You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
Sangay ng Rizal

Pangalan: ____________________________________________________________
Taon at Pangkat: ______________________________________________________
Learning Area: Edukasyon sa Pagpapakatao 10_______________________
Quarter: First Quarter__________________________________________________

WRITTEN WORK:
PAKSA: Paghubog ng Konsiyensiya Tungo sa Angkop na Kilos
Quarter 1- EsP 10 (Week 3 & 4)

Most Essential Learning Competencies:

 Natutukoy ang mga prinsipyo ng Likas na Batas Moral EsP10MP-1c-2.1


 Nakapagsusuri ng mga pasiyang ginagawa sa araw-araw batay sa paghusga ng konsiyensiya
EsP10MP-1c-2.2

EASY:
PANUTO: Basahin at unawain. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.
1. Ang sumusunod ay katangian ng Likas na Batas Moral maliban sa:
A. Ito ay sukatan ng kilos.
B. Ito ay nauunawaan ng kaisipan.
C. Ito ay pinalalaganap para sa kabutihang panlahat.
D. Ito ay personal at agarang pamantayan ng moralidad ng tao.
2. Ito ay tumutukoy sa munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo at nag-uutos sa kanya sa
gitna ng isang moral na pagpapasya kung paano kumilos sa isang kongkretong sitwasyon.
A. puso B. isip C. Konsensiya D. moralidad
3. Sa isang sitwasyon, kapag ang konsensiya ay humuhusga nang may kawalang pakialam na alamin
ang mabuti at masama, ito ay
A. Konsensiyang Insensitibo (Lax Conscience)
B. Konsensiyang Tama o Totoo ( True Conscience)
C. Konsensiyang Hindi Sigurado (Doubtful Conscience)
D. Konsensiyang Mali o Hindi Totoo ( Erroneous or False Conscience)

4. Ito ay katangian ng Likas na Batas Moral na umiiral at mananatiling iiral, walang katapusan at
walang kamatayan dahil ito ay permanente.
A. Obhektibo ( Objective) C. Walang Hanggan (Eternal)
B. Pangkalahatan (Universal) D. Hindi Nagbabago (Immutable)
5. Ang konsensiya ang batayan ng isip sa paghuhusga ng mabuti o masama. Ngunit ito pa rin ay
personal at agarang pamantayan ng moralidad ng tao kaya may mas mataas na pamantayan pa kaysa
rito. Ano ang itinuturing na pinakamataas na pamantayan na batayan ng kilos?
A. Batas Positibo C. Batas ng Diyos
B. Batas ng Kalikasan D. Likas na Batas Moral
AVERAGE:

May suliranin sa pera ang pamilya ni Carmela. Isang araw, may dumating na kolektor sa
kanilang bahay, ngunit wala silang nakahandang pambayad. Inutusan si Carmela ng kaniyang ina na
sabihing may mahalagang pinuntahan siya kapag hinanap siya ng kolektor. Alam ng dalaga na dapat
niyang sundin ang utos ng ina, ngunit alam din niyang masama ang magsinungaling. Sa pagkakataong
ito, ano kaya ang magiging hatol ng konsensiya ni Carmela? Ano ang dapat niyang maging pasiya?

6. Alam ni Carmela na dapat sundin ang kaniyang ina ngunit alam din niyang masama ang
magsinungaling. Alin sa mga yugto ng konsensiya ang dapat isaalang-alang ng dalaga sa paghuhusga
ng tama o malikng pasya?
A. Alamin at naisin ang mabuti
B. Suriin ang sarili at magnilay
C. Kilatisin ang partikular na kabutihan sa isang sitwasyon
D. Bumuo ng pinal na paghatol para sa mabuting pasya at kilos.

7. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin ng dalaga batay sa hatol ng kaniyang konsensiya?
A. Iutos sa kasambahay na sabihing wala ang kanyang ina sa bahay.
B. Harapin ang kolektor at sabihing wala ang kaniyang ina.
C. Magtago sa silid at hayaang maghintay ang kolektor.
D. Tumawag ng pulis at isuplong ang kolektor.

8. “Malinaw sa atin ang sinasabi ng ating konsensiya: gawin mo ang mabuti, iwasan mo ang masama.
Ngunit hindi ito nagbibigay ng katiyakan na ang mabuti ang pipiliin ng tao.” Ano ang ibig sabihin ng
pahayag na ito?
A. Sa lahat ng pagkakataon, tama ang hatol ng ating konsensiya.
B. May mga taong pinipili ang masama dahil wala silang konsensiya.
C. Kumikilos ang ating konsensiya tuwing nakagagawa tayo ng maling pasya.
D. Maaaring magkamali sa paghatol ang konsensiya kaya mahalagang mahubog ito upang
kumiling sa mabuti.

9. Maipakikita mo ang pagiging mabuting tao kung ____

A. susundin mo ang dikta ng tama at totoong konsiyensiya


B. isasabuhay ang mga prinsipyo ng Likas na Batas Moral
C. Magpapasya ng naaayon sa tama at mabuti
D. lahat ng nabanggit
10. Alin sa mga sumusunod ang Unang Prinsipyo ng Likas na Batas Moral?

A. Gawin ang mabuti, iwasan ang masama.


B. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak.
C. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay.
D. Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay
sa lipunan.

DIFFICULT
PANUTO: Pagtapat-tapatin ang mga nasa Hanay A na tumutugon sa wastong katangiang nasa Hanay
B. Titik lamang ang sagot.
HANAY A HANAY B
___11. Pangkalahatan(Universal) A. Yugto sa pagkilala sa pag-
huhusga ng tama o mali
___12. Konsensiya Sigurado (Certain Conscience) B. Hindi ito mawawala
hangga’t ang tao ay tao.
___13. Kabutihang Moral (Moral Good) C. Sinasaklaw nito ang lahat ng tao-
lahi, kultura, lugar at sa
___14. Suriin ang sarili at magnilay lahat ng pagkakataon
D. Base lamang sa sariling
___15. Hindi Nagbabago (Immutable) paniniwala
E. Tumutukoy sa kabutihan ng
Pagkatao. Ang tao ay likas na
mabuti.

MGA SUSING SAGOT:


1. D 9. D
2. C 10. A
3. A 11. C
4. C 12. D
5. D 13. E
6. C 14. A
7. B 15. B
8. D

Inihanda ni:
Bb. JADE ANITA B. PASCUAL
Guro sa EsP 10, San Mateo NHS

You might also like