You are on page 1of 54

Ang Maingat na

Paghuhusga
Layunin:
 Naipapaliwanag ang
maingat na
paghuhusga.
 Nasusuriang mga kilos
na nagpapakita ng
maingat na paghuhusga.
 Nabibigyanghalaga
ang maingat na
paghuhusga.
“ pag-isipan mo muna
nang maraming beses
bago ka gumawa ng
anumang pasiya”
Mauupo ka nang sandali upang
makapagpahinga pagkatapos ng
buong araw na pagtulong mo sa
bukid nang maabutan ka ng iyong
ina at pinagsabihan na hindi ka
maaasahan sa bahay.
Magpapaliwanag ka ba o
papalagpasin mo na lamang ito?
Yung pakagat ka na sa
kabibili mong tinapay nang
nilapitan ka ng
namamalimos at hinihingi
ang kaisa-isang pirasong
hawak mo.
yung eksenang huli ka
na sa klase nang biglang
may maaksidenteng
matanda sa harapan mo.
Gawain 3. Activity Notebook
Nagtapat ang kaibigan mo sa iyo na siya
ang kumuha ng 2 libong pisong
hinahanap ng inyong kaklase. Kailangan
ng kaibigan mo ang pera ngayon upang
pagtakpan ang nagastos niyang
pambayad ng matrikula. kilala ang
kaniyang mga magulang sa pagiging
malupit at mabigat ang kamay.
Ang kaklase mo naman ay
mayaman at ang 2 libong piso ay
ipambili lamang niya ng sapatos
na marami naman siya.
Nakarating na sa inyong guro ang
balita ng nawawalang pera.
a. kung ikaw ang nasa kalagayan na
ito ano ang iyong gagawin?
b. paano mo maipapakita ang
maingat na paghuhusga sa iyong pasya
at kilos?
c. ano ang magyayari kung hindi
maingat sa paghuhusga ang tao?
Ipaliwanag.
HAMON HINDI PROBLEMA

haaaay.....buhay!
inihahanda ka ng mga
karanasan sa buhay upang
makagawa ng mapagmalay
at mapanimbang na
pagpapasiya.
Gawain 1.Pangkatang Gawain. (3
pangkat)

 Dula-dulaanayon sa
sitwasiyon na
ibibigay.
Gawain 2. Pangkatang Gawain
Pinakamatinding Pagpipilian
Mga Pagsubok Aksiyong
Isinagawa
una pangalawa

1.

2.

3.
karuwagan at Takot

Iba ang karuwagan sa


takot.
Takot
 Ang pagkakatakot ay isa sa mga na
halimbawa ng masidhing silakbo ng
damdamin.
 ang takot ay ang pagkabagabag ng isip
ng tao na humaharap sa anumang uri ng
pagbabanta sa kaniyang buhay o mga
mahal sa buhay,
 tumutukoy din ito sa sa
pagpataw ng puwersa gaya ng
pananakit o pagpapahirap
upang gawin ng isang tao ang
kilos na labag sa kalooban.
 kasama rin dito ang
pananakot sa tao o sa
kaniyang mga maha sa
buhay upang mapasunod
itong gumawa ng masama.
karuwagan

 angpagiging duwag ay
pagsuko sa hamon dahil sa
kawalan ng tiwala sa sarili
o sa iba.
 nahaharapka sa isang
bagong sitwasyon at dahil
bago, agad-agad aatras na
lamang at hindi man lng
susubukan.
 angkaruwagan ay
pagpikit ng mata sa
mga tawag ng halaga.
kahinahunan bilang Angkop

 Ano ang angkop?


ANGKOP

Nauunawaan bilang
parehong “dapat at
wasto”, “sakto o tama”.
 pag-aangkop ang tawag
sa paglalapat ng mga
kakailanganin ng labas
at ng maibibigay ng
loob.
 Ang bungang-kilos nito
ay ang angkop.
kahinahunan naman
ang tawag sa saloobin
na ayon sa angkop.
ANG ANGKOP BILANG
MAKATARUNGAN
 Ang paggawa nang hindi naaayon
sa angkop ay nagbubunga ng
pagkasira. sinisira nito ang
kaayusan ng sarili, kapwa, at
kapaligiran. kawalang katarungan
ang tawag sa pagkasirang ito.
ano ang katarungan?
 tarung- nangangahulugang “umayos”,
“magmatino”, “magpakabuti”.

 samakatuwid, ang pagiging makatarungan ay


pagpanig sa kabutihan, paglagay sa ayos, at
pagiging matino sa pag-iisip at pakikiugnay
 ang lahat ng mga
tungkulin natin sa ating
sarili at sa ating
kapuwa-ay nakapaloob
sa konsepto ng
katarungan.
angkop lagi ang maging
makatarungan at kapag
pinipili ang katarungan,
nagiging angkop ang
lahat.
 ang angkop ay nauunawaan bilang
parehong “dapat” ;at “wasto”, “sakto
o tama”.
 kung ginagawa ang dapat, nangyayari
ang sakto. sa ganyang paraan
nagaganap ang katarungan.
 ang paggawa ng makatarungan ay ang
angkop.
Ang Kilos ng Pamimili

 kung malalagay sa sitwasyon na


kailangang mamaili, ang dapat piliin
ay ang tatlong birtud:
1. katapangan
2. kahinahunan
3. katarungan
 Sa ibabaw ng lahat ng ito ay
ang tawag ng pag-aangkop.
Ang bawat pagkilos ay laging
angkop. Itong kilos ng pag-
aangkop sa pamimili ay
tinatawag na Prudentia.
Prudentia
-Ina ng mga birtud.
-ang birtud na ito ay parehong
intelektwal at moral na birtud.
- (latin) nauunawaan bilang isang
uri ng pagtingin sa hinaharap.
 Ang mga pamimili ay hindi
reaksiyon lamang sa mga
hinihingi ng kasalukuyan. tugon
ito sa hamon na gawing
makabuluhan ang serye ng
kahapon, ngayon, at bukas- ang
kuwento ng ating pagkatao.
Bakit tinatawag na ina ng mga
birtud ang Prudentia?
 sapagkat nilalagay nito sa konsteksto
ng panahon at kasayasayan ang
pamimili. Dahil sumasapanahon,
hinihingi ng Prudentia na maging
maingat at matino sa paghuhusga.
 kailangang magpasiya nang may
pagmumulat sa kabuuang layunin
ng pagkatao. Sa madaling salita,
gawin ang pagpili hindi para
lamang sa isang ano kundi dahil
nais pagtibayin ang isang bakit.
karunungang Praktikal

 Tinatawag ng Pilosopong si
Aristotle ang kinikilala nating
birtud na Prudentia bilang
phronesis o karunungang
praktikal.
 Ang phronesis ay
isinasagawang karunungan,
ibig sabihin iniaangkop ang
natutuhan ng isip sa mga
pang-araw-araw na gawain.
 ang paghusga ay hindi lamang
gumagalaw sa larangan ng
mga ideya kundi sa mga
kinakailangan ng mga
sitwasyon o pangyayari.
 may mga ideya tayong tama at
mali, mabuti ito, ngunit ang
higit na mabuti ay ang
paglapatin ang mga prinsipyo
ng kabutihan at ang mga
partikular na kondisyon ng
sitwasyon.
 kinakailangang isali sa
pagtitimbang ang kahandaan ng
panahon, mga pangangailangan at
kakayahan ng tao, at kalagayan
ng paligid upang makagawa ng
isang maingat na paghuhusga.
 dinagdag pa ni Aritotle, ang
pinakamahalagang sangkap ng
Phronesis ay ang aspekto ng
pagiging mabunga. Masasabing
mabunga ang paghusga kung
nakakalikha ito ng magandang
oportunidad upang magtagumpay at
umunlad ang tao.
Pangkatang Gawain
PAGHUHUSGA AT
PAGPAPASIYA
 Ang maingat na paghuhusga
ay kilos ng pagpapalitaw sa
mabuting nakatago sa
sitwasyon at mga pagpipilian.
 kayasa maingat na
paghuhusga pilit na
inuunawa ang mga
konteksto ng mga
kaganapan.
ano ang layon ng kaganapan?

 ito ang dahilan kaya pinag-iingat


tayo sa paghusga- upang hindi agad
mabulag ng mga kasanayang ideya
ng tama at mali at makita ang
binubuong kuwento ng mga tauhan.
 kapag namulat na rito, saka
makagagawa ng matinong
pagpapasiya. ang pagpapasiya ay
hindi simpleng pamimili sa
pagitan ng mabuti at masama -
laging mabuti ang dapat at
kailangang piliin sa anong
kalagayan.
 Ang pagpapasiya ay ay ginagawa sa
pagitan ng parehong mabuti. Sa unang
tingin, tila mahirap pumili sa dalawang
mabuti. May pakiramdam ng pagkaipit
dahil nga kapuwa kanais-nais ang
magkabilang panig. Sa pagkakataong
ito makakatulong ang kilos ng
Phronesis.
hindi kailangang makulong sa dalawang
pagpipilian. Hindi iyan o iyon ang
pipiliin. Hindi isa sa kanilang dalawa.
Nakakakita pa siya ng iba pang mga
opsiyong makakakita pa siya ng iba
pang mga opsiyong makakasakop sa
mga pagpapahalagang nasa likod ng
magkabilang panig.
“mata ng pag-ibig” ni Bernard
Haring
 kakayahang makita ang
kalagayan hindi lamang sa
perspektibo ng pagpipilian
kundi sa perspektibo ng
makakabuti.
 gamit ang “mata ng pag-
ibig” laging matapang,
mahinahon, at
makatarungan ang
kaniyang pagpapasiya.
 handa siyang tiisin ang sakit alang-
alang sa pagmamahal. Paninindigan
niya ang kabutihan dahil ito ang
higit na magpatao sa kaniya. Higit sa
lahat ang pasya ay hindi nakakasakit.
ito ay pinakamabuti. Ito ang tamang
gawin.

You might also like