You are on page 1of 10

5

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan: Modyul 1
Taglay na Kaugaliang Pilipino,
Tanda ng Pagmamahal sa Bansa!

AIRs - LM
Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Ikatlong Markahan - Modyul 1: Taglay na Kaugaliang Pilipino,
Tanda ng Pagmamahal sa Bansa
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o


pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Jennifer Mae M. Micua, T-III
Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:
Atty. Donato D. Balderas, Jr.
Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph.D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS

Lorna O. Gaspar, EPS in Charge of EsP

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II


Alamin

Sa nakaraang aralin, natutunan mo ang tungkol sa kahalagahan ng


pakikipagkapuwa-tao. Naisabuhay mo na ang paggalang at pagmamalasakit
sa pamilya at kapuwa. Naintindihan mo na ang paggalang at pagmamalasakit
para sa kapakanan at kabutihan ng pamilya at kapuwa ay ilan lamang sa
pagpapahalagang dapat isabuhay ng mga tao sa kanilang pagpapahayag sa
pakikipagkapuwa-tao.

Ngayon, ay mas maipaiigting pa natin ang pagiging mabuting


mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagmamahal sa
bansa. Sa kasalukuyan, maraming kabataang Pilipino ang hindi nakakikilala
sa ating mga katutubong kaugalian at kultura. Kaya nangangailanagn na
matutuhan muli ang pagmamahal sa bansa sa tulong ng pagbuhay muli ng
mga kaugaliang Pilipino.

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang kaalaman,


kakayahan at pag-unawa sa:

➢ Pagpapakita ng mga kanais-nais na kaugaliang Pilipino


(EsP5P-IIb-23)

Mga Layunin sa Pag-aaral:

1. Pakikisama sa kapwa Pilipino;


2. Tumutulong/lumalahok sa bayanihan at palusong, at
3. Magiliw na pagtanggap ng mga panauhin.
Taglay na Kaugaliang
Aralin Pilipino, Tanda ng
1 Pagmamahal sa Bansa

Simulan

Gawain 1: Kulayan Mo ang PUSO Ko!

Panuto: Kulayan ng PULA ang kung ginagawa ang mga pahayag sa ibaba
at ITIM naman kung hindi.
1.Nagsisikap na makatulong sa mga kaklase sa abot ng makakaya.
2. Nagboboluntaryo na makapagbigay sa mga nasalanta ng kalamidad
maliit man o malaki.
3. Pagliban sa klase dahil sumama sa lakad ng barkada.
4. Pinaghihiwalay ko ang mga basurang nabubulok at hindi nabubulok.
5. Nakikipagkaibigan lamang ako sa mga may magagandang
gamit at mayayaman na kaklase.

Gawain 2: Tik-Tok!

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pahayag.


Isulat sa patlang ang TIK kung ito ay nagpapakita ng pagiging mabuting
mamamayan at TOK naman kung hindi.

______ 1. Pagtulong sa pagbubuhat ng mga gamit ng guro.


______ 2. Pakikipag-away sa mga kaklase para mapansin ng mga kaklase.
______ 3. Pagkalinga sa mga nangangailangan ng tulong.
______ 4. Pagpapanatili sa magandang ugnayan ng pamilya, kaklase at mga
kaibigan.
______ 5. Pagsira sa mga gamit ng paaralan kagaya ng pagbasag ng paso ng
mga tanim.

Lakbayin

Ang pagmamahal sa bansa ay isang katangian na nasusukat sa


maraming bagay. Hindi kailangang palagi mong sinasabi na mahal mo ang
Pilipinas upang maituring na mahal mo ang iyong bayan. Maaari din na
maipakita ito sa pagsasabuhay ng mga katangian, kultura, at kaugaliang
kumakatawan sa isang tunay na Pilipino.

Maraming kabataang Pilipino ang hindi nakakikilala sa ating mga


katutubong kaugalian at kultura. Nais ng pamahalaan at iba pang institusyon
na maipaabot sa mga kabataan ang mga pangangailangang matutuhan muli
ang pagmamahal sa bansa sa tulong ng pagbuhay muli ng mga kaugaliang
Pilipino.

Galugarin

Gawain 3: Sa Tamang Pagpapasiya!

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Bilugan ang


titik nang tamang sagot.

1. Nakita mong patawid sa kalsada ang isang babaeng matanda at marami


siyang dala-dalang gamit. Ano ang gagawin mo?
A. Pipiliin ko ang taong dapat tulungan.
B. Tutulong ako sa lahat ng pagkakataon.
C. Sasabihin ko sa pulis na tulungan ang matanda dahil trabaho niya
ito.
D. Tutulungan ko siya sa pagbitbit at pagtawid kung maraming taong
nakakakita.
2. Magaling sumayaw si Mara. Isang kaibigan ang nanghingi ng tulong,
nais nitong matutong sumayaw. Bakit siya pagbibigyan ni Mara?
A. Upang mabigyan siya ng bayad.
B. Upang lalo silang maging matalik na magkaibigan.
C. Upang maibahagi niya ang kanyang angking kakayahan.
D. Upang pagbibigyan din siya kapag siya na ang nangangailangan.

3. Ano ang mga pamantayan ng iyong pagtulong sa iyong kapwa?


A. Tutulong ako ng bukal sa kalooban.
B. Tutulong ako kung may kapalit na gantimpala.
C. Tutulong ako para maging sikat.
D. Tutulong ako upang kumita.
4. Anong dapat gawin upang malaman kung karapat-dapat tulungan ang
isang tao?
A. Magsasawalang -kibo na lang ako.
B. Pagbigyan na lamang upang di na mangulit pa.
C. Kilatisin kung tunay na nangangailangan ng tulong.
D. Hayaan na kahit na ano pa ang kanilang gagawin sa bagay na
binigay.
5. Alin sa mga magagandang katangian ng mga Pilipino ang tinataglay sa
isang bayanihan?
A. paladabog B. maarte
C. matulungin D. pala-utos

Gawain 4: Fact o Bluff!

Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang Fact
kung nagpapakita ng kanais-nais na kaugaliang Pilipino at Bluff kung hindi.

_____1. Ipaghanda ng meryenda ang mga panauhin sa inyong tahanan.


_____2. Nagsisikap na makatulong sa ibang tao sa abot ng makakaya.
_____3. Nagmamano sa mga magulang at ibang nakatatanda bilang paggalang.
_____4. Kapag may dumating na panauhin ang iyong kapatid, hindi mo na ito
kailangang asikasuhin.
_____5. Tutulong lang sa mga tao kung may kapalit na bayad.

Palalimin

Gawain 5: Isagawa Mo!

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Anong


tulong ang maibibigay mo?

1. May dumating na malakas na bagyo. Isang kapitbahay ninyo ang


nawalan ng bahay dahil sa buhawi. Ano ang iyong maitutulong?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. May pinuntahan sandal ang ate mo nang may biglang dumating na
kanyang panauhin. Ano ang nararapat na iyong gagawin?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Ano ang dapat mong gawin kung may pangkatang gawain sa paaralan
ngunit hindi tumutulong ang iyong mga kagrupo?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. Nakita mong patawid sa kalsada ang isang babaeng matanda at marami
siyang dala-dalang gamit. Ano ang gagawin mo?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
5. Habang kayo ay nag-aaral, bumisita ang ilang mga guro mula sa
Dibisyon ng La Union. Tinatanong nila kung saan makikita ang opisina
ng inyong punong-guro. Ano ang dapat mong gawin?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Rubric sa Pagsagot

Pamantayan Napakahusa Mahusay Katamtama Nangangaila May


y n ngan pa ng Panimulan
4 kasanayan g
5 3 Kasanayan
2
1

NILALAMAN Napakahus Mahusay ng May Maligoy ang May mga


(5PUNTOS) ay ng pagkakabuo kahusayan sagot. ilang
pagkakabuo ng sagot. ang Nakalilito naisusula
ng sagot. Malinaw at pagkakabuo at hindi t na salita
Malawak at tiyak ang ng sagot. tiyak ang ngunit
marami ang pahayag at Tiyak ang mga punto. walang
angkop na paliwanag. mga diwa.
pahayag at paliwanag
elaborasyon at pahayag
.

Gawain 6: Sumasangguni Ako!

Panuto: Magbigay ng limang (5) kaugalian Pilipino para maipakita ang


pagmamahal sa bansa.
Mga Kaugaliang
Pilipino na Tanda
ng Pagmamahal
sa Bansa
RUBRIK SA PAGSAGOT NG TANONG (WRITTEN OUTPUT)

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan


4–5 2–3 pa ng Kasanayan
1
Nilalaman Napakahusay at Mahusay at May kahusayan
(5 puntos) talagang naaayon naaayon ang ngunit hindi
ang nakapaloob nakapaloob na tiyak ang ilang
na kaisipan sa kaisipan sa nakapaloob na
sagot. sagot. kaisipan sa
sagot.

Sukatin

Panuto: Panuto: Iguhit sa patlang ang ☺ kung parating ginagawa at  kung


hindi kailanman ginagawa ang mga gawaing nakasulat sa ibaba.

_____1. Ipinagmamalaki ang mga kaugalian at tradisyong Pilipino.


_____2. Malugod na tinatanggap ang mga kamag-anak at kakilala kapag
dumadalaw sila.
_____3. Hindi pag-uwi nang maaga dahil may lakad kasama ang barkada.
_____4. Nagtatago kapag oras ng paglilinis sa paaralan.
_____5. Nagboboluntaryo sa pagbalot ng relief goods kapag kinakailangan.

Panuto: Bumuo ng limang salitang may kaugnayan sa bayanihan sa


pamamagitan ng puzzle. Bilugan ang mga salitang mabubuo.

S A M A H A N B J M D
T U L U N G A N E A A
Z X C B V F G S N E M
X Y J L J G K A I S A

R G F H K J L L Q W Y
A B D O P W Q H K H A
K U S A N G L O O B N
Mga Sanggunian:

• Peralta, G. A., et. al. (2016). Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon Kagamitan
ng Mag-aaral, p. 68-73, Vibal Group, Inc., Quezon City, Philippines
• Peralta, G. A., et. al. (2016). Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon Manwal ng
Guro, p. 21-22, Vibal Group, Inc., Quezon City, Philippines
• https://www.slideshare.net

Susi sa Pagwawasto

5. DAMAYAN ☺ 5.
4. KUSANG-LOOB  4.
3. KAISA  3.
2. TULUNGAN ☺ 2.
1. SAMAHAN ☺ 1.
SUKATIN

Gawain 5 at 6 (Gamitin ang Rubriks)


PALALILIM

Bluff 5. C 5.
Bluff 4. C 4.
Fact 3. A 3.
Fact 2. C 2.
Fact 1. B 1.
Gawain 4 Gawain 3

GALUGARIN

5.
TOK 5. 4.
TIK 4.
3.
TIK 3.
TOK 2. 2.
TIK 1. 1.
Gawain 2 Gawain 1
SIMULAN

You might also like