mailahad nang higit na malinaw ang
kaisipan o mensaheng taglay nito. May labing anim na kilalang paningit o pang abay na
ingklitik tulad ng mababasa sa ibaba:
man kasi sana nang
kaya yata tuloy din/rin
ba pa muna pala
na naman daw/raw lamang/lang

Halimbawa:

 Naantala man ng dalawampu't walong taon ay natuloy pa rin ang mga pangarap nina Amelie
at Ludwig.
 Dumaan muna sila sa matinding pagsubok na nagpatatag naman sa kanilang pagmamahalan.

2. Mga Panuring Bilang Pampalawak-May dalawang kategorya ang mga salitang panuring: ang
pang-uri na panuring sa pangngalan o panghalip, at ang pang abay na panuring sa pandiwa, pang-
uri, o kapwa pang-abay.

Halimbawa:
Batayang pangungusap:
Ang Berlin Wall ay simbolo ng paniniil.

Pagpapalawak sa pamamagitan ng karaniwang pang-uri: Ang makasaysayang Berlin Wall ay


simbolo ng paniniil.

Batayang pangungusap
Ang mga mamamayan ay nagbunyi sa pagbagsak ng Berlin Wall.
Pagpapalawak sa pamamagitan ng karaniwang pang-abay
Ang mga mamamayan ay masigabong nagbunyi sa pagbagsak ng Berlin Wall.

Pagpapalawak sa pamamagitan ng karaniwang pang-uri at pang-abay:

Ang masasayang mamamayan ay masigabong nagbunyi sa pagbagsak ng Berlin Wall.

3. Pamuno sa Pangngalan bilang Pampalawak

Ang pamuno ay pangngalan o pariralang pangngalang tumutukoy o nagsasabi ng ibang katawagan


para sa isa pang pangngalan.
Halimbawa:

Batayang pangungusap
Si Ronald Reagan, ang pangulo ng Amerika ay nanawagan para sa paggiba ng Berlin Wall.

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 43
IV. Pagtatalipuspos:
Ang Berlin Wall ay itinuturing na simbolo ng "Cold War" sa pagitan ng demokrasya at
komunista. Itinayo ito noong Agosto 12, 1961 bilang pansamantalang bakod na gawa sa
barbed wire para mapaghiwalay ang Silangang Berlin na kontrolado ng mga Komunista at
ang Kanlurang Berlin na nagtatamasa ng demokrasya. Sa pagdaan ng panahon ito ay
pinatibay, pinataas, at ginawang kongkreto. May taas itong labing-isa hanggang
labintatlong talampakan at nakapaikot sa kabuoan ng Silangang Berlin sa habang isandaan,
animnapung kilometro. Ang mga gusaling nasagasaan ng Berlin Wall ay giniba.
Sa pagitan ng babae at lalaki ay kailangang pairalin ang paggalang. Hindi maaring
dominahan o ituring na pag-aari ang isang nilalang.”
Ang pagtatalumpati ay isang sining ng pagpapahatid ng isang mensahe o kaisipan hinggil sa
isang mabisa o napapanahong paksa sa mga tagapakinig sa pamamagitan ng wasto,
mabisa, at madamdaming pagbigkas

This learning material is produced for the exclusive use of St. Sebastian International School only. 44

You might also like