You are on page 1of 1

Pangalan: ________________________________________________ Puntos: ________________

TYPE OF ACTIVITY: Pagsusulit


ACTIVITY TITLE: Paggamit ng kaalaman sa Kaukulan ng Pangngalang Palagyo
LEARNING TARGET: Natutukoy ang kaukulan ng pangngalan.
REFERENCE: Dayag, A. (2015). Pinagyamang Pluma: Wika at Pagbasa sa
Elementarya 6. Phoenix Pub. House. Quezon City.
I. PANUTO: Isulat sa linya kung simuno, pantawag, pamuno o kaganapang pansimuno, ang mga
pangngalang may salungguhit. Isulat sa patlang ang sagot.
1. Ang pangalan ng aking ama ay Alfonso at ang pangalan ng aking 1. ______________
ina ay Agustina.

2. Si Aleli, ang apo ni Bernard sa tuhod ay nakita ko kanina. 2. ______________

3. Si Allan ang huli sa aming magkakapatid. 3. ______________

4. Maria, kunin mo na ang mga sinampay sa labas. 4. ______________

5. Ang babaeng may mahabang buhok ay asawa ni Tito Randy. 5. ______________

6. Ang alay ay para sa Panginoon ng mga Hudyo. 6. ______________

7. Si Leo ay ang anak ng aking pinsang si Leonor. 7. ______________

8. Si Ginoong Tado ay ang ama ng nanay ko. 8. ______________

9. Ang babae sa lumang larawang iyan ay asawa ng lolo ko. 9. ______________

10. Ikinasal sina Barbara at Filemon noong Linggo. 10. ______________

11. Si Binibining Marquez ay nagtuturo sa amin ng Filipino at Math. 11. ______________

12. Sa Palawan pumunta ang kanilang pamilya para magbakasyon. 12. ______________

13. Si Loren Legarda ay miyembro ng Senado ng Pilipinas. 13. ______________

14. Ang Pilipinas ay binubuo ng napakaraming pulo. 14. ______________

15. Ang mga meryenda ay ayusin mo na sa tray, Maria. 15. ______________

II. Gamitin sa pangungusap ang pagngngalan sa tamang gamit nito.


1. Reyna-simuno
__________________________________________________________________________________
2. Dr. Jose Rizal- kaganapang pansimuno
__________________________________________________________________________________

You might also like