You are on page 1of 6

MODYUL 5: ANG PAGKUKUSA NG MAKATAONG KILOS AT MGA SALIK NA

NAKAAAPEKTO SA PANANAGUTAN NG TAO SA KAHIHINATNAN NG KILOS AT


PASIYA

ANG MAKATAONG KILOS


Ayon kay Agapay ang anumang uri ng tao ang isang indibidwal ngayon at kung magiging anong uri
siya ng tao sa mga susunod na araw ay nakasalalay sa uri ng kilos na kaniyang ginagawa ngayon at gagawin
pa sa mga nalalabing araw ng kanyang buhay.
Kilos- ang nagbibigay patunay kung ang isang tao ay may control at pananagutan sa sarili.
(2) Uri ng kilos ng tao
1. Ang kilos ng tao (Acts of man) – ay may kilos na nagaganap sa tao. Ito ay likas sa tao o ayon sa
kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob.
Halimbawa: Paghinga, Pagtibok ng puso, pagkurap ng mata, pagkaramdam ng sakit mula sa sugat at
paghikab.
2. Makataong kilos (Human Act) – ay kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman, Malaya at kusa.
Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginagamitan ng isip at kilos-loob kayat may kapanagutan ang tao sa
pagsasagawa nito.
Halimbawa: Paggawa ng mga kilos na may kaalaman sa magiging resulta.
Voluntary Act- ang pananagutang ay nararapat na may kaalaman at Kalayaan sa piniling kilos upang
masabing ang kilos ay pagkukusang kilos.
Degree of willfulness o voluntariness- kung mas malawak ang kaalaman o Kalayaan , mas mataas o
mababang degree ang pagkukusa o pagkagusto. Kung mas mataas o mababang degree ang pagkukusa, mas
mabigat o mababaw ang pananagutan.

(3) Uri ng kilos ayon sa kapanagutan (Accountability)


1. Kusang- Loob- Ito ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang gumagawa ng kilos ay may lubos na
pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito.
2. Di kusang-loob – ito ay ang paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon. Makikita ito sa kilos
na hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan.
3. Walang Kusang- Loob – Dito ang tao ay walang kaalaman kayat walang pagsang-ayon sa kilos. Ang kilos
na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kayat walang pagkukusa.
Pagsusuri – nagpapakita ng isang tunay o lubos na kaalaman tungkol sa isang Gawain at kung paano ito
dapat isagawa sa pamamagitan ng pagganap kung paano ito isasakatuparan at maging matagumpay ito.
Layunin: Batayan ng Mabuti at Masama
Ayon kay Aristoteles, ang kilos o gawa ay hindi agad nahuhusgahan kung masama o Mabuti. Ang
pagiging Mabuti at masama nito ay nakasalalay sa intension kung bakit ginawa ito.

Makataong Kilos at Obligasyon


Ayon kay Santo Tomas, hindi lahat ng kilos ay obligado. Ang isang gawa o kilos ay obligado lamang
kung ang hindi pagtuloy sa paggawa nito ay may masamang mangyayari.

Kabawasan ng pananagutan: Kakulangan sa proseso ng pagkilos


(4) na elemento sa proseso
1. Paglalayon- nakikita ng tao ang isang masamang epekto ng kilos na sa kaniya ang
kapanagutan ng kilos.
Halimbawa: hindi pagbibigay tulong sa classmate na mahirap umunawa ng aralin. Dahil ditto
sya ay bumagsak.
2. Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin- ditto ay ginagamit ang tamang kaisipan at
katwiran.
Halimbawa: pagiging mabait sa classmate upang makapangopya sa pagsusulit.
3. Pagpili ng pinakamalapit na paraan- paghihimay ng mga kaparaanan upang mabilis na
maisagawa ang nilalayon.
4. Pagsasakilos ng paraan- ditto ay ginagamit ang kilos-loob na lalong nagpapalakas ng isang
makataong kilos upang maging tunay na mapanagutan.
Halimbawa: Pagsasagawa ng isang plano.

Mga salik na nakaaapekto sa makataong kilos


1. Kamangmangan – ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao.
2. Masidhing damdamin – ito ay tumutukoy sa masidhing pag-asam o paghahangad na makaranas
ng kaligayahan o kasarapan at pag iwas sa mga bagay na nagdudulot ng sakit o hirap.
Uri ng masidhing damdamin
1. Nauuna (Antecedent) – ay damdamin na nadarama o napupukaw kahit hindi niloloob o
sinasadya. Ito ay umiiral bago pa man gawin ang isang kilos.
2. Nahuhuli ( consequent) – ay damdaming sinasadyang mapukaw at inalagaan kaya ang
kilos ay sinadya, niloob at may pagkukusa.
3. Takot – ay ang pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng pagbabanta sa
kaniyang buhay o mga mahal sa buhay.
4. Karahasan – ito ay ang pagkakaroon ng panlabas na pwersa upang pilitin ang isang tao na gawin
ang isang bagay na labag sa kaniyang kilos-loob at pagkukusa.
5. Gawi – Ang mga Gawain na paulit ulit isinasagawa at nagging bahagi na ng Sistema ng buhay sa
araw-araw ay itinuturing na gawi o habits.
MODYUL 6: LAYUNIN, PARAAN, SIRKUMSTANSYA AT KAHIHINATNAN NG
MAKATAONG KILOS
Ang makataong kilos ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian. Kung ano tayo at kung ano ang
kalabasan ng ating kilos ay batay sa ating pagpapasya.

Mga salik na nakakaapekto sa resulta ng kilos, kung ito ay maituturing na Mabuti o masama.

1. Layunin: Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob. Ito rin ay tumutukoy sa
taong gumagawa ng kilos, hindi ito nakikita o nalalaman ng ibang tao dahil ito ay personal sa taong gumagawa ng kilos. Ito ang
pinaka layunin o pinatutunguhan ng kilos.

2. Paraan: Ito ay ang panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin. Ayon kay Sto.
Tomas de Aquino, may nararapat na obheto ang kilos.
Halimbawa: Gusto mong kumain, ang obheto ay makakain. Ngunit kung kakain ka ng bato, ito ay masama dahil hindi kinakain
ang bato.

Halimbawa: Pangongopya

1. Ano ang layunin ng kilos? Makasagot sa pagsusulit


2. Ano ang nararapat na obheto? Ang pagsusulat ng nalalaman mo, hindi ang nalalaman ng iba.

Sumakatuwid: Nagiging masama lang ang isang kilos kung ang paraan ng pagtupad nito ay hindi nakabatay sa tamang obheto
nito.

3. Sirkumstansiya: Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas o nakadaragdag


sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.
- Ang mga nakapagpapalala o nakapagpapabawas ng kabutihan o kasamaan ng isang kilos ay
tinatawag na SIRKUMSTANSYA. Maaring ang Mabuti ay mas maging mabuti at ang masama ay mas maging masama

Iba’t-ibang sirkumstansiya
A. Sino: Ito ay tumutukoy sa tao na nagsasagawa ng kilos o sa taong maaaring maapektuhan ng kilos.
Hal: Pagnanakaw ni Arnold sa pera ng kanyang lola. Dalawa ang kanyang pagkakamali na ginawa,
ito ay ang pagnanakaw ng pera at ang ikalawa ay sa kanyang lola.
B. Ano: Ito ay tumutukoy sa mismong kilos, gaano ito kalaki o kabigat.
Hal: Pangangailangan ng pera ng lol ani Arnold para pambili ng gamut, subalit ito ay bilang Nawala.
C. Saan: Ito ay tumutukoy sa lugar kung saan ginagawa ang kilos.
Hal: Pagchismisan ang klasmeyt sa paaralan. Naging masama ito dahil sa lugar kung saan ginawa
ang chismisan.
D. Paano: Ito ay tumutukoy sa paraan kung paano isinagawa ang kilos.
Hal: Si Nestor ay naghanda sa pagsusulit, ngunit may tanong siyang nakalimutan ang sagot kaya
minabuti niyang lumingon sa kalapit upang tignan ang sagot. Sa kasong ito hindi nababawasan ang
kasamaan dahil ang pagkopya ay hindi pinagplanuhan.
E. Kailan: Ito ay tumutukoy kung kalian isasagawa ang kilos.
Hal: Nasunugan ang isang pamilya sa lugar nila chris. Sa halip na tulungan ay pinagnakawan pa nya
ito. Sa kasong ito nadaragdagan ang kasamaan dahil sa kilos ni Chris.
4. Kahihinatnan: Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan at may kaakibat na pananagutan.
Anuman ang gawing kilos ay may kahihinatnan.
MODYUL 7: ANG KABUTIHAN O KASAMAAN NG KILOS AYON SA
PANININDIGAN, GINTONG ARAL AT PAGPAPAHALAGA
Panimulang Gawain
Isang bata ang nahuling nagnanakaw sa isang tindahan. Ginawa niya ito dahil malubha ang karamdaman ng kaniyang
ina. Naisip niya na mabuting paraan ang pagnanakaw sa tindahan upang makabili ng gamut at malunasan ang sakit ng mahal sa
buhay. Ayon sa kaniya, hindi na mahalaga kung masama ang paraan basta gumaling ang ina. Tam aba ang ganitong katuwiran?

Ang Kautusang walang pasubali ( Categorical Imperative)


- Ito ay pananaw na itinaguyod ni Immanuel Kant, isang alemang pilosopo na naglalayong ipakita ang tunay na
batayan ng mabuting kilos.
- Ayon sa kanya anumang Gawain na taliwas dito ay itinuturing na masama. Binigyan-diin ng pananaw na ito ang
pagganap ng tungkulin, isang hamon sa nakararami na tugunan ito.

Sumakatuwid: Ang Categorical Imperative ay ang pagkilos sa ngalan ng tungkulin. Ginagawa ng isang tao ang Mabuti dahil ito
ay nararapat at hindi dahil sa kasiyahan na gawin ito.

BALANGKAS NG KAUTUSANG WALANG PASUBALI NI IMMANUEL KANT


Sinasabi nito na dapat kumilos ang tao sa paraan na maaari niyang gawing pangkalahatang batas ang
paninindigan.
Paninindigan – Ito ang dahilan ng pagkilos ng tao sa isang sitwasyon. Itinatakda nito ang kilos bilang
isang tungkulin at mabuting dapat gawin.

(2) Pagtataya ayon sa Balangkas ng Kautusang walang pasubali


1. Universability
2. Reversability

Ang Gintong aral (The Golden Rule)


Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo. Mula sa kasabihang ito ni Confucius isang pantas mula sa
Silangang Asya. Ayon sa kaniya mahalagang isaalang-alang ang mabuting pakikisama at kapakanan ng kapwa sa bawat kilos ng
tao. Kinakailangang pag-isipan nang malalim ang bawat kilos bago isagawa at ang magiging epekto nito sa iba.Dito higit na
mapatutunayan kung Mabuti o masama ang isang particular na kilos.

Ang Pagpapahalaga bilang batayan sa paghuhusga ng kabutihan at kasamaan ng kilos.


Ayon kay Scheler ang tao ay may kakayahang humusga kung Mabuti o masama ang isang gawi o kilos. Nakasalalay sa
pagpili ng pahahalagahan ang paghuhusga sa pagiging Mabuti o masama ng kilos ng tao. Maituturing na Mabuti ang isang
Gawain kung mas piniling gawin ang mas mataas na pagpapahalaga kaysa sa mababang pagpapahalaga o positibong
pagpapahalaga kaysa sa negatibong pagpapahalaga.
MODYUL 8: MGA YUGTO NG MAKATAONG KILOS AT MGA HAKBANG SA
MORAL NA PAGPAPASIYA
Ayon kay Sto. Tomas de Aquino may 12 na yugto ang pagsasagawa ng makataong kilos. Ito ay nahahati sa dalawang kategorya
ang ISIP AT KILOS-LOOB.

Isip Kilos-Loob
1. Pagkaunawa sa layunin 2. Nais na layunin
3. Paghuhusga sa nais makamtan 4.Intensyon ng layunin
5. Masusing pagsusuri ng paraan 6.Paghuhusga sa paraan
7. Praktikal na paghuhusga sa pinili 8.Pagpili
9. Utos 10. Paggamit
11. Pangkaisipang kakayahan ng layunin 12. Bunga

Moral na Pagpapasiya

Ang mabuting pagpapasiya ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang
pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay. Sa anumang isasagawang proseso ng pagpapasiya mahalaga na mabigyan ito ng sapat na
panahon. Malaki ang maitutulong nito sapagkat mula rito ay mapagninilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili.

Mga hakbang sa moral na pagpapasiya


Listen Process- Ito ay isang malalim na pagkaunawa gamit ang tamang konsensya. Ito ang
nagsisilbing gabay sa mga sitwasyon na kinahaharap mo sa ngayon at mula rito matututuhan mon a ang
moral na pagpapasya.

1. Magkalap ng patunay
2. Isaisip ang mga posibilidad
3. Maghanap ng ibang kaalaman
4. Tignan ang kalooban
5. Umasa at magtiwala sa tulong ng diyos
6. Magsagawa ng pasiya

You might also like