You are on page 1of 12

Antas ng Pagpapahalaga;

Gabay sa Pagpapakatao
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Herarkiya ng Pagpapahalaga

Banal
Espiritwal
Interpersonal
Pandama
1.Pandamang
Pagpapahalaga

Sinasakop ang pagpapahalag para sa


kalusugan tulad ng pagkain ng
masustansiyang pagkain, pag-inom
ng malinis na tubig at inumin,
pagsusuot ng damit na angkop sa
panahon. Ang taong malusog ay higit
na nakagaganap sa mga
kinakailangang gawain sa arawaraw.
2. Interpersonal na
Pagpapahalaga

Sakop nito ang mga pagpapahalaga


na lilinang sa mga katangian ng tao
para sa pagpapatuloy at pagpapabuti
ng sibilisasyon. Ang tuon nito ay ang
bahaging sikolohikal ng ating
pagkatao. Ito ay
tumutuon din sa maayos na
pakikipag-ugnayan,
pakikipagkapwa, at pagiging
katanggap-tanggap sa pamayanan o
lipunan.
3. Espiritwal na
Pagpapahalaga
Ito ay mas mataas kaysa sa 2 nauna. Ito ay kaugnay ng kabutihang panlahat.
Kasama rito ang pagpapahalagang katarungan, katotohanan, kapayapaan,
kalayaan, at pangkagandahan at pangkaayusang pagpapahalaga. Ang mga
ito ay bahaging espititwal na ipinunla ng Diyos sa ating pagkatao.
4. Banal na Pagpapahalaga
Ang pagpapakabanal ang siyang
rurok ng pagiging ganap na tao. Ang
tao sa ikaapat na antas ay may
malakas na determinasyon na
maabot ang kaniyang tunay na
kaganapan. Maliwanag sa kaniya ang
mga sagot sa mga tanong na; “Bakit
ako nilikha ng Diyos?”
“Ano ang misyon ko sa buhay?”
“Ano ang mga paraan ng
pagpapakabanal?”
Paano Malilinang ang mga Pagpapahalaga sa Bawat Antas
ng Herarkiya?
A. Pandama
1. Panatilihing malinis at maayos ang pangangatawan.
2. Magkaroon ng masayang pananaw pagkagising sa umaga.
3. Simulan ang araw na may tamang agahan.
4. Kumilos! Gamitin ang katawan.
5. Maging snack smart.
6. Matulog nang maaga.
Paano Malilinang ang mga Pagpapahalaga sa Bawat Antas
7. Iwasan o harapin ang mga sanhi ng stress.
8. Magpa-check up nang regular.
ng Herarkiya?
B. Interpersonal
1. Maging palangiti at masayahin.
2. Maging mapagpahalaga o appreciative.
3. Bigyan ng oras at atensyon ang kapwa
4. Iwasan ang away at di pagkakaunawaan
Paano Malilinang ang mga Pagpapahalaga sa Bawat Antas
5. Pag-aralan ang tamang paraan ng pakikipagtalastasan.
6. Iwasang magreklamo kung may tungkuling dapat gawin sa
pangkatang gawain.
ng Herarkiya?
C. Espiritwal
1. Pagsisimba/pagsamba sa itinakdang araw
2. Pagtulong sa kapwa nang walang inaasahang kapalit
3. Pagiging kuntento sa bunga ng pagsisikap
4. Pagkontrol sa labis na hangad sa materyal na bagay
Paano Malilinang ang mga Pagpapahalaga sa Bawat Antas
5. Paggawa ng tama sa mabibigat na sitwasyon
6. Pag-iwas sa bisyo
ng Herarkiya?
D. Banal
1. Pagkilala na may Diyos na nakaaalam ng lahat sa daigdig at
sanlibutan
2. Pag-unawa sa kahulugan ng buhay na ibinigay ng Diyos
3. Paniniwala na ang mga pangyayari a buhay ay alam ng Diyos
4. Pagiging tapat sa pagtupad sa tungkulin
Paano Malilinang ang mga Pagpapahalaga sa Bawat Antas
5. Pagsunod sa Banal na kalooban ng Diyos
6. Pagsunod sa mga itinuturo ng kabutihan ng pananampalataya
7. Pagiging mabuting tao ayon sa 4 na kardinal na birtud

You might also like