You are on page 1of 4

Mga pangunahing Elemento sa pagsusuri ng pelikula

1. Karakterisasyon- sa mga tauhan na gumaganap sa pelikula, sinasabi na


epektibo ang kanilang karakterisasyon kung ang actor/ aktres ay nagtagumpay na
mapaniwala ang manonood sa karater na kanilang ginampanan, nauunawaan niya ang
motibo na nagtulak sa karater na gawin ang mga bagay na kanyang ginawa at tanggap
niya ang personal at panlipunan na kanyang ginagalawan.
2. Sinematograpiya-epektibo ang sinematograpiya kung ang sining biswal ay
nakatulong bilang elemento sa istorya sa pamamagitan ng “mis-en-scene” ng pag-iilaw,
komposisyon, galaw at kapuri-puring paggamit ng mga Teknik sa kamera. Sinabi ni Ang
(2004, p. 173)
3. Editing- ang kapuri-puring editing ay kung estitikong napagtibay ang relasyon
ng oras at espasyo sa mga eksena sa pelikula upang maihatid ang pananaw at
paniniwala ng director.
4. Dulang Pampelikula (Screenplay)- kapuri-puri ang dulang pampelikula kung
ito ay nagkukwento ng istorya kung saan ang “plot” at karakter ay binibigyan ng
kahalagahan; inaasahan din na may “relevance” ang kwento na naksentro sa
katotohanan ng buhay.
5. Disenyong Pamproduksiyon (Product Design)- kapuri-puri ang produksiyon
kung binigyan ng kahalagahan ang sining biswal ng “art director” ang pelikula; dapat na
napasama-sama ang kostyum, meyk-ap, set, lugar at mga props para “mabuhay” ang
kwento ng pelikula.
6. Direksyon- kapuri-puri ang direksyon kung napagtagumpayang maisama ang
mga element ng istorya, pag-arte, disenyong pangproduksyon, musika, editing at
sinematograpiya.

Sampleee
“ Bata, Bata Paano Ka Ginawa (1998)
Direktor: Chito Rino
Prodyuser: Star Cinema
Mga Artista: Vilma Santos, Albert Martinez, Ariel Rivera, Carlo Aquino at Serena
Darymple
Sumulat: Lualhati Bautista/ Ricky Lee

Direksyon
Ang “Bata, Bata … Paano ka Ginawa? Ay isang pelikulang nagsasalaysay ng
isang karanasan ng isang makabagong ina sa kasalukuyang panahon.
Ang buhay ng isang makabagong ina kung saan siya ay nagtatrabaho at hindi
katulad ng tipikal na ina na laging sa bahay na lamang. Si Lea ay may dalawang anak,
isang lalaki at isang babae. Makikita sa pelikulang ito kung paano isabuhay ng isang ina
ang pagiging magulang sa kanyang mga anak sa makabagong panahon.
Naging pelikula rin ang mahabang istoryang ito sa pangunguna ng batikang
aktres na si Vilma Santos, bilang Lea, noong 1998 at sa direksyon ni Chito S. Roño.

Buod
Nagsimula ang istorya sa pambungad na pagtatapos ng kaniyang anak na
babaeng si Maya mula sa kindergarten. Nagkaroon ng palatuntunan at pagdiriwang. Sa
simula, maayos ang takbo ng buhay ni Lea- ang buhay niya na may kaugnayan sa
kaniyang mga anak, sa mga kaibigan niyang lalaki, at sa kaniyang pakikipagtulungan sa
isang samahan na pangkarapatang-pantao.
Subalit lumalaki na ang mga anak niya at nakikita niya ang mga pagbabago sa
mga ito. Naroon na ang mga hakbang sa pagbabago ng mga pag-uugali ng mga ito: si
Maya sa pagiging paslit na may kuryusidad, samantalang si Ojie sa pagtawid nito
patungo sa pagiging isang ganap na lalaki.
Dumating ang tagpuan kung kalian nagbalik ang dating asawa ni Lea upang kunin
at dalhin sana si Ojie sa Estados Unidos. Naroon ang takot niyang baka kapwa kuhanin
na ang kaniyang mga anak ng kanilang ama. Kailangan niya ring gumugol ng panahon
para sa trabaho at sa samahang tinutulungan niya.
Sa bandang huli, nagpasya ang mga anak niyang piliin siya- isang pagpapasiyang
hindi niya giniit sa mga ito. Isa ring pagtatapos ng mga mag-aaral ang laman ng huling
kabanata, kung saan panauhing pandangal si Lea. Nagbigay siya ng talumpati na ang
paksa ay kung paano umiiral ang buhay, at kung paano sadyang kay bilis ng panahon,
kasing bilis ng paglaki, pagbabago, at pag-unlad ng mga tao. Nag-iwan siya ng
mensahe na hindi wakas ang pagtatapos mula sa paaralan sapagkat iyon ay simula pa
lamang ng mga darating pang mga bagay sa buhay ng isang tao

Sinematograpiya
Bawat galaw ng kamera ay siguradong tiyak at masining. Ang bawat anggulo ay
tama lamang ang bawat galaw, ang layo at lapit ng kinukuhanan na nais nating makita.
Maayos din ang timbang ng liwanag at dilim sa pag-iilaw.
Dahil dito malinaw at maayos na naiparating sa mga manunood ang tunay na
mensahe at mga naging damdamin sa bawat eksena. Tumatak ang pelikulang ito sa
isipan ng mga manunood dahil sa perpektong pagkuha ng mga kaganapan. Hindi ka na
maguguluhan sa biglang pag-iba ng anggulo ng kamera sapagkat malinis ang pagkuha
ng kaganapan. Naging maayos at perpekto ang lahat. Matagumpay nitong naisalarawan
ang nilalaman sa pamamagitan ng pag-iilaw, komposisyon, galaw at iba pang bagay na
kaugnay sa teknik.

Disenyong Pamproduksiyon
Bumabagay ang mga kagamitang ginamit sa daloy ng kuwento. Naisakatuparan sa
malikhaing paraaan ang pook, tagpuan, make-up, kasuotan, kagamitan na nagpalitaw
ng panahon at tunay na emosyon.
Makikita dito na hindi ganoong mayaman ang pamilya ni Lea. Naging tama ang
mga kasuotang ginamit sa bawat eksena dahil ayon ito sa estado ng kanilang
pamumuhay.
Tulad na lamang ni Raffy ni Elinor, may kaya sila sa buhay kaya’t makikita dito na
mas ayos ang kanilang kasuotan kaysa kina Lea bagama’t medyo may kasimplehan.
Ang mga lugar naman na ginamit sa bawat kaganapan ay makikitang naging
angkop sa bawat pangyayari, simpleng buhay ni Lea, paaralang pinasukan nina Maya at
Ojie, ang pinagtatrabahuhan ni Lea at pati na rin ang magandang bahay nina Raffy.
Tamang-tama ang tema sa panahon na ito. Ang komplikasyon ng oras sa pamilya at
sa trabaho, mga taong hindi mo lahat mapapasaya, may masayang araw at mayroon
ding hindi.

Pag-eedit
Hindi matatawaran ang kagalingan ng pag-eedit ng pelikulang ito. Maayos ang
pagkaka-edit nito bagama’t nag-iiba ang pokus ng kamera hindi natin ito agad-agad
mapapansin. Nagawang mapagdugtong-dugtong ang magkakaputol na pangyayari at
naging malinaw at malinis naman ang mga detalye ng pelikulang nabanggit.
Hindi naapektuhan ang nais iparating ng direktor at ng mga gumaganap. Malinaw
nitong pinakitid o pinalawak ang oras, galaw at kalawakan. Naging madali ang pag-
iintindi sa pelikula. Tunay na naging matagumpay ang pelikulang ito.

2. Pelikula Hinggil sa Kalikasan

Muro Ami (1999)

Tauhan: Cesar Montano, Ping Medina, Amy Austria, Jong Hilario, Rebecca
Lusterio
Jerome Sales, Teodoro Peñaranda Jr., Cris Vertido, Ranilo Boquil,
Policarpio Araula

Script: May magandang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kwento ng


pelikula, malinaw at napalutang ang layunin o nais iparating ng pelikula.

Sinematograpiya: Ang pagkuha sa bawat eksena ay napakagaling. Wasto ang


timpla ng ilaw at lente ng kamera na kung saan makikita na
parang totoo ang bawat kaganapan o eksena.
Tunog at Musika: Napalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog
at linya ng mga diyalogo. Pinukaw ang interes at damdamin ng
manonood.
Pagdidirehe: Sa pangunguna ni Marilou Diaz-Abaya, napakakinis ng bawat
eksena. Lutang na lutang ang istorya ng pelikula na isa sa
kanyang layunin na maipakita ang isa sa panlipunang problema
ng bansa. Siniguro niya na magagampanan ng bawat artista ang
karakter na ginagampanan. Nagsagawa siya ng mga workshop
para sa pelikula.
Pag-eedit: Sa pag-aayos ng bawat eksena makikita ang maayos na
pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari o eksena.
Buod: Ang pelikulang Muro-Ami ay tungkol sa iligal na Gawain na
nagaganap sa isang dalampasigan sa Pilipinas. Ipinukos ang
istorya sa isang mangingisda, si Fredo o mas kilala sa tawag na
Maestro, na siyang namumuno sa barkong Aurora. Isa siyang
mangingisda na may tinatagong galit at lungkot dahil sa
pagkamatay ng kanyang asawa at anak. Sa kasalukuyan si Fredo
ay pumapalaot bitbit ang galit at paghihiganti.
Dahil sa inaasahang mataas na kota, ang mga batang maninisid
ay sapilitang pinagtatrabaho walong oras sa isang araw para
makamit ito. Ang mga kabataang ito ay pinapakain dalawang
beses lamang at pinapatulog na siksikan sa isang masikip na
kwarto ng barko. Marahas ang pamumuno ni Fredo sa kanyang
barko, kaya ang mga taong pinamumunuan niya ay unti-unting
nagagalit sa kanya kabilang na rito si Botong.
Dahil dito, nagplano si Botong at ilan sa kanyang mga auhan na
patayin si Fredo. Binugbog nila ito at itinapon sa dagat, kasama
na rin ang tatay niyang si Dado. Si Botong ang pumalit kay
maestro bilang pinuno ng barko, at sa kanyang pagkagulat,
bumalik si Fredo sa kanyang barko. Naglaban ang dalawa at ito
ang naging dahilan ng pagkasunog ng barkong aurora.
Reaksyon/Komento: Ang pelikulang ito ay may malaking impak sa manonood. Ipinakita
sa pelikulang ito ang maling pamamaraan ng pangingisda at ang
sapilitang paggawa ng mga menor de edad (child labor). Ang
kalunus-lunos na pangyayari na kinasasangkutan ng mga
kabataan sa sapilitang paggawa para lamang kumite ng pera ay
siyang nagpaantig sa puso ng mga manonood. Ang totoong
sitwasyon ng ating bans ana hindi natin maitatanggi na ang
kahirapan ang unang dahilan kung bakit may mga batang
nagtatrabaho sa hindi tamang edad nito.
Wika nga, “kapit sa patalim” para makatulong sa pamilya. Ipinakita
rin dito ang maling pangingisda na kung saan nasisira ang ating
karagatan na siyang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan
ng ating mga mangingisda. Ang mga kabataang sumisisid gamit
ang mga bato, bilang kagamitan sa pagpukpok ng coral reef
upang takutin at lumabas ang mga isda. Ito ay may malaking
panganib sa kalagayan ng ating karagatan at ng mga kabataang
sumisisid na walang anumang proteksyon na maaaring ikamatay
nila.

You might also like