You are on page 1of 21

Ang Adhikain ni

Kardong Kalabaw
MAHALAGA ANG BAWAT NILALANG SA
PAGPAPANATILI NG BALANCE NG ATING
KAPALIGIRAN. MALAKI MAN ITO O MALIIT,
KAILANGAN NATING IGALANG
1. Bakit mahalagang
mapanatili
ang balanse sa kapaligiran?
2. Ano-anong problema ang
dulot
ng pagkasira sa balanse ng
kapaligiran at paano
maiiwasan ang suliraning
Isang araw, sa isang kagubatang malapit sa
malawak na taniman ng palay, ipinatawag ni
Kardong Kalabaw ang kanyang mga kaibigang
hayop para sa isang pagpupulong. Gusto niyang
hingin ang tulong ng mga ito.
“Magandang araw sa inyong lahat, mga
kaibigan. Salamat at pinaunlakan n’yo ang aking
paanyaya,” ang bati ni Kardong Kalabaw. “Ano
ba ang ating pinag-uusapan? Bakit mo kami
ipinatawag?” Tanong ni Lara Lawin. “Marahil ay
tungkol ito sa suliranin ng kanyang mga amo,” ani
Maria Matsing.
“Hindi ba’t nababahala sila sa
pagdami ng mga daga at kulisap na
kumakain ng kanilang tanim na palay?”
dagdag pa niya.
“Tama ang iyong tinuran, Maria Matsing.
Iyon nga ang gusto kong ihingi ng tulong
sa inyo. Halos walang natitira kapag
umaatake ang mga daga at kulisap sa
taniman ng aking mga amo. Doon pa
naman nila kinukuha ang kanilang
Nakaaawa sila. Maaari niyo ba akong
matulungan sa paglutas ng problemang ito?”
ang nagmamakaawang sabi ni Kardong
Kalabaw.
Nagkatinginan ang mga hayop habang nag-
iisip. Maya-maya pa’y sabay sabay silang
napatingin kay Kinay Kuwago na noo’y
natutulog. Tila naramdaman niya ang mga
matang nakatitig sa kanya, naalimpungatan
ito. “B-bakit ganyan kayo makatingin? Anong
“Hindi mali…….kundi, ano ang hindi mo
ginagawa,” ang sagot ni Maria Matsing. “’Di ba’t
katungkulan mo ang manghuli at kumain ng mga
daga upang hindi sila dumami at
makapaminsala?”
“Aaa…pasensiya na. Napakabilis magparami ng
mga daga at kaunti na lang ang aming bilang
kaya’t hindi na naming kayang kontrolin ang dami
ng mga ito,” nahihiyang paliwanag ni Kinay
Kuwago. “E teka muna. Bakit di n’yo rin tanungin si
Simang Sawa? Trabaho rin n’ya ang panghuhuli at
pagkain ng mga daga,a.”
Dumako ang tingin ng mga hayop sa
paparating pa lamang na si Simang Sawa.
“Narinig ko ang sinabi ni Kinay Kuwago.
Katulad nila ay hindi na rin sapat ang dami
namin upang mapigilan ang pagdami ng
mga daga.”
Hindi rin mapakali si Lara Lawin kaya’t
nagwikang: “Humihingi rin ako ng
paumanhin. Kaming mga lawin ay wala ring
magawa. Maliit na rin ang aming bilang at
Natigilan at napaisip si Kardong Kalabaw. Bakit
nga ba lumiliit ang populasyon ng mga ibon at
ahas na tagakain ng mga daga, habang ang
mga ito naman ay patuloy sa mabilis na
pagpaparami? Hindi naman ganito noon. Ano
nga ba ang nangyari?
Tahimik na nag-iisip ang lahat nang bigla na
lamang may batong muntik nang tumama sa ulo
ni Kinay Kuwago. Sa pagkagulat ay mabilis na
lumipad palayo si Kinay Kuwago at Lara Lawin
habang sina Simang Sawa at Maria Matsing ay
mabilis na nagtago sa makakapal na dahon ng
Sa isang iglap ay nawala sa paningin ni Kardong
Kalabaw ang mga hayop na dumalo sa
pagpupulong.
“Sayang! Hindi mo tinamaan. Nakalipad tuloy,”
ang narinig na tinig ni Kardong Kalabaw mula sa
mga batang may mga hawak na tirador.
“Halikayo, baka marami pang ibon o hayop ang
mahuli natin sa dako pa roon.”
Nang tuluyan nang makalayo ang mga bata ay
saka pa lamang naglabasan ang mga hayop na
takot na takot.
“Marahil ngayon ay alam mo na ang
dahilan kung bakit ang populasyon
naming mga tagakain ng daga at
kulisap ay lumiliit na,” ang sabi ng mga
hayop kay Kardong Kalabaw.
“Hindi lamang ang mga ibon ang
nakararanas ng mga kalupitan ng mga
tao,” ang hinaing ni Simang Sawa.
“Kaming mga ahas din ay pinapatay nila
sa tuwing kanilang makikita.”
“Bukod sa pagbaril o pagtirador sa amin,
sinisira din nila ang aming tahanan. Kinakalbo
nila ang kagubatan,” dagdag ni Maria
Matsing.
“O kaya ay nagsasabog sila ng kemikal na
nakalalason din sa amin,” dagdag ng mga
iba pang hayop sa pulong. “Marami sa ating
mga kasamahan ang mga nangamatay
dahil sa kagagawan ng mga tao kaya
paano namin sila tutulungan kung sila mismo
Walang nagawa at nasabi si
Kardong Kalabaw nang isa-isang
nagpaalam na sa kanya ang mga
kaibigan. Napagtanto niyang totoo
ang tinuran ng kanyang mga
kaibigan. Paano ko kaya
maipababatid ang lahat ng ito sa
mga taong gusto kong tulungan?
Malungkot siyang naglakad pabalik
Mahahalagang Tanong
1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa
kuwento? Ano ang mahalagang tungkulin na
ginagampanan ng bawat isa sa kanila?
2. Ano-ano ang naging sanhi at epekto ng pagliit
ng kanilang populasyon?
3. Ano ang naramdaman mo nang mabatid mo
ang sanhi ng suliranin ni Kardong Kalabaw? Bakit?
4. Ano sa palagay mo ang iyong kontribusyon sa
pagkakaroon ng suliraning ito?
Mahahalagang Tanong
5. Paano mo patutunayang mabigat ang suliranin
ni Kardong Kalabaw?
6. Bakit mahalagang malutas ang kanyang
suliranin?
7. Paano mo siya matutulungan sa paglutas nito?
8. Bukod sa mga nabanggit na dahilan sa pagliit
ng populasyon ng mga hayop na mahalaga sa
pagpapanatili ng balance sa ating kapaligiran,
ano-ano pa sa mga ginagawa natin ang lalong
nakapagpapalala sa ganitong sitwasyon?
Mahahalagang Tanong

9. Paano mo wawakasan ang kuwentong


ito?
10.Kung mabibigyan ka ng pagkakataong
mabago ang pamagat ng kuwento, ano
ang ipapalit mo? Bakit?
Kagubatan
Sa panahon sa ngayon.
Ano ang kulang sa larawan?
Ano ang maaaring gawin natin upang maibalik ang
kagandahang ito?
1. Ano ang mangyayari sa mga pananim kung
mawawala ang mga palaka at ibon sa
kapaligiran?
2. Ano ang tungkuling ginagampanan ng mga
kuwago at lawin sa kapaligiran?
3. Ano ang mangyayari sa mga daga kung
mawawala ang mga ahas sa kapaligiran?
4. Bakit kailangang mapangalagaan ang mga
agila at kuwago?
5. Bakit mahalaga ang bawat isang nilalang sa
kapaligiran?
1. Ano ang mangyayari sa mga pananim(tanim,
crops) kung mawawala ang mga palaka(frog) at ibon
sa kapaligiran?
2. Ano ang responsibilidad na ginagawa ng mga
kuwago(owl) at lawin(hawk) sa kapaligiran?
3. Ano ang mangyayari sa mga daga kung
mawawala ang mga ahas sa kapaligiran?
4. Bakit kailangang mapangalagaan(take care) ang
mga agila (eagle)at kuwago?
5. Bakit mahalaga ang bawat isang nilalang(creature)
sa kapaligiran(surroundings)?
Paglalahat

You might also like