You are on page 1of 1

S a t u r d a y, J u n e 9 , 2 0 0 7

Hoy! Pinoy Ako!

"Ipinagmamalaki ko na ako ay isang Pilipino." Isang


pangungusap na paulit ulit nang sinabi ng halos lahat
ng Pinoy. Ngunit bakit nga ba mahalaga ang lahing ito
para sa isang tunay na Pilipino? Bakit nga ba sa kabila
ng lahat, maipagmanalaki pa rin ang lahing
ipinaglaban sa kamay ng mga mananakop? Ano nga ba
ang meron sa pagiging isang Pilipino? Ikaw,
ipinagmamalaki mo ba ang lahi mo? Tara, ibahagi mo!!

"Ano ang ipinagmamalaki mo


bilang isang Pilipino?"

Christine Guison:

Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil ginawa niya


akong isang Pilipino. Marami akong maipagmamalaki
bilang isang Pilipino. Isa na dito ang ating makulay na
kasaysayan. Saludo ako kay Dr. Jose Rizal sa talas ng
kanyang isipan at kay Andres Bonifacio sa kanyang
katapangan. Dahil sa kanilang pagmamahal sa bayan,
maipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan.
Maipagmamalaki ko din ang ating mga katangian
bilang mga Pilipino tulad ng ating pagmamahal sa
ating pamilya, pagiging masiyahin at maka-Diyos. Ang
mga katangian na ito ay magpapakilala sa Pilipino sa
buong mundo. Tunay na isang karangalan ang maging
isang Pilipino kaya naman bilang isang kabataan na
naglalayon ng kapayapaan ng bansa, gagawin ko ang
lahat ng aking makakaya para sa patuloy na pag-unlad
at paginhawa ng Pilipinas at ng buong sambayanan.
Mabuhay ang Pilipinas!

Naku, muntik ko ng makalimutan..maipagmamalaki ko


ang ating masasarap at natatanging pagkain tulad ng
sinigang, adobo, halo-halo at marami pang iba. Yum!

Norman Velasco:

Marami akong maipagmamalaki bilang isang Pilipino,


ngunit tunay kong ipinagmamalaki ang isang katangian
na masasabi ko na naghihiwalay sa atin sa iba, ang
kakayahan natin na buong tapang na humarap sa
anumang pagsubok na dumarating sa ating buhay,
gaano man ito kahirap. Kitang-kita ang katangiang ito
simula pa lamang noong unang panahon nang nilaban
ni Lapu-Lapu ang grupo ni Magellan, hanggang sa
paglaban ng mga Pilipino upang makamit ang kalayaan
laban sa mga Kastila, Amerikano at Hapon at
hanggang sa kasalukuyan, ang katangiang ito marahil
ang naglagay sa ating mga Pilipino sa tugatog saan
man sa mundo, maging OFW, atleta o ordinaryong
Pilipino ka man.

Edsel Mendoza:

Ano ba ang maipagmamalaki ko sa aking pagiging


Pilipino? Siguro, ang pinakamapagmamalaki ko ay ang
katangian natin ng pagpupursigi upang makuha ang
kalayaan, o ano man ang ninanais ng mamamayan.
Malakas ang drive nating mga pilipino. Kapag mayroon
tayong gusto, tiyak na makakamit natin! Natatandaan
ko nga ang sinabi ng lola ko noon, Kapag hindi kyang
gawin ang isang bagay, "Gumawa ng paraan..." alam
kong madyo iba ang dating nito (parang pinapagalitan)
pero tama lang din naman. Hindi ba "If at first you
dont succeed, dust yourself off and try again..."Yun
lang ang kailangan nating gawin at ang ating
pagkapilipino ang isa sa mga tumutulong sa atin para
makamit ang mga gusto natin, kung para sa sarili man,
o para sa mamamayan.

Iwagayway ang bandilang Pilipino!


Mabuhay ang Pilipinas!

Christel Espinosa:

Ipinagmamalaki ko ang aking pagiging Pilipino. Tayong


mga Pilipino ay naiiba sa mga dayuhan sa ating
pagharap sa mga problema. Gaano man kahirap ang
ating kinakaharap na suliranin ay buong tapang at
lakas-loob natin itong hinaharap. Hindi mo makikita
na nahihirapan ang mga Pilipino dahil nakangiti nilang
hinaharap ang mga pagsubok. Isa pang ipinagmamalaki
ko sa ating lahi ay ang pagmamahal natin sa Diyos, sa
pamilya at sa kapwa natin. Kitang-kita sa atin kung
gaano kahalaga sa ating buhay ang Panginoon. Siya
ang nagiging sentro ng ating buhay. Pangalawa sa
Diyos, ang pamilya ang pinakamahalaga sa atin. Hindi
natin nakakalimutan bigyan ng halaga ang ating
pamilya at kahit anong mangyari ay tayo ay nariyan
para sa kanila. Sa pagsapit ng mga suliranin, ang mga
Pilipino ay handang tumulong sa kanilang kapwa.
Hindi sila nagdadalawang isip na mag-abot ng kanilang
tulong. Tulong-tulong ang mga Pilipino sa pag-abot ng
kanilang mga minimithi.

Ako ay isang Pilipino. Ipinagmamalaki ko ito.

Reena Collado:

Ano nga ba ang maipagmamalaki ko sa pagiging isang


Pilipino? E lahat halos ng mga kakilala ko ay
nangangarap na umunlad sa ibang bayan? Sa
katunayan, ang dami kong kaibigan na kumukuha ng
nursing, mas madami daw kasing pera sa States. Pero
bakit ako nandito? Bakit mahalaga pa rin sa akin ang
pagiging isang one hundred percent pinoy?

Mahalaga sa akin ang pagiging isang Pilipino sapagkat


ipinagmamalaki ko ang kakayahan ng bawat pinoy na
mangarap- hindi lamang para sa sarili, kundi para sa
bayan. Hindi natin maikakaila na mahabang panahon
ang dinanas ng ating mga ninuno sa kamay ng iba't
ibang mananakop; ngunit hindi ito naging dahilan
upang mawalan sila ng pag-asa. Ang bawa't Pilipino ay
tumayo at nanindigan para sa bayan.. Bawa't isa ay
nangarap para sa lupang sinilangan. Ipinagamamalaki
ko ang bawa't bayaning Pilipino, at ipinagmamalaki ko
na ako ay Pilipino. Totoo, marami ang umaalis sa
Pilipinas. Ngunit malaki ang aking paniniwala na saan
man sa mundo, ang bawa't Pinoy ay may matayog na
pangarap para sa kanyang iniwang bayan.. At dala
dala niya ang lahing ito- ipinagmamalaki sa buong
mundo.

Habang-buhay akong magpapasalamat na kabilang ako


sa lahi ng mga taong lumalaban at nangangarap para
sa bayan.

Reena Collado, Proud to be Pinay. ;)

Lee Anne Yabut:

MASARAP KAYANG MAGING PINOY!Sa panahon ngayon,


naiintindihan ko naman ang mga tao kung sa tingin
nila hanggang sa panaginip nalang ang pagunlad ng
bansa, ang paglaho ng korupsyon at mga nandadayang
opisyal, ang pagwala ng kahirapan. Hindi ako baliw
para hindi isipin yan. Madalas napapabuntong hininga
nalang ako sa mga balita pero isang araw (Lola
Basyang ata ang labas ko nito), umuwi ang nanay ko sa
bahay sabay kinuento ang kayang research tungkol sa
ekonomiya ng Pilipinas. History kumbaga. Sabi nia:
Alam niyo bang pumapangalawa ang Pilipinas sa
pinakamayamang bansa sa Asya nung 1972? Pangalawa
tayo sa Japan sa yaman, halos industrialized country
na nga tayo kung tutuusin. Napaisip ako, kung kaya ng
panahon noon na umunlad ng ganun (matapos ang
World War 2, matapos ang pananahon ng mga
dayuhan), bakit hindi kaya ngayon?

Masarap maging pinoy lalo na kapag


nagpapakitanggilas sa isang environment na puro
foreigner (at mga english-spokening-in-dollar na mga
tao).Masarap maging pinoy lalo na kapag taas noo
mong ipagmamalaki na marunong kang magsaing,
kapag marunong kang ngumiti kahit gaano kahirap ang
buhay, kapag marunong kang kumain ng balot (lalo na
kapag nanunuod ka ng Fear Factor sa telebisyon),
kapag marunong kang mag-English, mag-Tagalog,mag-
Bisaya (may libreng exclusive language ka pa..secret
language niyo un!). Masarap maging pinoy dahil sa
aking opinyon, ang mga pinoy ang isa sa mga
pinakaversatile na tao sa buong mundo. Nakaranas
kanang maging mayaman-maunlad. Nakaranas ka narin
ng hirap. Kaya ikaw ang may kakayahan para
tumayo!Masarap maging pinoy! Kaya pare,ipagmalaki
mo!

Lee Anne Yabut, P.I.N.O.Y: Pinaka-Incredible Na Oori-


ng-tao,Yeahman!. ;)

Ernest Levanza:

Marami tayong pwedeng ipagmalaki bilang isang


mamamayan nang pilipinas. Ang mga manga natin
ditto ay tinuturing na pinakamasarap sa buong mundo.
Ang ating pambansang kamao na si Manny Pacman ang
laging namamayani pagdating sa boxing. Ang mga
pamilya dito sa ating bansa ay tinuturing na
pinakamatalik sa buong mundo at tayo ren daw ang
pinaka hospitable at matulungin na tao. Ito ang mga
maliliit na bagay na pwede na nating ipagmalaki.

Ang gusto kong bigyan pansin na bakit natin pwede


ipagmalaki ang pagiging pinoy ay dahil sa ating
kasaysayan. Noong mga panahon ng mga kastila,
pinakita na ng mga pinoy ang ating katapangan at
kamahalan sa ating kalayaan. May mga taong naging
simbolo nang ating pagkatao at sila rin ang mga
dahilan na bakit tayo pwedeng ipagmalaki ang ating
mga sarile. Hangang sa kasalukuyan, nakikita natin
ang mga minifesto nang ating mga ugali na
ipinaglalaban ang mabuti para sa ating minamahal na
bayan

Kayo, kabataan! Sagutin ninyo ang tanong na ito: Ano


ang ipinagmamalaki mo bilang isang PILIPINO?

Ibahagi ninyo ang sagot


ninyo sa amin at sa
buong mundo!!
proud to be pinoy at 7:26 AM

52 comments:

Anonymous June 10, 2007 at 7:35 PM


maganda ang pilipinas at talagang mababait ang mga
tao dito kaya proud na proud ako!! -nigel
Reply

Anonymous June 10, 2007 at 7:47 PM


Proud to be pinoy ako dahil masaya sa bansang ito at
"hospitable" talaga ang mga pinoy.

Kahit may mga problema ay nagagawa pa rin nating


ngumiti, pinoys are very positive.

Masaya rin sa pilipinas dahil sa mga kultura. napaka-


makulat at tangi.

Proud rin ako sa mga tourist spots tulad ng intramuros,


baguio,palawan, siargo, davao, cebu, bohol,boracay,
at iba pa.

Physically, napaka ganda ng mga babae dito sa


pilipinas. black hair, black eyes, sunkissed tan.
EXOTIC. hahaha. Ü

Proud ako sa itsura ng mga pinoy. Pinakamaganda sa


buong daigdig.

Napaka sociable nga mga pinoy, masaya sila kausap at


makasama.

Sobrang saya ng mga piyesta sa Pilipinas. Umaapaw sa


pulutan. masaya ang mga laro. atbp.

Modern na rin ang bansang pilipinas. Magaganda ang


pasayalan, malalaki ang mga malls.

Mayroon rin tayong international singers tulad ni


Jasmine trias ng american idol, billy crawford na male
singer sa US, Lea Salonga sa Broadway,Apl ng Black
Eyed Peas Nicole ng pussycat dolls.

at si Manny pacquiao. ang pambansang kamao ng


pinas.

masarap rin ang mga pagkain dito. Sisig, crispy pata,


balot, chicaron, sinigang, mechado, daing na bangus,
bicol express, kare-kare, puto, bibingka, isaw, halo-
halo , ADOBO , at marami pa! mmmmmm... sarap.

PROUD AKO MAGING PINOY!!!


Reply

Anonymous June 10, 2007 at 8:43 PM


bagama't inuulan ang ating lahi ng batikos at
napapasailalim ang ating bansa sa maraming
problema, masasabi kong hindi ko ipapagpapalit ang
aking pagkapilipino sa kahit ano pa mang lahi. nakita
ko sa mga pahayag ng mga bumubuo ng blog na ito na
may pag-asa ang ating lahi. at naniniwala ako riyan.

Mabuhay ang Pilipinas. Mabuhay ang lahing Pilipino! :)


Reply

Anonymous June 10, 2007 at 9:03 PM


kanina napaisip ako kung bakit ang araw ng kalayaan
natin ay ganun ganun na lamang inurong ng Pangulong
GMA. Para sa akin nawawala na ang tunay na diwa
kung bakit natin ipinagdiriwang ang makasaysayang
araw ng kalayaan. Ito ba ay sa dahilang hindi nating
ramdam na tayo ay tunay nang malaya? O baka naman
ang karamihan lang sa atin ay hindi napapahalagahan
ang pinaglaban ng ating mga ninuno dahil sa hindi nila
ganap na nauunawaan ang ating kasaysayan marahil na
rin siguro sa kamangmangan na dala ng kakulangan
natin sa paaralan?

Paano ba natin maisasapusong muli bilang isang lahi,


isang bansa ang araw ng kalayaan?
Reply

Unknown June 10, 2007 at 9:30 PM


Para sa akin, isang malaking karangalan ang maging
isang Pilipino dahil marami tayong katangian na sa
atin lang makikita. Halimbawa na lamang ang pagiging
matanggapin sa mga bisita. Sinisiguro natin na
magiging comportable ang panandaliang pamamalagi
ng ating bisita sa ating tirahan. Isa pa sa dapat nating
ipagbunyi ay ang pagiging masayahin natin. Kahit
inuulan ng problema ang ating bansa, tayong mga
Pilipino ay taas noo parin at dinadaan nalang sa tawa
ang mga pagsubok. Ilan lamang ito sa mga dahilan
kung bakit masasabi kong PROUD to be PINOY!
Reply

Unknown June 10, 2007 at 9:30 PM


This comment has been removed by the author.
Reply

Martini June 10, 2007 at 10:31 PM


Anlupit maging Pinoy?

Bakit?

Tayo lang ata ang lahi sa buong mundo na laging


nakangiti..

Talunan, nakangiti... Maraming problema, nakangiti


pa rin!

Kaya naniniwala ako na tayo ang pinakamalupit na


lahi! Parang walang problema, laging sama sama,
laging masaya!
Reply

Anonymous June 10, 2007 at 10:45 PM


Pinoy rules!
Tangina, i wouldn't trade it for the world!
Aangat rin tau! Basta magsama-sama tau!
Reply

Anonymous June 10, 2007 at 11:08 PM


dahil kakaiba ang mga pilipino.madaming katangian na
naiiba.
Reply

Anonymous June 10, 2007 at 11:11 PM


ang mga pilipino ay wlang kapareho!:) yeaaaahhh!!:)
Reply

Anonymous June 10, 2007 at 11:13 PM


malupet :)) hahaha!!
Reply

Anonymous June 10, 2007 at 11:14 PM


mapagmahal :D woo.
Reply

Anonymous June 10, 2007 at 11:15 PM


maganda ang katangian.. at ito ay maipagmamalaki ko
sa lht!:)
Reply

Anonymous June 11, 2007 at 2:50 AM


dapat maging TAPAT sa BAYAN
Reply

Anonymous June 11, 2007 at 4:33 AM


We have unique personalities..!

Proud to be a pinoy!

-gart
Reply

Anonymous June 11, 2007 at 4:59 AM


'one-of-a-kind' talaga ang Pilipinas at cyempre and
mga Pilipino!=D saang lupalop ka ba ng mundo
makakakita ng mga taong todo alaga sa mga bisita?
saan ka makakatikim ng pagkaing makulay na,
masarap pa (halo-halo)?! at saan ka makakarinig ng
mga kakaibang kwento ni juan tamad at ni lola
basyang? sa Pilipinas lang yan. ayus diba?! i'm so proud
to be pinoy!=D
Reply

Anonymous June 11, 2007 at 5:02 AM


isang karangalan ang pagiging isang Pilipino. hindi
kaila sa atin na maraming naninira o nangmamaliit sa
mga kakayahan nating mga Pilipino ngunit
pinapatunayan natin na sila ay nagkakamali sa iba't
ibang paraan at larangan na ating nalalaman. hindi
ba't sa mga pahayagan at balita, maaring maraming
masasamang lumalabas na kuru-kuro tungkol sa ating
lahi pero lagi naman tayong may pambawing mga
karangalan, bagong natutuklasan, atbp. iyan ang aking
maipagmamalaki. hindi nauubusan ng lakas ng loob
ang mga Pilipino. sa bawat bagyong ting hinaharap ay
hindi tayo sumusuko. **habang may buhay, may pag-
asa**
Reply

Anonymous June 11, 2007 at 5:06 AM


may mga katangian ang mga Pilipino na sadyang
kakaiba
Reply

Anonymous June 11, 2007 at 5:07 AM


ang walang kapantay na pagmamahalan ng mga
magkakapamilya =D
Reply

Anonymous June 11, 2007 at 5:11 AM


magaling tayo makibagay. akalain mong mas magaling
pa tayo mag-Ingles kaysa sa mga Kano?!?
Reply

Anonymous June 11, 2007 at 5:53 AM


pinoys have BIG families!

..and appetites.:)
Reply

Anonymous June 11, 2007 at 5:54 AM


pinoys have BIG families!

..and appetites.:)
Reply

Anonymous June 11, 2007 at 5:55 AM


...i love fish!!!
Reply

Anonymous June 11, 2007 at 5:58 AM


syempre the people here are EXOTIC and hot and they
have beautiful skin, and jet black hair.

i love how hospitable this country is.

they're very welcoming.. like me.

duh. im pinoy.
Reply

Anonymous June 11, 2007 at 5:58 AM


PINOY = magalang, matimpi, matatag, matindi,
mapagmahal, mapagbigay, masahayin, at MAGALING.
mabuhay
Reply

Anonymous June 11, 2007 at 6:03 AM


i'm so proud to be a pinoy!ü love it here!
Reply

Anonymous June 11, 2007 at 6:04 AM


maalaga ang mga pinoy sa mga bisita nila! iba talaga
ang mga pinoy! -best
Reply

Anonymous June 11, 2007 at 6:05 AM


..iM pRoud tO bE pinOy!..

..kxE!..

..magagaLang tAyOh!..

..kHit eUng ibAh iNdi nUa!..

..aNd prOud akOh kxE mAgAndAh eUnG ksAysAyAn


nTin!..

..aNd dbAh uNg mGa fOreinErz nAdAyOh pAh ditOH?..

..pAwA mkitAh nLa qkUng gAanOh tLgaH kgAndAh


eUng piLipinAs!..

..kaiLangAn mgiNg prOud tEo qkUng anUnG mEoN


tEo!..
Reply

Anonymous June 11, 2007 at 6:06 AM


xeMpre typE TAYo NG MgA AMErIcANS.

sOsYALAn!!!#!

~14~
Reply

Anonymous June 11, 2007 at 6:07 AM


helloooo, BORACAY.
Reply

Anonymous June 11, 2007 at 6:59 AM


Yes! I'm proud to be 100% Pinay! We're HOT!-Bei
Reply

Anonymous June 11, 2007 at 7:20 AM


Ang pagiging Pilipino ay isang kayamanang hindi
pwedeng mabili. Ang mga dayuhang nagpupumilit na
maging isang Pilipino ay kailanma'y hindi magiging
isang tunay na Pilipino lalo na kapag walang dugong
Pilipinong nanalaytay sa kanila. Tayong mga Pilipino
ay hindi dapat matabunan ng mga kulturang banyaga
sapagkat hindi tayo ang nakikinabang diyan. Huwag
nating hayaan na alipustahin tayo ng mga walang
hiyang banyagang 'yan na nakikitira na lamang sa ating
bayan, sila pa ang mas mayaman sa atin. Lumaban
tayo!!! Ipaglaban ang tunay na kalayaan ng ating
bansa!!!
Reply

Anonymous June 11, 2007 at 7:24 AM


because we're friendly people..
because we're close to our family..
because we respect our elderly but still live a
liberated life..
because pinay's are hot..like me! ;)
Reply

Anonymous June 11, 2007 at 7:25 AM


ipinagmamalaki ko ang mga pilipino sapagkat tayo'y
kakaiba sa mga banyaga.. masasabi ko na tayo'y unang
una, mapagmahal sa diyos at sa pamilya, malikhain,
masayahin, matiyaga, masining, mababait,
magagalang, matatalino, at magaganda hindi lamang
sa panlabas kundi pati na rin sa panloob..
Reply

Anonymous June 11, 2007 at 7:36 AM


im proud to be a filipino because of the fact that i am
a filipino. im pround of our country's history, diversity
and how much we have accomplished over the years.
except of course for our government but thats a whole
different story all together. :)
Reply

Anonymous June 11, 2007 at 7:41 AM


Proud to be pinoy dahil sa mayaman nating kultura
pagdating sa sining! Ma-talent ang mga Pinoy! Sa
sayaw, kanta, teatro, literatura at visual arts! :)

- Anna Abola :D
Reply

Anonymous June 11, 2007 at 7:41 AM


we have the best beaches and the world's most
biodiverse coral reefs.
Reply

Anonymous June 11, 2007 at 7:42 AM


Ang mga Pilipino ay napakagaling sa ano mang
larangan -mapaisports, arts, talino, SA LAHAT!
ang mga Pilipino ay mattiyaga kaya nga madami
tayong mga OFW para lang mabuhay ang kanikanilang
mga pamilya.
ang mga Pilipino ay hospitable. kahit na wala ng
pagkain ay naghahain parin para sa bisita.
ang mga Pilipino ay matitibay. dahil kahit sa tindi ng
paghihirap ay nakukuha parin nito ngumiti at magsaya.
PROUD TO BE PINOY!!!
Reply

Anonymous June 11, 2007 at 7:44 AM


I'm proud to be pinoy kahit marami ang naninira sa
kanya... kahit hindi ako 100% pinoy... basta ang alam
ko, dito ako lumaki - sa bansang ito. This country
molded me. That's what I am proud of.
Reply

Anonymous June 11, 2007 at 8:12 AM


maganda ang hangarin ng mga magaaral na ito. sana
maipahayag ito sa mas maraming tao. tayo ay maging
halimbawa sa mga iba. tulong tulong tayo para sa
kinabukasan ng ating mga anak. huwag na ang siraan!
Reply

Anonymous June 11, 2007 at 8:29 AM


Ang maipagmamalaki ko bilang isang Pilipino ay ang
ating pagiging...

magalang - mayroon pa tayong mga salitang po at opo


upang bigyang galang ang mga nakatatanda't
nakakataas sa atin.

masipag - sa tuwing isinasapuso ng mga Pilipino ang


mga gawain nila, hindi lamang para sa kita, meron pa
ring "personal touch" sa outcome ng trabaho nila at
may malasakit para sa pinagtatrabahuhan nila. Mahal
nila trabaho nila.

the kind of hospitality we give to our guests - ibang


klase nga naman daw dahil approachable ang mga
Pinoy pagdating sa mga situasyon tulad ng mga
turistang naliligaw (featured sa Noypi ng ABS-CBN)

pagpapahalaga sa pamilya - example: mayroong


nagkasakit sa pamilya. Kahit lumiban sa trabaho,
bibisita o mag-aalaga sila sa may sakit. Mayroon ding
special leave ang mga empleyado para sa mga
espesyal na okasyon tulad ng birthday, enrollment,
etc.

You might also like