You are on page 1of 7

Pasusuri ng Pelikula

I. Ang Pelikula
A. Pamagat ng Pelikula
a. Magnifico
B. Direktor
a. Maryo J. Delos Reyes.
C. Prodyuser
a. Ms. Violetta C. Sevilla.
D. Mga Pangunahing Tauhan
a. Magnifico a. k. a. Pikoy- Jiro Manio.
i. Ang bida sa kwento. Isang batang namulat sa
kahiarapan samuarang edad.
b.Edna- Lorna Tolentino.
i. Ina ni Magnifico na walang trabaho.
c.Gerry- Albert Martinez.
i. Ang Ama ni Magnifico na isang karpintero.
d.Lola Magda- Gloria Romero.
i. Ang lola ni Magnifico na may Stomach Cancer.
e. Helen- Isabella De leon.
i. Ang Bunso sa magkakapatid na may Cerebral
Palsy.
f. Milong- Danilo Barrios.

Pasusuri ng Pelikula
i. Ang panganay sa magkakapatid na natanggalan ng
scholarship.
E. Buod
Bata pa lamang ay namulat na sa kahirapan si
Magnifico. Isang kahid, isang tuka ang kanilang pamilya.
Madalas nyang nakikitang nag aaway ang kanyang
magulang nang dahil sa pera at sa gagastusin sakaling
mamatay ang kanyang Lola Magda. Pasan pa nya ang
pag aalaga sa kanyang kapatid na may sakit at hindi
makalakad, natanggalan pa ng scholarship ang kanyang
kuya.
Sa murang edad ay nagsikap sya upang makatulong
sa araw-araw na gastusin sa abot ng makakaya nya.
Gumawa si Magnifico ng paraan upang unti-unting buuin
ang kabaong ng kanyang Lola sa tulong ng kanyang mga
kaibigan. Walang reklamong narinig sa kanya ang
kanyang magulang.
Sa huli, hindi inaasahan ang mga nangyari.
Nasagasaan si Magnifico at sya ang gumamit ng ginawa
nyang kabaong para sa kanyang Lola. Naging inspirasyon
ang butihing bata sa mga nagawa nya.
II. Ang mga Elemento
A. Tauhan
Ang mga gumanap sa pelikula ay mahuhusay sa
pag- arte kung kayat naging makatotohanan ang
kanilng pagganap. Makikita sa pelikula na angkop ang
pananamit ng mga tauhan sa kanilang ginampanan

Pasusuri ng Pelikula
kaya madaling natukoy ang mga papel o ugali nila.
Ang galing nila sa pag- arte ay ipinamalas nila upang
maging kabuhay- buhay ang pelikula.
B. Tagpuan
Angkop ang pagpili sng mga lugar dahil dito
nabigyang kahulugan kung anong estado ng buhay
meron ang mga tauhan. Maayos ang pagkakalapat ng
bawat salitang kanilang isinasambit. Payak at
nadadala nito ang bawat eksena sa kwento. Bawat
tauhan ay may kani-kanilang paraan upang ihayag
ang mga salita at naaapektuhan nito ang kwento.
Makatotohanan ang mga lugar na ipinakita sa
pelikula.
C. Banghay
Sakto lamang sa kwento ang balangkas o
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Dahil dito,
may naiiwang tanong sa isipan ng bawat manunuod
kung anong mga posibleng mangyari na eksena. Isang
trahedya ang nag iwan sa kamulatan ng manonood
ang sinapit ng bida sa kwento na hindi karaniwang
makikita sa ibang pelikula. Naging malinaw ang mga
pangyayari sa pelikula kayat naunawaan ito ng
manonuod. Ang lahat ng mga pangyayari sa pelikula
ay angkop sa tema nito.
D.Tema

Makikita sa tema ng pelikula na pano


nabubuhay ang isang ordinaryong tao na may pasanpasan na problema. Ang panahon ng paglabas ng
pelikulang ito ay panahon ng kahirapn na makikita

Pasusuri ng Pelikula
parin hanggang ngayon. Makikita sa pelikula ang
isang kultura at iyon ay ang pagdiriwang ng piyesta
ngunit kung titignan mabuti ang tema ay hindi ito
sinasalamin ang kultura ng mga Pilipino. Minumulat
nito ang mga Pilipino kung ano talaga ang mag
nangyayari sa totoong buhay.
E. Direksyon
Magaling ang istilo ng director sa pagkuha ng
eksena at tagpo sa pelikula kung kaya naman ay
maganda ang kinalabasan ng pelikula. Sa tingin ko ay
pinag isipang mabuti ang mga tagpo at dapat na
maging mangyayari sa pelikula.
III. Aspektong Teknikal
A. Musika
Maganda ang nilapat na musika sa pelikula,
angkop ito sa tema ng pelikula.
B. Tunog
Maganda ang nilapat na tunog sa bawat eksena
kung kayat mas
nadama mo ang emosyon ng mga
tauhan at bugso ng mga pangyayari.
C. Sinematograpiya
Malinaw ang pagkakakuha sa bawat eksena at
makikita mo ang ng malinaw ang paligid sa pelikula.
IV. Editing

Pasusuri ng Pelikula
Lahat ng mga eksena sa pelikula ay sunod- sunod,
maayos ang daloy ng mga pangyayari sa pelikula,
hindi ka makakakita ng ng pangyayaring hindi naayon
sa daloy ng pelikula.
V. Konklusyon/ Rekomendasyon
Ang aral sa pelikulang ito ay ang kamulatan sa mga
totoong nangyayari sa buhay ng isang tao. Mayaman
man o mahirap, bata man o matanda. Pati narin ang
kabusilakan ng puso sa pagtulong at mamagandang
loob ay hindi natatawaran ng anuman bagay.

Ipinasa ni: Derek Bryan M. Guerrero.


Ipinasa kay: Bb. Julie Sabonsolin.

Proyekto sa
Filipino

Pasusuri ng Pelikula

Pasusuri ng Pelikula

You might also like