You are on page 1of 7

TAKDANG ARALIN

SA FILIPINO 2
IPINASA NINA:

ANNA FAITH BELNAS

IVY VALENTINO

BLESHZY NAVARRO

JOVAN SALASINAS

IPINASA KAY:

G. JULIE A. GUILARAN
Name:Bleshzy Navarro Grade & Section: 11-N 107

TEKSTONG DESKRIPTIBO TUNGKOL SA SARILI

Akoy nag iisang anak ng aking ina. at masasabi kong ako ay isang simpleng tao na
mayroong napakatayog na pangarap. Oo,ganun ang turing ko sa sarili ko. Labing anim
na taong gulang na. Kung sa mukha't mukha lang ang pagbabasehan ng aking
katauhan sa palagay ko hindi naman ako papahuli, ang ibig kong sabihin hindi naman
ako gaanong kapangitan medyo "cute" bagkos naniniwala akong walang nilikhang
pangit ang panginoon. Ako rin ay payat 4'8 na taas at may kayumangging mga
balat,may mapungay at medyo singkit na mga mata at may mahabang itim na mga
buhok. Maliban dito'y taglay ko rin Ang kaakit akit at mamula mula na mga labi. Sa
pangkalahatan, ang lahat naman ay naaayon sa hubog ng aking mukha at katawan.Yun
nga lang, hindi lahat ay perpekto, hindi lahat ay kanais nais at hindi lahat ay magaan na
dalhin sa katawan. Kung ano yun, tiyak na maisusulat ko sa pagdaan ng mga panahon.

Kung sa ugali naman ang pag uusapan,marami ako Nyan, Sabi ng iba mabait daw ako,
at mapagbigay Oo ,tama naman sila. Mabait ako sa taong mabait sakin, kaya kong
mabait ang isang tao sa'yo dapat ganun ding kabaitan ang ipakita mo sakanya. Madami
din akong kaibahan dahil pala kaibigan ako. Matulungin ako sa aking magulang at mga
pinsan higit sa lahat mapag mahal akong anak. Kung talent naman ang pag uusapan
wala ako gaanong maipapakita tanging pag tugtog lamang ng gitara at pag tulog ng
sobra sobra sa oras. Naniniwala akong kaya kong gawin lahat sapagkat lahat ng bagay
napag aaralan.

Kung sa ugali naman ang pag uusapan,marami ako Nyan, Sabi ng iba mabait daw ako,
at mapagbigay Oo ,tama naman sila. Mabait ako sa taong mabait sakin, kaya kong
mabait ang isang tao sa'yo dapat ganun ding kabaitan ang ipakita mo sakanya. Madami
din akong kaibahan dahil pala kaibigan ako. Matulungin ako sa aking magulang at mga
pinsan higit sa lahat mapag mahal akong anak. Kung talent naman ang pag uusapan
wala ako gaanong maipapakita tanging pag tugtog lamang ng gitara at pag tulog ng
sobra sobra sa oras. Naniniwala akong kaya kong gawin lahat sapagkat lahat ng bagay
napag aaralan.
Name:Anna faith belnas Grade & Section: 11-N 107

TEKSTONG DESKRIPTIBO TUNGKOL SA PAMILYA

Mahalaga sa atin ang ating pamilya.Sila ang ating naging inspirasyon sa lahat ng
bagay. Marami mang mga pagkakataon na ang isang pamilya ay may mga pagsubok
na pinagdadaanan ngunit ang pagmamamahal ay nananatiling andiyan upang
panatiling malakas at maganda ang isang pamilya. Ang ating pamilya ay ang unang nag
mulat at nagturo kung paano tayo mamuhay ng marangal at may mabuting
asal.Mahalaga ang pananatili ng pamilya dahil ito ang tumutugon sa maraming
pangangailangan tulad ng pangangalaga sa mga anak na kasapi nito.

Pamilya ang itinuturing na pinakamalaking bahagi ng lipunan. Lagi nating isipan ang
nga sakripisyo na kanilang ginawa upang tayo ay mabuhay ng marangal at mabigay
ang ating mga pangangailangan araw-araw. Minsan may mga bagay talaga na ang
ating mga magulang ay may maling nagawa ngunit lagi naman natin itong nalulutas kasi
ang pagmamahal andiyan. Andiyan ang ating magulang upang tulungan tayo sa ating
mga problema andiyan sila para gabayan tayo at lalong andiyan sila para magmahal
saiyo. Ang ating ina at ama ang ating pinagkukunan ng lakas ng loob.Naging
inspirasyon upang magawa ang mga hindi natin magawa. Sa pamamagitan ng
pagmamahal ang isang pamilya ay mananatiling matatag at masaya. Sila ang
nagdidisiplina sa atin upang ang mga anak ay mapalaki ng mabuti at turuan na maging
maggalang at mahalin ang kapaligiran.Madaling harapin ang mga pagsubok kapag ang
buong pamilya ay sama-sama at tulong-tulong para sa ikauunlad ng bawat isa. Ang
pamilya ang pinakamahalagang tao salipunan pinag tibay nito ang kanilang pundasyon
na kahit anong unos na darating hindi mawasak.
Name:Jovan Salasinas Grade & Section: 11-N 107

TEKSTONG DESKRIPTIBO TUNGKOL SA ATING DAIGDIG

Ngayon, unti-unti nawawala ang kagandahan ng mundo.Hindi na ligtas saan mang


lugar tumira.Nagkakagulo na ang ibang bansa lahat gusto ng kapangyarihan pamunuan
ang isang bansa.Talaga bang ganyan ang mga tao, masyado (o sumobra) ng
marunong para hindi na bigyan ng importansya ang ating mundo.Unti-unti ng nasisira
dahil sa pagtuklas ng iba't ibang bagay para lang umasenso.Hindi ba dapat unahin ang
kalagayan ng mundo bago magtuklas ng panibagong teknolohiya na maganda nga para
sa mga tao pero ito nama'y nakakasira ng mundo.Ano ng mangyayari sa hinaharap, sa
mga batang ngayon pa lang nakikita ang kagandahan ng mundo kung ngayon ay isa na
itong mapanganib para sa kanila..kawawa naman ang mga bata, di na nila makikita ang
kasimplehan ng mundo kung ngayon pa lang ay nasisira na ito.

Noon ang mundo puno ng ligaya, ng masasayang alaala walang malalang mga sakit,
walang kasakiman, walang inggitan, lahat nasa ayos, lahat kuntento sa buhay. Ngayon,
ang mundo, nakatira ang mga taong may inggit, mga sakim, dito mo makikita ang lahat
ng krimen, mga malalang sakit, mga walang kasiyahan sa buhay,kaya kahit sa
kamatayan, pinupusta ang buhay, anjan ang mahihirap na tao, walang makain, kahit
bata pa, nagtratrabaho na para lang mabuhay, may iba kumakapit sa patalim para lang
may ipambili ng bisyo o drugs,may kanya-kanyang adhikain sa buhay at gusto lahat
bida,may mga sumasakop at ayaw pasakop,di kuntento sa buhay, tuklas ng tuklas ng
kung ano ano pero di nila iniisip ang kahihinatnan nito pagdating ng araw.Hay naku,
pano pa ang ating mundo kung ganito din ang mga taong nakatira.Tuloy sa dami ng
makasalanan, pati ang walang muwang nadadamay sa gulo ng mga tao at ang mundo
unti unti ng nasisira.Ito ba'y pahiwatig ng Diyos na dapat ng tigilan ang ganitong gawi ng
tao,tama naman na tayong mga tao, matutunan ng bumalik sa Diyos at tayo'y magkaisa
tungo sa pagdadasal na sana'y ibalik ng Diyos ang kasimplehan ng mundo.
Name:Jovan Salasinas Grade & Section: 11-N 107

TEKSTONG DESKRIPTIBO TUNGKOL SA KOMUNIDAD

Mapalad ang bansang Pilipinas sapagka’t pinagkalooban ito ng Manlilikha ng mayama’t


masaganang lupain. Isang bansang agrikultural ang Pilipinas. Nangangahulugang
walumpung bahagdan ng mga Pilipino ay nabubuhay at umaasa sa pagsasaka. Bigas
ang pangunahing pagkain ng mga tao subali’t mayroon ding mais na ipinanghalili bilang
kanilang pangunahing pagkain. Gitnang Bisaya,Mindanao at Lambak ng Cagayan ang
pangunahing tagaprodyus ng mais. Itinuturing namang Kaban ng Bigas ng Pilipinas ang
Gitnang Kapatagan sapagka’t dito nagmumula ang pinakamarami’t pinakamalaking ani
ng bigas sa buong bansa. Maliban sa bigas at mais,marami ring tanim na puno ng niyog
sa bansa. Ito ang dahilan kung bakit nangunguna ang Pilipinas sa pagluluwas ng kopra
at langis.Kabilang din sa mga iniluluwas ang produktong abaka,tabajo,asukal at iba’t
ibang prutas gaya ng pinya,mangga,saging,at marami pang iba. Hindi ba’t dapat
ipagpasalamat ang mga biyayang ito na handog ng Diyos? Gagawa ang mga mag-aaral
ng isang tal;a ng impormasyon ukol sa pinabasang texto. Pagkatapo, tutukuyin nila ang
mga bahagi ng texto batay sa nabasa.

Napakaraming kalamidad ang dumaan na sa aming komunidad ngunit ang pinaka


nakita kong suliranin ay ang pagtatapos ng basura sa mismong highway kung saan
tambak ito at maaaring magdulot ng sakit sa nakararami. Mabuti na lang napansin ito
ng mga lokal na namumuno at ngayo'y may oras na ng pag-kolekta ng mga basura.
Martes sa mga nabubulok at Byernes sa mga di nabubulok. Lumaki na ako dito sa
komunidad namin at pagdating ng araw imumungkahi ko rin ang mga nais ko upang
mas lalo pang gumanda ito.
Name:Ivy Valentino Grade & Section: 11-N 107

TEKSTONG DESKRIPTIBO TUNGKOL SA ATING BANSA

Ang bawat bansa sa mundo ay kakaiba. Mayroon ang bawat bansa ng mga katangian
na binibigyan ng kasiyahan ang mga tao sa mga bansang ito. Ang Pilipinas ay isang
maliit na bansa na matatagpuan sa Asia. Kapag tiningnan mo ang isang mapa,
mahihirapan ka sa paghanap ng Pilipinas dahil ito ay napakaliit. Iisipin mo siguro na
mas puwede pang ipagyabang ang mga Amerika o Tsina kaysa sa Pilipinas.
Sumasang-ayon ako dito, kaso puwede rin talagang ipagmalaki ang Pilipinas tulad ng
mga bansang iyon; Kailangan lang talaga malaman ang mga kakaibang mga bagay, tao
o lugar na matatagpuan sa Pilipinas. Halina’t lakbayin at pag-usapan natin ang
kagandahan ng Pilipinas.

Tulad ng mga ibang bansa, ang Pilipinas may mga sikat na mga tao rin. Sa totoo lang,
pakiramdam ko ay mas sikat pa itong mga tao sa ibang mga artista ng Amerika. Ang
unang taong ipagyayabang ko ay si Manny “Pacman” Pacquiao. Siguradong kilala niyo
na siya dahil siya ay isang “world class” na boxingero. Siya ay ang piakamahusay na
boxingero sa buong mundo. Isa pang taong ipagyayabang ko ay si Lea Salonga. Si Lea
Salonga ay kilala sa mga dula. Siya ay naging mang-aawit at aktress ng isang
napakasikat na dula tawag na “Miss Saigon”. Sa mga kabataan ngayon, hindi niyo na
siya masyadong kilala dahil noon pa ginanap ang “Miss Saigon”. Ano ngayon ang iniisip
mo tungkol sa kagandahan ng Pilipinas? Kung iniisip niyo na “Tao lang naman pala”.
Nagkakamali kayo. Maraming rin mga ibang klaseng hayop ang Pilipinas. Isang
halimbawa ay ang Tarsier. Ang Tarsier ay isang maliit na hayop na may malaking mata.
Nakakita o rinig na ba kayo ng isang hayop tawag na Tarsier? Kung hindi, pumunta na
ng Bohol sa Pilipinas.
Hayop at tao, iyan lamang ba? Teka lang, marami-rami pa. Ang susunod na
ipagyayabang ko ay ang mga masasarap at malasa na pagkain ng Pilipinas. Isang
halimbawa ng masarap na masarap na pagkain ay ang sisig. Ito ay nilalaman ng mga
laman ng baboy na idinurog at nilagay sa isang “sizzling plate” upang maging mainit at
masarap siya habang kinakain mo. Hindi lamang sisig ang mayroon ang Pilipinas.
Mayroon pang lechon. Ito ay isang buong baboy na niluto. Napakasarap nito dahil
napaka-crispy na balat at napaka-”juicy” na laman. Pagkatapos naman kumain ng sisig,
lechon at kanin, may mga masasarap na “dessert” tulad ng puto, sapin-sapin, bibingka
at marami pa! Matatamis itong lahat kaya siguradong magugustohan mo. Subukan na
ang mga pagkaing Pilipino!. Mayaman din ang Pilipinas sa mga kultatura at
magagandang tanawing ,ang mga tao ay malugod at nakaginting tumataggap ng mga
turista.Kung kayo ay nasasawa na sa mga tanawin, puwede rin naman kayong
magpahinga at magsaya sa mga malilinis na tabing dagat. Puwede kayong pumili, sa
Boracay ba o sa Palawan. Ang Boracay at ang Palawan ay dalawa sa
pinakamagandang tabing dagat sa buong mundo. Maraming mga tourista ay gustong
pumunta dito. Kaya para sa akin, ang talagang puwedeng ipagyabang ng mga Pilipino
sa ibang mga bansa ay ang kasaysayan ng Pilipinas. Marami pinagdaanan ang
Pilipinas noon, mga away, gera, digmaan at mga iba’t ibang bansa na gusto silang
kolonisahan. Pinagdaanan natin lahat niyan ng katapangan kaya ngayon, marami
tayong iba’t ibang kultura. Ngayon, malaya na tayo. Tayo ay isang bansa, isang
kommunidad at isang pamilya. Sana kaysa pumunta sa ibang bansa ay unahin munang
bisitahin ang mga magagandang lugar dito sa ating bansa.Dapat pahalagahan natin
lahat, dahil uunlad at sisikat ang ating bansa kung tatangkilikin natin ang sariling
atin.Balang araw makikilala tayo sa buong mundo at maipagmalaki natin na “It’s more
fun in the Philippines!”

You might also like