You are on page 1of 4

Kabanata 1

ANG SULIRANIN

Panimula

Ang paksa na ito ay tungkol sa mga iba’t-ibang ugali ng mga Pilipino, at ang mga subtopics nman
ay mga ugali noon at ngayon, mga ugali ng kabataan, at iba’t iang ugali sa iba’t ibang lugar. Ang riserts
na ito ay ay hindi lang para mamalayan ng bawat Pilipino an gating mga ugali, para din ito sa mga ibang
tao upang malaman nila kung ano yung pagkakatulad natin bilang mga Pilipino at ano ang nakakaiba o
natatangi na ugali natin. Sa paksang ito mauugnay natin ang ating sarili sa mga ugaling nabanggit.
Malalaman din natin ang ibang ugali na hindi pa natin namalayan, ngunit naituring na isang ugali ng mga
Pilipino.

Kapag sinasabi nating ugali, ito ay tumutukoy sa nagiging asal o kaasalan at katangian o karakter
ng isand indibidwal sa kaniyang kapwa, na nagiging sanhi at byatan ng kaugalian, mga gawi, o
kinagawian, at kilos na nagbubungsa sa mga paniniwala, pananaw at maging pananalampataya ng mas
marami png bilang ng mga mamamayan ng mas marami pang bilang ng mga mamamayan o kalipunan
ng mga tao. Ang sistema ng kaugaliang Pilipino ay tumutukoy sa mga kaugalian na ipinapahalaga ng
karamihan ng mga Pilipino. Itong kaugaliangg Pilipino ay may katangi-katanging katipunan ng mga
ideolohiya, moralidad, kabutihang asal, wastong kagawalian, at kahalagahang personal at kultural na
itinakda ng lipunan. Katulad ng lahat ng lipunan, ang mga pinapahalagahan ng isang indibidwal ay
naaapektuhan ng mga salik katulad ng relihiyon, antas ng kabuhayan, at iba pa.

Dapat alam natin ang mga ugali ng mga Pilipino, upang malaman natin ano yung mga
dumadaloy na ugali na nagpapatuloy na naaangkop ng bagong henerasyon. At para din ito sa mga ibang
tao, upang malaman nila ang mga ugali natin at malaman nila kung paano nila tayo maiintindihan at
maunawaan. Ang mga ugali natin ay nagsasabi sa ating personalidad o pagkatao, kung kaya’t ito rin ay
tinuturing na kultura. Ang kultura ay ang parte ng ating identity, kaya an gating ugali ay nagsasalamin sa
ating pagiging Pilipino at kung paano tayo pinalaki n gating mga magulang.

May mga ugali tayo Pilipino na tayo ay magalang sa ating mga mas nakakatanda sa atin, hindi tulad ng
ibang bansa na parang kung sino lang yung mas nakakatanda.Tayo mga Pilipino ay nag mamano sa mga
nakakatanda, ito, ay sumisimbilo ng paggalang at ang pagbati. May malaki tayong respeto sa ating mga
nakakatanda at ito’y isang general na ugali ng mga Pilipino.
Cristine Cruz 2015

Kilala ang mga Pilipino bilang isa sa may magagandang katangian sa mundo. Hindi lamang sa
asal, mayaman din ang ating bansa sa kultura at tradisyon. Nasakop man ng mga dayuhan ang ating
bansa nanatili pa rin ang mga katangian iyon. Noong panahon pa ng ating mga lolo’t lola, ang panliligaw
at pakikipagtipan ay isang sagradong pangako na kailangan ng basbas ng magulang. Noon din ay ang
pagsisibak ng kahoy at pag-iigib ng tubig ng isang binata ay isang paraan upang maipakita niya sa
magulang ng dalaga ang sincerity at pagmamahal sa kasintahan. Madalas din ang paggawa ng liham,
pagbibigay mababangong bulaklak at ang pag haharana gamit ang gitara at awit ng pusong handang
maghintay at kahit sariling buhay ay iaalay.

Kilala din ang mga batang pilipino sa larangan ng palakasan, dahil simula pa ng pagkabata,
naging palaruan na nila ang kanilang bakuran. Pagsasarangola, patintero, tumbang-preso, luksong baka,
taguan, palo sebo at paglalaro ng trumpo ang kadalasan nilalaro ng mga batang pilipino noon. Malaki din
ang respeto ng mga anak sa kanilang mga magulang, na isang tawag lamang ay agad na sumusunod ang
mga ito. Itinuturo rin ng magulang na ang anumang uri ng panlalait sa kapwa ay itinuturing na
masamang gawain. Walang mang pormal na edukasyon noon hindi naman ito naging handlang upang
maging kilala ang pinoy sa pagiging mahusay sa pakikipagkapwa-tao.

Ngayon mapabata man o matanda ay abala sa paglalaro ng online games, xbox, tablets, pati
facebook at instagram sa halip na nakikipag-socialize sa iba. Hindi naman masama ang maglibang ngunit
sabi nga sa kawikaan lahat ng sobra ay masama. Kahit din ang ibang mga magulang ay nag-iba din ang
pananaw sa pagdaan ng panahon. Minsan nalang lumabas ng kwarto kaya yun normal na family
gathering ay nawawala na. Magkakasama nga sa iisang bubong ngunit wala ng oras para magusap.

Hindi naman nawala sa ibang pilipino ang mga magagandang katangian ito, ngunit dahil nga sa
modernisasyon ay nakakalimutan natin ito. Hindi naman masama ngunit habang lumilipas ang panahon
lalo itong nababaon sa limot. May nawawala at nagbabago, ngunit sana ay lagi natin tandaan kung san
tayo nagmula. Sa bansa ng Perlas ng Silangan, duyan ng mga bayani kaya wag nating pabayaan and mga
ugaling pilipino na pinagyaman ng panahon. Dahil pagdating ng kinabukasan tayo din ay magiging
magiging magulang, kaya wag nating talikuran ang mga turo inang bayan. Ang mga responsibilidad ng
iyong magulang ay bukas sayo iaatang, ikaw na ang susunod sa listahan. Ang tanging iyon mamamana ay
magandang katangian at ipapasa sa iyong anak para sa kinabukasan.
Hersilsilvino 2017

Marami na ang nagbago sa pagdaan ng panahon. Kabilang sa nakadanas ng pagbabago ay ang


mga pamamalakad ng gobyerno, mga imprastraktura, mga sasakyan, mga teknolohiya at higit sa lahat ay
ang mga ugali ng kabataan. Ano nga ba ang mga kaugalian at ugali ng mga kabataan noon na nawala at
tuluyan ng naglaho sa panahon ngayon?

a panahon dati, ang mga kabataan ay maka-diyos. Sila ay nagsisimba para magdasal at
magpasalamat sa Poong Maykapal. Mga kabataan ay masunurin at magalang. Kanilang sinusunod at
ginagalang ang mga magulang at mga nakakatanda sa kanila. Ayaw nilang masaktan ang damdamin ng
kanilang ina at ama. Sila rin ay nag-aaral ng mabuti para makapagtapos at mapaligaya ang pamilya.
Minsan pa nga, karamihan sa mga kabataang babae ay dapat umuwi agad pagkagaling sa paaralan.
Bawal sila maglakad ng mag-isa dahil sa pinapahalagahan ang mga babae lalo na ang mga bata at
nagdadalaga.

Sa pagkakaibigan naman, ang mga kabataan dati ay mapili. Pinipili nila ang magiging kaibigan, iyon bang
makakasundo talaga nila. Pinapakilala ng mga kabataan dati ang kanilang mga kaibigan sa kanilang mga
magulang. Ayaw nila na mawalan ng tiwala sa kanila ang mga magulang kung kaya’t maaga pa lang kilala
na ng kanilang ina at ama ang mga kaibigan na palaging kasama.

Pagdating naman sa pagliligawan at pag-iibigan, ang mga kabataang lalaki ay pumupunta talaga sa
tahanan ng babae para pormal na manligaw. Ang una pa nga nilang ginagawa ay ang humingi ng
pahintulot sa mga magulang ng babae. Sa katunayan, hindi agad pinapayagan ng mga magulang ng
babae ang lalaki sa panliligaw, kailangan muna nitong dumaan sa mga pagsubok. Ang kadalasan na
pagsubok na dinadanas ng lalaki ay ang tumulong sa bukid o gawain ng ama ng babae. Talagang
ginagawa at gagawin ng lalaki dati ang lahat payagan lamang siya na manligaw sa babaeng anak ng mga
ito. Sa pamamagitan nito, napapatunayan ng mga lalaki na kaya nilang maghintay para sa babaeng
kanilang sinisinta.

Karamihan sa kabataan ngayon ay walang galang at respeto. Hindi na nila ginagalang ang
kanilang mga magulang. Sa katunayan ang iba sa kanila ay walang pakialam kung masaktan ang
damdamin ng mga ito dahil sa pagsagot sa kanila. Ang iba pa nga ay minumura ang kanilang mga
magulang. Ang mga kabataan din ay nagrerebelde kapag ang mga magulang ay naghigpit sa kanila at
hindi maibigay ang mga bagay na nais nilang makuha sa madaliang panahon. Ayaw na rin ng mga
kabataan ngayon na ang magulang nila ang nasusunod sa lahat ng bagay, ang alam nila ay sila at sila lang
talaga ang may karapatan.
PAGIGING POSITIBO AT MASAYAHIN

Ang mga pilipino ay positibo at masayahin. Kahit na tayo ay may hinaharap na problema
nagagawa padin nating ngumiti. Hindi tayo sumusuko at bumabangon parin. Katulad nung mga oras na
sinalanta tayo ni Yolanda, di tayo sumuko at sinusubukang bumangon para sa ating pamilya. Di na natin
inisip ang hirap ngunit patuloy tayong bumabangon kahit madapa .Tayo din ay masayahin. Minsan kung
may pyesta, nakikisaya din tayo at ginugunita ito. Tayo ay laging nakatawa kahit na may problema.

PAGIGING MATULUNGIN NG MGA PILIPINO

Ang pagtulong sa kapwa ay isang gawaing pinoy na likas sa ating mga pilipino. Madalas , ang iba
pa ang inuuna natin imbes ang sarili natin .Tayong mga Filipino ay likas na mapagkawang-gawa sa kapwa
lalong-lano na sa mga kapus-palad at hirap sa buhay. Dyan mo masusukat ang pagiging matulungin
nating mga Filipino sa panahon ng kalamidad, sakuna, delubyo, at baha. Sa lahat ng dako dito sa Pilipinas
ang kadalasang tumutulong ay yung mga taong sapat lang ang pamumuhay. Kung sino pa ang
nakakaraos ng tama at nakaka-kain ng tama ay sya pa ang mga taong mabilis na tumutugon sa hinaing
ng mga maliiit na tao

PAGIGING MALIKHAIN NG MGA PILIPINO

Ang mga Pilipino ay kilalang malikhain dahil ang kanilang isipan ay hindi nababase sa isang
kaisipan lamang ngunit nagiisip pa sila ng ibang mga paraan o mas magandang gawin o gamitin ang
patunay nito ay ang mga kilalang pintor na Pinoy sila ay nagagawaran ng maraming parangal dahil sa
pagiging malikhain at mas malawak ang kaisipan ng mga Pilipino.

PAGIGING MAPAGMAHAL SA PAMILYA NG MGA PILIPINO

Kilala ang mga Pilipino sa pagiging mapagmahal dahil handa silang magsakripisyo para lang
mapabuti ang kanila minamahal isa ng halimbawa rito ay ang mga magulang na mas pinipili
magtarabaho sa ibang bansa para lang sa kanila mga anak. Tinitiis ng mga magulang na mawalay sa
kanilang mga anak upang mabigyan nila ito ng magandang kinabukasan

You might also like