Ang pelikula na tinatawag ding “sine” at “pinilakang
tabing” ay isang likhang-sining at bahagi ng industriya ng libangan. Naging buhay ang pelikula at naging kalaban ng dulaan noong panahon ng Amerikano. Ito ay isang obrang pansining na kakikitaan ng galing, tradisyon, kultura, kaugalian, saloobin, at pagpapahalaga ng tao at bansang pinagmulan nito. Maihahanay rin ang pelikula sa mga uri ng midya na may malaking epekto sa pag-iisip at pag-uugali ng mga manonood. Sa tulong ng teknolohiya, ang pelikula ay binubuo ng gumagalaw na mga imahen at nagtataglay ng tunog na higit na nagiging epektibo sa paghahatid ng iba’t ibang kaalaman sa mga manonood, katulad rin ng pagbabasa. Kung papansinin natin, ang ibang mga aklat ay naisasapelikula dahil sa angking kasiningan at kagandahan ng kuwento.
Inilalantad ang katotohanan upang makabuo ng
kawili-wiling kuwento mula sa imaheng nilapatan ng tunog at musika. Sa pamamagitan din ng panonood ng pelikula, nagkakaroon ng mga kabatiran sa kapaligiran. Gaya ng iba pang dayuhang uri ng sining, ang pelikula nang natanim sa Pilipinas ay may halong impluwensya ng dayuhan. Ngunit nang maglaon ay nahaluan na ng Pilipino at Asyanong impluwensya. Simula nang lumaya sa mga Espanyol, lumaki at lumawak ang mga nanonood ng pelikula sa Pilipinas, dahil na rin sa pagdami ng mga artista at mga kuwentong sumasalamin sa kultura, problema, at pangarap ng mga Pilipino. Noong 1919, sa kauna-unahang pagkakaton, si Jose Nepomuceno na tinaguriang “Ama ng Pelikulang Pilipino” ay bumuo ng pelikulang pinamagatang Dalagang Bukid na isang sarsuwela. Napakaraming umusbong na mga pelikula at artista matapos ang pagtatangkang ito. Kaya naman, mabilis na lumipas ang mga taon, ang dekada ‘50 ay itinuring na “Ginintuang Panahon ng Pelikulang Pilipino.” Sa taon ding ito nabuo ang mga patimpalak sa pinakamahusay na pelikula tulad ng Maria Clara Awards at Filipino Academy for Movie Arts and Sciences Awards (FAMAS). Naging kilala sa mga panahong ito ang mga pelikulang ginaya sa mga Gangster movies kung saan tinalakay ang krimen sa mas madugo at mas realistikong paraan. Ang mga melodrama naman ay napuno ng mga kuwento ng mga pagtataksil ng mga asawa o kaya ay mga babaeng iniwan lang sa hangin. Ngunit mas nakilala ang mga bomba movies na nagtatampok ng mga maiinit at malalaswang eksena sa gitna ng mga kuwento sa magulong lipunan noong dekada '60 hanggang '80. Nagsimula rin namang umusbong ang mga bagong kuwento, artista, at direktor tulad nina Nora Aunor, Vilma Santos, at Dolphy. Ang mga batang direktor tulad nina Ishmael Bernal, Lino Brocka, at Marilou Diaz- Abaya naman ay nagtampok ng mga pelikulang may halong drama, komedya, komentaryo, at realismo ng buhay Pilipino. Kahit na ninais ng pamahalaan na lumawak ang kontrol nito sa sining sa pamamagitan ng mga buwis at sensura, nanatili ang makulay na pag- unlad at pagbabago ng mga pelikula ng panahong ito. Mga Elemento ng Pelikula Nilalaman o Banghay - Katulad rin ng mga akdang pampanitikan, ang pelikula ay isang kuwento na may simula, gitna, at wakas. Nararapat na makatotohan ang paglalarawan ng mga pangyayari batay sa pagkakasunod-sunod nito sa tulong ng sequence sa iskrip. Sinematograpiya - Pagkuha sa wastong anggulo at tamang pagkakahon (framing) upang maipakita sa manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera. Sa tulong nito, naipamamalas ang tunay na pangyayari na sumasalamin sa buhay ng mga manonood. Tunog – Maaaring diyalogo, sound effects, mga ingay mula sa kapaligiran (ambient noise), at/o katahimikan. Malaki ang naitutulong ng tunog upang mapaniwala ang manonood tungkol sa realidad ng kanilang natutunghayan. Musika – ito ay mga himig na nakatutulong sa pagpapalitaw ng damdaming nais mamayani sa pelikula kasama na rin ang pagtukoy sa katauhan ng gumaganap na aktor. Sa pamamagitan nito, higit na napupukaw ang interes at damdamin ng mga manonood. Disenyong Pamproduksyon - Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit, make-up, kagamitan at sitwasyon para sa higit na masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento at maging makatotohanan. Editing - Ito ay pagpuputol at pagdudugtong-dugtong muli ng mga negatibo mula sa mga eksenang nakuhanan na. Dito ay muling sinusuri ang mga tagpo upang tayain kung alin ang hindi na nararapat isama ngunit hindi makaaapekto sa kabuuan ng kuwento ng pelikula dahil may laang oras o panahon ang bawat pelikula. Direksyon - Ang direktor ang pinakapuso ng isang pelikula. Hindi makabubuo ng pelikula kung walang nagpapatakbo nito. Sa elementong ito, isinasaalang- alang ang mga pamamaraan at diskarte ng direktor kung paano patatakbuhin o bubuuin ang kuwento sa pelikula. Mga Katangian ng Pelikula Sa pagbuo ng isang pelikula, mahalagang malaman ang katangian nito upang maging ganap. Ayon kay Ricardo “Ricky” Lee, kilalang manunulat ng iskrip, narito ang mga dapat taglayin ng isang pelikula: 1. Audio at visual - Nararapat na angkop ang musika at props na ginagamit sa pelikula. Hindi dapat eksaherado ang musika, tunog, at maging ang mga galaw o kilos ng mga tauhan. 2. Kaisipan, mensahe, at damdamin - Malinaw dapat na maipakita ang kaisipan at mensahe ng pelikula. Sa tulong ng mga artistang gumaganap sa kuwento nito, sila ang nagpapakita ng lahat ng emosyon sa pamamagitan ng mga pahiwatig na salita. Napalilitaw rin ang damdaming namamayani sa pelikula dahil dito. 3. Tiyak na Haba ng Pelikula - Ang paggawa ng isang pelikula ay napakahirap na gawain o proyekto. Kailangan ang ang isang pelikulang panonoorin ay matatapos sa isang upuan lamang. Karaniwan ang mga pelikula ay gumugugol ng isa hanggang dalawang oras, sa kaunting oras na iyon, layunin nitong maipahayag ang buong kaisipan at mensahe sa mga manonood. 4. Sapat na budget para sa pelikula - Nararapat na sapat ang pera o budget sa mga pangangailangan ng pelikula dahil napakagastos ang pagbuo nito. Mga artista, tauhan sa produksiyon, lokasyon, pagkain, kagamitan, at marami pang iba ang mga dapat isaalang- alang sa pagba-budget ng pelikula. 5. Gawa ng tao ang pelikula - Nangangailangang sapat ang bilang ng tao sa loob at labas man ng lente ng kamera sa pamumuno ng direktor. Sa kaniya nakasalalay ang tagumpay ng pelikula. Wika nga ng kilalang direktor na si Ishmael Bernal, “Hindi mo alam ang kalalabasan ng iyong pelikula hanggang hindi pa ito tapos.” 1. Ano ang pinakapaborito mong pelikulang Pilipino? Sino ang direktor nito? 2. Sa iyong paunang suri, naging mahusay ba ang mga aspektong teknikal ng iyong paboritong pelikula? Sa paanong paraan ito naging mahusay? 3. Ano ang pangunahing mensahe ng iyong paboritong pelikula? Sa paanong paraan ito ipinakita? AAALLNNMI 1. Naglalatag ng mga pagkakasunod-sunod ng pangyayari na karaniwang makikita sa iskrip.
NOYSRIKDE 2. Tunguhin ng pelikula na karaniwang ipinatutupad
ng direktor. NMIPAIASAYT 3. May kinalaman sa wastong anggulo, pagkakahon, RGEO pag-iilaw at kabuuang paraan ng pagkarekord ng mga kuha. GONUT 4. Maaaring dayalogo, sound effects, mga ingay galing sa kapaligiran, o katahimikan. -EEIADTPG 5. Pagputol at pagdudugtong-dugtong muli ng mga kuha para makabuo ng kuwentong biswal.