You are on page 1of 1

Paraan upang maipakikita ang pagpapahalaga at pagmamalaki sa kultura.

1. Igalang ang paniniwala at tradisyon ng iba.

2. Igalang ang relihiyong kinamulatan ng bawat isa.

3.Laging sikaping gamitin ang wikang Filipino sa pakikipagtalastasan.

4. Igalang ang mga pangkat etniko sa kanilang kasuotan.

5. Igalang at ipagmalaki ang kulturang kinagisnan ng mga pangkat etniko.

6. Pag-aralang lutuin at kainin ang mga pagkaing Pinoy.

7. Tuklasin at paunlarin ang iyong talento at iambag ang iyong kakayahan sa

pagpapaunlad ng ating kultura.

8. Pag-aralan ang mga katutubong sayaw, awitin, at sining at sikaping maipakita

ang mga ito sa iba’t ibang pagtatanghal.

9. Tangkilikin ang mga produktong gawang Pilipino.

10. Patuloy na magsaliksik at pag-usapan ang mayamang kultura ng bansa.

11. Awitin nang may damdamin at pagmamalaki ang Lupang Hinirang.

12. Igalang ang watawat ng bansa bilang pangunahing sagisag nito.

13. Laging tangkilikin ang mga larong Pinoy gaya ng tumbang preso, patintero, at

palosebo.

14. Ipagmalaki ang mga natatanging kaugalian ng mga Pilipino gaya ng pakikisama,

bayanihan, at pakikiramay.

15. Puntahan o ipamahagi sa iba ang mga naggagandahang tanawin at pamanang

pook ng bansa.

You might also like