You are on page 1of 2

Macanas, Christian Jacob L.

October ,2019

2-BAC FILI01

SIKOLOHIYANG PILIPINO

Ang sikolohiya o dalubisipan ay ang pag-aaral ng isip, diwa at asal. Dito naman

pumapasok ang sikolohiyang Pilipino kung saan ito naman ay tumutukoy sa mga karanasan,

kaisipan at oryentasyong Pilipino.Ito ay Pinasimulan ni Virgilio Enriquez at siya ang kinikilalang

Ama ng Sikolohiyang Pilipino. Ang Sikolohiyang Filipino ay napamamalas sa ating panitikan at

sining. Lubos na mapapansin sa mga ito ang kasaysayan nating mga Pilipino dahil naipapamalas

dito ang ating panitikan at mga sining. Nais patunayan nito na bago pa man dumating ang mga

banyaga tulad ng kastila at amerikano ay mayroon ng sariling pag-iisip at pagkakakilanlan

tayong mga Pilipino. Kung ating babalikan ang kasaysayan ng Pilipinas sinasabi na bukod pasa

mga katutubong Negrito na siya namang sinundan matapos ang ilang siglo ng lumipas bago ang

panahon ni Kristo na nagpasimula naman ng Kristiyanismo. Ayon pa sa mga datos, bukod sa

migrasyon, may malaking kinalaman ang pananakop, populasyon, mga panlipunan at politikal na

kalagayan, batas at pananalapi sa pagkahubog ng kaisipan ng mga Pilipino kung kaya’t ganito

tayo sa kasalukuyan.

Sinasabi na ang kontekstong Sikolohiyang Pilipino ay mayroong tatlong anyo. Ang una

ay tumutukoy sa kabuuang anyo na sinasabing nagmula sa pagkasunod-sunod ng mga

pangyayari na may malaking epekto sa kaisipan ng ating bayan at ito ay ang sinasabi na

Sikolohiya ng Pilipinas. Ang sumunod na anyo naman ay ang Sikolohiya ng Pilipino. Ito ay

tumutukoy sa mga maka-agham na pag-aaral o mga teorya na tungkol sa mga likas na sikolohiya

ng mga Pilipino na nakatira sa loob ng bansa at maging mga Pilipino na nasa dayuhang bansa.
Ang huling anyo ay ang Sikolohiya mismo. Ito ay ang bunga ng mga pangyayari o mga

karanasan. Kaisipan at oryentasyong makapilipino. Ito ay tumutukoy na sa sariling kultura. Sa

maikling salita ang sikolohiya sa pilipinas ay “bilang bisita sa bahay”, ang Sikolohiya ng mga

Pilipino ay “tao sa bahay” at ang Sikolohiyang Pilipino ay ang “maybahay”.

Mayroong iba’t ibang sabi tungkol sa Sikolohiyang Pilipino. Sabi ni Enriquez ang

sikolohiyang Pilipino ay isang isyu. Binigyang diin niya na may mga tapat na ang sikolohiya ay

isang unibersal kaya naman may mga nag-iisip na ang Sikolohiyang Pilipino ay isang anti-

unibersal. Subalit sa pahayag ni Cronbach nahahati ang sikolohiya sa dalawang disiplina kung

saan ito ay ang eksperimental at korelasyonal. Ang ekspiremental ay tumutukoy sa unibersal na

katotohanan samantalang ang korelasyonal ay nagbibigay halaga sa ideyograpikong pananaw.

Sa pag-aaral ng Sikolohiyang Pilipino nalalaman natin ang kahalagahan n gating

pinagmulan na siyang humubog sa atin upang luminang pa ang kaisipan at pag-unawa.

Sanggunian:

https://www.slideshare.net/jeaneleicarolino/sikolohiyang-pilipino

https://brainly.ph/question/608416

https://www.academia.edu/4418255/Tungo_sa_mapagbuong_sikolohiya_Hamon_sa_Sikolohiyang_Pilip

ino

https://www.slideshare.net/maryanneportuguez/sikolohiyang-pilipino-64779434

You might also like