TEMA: KULTURANG PILIPINO SA ISIP, SA SALITA AT SA GAWA
Ako ay Pilipino, tunay at totoo
Sa isip, sa salita at sa gawa , mahal ko ang bayan ko Ikaw Kabataan, Binibini, Ginoo Sagisag ng Pagka-Pilipino
Mayamang kultura, ating sinasalamin
Makulay na tradisyon, ipinamamahagi din Paniniwala’t Mithiin Sinusunod and lahat ng tungkulin
Sagisag ng kalayaan, sandigan ng katapatan
Kulturang Pilipinong noo’y ating ipinaglaban Nawa’y ingatan at laging alagaan Lubos na mahalin, kailanma’y huwag pabayaan.
Kultura’y ating pagyamanin
Habangbuhay ating panatilihin Sa isip ay ating itanim, Sa salita’y ating palawakin Sa gawa ay ating tangkilikin Tuloy-tuloy nating palaguin, mga bagay na sariling atin
Kultura natin ay huwag ikahiya
Mga kaugaliang mabubuti at magaganda Sa mga Pilipino ito ay mahalaga Mga gawi na kamangha-mangha at kahangahanga
Ipagmalaki natin ang kulturang Pilipino
na syang humubog sa ating pagkatao Mga Binibini at Ginoo, pakinggan natin ito Tayo’y natatangi at kilala sa mundo bilang isang Pilipino !