Professional Documents
Culture Documents
Filipino 8 - Module 9-13
Filipino 8 - Module 9-13
I. Pagtatanaw!
Ipaliwanag ang katuturan ng binasang balagtasan;
Tukuyin ang mga uri ng proposisyon sa pagpapahayag ngpangangatwiran; at
Magsulat ng isang talata na nagsasaad ng iyong personal na giit hinggil sa panukalang
batas na muling ibalik ang parusang kamatayan sa Pilipinas.
II. PAGTUKLAS
Karamihan sa ating mga tao ay may mga bagay o gawain na sadyang hindi natin gusto. Magbigay ng
kahit isang bagay na ayaw na ayaw o kinaiinisan mo.
III. PAGTATALAKAY
Giliw sa Panitikan
Basahin at suriin ang huling bahagi ng "Balagtasan" na isinulat ni Pablo Reyna Libiran.
Pakikipag-debate
b. Huwag payagang magtanong ang kalaban kung ikaw ay nagtatanong. Maaaksaya ang iyong
oras ng pagtatanong.
c. Kung lumalabag sa alituntunin ng pagtatanong ang isa sa kanila, dapat ipaalam sa
tagapangasiwa ng pagdedebate.
Panunuligsa—May panunuligsa (rebuttal) din sa debate. Narito naman ang mga dapat tandaan sa
panunuligsa.
a. Ilahad ang mga mali sa katwiran ng kalaban.
b. Ipaalam ang walang katotohanang sinabi ng kalaban.
c. Ipaliwanag ang kahinaan ng katibayan ng kalaban.
d. Ipaalam na labas sa buod ang katwiran o katibayan ng kalaban.
e. Magtapos sa pagbubuod ng sariling katwiran at katibayan.
Galak sa Wika
Pagsisimula ng Argumento
Nais kong/Ibig kong...
Mayroon akong ilang puntong ibig kong ipaliwanag
May ilang mahalagang punto na sa palagay ko ay...
Paglalahat
Sa maikling sabi...
Bilang paglalahat...
Bilang pagbubuod...
IV. PAGTATALIPUSPOS
I. Pagtatanaw!
Suruin nang pasulat ang papel na ginagampanan ng sarsuwela sa pagpapataas ng
kamalayan ng mga Pilipino sa kultura ng iba’t ibang rehiyon sa bansa;
Pahalaga-han ang kulturang Pilipino na masasalamin sa pinanood na sarsuwela; at
Gamitin ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa sa isasagawang pagsusuri ng arsuwela.
II. Pagtutuklas!
1. Sino sa mga taong kilala mo sa kasalukuyan ang itinuturing mong bayani ng iyong
buhay o ng ating bansa?
2. Bakit mo siya itinuturing na isang bayani? Ano ang kanyang mga ginawa o ginagawa
ang lubos mong hinangaan o hinahangaan?
3. Bilang isang kabataan, paano ka magiging isang bayani para sa iyong pamilya o bansa
sa iyong sariling paraan?
III. Pagtatalakay
Si Severino Reyes ay isinilang sa Sta. Cruz, Maynila noong Pebrero 12, 1861. Mayroon
siyang limang kapatid sa kanyang magulang na sina Rufino Reyes at Andrea Rivero. Kilala rin siya
bilang "Ama ng Sarsuwelang Tagalog. Nagsimula siyang magsulat ng dula nooong 1902. Sinikap
niyang mapaunlad ang dulang Tagalog dahil nakita niyang ang moro moro at komedya na siyang
tanyag na uri ng dula noon ay walang buti at kapakinabangang dulot sa manonood.
ANG SARSUWELA
Ang sarsuwela ay isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog na nahihinggil
sa mga punong damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, kapootan, paghihiganti, kasakiman, kalupitan, at
iba pa o kaya naman ay tungkol sa mga suliraning panlipunan o pampolitika. Ayon sa kasaysayan
nito, ito ay sinasabing hinango ng mga Espanyol sa opera ng Italya sapagkat magkahalo ang
diyalogong ginagamit dito patula at pasalita. Ang patulang bahagi ay karaniwang diyalogo ng mga
pangunahing tauhan, bukod sa ito ay nilalagyan ng komposisyon na maaaring awitin, Samantala, ang
tuluyang diyalogo ay yaong gamit naman ng mga katulong na tauhan. Ang sarsuwela ay binubuo ng
tatlong yugto. Ang mga tagpo ay magkahalong seryoso at katawa-tawa. Melodrama kung ito ay
tawagin o kaya'y tragikomedya. Hango sa tunay na buhay ang paksa nito at kung minsan ay
nasosobrahan naman sa damdamin, lalo na sa pag-ibig kaya nagiging soap operatic.
Ang sarsuwela, bagama't ipinakilala noong panahon ng mga Espanyol, ay lubos na namulaklak
noong panahon ng himagsikang Pilipino at Amerikano sa pangunguna nina Severino Reyes na kilalá
sa taguring Lola Basyang sa kanyang dulang Walang Sugat; Aurelio Tolentino sa kanyang Kahapon,
Ngayon at Bukas; Juan Abad sa kanyang Tanikalang Ginto; Juan Crisostomo Soto sa kanyang Anak
ng Katipunan; Amando Navarette Osorio sa kanyang Patria Amanda; at iba pa.
Unti-unting nanghina ang sarsuwela nang nakilala sa bansa ang bodabil o stage show. Ang
pagtatanghal na ito ay halos wala nang istorya, puro kantahan at sayawan lamang ang nangyayari
kung kaya sa paglaganap ng bodabil naging purong panlibangan na lamang ang teatro.
Sa kasalukuyan, ang mga dulang pantanghalang ito ay patuloy pa ring ginagawa sa ating
bansa bilang pag-alaala sa mahahalagang pagdiriwang na may kinalaman sa pananampalatayang
Katolisismo at upang talakayin ang mga suliraning panlipunang nangyayari sa bansa.
WALANG SUGAT
Severino Reyes
UNANG TAGPO:
Juana
Coro: Ang karayom kung iduro ang daliri'y natitibo kapag namali nang duro burda nama'y lumiliko
Julia: Anong dikit anong inam nang panyong binuburdahan tatlong letrang nag-agapay na
kayTenyong na pangalan
Coro: Hoy tingnan ninyo si Julia pati panyo'y sinisinta kapag panyo nang ibig tinatapos na pilit
Julia: Piesta niya'y kung sumipot panyong ito'y iaabot nang kanyang tunay na lingkod Si Tenyong ay
mabibighani kalakip ang puso't loob sa dikit nang pagkagawa mga kulay nang sutla asul, puti,
at pula Panyo'y dito ka sa dibdib sabihin sa aking ibig na ako'y nagpapahatid isang matunog
na halik Piesta niya'y kung sumipot panyong ito'y iaabot kalakip ang puso't loob nang kanyang
tunay na lingkod.
Coro: Nang huwag daw mapulaan nang binatang pagbibigyan ang panyo'y sasamahan nang mainam
na pagmamahal At ang magandang pag-ibig kapag namugad sa dibdib nalilimutan ang sakit
tuwa ang gumigiit
Coro: Mga irog natin naman sila'y pawang paghandugan mga panyong mainam iburda ang kanilang
pangalan Nang huwag daw mapulaan nang binatang pagbibigayan ang panyo'y sasamahan
mainam na pagmamahal
Salitaan
II TAGPO
(Tenyong at Julia…)
Julia : Huwag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko.
Tenyong: (Nagtatampo) Ay!…
Julia : Bakit Tenyong, napagod ka ba? (Hindi sasagot). Masama ka palang mapagod.
Tenyong: Masakit sa iyo!
Julia : (Sarili) Nagalit tuloy! Tenyong, Tenyong…(sarili) Nalulunod pala ito sa isang tabong
tubig!
Tenyong: Ay!
Julia : (Sarili) Anong lalim ng buntung hininga! (Biglang ihahagis ni Julia ang bastidor). (Sarili)
Lalo ko pang pagagalitin.
Tenyong: Pupulutin ang bastidor at dala). Julia, Julia ko. (Luluhod) Patawarin mo ako; Hindi na
ako nagagalit…
Julia : Masakit sa aking magalit ka at hindi. Laking bagay!
Tenyong: Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, narito at nakikita ko na minarapat
mong ilimbag sa panyong ito ang pangalan ko.
Julia : Hindi ah, nagkakamali ka, hindi ukol sa iyo ang panyong iyan…
Tenyong: Sinungaling! At kaninong pangalan ito? A. Antonio; N. Narciso, at F. ay Flores.
Julia : Namamali ka, hindi mo pangalan iyan.
Tenyong: Hindi pala akin at kanino nga?
Tenyong: Julia, magsabi ka ng katotohanan, para sa kura nga ba? Kapag hindi ko sinilaban, ay …
sinungaling ako… mangusap ka. Susulsulan ko na? (Anyo nang sisilaban)
Musika No. 2
Julia : Hindi maghahandog sa lahi ni Satan, ang panyong iyan ay talagang iyo, sampu ng
nagburdang si Juliang iniirog mo.
Sabay: Di mumunting tuwa dito’y dumadalaw, ano pa’t wari di na mamamatay sa piling mo oh!
(Tenyong) niyaring buhay (Julia) maalaalang may kabilang buhay… (Lalabas si Juana).
III TAGPO
Juana : Julia, Julia, saan mo inilagay ang baro kong makato? (Nagulat si Julia at si Tenyong)
(Lalabas si Lukas)
Lukas : Opo.
Juana : Hintay ka sandali at kami’y sasama. Julia, magtapis ka… (Magsisipasok sina Juana,
Julia, at Lukas).
(Telong Maikli)
Kalye
IV TAGPO
(Musika)
Koro at Lukas
Lahat ng Lalaki: Huwag malumbay…kami nasasa bahay at nakahandang tunay, laan sa lahat ng
bagay…
Lahat ng Babae: (Sasalitain) Mga lalaking walang damdam, kaming mga babae’y pabayaan, di namin
kayo kailangan.
Lahat: Tayo na’t sumakay sa tren bumili pa ng bibilhin at sa kanila’y dalhin masarap na pagkain.
V TAGPO
(Bilangguan sa Bulakan, patyo ng Gobyerno, maraming mga bilanggong nakatali sa mga rehas).
Salitain
Relihiyoso1.0: Ah, si Kapitan Luis! Ito tagaroon sa amin; maraming tao ito…
Relihiyoso 1.0: Kung hindi man mason, marahil filibustero, sapagka’t kung siya sumulat maraming K,
cabayo K.
Relihiyoso 1.0: Hindi ko sinasabing kabayo ikaw, kundi, kung isulat niya ang kabayo may K, na lahat
ng C pinapalitan ng K. Masamang tao iyan, mabuti mamatay siya.
Relihiyoso 2.0: Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Miguel, at ang Juez de Paz, ay daragdagan ng
rasyon.
Relihiyoso 1.0: Hindi man ang rasyon ang sinasabi ko sa iyo na dagdagan, ay ang pagkain, hindi, ano
sa akin kundi sila kumain? Mabuti nga mamatay silang lahat. Ang rasyon na sinasabi ko sa iyo ay ang
palo, maraming palo ang kailangan.
Marcelo: Opo, among, hirap na po ang mga katawan nila at nakaaawa po namang magsidaing; isang
linggo na pong paluan ito, at isang linggo po namang walang tulog sila!
Relihiyoso 2.0: Loko ito! Anong awa-awa? Nayon wala awa-awa, duro que duro-awa-awa? Ilan kaban
an rasyon? Ang rasyon nan palo, ha!
Marcelo: Dati po’y tatlong kaban at maikatlo sa isang araw na tinutuluyan, ngayon po’y lima ng
kaban, at makalima po isang araw.
Relihiyoso 2.0: Samakatuwid ay limang bese 25, at makalimang 125, ay Huston 526 (binibilang sa
daliri). Kakaunti pa! (bibigyan si Marcelo ng kuwalta at tabako).
Relihiyoso 1.0; Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga! Narito si Kapitana Putin, at ibig daw makita
si Kapitan Inggo na asawa niya. Kung ganoon ay hindi mamamatay si Kapitan Inggo.
Marcelo: Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong laman ang dalawang pigi sa kapapalo, at
ang dalawang braso po’y litaw na ang mga buto, nagigit sa pagkakagapos.
Relihiyoso 1.0: Mabuti, mabuti, Marcelo huwag mong kalilimutan, na si Kapitan Inggo ay araw-araw
papaluin at ibibilad at buhusan ng tubig ang ilong, at huwag bibigyan ng mabuting tulugan, ha?
P. Teban: Masama, Juana, talaga yatang itong pagkabuhay namin ay lagi na lamang sa hirap, noong
araw kami ay walang inaasahan kundi kaunting sweldo dahil sa kami’y alipin ng mga prayle; ngayon
nga, kung sa bagay ay kami na ang namamahala, wala naman kaming kinikita; wala nang pamisa,
mga patay at hindi na dinadapit; ngayon napaglirip na ang mga kabanalang ginawa ng mga tao
noong araw ay pawang pakunwari at pakitang-tao lamang alinsunod sa malaking takot sa mga
prayle.
Juana : Totoo po ba ang sabi mo.
P. Teban: Kaya, Juana, di-malayong kaming mga lklerigo ay mauwi sa pagsasaka, tantuin niyong
kaming mga pari ay hindi mabubuhay sa panay na hangin.
Miguel : Sinabi ko pong … ay Julia! Ay! Aling Julia! Ay, Julia ko!
Tadeo : Wala ka nang nasabi kundi pulos na “ay”? Hindi ka nagpahayag ng pagsinta mo?
Miguel : Itinatanong nga po sa akin kung alin ang malapit na eh, hindi ko po nasagutan…
VI TAGPO
(Mga Relihiyoso, Putin, Juana, Julia, Tenyong, at mga dalaw, babae at lalaki).
Salitain
Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, ngayon makikita ma na angbtao mo, dadalhin dito, at sinabi ko sa
Alkalde na huwag nang paluin, huwag nang ibibilad at ipinagbilin ko na bibigyan na ng mabuting
tulugan…
Relihiyoso 1.0: (Sa mga kasama) Despues de ver el Gobernador.. a Manila, cogemeros el tren la
Estacion de Guiguinto, es necesario deciral General que empiece ya a fusilar a los ricos e ilustrados
de la provincia, porque esto va mal.
VIITAGPO
(Sila rin, wala na lamang ang mga relihiyoso)
Salitain
Putin : Tenyong, kaysama mong bata, bakit ka hindi humalik ng kamay sa among?
Tenyong: Inang, ang mga kamay pong… namamatay ng kapwa ay hindi dapat hagkan, huwag pong
maniniwalang sasabihin niya sa Gobernador na si Tatang ay pawalan, bagkus pa ngang ipagbibiling
patayin na ngang tuluyan. (Sarili) Kung nababatid lamang ng mga ito ang pinag-usapan ng apat na
lilo! Nakalulunos ang kamngmangan!
(Ipapasok si Kapitang Inggo na nakadapa sa isang papag na makitid).
Tenyong: Tatang!
Musika
Tenyong: Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang mga buto sa mga tinalian, lipos
na ang sugat ang buong katawan, nakahahambal! Ay! Ang anyo ni Amang! Ang lahat ng ito’y gawa
ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari lalang ni Lucifer sa demonyong lahi kay Satang malupit
nakikiugali… Ah, kapag ka namatay oh, ama kong ibig, asahan mo po at igaganting pilit kahit na ano
ang aking masapit, sa ulo ng prayle isa sa kikitil.
Salitain
Tenyong: Tatang, ikaw po’y ititihaya ko nang hindi mangalay…
Inggo : Huwag na … anak ko… hindi na maaari… luray luray na ang katawan… Tayo’y maghihiwalay
na walang pagsala! Bunso ko, huwag mong pababayaan ang Inang mo!
Putin, ay Putin … Juana-Julia.. kayo na lamang ang inaasahan kong kakalinga sa kanila… Ang
kaluluwa ko’y inihain ko na kay Bathala.
Tenyong: Diyos na may kapangyarihan! Ano’t inyong ipinagkaloob ang ganitong hirap? (Dito lamang
ang pasok ng kantang “Ang dalawang braso’y…)
Musika No.2
Tenyong: Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang buto sa mga tinalian, lipos na ng
sugat ang buong katawan, nakahahambal, ay! Ang anyo ni Amang! Ang lahat ng ito’y gawa ng pari
na sa Pilipinas siyang naghahari, lalang ni Lucifer sa demonyong lahi kay satang malupit nakikiugali.
Ah! Kapag namatay ka, oh, ama kong ibig, asahan mo po’t igaganting pilit kahit na ano ang aking
masapit sa ulo ng prayle, isa sa kikitil.
Julia : Taya ng loob ko at binabanta-banta mga taong iya’y tadtarin man yata lahat ng niyang laman,
buto samapung taba, di makababayadsa utang na madla.
Tenyong: Oo’t di matingnan puso ko’y sinusubhan sa ginawa kay Amang ng mga taong hunghan…
ang awa’y nilimot sa kalupitan…
Tenyong: Inang, masdan mo po… at masama ang lagay ni Tatang, Inang, tingnan mo’t
naghihingalo… Tatang, Tatang…
(Mangagsisihagulgol ng iyak)
Telong Maikli
VIII TAGPO
(Sila ring lahat, wala lamang si Kapitang Inggo, ang Alkalde, at mga bilanggong nangakagapos).
Salitain
Putin : Tenyong, hindi yata ako makasasapit sa atin! Julia, nangangatal ang buong katawan ko!
Nagsisikip ang aking dibdib! Ang sakit ay taos hanggang likod! Ay, Tenyong, hindi ako makahinga!
Ang puso ko’y parang pinipitpit sa palihang bakal!
(Si Putin ay mapapahandusay).
IX TAGPO
(Tenyong at mga kasamang lalaki, mamaya’y si Julia).
Salitain
Tenyong: Oo, walang pagsala, narinig ko ang salitaan nila, at nabatid ko tuloy na sasabihin daw nila
sa Heneral na tayo’y pagbabarilin na.
Tenyong: Julia!
Tenyong: Julia, tunay ang sinabi mo; datapwa’t sa sarili mong loob, di ba si Inang ay kakalingain
mong parang tunay na ina; alang-alang sa paglingap mo sa akin? Sa bagay, na ito, ano ang ipag-
aalaala ko?
Julia : Oo nga, Tenyong, ngunit hindi kaila sa iyo na ang maililingap ng isang lalaking kamukha mo ay
di maititingin ng isang babaing gaya ko. Tenyong, huwag kang umalis!
Tenyong: Julia, hindi maaari ang ako ay di pasa-parang; ako ay hinihintay ng mga kapatid, Julia,
tumutugtog na ang oras ng pananawagan ng naaaping Ina, sa pinto ng nagpaubayang anak; ang Ina
natin ay nangangailangan ng tunay nating pagdamay; dito sa dibdib ko’y tumitimo ang nakalulunos
niyang himutok, ang nakapanlulumo niyang daing: “May anak ako,” anya, “ngayo’y kapanahunang
ako’y ibangon na ninyo sa pagkalugami. Oras na, Julia ko, ng paglagot ng matibay na tanikalang
mahigpit sa tatlong daang taong sinasangayad; hindi dapat tulutang… mga iaanak natin ay magising
pa sa kalagim-lagim na kaalipin.
Julia : Wala akong maitututol, tanggapin na lamang ang huling tagubilin! (Huhubarin ang
garantilyang may medalyita; tangnan at isusuot kay Tenyong ang garantilya.) Ang larawang ito’y
aking isasabit sa tapat ng puso’y huwag iwawaglit at sa mga digma, kung siya’y masambit
ipagtanggol ka sa mga panganib. Kung saka-sakaling irog ko’y masaktan, pahatid kang agad sa aking
kandungan. Ang mga sugat mo’y aking huhugasan ng masaganang luhang sa mata’y nunukal.
Tenyong: Sa Diyos nananalig.
Tenyong: Ang ulap Julia ko’y di mananatili. Darating na ibig, ang pagluluwalhati.
Tenyong: Huwag nang matakot, huwag nang mangamba. Ako’t tutupad lang ng aking panata sa
pakikianib sa mga kasama. Aming tutubusin, naaliping Ina. Ikaw irog ko’y aking itatago sa loob ng
dibdib, sa tabi ng puso. Nnag hindi malubos ang pagkasiphayo sa mga sakuna, ikaw’y kalaguyo.
(Titigil) Yayao na ako!
Julia : Ako’y lilisanin? Balot yaring puso ng matinding lumbay, bumalik ka agad nang di ikamatay.
X TAGPO
Sa loob.
Mga lahi ni Lucifer! Magsisi na kayo’t oras na ninyo! Ikaw ang pumatay sa ama ko – Perdon! Walang
utang-na-di pinagbabayaran! (Hagara at mapapatay ang mga prayle, isa ang mabibitin na sasama sa
tren).
Telon
Ikalawang Bahagi
I TAGPO
(Bahay ni Julia)
Julia at Juana
Salitain
Juana : Julia, igayak ang loob mo; ngayon ay paparito si Miguel at ang kanyang ama, sila’y
pagpapakitaan nang mainam.
Juana : Hindi naman pangit, lipi ng mabubuting tao, bugtong na anak at nakaririwasa, ano pa ang
hangarin mo?
Julia : Ako po, Inang ko, ay hindi naghahangad ng mga kabutihang tinuran mo, ang hinahangad ko
po ay…
Juana : (Natatawa) Julia, ako’y natatawa lamang sa iyo, ikaw ay bata pa nga- anong pusu-pusoang
sinasabi mo? Totoo nga’t noong unang dako, kapag may lalaking mangingibig, ay tinatanggap ng
mga mata at itinutuloy sa puso, at kung ano ang kaniyang tibok ay siyang sinusunod datapwa’t
gayo’y iba na, nagbago nang lahat ang lakad ng panahon, ngayo’y kung may lalaking nangingibig ay
tinatanggap ng mga mata at itinutuloy dito (hihipuin ang noo) dito sa isip at di na sa puso; at kung
ano ang pasya ng isip ay siyang paiiralin: ang puso sa panahong ito ay hindi na gumaganap ng
maganda niyang katungkulan, siya’y nagpapahingalay na…
Julia : Ako po’y makasunod sa masamang kalakaran ng panahon, dito po ako makatatakwil sa tapat
na udyok ng aking puso.
Juana : Kung wala ay bakit ka sumusuway sa aking iniaalok? Nalaman mo na, ang kagalingan mong
sarili ang aking ninananais. Ang wika ko baga, ay bukas-makalawa’y mag-aasawa ka rin lamang… ay
kung mapasa-moro, ay mapasa-Kristiyano na!
II TAGPO
(Julia at Monica)
Salitain
III TAGPO
(Julia, mamaya’y Miguel, Tadeo, Pari Teban, at Juana)
Musika
Dalit ni Julia
Salitain
Julia : (gulat) Patawarin po ninyo at hindi ko nalalamang kayo’y nangagsirating… Kahiya-hiya po.
P. Teban: Hindi. hindi kahiya-hiya, mainam ang dalit mo. Ang Inang mo?
Tadeo : Ako, among, ang mabuting mamili, si Miguel po’y hindi maalam makiusap. (Lalabas si
Juana).
Si Severino Reyes na kilalá rin sa tawag na Lola Basyang ang sumulat ng dulang
Walang Sugat. Ito ang ikalawang dulang kanyang naisulat na talagang nagpatanyag sa
kanya. Sinasabing nang unang itanghal ang dulang ito ay inumaga sa lansangan ang mga
manonood. Naaliw silá sa panonood dahil sa mga awit at tugtugan nitong nakapagbigay-
lugod sa kanila na kaiba sa moro-morong madalas nilang mapanood na pawang labanan at
sigawan ang tema. Ang dulang ito ay dalawang ulit na isinapelikula noong mga taong 1939
at 1957.
Pandiwa
(Pagbuo at ang Aspekto ng Pandiwa)
May dalawang pangkalahatang anyo ang pandiwa . Maaaring binubuo lámang ito ng salitang-
ugat na karaniwang ginagamit sa pag-uutos.
Halimbawa: Alis!
Takbo!
Lakad!
Upo.
Maaari din itong binubuo ng salitang-ugat panlapi na tinatawag na panlaping makadiwa gaya ng
sumusunod:
Ang mga pandiwa sa Filipino ay nababanghay ayon sa aspekto at hindi ayon sa panahunan.
Ang aspekto ay katangian ng pandiwang nagsasaad kung kailan nangyari, nangyayari, mangyayari o
isasagawa pa lámang ang kilos.
IV. Pagtatalipuspos
Si Severino Reyes na kilalá rin sa tawag na Lola Basyang ang sumulat ng dulang
Walang Sugat. Ito ang ikalawang dulang kanyang naisulat na talagang nagpatanyag
sa kanya. Sinasabing nang unang itanghal ang dulang ito ay inumaga sa lansangan
ang mga manonood. Naaliw silá sa panonood dahil sa mga awit at tugtugan nitong
nakapagbigay-lugod sa kanila na kaiba sa moro-morong madalas nilang mapanood
na pawang labanan at sigawan ang tema. Ang dulang ito ay dalawang ulit na
isinapelikula noong mga taong 1939 at 1957.
Tinatawag na ekskomulgado ang mga taong itinatawag ng relihiyon o ng
Simbahang Katoliko. Ito ay nagyayari kung nag isang tao ay nakagawa ng
kasalanan laban sa simbahan o maging sa mga taong kinikilalang lingkod ng
Simbahang Katoliko.
ST. SEBASTIAN INTERNATIONAL SCHOOL Negros GRADE 08
occidental, inc. 2nd Quarter
Tindalo Avenue, Capitol Shopping, Bacolod City TERM
S.Y 2022-2023
Tel. Nos. (034) 461-7021 / (034) 703-3980
SSISBcd@gmail.com SUBJECT FILIPINO 8
SSIS Bacolod
SSIS Bacolod TOPIC SANAYSAY
Prepared
COURSE NOTES 12
by: Bb. Sandra P. Binatero, LPT
Junior High Department
Teacher:
I. Pagtatanaw!
Bilang kabataang Pilipino, ano-ano ang magagawa mo upang mabawasan ang kaisipang
kolonyal sa bansa?
Para sa iyo, gaano kahalaga ang pagsasaalang-alang sa mga sangkap o elemento ng
sanaysay sa pagsulat o pagbuo nito? Paano nakatutulong sa iyong buhay ang
mahahalaganag kaiispang hatid ng sanaysay sa bansa?
III. Pagtatalakay
SANAYSAY
Ang sanaysay ay isang paglalahad ng sariling opinyon o kuro-kuro ng susulat tungkol
sa isang bagay o paksa. Ang salitang sanaysay ay hango sa salitang Pranses na essayer na
ang ibig sabihin ay "sumubok" o "tangkain." Ito ay nagsimulang yumabong sa mga sulatin ni
Michael de Montaigne (1533-1592). Bago pa man isilang si Kristo, ito ay nagsimula na rin sa
Asya sa pangunguna ni Confucius na sumulat ng Analects at Lao-Tzu na sumulat naman ng
Tao Te Ching. Noon namang ika-14 na dantaon, nakilala si Yushida Kenko ng Hapon na may
katha ng "Mga Sanaysay sa Katamaran."
Ayon kay Alejandro Abadilla ang salitang sanaysay ay nanganga. hulugang "nakasulat
na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. ay ho'y isang akdang pampanitikang nasa
anyong paglalahad o tekstong pasalaysay. Ang pangunahing katangian ay ang pagkasarili nito
ng may alda. Ipinahahayag niya ang sarili niyang pangmalas, kuro-kuro, at damdamin. Ang
pagiging malinaw, mabisa, at kawili-wili ng paglalahad makakamtan sa pamamagitan ng
pagsunod sa mga tuntunin ng kaisahan, kaugnayan, at diin. Kailangan din dito ang pagpili ng
Si Ponciano B.P. Pineda ay itinuturing na "Amang Komisyon ng Wikang Filipino. Sa ilalim ng
kanyang pamumuno ay sinimulan niya ang mga sosyo-lingguwistikang pananaliksik na naglalayong
palaguin ang wikang pambansa.
Kilala rin si Ponciano B. P. Pineda bilang isang mahusay na awtor ng mga librong pang-
akademiko. Siya rin ay pinarangalan ng Gawad Palanca sa kanyang mga maikling kuwentong "Ang
Mangingisda" (1958) at "Malalim ang Gabi "(1953).
Siya rin ang may-akda ng sanaysay na iyong mababasa sa araling ito na pinamagatang
"Amerikanisasyon ng Isang Pilipino." Dahil sa mahabang panahong pananakop ng mga Amerikano sa
ating bansa ay maraming Pilipino ang tunay na naimpluwensiyahan ng kultura at pagpapahalagang
mula sa bansang ito. Sa mga pahina ng kasaysayan malimit nating mababasang ang mga Pilipino ay
tinaguriang "Brown Americans" sa dahilang nananatili ang kulay kayumanggi ng mga Pilipino ngunit
sa salita at kaasalan ay nababahiran ito ng mga pag-uugaling Kanluranin. Kaya sinasabing ang
Amerikanisasyon ay isang sakit na tumatalamak sa katawan ng ating lipunan.Tunay na bunga nito
ang maraming kapansanan ng bayan.
Kilala rin si Ponciano B. P. Pineda bilang isang mahusay na awtor ng mga librong pang-
akademiko. Siya rin ay pinarangalan ng Gawad Palanca sa kanyang mga maikling kuwentong "Ang
Mangingisda" (1958) at "Malalim ang Gabi "(1953).
Siya rin ang may-akda ng sanaysay na iyong mababasa sa araling ito na pinamagatang
"Amerikanisasyon ng Isang Pilipino." Dahil sa mahabang panahong pananakop ng mga Amerikano sa
ating bansa ay maraming Pilipino ang tunay na naimpluwensiyahan ng kultura at pagpapahalagang
mula sa bansang ito. Sa mga pahina ng kasaysayan malimit nating mababasang ang mga Pilipino ay
tinaguriang "Brown Americans" sa dahilang nananatili ang kulay kayumanggi ng mga Pilipino ngunit
sa salita at kaasalan ay nababahiran ito ng mga pag-uugaling Kanluranin. Kaya sinasabing ang
Amerikanisasyon ay isang skait na tumatalak sa katawan ng ating lipunan. Tunay na bunga nito ang
maraming kapansanan sa bayan.
Isang simulaing kardinal, katotohanan, palibhasa, na ang isang Pilipino'y mahalagang sangkap
ng buong pamayanang Pilipino. At ang pinagsama-samang indibidwal, ang katipunan ng lahat ng
mamamayan ng bansang ito, ang bumubuo ng sangkapilipinuhan. Habang mahina, habang ng isang
lipunang tunay na Pilipino. Ang ugat na dahilan ay nasa uri ng di ganap ang pagka-Pilipino ng
kabuoang ito ay di tayo makapagtatayo edukasyon ng isang Pilipino.
Tingnan ang isang pangyayari, bilang halimbawa. Ipalagay nating heto ang isang batang
Pilipino. Ang kanyang pamilya'y kabilang sa mga may kaunting pribilehiyo sa buhay. Bagay na
isinisiwalat ng kanilang katayuang ekonomiko. Ang batang paksa ng kuwento'y nakarating sa unang
pagkakataon, at nanggaya sa unang pagkakataon, sa pabulol na pamamaraan ng mga salita ng
kanyang ina't ama. "That's the light," sasabihin ng ina, sabay turo sa bumbilyang nagliliyab sa kisame
ng bahay. "Now," sasabihin sa bata," where's the light?" ituturo ng bata. "There!" sasabihin ng ina,
paulit-ulit. "That's your Mommy," sasabihin ng ama, "say, Mommy" Gagayahin ng bata. "He's your
Daddy," sasabihin ng ina. "Isno," wika ng bata. "Eagle," ang wika ng titser. "Igel," gagad ng bata.
Ang paaralang ito, nais kong idugtong, ay eksklusibo. Para lámang sa may kayang magbayad ng
malaki. Ari ng dayuhan at pinamumunuan ng mga relihiyoso.
Papasok ang bata sa regular na grado, sa paaralang ito rin ari ng mga dayuhan at
pinamumunuan ng mga relihiyoso. Mababasa na niya ang mga librong bumabanggit ng mga daan sa
New York at sa Washington, DC Mamamasid na niya ang Central Park at Central Square. Ang batang
a nagsisimula pa lamang ay may guniguni nang lumipad sa lupalop na malayo sa kanyang tinubuan,
Ang batang paksa natin ay lumalaki, mangyari pa, at nagkakaisip. Tuwing kakausapin siya ng
kanyang Daddy at Mommy ay sa wikang Amerikano. Ngunit may ibang tao sa kanilang tahanan ang
mga taong iyon ay alila o utusin kung tawagin ng kanyang Mommy at Daddy. Nakita niyang ang mga
ito'y tagapaglinis ng bahay, tagapagluto sa kusina, sa palengke, tagapagpaligo niya, at malimit na
inaalimura ng tagapamili kanyang mga magulang. Ang mga taong ito, kung kausapin ng kanyang
Daddy at Mommy, ay sa Tagalog. Hindi siya kinakausap sa wikang iyon mapagkakalakhan ng
kanyang Daddy at Mommy. Kaya, sa kanyang batang puso at utak ay tila mandin napagbubukod niya
ang kagamitan ng dalawang wika: Ingles ang ginagamit ng kanyang mga magulang sa pakikipag-
usap sa kanya: Tagalog, sa pakikipag-usap sa mga alila o utusan. Ito'y kanyang aat kahit na
tumanda'y iisipin niya, ipamamansag niya sa katunayan, na ang wikang Tagalog ay ginagamit lamang
sa mga alila.
Ang batang ito'y patuloy sa paglaki. Palaging librong Ingles ang kanyang binabasa, palaging
Ingles-Amerikano, pagkat mga Amerikano ang awtor. Dahil dito'y ayaw na rin niyang bumasa ng
anumang sinulat ng kanyang mga kababayan sa wikang kanyang kinagisnan. Ang librong nasusulat
sa Tagalog ay nagiging kasuklam-suklam sa kanya. Sa tahanan ay exposed siya sa telebisyon-sa mga
programang ginaganap sa wikang kanyang pinagkamalayan. Gayon din ang kanyang pinanood sa
mga sine. Kahit Class B o Class C sa kanya'y pinakamagaling pagkat mga artistang Amerikano ang
nagsisiganap. Samantala, ang pelikulang Tagalog ay bulok sa kanya, walang pasubali.
Siya'y isang ganap nang mamamayan, marahil ay mayroon nang pananagutan sa buhay.
Ngunit mayroon siyang sariling daigdig, daigdig na kinikislapan ng pumikit-dumilat na samot-saring
kulay ng ilaw dagitab sa piling ng mga nagsasalita ng Ingles. Malayo sa kanya ang ibang daigdig. ang
lalong malaking daigdig. Ito'y ang lipunan ng mga nakabakya, ng nagsisipagsalita ng katutubong
wika. At sa ganyan ay sumilang ang malaking pagitan ng mga Pilipinong pribilehiyado sa buhay at sa
masa ng ating bayan.
Totoong humaba ang simpleng kuwentong aking isinasalaysay. Ngunit gaya ng inyong
napansin, ito'y naglalarawan ng yugto-yugtong pagkahubog ng isang batang Pilipino sa pagiging
Amerikano sa isip, sa salita, at sa gawa. Ang trahedyang ito'y nakaturo sa ating sistema ng
edukasyon. Nang pumasok ang mga Amerikano sa Look ng Maynila'y dalá na nila ang sistema ng
paturuang Amerikano. Ayon sa kasaysayang sinulat ng mga dayuhan at ng mga Pilipinong
gumagamit ng salaming dayuhan-pumarito ang mga Amerikano upang hanguin tayo sa barbarismo.
Bibigyan daw nila tayo ng edukasyon. Binigyan nga, edukasyong popular pagkat sa simulain ay bukás
sa lahat ng mga mamamayan. Ang wikang panturo ay Kano. Ang mga asignatura ay hulwad sa Kano.
Malayo na ang panahong iyon ng pagdaong ni Dewey sa ating pasigan, ngunit narito pa rin ang mga
bakas. Isa tayong kolonya hanggang ngayon. Ang sistema natin ay tunay na kolonyal.
Marahil ay di totoong mga Amerikano lamang ang dapat nating sisihin. Tayo man ay may
kasalanan. Sa kabila ng katotohanang binigyan tayo ng kalayaang pampolitika, tayo nama'y
pinanatiling nakagapos sa kaalipinang ekonomiko at edukasyonal. Sa pana-panahon ay humihingi
tayo ng pag-aaral sa ating mga suliranin sa pagtuturo. Ang hinihiling nating gumawa nito'y ang ating
dating panginoon, ang mga Amerikano. Sila rin ang nagmungkahi sa ating mga kalutasan. At kung di
magbunga nang maigi, tayo ang nagdurusa. Kasalanan natin, ngunit di natin gustong magkaganito.
Biktima tayo ng kasaysayan. Ganito ang ating palad. Gayunman, ang tanong ko'y di na ba tayo
bubulas, di na ba tayo lalaki at di na ba tayo magiging ganap na bansa-sui juris ng lengguwahe ng
batas?
Sa sinundang brodkas ay sinabi namin sa inyo kung ano ang paraang ginagawa sa
pagpapalaganap dito ng wikang Amerikano. Ang wika at edukasyon ay magkaugnay. Ngayon ay
marami pang tulong sa edukasyon na kaloob ng Estados Unidos. Hindi natin matiyak ang mga tali ng
tulong na ito. Sa kawalan ng mapanghahawakang kongkretong ebidensiya'y makapagbibigay lámang
tayo ng mga hinuha. Maaaring sabihing ang kaloob sa atin ay udyok ng damdaming altruistiko ng
ating dating panginoon. Ito kaya'y kapani-paniwala? Hindi ba't sa maraming pagkakataon ay lumitaw
ang katotohanang sa kapakanang Amerikano lamang ang paglilingkod na ginagawa rito ng mga
Amerikanong kinatawan ng pamahalaang Amerikano, at pati ng kanilang mga ahenteng na-
brainwash pagkatapos magtamasa ng kwalta ng iskolarsyip at grant?
Isang kababawan, kung di man katunggakan, ang mag-akalang tunay na nagbubuhos dito ng
salapi at panahon ang Estados Unidos dahil lámang sa kapakanang Pilipino. Sa katunaya'y
naglilingkod silá sa kapakanan ng Estados Unidos at sa kaluwalhatian ng Unyon. Ito ang hinahangaan
ko sa mga Amerikano, kahit saan sila magtungo, kailan mang panahon, ay nananatili siláng
Amerikano. Kapos tayo sa bagay na ito. Tayo pa nga ang tumatayong tagapagtanggol nila, na para
bagáng kailangan pa nating ipagtanggol sila. Ang isang Pilipino, lalo na ang kabilang sa pamilyang
ginawa kong halimbawa sa simula ng komentaryong ito, ay madaling maging Amerikano, Kaawa-awa
ang bayang ito!
Ang lahat ng ating pagsisikap na maging tunay na Republikang Pilipino ay mabibigo habang
dayuhan ang sistema ng ating paturuang pambansa. Tunay na kailangan ang pagbabago, ang
rebolusyon sa larangang ito. Ngayon ay may isang Komisyong nilikha ang Pangulo upang pag-aralan
ang sitwasyon ng edukasyon sa ating bayan. Sana'y maging tunay na Pilipino ang ibubunga ng
Komisyon. Huwag sanang kaligtaan nito ang kahalagahan ng wikang panturo. Nababatid kong nasa
kamay na ng komisyon ang maraming pag-aaral ng Kawanihan ng Pag-aaralang-Bayan ng Lupon sa
Kurikulum, pati na ang paninindigan ng Lupon sa Implementasyon. Hindi akó isang manghuhula,
ngunit masasabi ko nang walang alinlangan: na habang nabibid bid ang ating paturuang pambansa
ng sistemang Amerikano, at habang tinatagikawan tayo ng wikang Amerikano, mananatili tayong
second rater lámang sa edukasyon, manggagaya, at batayang walang bait sa sarili. Ang wikang
Filipino'y handa upang gamitin sa de-Amerikanisasyon ng isang mamamayang Pilipino.
IV. Pagtatalipuspos
I. Pagtataw!
II. Pagtutuklas!
Mahalagang Tanong!
I. Bakit mahalagang sundin ang payo at pangaral ng magulang? Bilang anak paano mo
tintanggap ang pamamaraan ng pagdidisiplina sa iyo ng iyong magulang?
Bakit mahalagang pag-aralan ang maikling kuwento? Paano makatutulong ang mga aral na
taglay nito sa pagharap sa pang-araw-araw na hamong nararanasan natin sa buhay?
II. Naipahahayag ang sariling kaisipan, saloobin, at ideya.
Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong ilarawan ang isang buhay na matagumpay gamit
ang isang imahen o larawan, ano kaya ito? Bilang panimulang gawain, gumuhit ka ng isang
bagay na para sa iyo ay maaring maging simbolo o larawan ng isang taong masaya,
matagumpay, at kontento sa buhay. Ilagay ito sa kahonng makikita sa ibaba at pagkatapos
sa tapat nito ay ilahad ang iyong maikling paliwanag para dito.
Simbolo Paliwanag
III. Pagtatalakay
Humakot ng parangal si Abueg tulad ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature
(1959, 1960, 1963, 1964, 1967, at 1974); Timpalak ng KADIPAN, unang gantimpala (1957); Pang-
alaalang Gawad Balagtas (1969) Timpalak Pilipino Free Press (1969); Gawad Pambansang Alagad
ni Balagtas (1992) mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL); Timpalak Liwayway sa
Nobela (1964, 1965, at 1967).
SARANGGOLA
Efren R. Abueg
"Rading, Paquito, Nelson... pakinggan ninyo ang kuwentong ito. "May isang batang lalaki, walong
taong gulang. Humiling siya sa kanyang ama ng isang guryon. "Anak, ibibili kita ng kawayan at papel.
Gumawa ka na lamang ng saranggola," wika ng ama.
"Hindi ako marunong, Tatay," anang batang lalaki. "Madali 'yan. Tuturuan kitá," sabi ng ama at
tinapik sa balikat ang anak. Bumili nga ito ng papel at kawayan, tinuruang gumawa ng saranggola.
"Tatay...ibili mo ako ng guryon," sabi uli ng bata sa ama.
"Anak... pag-aralan mo na lámang mapalipad ang saranggola nang mo ang taas at tagal ng lipad ng
guryon!" natas Madadaig Nainis ang bata sa kanyang ama.
"Kinakantiyawan akó sa bukid, Tatay," anang bata. "Anak daw ako ng ayan ng kaisa-isang estasyon
ng gasolina sa bayan... bakit daw kayliit
saranggola ko!"
Nagtawa ang ama at tinapik na naman sa balikat ang anak. Tinuruan nga ng ama ang bata ng
higit na mataas na pagpapalipad ng nggola, pati na ng pagpapatagal niyon sa kalawakan.
Nalagpasan nga ng saranggola niya ang ilang guryon. Ang iba namang guryon na lumipad nang
pagkataas-taas ay nalagutan ng tali at nagsibagsak, bali-bali ang mga tadyang, wasak-wasak.
"Tingnan mo... hindi nasira," nagmamalaking wika ng ama, "Kung guryon yan, nawasak na
dahil sa laki. Kaya tandaan mo, ang taas at tagal ng pagpapalipad ng saranggola ay nasa husay,
ingat, at tiyaga. Ang malaki ay madali ngang tumaas, pero kapag nasa itaas na, mahirap patagalin
doon at kung bumagsak, laging nawawasak."
Nakalimutan na ng batang iyon ang tungkol sa saranggola nang maging katorse anyos na siya.
May iba na siyang hilig: damit, sapatos, malaking báon sa eskuwela, pagsama-sama sa mga kaibigan.
"Anak... dalawang sapatos lamang ang gagamitin mo sa pasukang ito. Kung masira, saká na
papalitan. Magtitipid ka rin sa damit at huwag kang gasta nang gasta. Hindi madaling kitain ang
salapi," pagunita ng kanyang ama.
"Kawawa nga ako, Tatay," katwiran ng bata. "Anak ako ng tanging may-ari ng estasyon ng
gasolina at machine shop sa bayan natin, pero ang hitsura ko... parang anak ng pobre."
"Disente ka naman, a. Malinis ang damit mo, husto ka sa mga gamit sa eskuwela at husto ka
rin sa pagkain. Hindi dapat sobra sa mga pangangailangan ang isang kabataang tulad mo. Hindi
natututuhan ang pagtitipid."
Hindi naunawaan ng bata ang paliwanag ng ama at nagkaroon siya ng hinanakit dito. Tinipid
siya sa lahat ng bagay, hinigpitan sa pagsama-sama sa mga barkada at madalas, pinatatao sa
estasyon ng gasolina at pinatutulong sa machine shop kung araw ng walang klase.
"Pinahihirapan talaga ako ng Tatay," puno ng hinanakit ang tinig na pagsusumbong ng bata sa
ina. "Kaisa-isa pa naman akong anak, ang turing niya sa akin... parang ampon!"
"Hindi totoo ang sinabi mo anak," malumanay na sansala ng kanyang iná sa anak. "Alam mo,
mataas ang pangarap niya para sa iyo."
"Bakit? Ano ang gusto niya para sa akin?" "Ibig niyang maging mahusay kang inhenyero."
Hindi na kumibo ang bata at hindi rin napawi ang hinanakit niya sa ama. Gayunman, hindi siya
makapaghimagsik dito. Iginagalang niya ito at pati ang kanyang ina.
Inoobserbahan kita, Anak. Hindi mo hilig ang Commerce. Palagay ko Mechanical Engineering
ang bagay sa iyo. Tanungin mo ang iyong ina," Masama man ang loob, sumangguni pa rin siya sa
ina. "Hindi sa kinakampihan ko ang iyong ama, Anak. Pero sa tingin ko...Engineering nga ang bagay
sa iyo. May machine shop tayo...sino ba ang magmamana niyon kundi ikaw?" Nasunod ang kanyang
ama at napilitan siyang tumiwalag sa kanyang barkada. Napag-isa siya sa pag-aaral sa lungsod at
ngayong binata na siya, hindi na hinanakit kundi paghihimagsik s sa ama ang kanyang nadarama.
-Ayoko nang mag-aral, Inay," sabi niya sa kanyang ina nang dalawin dormitoryo. "Tipid,
pagtitiis, kahihiyan lamang ang dinaranas siya nito sa ko rito. Bakit akó ginaganoon ni Itay? Gusto ba
niya akong pahirapan?" Pinayapa ng kanyang ina ang kanyang kalooban...
"Magtiwala ka sa amin, Anak. Wala kaming gagawin ng iyong ama kundi makabubuti sa iyong
hinaharap." "Makabubuti ba sa akin ang magmukhang basahan at magdildil ng asin?"
Hindi maintindihan ng binata ang sinabi ng kanyang ina, subalit naisip niyang makapagtitiis pa
siya. Isusubsob na lámang niya ang ulo sa pag aaral.
Nakatapos naman ng inhenyeriya ang binata. Hindi siya pangunahin sa klase, ngunit sa
pagsusulit sa gobyerno, nakabilang siya sa nangungunang unang dalawampu.
"Bata pa ako, Anak. Kaya ko pang mag-asikaso ng hanapbuhay r iyan. Saka ibig ko,
magpundar ka ng sariling negosyo." "Mabuti na 'yong makatindig ka sa sarili mong paa." Tinanggap
niya ang halagang pinagkaloob ng ama. Humiwalay na rin ko ng pag-aaral," nawika niya sa ama.
"Alam kong malaki ang hinanakit mo sa iyong ama. Gayunman, ibig kong isaisip mong ang
kinabukasan mo ang lagi niyang inaalaala." Ngunit may lason na sa kanyang isip. Hindi na siya
naniniwala s kanyang sinabi ng kanyang ina. Naging lubos ang paghihimagsik niya sa ama siya ng
tirahan sa mga magulang.
Nagtayo siya ng isang machine shop sa dulo ng kanilang bayan. Agad agad siyang pinagsadya
ng kanyang ama. "Bakit hindi pa sa ikatlong bayan ka nagtayo ng machine shop?
Magkukumpetensya pa tayo rito." "Akala ko ba'y bahala na ako sa buhay ko, Itay?" Natigilan
ang kanyang ama. Saká napapailing, nag-iwan pa ito ng salita bago lumisan.
"Kung sabagay... mabuting magturo ang karanasan!" May isang taon ding nagtiyaga ang
binata sa pamamahala ng kanyang maliit na machine shop sa dulong bayan. Kakaunti ang kanyang
parokyano dahil higit na malaki ang machine shop ng kanyang ama at mahusay ang mga tauhan
nito. Nagkautang tuloy siya ng labindalawang libo sa mga kinukunan niya ng materyales. Nang hindi
siya makabayad, inilit ang makinang kanyang ginagamit.
Napilitan siyang lumapit sa ama upang mangutang ng labinlimang libong piso para mabawi
ang kanyang makina.
"Ibig kong matutuhan mo ang lahat ng nangyayari sa buhay na ito. Hindi madali ang mabuhay sa
mundo, Anak." "Hindi ba kaya may mga magulang ay para gumaan ang buhay ng
mga anak? "Ang ikagagaan ng buhay ng mga anak ay wala sa mga magulang kundi nása mga
itinuturo nila sa mga ito."
Nagkahiwalay ng landas ang mag-ama. Naglayas ang binata nang hindi man lamang
nagpaalam kahit sa ina. Nagpalipat-lipat sa kung saan-saang trabaho hanggang pagkaraan ng limang
taon, nakaipon siya ng sampung libong piso at nakabili ng isang maliit na machine shop. Kumontrata
siya sa paggawa ng tambutso sa isang auto assembler at kumita siya nang malaki. Sa loob ng tatlong
taon, gumawa na rin ang machine shop niya ng mga parte ng kotse. Ang dugo ay dugo, anang
kasabihan, kaya dinadalaw ang lalaki ng kanyang may edad na ina. Isang araw, dumating sa
kanilang bahay, gaya
ng dati may pasalubong sa tatlong apóng lalaki. "Ibig ng Itay mong makita ang kanyang mga apó,
pero hindi siya makadalaw rito dahil sa hinanakit mo," sabi ng kanyang ina. "Kinalimutan ko na, Inay,
na nagkaroon ako ng ama!"
"Kung gayon...baka hindi na kayo magkita, anak!" nawika nito bago umalis. Sa tindi ng hinanakit,
hindi na rin niya binigyang-halaga ang bulalas na iyon ng kanyang ina. Nagpakagumon siya sa
trabaho, naghanap pa ng mga bagong kontrata hanggang sa loob pa ng dalawang taon, kilala na ang
kanyang machine shop sa Pasay. Isang araw, hindi niya dinatnan ang kanyang asawa at ang tatlong
anak sa bahay
"Umuwi uli? Bakit, lagi ba silá roon?" Tumango ang tinanong na katulong.
"May dalawang taon na hong regular siláng nagpupunta roon. Dinadalaw ang inyong matanda."
May poot na sumiklab sa kanyang dibdib. Nanlambot siya sa galit. Ngunit sa pagkaunawang
patawirin ang kanyang ama, nagbalik sa kanyang isip ang masasayang sandali sa piling nito.
Nagunita niya ang pagpapalipad nila ng saranggola.
"Wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas, nása husay at
tiyaga at ingat iyan!"
Magdamag siyang hindi mapalagay. Lagi niyang naiisip ang sinabing iyon ng kanyang ama.
Kinabukasan, sakay ng kanyang kotse, nagbalik siya sa bayang sinilangan. "Patay na s'ya!" bulalas ng
kanyang asawang umiyak sa kanyang dibdib.
May nabugnos na moog sa kanyang puso. Nahalinhan ng pagsisisi ang hinanakit. Nilapitan
niya ang ina at sa pagyakap dito, umiyak siya nang marahan, kasamang nagdalamhati ang lahat ng
himaymay ng kanyang laman. "Huwag kang umiyak... namatay siyang walang hinanakit sa iyo,"anas
ng kanyang ina.
'Wa-walang hinanakit?"
"Oo, anak...dahil natupad na ang pangarap niya. Nása itaas ka na. At sabi niya sa akin, pati sa
asawa mo... nakatitiyak siya na makapananatili ka roon."
Nang lapitan niya ang kabaong ng ama at tunghayan ang mga labi nito, parang lumundag ang
kanyang puso at humalik sa pisngi ng yumao. Kasunod niyon, nagunita na naman niya ang
pagpapalipad ng saranggola. "Wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa
itaas. Hayaan mo... tuturuan kitá!" paliwanag ng ama.
"Rading, Paquito, Nelson... Tandaan ninyo ang kuwentong iyan. Kuwento namin 'yan ng
inyong namatay na lolo. Kuwento naming dalawa."
1. Ano ang kahilingan ng batang lalaki sa kanyang ama? Ano ang dahilan kung bakit hindi
ipinagkaloob ng ama ang kahilingan nito?
2. Ano ang naramdaman ng bata nang hindi ibinigay ng kanyang ama ang kanyang hinihingi?
3. Sa iyong palagay, makatarungan ba ang ginawang pagdidisiplina ng ama sa kanyang anak?
Bakit? 4. Bakit hindi maunawaan ng anak ang ginagawang pagdidisiplinang kanyang ama sa
kanya? Kung ikaw ang nasa kalagayan ng anak paano mo tatanggapin ang mga bagay na ito?
5. Makatwiran ba ang ginawa ng anak na siya ay magrebelde sa kanyang magulang? Bakit?
6. Sa iyong palagay, ano ba ang kalimitang nagiging dahilan ng pagrerebelde ng mga kabataan
sa kanilang magulang?
7. Bakit gayon na lamang ang pagsisisi ng anak nang datnan niyang wala nang buhay ang
kanyang ama?
8. Bakit kaya nasabi ng inang namatay nang walang hinanakit ang ama sa kanyang anak sa
kabila ng pagrerebelde nito sa kanya?
9. Anong aral ang iyong napulot sa kuwento upang ang isang tao ay magtagumpay sa buhay?
Ang maikling kuwento ay isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan at
ang diwa ay napapalaman sa isang buo, mahigpit, at makapangyarihang balangkas na inilalahad sa
isang paraang mabilis ang galaw. Ang kahulugang ito ay pinasimple ni Genoveva Edroza Matute na
pampanitikan nagsabing "ang maikling kuwento ay isang maikling kathang na nagsasalaysay ng
pang-araw-araw na buhay na may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari, at may isang
kakintalan." Narito ang mga elemento ng maikling kuwento:
IV. Pagtatalipuspos
Ang maikling kuwento ay isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikli ang
kaanyuan at ang diwa ay napapalaman sa isang buo, mahigpit, at makapangyarihang
balangkas na inilalahad sa isang paraang mabilis ang galaw.
Si Efren Abueg ay isa sa iginagalang na nobelista, kuwentista, mananaysay, at kritiko
ng kanyang panahon. Kabilang sa kanyang mga Si Efren Abueg ay isa sa mga
iginagalang na nobelista, kuwentist, aklat ang Bugso, ang kanyang kauna-unahang
koleksiyon ng mga kuwento Siya rin ang editor at bumuo ng mga antolohiyang gaya ng
Mga Piling Akda ng KADIPAN (1964); Mga Agos sa Disyerto (edisyong 1965, 1974, at
1993, af MANUNULAT: Mga Piling Akdang Pilipino (1970).
Ang tagumpay ay hindi nasusukat sa laki at kinang ng mga bagay na nakikita kundi sa
pagkilala sa mga tunay na mahalaga.