You are on page 1of 32

ISANG PASULAT NA ULAT

SINESOSYEDAD/PELIKULANG PANLIPUNAN
FILSOS 1115

PANUNURING PAMPELKULA
GAMIT ANG IBA’T IBANG ELEMENTO NG PELIKULA

PAGSUSURI SA PELIKULANG:

THE LAST WORD


HENERAL LUNA
KIDNAP
ANAK

Ni

JAZZMERE DENISE G. LANA


BSF_2-1

JACKSON A. PARCHAMENTO
GURO

PAMANAHONG PROYEKTO
Ikalawang Semestre 2019-2020
THE LAST WORD (2017)

I. Banghay

Si Harriet Lauler ay isang matagumpay at retired businesswoman na may pag-uugaling

gusto niya ang lahat ng bagay ay kaniyang kontrolado hanggang sa kaniyang pagkamatay. Para

masiguradong ang buhay niya ay maayos na maikukwento sa lahat, siya ay naghanap ng isang

manunulat sa dyaryo upang bayaran niya at magsulat ng kaniyang obitwaryo ng alinsunod o

naaayon sa kaniyang kagustuhan. Ngunit, si Anne, ang naatasan niyang gumawa ng kaniyang

orbitwaryo, ay hindi sumangayon sa kagustuhan ni Harriet. Bagkus, nais niyang mangalao ng

impormasyon base sa kung ano talagang klase ng tao si Harriet. Habang sa paghahanap ng

mga impormasyon at mga taong konektado kay Harriet, nadebelop ang kanilang pagkakaibigan.

Nais din ni Harriet na palawakin pa ang kanyang kaalaman at gawing mas makabuluhan ang

kaniyang buhay. Siya ay nag ampon ng isang batang babae upang turuan. Dagdag pa rito, nag

trabaho din siya bilang isang disc jockey. Habang tumatagal, mas nagkaroon ng maganda at

matatag na pagsasamahan sina Harriet, Anna, at ang batang kaniyang inampon.

Ang pelikulang The Last Word ay isang drama at comedy na pelikula na ipinalabas

noong taong 2017. Sa katunayan, ang pelikulang ito ay kakaiba sapagkat maganda ang

natatangi nitong kwento at hindi ordinaryong kwento lamang. Nagpapakita ito ng iba't ibang

aral sa buhay kung saan ang mga manonood ay talaga nga namang may matututunan rito.

Mayroon itong natatanging kwento kung saan nakuha nito ang aking interes. Sa una pa

lamang, maganda na ang mga eksena sa pelikula kaya naman mas nanainisan pa na mas

panoorin at subaybayan ito.

II. Tema at tono


Ang pelikulang ito ay nagpapakita ng mga aral sa buhay na maaaring isabuhay ng mga

manonood. Sa katunayan, layunin ng pelikula na ipakita ang mga magagandang bagay sa

buhay ng isang tao sa kabila man ng hindi magagandang nangyari. Si Harriet Lauler ay isang

perpeksyonistang tao kung saan marami siyang mga naapakang tao. Gayunpaman, may

natatangi parin itong kabutihan sa kaniyang kalooban kaya naman siya ay nakahanap parin ng

totoong mga kaibigan. Ang kwentong ito ay nagpapakita na ang bawat ugali ng isang tao ay

may rason kung bakit siya ganoon, pero kung mas kikilalanin mo pa itong mabuti, mas makikita

mo ang totoo nitong ugali. Dagdag pa rito, nais ipakita ng pelikula na huwag mang husga ng

isang tao. Bagkus, kilalanin mo ito ng mabuti dahil ang totoong ugali ng isang tao ay hindi sa

kung ano ang iyong nakita sa panandaliang panahon. Sa kabila ng pagpapakita ng mga aral sa

pelikula, nagbibigay din ito ng aliw sa madla. May mga eksena sa pelikula na sadyang

nakakatuwa at nakakapagpasaya sa mga manonood. Sa kabila ng mga drama o mga seryosong

eksena, may hatid parin itong saya at aliw sa mga tagapanood.

III. Pag-arte ng mga karakter

Ang pangunahing tauhan sa pelikula ay si Harriet Lauler kung saan ang gumanap sa

kaniyang katauhan ay si Shirley McLaine. Talagang binigyang hustisya ni Shirley ang karakter ni

Harriet sapagkat naipakita niya ng maayos kung ano ang mga katangian ni Harriet. Mahusay

niya ipinakita ang katauhan ni Harriet na sa una ang masyadong mataray, maarte at

perfectionist, pero nang sa kalaunan ay mas nakita ang angking kagandahang loob ni Harriet.

Dahil dito, siya ay isang halimba ng complex character. Si Amanda Seyfried naman ang siyang

gumanap sa katauhan ni Anne Sherman na siyang inatasan ni Harriet na gumawa ng kaniyang

orbitwaryo na sa kalaunan ay kaniyang naging kaibigan. Mahusay rin ang pagkakaganap ni

Amanda dito sapagkat mararamdaman talaga ang emosyon sa bawat eksena nila ni Shirley

bilang Harriet. Makikita talaga na ang karakter niya ay isang manunulat dahil siya ay hindi
papayag na basta basta na lamang na susulat. Bagkus, siya ay mangangalap pa talaga ng

impormasyon. Kaugnay nito, ang karakter ni Anne ay nagpapakita rin ng complex character,

dahil sa una ay mailap pa siya kay Harriet pero sa kalaunan ay naging matalik silang

magkaibigan. Ang batang inampon naman at tinuruan ni Harriet ay si Anne Heche na gumanap

bilang Elizabeth. Mahusay niyang ginampanan ang kanyang karakter dahil bilang isang

manonood, mararamdaman sakaniya ang kasiyahang dulot nya sa buhay nina Harriet maging

sa pelikula. Nakaka aliw siyang bata at matalino pa. Siya ay nagpapakita rin ng complex

character dahil sa una ay tulad siya ni Harriet na mailap sa tao, mataray at maarte. Pero

habang tumagal lumabas ang kabutihang loob at maging ang kaniyang likas na kakulitan.

Maayos din ang naging pagganap ng ibang mga karakter sa pelikula at masasabi kong mas

gumanda ang pelikula noong ipinakita ang mga karakter o tauhan tulad ng anak at asawa ni

Harriet, maging ang may-ari ng istasyon ng radyo na pinag trabahuhan ni Harriet at naging

kasintahan ni Anne. Sa kabuuan, lahat ng mga gumanap ay nabigyan nila ng hustisya ang

bawat karakter sa pelikula.

IV. Direksyon

Ang pelikulang The Last Word ay pinangunahan sa direksyon ni Mark Pellington.

Masasabing maayos niyang naisagawa o naidirekta ang pelikula sapagkat malinaw sa mga

manonood ang bawat eksena at ang kwentong nais ipalabas sa pelikula. Maayos na nairesolba

ang kwento at maayos din naipahayag ang bawat damdamin na nais ipakita sa bawat eksena.

Nada katamtamang bilis din ang daloy ng pelikula. Hindi ito mabilis at hindi rin mabagal. Nasa

tampang timpla ika nga. Dagdag pa rito, masasabi na ang kwento na ito ay hindi tulad ng ibang

kwento na mahuhulaan kung ano ang mga susunod na pangyayari. Dahil itong pelikula na ito

ay mas nanaisin mo pang namnamin ang bawat eksena kaysa abalahin pa ang isip sa

paghuhula sa kung ano ang susunod na pangyayari. Maganda at mahusay ang pagkakagawa ng
pelikula. Hindi gaanong mabigat sa pakiramdam panoorin. Sapat lamang ang mga emosyon na

hatid nito. Hindi nagkulang at hindi rin sumobra. Sa kabuuan, maayos na isinagawa ang pelikula

at talaga nga namang pinagisipang mabuti. Nailahad ng maayos ang problema dito, naisagawa

ng tama ang bawat eksena at higit sa lahat naipakita ng maayos ang mga dapat na makita sa

kwento ng pelikula.

V. Score/Paglalapat ng tunog

Sa katunayan, maganda ang mga inilapat na tunog sa pelikula. May mga makaluma

itong vibes kung saan akma ito sa edad ng bida. Napaka kalmado rin ng ibang tunog na ginamit

na naaayon sa tema ng pelikula na magaan lamang at hindi gaano mabigat sa pakiramdam ang

kwento. Dagdag pa rito, talagang mapapasabay ka naman sa mga tugtog na lively kung saan

mas mararamdaman mo ang saya o tuwa maging ang pagka komedya ng eksena sa palabas.

Nagustuhan ko rin ang mga tugtog na pinili ni Karla na patugtugin noong siya ay nagtrabaho

bilang disc jockey. Napakasarap sa tainga at talagang nakakapag paganda ng pakiramdam. Tila

napapagaan nito ang mood ng isang tao. Sa kabuuan, masasabi na ang mga ginamit na tunog

sa pelikula ay naayon sa pelikula at talaga nga namang naka ambag sa pagpapaganda ng

pelikula sapagkat mas naramdaman ng mga manonood ang bawat eksena maging ang

emosyon na nais ipakita o ipabatid sa mga manonood.

VI. Sinematograpiya

Sa sinematograpiya naman ng pelikula, maayos ang pagkakakuha ng bawat eksena

kung saan angkop ang mga shots na ginamit. Well-framed din ika nga ang bawat kuha.

Masasabing angkop ang mga shots sapagkat mas naiintindihan ng maayos ang anggulo o

posisyon ng mga karakter. Tulad na lamang sa eksena ni Harriet at ni Elizabeth, nagpapakita ito

na kapag si Karla ang nagsasalita, sa perspektibo ni Elizabeth mayroong low angle shot kung
saan si Harriet ay yuyuko kay Elizabeth sapagkat bata ang kaniyang kausap. Ganun din kapag si

Elizabeth ang magsasalita, naka tingala siya sapagkat si Harriet ay mas matanda at matangkad

sakaniya. Sa mga ordinaryong usapan naman , medium shot ang ginamit. Sa madaling salita

angkop ang mga shots na ginamit sa bawat eksena. Sapat din ang ilaw na ginamit. Hindi gaano

maliwanag at hindi rin gaano madilim. Nakikita ng maayos at malinaw ang bawat kuha sa na

siyang naka ambag sa pagpapaganda ng kalidad ng mga kuhang eksena sa pelikula.

VII. Production design

Maraming naging setting ang pelikula kung saan makikita dito na kinuhaan ang bawat

eksena sa totoong setting. Mayroon sa bahay, sa opisina, sa pampublikasyon, sa kalsada, sa

bahay ampunan, sa istasyon ng radyo at marami pang iba. Napansin ko na lahat ng lugar sa

pelikula ay angkop naman sa eksena sapagkat kung sumusuporta naman sa usapan o sa nais

ipakita sa eksena ang setting nito. Halimbawa na lamang nang naghahanap si Harriet ng isang

taong magsusulat ng kanyang orbitwaryo, siya ay pumunta sa opisina ng pampublikasyon o

lathalaan sa dyaryo. Ang eksenang ito ay makatotohanan sapagkat doon nga sa lugar na iyon

siya makakahanap ng isang manunulat. Nang mag ampon din si Harriet, siya ay pumunta sa

bahay ampunan kung saan marami rin siyang mga bata na nakasalamuha. Siya rin ay

nagtrabaho bilang disc jockey at naipakita din dito ang lugar ng istasyon sa radyo. Masasabi na

lahat ng eksena sa pelikula ay mayroong akmang setting na siya mas nagbigay ng

makatotohanang pangyayari sa pelikula.

VIII. Special effects

Ang pelikulang ito ay hindi naman pantasya o hindi naman gumamit ng masyadong

maraming special effects. Hindi rin ito aksyon na nangangailangan ng mga putukan ng baril at

anumang pagsabog. Kung mayron man sigurong ginamit na mga special effects, kakaunti
lamang ito at hindi naman nagkaroon ng masamang epekto sa pelikula. Sa kabuuan, ang

pelikulang ito ay mas nagtutuon ng pansin sa mga makatotohanang pangyayari kung saan

malumanay lamang o magaan lamang ang tema ng kwento kaya namam hindi ito nagkaroon ng

maraming special effects. Dahil dito, mas naging maayos at pormal ang pagkakagawa ng

pelikula.

IX. Editing

Naging maayos ang pagkaka edit ng pelikula kung saan dirediretso ang bawat pag lipat

ng eksena. Tuloy tuloy ang mga pangyayari at hindi nagkaroon ng mga sablay sa pagkaka edit.

Mapapansin din na hindi nagkaroon ng chappy ang bawat eksena sapagkat naiayos naman ito

ng mabuti. Katamtaman lang din ang bilis ng pelikula; hindi ito naging mabagal ay hindi rin

naging mabilis. Ang transition ng mga eksena ay maayos na naipakita kung saan parang totoo

talagang pangyayari sapagkat dirediretso lamang ang naging daloy nito. Dagdag pa rito, hindi

naging magulo ang pagkaka tagpi tagpi o pagkaka dugtong dugtong ng mga pangyayari. Sa

kabuuan, maayos na naiedit ang pelikula kaya naman maganda walang nakitang mali sa

paglaka edit nito.

X. Script/Usapan/Dialogue

Mahusay ang pagkakagawa ng script sapagkat nailabas nito ang kwentong nais ipakita

sa pelikula. Ang bawta binitawang salita ay talagang matalinhaga at may laman. Lalo na ang

mga salita ni Harriet Lauler na talagang nakapagbibigay ng inspirasyon hindi lamang sa tauhan

sa kwento maging sa mga manonood. Ang mga binitawan niyang mga salita ay hindi

malilimutan dahil na rin sa mga mensahe nitong nais iparating. Mensahe na nakapagbibigay

liwanag at inspirasyon. Mensahe na makatotohanan at talagang magagamit sa reyalidad.

Dagdag pa rito, ang script ng pelikula ay hindi lamang pawang drama lamang, sapagkat may
halo rin itong komedya. Minsan maiiyak ka, minsan naman matatawa ka. Naging malinaw rin

ang bawat usapan ng mga karakter kung saan hindi mas naintindhan ng maayos ng mga

manonood ang kanilang usapan. Dahil na rin na isa itong Hollywood na pelikula, gimamit ito ng

salitang Ingles na kung saan karamihan sa mga tao sa buong mundo ay maiintindihan ito.

HENERAL LUNA (2015)

I. Banghay

Nagsimula ang kwento noong 1998, sa probinsya ng Bulacan, kasama ni Pangulo Emilio

Aguinaldo si Apolinario Mabini at ang kanyang kabinet na nag dedebate sa isyu ng mga

Amerikano sa Pilipinas. Si Felipe Buencamino at Pedro Paterno ay sumusoporta sa mungkahi ng

mga Amerikano, samantalang si Heneral Luna at Heneral Jose Alejandrino ay salungat dito

sapagkat gusto lamang nila ang kalayaan ng Pilipinas.  Sinigurado ni Pangulong Aguinaldo na

nangako ang mga Amerikano na tutulong sila sa pagkamiy ng kalayaan laban sa mga Espanyol.

Ngunit, ang mga Amerikano ay nanghimasok sa mga bayan ng Manila, na siyang

nagpapahiwatig ng posibleng digmaan laban sa mga Pilipino.

Kasama ni Heneral Luna ang kanyang pinagkakatiwalaang mga sundalo na sina Heneral

Alejandrino, Koronel Francisco “Paco” Roman, Kapitan Eduardo Rusca, Kapitan Jose Bernal, at si

Koronel Manuel Bernal na sumakay sa bapor laban sa paghimasok ng mga puwersa ng Estados

Unidos. Nais ni Heneral Luna na bumuo ng hukbo na mayroong 4,000 na kawal kaya naman

upang maisagawa ito, ginamit niyang panakot ang ubod ng samang “Artikulong Una”, na

naglalahad na kung sino ang tatanggi sa mga kanyang utos ay pupugutin ang ulo na walang

pagsubok sa hukuman. Tinatag niya ito dahil hindi sumunod si Kapitan Pedro Janolino sa utos

ni Heneral Luna na dagdagan pa ang mga armas dahil hindi ito iniutos o hindi ito galing sa
pangulo noong panahon ng digmaan sa Amerikano. Sapagkat tanging ang pangulo lamang ang

sinusunod nito.

Si Buencamino at si Paterno ay nagpapakita ng kanilang suporta sa isang panukala sa

pamamagitan ng pagsarili ng Amerika sa Pilipinas habang nagaganap ang digmaan. Dahil dito

galit na galit si Heneral Luna kaya inutusan niyang arestuhin sila. Pinahina ni Heneral Tomas

Mascardo ang kampanya ni Heneral Luna dahil wala diyang ibang susundin kundi ang  utos ng

Pangulo. Patuloy parin sumulong ang mga Amerikano. Binisita ni Heneral Luna sila Aguinaldo at

Mabini para sa kanyang pagbibitiw, kahit na sila Buencamino at Paterno ay pinalaya na. Si

Aguinaldo ay tumatangging tanggapin ang kanyang pagbibitiw, ngunit sumang-ayon siya na

magtatag ng isang punong himpilan para sa Philippine Army sa hilaga.

Maya maya, si Luna ay ipinatawag ng Pangulo sa Cabanatuan. Si Heneral Luna ay

pumunta sa Cabanatuan kasama sila Roman at Rusca. Pagkadating niya, nadiskubre ni Luna na

nakaalis na si Aguinaldo at ang natitira nalang ay si Buencamino lamang. Habang sila ay nag

uusap, may isang barilan na narinig sa labas. Inimbestigahan ni Heneral Luna at natagpuan

niya si Kapitan Janolino at ang kanyang mga tauhan patay. Si Heneral Luna ay ibinaril at

sinaksak ng paulit-ulit hanggang sa namatay siya. Si Rusca ay nasugatan at sumuko sa sundalo

ng mga Kawit. Karamihan sa mga opisyal ni Luna ay naaresto, habang ang ilan ay namatay,

pati rin ang magkapatid na Bernal.

Sa utos ni Presidente Aguinaldo, sina Heneral Luna at Roman ay inilibing na may buong

karangalan sa pamamagitan ng pagpatay ng mga Kawit batalyon (mga tao na pumatay

sakanila). Si Mabini, kung sino ang kabilang sa mga nagluluksa, napansin ang isang madugong

palataw sa isa sa mga sundalo; gayunpaman, ang Kawit batalyon ay pinawalang-sala mula

noon.
Si Aguinaldo ay tumatanggi sa kanyang paglahok sa pagpatay; Kinikilala niya si Antonio

Luna bilang kanyang pinaka makinang at pinaka may kakayahan pangkalahatan. Si MacArthur

at si Otis ay kinikilala si Luna bilang isang kaaway, at tinatawanan ang mga katotohanan na ang

mga Pilipino ang pumatay sa tanging tunay na kanilang heneral.

Ang pelikulang Heneral Luna ay ipinalabas noong 2015 sa kadahilanang nais ipakita ang

mga totoo at lihim na nangyari sa kasaysayan ng Pilipinas. Isinagawa ang pelikula sa masusing

pangangalap ng inpormasyon sa iba't ibang Historians, mga taong may wastong kaalaman ukol

dito, mga libro, at iba pang mga ebidensya na siyamg sumusuporta sa totoong pangyayari sa

nakaraan. Dahil dito, naging makatotohanan ang pelikula sapagkat may basehan ang

pagkakagawa nito. Dahil na nga sa isang malaking pangyayari ito na bahagi ng kasaysayan ng

bansa, napukaw nito ang interes ng madla. Naging interesado ang lahat sa kwentong ito

sapagkat marami itong ibinunyag na hindi alam ng karamihan. Marami itong mga isiniwalat na

mga totoong pangyayari na tila ba tinakpan o itinago sa kaalaman ng mga Pilipino kaya ganun

na lamang napukaw ng pelikulang ito ang isipan ng mga tao. Sa kabuuan, ang pelikulang ito ay

talagang nagsiwalat ng mga impormasyong nararapat malaman ng lahat sapagkat nilalayon

nitong mapag dugtong dugtong ang bawat pangyayari sa nakataan nang sa gayon ay

maunawaan kung bakit at ano ang mayroon sa kasalukuyan.

II. Tema at tono

Ang pelikula ay nagpapakita ng mga makatotohanang pangyayari sa lipunan. Nais

nitong magbigay impormasyon sa maraming tao ukol sa kung ano ang mga malalagim na

nangyari sa kasaysayan na itinago at ipinagkait na malaman ng mga Pilipino. Nais nitong

buksang ang isipan lalo na ng mga Pilipino ukol sa anumalyang naganap noon na

magpahanggang ngayon ay patuloy paring nagaganap. Dagdag pa rito, layunin din ng pelikula
na ipakita kung gaano kakisig at katapang ang mga bayani ng Pilipinas na walang takot nilang

hinarap at ipinaglaban na makamit ang soberanya ng bansa laban sa mga Amerikano.

Gayundin, sa pamamagitan ng pelikula na ito, maipagtatagpi tagpi ang mga pinagmulan o

bahagi ng kasaysayan na siyang mas magbibigay linaw sa mga nangyayari sa kasaluluyan at

siya ring maaaring magbigay ng kalutasan o sagot sa iba pang problemang kinakaharap

ngayon. Sa kabuuan, ang layunin ng pelikula ay magbigay kaalaman at magbukas ng isipan sa

madla ng sa gayon maging maaalam sa kasaysayan.

III. Pag-arte ng mga tauhan

Ang Heneral Luna ay pinagbidahan ni John Arcilla kung saan ipinamalas niya ang

kaniyang kagalingan sa pag-arte. Bagay na bagay lamang sakaniya ang karakter ni Heneral

Luna sapagkat mahusay ang kaniyang pagganap rito at makatotohanan pa. Ipinakita niya kung

gaano katapang, kakisig at kung gaano niya kamahal ang kaniyang bayan. Gayundin, ipinakita

rin kung paano mamuno si Heneral Luna noon kung saan siya talaga ay may tinataglay na

pagka awtoridad na talaga nga namang sinusunod ng marami. Sinasabi rin na si Heneral Luna

ay nagtataglay ng complex na karakter sapagkat sa kabila ng kaniyang pagiging matapang,

mainitin ang ulo, at tigasin, siya parin ay nagtataglay ng kabutihang loob at pagkamalumanay

sa tuwing kausap nya ang kaniyang ina. Mararamdam ang kaniyang pagkamabuting anak at

kapatid sa kaniyang pamilya. Katulad din ni Heneral Luna, isa pa sa mga nagpapakita ng

pagiging complex na karakter ay si Presidente Emilio Aguinaldo na ginampanan naman ni Mon

Confiado. Sa una ay aakalain mong kakampi siya ngunit siya naman ang nagpapatay kay

Heneral Luna. Gayunpaman, mahusay rin na nagpamalas ng galing sa pagarte si Mon Confiado

sapagkat nakikita sa kaniyang arte ang galaw o ang postura ng isang pagiging presidente.

Naging linear naman ang karakter nina Eduardo Rusca at Paco Roman na siyang ginampanan
nina Archie Alemania at Joem Bascon. Sapagkat una pa lamang nagpakita na sila ng pagiging

matapat na tauhan ni Heneral Luna hanggang sa pagtatapos ng kwento. Marami pang mga

tauhan ang nagpapakita ng complex na karakter, tulad na lamang nina Isabel, ina ni Heneral

Luna, at ang mga naging kaaway ni Heneral Luna. Dagdag pa rito, hindi nakakabagot ang

kwento sapagkat naglagay din ito ng kaunting mga piksyunal na karakter na siyang naka

ambag rin sa pagpapaganda ng pelikula. Sa kabuuan, maayos ang pagkakaganap ng bawat isa

sa kani-kaniyang karakter na kanilang ginampanan. Talagang isinangkatauhan nila ang bawat

karakter at makikita talaga kung ano ang mga asal o ugali ng bawat karakter. Masasabing

maayos at nabigyan ng hustisya ang mga pagganap sa mga karakter sa pelikula.

IV. Direksyon

Mahusay na ipinakita ni Jerold Tarog ang kwento o ang lihim na mga kaganapan sa

kasaysayan. Naipakita ng maayos ang mga pangyayari. Talagang pinagisipan, pinag gastusan

at pinag planuhan itong gawin. Ngunit, sa sobrang ganda at nais pang may malaman na mga

kaganapan, tila kulang ang halos dalawang oras upang mailahad ang mga pangyayari. Mahusay

rin ang pagkakalahad ng suliranin ng pelikula dahil makikita talaga dito ang mga pangyayaring

lingid sa kaalaman ng mga Pilipino. Maeaming natuklasan at lihim na nabunyag ng dahil sa

pelikula. Walang takot niya itong ipinakita sa lahat. Dagdag pa rito, naging maayos din ang bilis

o takbo ng pelikula ngunit tila ba, kulang parin ang halos dalawang oras sapagkat masyadong

maganda at maraming naibigay na impormasyon ang pelikula kaya naman mas nanaisin pa na

mas mahaba pa ito. Sa kabuuan, ipinakita ng direkto ng maayos at malinaw ang mga

pangyayari. Naipakita niya sa malinaw at simpleng paraan na mas maiintindihan ng lahat.

V. Score/Paglalapat ng tunog
Pagdating naman sa Paglalapat ng tunog, maraming mga inilagay dito katulad na

lamang ang tunog ng barilan at mga pagsabog na naganap. Maayos naman itong nailagay o

nailapat kaso nga lang sa ibang bahagi ng eksena ay hindi nagtutugma ang bawat tunog ng

pagsabog at pagbabarilan sa aksyon ng karakter. Minsan may mga hindi nagtutugma.

Gayunpaman, sa ibang eksena naman, maayos o akma nag ginamit na tunog na nagpapakita

talaga ngang makaluma na ang mga eksena. Gumamit ng mga malumanay na tunog o musika

na siyang angkop sa mood ng eksena at mas nakaka ambag sa pagiging makatotohanan ng

pangyayari. Naging maayos rin ang iba pang eksena na nilagyan ng tunog o musika sapagkat

mas nakapagpaganda ito at nakadagdag sa emosyon na nais ipakita sa isang eksena.

VI. Sinematograpiya

May mga eksena sa pelikula na hindi gaano kaganda ang mga kuha at hindi rin gaano

kapanipaniwala. May mga eksena kung saan nakikipag barilan ang mga sundalo ngunit tila ba

parang hindi gaano nararamdaman ang totoong pakikipag barilan dahil hindi gaanong tama ang

anggulo ng kamera. May ilan din na eksena na imbes na makita ang emosyon ng nagsasalita ay

iba naman ang kinukunan na anggulo ng kamera kaya tila bang hindi gaano nadama o nakita

ang emosyon na nais na ipinaoamalas ng karakter o tauhan. May mga anggulo rin na

masyadong malayo kaya hindi gaano nakita ang nangyayari. Medyo kulang lamang sa

magaganda at maayos na kuha o anggulo ng kamera. Kung ilaw naman ang paguusapan,

maayos naman ito kung saan kahit na gabina ay mayroon pa rin itong tamang liwanag na

makikita pa rin ang mga tauhan. Sa madaling salita, sapat lamang ang pagkaka gamit ng ilaw.

Hindi gaano kaliwanag at hindi rin gaano kadilim. Gayunpaman, kahit na may mga eksena na

hindi maayos ang pagkakakuha, mayroon pa rin na magagandang kuha kung saan naka ambag
rin ito sa pagpapaganda ng pelikula at maayos din nito na naipakita ang pinaka pangunahing

mensahe ng pelikula.

VII. Production design

Makikita sa setting ng pelikula na parang nangyari nga ito noong matagal ng panahon

dahil na nga sa puro pa kabundukan at simple lamang ang pamumuhay ng mga tao. Naipalota

rin nito kung gaano ka simple o payak lamang ang mga kagamitan o lugar sa loob ng opisina.

Maayos at talagang makikita na makaluma nga ang pangyayari noong nagkaroon ng

pagpupulong ang gabinete. Sapagkat hindi tulad ngayon na kapag mayroong pagpupulong,

masyadong magaganda at hi-tec na mga kagamitan ang makikita sa pinagdarausan ng

pagpupulong. Pero noon, makikita dito na hindi pa o wala pa gaanong mga kasama hi-tec o

mga sosyal na gamit. Dagdag pa rito, ang iba ring mga bahay o gusali na makikita sa pelikula

ay masasabing makatotohanan talaga sapagkat gumamit ng mga lumang tirahan o lugar.

Ngunit ang hindi lamang gaanong kapanipaniwalang mga setting ay ang pakikipaglaban ng mga

sundalong Pilipino sa mga Amerikano sapagkat tila hindi ito makatotohanan dahil parang kulang

o basta basta na lamang pinakita ang pagbabarilan. Hindi gaano maayos ang kuta ng mga

Pilipino na para bang isang harang lang ang nagpoprotekta sa kanila. Tila hindi gaano

kapanipaniwala ito dahil napakaliit ng harang nila at hindi naman sila gaano natatamaan ng

bala. Kung susuriin ng mabuti parang napaka imposible ng ganitong pangyayari.

VIII. Special effects

May mga putok ng baril at pagsabog na hindi akma sa nagaganap na pag arte o sa

nagaganap na aksyon sa isang eksena. Mayroon ring hindi kapanipaniwalang mga special

effects na ginamit. Para bang nasobrahan at mali ang pagkakagamit sa ilang eksena rito.

Gayunpaman, hindi pa rin mawawalanang mga eksena na may sapat na special effects na
nakatulong sa pagpapaganda ng pelikula. Nakatulong din ito upang mas mapaganda at

maipakita ng maayos kung ano ang nais ipabatid ng isang eksena.

IX. Editing

Malinis naman ang pagkaka edit ng pelikula kung saan maayos ang naging transition

nito. Maayos ang pagkaka dugtong dugtong ng mga eksena kaya naman tuloy tuloy lamang

ang panonood dito. Dagdag pa rito, maayos ang pagkaka edit ng pelikula sapagkat malinaw na

naipakita ang bawat eksena na naglalaman ng mga pangyayaring nais ipabatid ng pelikula. Sa

madaling sabi, maayos ang pagkaka gawa sa kabuuan ng pelikula dahil hindi nagkaroon ng

anumalya o pangit na pag papalit o ang flow ng mga pangyayari.

X. Script/Usapan/Dialogue

Napakaraming matatalinhagang mga sinabi ang mga tauhan na siyang tumatak sa isipan

ng mga manonood. Lalong lalo na ang mga sinabi ni Heneral Luna ukol sa pagmamahal sa

bayan. Ang mga salitang binitawan ni Heneral Luna ay talagang napakalalim at talagang

mahahalata rito ang kaniyang pagiging hindi makasarili. Ang mga salita ni Heneral Luna ay

talagang naaayon lamang sa kung anong ugali ang kaniyang tinataglay. Dagdag pa rito, ang

paraan ng kaniyang pagsasalita ay halos laging galit, sapagkat talaga nga namang mainitin ang

kaniyang ulo kaya naman marami ang takot sakaniya na siyang akma naman talaga sa

kaniyang karakter. Mahahalata rin na sa bawat usapan ng mga tauhan sa pelikula, gumamit sila

ng malalim na tagalog dahil iyon ay matagal ng panahon na nangyari. Gumamit din sila ng

wikang Ingles kung saan makikita dito na iyon ay panahon ng pananakop ng Amerikano. Sa

katunayan, naging mabisa ang script ng pelikula sa kadahilanang magaganda ang mayroong

laman ang mga binibitawang mga salita. Maging ang bawat usapan ay talaga nga namang

nakaka hindik at ngbibigay kaalaman sa mga taga panood. Maayos ang pagkaka gawa ng script
dahil naipakita dito ang mga plano, usapan, mga lihim na ginagawa ng mga karakter. Malinaw

na naipakita sa mga usapan ng tauhan mag mga pangyayaring nakatago at nais isiwalat ng

direktor.
KIDNAP (2017)

I. Banghay

Si Karla Dyson, isang waitress sa isang restawran, ay namumuhay ng masaya at payak

kasama ang kanyang nagiisang anak na si Frankie. Nakatuon lamang ang kaniyang buhay sa

pagpapalaki ng kanyang anak. Bilang isang single mother, ginagawa niya ang lahat ng kaniyang

makakaya mabigyan lamang ng maayos na buhay si Frankie sa kabila ng pagkakaroon ng

problema sa pagitan niya at ng kaniyang asawa kung kaninong kustodiya mapupunta ang

kanilang anak. Isang araw, pinasyal ni Karla ang kaniyang anak na si Frankie sa isang karnabal.

Habang sila ay namamasyal at naglilibot sa karnabal, pansamantalang iniwan ni Karla ang

kaniyang anak upanh sagutin ang isang importanteng tawag mula sa kaniyang abogado.

Subalit, matapos sagutin ang tawag, sakaniyang pagbalik, nawawala na ang kaniyang anak at

naiwan nito ang kaniyang voice recorder na laruan. Nilibot niya ang karnabal upang hanapin

ang anak. Nagtanong tanong siya at humingi din ng tulong sa iba. Habang hinahanap ang

kaniyang anak, nakita niya ang isang babae na marahas na dinala si Frankie at isinakay sa

isang berdeng Ford mustang na sasakyan. Dali-dali niya itong hinabol, dahil dito, naiwan niya

ang kanyang telepono habang pilit na pinipigilan ang sasakyan. Ngunit wala siyang nagawa at

tuluyan ng naka alis ang sasakyan. Kaya naman, dali-dali siyang sumakay sa kaniyang sasakyan

at hinabol ang sasakyang dumukot sa kaniyang anak. Pinatakbo niya ng mabilis ang kaniyang

sasakyan at wala nang pakialam sa maaaring mangyari. Marami ng natamong gasgas ang

kaniyang sasakyan at marami na ring ibang sasakyan ang nadamay sa patuloy na paghabol at

pagtugis nya sa mga kumuha ng kaniyang anak ngunit hindi ito alintana sa kaniya. Nang tumigil

ang sasakyang may dala ng kaniyang anak, siya ay nakipagkasundo dito at ibinigay ang

kaniyang pitaka. Nakipagkasundo rin ang babaeng dumukot sa kaniyang anak na sasakay ito sa

kanyang sasakyan upang mailigtas ang kaniyang anak. Ngunit, habang sinusunod nila ang
sasakyan kung nasaan nakasakay si Frankie, ang babaeng kasabwat sa pag kidnap kay Frankie

ay pilit na sinaktan at nagtangkang patayin si Karla. Kaya naman, nanlaban si Karla at kaniyang

inihulog sa sasakyang ang babaeng kasabwat sa pagdukot sa kaniyang anak. Dahil dito, patuloy

parin niyamg sinundan ang sasakyang lulan si Frankie. Habang sinusundan niya ito, napagtanto

ng lalaking kumidnap kay Frankie na hindi na nakasakay sa sasakyan ang kaniyang

kasamahang babae, kaya naman pinaharurot niya muli ang sasakyan dahilan para mas pabilisin

ni Karla ang takbo ng kaniyang sasakyan. Habang nasa kalagitnaan ng kanilang habulan,

naubusan ng gas ang sasakyan ni Karla, kaya naman humingi siya ng tulong sa isang lalaking

dumaan na may sasakyan. Ngunit, sa kasamaang palad, sila ay pinagbabaril nito. Pero

nanlaban si Karla at kaniyang napatay ang lalaking kumuha sa kaniyang anak. Ngunit, hindi

niya alam kung saan nito dinala si Frankie. Nakita niya ang lugar kung saan nakatira ang

kidnapper kaya naman pinuntahan ni Karla ang bahay nito. Nang siya ay makarating sa bahay

nito, napagtanto niya na magasawa pala ang kumuha sa kaniyang anak. Hinanap nito si Frankie

sa bahay ng kidnapper at nakita niya itong nakatago sa isang bahagi ng bahay kasama ang

dalawa pang batang babae. Itinakas ni Karla ang kaniyang anak, ngunit sa kasamaang palad

nakita sila ng babaeng kumuha sa bata kaya naman sila ay naghabulan. Nakipaglaban si Karla

at kaniyang napatay ang babae. Agad namang binalikan ni Karla at ng kaniyang anak ang

dalawa pang bata na naiwan. Habang tinutulungan ni Karla na pababain ang dalawang bata na

nakatago sa itaas, may isang lalaki na dumating at nagpanggap na siya ay mabait at kakampi.

Subalit napagtanto ni Frankie na ito lamang ay nagpapanggap kaya naman kaniya itong

pinukpok ng pala. Dahil dito, tuluyan niya nang nailigtas ang kaniyang anak na si Frankie at

dalawa pang batang babae.

Ang Kidnap ay isang 2017 na pelikula kung saan ito ay nagpapakita ng kwento ng isang

babaeng waitress na kinidnap ang kanyang anim na taong gulang anak. Sinimulang gawin ang
pelikula noong ika-27 ng Oktubre taong 2014 at natapos noong ika-7 ng Disyembre ng

parehong taon. Kinuha ang pelikula sa Slidell isang syudad sa Amerika.

Naging kapani-paniwala naman ang mga pangyayari sa kwento maliban na lamang sa

bahaging pinakita na malapit nang maubusan ng gas ang sasakyan ni Karla ngunit patuloy parin

ito sa pag andar. Malayo na ang binyahe nito ngunit pinapakita lamang na paubos na. Tila ba'y

hindi ito nauubos. Sobrang layo na ang natakbo ng kanyang sasakyan bago tuluyang maubos

ito. Dagdag pa rito, kung titingnang mabuti, kung ang ibang sasakyan na nabunggo at

nakatama kung saan saan, hindi na ito aandar nag mabilis. Ngunit sa pelikula, tila hindi nasisira

ang mga sasakyang ginamit kahit na saan-saan na ito nabunggo.

Kung paguusapan naman ang kabuuan ng kwento, maganda naman ito. Tila halos

buong bahagi ng kwento ay mayroong suspense lalo na sa mga eksenang naghahabulan.

Maganda ang kwento at talaga nga namang makakahikayat ng mga manonood na panoorin ito.

Maging ang setting ng kwento ay epektibo rin sapagkat nagpapakita ito ng mga lugar ba akma

sa eksena. Simula sa pagkawala ng bata sa isang karnabal hanggang sa maghabulan kahit saan

si Karla at ang mga kumidnap sa kaniyang anak. Sa kabuuan, epektibo at maganda naman ang

kwento ng pelikula.

II. Tema at tono

Ang pangunahing layunin ng pelikulang ito ay magbigay kamalayan sa madla.

Nagpapakita ito ng mga maaring mangyari ng dahil sa kapabayaan o maging kahit na hindi ka

nagpabaya, may mga masasamang tao parin na nagkalat sa paligid. Nais na ipakita dito ang

pagiging maingat at pagiging alerto sa paligid dahil hindi natin alam na sa kahit anong oras at

kahit saang lugar may nag babadyang peligro. Sa katunayan, epektibo naman ang tema at tono

ng pelikula sakapagkat ipinakita naman dito ang mga maaaring mangyari tuwing may kinidnap.
Bilang isang manonood, ako ay naimpluwensayahan o naapektuhan ng pelikula sapagkat ang

isyung ito ay napapanahon at hindi agad agad nawawala sa lipunan. Napakaraming bata ang

nawawala o kinukuna ng mga masasamang loob lalong lalo na sa Pilipinas. Kaya nararapat

lamang na maging maingat ang lahat lalong lalo na ang mga magulang. Nararapat na nas

bantayan pang maigi ang kanilang mga anak at huwag na huwag itong papabayaan. Ang mga

masasamang loob ay nasa paligid lamang, wala itong pinipiling tao, lugar at/o oras kaya dapat

maging alerto at maging maingat ang bawat isa.

III. Pag-arte ng mga karakter

Ang pangunahing tauhan sa kwento ay si Karla kung saan siya ay isang ina na solo

lamang na pinapalaki ang kaniyang anak na si Frankie. Si Halle Berry ang gumanap bilang Karla

kung saan ipinamalas niya ang kaniyang galing sa pag arte. Makikita talaga sa kaniyang

karakter ang pagiging isang ina. Hindi lamang ordinaryong ina, kundi isang ina na hahamakin

ang lahat para sa kaniyang anak. Masasabi na ang karakter ni Karla ay isang stereotype

sapagkat nagpapakita sya ng mga karakter na talagang tinataglay ng isang ina; matapang,

iniisip ang kapakanan ng anak, mapagmahal, at higit sa lahat kayang mag sakripisyo alang

alang sa ikabubuti ng kanyang anak. Simula umpisa hanggang sa dulo makikita ang

pagmamahal at pag uugali ng isang ina kay Karla. Si Frankie naman na anak na Karla ay

ginampanan ni Sage Correa, makikita dito ang kaniyang pagganap ay naaayon naman sa

karakter ng tauhan sapagkat siya ay isang simple lamang na bata na mahilig maglaro. Bata na

walang kalaban laban kaya sinamantala ng mga masasamang loob. Nagtataglay ang karakter ni

Frankie ng isang stereotype na karakter dahil simula sa umpisa, ang kanyang karakter ay ganun

parin, isang simpleng bata na nagnanais makabalik sa nawalay niyang ina mula nang siya ay

kunin ng mga kidnapper. Maging sa karakter ng mga kidnapper, sila ay nagpapakita ng

stereotype na karakter sapagkat naging steady ang takbo ng karakter ng mga tauhan. Walang
nagbago ika nga. Umpisa pa lamang, alam na kung sino bida at kontrabida, alam na din agad

kung ano ang paguugali ng mga karakter. Simula hanggang sa pagtatapos, ganun parin ang

karakter ng mga tauhan, walang nabago. Sa aking pananaw, mas maganda siguro na ipinakita

ang tatay ni Frankie ng sa gayon mas mapapaganda pa at makakadagdag ng emosyon sa

pelikula. Nakatulong din ang karakter ng pulis na hiningian ng tulong ni Karla sapagkat ang

eksenang iyon ay mas nag udyok sa kaniya na siya na mismo ang humabol at humanap sa

kumuha ng kaniyang anak. Para saakin may mga karakter din na hindi gaanong nakatulong sa

pelikula, yun ay ang mga taong pinakiusapan ni Karla na tumawag ng 911. Sapagkat

napakarami niyang tao na hiningian ng tulong pero ni hindi pinakita sa pelikula kung ano ba

ang nangyari sa mga taong iyon kung tumawag nga ba ng pulis o hindi.

IV. Direksyon

Ang pelikulang Kidnap ay pinangunahan sa direksyon ni Luis Prieto. Ipinakita ng direktor

ng pelikula ang kwento sa pamamagitan ng pagpapakita ng buong pangyayari na naganap sa

isang araw lamang. Ang pelikulang ito ay hindi tulad ng ibang pelikula na nagpapaikli ng oras at

panahon kung saan maraming araw ang lumipas at oras na nagdaan. Hindi tulad ng pelikulang

ito na ang ipinakita ay pangyayari lamang sa isang araw o umikot lamang sa pagtugis ni Karla

sa mga kumuha sa kanyang anak. Dahil dito, tila nakulangan ako sa paraan ng paglutas ng

suliranin ng kwento , sapagkat puro lamang paghahabulan ng sasakyan ang naganap sa

kwento. Nakulangan ako sa paraan ng paglutas ng suliranin maging sa climax. Para saakin

kulang ang pagkakaroon ng interaksyon ng pangunahing tauhan sa mga kidnapper. Masyado

ring mabagal ang kwento sapagkat sa sobrang haba ng habulan o sa sobrang haba ng pagtugis

ni Karla at pagsunod sa sasakyan ng kidnapper, tila nabagot ako. Masyadong mahabang oras

ang inilaan sa pakikipaghabulan sa kidnapper. Dahil din dito, tila nahuhulaan na kung ano ang

mga susunod na mangyayari. Para saakin, hindi na gaanong nagdulot ng suspense ang pelikula.
Tila mga tunog na lamang ang nakakapagbigay ng suspense dito. Sa kabila nito, naging mabisa

ang pagpapakita ng conflict ng pelikula sapagkat una pa lamang ipinakita na ito. Una pa

lamang, nakuha na agad ang interes ng mga manonood upang mas panoorin pa ang mga

susunod na pangyayari, sa paraang ito naging epektibo ang direktor na ipakita conflict ng

pelikula.

V. Score/Paglalapat ng tunog

Sa usapin naman ng mga ginamit na tunog sa pelikula, masasabi na ito ay epektibo at

talagang nakatulong sa pagpapakita ng maayos ng bawat eksena. Naaangkop at

makatotohanan at higit sa lahat nakakadagdag sa emosyon ang paglalapat o ang mga ginamit

na tunog sa mga eksena. Dagdag pa rito, mas naging kapana-panabik ang mga eksenang

nilapatan ng naayong tunog tulad na lamang ang paghabol ni Karla sa sasakyan ng kumuha sa

kaniyang anak. Mas nakadagdag ito ng suspense sa pelikula kung saan mas naramdaman ng

mga manonood ang eksena. Maayos din ang pagkakalapat ng mga tunog sa mga aksidenteng

naganap tulad ng pag sabog ng sasakyan, pagkabundol ng sasakyan at ang pagkabaril sa taong

kumidnap kay Frankie. Sa kabuuan, maayos at angkop ang ginamit na mga tunog sa bawat

eksena.

VI. Sinematograpiya

Sa usapin ng sinematograpiya ng pelikula, naipakita naman ng maayos ang bawat

anggulo na nais makita sa isang eksena. Nakita ng maayos ang bawat emosyon ng mga tauhan

sa pelikula. Sa eksenang nagaawayan at nagpapatayan si Karla at ang babaeng kumidnap sa

kaniyang anak kung saan sila ay nasa ilalim ng tubig, para saakin ito ay nakuhanan ng maayos

na anggulo at naipakita talaga ang bawat paglublob at pag angat nila sa tubig. Mas naging

intense ang eksenan sapagkat bilang isang manonood, naramdaman ko at nakita ko ang bawat
perspektibo ng tauhan sa eksenang iyon. Maayos at maganda ang pagkakakuha ng eksenang

iyon dahil kahit na iyon ay gabi na, hindi naging madilim ang kuha. Sa eksena din kung saan

mas pinagtuunan ng pansin ng pelikula, ang pag habol ni Karla sa mga kumidnap sa kaniyang

anak, makikita dito ang bawat kuha sa emosyon ni Karla maging sa kalsada o ang bawat

pagtahak sa daan habang hinahabol nya ito. Sa kabuuan, maayos ang pagkakakuha ng mga

anggulo sa pelikula, naayos ng mabuti at akma ang pagkakakuha at pagkakagamit ng High

Angle Shot, Medium Shot at ng Low Angle Shot. Dagdag pa rito, tama lamang ang paggamit ng

ilaw sa bawat eksena, hindi gaanong madilim at hindi gaanong maliwanag. Sapat at akma

lamang ang paraan ng pagkuha ng mga eksena kung saan mas naipakita ng maayos ang bawat

emosyon dito.

VII. Production design

Kung paguusapan naman ang production design ng pelikula, masasabi naging angkop

naman ang setting nito sapagkat ang pelikula ay tungkol sa pagtugis at paghabol ni Karla sa

mga kumuha sa kaniyang anak, kaya karamihan sa eksena ay nagpapakita ng setting na

kalsada o sa daanan maging highway kung saan marami ring mga sasakyan ang dumadaan na

nakatulong upad mas maging epektibo at makatotohanan ang setting. Dagdag pa rito, angkop

o maayos din ang iba pang setting kung saan naipakita ang restawran na pinagtatrabahuhan ni

Karla, maging ang karnabal o parke kung saan nawala si Frankie. Kinuhaan ang mga eksena sa

totoong lugar kung saan makatotohanan at mas napaganda ang bawat eksena sa pelikula.

VIII. Special Effects

Naging maayos ang paggamit ng special effects sa pelikula. Hindi nagsobra at hindi

naman nagkulang, masasabing sapat lamang ang pagkakagamit nito at naaangkop sa pelikula.

Ang pelikula ay isang makatotohanan na pangyayari kaya naman hindi ito gaanong
nangangailangan ng mga special effects. Dahil na nga sa tamang timpla o gamit ng special

effects, mas napaganda nito ang pelikula at napanatili ang normal na daloy o mas naipakita ng

maayos ang tema ng kwento.

IX. Editing

Ngaing dire-diretso ang bawat paglipat o ang daloy ng eksena. Hindi nagkaroon man ng

mga dead air ang pelikula. Tuloy-tuloy ang mga eksena sa pelikula kung saan maayos ang

pagkaka edit nito. Masasabing malinis ang pagkaka edit at pagkaka tagpi tagpi o dugtong

dugtong ng pelikula. Dagdag pa rito, ang ang daloy ng pelikula ay naiintindihan ng mga

manonood sapagkat hindi nagkaroon ng pagkaka putol putol at magulong eksena. Sa kabuuan,

ang bawat transition na ipinakita ay maayos at malinis.

X. Script/Usapan/Dialogue

Kung paguusapan naman ang script o dialogue ng pelikula, ito naman ay maayos ta

akma. Naging kapani-paniwala naman ang usapan at pagpapalitan ng dayalogo ng mga tauhan

sa pelikula. Ang mga paguusap o script ay isang malaking elemento sa isang pelikula sapagkat

dito nakabase kung paano magiging epektibo ang kwentong nais ipabatid ng pelikula sa mga

manonood. Ngunit, sa pelikulang Kidnap, kakaunti lamang ang naging dayalogo o paguusap sa

pagitan ng mga tauhan kumpara sa ibang mga pelikula na panay usapan lamang ng mga

tauhan. Mas ginugol ang pelikula sa aksyon kumpara sa mga usapan o pagpapalitan ng

dayalogo ng mga tauhan. Para saakin, ako ay nakulangan sa interaksyon o pakikipagpalitan ng

dayalogo ng mga tauhan dahil ito ay nakatuon lamang sa paghahabulan o pagtugis ni Karla sa

mga kidnapper. Gayumpaman, maayos din namang naihayag ang mga dayalogo ng mga

karakter at naaayon naman ito sa kung ano ang katauhan o paguugaling taglay ng bawat
tauhan sa kwento. Akma din ang lenggwaheng ginamit sapagkat ito ay isang Hollywood film

kung saan ang wikang Ingles talaga ang ginagamit.


ANAK (2000)

I. Banghay

Ang kwento ay tubgkol kay Josie, isang ina at OFW na nag trabaho sa Hongkong bilang

isang domestic helper. Siya ay nag trabaho sa ibang bansa upang makapagpadala ng pera sa

kaniyang pamilya at matustusan ang pag-aaral ng kanilang mga anak maging ang

pangangailangan ng kanilang pamilya. Ginawa niya ang lahat ng pagsasakripisyo na mapalayo

sa kaniyang pamilya at tiniis rin ang pasakit ng kaniyang mga amo at ang kanyang pagnanais

na makasama niya ang kaniyang mga anak sa paglaki. Pagkaraan ng ilang taon, nagpasiya siya

na umuwi na lamang sa Pilipinas at mag negosyo na lamang. Sa kaniyang pagnabalik, hinarap

niya ang mapait na salubong ng kaniyang mga anak. Si Daday, ang kaniyang bunso ay hindi

siya kilala, si Michael ay wala masyadong kibo at tahimik lamang at si Carla naman ay hindi siya

nito iginagalang. Sa paglipas ng mga araw, lahat ng hirap ay kaniyang tiniis upang makuha

lamang ang atensyon ng kaniyang mga anak. Nakita niya ang mga bisyo at karanasan ni Carla

tulad ng paghihithit ng rugby, paninigarilyo, pagpapa tattoo, panlalalaki, at pagpapalaglag ng

bata. Dagdag pa rito, ang kaniyang matalinong anak naman na si Michael ay nawalan ng

scholarship. Maging ang kaniyang ipinundar na taxi ay nabangga at ang isa niya naman kasosyo

sa negosyo ay tinakbuhan siya dahil nagasta nito ang pera na ibinahagi niya.

Hindi maitatanggi na nagkaroon ng maraming pagkukulang si Josie sa kaniyang mga

anak na siyang nagtulak nito sa pagrerebelde ni Carla. Ngunit sa paglipas ng panahon,

naintindhan rin ni Carla ang kaniyang ina na mahal na mahal sila kahit na ito ay nasa malain.

Dahil sa pangyayaring iyon ay nagbalik-loob si Carla sa kanyang ina at nagpakatino na siya

bilang anak at nakatatandang kapatid na siyang gagabay sa mga bata niyang kapatid sa muling

pag-alis ng ina.
Ang pelikulang “Anak” ay ipinalabas noong 2000 kung saan marami sa pamilyang

Pilipino ang nakakaranas ng ganitong kwento kung saan ang mga magulang ay nangingibang

bansa upang makipag sapalaran para lamang maibigay sa kanilang mga anak ang maayos at

magandang buhay. Dagdag pa rito, masasabing simple at pangkaraniwan ang pelikula ngunit

ito ay maganda at mahusay dahil napukaw nito ang interes at emosyon ng mga manonood

dahil sa matitinding emosyon at mensahe na nais iparating ng pelikula.

II. Tema at tono

Ang pelikulang ito ay nagpapakita kung ano ang hirap ng mga magulang lalong lalo na

ang mga Pilipinong nakikipag sapalaran sa ibang bansa nang sa gayon ay mabigyan ng

magandang buhay ang pamilya. Ito ay nagsisilbing inspirasyon sa bawat magulang na maging

matatag para lamang sa pamilya. Maging sa mga anak, makikita rin dito ang mga maaaring

epekto ng pagkakaroon ng OFW na magulang. Sa pamamagitan ng pelikulang ito,

nanghihikayat ito para sa mga pamilya na may kaparehong sitwasyon na mas buksan at

lawakan pa ang pag-unawa lalo na sa mga anak na intindihin ang kanilang sitwasyon lalo na’t

nagpapakahirap ang kanilang mga magulang sa ibang bansa. Nais nitong ipakita sa mga anak

ng OFW na mas unawain nilanang kanilang magulang at huwag na huwag magtatanim ng sama

ng loob dahil ginawa lamang ito ng kanilang magulang para lamang sa kanilang ikabubuti.

Dagdag pa rito nais rin ng pelikula na makapag pukaw sa damdamin ng mga manonood na

kahit ano mang hirap o problema ang dumating sa kanila, iyon ay isang pagsubok lamang na

kayang lampasan. Maging matatag sa buhay at huwag masyado magpapadala sa problema.

III. Pag-arte ng mga karakter

Ang gumanap bilang bida o ina sa pelikula ay si Vilma Santos. Ipinakita niya kung gaano

katatag ang kanyang karakter at kung paano at ano siya bilang ina. Mahusay ang pagkaka
ganap niya dito dahil naibigay nya ang mga emosyon lalong lalo na ang mabibigat na emosyon

ng karakter. Makikita sa kanyang pag-arte kung gaano kahirap ang kaniyang mga pinagdaanan

para lamang sa kaniyang mga anak. Si Claudine Barreto naman ang gumanap bilang panganay

na anak ni Josie, kung saan mahusay na ginampanan ni Claudine ang karakter ni Carla. Sa

husay ng pagganap ni Claudine talagang maiinis ka sa ugaling kaniyang ipinapakita sa kaniyang

ina maging sa ibang tao sapagkat siya ay nagrerebelde at pinaglalaruan lamang ang damdmin

ng ibang lalaki. Si Baron Geisler naman ang gumanap bilang anak ni Josie na matalino kaya

ngunit nawalan ng skolar. Tahimik lamang ito at siya rin ang mabait na anak sa kaniyang

nanay. Maayos din ang pagganap sa karakter ng bunsong anak ni Josie dahil nagpapakita

talaga ito kung paano ang ugali ng isang bata na naiwan ng kaniyang ina, kung saan medyo

malayo ang loob nito at hindi niya kilala nag kaniyang ina. Sila Cherrie Pie Picache naman at

Amy Austria ang mga matalik na kaibigan ni Josie sa Hongkong na mga kapwa OFW. Sa

kabuuan, mahusay ang pagganap ng mga karakter sa pelikula sapagkat naipakita nila ang ugali

ng bawat tauhan na kanilang ginagampanan. Naipakita nag emosyon maging ang mensahe ng

eksena. Maraming mga karakter ang mayroong stereotype na karakter tulad ni Josie na simula

sa una hanggang huli, pinapairal ang kaniyang pagmamahal sa pamilya lalong lalo na nag mga

anak. Si Brian naman na kasintahan ni Carla ay talagang nagpapakita rin kung gaano nya

kamahal si Carla. Si Mercy rin ay nanatiling kaibigan ni Josie hanggang sa huli. Ang complex na

mga karakter naman ay ang mga anak ni Josie na sa una ay malayo ang loob nigo sa kaniya

ngunit sa huli ay nagka buklod buklod parin sila. Lalong lalo na si Carla, sa una ay nagrerebelde

ito pero sa huli ay naintindhan niya rin ang sakripisyo ng kanilang ina. Dagdag pa rito, ang

kaibigan rin ni Josie na si Lyn ay sa una ay matalik silang magkakaibigan ngunit di sukat akalain

ni Josie na ang taong pinagkatiwalaan niya ay itatakbo lamang ang kaniyang perang inipon. Sa

kabuuan, lahat ng karakter ay maayos at mahusay na ginampanan ang mga tauhan sa kwento.
Lahat rin na mga tauhan ay may kani-kaniyang gampanin sa pelikula na nag ambag sa

pagpapaganda ng pelikula.

IV. Direksyon

Ang pelikulang Anak ay ipinalabas noong taong 2000 sa direksyon ni Rory B. Quintos.

Mabisang ipinakita nt direktor ang kwento o ang mensahe na nais iparating ng pelikula.

Malinaw nitong nailahad ang mga suliranin sa pelikula kung saan una pa lamang ay alam na

kung ano ang pinupunto o ang pangunahing kwento ng pelikula, dahil dito masasabi itong

straightforward na pelikula dahil naging malinaw ang takbo ng pelikula. Mabisa rin ang

pagkakaroon ng mga hindi inaasahang mga pangyayari, tulad na lamang ng pag tatraydor ng

kaibigan ni Jose sakanya. Ipinakita rin ng direktor ang mga kaganapan o ang mga pangyayari

sa isang tipikal na pamilya kung saan dahil sa kahirapan ay nangingibang bansa upang

matustusan ang mga pangangailangan ng pamilya. Masasabing mabisa ang pagkakalatag ng

mga pangyayari sa pelikula dahil bawat eksena ay nagdudulot ng saya, lungkot at iba pang

emosyon sa mga manonood. Nasa tamang bilis din ang takbo ng kwento kung saan hindi ito

mabilis at hindi rin ito mabagal kaya naman nananamnam ng mga manonood ang bawat

eksena nito. Sa kabuuan, mahusay na isinagawa ang pag didirehe sa pelikula. Maayos ang

direksyon nito at nailabas ang mga emosyon at naipakita ng maayos ang mensahe ng pelikula.

V. Score/Paglalapat ng tunog

Sa ganitong klase ng pelikula nangangailangan ito ng tunog upang mas madama o mas

maantig ng damdamin ng mga manonood na siya namang mayroon ang pelikula. Nilapatan ito

ng mga tunog o musika na siyang mas nakadagdag sa emosyon sa bawat eksena. Dagdag pa

rito may mga tugtog o kanta rin ang mga bida na siyang ngpasigla naman sa isang eksena at

sya ring nagdadala o nagbibigay ng masasayang alaala sa kanilang pamilya. Sa kabuuan, ang
mga sumisingit na mga musika sa mga emosyonal na parte ng kwento ay mashinihila nito ang

mga manonood na umiyak sa o maging emotional rin kagaya ng nanood sa pelikula. Sa

madaling sabi, epektibo at akma ang mga ginamit na tugtog musika sa pelikula.

VI. Sinematograpiya

Kung titingnan ang sinematograpiya ng pelikula, masasabi na maganda at maayos ang

pagkakakuha ng bawat eksena. Akma ang pagkakakuha o ang posisyon ng kamera dahil

malinaw ang bawat eksenang nagaganap at talagang nararamdaman ang mga pangyayari sa

bawat eksena. Gumamit din ng realistikong pamamaraan ng pag anggulo ng kamera. Tugma rin

o sapat rin ang liwanag o ilaw sa mga eksena kung saan malinaw ang bawat pangyayari. Sapat

lamang ang timpla ng ilaw sa bawat kuha na siyang akma din sa anggulo ng kamera. Dagdag

pa rito, sumusunod rin sa galaw ng tauhan ang kamera kung saan mas nabibigyang diin nito

ang galaw ng tauhan na siyang mas nararamdaman ng mga manonood ang pangyayari.

Mahusay din ang mga kuha lalo na kung iiyak ng tauhan dahil gumamit ng close up shot kung

saan kitang kita mismo ang emosyon ng tauhan maging ang pagtulo ng mga luha nito.

Mahusay ang pagkuha ng mga eksenang umiiyak at nag aaway away ang mga tauhan sapagkat

well framed ang mga itonkaya kitang kita talaga ang mga emosyon maging ang mga galaw ng

mga tauhan sa pelikula. Sa kabuuan, maayos ang pagkakakuha ng bawat eksena, akma ang

mga anggulo, well framed ang mga tauhan at sapat at tama lamang ang pagkaka gamit ng

ilaw.

VII. Production design

Kung titingnan naman ang setting ng pelikula, makikita dito na karamihan sa mga

eksena dito ay kinuha sa loob ng bahay. Halos lahat ng sagutan, iyakan, at pagmamahalan ay

sa loob ng bahay na siyang akma naman sa kwento. Dahil ang pelikulang ito ay umiikot sa
pamilya. Pamilya na siyang nagkaka buklod buklod at binuo sa tahanan. Ang mga kasuotan rin

ng mga tao ay simple lamang dahil hindi naman kailangan ng magarbong damit dahil payak

lamang ang pamumuhay ng mga tauhan. Gayundin ang mga kagamitan sa tahanan ay ang mga

tipikal na bagay na makikita sa isang ordinaryong bahay. Ang iba pang setting ng pelikula ay

masasabi namang akma lamang sa bawat eksena na pinapakita. Makikita dito ang paaralan,

bar, pamilihan at iba na siya namang mas nagpapatotohanan sa isang eksena.

VIII. Special effects

Kakaunti lamang o hindi gaano kailangan ng special effects ang pelikulang ito sapagkat

hindi naman ito tulad ng ibang pelikula na sci-fi, kartun, aksyon, o iba oang genre ng pelikula

na malaki ang pangangailangan sa special effects. Sa katunayan, kaunti lamang ang papel ng

special effects sa pelikulang ito. Gayunpaman, maganda parin ang naging kalabasan ng pelikula

sapagkat hindi ito gumamit ng gaanong special effects kaya naman mas naging makatotohanan

ang pelikula

IX. Editing

Maayos at mahusay ang pagkaka edit ng pelikula dahil naging dirediretso ang takbo

nito. Hindi naging magulo o chappy ang mga eksena. Maayos din ang transition ng bawat

eksena kung saan malinaw ito at hindi nagdulot ng pagkalito sa mga manonood. Dagdag pa

rito, naging akma ang pagtatagpi tagpi ng mga eksena dahil sunod sunod o magkakarugtong

talaga ang mga pangyayari na siyang nagbibigay kalinawan sa mga kaganapan sa kwento. Sa

kabuuan, ang pagkakadugtong ng mga kinunang eksena ay maayos at akma sa mga eksena o

pangyayari na siyang nagpaganda at mas naging malinaw intindihin sa mga manonood.

X. Script/Usapan/Dialogue
Makikita rito na marami ring hindi gaanong magagandang salita ang binitawan ng mga

karakter lalong lalo na ang mga pagmumura. Kung iisiping mabuti, masama ito, ngunit mas

napaigting nito ang emosyon ng karakter sapagkat mas lumabas dito ang galit o inis ng

nagsasabing karakter. Sa pamamagitan ng mga pagmumurang iyon, mas lalong naramdaman

ang bawat eksena. Dagdag pa rito, ang mga dialogue o sinabi ng bawat karakter ay naaayon

mismo sa kanilang katauhan. Halimbawa nito si Josie, ang kanyang mga dialogue ay

mapapansin talaga ang kanyang pagiging ina dahil sa pangangaral nito sa kaniyang mga anak,

ang kaniyang pagiging mapagmahal na ina at maging mabuting kaibigan. Si Carla din

mapapansin sa kaniyang mga salita ang galit niya sa kaniyang ina maging ang kaniyang pagka

walang respeto o galang. Mapapansin din sa kaniyang mga salita ang pagiging bastos at walang

pakialam sa damdamin ng iba. Sa kabuuan, akma ang mga dialogue o skrip sa bawat tauhan sa

pelikula. Dagdag pa rito, mahusay ang pagkakagawa ng kabuuang skrip sapagkat nailahad ang

mga nais o damdamin ng mga karakter at mas naipahatid sa mga manonood ang mensahe ng

pelikula.

You might also like