You are on page 1of 10

Aralin 4: Kalayaang

Kaloob sa Atin,
Pananagutan Natin
• Sa tulong ng dalawang grapic organizer maglista ng mga gawaing maituturing na
Malaya mong naggawa.

Malayang Nagawa Hindi Malayang Nagawa

Bakit mo nasabing Malaya ka sa mga gawaing ito?


Paano mo nasabing hindi ka Malaya sa pangalawang talaang sinasagutan mo?
Ano ba ang pagkaunawa mo sa salitang Kalayaan?
• Malaya ba ang tao?
• Ang hayop ay Malaya din ba?
• Magkatulad ba ang taglay nating Kalayaan?
• Konsepto:
• Kung pisikal na konsiderasyon ang gagamitin, tila Malaya ang ibon
dahil sa nakakalipad ito ay nakakarating saan man niya gusto.
• Ngunit kung suriin ang ibang aspekto, maakikita natin na hindi rin
maituturing na Malaya ang mga hayop dahil sila ay sumusunod sa
dikta ng kanilang instinct at wala silang Kalayaang pumili o gumawa
sa pasiya.
• Malaya ang bawat tao na magpahayag at magsalita ngunit magiging
tunay lamang ang paggamit ng Kalayaan kung piliin mo ang mga
salitang namumutawi sa iyong kapwa o sa isang sitwasyon.
Ano ba ang Kalayaan?
•Ang Kalayaan (human freedom) ayon kay
Sto.Tomas Aquinas ay tumutukoy sa kakayahan
ng tao naitalaga ang kanyang sarili tungo sa
isang mabuting layunin at magtakda ng mga
hakbang at paraan kung paano niya ito
makakamit.
• AngKalayaan ang kakayahang maitalaga ang sarili sa
isang mabuting layunin at makapagtakda ng mga tiyak
na hakbang upang maisagawa ito.
• Mission para maging Malaya:
• Kapag ito ay ating naging batayan ng pagsasabuhay
ng kalayaan, higit tayong napapalapit sa misyong
itinalaga ng Diyos sa atin sa simula pa lamang na
likhain tayo.
• At
habang lumalapit tayo sa pagsasakatuparan ng
misyong ito, hiigit tayong nagiging Malaya dahil
nabubuo natin ang layunin ng ating buhay sa mundo,
ang magmahal at maglingkod sa kapwa.
2 Uri ng Kalayaan
A. Panloob na kalayaan
• Ayon sa obserbasyon ni Santo Tomas de Aquino, nakasalalay
sa kilos-loob ng tao ang kanyang Kalayaan:
1. Kalayaang gumusto (freedom of exercise)- ito ang
kalayaang magnais o hindi magnais
2. Kalayaang tumukoy (freedom of Specification)- ito naman
ang Kalayaan upang tukuyin kung alin nanaisin.
Walang maaring magtagal ng panloob na Kalayaan ng tao,
hindi ito ipinagkait, makukuha o maaalis sa kanya.
B. Panlabas na kalayaan
• Ito ang Kalayaan upang isakatuparan ang Gawain na
ninais ng kilo-lood
• Naimpluwensyahan ng mga panlabas na salik ang
kalayaang ito. Maaring mabawasan o maalis ang
kalayaang ito sa pamamagitan ng puwersa sa labas
ng tao.
• Ang
Kalayaan sa pagpapasya ay mahalaga sa paghubog ng
moral na pagkatao.
• Angkapasyahan ang nagiging batayan ng kilos, ang kilos ay
nahuhusgahan kung ito ay mabuti o masama.
• Kung ang kapasyahan ay nagging mabuti ang batayan tiyak
na lalabas aling mabuti ang kilos at kabaliktaran naman ang
mangyayari kapag hindi mabuti ang batayan.
• AngKalayaan ng tao ay nakabatay sa pagsunod sa Likas na
Batas Moral. Ang tunay na Kalayaan ay masusumpungan sa
pagsunod sa batas na ito.
• Sa
bawat batas na nauunawaan at sinusunod ng tao, mas
nadaragdagan ang kaniyang Kalayaan.
Mga Palatandaan upang malaman kung maging
mapanagutan ka sa paggamit ng kalayaan
1. Kung naisaalang-alang mo ang kabutihang pansarili(personal good) at ang
kabutihang panlahat ( good)
2. Kung handa kang harapin ang anumang kahihinatnan ng iyong pagpasya.
- Ang bawat kilos o pagpapasya ay may katumbas na epekto, mabuti man o
masama
- Hindi lamang sapat na hanapin ang kahihinatnan ng pasiya o kilos kundi ang
gamitin ang kalayaan upang itama ang anumang pagkakamali
3. Kung ang iyong pagkilos ay hindi sumasalungat sa Likas na Batas Moral.
-Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya’y likhain. Nakasaad sa
mga batas na ito ang dapat gawin at di dapat gawin ng tao. Siyang nagging batayan
sa pagsaalang-alang sa pagkilala ng kabutihang pansarili at kabutihang panlahat.
“Ang tunay na kalayaan ay gawin ang mabuti ng
walang pananagutan''

You might also like