You are on page 1of 9

Kagawaran ng Edukasyon

Filipino 12
Filipino sa Piling Larang - Akademik
Ang Ubod ng Pagbubuod
Unang Kuwarter - Modyul 3

Lynette V. Mandap
Manunulat

Erlie A. Manzo
Tagaguhit

John Albert B. Colle, PhD

Tagasuri

John Albert B. Colle, PhD

Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad

Schools Division Office – Muntinlupa City

Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

1
Maraming gawain sa akademiya ang kinakailangan ng masusing
pagbasa, panonood, pakikinig, at pagsulat. Sa pagkakataon ng
pagbabahagi nito sa iyong guro at kamag-aral, mahalagang matutunan mo
ang pagpapaikli sa mga ito nang hindi nawawala ang pangunahing ideya at
mahahalagang detalye upang malinaw at maayos itong makarating sa
kanila.
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang:

1. Nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin

CS_FA11/12PU-0d-f-92
2. Nakasusunod sa estilo at teknikal na pangangailangan ng
akademikong sulatin CS_FA11/12PU-0d-f-93

Tukuyin ang pangunahing ideya o konsepto ng bahagi ng isang akda

sa ibaba. Isulat ito sa isa hanggang tatlong pangungusap lamang.

Mahalaga ang kontribusyon ng mineral sa ekonomiya ng bawat bansa.

Halimbawa, kailangan ang iron sa paggawa ng bakal na tinaguriang gulugod ng
ekonomiyang pang-industriya. Isa ring importanteng mineral fuel ang coal na
nagsisilbing instrumento sa maraming proseso (tulad ng smelting at refining ng
metal) para sa kapakinabangan ng tao. Makikita naman sa iba’t ibang anyo tulad
ng abono, seramiks, mga pangkonstruksiyong material, at iba pa ang mga di-
metalikong materyal.

_________________________________________________________________________

2
Ilahad sa pinakasimpleng paraan ang kuwento sa likod ng nobelang
El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal.
_____________________________________________

Ang buod ay tala ng isang indibidwal ukol sa kanyang narinig o

nabasang artikulo, balita, aklat, panayam, isyu, usap-usapan, at iba pa sa
sarili niyang pananalita (Bernales, et.al 2017). Hindi na bago sa pandinig
ang pagbubuod sapagkat madalas itong ipagawa sa paaralang ng mga guro
sa mga mag-aaral na gaya mo upang masigurong natandaan moa ng mga
detalye ng nabasa o napanood mo, at masukat na rin kung naunawaan mo
ang mga ito. Gayumpaman, hindi natin masasabing nakukulong sa
pagiging gawaing akademiko ang pagbubuod sapagkat nagagamit din ng
mga propesyunal ang gawaing ito sa kanilang pag-uulat sa trabaho, liham
pangnegosyo, dokumentasyon, at iba pa. Mas madali at episyente kasing
naitutulay sa iba ang mensaheng gugugol ng mahabang panahon kung
ilalahad nang buo.

Katangian ng Mahusay na Buod (Bernales, et.al 2017)

1. Nagtataglay ng obhetibong balangkas ng orihinal na teksto. Ang buod

ay dapat sumasagot sa mga pangunahing katanungan tulad ng Sino,
Ano, Saan, Kailang, Bakit, at Paano. Halimbawa, ano ang
pangunahing ideya ng teksto? Ano-ano ang mga pantulong na ideya?
Ano-ano ang mga pangunahing ebidensya? Iyayn ay ilan lamang sa
mga tanong na dapat masagot sa isang buod. Dapat sangguniin lagi

3
ang orihinal na teksto. Maging sa titulo ay dapat na banggiting buod
ito ng akda.
2. Hindi nagbibigay ng sarilng ideya at kritisismo. Tanging ang mga
impormasyong nasa orihinal na teksto ang dapat na isama at hindi
dapat dagdagan ng pansariling ideya o ng kritisismo ng nagsusulat
kahit pa sabihing tama ang ideya ng kritisismong idaragdag sapagkat
hindi hinihingi ng buod ang ganitong klaseng detalye.
3. Hindi nagsasama ng mga halimbawa, detalye, o impormasyong wala
sa orihinal na teksto. Inaasahang maihayag ang kabuuang mensahe
ng isang akdang komprehensibong natalakay sa isang maikling
sulatin lamang kapag sumusulat ng buod.
4. Gumagamit ng mga susing salita. Ang mga susing salita ay ang mga
pangunahing konsepto na pinagtutuunan ng teksto kaya’t dapat na
gamitin ang mga ito sa pagsulat ng buod upang matiyak na
maipaalam sa nagbabasa o nakikinig nito ang mga pangunahing tuon
ng pinagmulang teksto.
5. Gumagamit ng sariling pananalita ngunit napapanatili ang orihinal na
mensahe. Ang paggamit ng sariling pananalita ay hindi lamang
makatutulong sa sumusulat ng buod upang mas maunawaan niya
ang kanyang isinusulat kundi makatutulong din nang malaki upang
maihayag ang katulad na mensahe mula sa orihinal na teksto sa mas
maikling pahayag. Bukod pa rito, binibigyang pagkakataon din nito
na maging malikhain sa pagpapahayag ang sumusulat, sapagkat
kailangan niyang ihayag ang katulad na mensahe sa paraang iba sa
orihinal.

Mga Hakbang sa Pagbubuod (Constantino at Zafra, 2016)

1. Basahin, panoorin, o pakinggan muna nang pahapyaw ang teksto.

2. Sa mga nakasulat o episodyo ng isang pinanood o pinakinggan,
tukuyin ang paksang pangungusap o pinakatema. Tukuyin din ang
mga susing salita (key words).
3. Pag-ugnay-ugnayin ang mga ideyang ito upang mabuo ang
pinakapunto o tesis.
4. Isulat ang buod. Tiyakin ang organisasyon ng teksto. Huwag
gumamit ng mga salita o pangungusap na mula sa teksto.
5. Huwag maglagay ng mga detalye, halimbawa, at ebidensya.
6. Makatutulong ang paggamit ng mga signal word o mga salitang
nagbibigay-transisyon sa mga ideya, gaya ng gayumpaman, kung
gayon, samakatwid, gayundin, sa kabilang dako, bilang kongklusyon,
bilang pagwawakas, at iba pa.
7. Huwag magsisingit ng opinyon.
8. Sundin ang dayagram sa ibaba.

Buod
Pangunahing ideya
Paksang pangungusap
Paksang pangungusap
Paksang pangungusap

4
Kongklusyon

Tumutulong ang pagbubuod sa pagpapaunlad ng analitikal na pag-iisip

sapagkat sinusuri dito ang mga impormasyon at pinaghihiwalay ang
mahahalaga sa di-mahahalagang punto, ideya, ebidensya, at pagsasama-
sama ng mga mahahalagang ideyang nilalaman ng isang teksto
(Constantino at Zafra, 2016). Narito ang ilang halimbawa ng buod:

a. Tula:

May Huklubang Ama sa Tumba-Tumba

May huklubang ama sa may tumba-tumba
At ikaw, binate, ang kaniyang kausap
Dumuduyan-duyan sa buntung-hininga

Hangad mo ang palad ng kaniyang dalaga

Kaya nagtatangkang hingin ang basbas
Ng huklubang ama sa may tumba-tumba

Iyong hinihintay ang tamang entrada

Ngunit dila’y putol, wika’y tumatakas,
Dumuduyan-duyan sa buntung-hininga.

Kada isang kilos, wari’y minamata

At ngayon, para bang gusto mong
lumayas
Ang huklubang ama sa may tumba-
tumba.

Ang iyong kongklusyon inipong pag-

asa’y
Mistulang kulisap sa lantang
bulaklak,
Dumuduyan-duyan sa buntung-
(Vladimeir Gonzales, halaw sa tulang Proposals ni Edwin Thumboo,
Ugat, 2003)

Buod: Kausap mo ang matandang lalaking magulang ng iyong nililiyag

upang makuha ang pahintulot niya na makaisang-dibdib mo ang
kaniyang anak. Ngunit naumid ka at hindi makapagsalita habang
patuloy itong nagtutumba-tumba. Gusto mo nang sumuko ngunit
ayaw mong mapares sa matanda na tumandang nag-iisa sa kaniyang
tumba-tumba.

5
b. Sa Pilipinas, hango sa dayong pananaw ang pag-aaral ng
astronomiya. Dahil dito, hindi natin natutunton ang sarili nating
kabihasnan at ang kulturang Pilipino na mapatutunayan ng
mayamang termino ng mga ninuno ukol sa kalikasan, sa
konstelasyon sa partikular. Sa katunayan, ang iba’t ibang grupo sa
Pilipinas ay mga katawagan sa lahat ng bahagi ng mundo at ang
mga ito ay hindi magkakalayo sa isa’t isa. Gayundin, ang iba’t ibang
bansang kabilang sa wikang Austronesya ay may kahawig ding mga
termino. Tunay ngang repleksyon ng kultura at kabihansan ang
wika. Ang paraan ng pamumuhay, pag-iisip, pagdedesisyon sa mga
gawain, pati mga oral na panitikan at kaalaman, ay masasalamin sa
mga salitang astronomikong gamit ng mga sinaunang Pilipino. Ang
mga kaalamang ito ay makatutulong upang maintindihan ng mga
Pilipino ang kanilang sarili, komunidad, at bansa kung pag-aaralan
lang sana ng mga mag-aaral.

(buod ng 12-pahinang artikulo ni Dante Ambrosio na “Wika,

Astronomya, Kultura: Kulturang Pilipino sa mga Katawagang
Astronomiko,” nasa “Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan,
Constantino, P. at M. Atienza. 1996)

I. Makinig o manood ng isang episodo ng isang dokumentaryong

palabas sa telebisyon o internet (hal. iWitness, Front Row, atbp.).
Tukuyin ang pangunahing paksang itinampok at isulat ito sa
espasyong inilaan sa ibaba.

_________________________________________________________________
(Pamagat ng dokumentaryong pinanood)

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

II. Pumili ng isang komersiyal sa telebisyon na sumasalamin sa

suliranin ng mamamayang Pilipino kaugnay ng pandemyang

6
COVID-19. Panoorin, pakinggan itong mabuti, at gawan ito ng
buod pagkatapos.

_________________________________________________________________
(Pamagat ng piniling komersiyal/produkto ng komersiyal)

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Ang buod ay siksik at pinaikling bersiyon ng isang teksto. Mahalaga

na ang sinumang magtatangkang magbuod ay maingat at lohikal pa ring
maglalahad nito nang hindi nagbibigay ng anumang saloobin o opinyon.
Hindi dapat maisawalang-bahala ang esensya o pangunahing ideya ng
tekstong tinatangkang ibuod kaya’t mahalagang matiyak ng magbubuod
ang ubod ng tekstong ibubuod.

Manood ng balita tungkol sa isang napapanahong isyu ng bansa.

Mula sa napanood, sumulat ng isang maikling buod nito.
___________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

7
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Lagyan ng tsek (✓) ang patlang kung ang nakasaad ay katangian ng

mahusay na buod, at ekis (x) naman kung hindi.

__________1. Ang buod ay dapat na sumasagot sa mga pangunahing

katanungan tulad ng sino, ano, saan, kalian, bakit, at paano.
__________2. Maaaring magsama ng mga detalye na wala sa orihinal na
teksto.
__________3. Gumagamit ng susing salita o pangunahing konsepto na
pinagtutuunan ng teksto.
__________4. Nagtataglay ng obhetibong balangkas ng orihinal na teksto ang
isang buod.
__________5. Naglalaman ng sariling ideya at kritisismo ang buod basta’t
mapagkakatiwalaan ang pinagmulan.
__________6. Gumagamit ng sariling pananalita ngunit napapanatili ang
orihinal na mensahe.
__________7. Inaasahan sa buod na maihayag ang kabuuang mensahe ng
teksto sa maikling sulatin.
__________8. Binibigyang pagkakataon ng buod na maging malikhain sa
pagpapahayag ang sumulat sapagkat kailangan niyang ihayag
ang katulad na mensahe sa paraang iba sa orihinal.
__________9. Hindi kailangang banggitin na buod ito ng isang akda o teksto.
__________10. Maaring magtaglay ng subhetibong balangkas ang buod kung
kinakailangan.

8
Mga Sanggunian

Bernales, Rolando, et. al. Filipino sa Larangang Akademiko (Alinsunod sa K-12

Kurikulum ng Batayang Edukasyon para sa SHS). Mutya Publishing House, Inc.
Malabon City. 2017.

Constantino, Pamela at Zafra, Galileo. Filipino sa Piling Larangan (Akademik). REX

Book Store, Inc. Quezon City. 2016.

You might also like