You are on page 1of 4

SINESOSYEDAD/PELIKULANG PANLIPUNAN

FILSOS 1115

PANUNURING PAMPELKULA
GAMIT ANG IBA’T IBANG TEORYANG PAMPANITIKAN

PAGSUSURI SA PELIKULANG

Last Word

Ni

ALEX ROGER C. DE GUZMAN JR.


BSCE3_1

JACKSON A. PARCHAMENTO
GURO

GAWAING PANGKLASE
Unang Semestre 2020-2021
I. Panimula

Ang pamagat ng pilikulang sinuri ay “The last Word” na dinirekta ni Mark


Pellington at sinulat ni Stuart Ross Fink. Pinagbidahan ang pelikulang nabanggit
nina Shirley MacLaine bilang Harriet Lauler, Amanda Seyfried bilang Anne
Sherman, AnnJewel Lee Dixon bilang Brenda, attb. Ang pelikula ay inilabas sa mga
sinehan noong Marso 3, 2017 sa United States of America at ito ay may tagal na 1
oras at 48 na minuto.

Ang istoriya ng pelikulang “The Last Word” ay tungkol sa reteradong


negosyante na si Harriet na lung saan ay gusto niya na kontrola do niya ang lahat
ng nasa kapaligiran yan. Umikot ang istorya sa kanyang kagustuhan niyang
magpagawa ng obitwaryo habang siya ay nabubuhay pa at ito ay pinapasulat niya
sa isang mamamahayag na si Anne.

Ang aking layunin sa pagsuri ng pelikulang nabanggit ay para sa


pangangailangan sa aking klase na Filsos 1115 at upang matuto kung papaano ang
tamang pagsusuri.

II. Pagbubuod
Si Harriet Lauler ay isang matandang babae na reteradong negosyante na
nababagot sa kanyang araw-araw na pamumuhay. Isang araw, si Harriet ay
nagpatngin sa kanyang doktor ngunit hindi agad malaman ng doktor ang kanyang
sakit at nangangailangan pa magsagawa ng ilang test. Nakapagisip-isp si Harriett at
nakita nya sa isang dyaryo ang isang obitwaryo at naatig siya rito. Siya ay Dali-
daling pumunta sa isang publishing house upang magpagawa ng kanyang
obitwaryo, at ditto niya nakilala si Anne, isang manunulat at mamamahayag. Si Anne
ang naatasan ng kanyang amo na gumawa ng obitwaryo ni Hariett. Si Anne ay
pumunta at kinausap ang mga piling taong nakakakilala kay Harriet ngunit iisang tao
lamang ang nakapagsabi ng mabuti tungkol kay Harriet at dahil ditto, si Harriet at
Anne ay nagplano kung papaano makakapagiwan ng mabubuting memorya si
Harriet habang siya pa ay nabubuhay. Naging malapit ang kalooban nina Anne at
Harriet, kasama na rin ang batang kanilang inaalagaan mula sa bahay ampunan na
si Brenda. Sa bandang dulo ng pelikula, si Harriet ay namantay dahil sa kanyang
kalagayan na mayroon siyang overworked heart. Ibinuhos ni Anne ang kanilang
pinagsamahan ni Harriet sa kanyang ginagawang obitwaryo para kay Harriet at ito
ay natapos niya ng may magagandang istorya tungkol kay Harriet.

III. Mga Teoryang Pampanitikan na Makikita sa Pelikula


Unang Senaryo: Pinakilala si Harriet sa pelikula bilang isa babaeng kayang gawin ang
lahat ng hindi dumedepende sa ibang tao at gusto niya na kontrolado niya ang lahat
pati ang mga tauhan niya, at dahil rito ay oonti lamang ang maygusto sa kanya.
Oras ng Kaganapan: Simula ng pelikula hanggang ika-tatlongpung minuto
Teoryang Ginamit: Romantisismo
Pagtalakay: Si Harriet ay gusting magkaroon ng obitwaryong mayroong mabubulaklak
nilalaman tungkol sa kanya ngunit ito ay taliwas sa mga sinasabi ng mga kakilala niya.
Akala niya na madaming masasabing magaganda ang mga taong nakahalubilo niya
noon na akala rin niya na itinatama niya lamang ang mga maling ginagawa ng iba
bgunit mali ang tingin ng iba sa kanyang pagsasabi o pag control sa mga ginagawa nila.
Pangalawang Senaryo: Si Harriet ay pwersahang pinalayas sa kanyang sariling
kompanya
Oras ng Kaganapan: Bandang ika-tatlongpung minute ng pelikula
Teoryang Ginamit: Sosyolohikal
Pagtalakay: Sa ating lipunan sa ngayon, kahit ikaw ang pangulo ng isang kompanya ay
maari kang patalsikin ng mga tauhan mo kung napagdisisyunan nila. Makikita dito ang
demokrasyon na systema ng ating lipunan ngayon.
Ikatlong Senaryo: Si Harriet ay kilala ng mga katrabaho o mga taong nakahalubilo niya
na babaeng may paninindigan sa sarili at kaya niya gawin ang lahat. Gusto rin niya n a
lahat ng sinasabi niya at desisyon ay nasusunod.
Oras ng Kaganapan: Unang kalahating bahagi ng pelikula
Teoryang Ginamit: Eksistensyalismo
Pagtalakay: Masasabi ko na si Harriet ay isa independent woman, walang laban ang
kanyang asawa sa kanya at ginagawa lamang ang kanyang mga paniniwala na tama o
mali. Wala rin siyang paki kung ano man ang sabihin ng kapwa niya sa kanya sa mga
panahong iyon at ginagawa lahat ng gusto niya. Nabanggit din niya na pagmaygusto
siya ay makukuha niya agad o magagawa niya agad.

IV. Pangkalahatang Teorya


Senaryo: Si Harriet ay onti-onting nagbabago at nasisira ang mga paniniwala niya sa
sarili na dapat kontrolado niya ang lahat at pagiging makasarili.
Teoryang Ginamit: Sikolohikal
Pagtalakay: Makikita sa buong pelikula ito kung papaano nabago ang pamumuhay ni
Harriet kahit saglit lang sa kanyang buhay at dahil ito sa dalawang nagging kaibigan
niya na si Brenda at Anne.

You might also like