You are on page 1of 2

Pangalan: ABUAN, Chazhey Billie I.

Kurso at Taon: BS ABE - III

I. Panimula
Sa panimula, kinakailangang banggitin ang pamagat ng pelikula, sumulat ng pelikula, director, at iba
pang nasa likod ng paggawa ng pelikula. Maaaring idagdag sa panimula kung ang pelikula ay halaw sa
isang nobela o kaya ay sa totoong buhay. Ilagay sa bahaging ito kung ano sa palagay mo ang layunin ng
pelikula.
- Ang layunin ng pelikulang On the Job ay upang mabigyang pansin ang sistemang ating ginagalawan sa
kasalukuyan. Ito ay nagtatanggal ng maskara sa nagtatagong dungis ng lipunan.
II. Pamagat
Ano ang ipinahihiwatig ng pamagat ng pelikula? May mensahe kaya itong ipinahihiwatig?
- Sa asking pananaw ang pamagat na " On the Job " ay naglalarawan sa mga pangunahing tauhan sa pelikula. Ang
kanilang trabaho bilang mga gunman at ang mga nakapaloob na konsekwensya sa bawat aksyon nila sa kanilang
trabaho. Nagpapahiwatig din ito na ang pagkakaroon ng trabahong mapanganib at masama ay parating may kapalit
na kung ano man.
III. Karakterisasyon at Pagganap
Isa-isahin ang mga tauhang gumanap sa pelikula at ilarawan ang bawat isa ayon sa papel na kanilang
ginampanan sa pelikula. Sino-sino ang mga artistang gumanap sa bawat papel? Nagampanan ba niya
nang mahusay ang papel na naibigay sa kanya? Magbigay ng mga eksena sa pelikula kung saan kakikitaan
siya ng kahusayan o kahinaan sa pagganap.
A. Pangunahing Tauhan
* Mario Maghari (Joel Torre). Mas kilala bilang sa tawag na “tatang” - ay isang propesyonal na hitman. Siya ay isang
“bayarang preso” na ginagamit bilang invisible weapon ng may kapangyarihan. Siya ang palaging inuutusan ng
middle man sa tuwing may target na ipapapatay. Kakikitaan siya ng kahusayan sa lahat ng eksena lalong lalo na
noong tinuturuan niyang maging propesyunal na hitman si Daniel.
* Daniel (Gerald Anderson). Si Daniel ay isang ring “bayarang preso” na sinasanay ni Mario na maging isang
mahusay na hitman. Si Daniel ang mas bata at may ugali na kayabangan at kasangga ni Mario. Siya ang tumutulong
sa pinansyal na pangangailangan ng kanyang pamilya. Kakikitaan siya ng kahusayan sa eksena ng naghabulan sila ni
Francis hanggang sa makarating sila sa train station.
* Francis Coronel Jr. (Piolo Pascual). Isang NBI Agent at asawa niya ang anak ng isang congressman. Ang kanyang
hangad ay ang makatulong sa mga nangangailangan. Siya ay hinihikayat ng tatay ng kanyang asawa na pumasok
samundo ng pulitika ngunit tinanggihan niya. Kakikitaan siya ng kahusayan sa eksena ng tunggalian nila ni Daniel.
* SPO1 Joaquin Acosta (Joey Marquez). Siya ang pulis na unang may hawak ng kaso sa pagpatay sa negosyanteng si
Tiu, at siya rin ang naghahanap ng ebidensiya laban kay Pacheco. Kakikitaan siya ng kahusayan sa eksenang
pinapasa niya ang mga dokumento ng isang kaso lina Francis at Bernabe.
* Lulette (Angel Aquino). Siya ang asawa ni Mario na patuloy pa rin niyang tinutustusan sa kabila ng panloloko
niyang ginawa. Kakikitaan siya ng kahusayan sa eksenang nakikipanayan siya kay Francis tungkol sa imbestigasyon
kay Mario.
* Nicky (Shaina Magdayao). Siya ang mapagmahal na asawa ni Coronel. Kakikitaan siya ng kahusayan sa eksenang
pinagsasampal niya si Francis.
* Tina (Empress Schuck). Siya ang anak ni Mario na nag-aaral sa abogasya. Kakikitaan siya ng kahusayan sa eksenang
inawat niya ang kaniyang tatay laban sa kaniyang nobyo.
* General Pacheco (Leo Martinez). Siya ang utak ng pagpatay, isang politico na nagnanais tumakbo sa senado.
Kakikitaan siya ng kahusayan sa eksenang nasa loob sila ng isang pagtitipon, talagang maaapektuhan ang kaniyang
mga manonood dahil mahusay siyang kontrabida.
* Cong. Manrique (Michael de Mesa). Siya ang ama ni Nicky at biyenan ni Coronel na palaging nakasunod kay
General Pacheco. Kakikitaan siya ng kahusayan sa eksena nang nakikipanayam siya kay Francis tungkol sa pulitika.
* Thelma (Vivian Valdez). Siya ang “middle man” na nagpapalabas at nagpapapasok ng mga preso at inuutusan ni
Pacheco kung mayroon siyang gusting iligpit at ipapatay. Kakikitaan siya ng kahusayan sa eksenang inuutusan niya
sina Mario at Daniel.
* Bernabe (Rayver Cruz). Siya ang pulis na kasama ni Coronel at ang may hawak ng ebidensiya laban kay Pacheco.
Kakikitaan siya ng kahusayan sa eksenang nagwala siya sa loob ng isang lugar dahil hindi nila mapaamin ang isang
witness.
* Pol (Lito Pimentel). Siya ay isang pulis dati na saksi sa mga pinaggagagawa sa mga preso. Kakikitaan siya ng
kahusayan sa eksenang nasa tindahan siya at bigla nalang siyang pinatay.
IV. Uri ng Genre ng Pelikula
- Aksyon
V. Tema o Paksa ng Akda
- Pamilya, Sakripisyo, Kamatayan
VI. Paglalapat ng Tunog at Musika
Ipaliwanag ang kahalagahan ng paglalapat ng musika, tunog at boses sa mga bahagi ng pelikula. Akma ba
ang boses ng mga tauhan sa papel na kanilang ginampanan? Angkop ba ang mga tunog at musikang
inilapat sa bawat eksena? Nakatulong ba ito upang mas maging makatotohanan at maipadama o
maipaabot ang mensaheng nais maipaabot sa mga manonood?
- Nakatutulong ang paglalapat ng musika, tunog at boses upang magkaroon ng buhay ang isang pelikula. Ito ay
nagbibigay kulay at ganda sa daloy ng kwento. Nakatutulong din ito upang maipadama sa mga manonood ang
nararamdaman ng bawat karakter sa isang pelikula.
Ang mga dayalogo ay malinaw at hindi nahuhuli o nauuna sa iba’tibang eksena o sitwasyon. Ang mahusay na
paglalapat ng tunog ay makikita sa pelikulang ito dahil sa mabagal at hindi rin naman mabilis na sumasabay sa mga
eksena. Mahusay na inilapat ang mga tunog sa bawat sitwasyon o eksena, iba’t ibang eksena man ay nalapatan nila
ito ng tunog na naaangkop sa mga sitwasyon o eksena.
VII. Editing
Mahusay pa ang pagkatagni-tagni ang mga pangyayari sa pelikula? May mga bahagi bang di
magkakaugnay o di maunawaang mga pangyayari dahil sa editing?
- Ang haba ng istorya ay naaangkop lamang dahil ito ay mayroong dalawa o dalawa’t kalahating haba ng pagtakbo
ng pelikula. Mahusay ang editing ng istorya dahil kalimitan o halos lahat sa mga eksena ay mahalaga. Masasabing
naisaayos na mabuti ang pelikula dahil sa pagkakasunod-sunod ng mga eksena at pangyayari.
VIII. Production Design
Makatotohanan ba ang mga lokasyon at props na ginamit sa mga eksena ng pelikula?
- Ang lokasyon at mga props na ginamit ay makatotohan at kapanipaniwala. Ipinakita nila ang karaniwang mga
kaganapan sa mga pampublikong lugar sa Maynila.
Mahusay ba ang pagpili ng mga kasuotan, maging ang make-up ng mga gumanap upang maipadama ang
totoong kalagayan ng buhay ng mga tauhan sa pelikula?
- Oo, ang bawat kasuotan ng mga tauhan ay bumagay sa mga karakter na kanilang ginagampanan.
IX. Direksyon
Mahusay bang nagampanan ng direktor ang kanyang tungkulin?
- Sa aking palagay ay oo, dahil naging napakaganda ng kinalabasan ng pelikulang ito. Nagbigay din ito ng karangalan
sa ating bansa dahil nga sa kaledad ng pelikulang ito.
X. Buod o Synopsis
Ibigay ang buod ng pelikula. Ilahad ang mga pangyayari mula sa simula hanggang saw akas.
- Isang mabangis na pelikula tungkol sa apat na kalalakihan na nakikipagpunyagi upang mabuhay at mabuhay para
sa kanilang sarili at sa kani-kanilang mga mahal sa buhay. Ang dalawa ay dating mga preso sa bilangguan, tinanggap
bilang mga killer ng kontrata, at ang dalawa pa ay mga tagapagpatupad ng batas at imbestigador, na nahuli sa loop
ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno. Plano ni Mario na dumiretso kapag nakakuha siya ng parol, at si Daniel na
isang mas bata na bilanggo at mag-aaral ni Mario, ay nakatakdang palitan.
Mga Kaisipan o Aral ng Pelikula
Ibigay ang kaisipan o aral na matatagpuan sa pelikula.
- Ang aral na matatagpuan sa pelikula ay ang pagbibigay ng kahalagahan sa pamilya. Nagbigay aral din ito sa
kasalukuyang sistema nang ating lipunan na dapat nating bigyan-pansin.
XI. Konklusyon at Rekomendasyon

- Ang pelikulang ito ay nararapat lamang na bigyan pansin at panoorin.

You might also like