You are on page 1of 18

EDUCATION 2

Theme:Community Awareness
Sub-theme: Compassion

Pagmamahal sa Ating Kaugalian ay


Pagmamahal sa Bayan
Charlene Timplanza
Iguhit ang masayang
mukha 😊kung nagpapakita
ng paggalang ang larawan
at malungkot na mukha ☹
kung mali ang ipinapakita
nito.
Kaugaliang Pilipino
ni: Hasmin R. Cruz
Kaugaliang Pilipino ating pagyamanin.
Po at opo palaging gamitin.
Kung ang kausap ay matanda sa atin.
Ito’y ugaliing isagot at gawin
Pagmano, paghalik sa pisngi
Sa mga nakatatanda
Kung ikaw ay aalis o darating ng bahay
Iyan ay tanda din ng paggalang
1. Ano ang mensahe ng tula?
2. Ano- ano ang mga kaugaliang Pilipino na
nabanggit sa tula?
3. Ginagawa mo din ba ang mga nabanggit
sa tula? Sa paanong paraan?
4. Magbigay ng iba pang kaugaliang
Pilipino na iyong ginagawa na hindi
nabanggit sa tula?
5. Paano mo isinasabuhay at ipinapakita
ang mga kaugaliang Pilipino na ito?
Bilang bata maipapakita
mo ang kaugaliang Pilipino
sa iyong munting paraan.
Narito ang ilang
halimbawa:
Gumawa ka ng isang
pangako na iyong
ipapakita at isasabuhay
ang mga kaugaliang
Pilipino sa pang -araw –
araw na pamumuhay.
Magkaroon ng telesuri. Suriin
ang isang programa sa
telebisyon sa loob ng isang
linggo. Itala ang mga kaugaliang
Pilipino na ipinakita sa
programa. Isang telesuri sa
programang________________
____________________
Lagyan ng tsek (/) ang mga pahayag na
nagpapakita ng magagandang
kaugaliang Pilipino na dapat taglayin at
pagyamanin at ekis (X) naman kung
hindi.
_______ 1. Laging nagmamano si Lito sa
kanyang mga magulang pagdating sa
bahay.
_______ 2. Padabog na ginagawa ni Lita
ang gawaing iniutos sa kanya ng Ate.
_________ 3. Nagdarasal ang mag-anak
na Santos sa harap ng hapagkainan bago
kumain bilang pasasalamat sa biyayang
natanggap.
_________ 4. Sinasagot nang pabalang
ni Lucy ang kanyang tatay kapag hindi
siya binilhan ng gusto niyang laruan.
_________ 5. Masayang naghuhugas ng
pinagkainan si Tina kahit marami pa ito.

You might also like