You are on page 1of 10

10

EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
IKATLONG MARKAHAN

GAWAING PAGKATUTO
LINGGO 6.2
Republic of the Philippines
Department of Education

Pangalan:______________________ Paaralan: _____________________________


Seksyon: _____________________ Petsa: _______________________________

I. Panimulang Konsepto

Magandang araw! Kamusta ka? Handa ka na bang matuto ng panibagong aralin? Madali lang
ito!

Nagmahal ka na ba? Sino ang mga mahal mo? Paano mo pinapakita ang pagmamahal mo
sa kanila? Ano ang nararamdaman mo kapag nasa mabuting kalagayan ang mga mahal mo?

Lahat tayo ay nagmamahal at ang agad nating sinasagot sa tanong na kung sino ang mahal
natin ay ang ating pamilya. Kadalasan, pinapakita ang pagmamahal sa paggawa ng mga bagay na
ikinasasaya nila at sa pagsambit ng mahal kita. Pero alam mo ba na hindi lang tao ang pwede nating
mahalin?

Ang pagmamahal ay isang espesyal na damdamin ng isang indibidwal na inaalay sa mga


importanteng tao, bagay, hayop, lugar o kahit sa pangyayari. Sa gawaing pagkatuto na ito ay
tatalakayin ang pagmamahal sa bayan.

II. Kasanayang Pampagkatuto

1. Nakagagawa ng angkop na kilos upang maipamalas ang pagmamahal sa bayan


(Patriyotismo). EsP10PB-IIIf-11.4

III. Mga Gawain

Handa ka na ba? Bago mo simulang alamin


ang mga angkop na kilos na nagpapakita ng
pagmamahal sa bayan, subukan mong
sagutan ang simpleng gawain na ito. Kaya
mo ‘yan!

Gawain 1 “APIR TAYO!”

Panuto: Ang apir o high five ay kadalasang binibigay kapag ang isang tao ay nakagawa ng
mabuting bagay. Sa gawaing ito, subukan mong pumikit at alalahanin ang mga mabubuting bagay
na nagawa mo na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan. Isulat ang iyong sagot sa bawat daliri ng
kamay.
Binabati kita dahil nasagutan mo ang unang gawain! Apir
tayo! Huwag mong kalimutan na balikan ang sagot mo dito
pagkatapos mong mabasa ang aralin . Alamin kung alin sa
mga sagot mo ang maituturing na angkop na aksyon na
nagpapakita ng pagmamahal sa bayan. Sa ngayon, ikaw ay
magpatuloy na. Basahin at unawain ang maikling pagtalakay
tungkol sa pagmamahal sa bayan.

PAGMAMAHAL SA BAYAN

Ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala sa papel na dapat gampanan ng bawat


mamamayang bumubuo rito. Ito ay tinatawag na Patriyotismo na ang literal na kahulugan ay
pagmamahal sa bayang sinilangan. Ang isang mamamayang may pagmamahal sa kanyang bayan
ay nauunawaan ang pangangailangang maglingkod sa bayan at sa kapwa. Alam niya kung kailan
siya kikilos dahil sa angking karunungan at laging isinasakatuparan ang pangkalahatang kabutihan.
Dahil dito, nagagawa niyang maipamalas ang mga angkop na kilos na nagpapakita ng pagmamahal
sa bayan.

MGA ANGKOP NA KILOS NA NAGPAPAMALAS NG PAGMAMAHAL SA BAYAN

May magagawa ang isang mamamayan upang mabigyan ng solusyon ang mga problemang
kinakaharap ng bayan. Mulat ka na sa katotohanang kabahagi sa pagbabagong kailangan ang mga
kabataan. Bukod sa mga tungkulin na dapat isabuhay bilang isang Pilipino at mamamayan ng ating
bansa na nakasaad sa konstitusyon, ibinihagi ni Alex Lacson ang mga sumusunod na simpleng bagay
na maaari mong isabuhay upang makatulong sa bansa.
a. Mag-aral nang mabuti. Ang isang taong may pinag-aralan hindi kailanman
mag-iisip na gumawa ng anumang paglabag sa mga batas na ipinapatupad ng
kaniyang bansa. Ang kaniyang natutuhan sa pag-aaral ay gagamitin niyang paraan
upang matulungan ang bansa sa problemang kinahaharap.

b. Huwag magpapahuli, ang oras ay mahalaga. Ang pagkaroon ng batas tungkol


sa tamang oras (RA 10535 o Philippine Standard Time) na susundan ng bawat
Pilipino ay makakatulong para maisulong ang kultura nang pagiging maagap (culture
of punctuality).

c. Pumila nang maayos. Disiplina ang pakiusap. Hindi dapat mag-unahan sa


pila o maggitgitan sa kalsada na naging dahilan ng pagtatalo, nauuwi sa
aksidente, away, patayan, at bugbugan.

d. Awitin ang Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad. Ang


maaaring gawin ng isang mamamayan para sa kaniyang bayan ay ang igalang ang
kaniyang pagkakilanlan at awitin na may paggalang at ng buong puso ang
pambansang awit.

e. Maging totoo at tapat, huwag mangopya o magpakopya. Ang pangongopya


o pagpapakopya na kadalasang ginagawa ng isang mag-aaral ay hindi
makatutulong upang maging matapat at totoo sa lahat ng panahon. Ang katapatan
ay unang itinuturo sa bahay, isinasabuhay sa lipunang kinabibilangan, at
pinauunlad at pinalalawak ito sa paaralan. Ang mga tao ay inaasahan na
mangangalaga sa karapatan ng mamamayan.

f. Magtipid ng tubig, magtanim ng puno, at huwag magtapon ng basura kahit


saan. Ang responsableng paggamit ng pinagkukunang-yaman, kasama na rito ang
pagtitipid sa tubig, kuryente, pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng
pagtatanim ng puno at pagtatapon ng basura sa tamang tapunan ay solusyon sa
lumalalang isyu ng ating bansa. Nasa kamay ng mamamayan ang pag-asa ng
bayan.

g. Iwasan ang anumang gawain na hindi nakakatulong. Ang kalusugan ng tao ay


yaman ng bansa. Iwasan natin ang paninigarilyo, pagsusugal, pag-iinom at ang labis
na pagkahilig sa paglalaro sa kompyuter. Ito ay tuwirang hindi makatutulong sa sarili
at sa kabuuan sa pag-unlad ng bansa.

h. Bumili ng produktong sariling atin, huwag peke o smuggled. Ang


pagtangkilik sa produkto ng bansa ay hindi pagiging makasarili, paraan ito upang
lalo pang matulungang mapalago at maingat ang ekonomiya ng bansa, na sa huli
ay ang mga mamamayan ang makikinabang nito. Ang produktong Pilipino ay
likas na matibay, maganda, at maayos ang pagkakagawa kaysa sa ibang bansa.

i. Kung puwede nang bumoto, isagawa ito ng tama. Ito ay maisasagawa sa


pamamagitan ng pagpili ng tamang pinuno na kakatawan sa mga bagay na nais
mangyari sa lipunang ginagalawan. Ang boto ay hindi ibebenta o ipagpapalit sa kung
anong pabor o materyal na bagay.
j. Alagaan at igalang ang nakakatanda. Ipagpatuloy ang kagandahang-asal na
pagmamano at pagsasabi ng “po“ at “opo”. Ang pangangalaga sa nakakatanda ay
isang pananagutan. Ang pananagutang ito ay maisasabuhay sa pamamagitan ng
pagbibigay-galang sa nakatatanda, bahagi man ng pamilya o hindi.

k. Isama sa panalangin ang bansa at ang kapwa mamamayan. Ang kapangyarihan


ng Diyos ay hindi matatawaran kailanman, ang pagtawag sa Kanya, paghingi ng
patnubay ay mahalaga sa pagsasakatuparan ng mithiin sa buhay. Napakalaking
bagay para sa bansa at kapwa mamamayan kung lagi silang isasama sa panalangin.

Magaling at natapos mo ng basahin ang maikling


pagtalakay tungkol sa ating aralin. Sa bahaging ito
naman ay susubukin ang iyong natutuhan sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga gawaing inilaan
para sa iyo. Gamitin mong gabay ang iyong mga
nalaman sa pagsagot. Good luck!

Gawain 2 “Huli ka, Luis!”

Panuto: Pag-aralan at suriin ang sitwasyon sa ibaba tungkol sa batang si Luis. Batay sa iyong
pagkakaintindi sa sitwasyon at sa natutuhan mo tungkol sa mga angkop na kilos na nagpapamalas
ng pagmamahal sa bayan, salungguhitan mo ang mga kilos na nagpapakita ng paglabag nito. Ang
isang salitang kilos ay nasalungguhitan na para sa’yo. Gawin ito sa iba pa. Huwag mong kalimutang
sagutan ang mga karagdagang katanungan pagkatapos.

Laging hinihintay ni Luis ang oras ng uwian upang makasama ang kaniyang mga
kaibigan sa isang internet café na malapit sa kanilang paaralan. Sa mga araw na
nagmamadali siya, lagi niyang kinakausap ang kaniyang mga kaibigan na pasingitin siya sa
pila upang di na maghintay at pumila pa nang matagal. Lagi rin siyang huli sa pagpasok at
hindi na nakakasama sa pagkanta ng pambansang awit. Sa tuwing siya ay pumupunta sa
mall, tumatambay siya sa isang sikat na kapehan upang doon manigarilyo at makigamit ng
wifi. Sa mga araw na umuulan ay maaga siyang nagigising upang manood ng balita upang
malaman kung may pasok o wala. Mas marami ang oras na ginugugol sa pakikipagpalitan
ng mensahe sa Twitter at Facebook kaysa sa pagbabasa ng kaniyang mga aklat at mga
aralin. Kahit hindi pa sinasabi ang araw ng pagsusulit may nakausap na siyang kamag-aral
na magpapakopya sa kaniya. Lagi siyang pinapayuhan ng kaniyang mga magulang na
gumamit ng mga salitang “po” at “opo” sa tuwing makikipag-usap sa mga nakatatanda sa
kaniya, kilala man niya o hindi. Madalas siyang nagpapaiwan sa bahay tuwing araw ng
linggo upang mabigyang laya na mapakinggan niya nang malakas ang mga awiting ayaw
pakinggan ng kaniyang mga magulang.
1. Nangyayari ba sa totoong buhay ang sitwasyong inilahad? May pagkakaugnay ba ito sa iyo
bilang mag-aaral? Ipaliwanag.

2. May pagkakatulad ba ang mga kilos na ipinakita sa teksto sa iyong pang araw-araw na
gawain? Ano ang epekto nito sa iyo sa kabuuan? Ipaliwanag.

3. Dapat bang tularan si Luis? Masasabi mo bang siya ay may pagmamahal sa bayan?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

4. Kung ikaw si Luis, anong mga hakbang ang gagawin mo upang maitama ang maling gawi o
aksyon na iyong ginawa? Isa-isahin mo.

Nagagalak ako dahil iyong nasagutan ang Gawain 2.


Nawa’y marami kang natutuhan tungkol sa kwento ng
batang si Luis. Sa puntong ito iyong isabuhay ang lahat ng
iyong natutuhan mula sa gawaing pagkatuto na ito. Sa
susunod na gawain na iyong gagawin ay inaasahan kong
maisagawa mo ang mga angkop na kilos na nagpapamalas
ng pagmamahal sa bayan. Fighting!

Gawain 3 “Action mo, Show mo”

Panuto: Gumawa ng scrapbook na naglalaman ng mga larawan mo na nagpapakita ng pagmamahal


sa bayan. Kailangan ang mga larawan dahil ito ang magsisilbing patunay na isinagawa mo ang mga
angkop na kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan. Huwag kalimutang lagyan ng maikling
paliwanag ang bawat larawan. Maaari kang gumamit ng mga nareresiklong bagay sa paggawa ng
iyong scrapbook. Ipamalas ang iyong pagkamalikhain. Ang mga larawan sa ibaba ay mga halimbawa
ng scrapbook na maari mong maging batayan pero may kalayaan kang gawin ito ayon sa disenyo na
nais mo. Isaalang-alang ang krayterya sa pagsasagawa ng gawaing ito.
Binabati kita sa ipinamalas mong kagalingan sa pagsagot sa
gawaing pagkatuto na ito. Sigurado akong marami kang
natutuhan at mabibitbit na kaalaman mula sa ating aralin
ngayong linggo. Ako ay labis na nasasabik sa mga
pagbabagong magagawa mo ngayong alam mo na ang mga
angkop na kilos na dapat ipamalas upang maipakita ang
pagmamahal sa bayan. Congratulations!

IV. RUBRIKS SA PAGPUPUNTOS


Rubrik sa Pagmamarka ng sagot sa GAWAIN 2

Pamantayan Paglalarawan Puntos

Malinaw at wasto ang kasagutan at


naglalaman ng napakahalagang
Nilalaman impormasyon tungkol sa paksa. 3

Gumamit ng angkop na salita at sumunod


sa wastong balarila, baybay, at mga
Teknikal na Pagbuo panuntunan sa pagsulat. 2
sa kasagutan

Kabuuan 5
Laging hinihintay ni Luis ang oras ng uwian upang makasama ang kaniyang mga
kaibigan sa isang internet café na malapit sa kanilang paaralan. Sa mga araw na
nagmamadali siya, lagi niyang kinakausap ang kaniyang mga kaibigan na pasingitin
siya sa pila upang di na maghintay at pumila pa nang matagal. Lagi rin siyang huli sa
pagpasok at hindi na nakakasama sa pagkanta ng pambansang awit. Sa tuwing siya
ay pumupunta sa mall, tumatambay siya sa isang sikat na kapehan upang doon
manigarilyo at makigamit ng wifi. Sa mga araw na umuulan ay maaga siyang nagigising
upang manood ng balita upang malaman kung may pasok o wala. Mas marami ang
oras na ginugugol sa pakikipagpalitan ng mensahe sa twitter at facebook kaysa sa
pagbabasa ng kaniyang mga aklat at mga aralin. Kahit hindi pa sinasabi ang araw ng
pagsusulit may nakausap na siyang kamag-aral na magpapakopya sa kaniya. Lagi
siyang pinapayuhan ng kaniyang mga magulang na gumamit ng mga salitang po at
opo sa tuwing makikipag-usap sa mga nakatatanda sa kaniya, kilala man niya o hindi.
Madalas siyang nagpapaiwan sa bahay tuwing araw ng linggo upang mabigyang laya
na mapakinggan niya nang malakas ang mga awiting ayaw pakinggan ng kaniyang
mga magulang.
Gawain 3
Maaaring
Maaaring
magkakaiba-
magkakaiba-
iba ang
iba ang
kasagutan ng
kasagutan ng
mag-aaral.
mag-aaral.
Isaalang-alang
Isaalang-alang
ang rubriks sa
ang rubriks sa
pagbibigay ng
pagbibigay ng
marka.
marka.
GAWAIN 2 GAWAIN 1
V. Susi sa Pagwawasto
100% Kabuuan
disenyo na nakahihikayat sa atensyon ng madla. Pagkamalikhain
40% scrapbook dahil sa ginamit na mga bagay at
Nakapupukaw ng atensyon ang ginawang
pagsulat.
wastong balarila, baybay, at mga panuntunan sa
Gumamit ng angkop na salita at sumunod sa nilalaman
60% sa paksa na tinalakay. Kawastuhan ng
gumamit ng makatotohanang impormasyon batay
larawan at ang maikling paliwanag nito ay
mag-aaral. Madaling maunawaan ang mga
kilos ng pagmamahal sa bayan na ginawa ng
Ang mga larawan ay nagpapakita ng angkop na
Puntos Bahagdan Deskripsiyon Pamantayan
Krayterya sa Pagmamarka ng Scrapbook
Gawain 3
Paliwanag Gawain 4

marka. ng marka.
pagbibigay ng sa pagbibigay
ang rubriks sa ang krayterya
Isaalang-alang Isaalang-alang
mag-aaral. mag-aaral.
kasagutan ng kasagutan ng
iba ang iba ang
magkakaiba- magkakaiba-
Maaaring Maaaring

VI. Sanggunian

Brizuela, Mary Jean B., et al. 2015. “Ang Pagmamahal sa Bayan”. Edukasyon sa Pagpapakatao 10.
Modyul para sa Mag-aaral. Unang Edisyon. Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright
Licensing Society (FILCOLS), Inc.: 184-206

Casas, Jenaro C. Gawaing Pagkatuto sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10. Department of


Education, Division of Mabalacat City.

https://www.depedk12.com/2019/07/grade-7-10-edukasyon-sa-pagpapakatao.html
https://www.123rf.com/photo_27656773_stock-vector-cartoon-female-teacher-standing-next-to-a-
blackboard.html
https://www.pinterest.ph/jvickery_ug/negative-effects-of-technology/
https://www.oogazone.com/2018/best-hd-pretty-teacher-cartoon-vector-drawing/
http://www.clipartbest.com/clipart-RcAArk8Ri
https://www.pinterest.ph/tsorganizer/creative-scrapbooking-ideas/
https://www.doityourself.com/your-projects/other
https://www.pinterest.ph/pin/723672233851027208/
https://www.pinterest.ph/lovethedoughboy/cd-crafts/
https://pngtree.com/freepng/cartoon-pupil-reading-text-png-transparent-bottom_4607217.html
https://www.pinterest.ph/pin/382243087095423656/
https://www.pinterest.ph/pin/278801033167947042/
https://www.pngegg.com/en/png-muugg
https://www.istockphoto.com/illustrations/student-cheating-on-test
https://www.istockphoto.com/illustrations/boy-planting-tree-cartoon
https://www.jing.fm/sclip/no-drugs/
https://www.freevector.com/vector/philippines
https://www.facebook.com/jciphilippinesofficial/posts/your-vote-matters-choose-the-candidates-who-
can-bring-positive-change-jciphilipp/10157148596163446/
https://pngtree.com/freepng/hand-drawn-cartoon-helping-old-man--the-r-respect-for-the-elderly-
help-the-elderly--the-r-primay-school-student_3848622.html
https://dlpng.com/png/6337951

Inihanda nina:

MARICEL D. MANLAPAZ QUIRINO M. HANIEL JR.


Guro I Guro I

You might also like