You are on page 1of 3

Pagsulong ng Diwa ng Nasyonalismo

Ang Nasyonalismo ay nangangahulugan ng pagmamahal sa bayan. Ito rin


ay kamalayan ng isang lahi na sila ay may iisang kasaysayan, wika at
pagpapahalaga. Ito ay nagsisilbing matibay na reaksyon natin laban sa
imperyalismo at kolonyalismong dumating sa ibat-ibang panig ng bansa.
Ito ay tumutukoy sa damdaming makabansa, katapatan sa bayan at
pagkakabuklod-buklod ng bawat isa. Sa ating henerasyon ngayon ay
maraming paraan upang maipakita natin ang ating pagmamahal sa
bansa. Ang mahalaga ay nagkakaisa at sama-sama tayo bilang Pilipino sa
pagpapakita kung gaano natin iniibig ang ating bansang sinilangan, ang
Pilipinas. Narito ang ilang hakbang sa pagsulong ng diwa ng nasyonalismo.
1. Pagmamahal sa bansa. Igalang ang watawat ng Pilipinas at pahalagahan ang pagiging
Pilipino.

2. Magkaroon ng kamalayan sa mga isyu sa ating bansa. Alamin ang mga nangyayari sa
bansa. Maaaring tumulong sa kapwa, lalo na sa mga nasalanta ng kalamidad.

3. Ipagmalaki ang pagtatagumpay ng mga Pilipino. Ipagmalaki ang mga taong nagbibigay
ng dangal tulad nina Manny Pacquiao at Hidilyn Diaz dahil sila ang mga taong nagbibigay
dangal sa ating bansa.

4. Tangkilikin at suportahan ang sariling produkto. Ang ating ekonomiya ay mapapabuti kung
tayo mismo ay tumatangkilik sa ating mga produkto.

5. Tandaan at alalahanin ang mga bayaning nagsakripisyo sa ating bansa. Bawat isa kanila
ay may kanya kanyang paraan ng pagpapakita ng pag-ibig sa ating bansa.
6. Palaging magsalita ng pambansang wika. Dahil ang ating sariling wika ay siyang ating
pambansang pagkakakilanlan. Ito ay mahalaga upang makamit natin ang pagkakaisa at
pagkakaintindihan.

7. Igalang ang lahat ng tao lalo na ang matatanda, dahil ang mga Pilipino ay likas na
magagalang.

8. Pahalagahan ang mga kultura at tradisyon tulad ng pagiging magiliw sa mga panauhin at
pagiging relihiyoso.

9. Paggawa ng mga simpleng bagay tulad ng pagiging disiplinado at ang pagsunod sa mga
batas. Dahil ang batas na ipinapatupad ay para sa ikabubuti ng ating bansa.

10. Mahalin ang pamilya at kapwa kababayan, dahil sa pagmamahalan at pagtutulungan ay


naipapakita natin na ipinagmamalaki natin na tayo ay Pilipino.

You might also like