You are on page 1of 55

Akademikong

Sulatin
Mga Tatalakaying Paksa
Pagsulat ng:
1.Abstrak
2.Bionote
3.Talumpati
4.Buod
5.Repleksibong Sanaysay
6.Sanaysay na Paglalarawan
7.Lakbay Sanaysay
Kompilasyon ng mga
Akademikong
Sulatin
Nina Nathalie J. Elnasin
Pagsulat ng
Abstrak
Ang Paggamit ng Prodyektor bilang Kasangkapan sa Pagtuturo ng mga
Estudyante ng ika-labindalawang baitang ng Zamboanguita Science High
School
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang epekto ng pagamit ng
prodyektor bilang kasangkapan sa pagtuturo ng mga estudyante ng ika-
labindalawang baiting ng Zamboanguita Science High School. Ang sinabing
pananaliksik sa tulong ng mga kasangkapang pang-estadistika tulad ng
frequency, percentage, at pagsarbey gamit ang talatanungan. Ang mga
respondente ng pananaliksik na ito ay mula sa grade 12- Generoso ng
Zamboanguita Science High School. Ang mga kalahok ay binubuo ng
tatlumput- isang (31) respondente. Ang resulta ng pananaliksik ay may
positibong epekto sa mental, social, at akademiko na aspeto ang paggamit ng
prodyektor bilang kasangkapan sa pagtuturo ng mga estudyante sa ika-
labindalawang baitang ng Zamboanguita Science High School.
Pagsulat
ng
Bionote
Gelly Eligio
Alkuino
Siya ay nagtapos bilang isang Valedictorian sa Surullar National Agricultural
School, Surullah, South Cotabato noong taong 1979. Taong 1986, siya ay kumuha
ng Bachelor of Science in Education- History sa MSU, General Santos City at
siya ay naging Cum Laude. Kumuha siya ng Master of Arts in Education-
Educational Management sa Notre Dame of Marbel University, Koronadal City
noong taong 1997. Siya ay Academic Excellence Awardee sa Mindanao State
University noong taong 1982-1983, 1985. May-akda siya ng pamahayagang aklat
sa Ingles, Campus Journalism in the new generation at sanayang-aklat sa Filipino
I, II, III at IV, edisyong Basic Education Curriculum. Pinarangalan din siya bilang
Outstanding School Paper Adviser of the Philippines sa National Press
Conference 2004. Siya ay tagapagsanay at tagapanayam sa pahayagan at teatrong
sining.
Pagsulat
ng
Talumpati
Ninoy Aquino:Tunay nga bang Bayani?
Maraming tanong ang paulit-ulit na tumatakbo sa aking
murang isipan. Gaano ba ka importante ang mabansagang
pambansang bayani? Ang paraan ba ng pagkamatay ang sukatan sa
pagiging bayani? Paano ba maging isang bayani? At Ninoy Aquino
tunay nga bang bayani?
Mahigit dalawang dekada na ang nakalipas mula ng
masaksihan ng bawat mamayang Pilipino ang malagim na sinapit ni
Ninoy Aquino. Iba’t ibang anomaliya ang lumabas tungkol sa
insidenteng ito. Alam naman nating lahat na mayroong dalawang
bahagi ng istorya. Sa kaisipang ito ay mayroong opinyon ng mga
anti-Ninoy at mga pro-Ninoy. Kung titingnan ang mga opinyon ng
bawat panig, masasabi nating maaring may punto ang kanilang
salaysay. Ayon sa anti-Ninoy, “ Ninoy nagbuwis ng buhay? Siya ang
ugat ng NPA, naloko niya ang taong bayan. Siya ay ambisyoso,
sinungaling at kailangan lamang ipapatay.
Si Ninoy Aquino ang nagpasabog ng Plaza Miranda na ikinamatay ng
ating mga kababayang Pilipino.” Maraming anomaliya ang lumabas
na maaring totoo o hindi. Kung lilipat naman tayo sa opinyon ng
mga pro-Ninoy maari rin sila ang tunay na may hawak ng
katotohanan. Ayon sa kanila, “ Si Ninoy Aquino ay matapang at may
takot sa Diyos. Maari siyang magpakasaya sa US ngunit ang
konsensya at pagmamahal sa bayan ang nagtulak dito para bumalik at
ipaglaban ang demokrasya sa mapayapang paraan para mapalaya ang
mga kapwa Pilipino sa Marcos Dictatorship. Ngunit ang kasikatan ni
Ninoy Aquino ay naging isang malaking babala kay Marcos at Imelda
kaya’t kinaikangan nilang ipapatay siya.” Mayroong iba’t ibang
opinyon ang bawat tao tungkol sa tanong kung tunay nga bang
bayani si Ninoy Aquino.
Sa lahat ng ito, para sa akin, hindi maaring maging isang tunay
na bayani si Ninoy Aquino. Hindi rin ako nagsasalita bilang isang
pro-Ninoy at anti-Ninoy. Maaring mayroon siyang nagawa sa ating
bansa ngunit hindi ito sapat para siya ay maging isang bayani.
Mayroon siyang mga pagkakamali na maaring naglugmok sa
Pilipinas.
At para sa akin, ang tunay na bayani ay isang mamamayang
kayang isakripisyo ang lahat para sa kapakanan ng mga naaapi at
kapakanan ng kaniyang bayan.
Pagsulat ng
Buod
Ahboy: A Short Story
Si Ahboy ay isang masipag at matulunging bata. Naging hilig na niya
ang pagtakbo sapagkat palagi niya itong ginagawa. Sa pagpasok sa paaralan sa
umaga, sa pag-uwi sa hapon, at pati narin sa paghahatid ng diyaryo sa mga
kabahayan. Patay na ang kanyang ama kaya kinailangan niyang magsikap para
mabuhay kasama ang kanyang ina. Sa murang edad, maraming pagsubok na ang
naharap nilang mag-ina. Nagpasya siyang sumali sa isang patimpalak sa
kanilang paaralan sa premyong MYR 500. Ngunit may mga kamalasang
nangyari bago niya makamit ang inaasam. Nawala ang sapatos na kanyang
pinaghirapan, na-bully siya ng mga kaklase, at hindi naging madali sa kanya ang
tanggapin ang estado ng kanilang buhay. Sa huli ay nakamit niya ang kanyang
simpleng pangarap. Ito ang nagsilbing inspirasyon sa kanya para magpursige at
para makamit ang kanya pang ibang mga pangarap.
Pagsulat ng
Repleksibong
Sanaysay
My Beautiful Woman
Don’t judge the book by its cover. Hindi natin
dapat husgahan ang isang tao sa kanilang pisikal na
aspeto sa buhay, kung anong kulang sa kanila, o kung
anong istorya ang mayroon sila. Iba’t ibang taong
may iba’t ibang istorya at pananaw sa buhay. Ang
isang tao ay hindi nabubuhay sa mga panghuhusga ng
ibang tao kundi sa kaniyang mga diskarte at pananaw
sa buhay.
Ang istoryang “My Beautiful Woman” ay nagbigay sa akin
ng aral na hindi ko kahit kailanman ay malilimutan. Ito ay
kwento ng isang dalagita na sa murang edad ay may anak na.
Iba’t ibang panlalait ang natanggap niya. Ngunit nanatiling
positibo ang kaniyang pananaw sa kaniyang mapait na sinapit.
Malapit na kaibigan lamang niya ang nakakaalam sa
sekretong kanyang pilit na itinatago sa buong mundo.

Napulot lamang niya ang kaniyang anak na si June sa isang


basurahan ngunit natutunan niya itong mahalin sa paglipas ng
panahon.
Kaya ng dalagitang si Jane ang panlalait ng
iba sa kaniya, wag lang nilang husgahan ang
pinagmulan at istorya ni June. Mahal
na mahal ni Jane si June kahit hindi
ito nanggaling sa kaniyang sinapupunan. “She’s
not beautiful, not outstanding but the smile she has
for June makes her the most beautiful
woman.” Ayon sa matalik na kaibigan ni Jane na
nahulog ang loob sa istorya na meron si Jane.
Ang bawat tao sa ating mundo ay
mayroong sariling pangarap, pananaw,
at istorya sa buhay. Tama man tayo o
mali, hindi natin sila maaring
husgahan. Sa halip na sila ay husgahan,
dapat natin silang tulungan na harapin
ang kanilang buhay.
Pagsulat ng
Sanaysay na

Paglalarawan
“Epekto ng Pinagbabawal na Droga”
Sagot nga ba ang droga sa ating mga problema?
Iba’t ibang klase ng droga ang naibebenta ngayon sa
mga tao, lalake o babae, matanda man o bata.
Maraming tao ang nalulong sa masamang bisyo na
ito.
Mayroong iba’t ibang paraan ng pagdodroga,
amuyin mo man ang shabu o rugby, iturok mo man
sa katawan ang nakakasamang injection, o gawin
mong sigarilyo ang sikat na Marijuana.
Maari kang makadamang kasiyahan, kaginhawaan, at
makakatakas sa mga problema sa mundo. Ngunit lahat ng
ito ay pansamantala lamang.
Pag nasobrahan sa bisyong ito ikaw ay maaring
maging bayolente, mabaliw, mawalan ng kamalayan
sa sarili, at mas malala ay kamatayan.
Sa kabilang banda hindi sagot ang
pagpatay sa mga drug addict. Pwede silang
ipadala sa rehabilitation center para sila ay
alagaan at mabigyan ng malusog na mental at
pisikal na aspeto.
Matutulungan natin silang magbago at
mamuhay muli nang masagana.
At tulungan silang mapalapit sa
Diyos at maging positibo sa buhay.
Pagsulat ng
Lakbay
Sanaysay
Wonder of the Philippines: Siquijor
Isa sa maituturing na ‘wonder of the
Philippines’ ay ang tahimik ngunit napakagandang
probinsiya ng Siquijor. Ang Siquijor ay isa sa mga
binansagang nakakatakot na probinsya ng
Pilipinas dahil sa mga napapabalitang mga kulam
o iba’t ibang orasyon na nanggaling dito.
Ang probinsiya ng Siquijor ay mayaman sa mga
napakagandang tanawin, dahil sa malinis at
preskong kapaligiran na matatagpuan dito. Hindi
lamang ang mga Pinoy kundi pati na rin ang mga
foreigner ay nakahiligan ng bumalik dito dahil sa
mapayapa, maganda, malinis, at kaaya-ayang mga
tao.
Mula sa Manila, sumakay kami ng
eroplano papunta sa Dumaguete at sumakay
kami ng barge papunta sa Siquijor. Sigurado
kami na sulit lamang ang aming nagastos dahil
sa ganda at saya na aming naranasan dito.
Mapa-solo man o kasama ang barkada o
pamilya siguradong mag e- enjoy sa Siquijor.
Maraming tourist destination ang napuntahan
namin sa maliit na probinsiya ng Siquijor. Kabilang
dito ang tinatawag nilang Zodiac Falls na binubuo
ng labing- tatlong falls. Bumisita rin kami sa Lake
Sinungkulan na nagkulay asul ang tubig na dinarayo
din ng iba’t ibang tao na nanggaling pa sa iba’t ibang
bansa. Kaming mag-babarkada ay pumunta rin sa
Catabon Cave at Silagdong Beach.
Ang ibang mga turista ay dumarayo lamang
sa Siquijor para matikman ang kanilang mga
pagkain tulad ng Nilagpang na hinaluan ng
manok at malunggay. Hindi lamang ito ang sikat
sa Siquijor mayroon din silang Virgin Coconut
Oil Factory, chips na gawa sa grapefruit, at iba’t
ibang peanut products tulad ng peanut crunch
with honey, peanut brittle at marami pang iba.
Ang lahat ng ito aysulit
puntahan sa Siquijor Hindi
talaga matitiis na mo
. hindi mapuntahan
ang napakagandang bayan ng
Siquijor. Sigurado na mag e-enjoy
ka kasama ang buong pamilya at
kaya sa budget na getaway.
Pagsulat
ng Application
Letter
Setyembre 4, 2018

Dr. ANA MELISSA VENIDO


Clinic Owner Venido Dental Clinic
Dumaguete City, Negros Oriental

Mahal na Dr. Venido:

Isinusulat ko ang liham na ito upang pagtugon sa announcement na


nakalagay sa flyers na nagsasaad na nangangailangan kayo ng mga dental
aid. Isa akong graduate ng Bachelor of Science in Dentistry. Nais ko sanang
magkaroon pa ng maraming karanasan tungkol sa dentistry sa inyong clinic.
Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para magampanan ko nang
maayos ang aking tungkulin bilang isang dental aid.
Nakalakip sa aking resume ang aking mga karanasan bilang isang dental
aid sa nakalipas na taon. Ang aking mga karanasan at kakayahan ay
tumutugon sa inyong kahingian.

Maari nyo po akong mainterbyu ano mang oras o araw ang inyong naisin.
Maari po ninyo akong kontakin sa aking email: nelnasin@gmail.com o sa
aking contact no: 09652706765

Maraming salamat Sumasainyo,

NINA NATHALIE J. ELNASIN


Aplikante
Pagsulat
ng
Resume
Zamboanguita, Negros Orietal 09652706765
nelnasin@gmail.com
NINA NATHALIE J. ELNASIN

LAYUNIN
Posisyon bilang isang dentist sa Chui Dental Clinic

KWALIPIKASYON

• Eksperyensado sa pagiging dental aid sa nakaraang dalawang taon at nagging


dentist sa nakaraang isang taon.
• Maraming karanasan at kaalaman sa pagiging dentist.
• Nakapag-attend na sa maraming seminar at symposium tungkol sa dentistry.
PERSONAL NA DATOS
Araw ng kapanganakan: Setyembre 6, 2000
Lugar ng kapanganakan: Negros Oriental
Provincial Hospital
Sibil Istatus: Walang Asawa
Nasyonalidad: Filipino
Relihiyon: Romano Katoliko
Tangkad: 5’1’’
Timbang: 43kg
Pangalan ng Ama: Domingo L. Elnasin
Pangalan ng Ina: Maria Phoebe J. Elnasin
EDUKASYON
Silliman University 2011-2015
High School Graduate
Valedictorian
Outstanding Dentist
Silliman University 2015-2019
College Graduate
Bachelor of Science in
Dentistry Magna Cum Laude
KARANASAN
Dental Aid
Vanido Dental Clinic
Dentist
Kavinsky Dental
Clinic

Dr. Ana Melissa Venido


PERSONAL Clinic Owner
NA Venid Dental
Peter Kavinskyo
Dr.SANGGUNIA Clinic Owner
Clinic
Kavinsky Dental
N Clinic
Pagsulat
ng
Agenda
Petsa: Ika -12 ng Setyembre 2018
Para Sa: Mga Miyembro ng Drama Club
RE: Buwanang Pulong
Mula kay: Nina Nathalie J. Elnasin
Saan: Zamboanguita Science High School
Kailan: September 30, 2018
Layunin: Ang pera galing sa ticket ay ibibigay sa
paaralan para sa darating na Founder’s Day
AGENDA
1. Pagsisimula
• Prayer
• Attendance
2.Pag-apruba sa katitikan ng nakaraang
pagpupulong o minutes of the meeting

3.Isyu o usapin sa nakaraang pulong na


nais linawin.
• Ano- ano ang kailangan asikasuhin para sa
“Carrie The Musical”

4. Regular na Report
• Pagbibigay ng iba’t ibang tungkulin para
sa bawat meyembro ng Drama Club
5. Pangunahing Talakayan
• Saan gagawin ang Carrie The Musical
• Sino ang gaganap sa bawat karakter? Ano-ano ang
mga kakantahin?
• Sino-sino ang dadalo sa gagawing Carrie The
Musical?
• Ano ang goals sa gagawing show?

6. Iba pang pag-uusapan


• Ilang tao ang kailangan para sa musical?
• Ano-ano ang gagamitin para sa show?
• Ilang oras tatagal ang musical?

7. Petsa ng susunod na pagpupulong?


• October 30, 2018 at Zamboanguita Science High
School
Pagsulat ng
Katitikan
ng Pulong
Katitikan ng pangkaraniwang
pagpupulong ng Grade 12-Generoso class
noong ika-12 ng Setyembre ng taong 2018,
ganap na ika- 9:06 ng umaga sa ZSHS-SH
Building, Zamboanguita, Negros Oriental.
Mga Dumalo:
• James Rey Banua
• Clint Mar Davad
• Hannah Eltanal
• Jennis Valdez
• James Tumazar
• Arren Hortiz • Angiela Dini-Ay
• Reyna Tagalog • Shainah Aro
• Christina Banua • Ailene Alegre
• Milward Udtuhan • Nina Elnasin
• Lovely Aday • Apple Valencia
• Shinjin Partosa • Clifford Ventula
• Joilyn Abejero • Andrea Credo
• Faye Nicole Generoso • Rodney
Parao
• Mary Joy Bautista • Karylle
Cafino
• Lyka Eltanal
Mga DI- DUMALO:
• Joel Partosa
• Christine Elnas
• Marites Delasas

1. PAGSISIMULA NG PULONG
Sinimulan ang pulong sa pamamagitan ng
panalangin na pinamunuan ni James D. Tumazar.
2.PAGPAPATIBAY NG
PANUKALANG AGENDA
Iminungkahi ni James Tumazar na maging
cooperative ang mga dumalo para pagtibayin ang
agenda.
3. PAGBASA AT PAGPAPATIBAY NG KATITIKAN
Binasa ni Mary Joy Bautista ang katitikan ng pulong
noong Setyembre 7, 2018, Biyernes ng umaga tungkol sa
Greening Project na gagawin ng Grade 12- Generoso Class.
Pinangalawahan ni James Tumazar na ilipat ang Gawain sa
Setyembre 22, 2018.
4.MGA DAPAT PAG-USAPAN SA
NAKARAANG KATITIKAN
• Kalian gagawin ang Greening Project
• Tungkulin ng bawat estudyante
Iminungkahi ni James Tumazar na ang mga lalaki
ang gagawa ng mga mahihirap na gawain gaya ng
pagbubungkal ng lupa at pag-iigib ng tubig para sa halaman.
Ang mga babae ay ang mismong magtatanim.
5. PAGTALAKAY SA MGA PANUKALANG
PROYEKTO
Lahat ay kailangan sumali sa limang
araw na class activity. Ang napag-usapan sa
activity ay vacation trip, tree planting, at team
building. At nagkaroon ng botohan at marami
ang bomoto sa Vacation Trip na gaganapin
ngayong October 27, 2018. Tinalakay din ang
titirhan at gagawing transportasyon bg buong
klase. Sasakyan at private bus nina Clint Mar
Davad at Joilyn Abejero ang gagamitin habang
naglilibot sa Siargao. Si Rodney na ang bahala
sa tirahan at pagkain ng buong kaklase.
6. IBA PANG PINAG-USAPAN
• Meeting Place at Time – 9:30 AM sa Edam’s
• PermissionSlip c/o James Tumazar
• Class Officers ang naatasan para sa mga aktibidad na gagawin sa
Siargao.
7. PAGTATAPOS NG PULONG:
• Nagtapos ang pulong sa oras na 9:44 ng umaga.
8. SUSUNOD NA PAGPUPULONG:
• Nobyembre 12, 2018 ang susunod na pagpupulong.

NINA NATHALIE J. ELNASIN


SECRETARY
Pagsulat
ng
Memorandum
REPUBLIKA NG PILIPINAS
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Region 7
Division of Negros Oriental
ZAMBOANGUITA SCIENCE HIGH SCHOOL

MEMORANDUM
PARA SA: GRADE 12 – GENEROSO
MULA KAY: Nina
Nathalie J. Elnasin
PETSA:
Setyembre 19, 2018
PAKSA: GAGAWING
CLASS ACTIVITY SA DARATING NA
SEMESTRAL BREAK
Ito ay tungkol sa napag-usapang Class
Activity o Vacation Trip na gaganapin sa Siargao
ngayong semestral break Oct. 22 – Nov. 5, 2018.
Napagkasunduan ng lahat ng dumalo na ang mga
lalake ang gagawa ng mahihirap na gawain tulad ng
pagbubungkal at ang mga natitirang gawain ay
gagawin ng mga kababaihan tulad ng pagtatanim.
Pangungunahan ng mga Class Officers ng
Grade 12 – Generoso class ang mga aktibidades
kasama ang mga tao na naatasan sa iba’t ibang
Gawain.
• Transportasyon – Clint Mar Davad at Joilyn
Abejero
• Tirahan at pagkain – Rodny Parao
Layunin sa pagsasagawa ng activity:
a) Mahikayat ang bawat isa na
makisali sa class activity
b) Ganap na maipatupad ang class
activity
(LGD)
JAMES D.
TUMAZAR

You might also like