You are on page 1of 39

Edukasyon sa Pagpapakatao

5
Quarter 3 Week 1
MELC
Nakapagpapakita ng mga kanais-nais na kaugaliang
Pilipino
a nakikisama sa kapwa Pilipino
b.tumutulong/lumalahok sa bayanihan at palusong
c. magiliw na pagtanggap ng mga panauhin
EsP5PPP – IIIa – 23
Kanais-nais na
Kaugaliang
Pilipino
Gumuhit ng isang caterpillar sa papel na
ibibigay ng iyong guro at isulat mo sa
loob ng bilog ang mga
katangian/kaugaliang taglay mo bilang
isang Pilipino. Kulayan ito.
Sa araling ito iyong:
• Matutukoy ang mga kaugalian at tradisyong nagpapakita ng
pagiging mabuting mamamayan,
• Matatalakay ang mga katangian, kaugalian, at tradisyong
dapat nating mapanatili, mapayaman, at mapaunlad, at
• Maisusulat ang isang pangako ng pagpapakita ng pagmamahal
sa bansa.
• Matutukoy kung gaano kadalas ginagawa o isinasabuhay ang
mga sitwasyong nagpapakita ng kaugaliang Pilipino.
• Naiisa-isa ang mga kaugaliang nais paunlarin at baguhin.
Ang pagmamahal sa bansa ay isang katangian na
nasusukat sa maraming bagay. Hindi kailangang
palagi mong sinasabi na mahal mo ang Pilipinas
upang maituring na mahal mo ang iyong bayan.
Maaari din kasi na maipakita ito sa pagsasabuhay
ng mga katangian, kultura, at kaugaliang
kumakatawan sa isang tunay na Pilipino. Mga
kaugalian na sariling atin.
Sa kasalukuyan, maraming kabataang Pilipino
ang hindi nakakikilala sa ating mga katutubong
kaugalian at kultura. Kaya naman ang
pamahalaan at iba pang institusyon ay
nagsisikap na maipaabot sa mga kabataan ang
pangangailangang matutuhan muli ang
pagmamahal sa bansa sa tulong ng pagbuhay
muli ng mga kaugaliang Pilipino.
Ipinahahayag natin ang
pagmamahal sa bansa sa
paggamit ng ating mga
kakayahan at pagtupad sa mga
tradisyong nakagisnan.
Pagmasdan mo ang mga larawan sa ibaba.
Sagutin mo ang mga tanong sa sagutang papel.
1. Anong mga kaugaliang Pilipino ang ipinapakita sa larawan?
2. Alin sa mga kaugaliang ito ang naranasan o nagawa mo na?
3. Nararapat bang ipakita ang mga kaugaliang ito? Bakit?
4. Ano ang ibig ipahiwatig ng isang taong nagpapakita ng mga
kanais-nais na kaugaliang Pilipino?
5. Anu-ano pang mga kanais-nais na kaugaliang Pilipino ang
alam mo na dapat nating taglayin?
Kilala tayong mga Pilipino sa ating
magagandang kaugalian at tradisyon.
Nagpapakita ng pagiging mabuting mamamayan
ang karamihan sa mga kaugaliang ito. Tingnan
mo ang mga Iarawan sa kasunod na pahina.
Isulat sa iyong sagutang papel ang bilang na
nagpapakita ng pagiging mabuting mamamayan.
Ipaliwanag kung bakit ito ang iyong napili.
Individual
Activity
Mga Tanong:
1. Ano ang palusong? Ginagawa pa rin kaya ito sa ngayon?
2. Anong mga katangian at kaugaliang Pilipino ang ipinakita sa
kuwento?
3. Paano nagtulungan ang magkakapitbahay at magkakaibigan sa
pamayanan?
4. Paano nailigtas ng mga kaibigan at kapitbahay ni Mang Oscar
ang mga tanim niyang palay mula sa pagkasira?
5. Bakit ipinakita ng mga kapitbahay ang kanilang
pagbabayanihan kay Mang Oscar?
Ano ang namumukod/natatangi na katangiang
Pilipino na gusto mong paunlarin sa iyong sarili ?
Ano namang hindi magandang ugaling Pilipino
ang gusto mong baguhin? Sagutin at ipaliwanag
ito sa iyong sagutang papel.
Katangiang Pilipino na Gustong Hindi Magandang Ugaling
Paunlarin Pilipino na Gustong Baguhin

1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
Dapat lagi mong ipagmalaki ang pagiging Pilipino.
Hindi mo dapat ikahiya ang iyong lahi dahil binigyan ka ng
Diyos ng talino, kakayahan at pisikal na katangiang katangi-
tangi bilang isang Pilipino, na dapat lagi mong mahalin at
ipagmalaki. Napakaraming magagandang katangian o
kanais-nais na kaugalian ang mga Pilipino. Ilan sa mga ito
ay ang mga sumusunod
Mabuting Pagtanggap at
Pakikitungo
Kilala ang mga Pilipino sa mabuti at
magiliw na pagtanggap. ibig nilang
masiyahan at maging maginhawa ang
kanilang mga panauhin. Nagsisilbi
sila ng pinakamasarap na pagkaing
kanilang makakaya at naghahanda ng
maayos na tulugan para sa mga
bisita. Nagbibigay pa sila kung
minsan ng mga regalo kapag paalis
na ang kanilang mga panauhin.
Pagtutulungan
Nagsisimula ang pagtutulungan sa sariling tahanan. Nagtutulung-
tulong ang mga kasapi ng mag-anak sa mga gawain dito.
Nagtutulungan din ang bawat isa sa magkakapitbahay upang
maisaayos at mapaunlad ang kanilang pamayanan. Iyan ay likas
na katangian ng isang Pilipino.

Ang karaniwang tawagan sa pagtutulungang ito ay bayanihan.


Tumatawag ang magkakapit-bahay ng bayanihan kapag may
isang malaking gawaing isasagawa sa maikling panahon.
Nagtutulungan ang bawa't isa upang maging magaan ang isang
mahirap na gawain. Kalimitang ginagawa ito tuwing panahon ng
pagtatanim at pag-aani at sa paglilipat ng isang bahay sa ibang
lugar.
Mapagpahalaga sa Pamilya
Ang pamilyang Pilipino ay nabibigkis ng pagmamahal, malasakit, at pagtutulungan.
Dahil dito, ang mag-anak at magkakamag-anak ay madalas na magkakasama sa mga
gawain, salo-salo at pagdiriwang.
Karamihan sa mga mag-anak na Pilipino ay may maganda at malapit na pagsasama-
sama. Nagtutulungan ang bawat kasapi sa pagsasagawa ng mga gawaing-bahay.
Madalas dumadalaw sa magulang ang nag-asawang anak kapag ito'y naninirahan sa
ibang lugar. Nagsasama-sama pa ang mag-anak tuwing may "family reunion" kung
Pasko at iba pang pagdiriwang o okasyon. Iyan ang nagpapakita kung paano
nagkakaisa ang mga mag-anak na Pilipino. Inaalagaan at minamahal ng bawat
miyembro ng mag-anak ang matandang kasapi nito. Tungkulin ng bawat Pilipino na
magsilbi sa kanyang matatandang magulang, mga lolo't lola, at kamag-anak
hanggang sila'y nabubuhay. Iyan ang paraan ng pagpapakita ng magandang pagtingin
sa matatanda.
Pagtitiwala sa Panginoon/ Maka-Diyos
Isang magandang katangian ng mga Pilipino ang pagtitiwala sa
Panginoon. Karamihan sa kanilang mga mag-anak ay matapat sa
pananampalataya. Naniniwala silang may isang Panginoong
pumapatnubay sa lahat ng kanilang gawain. Ang malalim at matatag na
pananampalataya sa Poong Maykapal ang nagbibigay lakas at pag-asa sa
mga Pilipino upang harapin ang pang-araw-araw na buhay. Ang
Pilipinas ang natatanging bansa na may higit na nakararaming
mamamayang Kristiyano kumpara sa mga bansang karatig nito. Kaya
nga sa kabila ng krisis at kahirapan ng buhay at sa panahon ng trahedya
at kalamidad, ang mga Pilipino ay umaasa sa tulong ng Diyos at may
tatag ng kalooban.
Tiyaga, Positibong Pananaw sa Buhay at Pagkamalikhain
Ginagawa at tinatanaw ng mga Pilipino ang mga bagay hanggang
katapusan. Lagi tayong may positibong pananaw, pag-asa at pagtingin
sa magandang bahagi ng buhay. Gaano man kahirap ang ating buhay,
sumusulong tayo dahil alam nating sa dulo’y muling sisikat ang araw.
Tinatanggap natin ang lahat nang mahinahon at magaan dahil sa ating
pagiging matiyaga.
Nakakalikha tayong mga Pilipino ng kung anong mayroon tayo.
Nagpapakita ito ng ating pagiging mapamaraan o maabilidad.
Malikhain din tayo sa pakahulugang may kasanayan at talino tayo sa
pag-iimbento ng mga bagong bagay.
Basahin mo ang mga pangungusap sa ibaba.
Gumuhit ka ng isang malaking salakot
katulad ng nasa ibaba at isulat mo sa loob
nito ang mga pangungusap na kaya mong
gawin na nagpapakita ng kaugaliang Pilipino
bilang tanda ng iyong pagmamahal sa bansa.
Gawin mo ito sa sagutang papel.
1. Sinusunod ko ang mga batas trapiko.
2. Nakikinig ako sa payo ng nakatatanda sa akin.
3. Nagbabasa ako ng diyaryo araw-araw.
4. Maaga akong natutulog tuwing gabi.
5. Hindi ako nakikipag-away.
6. lnaalalayan ko ang mga nakatatanda na papasakay ng bus.
7. Tumutulong ako sa pagbibigay-babala sa mga tao kapag
may parating na bagyo.
8. Tinatangkilik ko ang mga produktong Pilipino.
9. Nagpupunta ako sa museo sa tuwing may pagkakataon.
10. Nakikiisa ako sa programa ng mga kabataan sa aming lugar.
11. Madalang akong tumangkilik ng imported na mga gamit.
12. Nagtatanim ako ng halaman sa aming bakuran.
13. Pinaghihiwa-hiwalay ko ang mga basurang nabubulok at
basurang di-nabubulok.
14. Natutuwa ako kapag may atletang Pinoy na nananalo sa
paligsahan sa ibang bansa.
15. Madalas akong makinig ng mga awiting Pinoy.
16. Nagsisikap akong makatapos ng pag-aaral.
17. Madalas akong sumali sa mga protestang may kinalaman
sa lipunan.
18. InaaIagaan ko ang nakababata kong kapatid sa tuwing
wala sa bahay ang aming mga magulang.
19. Nagtitipid ako ng konsumo ng tubig at koryente.
20. Iginagalang ko ang pagkanta ng Pambansang Awit ng
Pilipinas.
Bilang isang Pilipino, nararapat nating ipakita
at ipagmalaki ang mga magaganda at kanais-
nais na kaugaliang Pilipino bilang tanda ng
ating pagmamahal sa bansa. Ang pagpapakita
sa mga kaugaliang ito ay paraan upang
mapahalagahan, mapanatili at mapaunlad pa
ang mga katangian at kaugaliang natatangi sa
ating mga Pilipino.
Ang mabuting pakikitungo sa kapwa, pakikilahok
sa mga bayanihan at palusong at mabuting
pagtanggap ng bisita/panauhin ay ilan lamang sa
mga kanais-nais na kaugalian na nararapat
isabuhay at ipakita ng bawat Pilipino. Ang
pagsasabuhay at pagpapakita sa mga kaugaliang ito
ay nagpapakita ng pagiging mabuting mamamayan
na may pagmamahal sa sariling bansa.
Maraming katangiang Pilipino ang dapat nating
ipagmalaki. Gayunpaman, may pagkakataong
naaabuso ang ilan sa mga katangiang ito, kaya,
lumilikha ng negatibong epekto. Isulat sa A kung ano
ang naiisip mo tungkol sa katangiang ito. Isulat naman
sa B kung ano ang pinaniniwalaan mo na dapat gawin
upang maiwasan ang pang-aabuso sa katangiang ito.
Kopyahin at sagutan ito sa sagutang papel.
1. Magiliw na pagtanggap sa mga panauhin
A.__________________________________
B. __________________________________
2. Pagkamatulungin
A. _________________________________
B. _________________________________
3. Pagdiriwang ng mga espesyal na araw
A. _________________________________
B. _________________________________
4. Kapatid ang pagtrato sa kaibigan
A. _______________________________________
B. _______________________________________
5. Matibay na ugnayang pampamilya
A. _______________________________________
B. _______________________________________

You might also like