You are on page 1of 11

Aralin 3: Mga Hilig Gamitin

Nating Gabay sa Pagpili ng


Kurso
Ano ang mga gawaing iyong kinahihiligan? Suriin ang sariling hilig sa
pamamagitan ng paglalagay ng tsek( ) sa hanay A. √
Mga Hilig Hanay Mga Hilig Hanay
A A

Interesado ako sa pag-aayos ng Mahilig akong gumanap sa mga


kotse drama at palabas
Gusto kong magsagot ng puzzle Gusto ko ang mag-file at mag-
type
Mas mabilis ako magtrabaho kapag Gusto kong tumugtog ng
nag-iisa instrumento at umawit
Gusto kong mag-alaga ng mga hayop Interesado akong magpagaling
ng tao
Mahilig ako magbenta Gusto kong magluto
Gusto kong magtrabaho sa opisina Ako ay malikhain
Gusto kong manguna o maging lider Gusto kong gumuhit
Sa araling ito, inaasahan na malilinang ang mga
sumusunod:
• matutukoy ang kaugnayan ng pagpapaunlad ng mga
hilig sa pagpili ng kursong akademiko o teknikal-
bokasyonal, negosyo o hanapbuhay,
• masusuri ang mga hilig ayon sa larangan at tuon,
• maipaliliwanag na ang pagpapaunlad ng mga hilig
ay makatutulong sa pagtupad ng mga tungkulin,
paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon at,
• maisasagawa ang mga gawaing angkop sa
pagpapaunlad ng inyong hilig.
• Ang isa sa pinakamahalagang bagay bago pumili ng kursong
pag-aaralan aay ang alamin kung ano ang iyong hilig, at
paano ito nababagay sa iyong kursong balak kunin.
• Simula sa iyong pagkabata, ang iyong hilig at interes ay
maaaring nagkaroon ng ilang pagbabago. Iba’t ibang
impluwensiya ang maaaring nagkaroon ng ilang pagbabagong
ito.
• Ilan sa mga impluwensiya na ito ay ang iyong pamilya,
mga kaibigan o ang nakikita o nararanasan mo sa iyong
komunidad.
• Ang sapat mong paglinang sa iyong mga hilig ay malaki ang
maitutulong sa pagtuklas mo sa kung ano ang iyong nais na
maging kurso o hanapbuhay sa hinaharap.
• Nagkaroon ng hilig o interes ang tao bunga ng kaniyang
pagmamasid at impluwensiya ng kaniyang pamilya, mga
kaibigan, kapaligiran, mga napapanood at nababasa.
• Dahil sa malaking kaugnayan ng pagpapaunlad ng mga
hilig sa pagpili ng kursong akademiko o teknikal-
bokasyonal, negosyo o hanapbuhay, mahalaga na ang
isang kabataang tulad mo ay makapagpakita ng malalim
na pag-unawa sa kahalagahan ng pagpapaunlad ng iyong
mga hilig.
• Ang pagpapaunlad ng mga hilig o inters ay nagsisilbing
inspirasyon upang marating ng isang kabataang tulad
mo ang iyong pinapangarap na propesyon.
Ang Holland Code (RIASEC)
Teorya ng Pagpili ng Kurso

• Ang RIASEC ay mula sa Holland Code na binuo ni Dr.


John Holland
-isang academic phycologist
-na nagsasabing mayroong anim na bahagi ng interes o
hilig na mayroong relasyon sa mga propesyong maaring
kunin.
• Sa tulong ng teorya ni Dr. Holland ukol sa RIASEC,
magagabayan ang mga kabataan upang alamin ang
kanilang mga hilig o interes at gamitin itong gabay sa
pagpili ng kurso
Interes o Hilig Holland Code Mga Kaugnay na Gawain
Pagbuo (Building) R-Realistic Gawaing gumagamit ng tools, pagbuo o
builder, gawaing pampisikal. Ang mga may
ganitong propesyon ay ibig magtrabaho
gamit ang kanilang kamay at katawan,
pag-aalaga ng mga halaman, at panlabas
na trabaho.
Pag-iisip (Thinking) I-Investigative Gawaing may kaugnayan sa teorya,
pagsasaliksik, intellectual inquiry. Ang
mga thinker ay mahilig sa mga gawain ukol
sa mga ideya, konsepto at kinahihiligan
nila ang siyensiya, teknolohiya, at
akademya
Paglikha (Creating) A-Artistic Gawaing may kinalaman sa sining ,
dinsenyo, wika at sariling
pagpapahayag(self-expression). Ang mga
creators ay mahilig magtrabaho sa lugar
Interes o Hilig Holland Code Mga Kaugnay na Gawain
Pagtulong(Helping) S- Social Gawaing may kaugnayan sa pagtulong,
pagtuturo, pag-coach at paglilingkod sa tao.
Ang mga helper ay mahilig makipagtulungan
upang mapaunlad ang buhay ng iba.
Pag-engganyo E-Enterprising Gawaing may kinalaman sa pangunguna, pag-
(Persuading) engganyo, pag-impluwensiya ng iba. Ang mga
persuader ay ibig magtrabaho sa posisyon ng
kapangyarihan , magdesisyon at magsagawa ng
proyekto.
Pagbubuo(Organizing) C-Conventional Gawing may kaugnayan sa mga datos,
impormasyon, at mga proseso. Ang mga
organizer ay mahilig magtrabaho sa isang
kapaligirang may istruktura at ibig nilang
tapusin ang mga gawain nang walang mali at may
buong husay.
“Mga Hilig na Kinagigiliwan Mo
sa Pagpili ng Kurso,
Gamitin Mo!”
Sagutin:
Itala ang mga bagay na kinahihiligan mong gawiin. Sa tapa nito, ilagay mo kung ano-ano
ang maaaring maging hanapbuhay mo at kung paanong ang mga hanapbuhay na ito ay
makatutulong sa pagkaroon mo ng paggalang sa iyong sarili.

Mga Bagay na Kinahihiligang Mga Maaaring Maging Paano Ito Makatutulong sa


Gawin Hanapbuhay Pagkakaroon ng Paggalang sa
Sarili

You might also like