You are on page 1of 5

SINESOSYEDAD/PELIKULANG PANLIPUNAN

FILSOS 1115

PANUNURING PAMPELKULA
GAMIT ANG IBA’T IBANG TEYORYANG PAMPANITIKAN

PAGSUSURI SA PELIKULANG

DIE BEAUTIFUL

Ni

Glenn Bryan M. Felix


BSCE3-1

JACKSON A. PARCHAMENTO
GURO

GAWAING PANGKLASE
Unang Semestre 2020-2021
PANIMULA

Ang pelikulang Die Beautiful ay isang pelikulang pinagbibidihan ni Paolo


Ballesteros sa ilalim ng director na si Jun Robles Lana. Ito ay unang
pinalabas sa 29th Tokyo International Film Festival noong Oktubre 27, 2016 at
isa sa mga opisyal na palabas noong 2016 Metro Manila Film Festival.

Kasama sa palabas na ito ang baguhang actor na si Christian Bables na


gumanap sa matalik na kaibigan ni Trisha na si Barbs. Ilan din sa mga naging
tauhan sa pelikulang ito sina Joel Torre, Gladys Reyes, Luis Alandy, Albie
Casino, Eugene Domingo, Iza Calzado, at Mel Martinez. Umikot ang kwento
ng pelikulang ito sa isang homosekswal na si Trisha na ang tanging pangarap
ay maging isang beauty queen. Labag man ito sa kagustuhan ng kanyang
ama ay hindi niya itinigil ang kanyang pangarap.

Sa halip dahil dito ay nagawa siyang palayasin ng kanyang ama dahil sa


pagkamuhi nito sa kanya at tinuring na kahihiyan sa kanilang pamilya.
Matapos makoronahan sa isang gay beauty pageant na kanyang sinalihan ay
biglang bumigay ang kanyang katawan at doon binawian ng buhay. Sa
kanyang burol ay makikita ang kanyang kaibigan na si Barbs na personal
siyang inaayusan, bawat araw ay nag iiba iba ng anyo si Trisha at ang bawat
anyong ito ay nagpapakita ng kanyang mga pagsubok na pinagdaan sa
kanyang buhay kasama ng ang naramdaman niyang pag aalipusta dahil sa
kanyang piniling kasarian at pang aabuso ng ibang kalalakihan.

BUOD NG PELIKULA

Si Trisha Echevarria ay isang ganap na homosekwal na tanging


pinapangarap ay maging isang beauty queen. Sa kanyang buhay ay palagi
siyang sumasali sa gay beauty pageants ngunit sa kasamaang palad ay
binawian siya ng buhay sa isa sa mga sinalihan niyang patimpalak. Matapos
siya rito makoronahan ay bumigay ang kanyang katawan dahil sa sakit na
brain aneurysm.
Dumating naman ang kanyang anak na si Shirley Mae sa oras na
nabalitaan nito ang nangyari sa kanyang tinuturing na ina. Siya ay inampon ni
Trisha noong namatay ang kanyang ina at mula noon ay ito ang nag alaga sa
kanya hanggang sa kanyang paglaki. Single parent man ay di nag kulang si
Trisha sa pag aalaga kay Shirley kahit na ito’y madalas pagtripan ng ibang
kaklase dahil sa trabaho ng kanyang ina.
Mula kanyang pagkabata ay madami ng sinalihang beu-con si Shirley,
ngunit nung kanyang paglaki ay kanyang napagtanto ng ayaw na niyang
sumali sa mga ito at sinabi niya ang kanyang nais kay Trisha. Ngunit hindi ito
nagustuhan ni Trisha at sinumbat sa kanya lahat ng naging puhunan nito sa
lahat ng kanyang mga sinalihang beu-con na nagdulot ng kanilang pag-
aaway. Sa kanyang burol ay personal siyang inaayusan ng kanyang kaibigan
na si Barbs at sa bawat araw ay iba ibang klaseng anyo ang binibigay sa
kanya ayon na din sa kanyang kagustuhan na mangyari sa araw ng kanyang
pagkamatay. Sa kanyang bawat anyo ay may mga alaalang pinapakita sa
kanyang nakaraan. Mga alaalang bumuo sa kanyang pagkatao kasama na
dito ang lahat ng saya, lungkot at pagkabigo sa pag-ibig ng mga katulad
niyang homosekswal.

MGA TEORYANG PAMPANITIKAN NA MAKIKITA SA PELIKULA

Linya ng Tauhan/Eksena/Sitwasyon: Habang nasa hapag kainan ay


nagpaalam siyang may pupuntahan ngunit di siya pinayagan ng kanyang
ama.

Running time: 3 minuto

Teoryang Ginamit: Teoryang Eksistensiyalismo

Pagtalakay/Paliwanag: Sa eksenang ito makikita na sa kabila ng pagtutol ng


ama ni Trisha sa kanyang pag alis ay sinuway niya ito at bumuo ng kanyang
sariling desisyon. Makikita dito ang pagsunod sa kanyang nais at ang
paggawa ng sariling desisyon kahit na alam niyang labag ito sa nais ng
kanyang ama.
Linya ng Tauhan/Eksena/Sitwasyon: Ang eksenang sumasali si Trisha sa
mga gay beauty constest.

Running time: 5 minuto

Teoryang Ginamit: Teoryang Humanismo

Pagtalakay/Paliwanag: Sa eksenang ito ay pinapakita ang ilan sa mga


katangian ni Trisha bilang isang tao. Kanyang pinamalas ang kanyang talento
sa pagsasalita at ang kanyang mga kakaibang pakulo upang manalo sa
patimpalak.

Linya ng Tauhan/Eksena/Sitwasyon: Ang pagsasagawa ng mga beauty


contest na para lamang sa mga homosekswal.

Running time: 5 minuto

Teoryang Ginamit: Teoryang Queer

Pagtalakay/Paliwanag: Sa pelikulang ito pinakikita na hindi lamang


pangkababaihan ang mga beauty contest. Sa pagkakaroon ng mga gay
beaucon ay ating masasabi na inaangat nito ang paningin ng lipunan sa mga
homosekswal sapagkat sila’y kinaaaliwan ng mga manonood.

PANGKALAHATANG TEORYA

Sa kabuuan ng pelikulang Die Beautiful ay makikita ang teoryang


realismo. Kapansin-pansin ang pagpapakita ng makatotohanang pagtrato sa
lipunan sa mga homosekswal.

Linya ng Tauhan/Eksena/Sitwasyon: “Binastos mo di lang ako na tatay mo


kundi and buong pamilya. Pasalamat ka nakakalamon ka dito dahil diring diri
na ko sayo.” – ama ni Trisha

Teoryang Ginamit: Teoryang Realismo


Pagtalakay/Paliwanag: Sa mga linyang ito ating makikita ang pagkamuhi ng
mismong ama ni Trisha sa kanya sapagkat siya ay isang homosexual. Sa
realidad ay di maikakailang may iba pa ding tumatrato sa kanilang
homosexual na anak ng may pagkamuhi at pandidiri. Ito ay dahil hindi nila
matanggap na ang kanilang anak na lalaki ay may pusong binabae.

Linya ng Tauhan/Eksena/Sitwasyon: Nahuli ni Trisha si Micko ang kanyang


kasintahan na mayroong relasyon sa kakilala niyang homosekswal.

Teoryang Ginamit: Teoryang Realismo

Pagtalakay/Paliwanag: Marahil sa buhay ng isang homosekswal ay madalas


bigo sa pag ibig sapagkat sa tuwing makakita sila ng taong nagmamahal sa
kanila ay ginagastusan nila ito ng malaki upang maibigay ang gusto nito
ngunit di kalaunan malalaman nilang may karelasyon itong iba na dudurog ng
kanilang puso.

You might also like