You are on page 1of 23

Ang Pagtuklas ng Pilipinong Identidad para sa

Isang Epektibong Sistema ng Edukasyon


Sem. Karl James M. Fabregas
Saint Augustine Seminary

Abstract
Kasabay ng pag-usbong ng makabago at modernong mundo ay ang hindi mabilang na
problema sa lahat ng aspeto ng buhay. Nawalan na ng pokus sa isang bagay ang mga tao lalo na
sa usapin ng pilosopiya at kung ano ba talaga ang totoo. Nariyan ang problema sa ekonomiya at
gobyerno na lubos na nakakaapekto sa buhay ng isang tao.
Ang papel na ito ay patungkol sa kalagayan ng Pilipinas sa isang problema na
masasabing hindi ganoon binibigyan ng pansin – ang EDUKASYON. Ayon kay Fr. Leonardo
Estioko, SVD, “ang edukasyon ay ang salamin ng lipunan”. Ngunit mas nabibigyan ng pansin ng
gobyerno ang iba pang sektor kaysa sa edukasyon. Idinagdag pa nya na, “instrumento rin ang
edukasyon para sa pagbabago”. Ang tanong, ano ang itsura ng lipunan natin ngayon at
edukasyon nga ba ang isa sa ginagamit na kasangkapan para sa pagbabago sa Pilipinas?
Kaliwa’t kanan na ang mga isyu sa Pilipinas dahil sa gobyerno at ekonomiya pero ang
tanging makakalutas lamang dito ay ang pagbuo ng epektibong sistema ng edukasyon. Marahil
mayroon tayong sistema ng edukasyon ngunit ito ba ay may tamang patutunguhan? Malalaman
lamang na magiging maayos ang sistema ng edukasyon kung maiintindihan ng mga Pilipino ang
tunay nitong identidad. Malaking dahilan kasi ang kawalan ng identidad kaya nananatiling
palaisipan sa mga Pilipino kung ano ba talaga ang ninanais nitong klase ng lipunan.
Sino ba talaga tayo at saan tayo patungo? Ito ang mga tanong na tanging ang sagot ay
ang pagtuklas ng tunay na identidad na malaking hamon para sa mga Pilipino lalo na sa mga
nasa gobyerno. Ito rin ang magiging daan para sa mas epektibong sistema ng edukasyon para sa
mas maayos na lipunan.

Panimula
Marami ng pagtatangka ang naisagawa upang matuklasan kung ano ba talaga ang
totoong identidad o pagkakakinlanlan ng mga Pilipino. Sa paglipas ng panahon ay naging isang
malaking problema ang usaping ito. Noon ngang dekada ’70 hanggang dekada ’80, sinimulan ni
Emerita S. Quito ang pagtitika sa diwang Pilipino. Ang panahong ito ay napaka-kritikal dahil dito
umigting ang paghahanap ng sariling pagkakakilanlan ang mga Pilipino sa iba’t ibang larangan.
Ang mga pagsisikap na ito ay nakaugat sa isang layunin. Halimbawa, ang dating pangulong
Ferdinand E. Marcos ay nagtangkang bumuo ng bagong kamalayang Pilipino sa pagtatatag ng
Bagong Lipunan. Nariyan din si Virgilio Enriquez na nagpasimula ng kanyang Sikolohiyang
Pilipino. Samantalang sa larangan naman ng sosyolohiya at kasaysayan nakilala si Dr. Zeus A.
Salazar sa pamamagitan ng kanyang Pantayong Pananaw. Samakatuwid, kapansin-pansin na
talagang nag-alab ang apoy sa diwa ng bawat Pilipino noong panahanong iyon sa kanya-
kanyang larangan upang tuklasin ang totoong identidad ng mga Pilipino.
Sinasabing kung may hinahanap o tinutuklas, ibig sabihin ay may nawala. Bakit nga ba
dumating sa kasaysayan ng mga Pilipino ang paghahanap ng kanilang kasarinlan? Malinaw na
naihambing ni Fr. Leonardo Estioko, SVD. ang dahilan sa pamamagitan ng kwento tungkol sa
isang batang leon na lumaki sa pangangalaga ng mga kambing. Ayon sa kuwento, napilitang
mamuhay na isang kambing ang batang leon dahil sa pagkamatay ng kanyang ina. Kahit
nahihirapan sa ibang klase ng buhay, unti-unting nasanay ang batang leon. Hanggang sa
dumating ang panahon na nabuksan ang isip ng batang leon na iba pala dapat ang buhay nya.
Kaya nagsimula siyang mamuhay kasama ang kapwa niya leon. Ang Pilipinas, ayon kay Estioko,
ay tulad ng isang batang leon na namuhay sa ilalim ng mga kambing (Spaniards and Americans).
Sa loob ng mahigit 400 na daang taon ay naging sakop tayo ng dalawang bansang ito.
Naapektuhan ng lubos ang pamumuhay ng mga Pilipino dahil sa pananakop na ito. Ito ay
masasalamin sa relihiyon, gobyerno, at edukasyon ng mga Pilipino hanggang ngayon. Marahil
marami na sa mga ito ang nabago at napilitan, ngunit mayroon pa ding mga bakas na naiwan.
Ayon kay Quito, “ang edukasyon ang pinakahuli sa kilusan ng Filipinisasyon sapagkat ito ang
larangang nakabaon sa Amerikanismo”. Ito rin ang punto ni Renato Constantino sa kanyang
“Miseducation of the Filipinos”.
Dahil sa kolonisasyong naranasan ng mga Pilipino, tila lumubog sa isang kumunoy ang
totoong identidad nila. Naging dahilan din ito para madamay sa paglubog ang edukasyon na
dapat magiging kasangkapan ng pagbabago sa kanilang lipunan. Kakambal ng edukasyon ang
kanyang pilosopiya na dapat ay naka-angkla sa tunay na pagkakakilanlan ng mga Pilipino na
magsisilbing sistema nito. Kaya kung nais magkaroon ng isang epektibong sistema ng edukasyon
ang mga Pilipino, nararapat lamang na simulan ito sa pagtuklas ng kanilang totoong identidad.
Ang papel na ito ay nagnanais na alamin ang identidad ng mga Pilipino alang-alang sa pagbuo
ng isang epektibong Sistema ng edukasyon.

Ang Diwang Pilipino sa Pananaw ni Emerita S. Quito


Walang pag-aanlinlangang sabihin na lahat ng bagay ay may nakaraan. Ang nangyayari
sa kasalukuyan ay resulta ng kasaysayan. Sabi nga ni Lourd De Veyra sa kanyang palabas sa
telebisyon, “kung wala tayong kasaysayan, wala tayong saysay”. Ganito rin ang pananaw ng
isang historyador sa katauhan ni John S. Arcilla, S.J., “ang kasaysayan, na pananaliksik sa
nakaraan, ay tumutulong sa atin upang maintindihan ang kasalukuyan.” Dagdag pa niya, “ang
taong hindi alam ang kasaysayan ng kanyang bansa ay hindi kailanman maiintindihan ang
lipunang kanyang ginagalawan.(akin ang salin)1 Sa puntong ito sang-ayon din ako kay
Romulado Abulad sa paggamit niya ng pangunahing sangkap sa kanyang pamimilosopiya, ang
“pagpuna”.2 Ang pagpunang sinasabi niya ay dapat palaging nakaugat sa kasaysayan. Para sa
kanya, mahalagang tingnan ang isang bagay sa perspektibo ng “paggiling sa kasaysayan” (Mga
Puna Tungo sa Pag-asa, 29). Ito ay upang masuri ng husto ang isang bagay at magkaroon ng
laman ang bawat kritisismo sa pagpuna. Ang daan upang maintindihan ang identidad ng mga
Pilipino ay ang pagbabalik-tanaw sa kasaysayan ng kanilang pagka-Pilipino.
Mga Katangian ng Diwang Pilipino
Binigyang-diin ni Emerita S. Quito na hindi ang pisikal na katangian ang magbubuklod sa
pagka-pilipino ng mga Pilipino.3 Para sa kanya may kasariling diwa (soul identity) ang mga
Pilipino.4 Maihahalintulad ito sa “spirit of the people” sa wikang Ingles at “Volkgeist” naman sa
wikang Aleman. “Diwa” ang siyang ginamit ni Quito para sa kamalayang ito na para sa kanya ay
ang ”sumasalamin sa pangkalahatang kamalayan ng mga Pilipino”. 5 Bilang kamalayan, ang
diwang ito ay maaaring tawaging pilosopiya sapagkat ito ang pinagmumulan ng kaisipan ng mga
Pilipino. Dagdag pa ni Quito, sa diwang ito naipapabatid ng mga Pilipino ang kanilang “deeper
feeling”6 at ito ay mapapansin sa kanilang mga mito at alamat. Kaya nga, ang pagka-Pilipino ay
hindi masasalamin sa panlabas na kaanyuan kung hindi sa “kolektibong kamalayan” sapagkat
lampas ito sa panlabas na pamantayan. Tuwiran ding isinalaysay ni Quito na ang diwang Pilipino
ay umiiral na bago pa man dumating ang mga mananakop. Sabi niya, ito ay dalisay at “free from
foreign influence, unsullied by foreign contact”. 7 Sinuportahan niya ito sa pamamagitan ng mga
alamat at kwentong bayan na sadyang kakikitaan ng sariling kaisipan at diwang Pilipino. Dito
1
Pedro Arcilla, An Introduction to Philippine History 4rth ed. (Quezon City: Ateneo de Manila University Press,
2013), ix.
2
Emmanuel De leon, Mga Tomasino sa Pilosopiyang Filipino: An Intelektwal na Pamana ng mga Pangunahing
Tomasinong Pilosoper sa Kasayaysayan ng Pamimilosopiyang Filipino (San Miguel, Maynila: Komisyon sa Wikang
Filipino), 142.
3
Rodrigo D. Abenes and Jerwin M. Mahaguay, “Dekolonisasyon para sa Diwang Pilipino ni Emerita S. Quito: Isang
Pagpupugay,” in KRITIKE: An Online Journal of Philosophy, 11:2 (December 2017), 11.
4
Emerita S. Quito, “Ang Pilosopiya: Batayan ng Pambansang Kultura” in A Life of
Philosophy: Festschrift in Honor of Emerita S. Quito (Manila: De La Salle University, 1990), 686.
5
Mahaguay, 11
6
Emerita S. Quito, “A Filipino Volksgeist in Vernacular Literature” in A Life of
Philosophy: Festschrift in Honor of Emerita S. Quito (Manila: De La Salle University, 1990), 754.
7
Emerita S. Quito, “Structuralism and the Filipino Volksgeist” in A Life of Philosophy:
Festschrift in Honor of Emerita S. Quito (Manila: De La Salle University Press, 1990), 732.
ipinakita din ni Quito ang matinding paghanga sa mga alamat at mito na naisulat sa wikang
bernakular. Sabi niya, “the Filipino soul can be better gleaned from the prism of vernacular
literature since it reflects grassroots thinking and living”.8
Sa kabilang banda, may kahirapan sa pagiging-tiyak sa paglalarawan sa katangian ng
diwang Pilipino. Ito marahil ay dahil sa ang Pilipinas ay binubuo ng libu-libong mga isla na
nagreresulta din sa iba’t-ibang samahan o tribu. Kaya nga, binigyan lamang ng pokus ni Quito
ang ilan sa mga ito. Upang maging payak ang paglalarawan sa katangiang ito, hinati ni Quito sa
dalawa ang kanyang akda: una ang “pagiging relihiyoso”; at pangalawa, ang “pagkakaroon ng
kakaibang batayan ng gawi at pagpapahalaga sa buhay”. 9
Pagiging Relihiyoso
Ang mga sinaunang tao sa Pilipinas ay pinaniniwalaan na mayroon nang malalim na
paniniwala sa isang Kataas-taasang Nilalang. Ito ay pinaniwalaan din ni Pablo Fernandez 10 at
sinabing ang Diyos na ito ng mga sinaunang Pilipino ay ang tinatawag na “Bathala”. Tulad din ni
Landa Jocano,11 naniwala din si Quito na bago pa man dumaong ang mga barko ng mga Kastila
dito sa kapuluan ng Pilipinas ay may umiiral ng relihiyon. Bagama’t ito ay hindi pormal o walang
sistema, mayroon itong sariling kwento ng paglikha o “Creation Story”.12 Ayon din kay Jose S.
Arcilla, S.J., sa pagpunta ni Miguel Lopez de Legazpi sa Maynila, ay mayroon ng sariling diyos na
sinasamba ang mga katutubo doon. Nagawa pa ngang ipagyabang ng mga katutubo na sila din
ay may diyos at kung mapapatunayan na mas makapangyarihan ang diyos na ipinakikilala ng
mga Espanyol ay malugod daw nila itong tatanggapin.13(akin ang salin)
Sistemang Pagpapahalaga
Sinasabing ang pagpapahalagang ito ng mga Pilipino ay nakabatay sa paniniwala nila kay
Bathala at may pagkakapareho sa batas ng Karma ng mga Indyano. 14 Ito ang mga sumusunod:
Bahala na. Ito ay galing sa salitang Bathala na. Nangangahulugan ito pagbibigay
ng tiwala sa Bathala sa lahat ng maaaring maganap sa isang gawain o adhikain sa
buhay. Samakatwid ay nag-uugat ito sa matinding pananampalataya sa Kataas-
taasang Bathala.
8
Quito, “A Filipino Volksgeist in Vernacular Literature,” 755.
9
See Jerwin M. Mahaguay, “Nasyonalismo: Lakas ng Edukasyong Pilipino,” in
Kaisipan: Ang Opisyal na Dyornal ng Isabuhay, Saliksikin, Ibigin ang Pilosopiya (ISIP) 1:1 (2013): 28-
40.
10
Pablo Fernandez, History of the Church in the Philippines (1521-1898) (Manila: National
Book Store, 1979) as cited in Quito, “Structuralism and the Filipino Volkgeist,” 733.
11
As cited in Quito, “Struturalism and the Filipino Volkgeist,” 733.
12
Rodrigo D. Abenes and Jerwin M. Mahaguay, “Dekolonisasyon para sa Diwang Pilipino ni Emerita S. Quito: Isang
Pagpupugay,” in KRITIKE: An Online Journal of Philosophy, 11:2 (December 2017),13.
13
Pedro Arcilla, An Introduction to Philippine History 4rth ed. (Quezon City: Ateneo de Manila University Press,
2013), 10.
14
Ibid
Gulong ng Palad. Paikot mag-isip ang mga Pilipino. Naniniwala sila na lahat ay
nagbabago sa buhay. Lahat ay matatapos at mapapalitan, pagkatapos ng hirap ay
saya naman at pagkatapos ng saya ay hirap kaya dapat itong paghandaan.

Kagandahang-loob. Mapagbigay at maalaga ang mga Pilipino. Maayos silang


tumanggap sa mga bisita at matulungin. Isang halimbawa nito ay makikita sa
kanilang bayanihan.

Reciprocity. Ito ay ang pagkilala na ang mga bagay na tinatanggap buhat sa


kapwa ay nararapat ding ibalik at bigyan ng karampatang pagpapahalaga.
Makikita ito sa
mga gawi tulad ng: paggalang sa matatanda, pakikisama, at utang na loob.

Hiya. Ito ay maaaring tingnan sa iba’t ibang aspeto tulad ng kawalan ng sariling
kusa, kawalan ng kakayahang tumanggi sa kahilingan ng iba, at kawalan ng tiwala
sa sarili. 15

Ang mga pagpapahalagang ito ay masasabing matingkad pa sa mga Pilipino bago pa man
dumating ang mga dayuhan. Ngunit ayon kay Quito, ang diwang ito ay unti-unting natabunan at
napalitan. Nagbago ang lahat kaya naligaw at nalunod ang mga Pilipino sa bagong kalinangan,
bagong gawi, at bagong pagpapahalaga.16

Ang Diwang Pilipino sa Panahon ng Pananakop


Sa pagtapak ng mga dayuhan sa lupain ng Pilipinas kasama ang kanilang intensyon na
palaganapin ang kanilang nasasakupan ay nagsilbing daan din para mawala ang kadalisayan ng
Diwang Pilipino. Ito ay bunga ng halos 400 taong pagkakaalipin ng Pilipinas sa kamay ng iba’t
ibang bansa. Humigit-kumulang na tatlong daang taon sa mga Kastila, limampu sa mga
Amerikano, at tatlong taon naman sa mga Hapon. 17 Dahil dito, nagkaroon ng “colonial
mentality” ang mga Pilipino.18 Ang dating kagawiang maka-Pilipino ay napalitan ng kagawiang
banyaga, at hilaw na pagpapahalaga.

Pag-iisip na Banyaga

15
Ibid., 734-737.
16
Rodrigo D. Abenes and Jerwin M. Mahaguay, “Dekolonisasyon para sa Diwang Pilipino ni Emerita S. Quito: Isang
Pagpupugay,” in KRITIKE: An Online Journal of Philosophy, 11:2 (December 2017), 14.
17
Ibid
18
Emerita S. Quito, “Pilosopiya ng Edukasyon sa Diwang Filipino,” in Malay 4 (1985)
Dahil nga sa matagal na pananatili ng mga mananakop sa bansang Pilipinas, hindi
maikakaila na malaki din ang naging impluwensya nila sa paraan ng pag-iisip ng mga Pilipino.
Ayon kay Quito, nagkaroon ng “inferiority complex” ang mga Pilipino. Ito ay nangangahulugan
na mas nadadaig ng kalinangang dayuhan ang likas na kalinangan ng sinasakop. 19 Hindi
namamalayan ng mga nasasakop na unti-unti ng nalulusaw ang kanilang sariling kalinangan,
gawi at kultura dahil kahit may poot sa pagsakop ng mga dayuhan, naroon pa rin ang paghanga
sa bagong kultura na tila para sa kanila ay mas nakaaangat sa kanilang sariling kultura. 20 Dito
mapapansin natin na may pagkukulang din ang mga Pilipino sa pagpapanumbalik ng kanilang
sariling pagkakakinlanlan dahil sila mismo ay nagtatago sa anino ng mga mananakop. Ayon nga
kay Quito, “karaniwan sa mga bayang nasakop ay mahigpit pang kumakapit sa kuldon ng
kongkistador”.21 Mas pinipili nilang manatili na lamang sa anyo ng mga dayuhan at nawawala na
sa kanila ang pagnanais na bumalik sa kanilang sariling kalinangan. Kaya nga masasabing hindi
na dalisay ang kalinangang Pilipino matapos silang masakop ng iba’t-ibang bansa. Para kay
Quito, ito ay dahil sa “ang kalinangan ay sagisag ng isang bayan: ang kabuuan ng kanyang
kasaysayan, wagas at walang bakas ng banyagang ideolohiya” 22 Ang masama pa rito, mayroon
ngang kalinangang banyaga ang mga Pilipino, ngunit ito ay hindi pa rin malinaw kung Silanganin
ba o Kanluranin.23
Gawing Banyaga
Dahil naapektuhan ang paraan ng pag-iisip ng mga Pilipino sa pagdating ng mga
banyagang mananakop, unti-unti rin itong lumapat sa kanilang mga gawi at paraan ng
pamumuhay. Nagbigay si Quito ng apat na grupo patungkol sa kagawiang ito- Katamaran,
Pagkamakasarili, Karuwagan, at Kahinanuhan.

Katamaran Positibo Negatibo


Ningas-Kugon- ang paggawa Nagiging mabilis ang Nawawala ang pagpapatuloy
nga mabilisan ngunit mabilis paghusga. ng gawain.
din kung tumigil.
Bahala na- tumutukoy sa Nagpapakita ng malalim na Nagiging tamad at umaasa na
pagpapaubaya sa mga pananampalataya sa Kataas- lamang sa halip na
maaaring mangyari sa taasan at nagiging handa sa paghandaan ang mga bagay-
hinaharap. Nagpapakita din mga posibleng mangyari. bagay.

19
Ibid, 2.
20
Rodrigo D. Abenes and Jerwin M. Mahaguay, “Dekolonisasyon para sa Diwang Pilipino ni Emerita S. Quito: Isang
Pagpupugay,” in KRITIKE: An Online Journal of Philosophy, 11:2 (December 2017), 15.
21
Emerita S. Quito, “Pilosopiya ng Edukasyon sa Diwang Filipino,” in Malay 4 (1985)
22
Ibid.
23
Rodrigo D. Abenes and Jerwin M. Mahaguay, “Dekolonisasyon para sa Diwang Pilipino ni Emerita S. Quito: Isang
Pagpupugay,” in KRITIKE: An Online Journal of Philosophy, 11:2 (December 2017),15.
ng pagiging bukas sa sa
iba’t-ibang posibilidad na
maaaring mangyari.
Sakop-tumutukoy sa Ipinapakita ang pagkakaisa at Nakasalalay na lamang ang
pagiging kabilang sa pamilya samahan ng pamilya. mga nais ng isang tao sa nais
o kasamahan sa lahat ng o pulso ng nakararami.
pagpili.
Mañana- tumutukoy sa Ipinapakita nito ang Nagiging palagian ang
palagiang pagpapaliban ng kahinahunan at kawalan ng pagkabalam sa mga takdang
mga gawain. problema Gawain at minsan ay wala ng
nagagawa.

Pagkamakasarili
Hiya-tumutukoy sa kawalan Hindi na nahihirapan at Hindi na nailalabas ang
ng lakas ng loob na subukan nahahadlangan ang mga sariling kagalingan.
ang mga ibang bagay. bagay-bagay ang isang tao.
Pagkanya-kanya-tumutukoy Natututo ang bawat isa na Nagiging limitado ang
sa pagtatampok sa mga pahalagahan ang pamilya o pakikisama sa pamilya o sa
kabilang sa pangkat o sakop. ang samahan. iilang grupo lamang.
Kahinahunan
Pwede na at Ok lang- Walang nasasaktan at Malinaw ang pagsang-ayon
nagpapakita ng pagtanggap natatapakan sa ganitong kahit walang pag-aaral na
sa mga bagay-bagay patakaran. ginawa. Nasasakipisyo ang
anuman ang kayarian nito. kalidad ng isang gawain.
Kaduwagan
Akala ko- dagliang Nagpapakita ng bilis ng isip at
Nagpapahiwatig ng
paghuhugas kamay sa isang kakayahang linisin ang
kakulangan sa kritikal nap ag-
pangyayari. Kasi-tumutukoy pangalan sa mga di
iisip. Walang pagsisiyasat o
sa pagbibigay ng dahilan magandang nagaganap. pagtatanong bago gumawa
kung bakit nangyari o ng isang bagay. Nagpapakita
nagana pang isang bagay. din ng pagtalikod sa
negatibong nagawa.
(Hango sa paliwanag nina Abenes at Mahaguay tungkol sa mga ideya ni Quito)
Hindi maikakaila na may tunggalian sa mga gawing ito ng mga Pilipino. Ayon kay Quito
ito ay dahil sa ang kagawiang Pilipino ay bunga ng pinaghalo-halong impluwensya ng mga
dayuhan. Nariyan ang relihiyon ng mga Kastila, teknolohiya ng mga Amerikano, at diwa ng mga
Asyatiko.24

24
Quito, “Ang Pilosopiya: Batayan ng Pambansang Kultura,” 686
Pagpapahalaga
Hindi rin naiwasan na malunod ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa pagdating ng mga
mananakop. Sabi nga ni Florentino Timbreza, “all my valuations, acts, works or performances,
choices, lifestyle, and fashion, decisions, and other concerns and interests in life are defined by
my sense of value, my value system.”25 Ibig sabihin, nang mapalitan ang karamihan sa mga
pagpapahalagang Pilipino, naging daan ito upang mabago ang paraan ng pamumuhay maging
ang pag-iisip nila. Kaya mahalagang linawin ang pamantayan ng pagpapahalaga. Ang mga
sumusunod ay ang pag-aaral ni Quito patungkol sa mga batayan ng pagpapahalaga para sa mga
Pilipino: “utang na loob, hiya, amor propio, pakikisama, at pagmamahal sa pamilya” 26
Utang na loob, tumutukoy ito sa pagkilala sa sinumang tumutulong o nagbibigay pabor
sa kanila at sa oras na dumating ang panahon na sila naman ang nangangailangan, nararapat
lamang na hindi niya ito tanggihan dahil sa pagkakautang. 27 Marahil mabuti ito sa pamamagitan
ng pagbibigay ng importansya sa pagkilala sa taong nakagawa sayo ng mabuti. Ngunit sa
kabilang banda ay hindi din mabuti dahil may mga pabor na hindi dapat basta basta na lamang
ibinibigay kahit may utang na loob. Malimit itong mangyari sa pulitika. Kaya naman nawawalan
ng saysay ang pagpapahalaga sa katotohanan at sa pag-unlad ng nakararami.
Hiya at Pakikisama, sinasabing ang mga Pilipino ay malaki ang pagpapahalaga sa
pangalan, pamilya at trabaho.28 Dahil sa pangalan at posisyon mo sa lipunan, kadalasan ay mas
napapaburan ka at hindi naitatama ang pagkakamali dahil sa hiya. Parang sa pakikisama din,
para sa kasiyahan ng lahat ay makikisama ka at bibigyan mo ng pabor.
Pagmamahal sa pamilya, dito lumilitaw ang kasabihang “mas matimbang ang dugo
kaysa tubig”.29 Mabuti ito dahil mas napapalapit ang magkakapamilya. Magkakasama sa lahat
ng suliranin at hirap. Maging sa pamumuhay, magkasama ang lahat sa iisang bubong o
tinatawag na “extended family”. Dito din masasalamin ang pagmamahal sa kapamilyang
nakatatanda na nangangailangan ng alaga. Sa kabilang banda, napapako ang pagpapahalagang
ito sa pamilya ngunit nalilimutan bigyan ng prioridad ang kagalingang pambayan at pambansa.
Lubos na mababanaag na ang mga Pilipino ay may kasarinlan na bago pa man dumating
ang mga unang mananakop. Ngunit sa paglipas ng panahon ng kolonyalismo ay unti-unting
nagbago ang pag-iisip, pamumuhay at pilosopiya ng mga Pilipino. Ang diwang Pilipino noon ay
hindi na katulad ng sa ngayon. Ngunit hindi naman ibig sabihin na tuluyan ng nabura ang

25
Florentino Timbreza, Filipno Values Today (Navotas, Metro Manila: Navotas Press, 2005), 6.
26
Emerita S. Quito, “Pilosopiya ng Edukasyon sa Diwang Filipino,” 5.
27
Rodrigo D. Abenes and Jerwin M. Mahaguay, “Dekolonisasyon para sa Diwang Pilipino ni Emerita S. Quito: Isang
Pagpupugay,” in KRITIKE: An Online Journal of Philosophy, 11:2 (December 2017), 18.
28
ibid
29
ibid
kanilang identidad, mayroon pa din namang nanatili pero di maiiwasan na mahaluan na ito ng
iba’t-ibang impluwensya.

Ang Kasaysayan ng Edukasyon sa Pilipinas


Ang Pilipinas bilang isang bansa ay nakaranas ng napakaraming pagbabago sa
ekonomiya, pulitika, kultura at edukasyon. Ang mga pagbabagong ito ay hindi maiiwasan gaya
ng ideya ni Heraclitus tungkol sa “change30”. Kaya nga magandang silipin muli ang kasaysayan
ng mga pagbabagong ito sa edukasyon ng mga Pilipino.
Pinaniniwalaan na mayroon nang edukasyon ang mga sinaunang tao sa Pilipinas bago pa
man dumating ang mga unang mananakop. Ang edukasyong ito ay sinasabing hindi pormal at
nagsisimula sa bawat tahanan.31 Kaugnay nito, walang masyadong pag-aaral na nagaganap
tungkol sa isang teorya o ideya. Kadalasan ay mga praktikal na bagay na magagamit sa kanilang
pamumuhay ang kanilang natututunan. “Children were provided more vocational training and
less academics by their parents and in the houses of tribal tutors.” 32Ang mga itinuturo ng mga
magulang ay base sa kanilang mga naranasan at natutunan sa mga ninuno nila. Ito ay naipapasa
sa iba’t ibang henerasyon sa pamamagitan ng pasalita o pasulat. Ang Kasulatang Tanso ng
Laguna 33 ang isa sa mga nagpatunay na noon pa man ay may sarili ng paraan ng pagsulat ang
mga sinaunang Pilipino kaya maaari ding sabihin na may sarili na din silang panitikan at
literatura.
Sa pagpasok ng rehimen ng Espanyol sa Pilipinas nagkaroon ng malaking pagbabago sa
lahat ng aspeto ng pamumuhay ang mga Pilipino lalo na sa usaping pang-edukasyon. May
magagandang pagbabago ngunit mayroon ding hindi kanais-nais. Sa panahong ito nagsimulang
magkaroon ng pormal na edukasyon sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga paaralan na
pinamunuan ng mga pari.34 Ngunit, sinasabing ang edukasyong ito ay hindi para sa lahat
sapagkat ito ay para lamang sa mga elite noong panahong iyon. Ito ay dahil sa takot na baka
maging bukas ang isipan ng mga Pilipino sa maling pamamalakad ng mga Espanyol. 35 Isa sa mga
layunin ng edukasyong inihahain ng mga Espanyol ay ang pagtuturo ng relihiyon para sa
“Christianization” ng mga katutubong Pilipino. Nagkaroon naman ng Educational Decree of
1863 makalipas ang ilang taon na nagbibigay ng pahintulot sa bawat bayan ng magkaroon ng
sariling paaralan36. Itinuturo din sa mga paaralan ang wikang Espanyol. Ang edukasyon sa

30
William Lawhead, The Voyage of Discovery: A Historical Introduction to Philosophy. 2d ed. (Belmont, Calif.:
Wadsworth, 1996), 31.
31
Cecilio Duka, Philosophy of Education rev. ed. (Manila: Rex Book Store, 2007), 110.
32
“Historical Perspective of the Philippine Educational System, https://www.deped.gov.ph/about-deped/history/
33
Paul Marrow, “Ang Kasulatang Tanso sa Laguna”, http://paulmorrow.ca/lci.htm
34
Cecilio Duka, Philosophy of Education rev. ed. (Manila: Rex Book Store, 2007), 110.
35
ibid
36
“Historical Perspective of the Philippine Educational System, https://www.deped.gov.ph/about-deped/history/
panahong ito ay masasabing hindi sapat at kontrolado ng mga Espanyol. Noong taong 1600-
1865, medyo maliit ang pagbabago sa Sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Ngunit mayroon nang
mga kolehiyong institusyon na umiiral. Halimbawa ang Santa Potenciana para sa mga
kababaihan, Colegio de San Jose at Unibersidad de San Ignacio para sa mga kalalakihan na nasa
ilalim ng pamamahala ng mga paring Heswita, ganon din ang Colegio de San Juan de Letran at
ang Unibersidad de Santo Tomas na pag-aari naman ng mga Dominikano. 37
Ang pagkatalo ng pamahalaang Espanyol sa Pilipinas ay ang pagdating naman ng mga
Amerikano. Para sa kanila walang Pilipinas bilang isang nasyon ngunit isa lamang “collection of
tribes”.38 Lubusang nabago at napalitan ang konsepto ng edukasyon sa panahong ito. Ang
dating edukasyon na para sa iilan lamang ay naging para sa lahat. Ito ay dahil naniniwala ang
mga Amerikano na ang edukasyon ay para sa lahat anuman ang kasarian, kulay, relihiyon at
estado ng buhay. Sa panahong ito napalitan ng Wikang Ingles ang paraan ng pagtuturo sa mga
paaralan na itinuro ng mga “Thomasites” at nagkaroon ng kalayaanng pumili ng relihiyon ang
mga Pilipino.39 Nabuo din sa pamamagitan ng Malolos Constitution ang Sistema ng malaya at
sapilitang edukasyon sa elementarya. Ang isang sapat at sekularisadong libreng pampublikong
sistema ng paaralan sa unang dekada ng panununtunan ng mga Amerikano ay itinatag din sa
rekomendasyon ng Schurman Commission. Nagkaroon din ng libreng pagtuturo upang sanayin
ang mga tao para sa mga tungkulin ng pagkamamamayan na ipinatupad ng Taft Commission sa
tagubilin ni Pangulong McKinley. Dahil hindi sapat ang mga librong nakasulat sa wikang
Espanyol40 ang mga chaplains at mga opisyal na hindi nakatalaga ay itinalaga na magturo gamit
ang Ingles bilang medium ng pagtuturo.41 Ito ay naglalayong pag-isahin ang mga Pilipino bilang
isang matibay na estado. Sinasabing sa panahong ito, humigit kumulang 7.6 milyon ang
populasyon sa Pilipinas at 6.9 milyon dito ay nailistang “civilized Christians”. Mayroon na ding
1,000 paaralan at 39 dito ay nasa Maynila. Ngunit, may kababaan ang bilang ng mga Pilipinong
nag-aaral noon. Kamuntik na ding mawala ng tuluyan ang pagtuturo ng relihiyon sa mga
paaralan, ngunit dahil sa Treaty of Paris at dahil na din kay Gobernador Taft, nanatili ito bilang
pagrespeto sa “customs” at tradisyon ng mga Pilipino. Ayon din dito, pinaniwalaan ni Taft na
mahalaga ang ginagampanan ng relihiyon sa pagyabong ng kulturang Pilipino. 42 Ngunit, ang
pagtuturo ng relihiyon ay naging “optional”. Kinakailangan muna ang pagsang-ayon ng
magulang ng isang mag-aaral at ito ay ituturo tatlong beses isang linggo na hindi kabilang sa
“class hours”. Naging isang malaking pagkakamali ito sapagkat dahil sa pagbabagong ito
37
Pedro Arcilla, An Introduction to Philippine History 4rth ed. (Quezon City: Ateneo de Manila University Press,
2013), 50.
38
Ibid, 103.
39
Cecilio Duka, Philosophy of Education rev. ed. (Manila: Rex Book Store, 2007), 111.
40
Pedro Arcilla, An Introduction to Philippine History 4rth ed. (Quezon City: Ateneo de Manila University Press,
2013), 103.
41
“Historical Perspective of the Philippine Educational System, https://www.deped.gov.ph/about-deped/history/
42
Pedro Arcilla, An Introduction to Philippine History 4rth ed. (Quezon City: Ateneo de Manila University Press,
2013), 104.
nagsawalang bahala ang mga Pilipino sa usapin ng moralidad at lumaganap ang korapsyon sa
mga pampublikong opisina. Tumibay din ang tinatawag na ”separation of church and state”. 43
Nagkaroon din ng problema sa pondo. Ngunit ang pinaka-seryosong problema ay ang kawalan
ng malinaw ng programang pang edukasyon. Mas umigting ang pagtuturo sa mga Pilipino bilang
“educated peasantry”. Hindi naglaon ay napalitan ito at naging para sa “practical training” na
naglalayong sa pagtuntong ng grade 3 ng mga mag-aaral ay dapat marunong ng gumawa ng
mga produktong maaring ipagbili at kung grade 4 naman ay dapat marunong na syang
magtrabaho.44 Dahil dito ay walang nagtatagal sa pag-aaral at unti-unting nababawasan ang
bilang ng mga mag-aaral sa pag-angat ng kanilang antas sa edukasyon. Kaya marami ang naging
“illiterate”. Gayunpaman, itinuturing na mas naging maayos ang panahong ito sa usapin ng
edukasyon dahil naging bihasa ang mga Pilipino sa wikang Ingles. Sinasabing 7% ng mga Pilipino
ang nag-aaral ngunit sa India ay 1% lamang. Nagkaroon din ng mga Pilipinong manunulat na
nakilala sa buong mundo.
Sa pagsiklab naman ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1941, napasakamay ng
mga Hapones ang bansang Pilipinas. Dahil dito ay nadamay din ang edukasyong naiwan ng mga
Amerikano. Sinasabing ang panahong ito sa kasaysayan ng edukasyon sa Pilipinas ay
maituturing na nasa mababang kalagayan. Ito ay dahil sa sapilitang pagtuturo ng mga
ideolohiyang Hapones sa mga Pilipino na nagresulta ng mababang bilang ng mga mag-aaral sa
mga paaralan. Ang layunin ng edukasyong inihahain ng mga Hapones sa ilalim ng kanilang
pamahalaang militar ay nakasaad sa Executive Order No. 2 noong February 17, 1942. 45 Dito
pinaigting ng mga Hapon ang paniniwalang ang Pilipinas ay isa lamang miyembro ng Greater
East Asia Co-Prosperity Sphere. Sinubukang alisin ang mga paniniwalang kanluranin upang
maitaguyod ang pag iisip silanganin. Itinuro din ang wikang Hapon bilang kapalit sa wikang
Ingles at nagsulong ng vocational education. Binigyang diin din ang pagmamahal sa trabaho at
dignidad sa paggawa. 46
Matapos mapasailalim sa bansang Hapon sa mahigit tatlong taon ay nakamtan ng
Pilipinas ang kanyang minimithing kalayaan. Ito ay simula sa rehimeng Roxas hanggang
rehimeng Marcos bago ang proklamasyon ng Batas Militar. Sa panahong ito ang edukasyon ay
nakabatay sa Article XIV Section 5 ng 1935 Constitution. 47 Ito ay nagsasaad na lahat ng
institusyong pang-edukasyon ay sakop ng pamahalaan. Nakapaloob din dito ang pagbubuo ng
sapat na Sistema ng pampbublikong paaralan at ang pagbibigay ng “free primary instruction
and citizenship training to adult citizen.” 48 Ang lahat ng paaralan ay naglalayong makabuo ng
moralidad sa pagkatao ng isang indibidwal at ang pagtuturo ng mga tungkulin bilang isang
43
Ibid.
44
Ibid.
45
Cecilio Duka, Philosophy of Education rev. ed. (Manila: Rex Book Store, 2007), 111.
46
“Historical Perspective of the Philippine Educational System, https://www.deped.gov.ph/about-deped/history/
47
Cecilio Duka, Philosophy of Education rev. ed. (Manila: Rex Book Store, 2007), 112.
48
Ibid.
mamamayan. Napanatili naman ang pagtuturo ng relihiyon at nagkaroon ng mga “scholarships”
para sa mga mahihirap at sa mga karapat-dapat na estudyante. Nang maiproklama ang Batas
Militar sa rehimeng Marcos, ang bansang Pilipinas ay napasailalim sa diktadura. Nagkaroon din
ng mga reporma sa usapin ng edukasyon. Nariyan ang 1973 Constitution, Arctile XV Sec. 8 na
nagsasabing,
“(1) All educational institutions shall be under the supervision of, and
subject to regulation by, the State. The State shall establish and maintain a
complete, adequate, and integrated system of education relevant to the goals of
national development. (2) All institutions of higher learning shall enjoy academic
freedom. (3) The study of the Constitution shall be part of the curricula in all
schools. (4) All educational institutions shall aim to inculcate love of country,
teach the duties of citizenship, and develop moral character, personal discipline,
and scientific, technological, and vocational efficiency. (5) The State shall
maintain a system of free public, elementary education and, in areas where
finances permit, establish and maintain a system of free public education at least
up to the secondary level. (6) The State shall provide citizenship and vocational
training to adult citizens and out-of-school youth, and create and maintain
scholarships for poor and deserving students. (7) Educational institutions, other
than those established by religious orders, mission boards, and charitable
organizations, shall be owned solely by citizens of the Philippines, or
corporations or association sixty per centum of the capital of which is owned by
such citizens. The control and administration of educational institutions shall be
vested in citizens of the Philippines. No educational institution shall be
established exclusively for aliens, and no group of aliens shall comprise more
than one-third of the enrolment in any school. The provisions of this sub-section
shall not apply to schools established for foreign diplomatic personnel and their
dependents and, unless otherwise provided by law, for other foreign temporary
residents. (8) At the option expressed in writing by the parents or guardians, and
without cost to them and the Government, religion shall be taught to their
children or wards in public elementary and high schools as may be provided by
law.49
Makikitang sa panahon ni Marcos ay mas pinayabong ang pag-unlad ng edukasyon sa bansang
Pilipinas. Nagkaroon ng Educational Development Decree upang maipatupad ang nasabi sa
konstitusyon. Ito din ay naisama sa Educational Act of 1982 na naglalayong bumuo ng iisang
Sistema ng edukasyon. 50
49
“1973 Constitution of the Republic of the Philippines”, https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/1973-
constitution-of-the-republic-of-the-philippines-2/
50
Cecilio Duka, Philosophy of Education rev. ed. (Manila: Rex Book Store, 2007), 113.
Sa pagpasok ng rehimeng Aquino dahil sa sikat na EDSA People Power Revolution noong
Pebrero 22-23 taong 1986, nabura ang diktadura at napanumbalik ang demokrasya. Ang 1987
Constitution ang nagbigay daan sa isang Pilosopiya ng Edukasyon sa Pilipinas. Ito ay makikita sa
Artcile XIV, Sec.
1 at 3,
“The State shall protect and promote the right of all citizens to quality
education at all levels, and shall take appropriate steps to make such
education accessible to all.”
“(1) All educational institutions shall include the study of the Constitution
as part of the curricula. (2) They shall inculcate patriotism and
nationalism, foster love of humanity, respect for human rights,
appreciation of the role of national heroes in the historical development
of the country, teach the rights and duties of citizenship, strengthen
ethical and spiritual values, develop moral character and personal
discipline, encourage critical and creative thinking, broaden scientific and
technological knowledge, and promote vocational efficiency.”51
Ang nasabing pilosopiyang ito ng edukasyon ay nagbigay-diin sa responsibilidad ng
estado upang mabigyan ng edukasyong may kalidad ang lahat ng mamamayan anuman
ang kalagayan nito sa lipunan. Ito ay base sa ideya ng universal education. Tungkulin din
ng estado na mabigyan ng abot-kayang edukasyon ang mga mahihirap.
Sa termino naman ni Fidel V. Ramos makikitang napanatili ang edukasyon para
sa lahat dahil naniniwala sya na ito ang tanging paraan upang maging” globally
competitive” ang mga Pilipino. Ayon kay Ramos, “If we are to develop, me must invest in
our people… The most profitable human investment is in basic education… We have to
learn to talk of growth not in terms of statistics, but in terms of people… And invest in
people, for it will take 110 years to eradicate illiteracy, according to the findings or the
DepEd, if government does it alone.” 52 Sa pahanon ding ito nabuo ang Commission on
Higher Education (CHED) at Technological Education Skills and Development Authority
(TESDA). Nagkaroon din ng pag-unlad noong “August 2001, Republic Act 9155,
otherwise called the Governance of Basic Education Act, was passed transforming the
name of the Department of Education, Culture and Sports (DECS) to the Department of
Education (DepEd) and redefining the role of field offices (regional offices, division
offices, district offices and schools). RA 9155 provides the overall framework for (i)

51
“1987 Constitution of the Republic of the Philippines-Article
XIV” ,https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/the-1987-constitution-of-the-republic-of-the-
philippines/the-1987-constitution-of-the-republic-of-the-philippines-article-xiv/
52
Cecilio Duka, Philosophy of Education rev. ed. (Manila: Rex Book Store, 2007), 126.
school head empowerment by strengthening their leadership roles and (ii) school-based
management within the context of transparency and local accountability. The goal of
basic education is to provide the school age population and young adults with skills,
knowledge, and values to become caring, self-reliant, productive and patriotic citizens.” 53
In 2006, the Education for All (EFA) 2015 National Action Plan was implemented. It
states: “" The central goal is to provide basic competencies to everyone, and to achieve
functional literacy for all. Ensuring that every Filipino has the basic competencies is
equivalent to providing all Filipinos with the basic learning needs, or enabling all
Filipinos to be functionally literate. "54
Sa pagpasok ng rehimen ni Benigno Aquino III, naipatupad ang K-to-12
Curriculum Program na base sa Enhanced Basic Education Act, or Republic Act 10533.
Hindi ito pagdadagdag lamang ng dalawang taon sa pag-aaral kundi ito ay bunga ng
matagal na pag-aaral para sa pangkalahatang pagbabago sa sektor ng edukasyon sa
Pilipinas. Layunin nito na, “Making the curriculum relevant to learners (contextualization
and enhancements), Building proficiency (mother tongue-based multilingual education),
Ensuring intergrated and seamless learning (spiral progression), Gearing up for the
future and Nurturing the holistically developed filipino (college and livelihood readiness,
21st century skills).55
Totoong napakaraming pagbabago ang naganap sa kasaysayan ng edukasyon sa
Pilipinas. Masasabing lahat ng nangyaring ito, lalo na noong panahon ng mga banyagang
mananakop, ay nag-iwan ng iba’t-ibang impluwensya sa pag-iisip at pamumuhay ng mga
Pilipino. Maganda man o hindi ang naidulot nito sa edukasyon ng mga Pilipino, maaaring
sabihin na imposible ang lahat ng pag-unlad sa Pilipinas bilang isang bansa kung wala
ang mga impluwensyang ito sa edukasyon.

Ang Pilipinong Identidad


Maraming pinagdaanan ang mga Pilipino sa kamay ng mga mananakop. Ito ay nagbigay
daan upang ang dati nilang kasarinlan ay unti-unting nahaluan ng iba’t-ibang uri ng pananaw
galing sa mga banyagang mananakop. Kaya nararapat lamang na balikan ang “diwa” na ayon
kay Quito ay ang soul identity na hango sa pilosopiyang taglay ng bayang Pilipino. 56 Upang
balikan ito, uusbong ang katanungan hinggil sa panahon kung saan may diwang matatawag na
53
Historical Perspective of the Philippine Educational System, https://www.deped.gov.ph/about-deped/history/
54
“History of Education in the Philippines”, https://www.k12academics.com/Education%20Worldwide/Education
%20in%20the%20Philippines/history-education-philippines
55
“K-12 Features”, https://www.deped.gov.ph/k-to-12/about/features/
56
Quito, “Ang Pilosopiya: Batayan ng Pambansang Kultura,” 688.
talagang Pilipino. Sinasabing ang naging dahilan ng pagkilos ng mga Pilipino sa panahon ng mga
Kastila ay ang pagdanas ng pangkalahatang karahasan.57 Sa aking palagay, sa puntong ito mas
tumingkad ang diwang Pilipino sa pagmamahal sa bayan at sa kapwa. Ito din ang naging dahilan
upang magkaroon ng diwang matatawag na Pilipino sapagkat maraming mga Pilipino ang nag-
alay ng buhay para sa bayan.
Ang paghahanap din ng identidad ang pakay ni Leonardo Estioko ng sabihin niyang “an
initial major step for education to fulfill its role as agent of social change is to identify the
Filipino. Who is he and what are we educating him for?” 58 Ibig sabihin mahalagang malaman
ang identidad ng mga Pilipino upang maisakatuparan ang naisin ng edukasyon na pagbabago.
Alalaongbaga, ang mga Pilipino ay patuloy na maliligaw sa kanilang paglalakbay kung hindi nila
alam ang kanilang kasarinlan. Ayon naman kay Alfredo P. Co,
“The Philippines, as we see it now, is a nation where one can find the meeting of
East and West, North and South. Its people, the Filipinos, are the inheritors of
the Western culture-partly Judeo-Christian in our religion, partly Greco Roman in
our political articulation. At the same time, we are also the inheritors of a rich
heritage of Chinese and Indian, Muslim and Malayan influences… Perhaps, this
constitutes our virtue- the Filipino Culture is East and West, North and South.
Truly we are at once Postmodern and Global. We are beyond definition, beyond
recognition, beyond identification, beyond description… Ours is the identity of
the new age- ambivalent, polymorphous, processual, always becoming.” 59
Nais sabihin ni Co na ang diwa o kasarinlan ng mga Pilipino ay nagpapatuloy at binubuo. Ang
mga karanasan, mabuti man o masama ay bahagi na ng kanyang kasarinlan. Ngunit hindi ibig
sabihin nito na nararapat lang na itigil na ang paghahanap sa identidad ng mga Pilipino.
Sapagkat, bagaman tayo ay patuloy na nagbabago, tama si Quito sa kanyang ideya tungkol sa
soul identity. Mayroon pa ding mananatili sa pagka-Pilipino ng mga Pilipino. Parehas ito sa isa sa
mga isyu patungkol sa metapisika - ang pagbabago. Lahat ng meron, maliban sa Diyos na
Meron ng lahat ng meron, ay nagbabago. Ayon sa isang Heswitang metapisiko na si Norris
Clarke, isa sa mga tanong patungkol sa pagbabago ng meron ay: “How can the human being be
truly one being through time and change, at once the same and always different?” Tila
magkaiba ang dalawang ito: pananatili at pagbabago. Ngunit sinikap ni Norris Clarke na sagutin
ang tanong na ito gamit ang pagmumuni-muni.60

57
Rodrigo D. Abenes and Jerwin M. Mahaguay, “Dekolonisasyon para sa Diwang Pilipino ni Emerita S. Quito: Isang
Pagpupugay,” in KRITIKE: An Online Journal of Philosophy, 11:2 (December 2017), 22.
58
Leonardo Estioko, Philosophy of Education: A Filipino Perspective (Manila: Logos Publications, 2008), 14.
59
Alfredo Co, “Doing Philosophy in the Philippines: Fifty Years Ago and Fifty Years From Now,” in Two Filipino
Thomasian Philosophers: On Postmodernism, Romualdo Abulad and Alfredo Co (Manila: UST Publishing House),
17.
60
Norris Clarke, “Central Problems of Metaphysics”, 52-53.
Para kay Clarke ang solusyon sa problemang ito ay matatagpuan sa konsepto ng ‘“I” as
Synthesis of Permanence and Process.’ Ang ako ay nagbabago, ngunit may kasarinlan na
nananatili at may subhetong nananatili. Sabi ni Clarke, “there must be some principle of self-
identity through change in each human person. Otherwise we cannot explain facts of
experience.” Nilista niya ang mga “facts of experience” na ito gaya ng: memorya, responsibilad
na moral, mga pangako, atbp. Malamang dapat iba ang taong nag-oobserba nito noong
nakaraan sa nag-oobserba ngayon, sa subhetong nakaalam noon at sa subhetong nakakaalam
ngayon. Ngunit gaya nga ng nabanggit, kung nag-iba na talaga ang isang tao ay hindi na niya
maalala ang mga ito dahil nawala na ang dating subheto at kasarinlan. “All theories that deny a
permanent subject contradict themselves in action: if there is no permanent observer at least
throughout a given process of change, then it would be impossible even to know that there is a
series of acts, a succession or process at all,” sabi ni Clarke.61
Narito ang dalawang matingkad na identidad ng mga Pilipino na masasabing nanatili sa
paglipas ng panahon.
Pagiging Makabayan
Alam natin na maraming mga indibidwal ang tinaguriang bayani sa panahon ng mga
Kastila. Nariyan sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora o ang paring GOMBURZA,
Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio, Emillio Aguinaldo, Marcelo H. del Pilar, Apolinario Mabini,
Gabriela Silang, at marami pang iba. Sila ang mga kauna-unahang Pilipino na nagpamalas ng
pagmamahal sa bayan o nagpatingkad ng nasyonalismo sa ating bansa. Sa kasamaang palad, sa
pagpasok ng mga Amerikano sa Pilipinas, sinubukang burahin ang nasyonalismong ito na binuo
ng mga bayaning Pilipino. Ayon kay Renato Constantino,
“the education of the Filipino under American sovereignty was an instrument for
colonial policy. The Filipino has to be educated as a good colonial. Young minds
had to be shaped to conform to American ideas. Indigenous Filipino ideals were
slowly eroded in order to remove the last vestiges of resistance. Education
served to attract the people to the new masters and at the same time to dilute
their nationalism which had just succeeded in overthrowing a foreign power. The
introduction for the American educational system was a means of defeating a
triumphant nationalism.”62
Sa puntong ito, makikita natin na ginamit ng mga Amerikano ang edukasyon upang masakop
ang Pilipinas ng hindi nito namamalayan. Tila binulag tayo ng mga Amerikano sa pagtubos sa
atin sa mga Kastila. Ngunit ang pakay talaga nila ay ang sakupin tayo. Masasabing ang simula ng
tinatawag na “Mis-education of the Filipinos” ni Constantino ay ang pagtuturo ng wikang Ingles
ng mga Amerikano sa mga Pilipino. Sabi niya, “Filipinos started learning not only new language
61
Ibid.
62
Renato Constantino, “The Miseducation of the Filipino”, 3.
but also a new way of life, alien to their traditions and yet a caricature of their model. They
learned no longer as Filipinos but as colonials. They had to be disoriented from their
nationalistic goals because they had to become good colonials.” 63 Halimbawa nito ay, sa
pagtuturo ng mga bayaning Pilipino sa mga Pilipino, itinuturo lamang ang buhay nila ngunit ang
pagiging nasyonalista ay hindi binibigyan ng halaga.
Sa kabilang banda, hindi tuluyang nabura ang pagiging makabayan ng mga Pilipino. Mas
lalo pa nga itong umigting sa panahon ng mga Amerikano, mga Hapon at maging sa panahon ni
Ferdinand Marcos. Alam natin na matapang na nakipaglaban si Heneral Luna at Gregorio del
Pilar sa mga sundalong Amerikano. Nariyan din ang dating Chief Justice na si Jose Abad Santos
na mas piniling mamatay kaysa makipagtulungan sa mga Hapon at alisin ang paggalang sa
watawat ng Pilipinas.64Isa pang halimbawa ang kabayanihan ni Ninoy Aquino na tumangging
ding makipagtulungan sa pamahalaang diktadura at mas piniling maging delikado ang buhay. 65
Ayon kay Florentino Timbreza, “para sa mga Pilipino, hindi mahalaga ang makaranas ng
karahasan, kahirapan at pang aalipin kung ito naman ay para sa pagpapalaya ng kanilang sarili
at bansa sa paniniil, kawalang katarungan sa lipunan, hindi pagkapantay-pantay sa batas, at
mga paglabag sa karapatang pantao. 66 For them, they can give up their personal comforts, loved
ones, family dreams, and life itself, all for the sake of freedom and love of country.
Pagiging Moral
Maaaring iugat ang katangiang ito ng mga Pilipino sa pagdating ng Katolisismo sa
Pilipinas noong 1521. Sa pamamagitan nito ay mas napaunlad ng mga Pilipino ang pagmamahal
sa kapwa at Diyos. Ito ay dahil nagkaroon ng pamantayan sa paggawa ng moral sa hindi moral.
Kaya maaaring sabihin na mas napayabong ang pagiging moral ng mga Pilipino sa pagdating ng
bagong paniniwala. Ayon kay Leonardo Mercado, walang dualismo ang mga Pilipino patungkol
sa sacred at profane hindi tulad ng mga kanluranin na mayroong pagkakaiba. 67 Dagdag pa niya,
tinitingnan ng mga Pilipino ang mga pangyayari sa kalikasan bilang manipestasyon o mensaheng
galing sa ibang mundo.68 Ang pagiging isa ng sacred at profane ng mga Pilipino ay galing sa
impluwensyang silanganin.
The western way of viewing religion often contains a dualistic view on signs for
the Filipino are incarnational and that is why he sees God reflected in nature.

63
Ibid, 5.
64
Florentino Timbreza, Filipno Values Today (Navotas, Metro Manila: Navotas Press, 2005), 159.
65
Ibid.
66
Ibid, 163
67
Leonardo Mercado, Elements of Filipino Philosophy (Tacloban City: Divine Word University Publications, 1976),
159.
68
Leonardo Mercado, Elements of Filipino Philosophy (Tacloban City: Divine Word University Publications, 1976),
161.
And religious practice in spontaneous in the sense that he carries out in practice
what he feels. 69
Isang halimbawa nito ay ang pagsama ng mga Pilipino sa prusisyon ng Black Nazarene sa
Quiapo. Lahat ng dumadalo ay sinasabing may “panata” bilang pagpapasalamat sa mga
kahilingang naipagkaloob sa kanila. Ito ay ang tinatawag na “Folk Catholicism” ang “animistic
religion”.70
Para kay Timbreza, “moral value relates to conduct or character viewed from the
concept of right and wrong. It pertain to the goodness and badness of an action, character,
disposition, etc.”71 Ito ang masasabi nating malaking kaibahan ng pagiging tao sa mga hayop.
Ang pagiging moral ang nagpapakilos sa tao bilang tao. Malaki din ang ginagampanang papel
nito hindi lang sa paggalang sa dignidad ng tao kundi sa pagpapanatili din sa makabuluhang
pag-iral ng kapwa tao. Nilinaw din ni Timbreza ang ideyang ito tungkol sa pagiging moral ng mga
Pilipino sa pamamagitan ng paggamit ng pagkatao o self bilang sentro o basehan ng moral na
panghuhusga sa tama o mali. Tinawag niya itong “Centripetal Morality”72 Samakatuwid, ang
etikang Pilipino ay maaaring ituring na person-centered o self-oriented approach to morality.
Ang dalawang katangiang ito ng mga Pilipino na nananatili ay konkretong masasalamin
sa nangyari sa EDSA People Power Revolution noong, 1986. Ayon kay Romulado Abulad,
“Our spirits got its boost when, as a man, Filipinos flooded EDSA
on those fateful four days of February in 1986 when, standing tall as
civilized nation, we drove the tyrant bloodlessly away after we had been
cheated at what otherwise would have been our last chance at a peaceful
change of government through a democratic election.”73
Ganito rin ang paniwala ni Timbreza ng sabihin niyang,
“the very significant thing that happened during EDSA was the
very typical expression and unique portrayal of the Filipinos’ belief in
God… The whole world was shocked when the Filipinos demonstrated
that the most humane and relevant form of belief in God could be
expressed through love and concern for others during critical times…
They showed their belief in concrete actions. They helped each other
against common enemy; they joined hands together in defying tyranny
and in ousting a corrupt president. Indeed, not only are such activities the

69
Ibid, 162.
70
Ibid, 162.
71
Florentino Timbreza, Filipno Values Today (Navotas, Metro Manila: Navotas Press, 2005), 23.
72
Ibid, 200.
73
Romualdo Abulad, Filipino Postmodernity: Quo Vadis? November 10-11, 2017
most relevant forms of prayer and religious practices, but they are also
the most concrete expressions of faith in God of all Filipinos.” 74
Pinaniwalaan din ni Abulad ang katotohanang,
“What is clearly working in all this is the invisible hand of People Power,
which I would like to equate with God’s power since vox populi, vox Dei,
the voice of the people is the voice of God. The victory of EDSA is the
people’s victory, which is simultaneously God’s victory.” 75
Talagang makikita na mas tumibay ang diwang Pilipino sa pamamagitan ng pagiging
makabayan at pagiging moral nila sa panahon ng EDSA Revolution. Ang dalawang
katangiang ito ang masasabi nating totoong identidad ng mga Pilipino na patuloy na
mananatili sa kanila sa paglipas ng panahon.

Ang Pilipinong Identidad bilang Tulong sa Pagbuo ng Epektibong Sistema ng


Edukasyon
Ayon sa isang balita, “Early this year (2014), the Global Financial Integrity, a
Washington, DC-based think tank, reported that, from 1960 to 2011, the Philippine economy
lost about $132.9 billion (P6 trillion-plus) to corruption. GFI broke down this total annually and
came up with this amount: P357 billion ($7.9 billion dollars, based on current exchange rates).” 76
Ito marahil ang problema sa Pilipinas na hindi mawala-wala -ang korapsyon. Hindi maikakaila na
yaong mga nasa gobyerno ang sikat na sikat pagdating sa ganitong usapan. Dahil sila nga naman
ang humahawak ng kaban ng bayan at sila din ang mga nakaupo sa matataas na posisyon sa
gobyerno. Kaya maaaring sabihin na sila ang gumagawa ng problemang ito. Siguro hindi lahat
ng pulitiko ay dapat sisihin ngunit karamihan sa kanila ay masasabing “guilty”. Kung iisipin ng
husto, san kaya nagmumula ang kaisipang ito ng mga pulitiko at bakit nila nagagawa ang mga
katiwaliang ito. Oo, ito ay nakaugat sa kanilang pagkatao, ngunit hindi ba nahuhubog ang
pagkatao ng isang indibidwal habang siya nag-aaral sa eskwelahan. Hindi ba karamihan din sa
mga pulitikong ito ay nagtapos ng pag-aaral sa mga sikat na dalubhasaan sa Pilipinas at
nagkamit pa nga ng mga matataas na parangal. Subalit bakit tila laganap pa din ang korapsyon?
Ayon kay Estioko, kapag nagkakaroon ng posisyon ang mga Pilipino, kadalasan ito ay
nagreresulta sa graft and corruption.77 Marahil isa sa mga dahilan nito ay hindi itinuturing na
maka-Pilipino ang pagtuturo sa mga Pilipino. Malaki pa din ang naiwang impluwensya ng

74
Florentino Timbreza, Filipno Values Today (Navotas, Metro Manila: Navotas Press, 2005), 142.
75
Romualdo Abulad, Filipino Postmodernity: Quo Vadis? November 10-11, 2017
76
Patricio Abinales, “Corrupt Philippines? Look at America”, https://www.rappler.com/thought-leaders/75203-
abinales-corruption-philippines-united-states
77
Leonardo Estioko, Philosophy of Education: A Filipino Perspective (Manila: Logos Publications, 2008), 15.
Amerikanismo sa Pilipinas lalo na sa sistemang pang-edukasyon. Sa pagtuturo sa eskwelahan,
maliit lamang ang ibinibigay na pansin sa pagtuturo ng nasyonalismo at pagiging moral. Oo,
malinaw itong nakasulat sa batas ngunit masasabing hanggang sulat na lamang dahil sa mga
katiwaliang nangyayari. Para kay Renato Constantino,
“Education is a vital weapon of a people striving for economic emancipation,
political independence and cultural renaissance. Philippine education therefore
must produce Filipinos who are aware of their country’s problems, who
understand the basic solution to these problems, and who care enough to have
courage to work and sacrifice for their country’s salvation.” 78
Isa pa sa mga problemang politikal ay ang paghalal sa mga opisyal na hindi naman
karapat-dapat sa kanilang mga puwesto. Naniniwala ako na kailangan talaga ng tamang
edukasyon ang mga Filipino upang tuluyang mapalaya ang bansang ito sa lahat ng uri ng
pagkaka-alipin: pagkaka-alipin sa kawalang-alam, pagkaka-alipin sa bulok na mga ugali, at
pagkaka-alipin sa kahirapan dahil sa korap at elitistang sistema. Maraming Filipino ang
nangangailangan ng wastong edukasyon upang mapa-unlad ang lipunan. Ang isang matalinong
boto ay maaaring magpabago sa lipunan. Ito ang nakikitang dahilan ni Florentino Hornedo sa
kanyang pagninilay,
“In our curricula, most schools have little in the way of systematically educating
Filipinos is basic questions as Who am I? and Why am I? I propose a general
incorporation in all our curricula of a serious ang meaningful course in value-
directed Philosphy of Man. We seem, so far, to have been more interested in
teaching Filipinos to become professionals who happen to be human, than to be
human who express their humanity through a profession.” 79
Kaya nga nararapat lamang na sa pagtuturo sa mga Pilipino, kailangang ito ay nakabase
kung ano talaga ang kanilang identidad. At ito ay ang pagiging makabayan at ang pagiging
moral. Sa pamamagitan nito magiging malinaw sa mga Pilipino ang kanilang tinatahak na landas
bilang isang nasyon at ang edukasyon ay magiging instrumento na sa pagbabago sa lipunan.

Konklusyon
May isang lumang simbahan na lubhang naapektuhan ng malakas na paglindol. Ang
nasabing simbahan ay pinaniniwalaang sakop ng fault line kaya naman malaki ang naging sira
nito. Ang mga taong naninirahan malapit sa simbahan ay nagnais na muling itayo ay bubuin ang
simbahan dahil mahalaga ito sa kanila bilang sentro ng kanilang relihiyon. Dahil nga ang lugar
78
Renato Constantino, “The Miseducation of the Filipino”, 1.
79
Florentino Hornedo, Christian Education: Becoming Person-For-Others, Essays on Philosophy of Education
(Manila, Santo Tomas University Press, 1995), 16.
kung saan nakatayo ang simbahan ay sakop ng fault line, nagdesisyon ang mga tao na itayo muli
ito malayo sa fault line upang hindi na maapektuhan ng lubos kung may dumating man na
lindol. Nang muling maitayo ang simbahan, nagmukha itong bago sapagkat makabagong
kasangkapan ang ginamit ngunit makikita mo pa din ang dati nitong itsura lalo na sa loob nito.
Ito ay dahil sinikap ng mga tao na mapanatili ang dati nitong hugis at anyo.
Ang Pilipinong identidad ay katulad ng isang lumang simbahan. Lubha itong
naapektuhan sa pamamagitan ng mga banyagang mananakop. Sa loob ng maraming taon tayo
ay napailalim sa kamay ng kolonyalismo. Nabago ang pag-iisip, pamumuhay, pagpapahalaga, at
edukasyon ng mga Pilipino. Kaya nga tulad ng lumang simbahan hindi na dapat bumalik sa mga
pangyayaring iyan. Bagkus, ituring na lang ang lahat ng nangyari sa kasaysayan bilang bahagi ng
identidad. Sa muling pagtatayo ng kasarinlang Pilipino, tulad ng isang simbahan na pinanatili
ang dati nitong itsura bagaman itinayo na sa ibang lugar at ginamitan ng bagong kasangkapan,
dapat din nating isaalang-alang na may patuloy na nanatili sa ating identidad – ang pagiging
makabayan at ang pagiging moral – ito ang masasabing diwang Pilipino.
Malaki ang maitutulong nito sa pagbuo ng sistema ng edukasyon dahil makikilala na ng
lubusan ang mga Pilipino at matuturuan na sila ng para talaga sa kanila at ayon kung sino talaga
sila at kung saan sila patungo. Ang pagtuklas ng Pilipinong identidad ang unang hakbang upang
mabigyan ng liwanag ang landas tungo sa isang epektibong sistema ng edukasyon.

Talasanggunian

Mga Primaryang Batis:


Abenes, Rodrigo and Jerwin M. Mahaguay, “Dekolonisasyon para sa Diwang Pilipino ni Emerita S. Quito: Isang
Pagpupugay,” in KRITIKE: An Online Journal of Philosophy, 11:2 (December 2017).

Arcilla, Pedro, An Introduction to Philippine History 4rth ed. (Quezon City: Ateneo de Manila University Press,
2013).

Clarke, Norris, “Central Problems of Metaphysics”

Co, Alfredo, “Doing Philosophy in the Philippines: Fifty Years Ago and Fifty Years From Now,” in Two Filipino
Thomasian Philosophers: On Postmodernism, Romualdo Abulad and Alfredo Co (Manila: UST Publishing House).

Constantino, Renato, “The Miseducation of the Filipino”, (website please)

De leon, Emmanuel, Mga Tomasino sa Pilosopiyang Filipino: An Intelektwal na Pamana ng mga Pangunahing
Tomasinong Pilosoper sa Kasayaysayan ng Pamimilosopiyang Filipino (San Miguel, Maynila: Komisyon sa Wikang
Filipino).

Estioko, Leonardo, Philosophy of Education: A Filipino Perspective (Manila: Logos Publications, 2008).

Mercado, Leonardo, Elements of Filipino Philosophy (Tacloban City: Divine Word University
Publications, 1976).

Quito, Emerita, “A Filipino Volksgeist in Vernacular Literature” in A Life of Philosophy: Festschrift in Honor of
Emerita S. Quito (Manila: De La Salle University, 1990).

_____________, “Ang Pilosopiya: Batayan ng Pambansang Kultura,”

_____________, “Ang Pilosopiya: Batayan ng Pambansang Kultura” in A Life of Philosophy: Festschrift in Honor of
Emerita S. Quito (Manila: De La Salle University, 1990).
_____________, “Pilosopiya ng Edukasyon sa Diwang Filipino,” in Malay 4 (1985).

_____________, “Structuralism and the Filipino Volksgeist” in A Life of Philosophy: Festschrift in Honor of Emerita
S. Quito (Manila: De La Salle University Press, 1990).

Mga Sekondaryang Batis:

“Historical Perspective of the Philippine Educational System”, https://www.deped.gov.ph/about-deped/history/

“History of Education in the Philippines”, https://www.k12academics.com/Education%20Worldwide/Education


%20in%20the%20Philippines/history-education-philippines

Abinales, Patricia, “Corrupt Philippines? Look at America”, https://www.rappler.com/thought-leaders/75203-


abinales-corruption-philippines-united-states

Abulad, Romualdo, Filipino Postmodernity: Quo Vadis? (November 10-11, 2017).

Duka, Cecilio, Philosophy of Education rev. ed. (Manila: Rex Book Store, 2007).

Fernandez, Pablo, History of the Church in the Philippines (1521-1898) (Manila: National Book Store, 1979).

Lawhead, William, The Voyage of Discovery: A Historical Introduction to Philosophy. 2d ed.


(Belmont, Calif.: Wadsworth, 1996).
Mahaguay, Jerwin, “Nasyonalismo: Lakas ng Edukasyong Pilipino,” in Kaisipan: Ang Opisyal na Dyornal ng
Isabuhay, Saliksikin, Ibigin ang Pilosopiya (ISIP) 1:1 (2013).

Marrow, Paul, “Ang Kasulatang Tanso sa Laguna”, http://paulmorrow.ca/lci.htm

Timbreza, Florentino, Filipino Values Today (Navotas, Metro Manila: Navotas Press, 2005).

Mga Dokumentong Legal:

“1973 Constitution of the Republic of the Philippines”, https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/1973-


constitution-of-the-republic-of-the-philippines-2/

“1987 Constitution of the Republic of the Philippines-Article


XIV” ,https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/the-1987-constitution-of-the-republic-of-the-
philippines/the-1987-constitution-of-the-republic-of-the-philippines-article-xiv/

“K-12 Features”, https://www.deped.gov.ph/k-to-12/about/features/

You might also like