Professional Documents
Culture Documents
Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
00
eal of artnership
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan - Modyul 8:
Mga Angkop na Kilos na
Nagpapamalas ng Pagmamahal
sa Bayan
Pangalan ng Mag-aaral:
Baitang at Seksyon:
Paaralan:
ALAMIN
May magagawa ang isang mamamayan upang mabigyan ng solusyon ang
mga problemang kinakaharap ng bayan. Mulat ka na sa katotohanang
kabahagi na sa pagbabagong kailangan ang mga kabataan.
SUBUKIN
Panuto : Basahin, unawain at piliin nang maigi ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan na kung saan ang
kanyang natutuhan ay gagamitin upang tulungan ang nangangailangan
at ipadama sa iba na hindi sila nag-iisa sa kanilang paghihirap at
pangangailangan ng tulong.
a. Pumila nang maayos b. Mag-aral ng mabuti c. Huwag magpapahuli
ang oras ay mahalaga
2. Paano maipapakita ang paggalang sa ating watawat bilang simbolo ng
ating pagkakakilanlan?
a. Hihinto sa paglalakad kung nagsisimula na ang pagtaas ng watawat
habang inaawit ang Lupang Hinirang.
b. Magpatuloy sa paglalakad habang inaawit ang Lupang Hinirang.
c. Hindi kikibo at magsawalang bahala habang inaawit ang Lupang
Hinirang.
3. Ito ay kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan na kung saan
ipagpapatuloy ang kagandahang-asal na pagmamano at pagsasabi ng
“po” at “opo”.
a. Kung maaari ng bumoto, isagawa ito nang tama.
b. Alagaan at igalang ang nakatatanda.
c. Magtipid ng tubig, magtanim ng puno, at huwag magtapon ng basura.
4. Ang pagiging Pilipino ba ay isang biyaya?
a. Hindi, dahil hindi naman basehan ang pagkakakilanlan sa pag-unlad.
b. Oo, dahil hindi ito aksidente, ito ay nakaplano ayon sa kagustuhan ng
Diyos bilang isang indibidwal na sumasakatawang diwa.
c. Hindi, dahil ang biyaya ay matatamo lamang kung ikaw ay
magsusumikap.
1
5. Anong kilos ng tao ang napapakita ng pagmamahal sa bayan na kung saan
iniiwasan ang mga gawaing gaya ng pag-inom, paninigarilyo, pagsusugal,
at labis na pagkaadik sa mga kompyuter games.
a. Kung maaarig ng bumoto, isagawa ito nang tama.
b. Iwasan ang anumang gawain na hindi nakatutulong.
c. Isama sa panalangin ang bansa at ang kapwa mamamayan.
6. Ito ay uri ng kilos na nagpapakita ng hindi pag-aaksaya ng tubig,
responsable sa paggamit ng pinagkukunang yaman, at pangangalaga sa
kalikasan.
a. Bumili ng produktong sariling atin, huwag iyong peke o smuggled.
b. Isama sa panalangin ang bansa at ang kapwa mamamayan.
c. Magtipid ng tubig, magtanim ng puno, at huwag magtapon ng basura.
7. May nakita kang nangyaring krimen, sasabihin mo ba ang nakita mo kahit
ito ang magiging dahilan ng banta sa iyong buhay?
a. Oo, dahil ito ang siyang nararapat gawin kahit ito ay magdudulot sa
iyo ng kapahamakan.
b. Hindi, dahil ito ay nakasasama sa iyo at piliing huwag nalang
makialam.
c. Hindi, dahil ayaw mong madamay sa krimen.
8. Ito ay uri ng kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan na kung
saan ang isang tao ay marunong bumalanse sa tamang oras, iniiwasan
ang pagkahuli sa mga pagtitipon, programa, at ilan pang gawain.
a. Pumila nang maayos. b. Huwag magpahuli, ang oras ay mahalaga.
c. Mag-aral nang mabuti.
9. Basahin ng mabuti ang mga sitwasyon at piliin kung alin dito ang
nagpapakita ng tamang pag-uugali at kritikal na pag-iisip.
a. Tumulong si Ana sa pagtitinda ng gulay sa kanyang kapitbahay nang
walang hinihinging kapalit.
b. Itinanggi ni Ben ang nagawa niyang kasalanan sa harap ng kanyang
guro.
c. Palaging nag-iisip ng masama si Cita sa kanyang kaibigan.
10. Bawat Pilipino ay may karapatang bumoto sa pagsapit ng tamang gulang,
alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tamang
paggamit ng karapatan sa pagboto.
a. Hindi ipinaalam ni Jane sa kanyang mga magulang na siya ay naka
kuha ng suhol sa magkabilang partido.
b. Tinanggap ni Celso ang suhol ng isang pulitiko ngunit ‘di siya bumoto.
c. Binoto ni Mark ang kandidato na may puso at marunong umintindi sa
mga mahihirap.
2
Sa nagdaang modyul, ang pagmamahal sa bayan ay mahalaga. Walang
sinuman ang ligtas sa pagsasabuhay ng responsibilidad na ito, dahil ang tao
ay umiiral na nagmamahal at sumasakatawang-diwa. Ito ay nangangahulugan
na tayo ay nabubuhay sa mundo kasama ang ating kapwa.
BALIKAN
Gawain 1: Post ko, Comment mo!
Panuto : Basahin at suriin nang maigi ang post sa ibaba. Isulat
ang iyong sagot sa comment box na nakahanda.
TUKLASIN
Gawain 2 : Larawan-Suri
3
Pamatnubay na mga Tanong:
1. Anu-ano ang pinag-uusapan ng dalawang bata sa larawan?
3. Meron bang mga kilos o gawi na ipanapakita ang dalawang bata tungkol
sa pagmamahal sa bayan?
SURIIN
May magagawa ang isang mamamayan upang mabigyan ng solusyon
ang mga problemang kinahaharap ng bayan. Mulat ka na sa katotohanang
kabahagi sa pagbabagong kailangan ang mga kabataan. Bukod sa mga
tungkulin na dapat isabuhay bilang isang Pilipino at mamamayan ng ating
bansa na nakasaad sa Konstitusyon, may mga simpleng bagay na maaring
isabuhay upang makatulong sa bansa, ito ay ayon kay Alex Lacson:
Gawain 3: Basa-Unawa
Panuto: Basahin nang maigi ang teksto at unawain ang mga nilalaman nito.
Pagkatapos, sagutin ang mga nakahandang katunungan sa ibaba.
4
1. Mag-aral nang Mabuti. Ang isang taong may pinag-aralan hindi kailanman mag-
iisip na gumawa ng anumang paglabag sa mga batas na ipinapatupad ng
kaniyang bansa, bagkus ang kaniyang natutuhan sa pag-aaral ay gagawin niyang
paraan upang mahanapan ng solusyon at tulungan ang bansa sa problemang
kinakaharap at haharapin nito. Ang kaniyang natutuhan ay gagamitin upang
tulungan ang nangangailangan, ipakita at ipadama sa iba na hindi nag-iisa sa
kanilang pag-iisa at pangangailangan ng tulong.
2. Huwag magpapahuli, ang oras ay mahalaga. Ang puwedeng maging susi upang
maging positibo ang ibig sabihin ng Filipino Time, ang pagiging huli sa mga
pagtitipon, programa, at ilan pang gawain ay hindi makatutulong upang ang
bawat Pilipino ay magkaroon ng tamang oras na susundan. May batas o wala,
kailangang gamitin ang oras ng tama, kailangang isulong ang kultura nang
pagiging maagap (culture of punctuality).
3. Pumila nang maayos. Unahan sa pila, gitgitan sa kalsada na kung minsan,
dahilan ng pagtatalo na nuuwi sa aksidente, away, bugbugan hanggang sa
patayan. Sabi nga lagi, “Disiplina lang pakiusap.” Mababaw kung tutuusin pero
kailangan.
4. Awitin ang Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad. Kung may
simpleng bagay na maaring gawin ang isang mamamayan para sa kaniyang
bayan, ito ay ang igalang ang kaniyang pagkakakilanlan, pangunahin na rito ang
pambansang awit. Awitin ito ng buong puso at may paggalang.
5. Maging totoo at tapat, huwag mangopya o mangopya. Isa sa pangunahing
problema ng bansa sa kasalukuyan ay ang kawalan ng katapatan lalo ang iilang
nasa pamahalaan, ang mga tao na inaasahan na mangangalaga sa karapatan ng
mamamayan. Ang katapatan ay unang itinuro sa bahay, at pinauunlad at
pinalalawak ito sa paaralan at isinasabuhay sa lipunang kinabibilangan.
6. Magtipid ng tubig, magtanim ng puno, at huwag magtapon ng basura kahit
saan. Ang solusyon sa lumalalang problema ng bansa o ng mundo sa kapaligiran
ay nasa kamay ng mamamayan at ito ay ang responsableng paggamit ng
pinagkukunang yaman nito, kasama na rito ang pagtitipid sa tubig, kuryente,
pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno at tamang
pagtapon ng basura.
7. Iwasan ang anumang gawain na hindi nakatutulong. Ang kalusugan ng tao ay
yaman sa bansa, ang mga gawaing gaya ng pag-inom, paninigarilyo, pagsusugal,
at ang labis na pagkahilig sa paglalaro sa kompyuter ay tuwirang hindi
makatutulong sa sarili at sa kabuuan sa pag-unlad ng bansa.
8. Bumili ng produktong sariling atin, huwag peke o smuggled. Ang pagtangkilik
sa produkto ng bansa ay hindi pagiging makasarili, paraan ito upang lalo pang
matulungang mapalago at maingat ang ekonomiya ng bansa, na sa huli ay ang
mamamayan makikinabang nito. Ang produktong masasabing tunay na gawang
Pilipino ay likas na matibay, maganda, at maayos ang pagkagawa kaysa sa ibang
bansa.
9. Kung puwede nang bumoto, isagawa ito nang tama. Ito ay maisasagawa sa
pamamagitan ng pagpili ng tamang pinuno na kakatawan sa mga bagay na nais
mangyari sa lipunang ginagalawan. Ang boto ay hindi ibebenta o ipagpapalit sa
kung anong pabor o materyal na bagay.
10. Alagaan at igalang ang nakatatanda. Ipagpatuloy ang kagandahang-asal na
pagmamano at pagsasabi ng “po” at “opo”. Ang pangangalaga sa nakatatanda ay
isang pananagutan. Ang pananagutang ito ay maisasabuhay sa pamamagitan ng
pagbibigay-galang sa nakatatanda, bahagi man ng pamilya o hindi.
11. Isama sa panalangin ang bansa at ang kapuwa mamamayan. Ang
kapangyarihang ng Diyos ay hindi matatawaran kailanman, ang pagtawag sa
Kaniya, paghinig ng patnubay ay mahalaga sa pagsasakatuparan ng mithiin sa
buhay. Sabi nga nila, pakinggan at hindi pababayaan ng Diyos ang pamayanang
nagkakaisa sa pananampalataya at paggawa para sa kabutihan ng lahat.
5
Tanong:
1. Bukod sa mga nabanggit, malaking tulong ba ang pagkakaroon ng
tamang pag-uugali at kritikal na pag-iisip?
2. Ang aksiyon ba na kanilang ginawa ay lihis o ‘di ayon sa pagiging
makabayan?
3. Alin sa mga nabanggit ang naisagawa mo na?
4. Paano mo gagawing instrumento ang iyong sarili upang maging kaisa
ang iyong kapuwa kabataan na isabuhay ang mga kilos na ito?
PAGYAMANIN
Gawain 4: Tanong mo, Tugon ko!
Panuto: Balikan ang labing-isang halimbawa ng mga angkop na kilos na
nagpamamalas ng pagmamahal sa bayan. Lagyan ng Tsek (√) kung ito ay
Ginawa at Ekis (X) naman kung ito ay Hindi Ginawa o Hindi pa Nagawa.
Pagkatapos, sagutin ang tanong. Ano ba ang layunin mo bakit mo ito ginawa
o hindi ginawa. Ang unang bilang ay ginawa para sa iyo.
Kilos na nagpapamalas Tugon
ng pagmamahal sa Bayan
Ginawa Hindi Bakit mo ito ginawa/hindi
Ginawa ginawa?
Mag-aral nang mabuti Dahil ito ang siyang tama,
√ at ito ay para sa aking
magandang bukas.
Huwag magpahuli, ang
oras ay mahalaga
Pumila ng maayos
Awitin ang pambansang
awit
Maging totoo at tapat
Magtipid ng tubig
Iwasan ang gawain na
hindi nakatutulong
Bumili ng sariling
produktong sariling atin
Kung puwede ng bumoto,
isagawa ng tama
Alagaan at igalang ang
nakatatanda
Isama sa panalangin ang
bansa at kapuwa
6
ISAISIP
Ang aking
Pagmamamahal
sa Bayan sa gitna
ng Pandemya
2. Ano ang maari mong gawin upang maisasabuhay ang iyong mga
pagkatuto sa modyul na ito?
7
ISAGAWA
8
Dito magsimula:
PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik sa iyong sagutang papel.
SET : A
1. Sa gitna ng pandemyang nangyayari ngayon, paano mo maipapakita na ikaw
ay tapat at nagmamalasakit sa bayan?
A. Sa pamamagitan ng hindi pagsasabi ng katotohanan na may lagnat sa
dahilang nais mong makapasok sa isang mall nang hindi hinaharang.
B. Sa pamamagitan ng pagbibigay alam sa mga kinauukulan na ikaw ay uuwi
sa inyung lugar at handa kang dumaan sa proseso para maka-uwi ng ligtas
at walang dalang panganib.
9
C. Sa pamamagitan ng hindi pagsasabi ng totoo na ikaw ay may malalang
ubo dahil gusto mong mamasyal sa pook pasyalan.
10
C. Magpatuloy sa kung ano ang nakagawian at huwag nalang pansinin ang
panlalait ng ibang mga lahi.
9. Ito ay kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan na kung saan
nagpapakita ng disiplina sa sarili sa tuwing nasa gitna ng lansangan,
namimili ng grocery sa mall, at pagsunod sa mga patakaran ng fast lane,
Senior Citizen, PWD and pregnant lane ng bawat establisyimento.
A. Huwag magpahuli, ang oras ay mahalaga
B. Pumila nang maayos
C. Bumili ng produktong sariling atin, huwag peke o smuggled.
10. Naglakad-lakad ka upang magpahangin sa tapat ng inyong bahay, nakita
mo ang matalik na kaibigan ng iyong ina na nagsusunog ng napakaraming
plastik na basura. Nagkataon ang nanay mo ang Kapitan ng inyong
Barangay, ano ang gagawin mo?
A. Magsasawalang kibo at ipagpalagay na hindi mo ito nakita.
B. Ipagbigay alam kaagad sa nanay mo ang iyong nakita subalit ibang tao
ang babanggitin mo.
C. Kausapin ang nanay mo tungkol sa iyong nakita kahit na alam mong
matalik niya itong kaibigan.
SET : B
12
KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto : Gumawa ng poster na sumasalamin sa buhay ng mga Pilipino na
nagpapamalas ng mga kilos ng pagmamahal sa bayan. Tatayain ang
awtput batay sa rubrik na nakahanda.
13
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian:
Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul para sa Mag-
aaral, pp 201-205
www.Storyboardthat.com /Pietro Maximoff - account
14
Bumuo sa Pagsulat ng Modyul
Tagasuri:
Tagapamahala:
CID-CHIEF
Ma. Madelene P. Mituda, EdD
EPS - LRMDS
Jovita S. Dugenia
EPS - EsP
15
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos,
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care All of them are proud and true
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset Region IX our Eden Land
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX Region IX
Our..
Here the Badjaos roam the seas Hardworking people Abound, Eden...
Here the Samals live in peace Every valleys and Dale Land...
Here the Tausogs thrive so free Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
With the Yakans in unity
My Final Farewell
Farewell, dear Fatherland, clime of the sun caress'd Let the sun draw the vapors up to the sky,
Pearl of the Orient seas, our Eden lost!, And heavenward in purity bear my tardy protest
Gladly now I go to give thee this faded life's best, Let some kind soul o 'er my untimely fate sigh,
And were it brighter, fresher, or more blest And in the still evening a prayer be lifted on high
Still would I give it thee, nor count the cost. From thee, 0 my country, that in God I may rest.
On the field of battle, 'mid the frenzy of fight, Pray for all those that hapless have died,
Others have given their lives, without doubt or heed; For all who have suffered the unmeasur'd pain;
The place matters not-cypress or laurel or lily white, For our mothers that bitterly their woes have cried,
Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, For widows and orphans, for captives by torture tried
T is ever the same, to serve our home and country's need. And then for thyself that redemption thou mayst gain
I die just when I see the dawn break, And when the dark night wraps the graveyard around
Through the gloom of night, to herald the day; With only the dead in their vigil to see
And if color is lacking my blood thou shalt take, Break not my repose or the mystery profound
Pour'd out at need for thy dear sake And perchance thou mayst hear a sad hymn r eso und
To dye with its crimson the waking ray. ' T is I, O my co untr y, r aising a song unto thee.
My dreams, when life first opened to me, And even my gr ave is r ememb er ed no more
My dreams, when the hopes of youth beat high, Unmark 'd by never a cross nor a stone
Were to see thy lov'd face, O gem of the Orient sea Let the plow sweep through it, the spade turn it o' er That my
From gloom and grief, from care and sorrow free; ashes may carpet earthly f loor,
No blush on thy brow, no tear in thine eye. Before into nothingness at last they are blown.
Dream of my life, my living and burning desire, Then will oblivion bring to me no care
All hail ! cries the soul that is now to take flight; As over thy vales and plains I sweep;
All hail ! And sweet it is for thee to expire ; Throbbing and cleansed in thy space and air
To die for thy sake, that thou mayst aspire; With color and l ight, with song and lament I fare, Ever
And sleep in thy bosom eternity's long night. repeating the f aith that I keep.
If over my grave some day thou seest grow, My Fatherland ador' d, that sadness to my sorrow lends Beloved
In the grassy sod, a humble flower, Filipinas, hear now my last good -by!
Draw it to thy lips and kiss my soul so, I give thee all: parents and kindred and friends
While I may feel on my brow in the cold tomb below For I go where no slave before the oppressor bends,
The touch of thy tenderness, thy breath's warm power. Where faith can never kill, and God reigns e' er on high!
Let the moon beam over me soft and serene, Farewell to you all, from my soul torn away,
Let the dawn shed over me its radiant flashes, Friends of my childhood in the home dispossessed! Give
Let the wind with sad lament over me keen ; thanks that I rest from the wearisome day!
And if on my cross a bird should be seen, Farewell to thee, too, sweet friend that l ightened my way; Beloved
Let it trill there its hymn of peace to my ashes. creatures all, farewell ! In death there is rest!