You are on page 1of 17

Modyul 1

Katangian na Tao bilang Espiritwal na Nilalang

Sa simula pa man ng kasaysayan, naniniwala na ang tao sa katotohanang may higit na


kapangyarihan kaysa sa sinumang tao o nilalang sa sansinukob. Ang katotohanang ito ay tinatawag
na Diyos, Panginoon, Allah, Yahweh o Maykapal. Sa naunang linya mula sa banal na aklat ang tao
lamang ang may kakayahang makita at makilala ang kadakilaan ng Diyos. Ang isang mag-aaral na
kasinggulang mo ay nabiyayaan ng Panginoon ng likas at natatanging talino. Ito ay dapat linangin at
gamitin upang lalo mong maunawaan ang iyong pakikipag-ugnayang espiritwal sa Panginoon. Sa
mga linya mula sa Salmo ipahayag ni Haring David sa uanahan, ang tao ay may kakayahang alamin,
kilalanin at purihin ang Poong Maylikha. Ang tao lamang ang may espiritwal na katangian na
nakakakilala ng kanyang Maylikha.
Pinakamahalaga ang tao sa lahat ng mga nilikha ng Diyos. Ito ay nababatay sa diwang
ispiritwal ang kanyang buhay. Ayon kay Leo Buscaglia sa kanyang aklat na Personhood: Supreme
Value Across Cultures, pinapakita ng mga relihiyon, pilosopiya at pananampalataya na ang pagiging
ekumenikal ng paniniwala sa kahulugan ng buhay ng tao. Ang lahat ng mga paniniwala ay
nagkakaisa na di-materyal ang dahilan ng pagkalikha ng buhay. Nababatay ang kahulugan ng buhay
ng mga taong nilikha ng Diyos sa diwang ispiritwal. Sapagkat ang tao ay natatanging nilalang ng
Diyos, siya ay biniyayaan ng likas na kagandahang loob na siyang ugat ng kanyang mga
pagpapahalaga. Nasa tao ang lahat ng pagkakataon upang padaluyin niya ang mga
pagpapahalagang ito. Ito ay karaniwan ng naisasagawa sa pamamagitan ng kanyang pagtaguyod
sa mga gawaing magpapatingkad sa kabutihang loob na mahalagang susi tungo sa kaayusan at
magandang samahan sa kapwa.
Hindi sapat na mabuhay lamang ang tao. May mga bagay na dapat niyang gawin habang siya
ay nabubuhay. Sa wastong paggamit ng talino at kakayahan, higit na madali ang pag-abot sa mga
mithiin na ikalulugod ng Poong Maylikha. Bilang espiritwal na nilalang may kakayahan tayong suriin
ang ugnayan natin sa Diyos. Sa pamamagitan ng pagninilay-nilay o malalim at matalinong pag-iisip
at mauunawaan natin na ang Diyos ay ating kasama sa mga karanasan natin sa pang-araw-araw na
buhay. Kahit na minsan ay nakadarama tayo ng kalungkutaan at kabiguan sa buhay, ang mga ito ay
paraan lamang ng Diyos upang tayo ay matuto sa ating buhay.
Tayo ay hinuhubog Niya parang diyamante. Katulad ng isang diyamante, ay inaalis niya
pamamagitan ng kabiguan at pagsubok sa buhay ang mga imperpeksyon nito ng sa ganoon ay
maging tunay ang kinang ng diyamante. Ang mga karaniwang paraan ng pandama sa presensya ng
Panginoon ay magagawa sa pamamagitan ng repleksyon sa mga kagandahan at kahiwagaan ng
kalikasan, mabuting kalooban ng kapwa at sa pagninilaynilay sa kabutihan ng Diyos sa oras ng pag-
iisa lalo na sa panahon ng suliranin at pagsubok. Lagi nating kausapin ang Panginoon. Kung nais
mo ng mapayapang buhay, kinakailangang makipag-ugnayan sa Kanya. Maari mo Siyang kausapin,
kahit kailan, kahit saan. Sabihin mo lamang na nais mo Siyang makausap dahil ikaw ay espiritwal na
nilalang. Itungo mo ang iyong ulo at damhin na Siya ay nandiyan. Sa panahon ng pandemya tulutan
nating kilalanin at damhin ang mga bagay na likas na mahalaga bilang taong may kakayahang
kilalanin ang Diyos.
Namnamin natin ang mga biyaya : gaya ng biyaya ng kalikasan, biyaya ng mga mahal sa
buhay na nakapalibot sa atin, biyaya ng oras ng pagninilay-nilay, biyaya ng tahimik at simpleng
buhay. Ika nga naririnig natin palagi ang mga katagang” what is essential is invisible in the eyes”.
Nawa’y magsilbing gabay natin ang paghahanap ng tunay na kaligayan at kapayapaan sa
pagpapaunlad ng ating katangian bilang espiritwal na nilalang ng Diyos.

1
Modyul 2
Espiritwalidad at Pananampalataya

Ang buhay ay maituturing na isang paglalakbay. Sa paglalakbay na ito ay kailangan ng tao


ang makakasama upang maging magaan ang kaniyang paglalakbay. Una, ang paglalakbay kasama
ang kapwa at ikalawa ang paglalakbay kasama ang Diyos. Tandaan, hindi sa lahat ng oras ay
magiging banayad ang paglalakbay, maaaring maraming beses na madapa, maligaw, mahirapan o
masaktan; ngunit ang mahalaga ay huwag bibitiw o lalayo sa iyong mga kasama. Anumang hirap o
balakid ang maranasan sa daan, mahalagang harapin ito na may determinasyon na marating ang
pupuntahan.
Ang tao ang pinakaespesyal sa lahat ng nilikha dahil hindi lamang katawan ang ibinigay sa
kaniya ng Diyos kundi pinagkalooban din siya ng espiritu na nagpapabukod-tangi at
nagpapakawangis sa kaniya sa Diyos. Ngunit ang nagpapakatao sa tao ay ang kaniyang espiritu na
kinaroroonan ng persona. Ang persona ayon kay Scheler ay, ang “pagka-ako” ng tao ng bawat tao
na nagpapabukod tangi sa kaniya. Kaya’t ang espiritwalidad ng tao ay galing sa kaniyang
pagkatao. Ito ay lalong lumalalim kung isinasabuhay niya ang kaniyang pagiging kalarawan ng Diyos
at kung paano niya minamahal ang kanyang kapuwa. Kaya ang tunay na diwa ng espiritwalidad ay
ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapwa at ang pagtugon sa tawag ng Diyos na may
kasamang kapayapaan at kapanatagan sa kalooban.

Ang espirtiwalidad ay nagkakaroon ng diwa kung ang espiritu ng tao ay sumasailalaim sa


kaibuturan ng kaniyang buhay
kasama- ang kaniyang kilos, damdamin at kaisipan. Anuman ang relihiyon ng isang tao, ang
espiritwalidad ang pinakarurok na punto kung saan niya nakakatagpo ang Diyos.
Sa naunang awitin ipinapahayag ang paniniwala at pagtitiwala ng tao sa Diyos kahit hindi pa
Siya nakikita. Sa pananampalataya, itinatalaga ng tao ang kaniyang paniniwala at pagtitiwala sa
Diyos. Inaamin niya ang kaniyang limitasyon at kahinaan dahil naniniwala siyang anuman ang
kulang sa kaniya ay pupunuan ng Diyos. Ang pananampalataya tulad ng pagmamahal ay dapat
ipakita sa gawa. Ito ay ang pagsasabuhay ng tao sa kaniyang pinaniniwalaan. Naipapapahayag ng
tao ang kaniyang pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng aktuwal na pagsasabuhay nito.
Wika nga ni Apostol Santiago sa Bagong Tipan,” Ang pananampalatayang walang kalakip na gawa
ay patay” ( Santiago 2:20) Ibig sabihin ang mabuting kilos at gawa ng tao ang siyang matibay na
nagpapakita ng kaniyang pananampalataya.
Naipapakita o naisasabuhay ang mga pananampalatay ng tao gaya ng sumusunod na
relihiyon:
Pananampalatayang Kristyanismo. Ititnuturo nito ang buhay na halimbawa ng pag-asa, pag-ibig at
paniniwalang ipinakita ni Hesukristo na nagpahayag ng iilang aral na:
a. Ang Diyos ay nasa ating lahat sa bawat pagkakataon n gating buhay.
b. Tanggapin ang kalooban ng Diyos na may kagaanan at likas na pagsunod. Laging
humingi ng pagpapala sa Diyos upang makagawa ng kabutihan.
c. Magmahalan at maging mapagpatawad sa bawat isa. Maging mapagkumbaba at ialay
ang sarili sa pagtulong sa kapwa.
Bigyan natin ng pansin ang sinabi sa Juan 4:20” Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos subalit
napopoot naman sa kaniyang kapatid ay isang sinungaling. Hindi ito madali ngunit isa itong hamon
para sa lahat dahil kung anuman ang ginawa natin sa ting kapwa ay sa Diyos natin
ginagawa.Tungkahayan ang buhay ni Mother Teresa ng Calcuta( hanapin google).Tanyag ang
2
katagang sinabi niya na” ang magmahal ng walang hinihintay na anumang kapalit kahit na
nahihirapan o nagsasakripisyo ay nagmamahal pa rin. Isang pagmamahal na ang hinahanap ay
makita ang Diyos sa piling ng kapuwang pinaglilingkuran. Mapapatunayan lamang ng tao na
minamahal niya ang Diyos kung minamahal niya ang kaniyang kapuwa.
Mayroon tayong Apat na Uri ng Pagmamahal ayon kay C.S. Lewis
1. Affection- pagmamahal bilang magkakapatid, lalo na sa mga magkapamilya o maaring sa
taong nagkakilala at nagging malapit o palagay na ang loob sa isa-isa.
2. Philia- pagmamahal ng magkakaibigan. Mayroon silang isang tunguhin o nilalayon na kung
saan sila ay magkakaugnay.
3. Eros- pagmamahal batay sa pagnanais lamang ng isang tao. Kung ano ang makapagdudulot
ng kasiyahan sa kaniyang sarili.
4. Agape- ang pinakamataas na uri ng pagmamahal. Ang pagmamahal na walang kapalit.
Ganyan ang Diyos sa tao, patuloy na nagmamahal sa kabila ng mga pagkukulang at patuloy
na pagkakasala ng tao ay patuloy pa rin NIyang minamahal dahil ang tao ay mahalaga sa
kanya.
Pananampalatayang Islam: Ang Muslim ay laging buhay ang pananampalataya upang
maisakatuparan ang limang haligi na sumusunod:
1. Ang Shahadatain( Ang Pagpapahayag ng Tunay na pagsamba)- ito ay pagpapahayag na
walang ibang Diyos na karapat dapat pag ukulan ng pagsamba maliban kay Allah at kay
Mohammed na Kaniyang sugo.
2. Ang Salah ( Pagdarasal)- may limang takdang pagdarasal sila sa araw-araw. Ito ay paraan
up[ang malayo sila sa tukso at kasalanan.
3. Ang Sawm( Pag-aayuno)- obligasyon ng bawat Muslim na may sapat na gulang at kalusugan
tuwing buwan ng Ramadan.
4. Ang Zakah( Itinakdang Taunang kawanggawa) -ito ay hindi lamang boluntaryong pagbibigay
sa mga nangangailangan kundi isang obligasyong itinakda ni Allah na disiplina sa sarili upang
mapaglabanan ang tukso na maaaring dumating sa buhay.
5. Ang Hajj( pagdalaw sa Meca). Ang bawat lalaki at babae na may sapat na gulang, mabuting
kalusugan at may kakayahang gumuguol sa paglalakbay ay nararapat na dumalaw sa banal
na lugar ng Meca, ang sentro ng Islam sa buong mundo.
Pananampalatayang Buddhismo-naniniwalang ng apat na katotohanan na naliwanagan kay
Siddharta Gautama:
1. Ang buhay ay dukha( kahirapan, pagdurusa)
2. Ang kahirapan ay bunga ng pagnanasa ( taha)
3. Ang pagnanasa ay malulunasan
4. Ang lunas ay nasa walong landas( eighfold path- tamang pananaw, tamang intension, tamang
pananalita, tamang kilos, tamang kabuhayan, pamang pagsisikap, tamang kaisipan, tamang
atensiyon. Kung masusunod ang mga ito ang taon ay makapagkamit ng Nirvana o ang
pinakamataas na kaligayahan.
Kung tutuusin ang tatlong pananampalatayang ito ay nagpapahayag ng Gintong Aral( Golden
Rule)” Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo”Magkakaiba man ang aral o turo
3
ng bawat isa, ang mahalaga ay nagkakaisa sa isang layuning magkaroon nang malalim na ugnayan
ang tao sa Diyos at kapuwa.
Ang pananampalataya ay dapat pangalagaan. Ilan sa pagpapangalaga ng ugnayan ng tao sa
Diyos ay:

1. Panalangin- ang tao ay nakapagbibigay ng pauri, pasasalamat, paghingi ng tawad at paghiling


sa Kaniya.
2. Panahon ng pananahimik o pagninilay-ito ay makatulong upang ang tao ay makapag-isip at
maunawaan ang tunay na mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay.Makatutulong ito upang
malaman ng tao kung ano ang ginagawa niya sa kaniyang paglalakbay, kung saan siya
patutungo.
3. Pagsisimba o Pagsamba- ito ay makatutulong sa tao upang lalo pang lumawak ang kaniyang
kaalaman sa Slaita ng Diyos at maibahagi ito sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng kaalaman
na napulot sa pagsisimba/pagsamba.
4. Pag-aaral ng salita ng Diyos-hindi lubusang makikilala ng tao ang Diyos kung hindi siya mag-
aaral o magbabasa ng Banal na Kasulatan o Koran.
5. Pagmamahal sa kapwa- ito ang isang dahilang ng pag-iral ng tao, ang mamuhay kasama ang
kapwa. Mahalagang maipakita ng tao ang paglilingkod sa kaniyang kapwa.
6. Pagbabasa ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad- ito ay nakatutulong sa paglago at
pagpapalalim ng pananampalataya ng isang tao.
Mula sa mga ibat-ibang paraan, napalalalim ng tao ang kaniyang ugnayan sa Diyos. Kayat
dito ay makikita ng tao na hindi maaaring ihiwalay ang espiritwalidad sa pananampalataya.
Ang espiritwalidad ng tao ang pinaghuhugutan ng pananampalataya at ang pananampalataya
naman ang siyang nagpapataas ng espiritwalidad ng tao. Dito ay nagkakaroon ng malalim na
ugnayan ang Diyos at ang tao.Ang bawat isa sa atin ay inaanyayahan na tularan ang Diyos.
Sikapin natin na mahalin an gating kapwa dahil ito ang palatandaan ng pagmamahal natin sa
Diyos na Lumikha.

4
Modyul 3

Pananampalataya, Pag-ibig sa Kapwa at Preperensiya sa Kabutihan

Batay sa Banal na Kasulatan, “Patay ang pananampalataya kung walang kalakip na gawa” (James
2:26). Ibig sabihin, ang lubosna pananamplataya sa Panginoonay ang pagmamahal at paglilingkod sa
kapwa. Hindi pwede ipagdasal mo lamang ang taong naghihirap, nagdurusa at naghihikahos sa buhay.
Kailangang mayroon kang gagawin para maibsan ang kanyang paghihirap at pagdurusa.

Kilala mo ba si Mother Teresa ng Calcutta? Nakita niya ang malalim na ugnayan sa Diyos sa
pamamagitan ng paglilingkod sa mga tao na hindi katanggap-tanggap sa lipunan tulad ng mga pulubi sa
lansangan, mga maysakit na ketong, mga matatandang maysakit na iniwan ng kanilang pamilya. Sila ay
tinutulungan ni Mother Teresa ng walang hinihintay na anumang kapalit. Siya ang ay nagpapakita ng
konkretong pagmamahal sa kapwa. Pinili niya ang paggawa ng kabutihan kahit siya ay napapagod at
nahihirapan.

Ito ang tunay na pagmamahal, ang nagmamahal kahit nahihirapan o nagsasakripisyo ay nagmamahal
pa rin. Ganyan ang ipinakitang pagmamahal ni Mother Teresa-isang pagmamahal na ang hinahanap ay
makita ang Diyos sa piling ng kapuwang pinaglilingkuran. Kaya’t mapapatunayan lamang ng tao na
minamahal niya ang kanyang kapwa( Edukasyon sa Pagpapakatao 10, 2015).

Apat ng Uri ng Pagmamahal ayon kay C.S. Lewis.

1. Affection Ito ay ang pagmamahal bilang magkakapatid, lalo na sa mga


magkakapamilya o maaring sa mga taong nagkakakilala at nagging
malapit o palagay na ang loob sa isa’tisa.
2. Philia Ito ay pagmamahal ng magkakaibigan. Mayroon silang isang tunguhin
o nilalayon na kung saan sila ay magkakaugnay.
3. Eros Ito ay pagmamahal batay sa pagnanais lamang sa isang tao. Kung
anao ang makapagdudulot ng kasiyahan sa kaniyang sarili.
4. Agape Ito ang pinakamataas na uri ng pagmamahal. Ito ang pagmamahal na
walang kapalit. Ang Diyos ay ganyan sa tao. Patuloy niyang
minamahal ang tao sa kabila ng pagkukulang nito sa kanya dahil ang
tao ay mahalaga sa kanya.

Maraming mga tao sa ating lipunan ngayon ang nagpapakita ng malasakit sa kapwa. Ang ilan sa mga
ito ay si Angel Locsin, Manny Pacquio at si Jack Ma nagbigay ng libreng Personal Protective Equipment (PPE)
sa mga frontliners. Sila ay ilan lamang sa mga taong ipinakita ang tunay na pananampalataya sa Diyos sa
pamamagitan sa pag-ibig sa kapwa at ang pagpili kung ano ang nakakabuti sa kapwa.

5
Modyul 4
Pagpapaunlad sa Pagmamahal sa Diyos
Pananampalataya at Espiritwalidad

Ang pananampalataya ay ang malalim na ugnayan ng tao sa Maykapal. Ito ay isang malayang pasya
na alamin at tanggapin angkatotohanan ng presensya ng Diyos sa kanyang buhay at pagkatao.Ito ay isang
biyaya na maaring tanggapin o tanggihan. Dito naniniwala at umaasa ang tao sa mga bagay na hindi nakikita.

Ang pagmamahal sa Diyos ay naipamamalas sa pamamagitan ng pagmamahal sa kapwa at sa bayan.


Ito ay katotohanang tanggap na sa ating lipunang kinabibilangan at bansang kinarooonan. Sa
pananampalataya, nagkakaroon ng linaw at pag-asa ang mga bagay na hindi maunawaan lalo na sa iba’t-
ibang kaganapan sa bayan. Ang pagkakaroon ng positibong pananaw ay tandang pagtugon sa paniniwala ng
mahal ng Diyos(https://prezi.com.)

Iba’t-ibang uri ng Relihiyon


1. Pananampalatayang Kristiyano. Itinuturo dito ang buhay, kamatayan at pagbuhay muli ni Hesukristo. Siya
ang naging halimbawa ng pag-asa, pag-ibig at pagpapatawad. Ang Kristiyanismo ang pinakamalaki at
pinakalaganap na relihiyon sa buong daigdig. Ang mga turo ni Hesus ay mabubuod sa dalawang utos:
“Mahalin mo ang Diyos nang higit sa lahat. Mahalin mo ang iyong kapwa ng pagmamahal mo sa iyong sarili”().

2. Pananampalatayang Islam. Ito ay itinatag ni Mohammed. Ang kanilang banal na kasulatan ay tinatawag
na Koran. Habang nabubuhay ang isang Muslim, ang kanyang pananampalataya ay aktibo sa lahat ng
panahon. Isinakatuparan nila sa kanilang pagsunod sa Limang Haligi.
a. Ang Shahadatain. Ito ang pagpapahayag ng tunay na pagsamba. Ayon sa kanila, walang ibang
Diyos kundi si Allah at si Mohammed ang kanyang propeta.
b. Ang Salah. Ito ay ang pagdarasal limang beses sa isang araw. Ito ang kanilang paraan upang
malayo sa tukso at kasalanan.
c. Ang Sawn. Ito ang pag-aayuno tuwing Ramadan. Ito ay ang pagdidispilina sa sarili upang
malayo sa tukso.
d. Ang Zakah. Ito ang itinakdng taunang kawanggawa. Ito ay isang paraan ng pagpabibigay
sa kanilang kapwa Muslim.
e. Ang Hajj. Ito ay ang pagdalaw sa Mecca. Ito ay ang pagdalaw sa Mecca.

3. Pananampalatayang Budhismo. Si Siddharta Gautama Buddha ay isang dakilang mangangaral ng mga


Budhismo.
Apat na Mahal na Katotohanan
a. Ang buhay ng tao ay puno ng pagdurusa at paghihirap.
b. Ang paghihirap ay sanhi ng kanyang pansariling pagnanasa.
c. mawawala ang paghihirap at pagdurusa ng tao kung masusupil niy ang pansariling pagnanasa.
d. Ang pagdurusa ay maaring maiwaksi sa pamamagitan ng pagsunod ng 8 Tamang
Landas ( Hinango sa Project EASE, Araling Panlipunan Modyul 14

Walong Landas
a. tamang pananaw
b. tamang intensiyon
c. tamang pananalita
d. tamang kilos
e. tamang kabuhayan
f. tamang pagsisikap
g. tamang kaiisipan
h. tamang atensiyon

4. Hinduismo. Ang Hinduismo ay ang pangatlong pinakamalaking relihiyon sa buong daigdig. Ito ang
pangunahing relihiyon sa India, Nepal, at ng mga Tamil sa Sri Lanka. Ang Veda ang pangunahing kasulatan
ng mga Hindi. Ang banal na kasulatan na ito ay tungkol sa iba’t-ibang paksa, tulad ng pagsamba ng Diyos,
6
gayun din ang gamot, musika, pagsusundalo at marami pang iba.Si Brahman ang Diyos ng mga Hindu.
Karaniwang kilala sat along katauhan ang bathalang ito.
1. Brahma- tagapaglikha at patuloy na lumilikha ng mga bagong kaotothanan.
2. Vishnu o Krishna- tagapanatili, na nagpapanatili ng mga bagong likha
3. Siva o Shiva- tagapagsira, na siyang sumisira upang makalikha ng bagong bagay.

5. Judaismo. Ito ang relihiyon ng mga Hudyo. Isa ito sa mga Abramikong relihiyon ng kinabibilangan din ng
mga Kristiyano at Islam.Torah ang tawag sa banal na kasulatan ng mga Hudyo.Umuugat ang relihiyong ito
noong panahon ng pagtatag ng banal na kasunduan ang Diyos at mga Israelita kasama si Abraham.

Espiritwalidad
Ang espiritwalidad ay nagkakaroon ng diwa kung ang espiritu ng tao ay sumasailalim sa kaibuturan ng
kaniyang buhay kasama-ang kanyang kilos, damdamin, at kaisipan. Ito ang pinakarurok na punto kung saan
niya nakakatagpo ang Diyos.
Ang tunay na espiritwalidad ay ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapwa at sa pagtugon sa
tawag ng Diyos. Ang espiritwalidad ng tao ang pinaghuhugutan ng pananampalataya at ang pananampalataya
naman ang siyang nagpapataas ng espiritwalidad ng tao.
Mga dapat gawin upang mapangalagaan ang ugnayan ng tao sa Diyos

1. Laging manalangin
2. Maglaan ng panahon ng pananahimik o pagninilay
3. Pagsisimba
4. Madalas na pagbabasa ng banal na aklat
5. Pagmamahal ang paglilingkod sa kapwa
6. Pagbabasa ng mga artikulo, aklat o kwento tungkol sa espiritwalidad.

7
Modyul 5
Mga Isyu Tungkol sa Buhay
Ang tao ay isang nilalang ng Diyos. Siya ay nilikha na kawangis Niya. Ito ay Ito ay nangangahulugan na ang tao
ay may dignidad. Ang dignida na ito ay ay nagmula sa Diyos. Dahil dito naging karapat-dapat ang tao sa pagpapahalaga
at paggalang mula sa kapwa.
Ang buhay ay ipinagkaloob sa atin ng Diyos upang gamitin natin sa mabuting paraan. Ito ay banal.
Itinuturing na maling gawain ang hindi paggalang sa kabanalan ng buhay dahil ito ay indikasyon ng kawalan
ng pasasalamat at pagkilala sa kapangyarihan ng Diyos.
Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga isyu tungkol sa paglabag ng paggalang sa buhay.

1. Paggamit ng Ipinagbabawal ng Gamot


Ito ay isyung moral na kinakaharap ng ating lipunan. Ito ay isang estadong sikiko ( psychic) o pisikal na
pagdepende sa isang mapanganib na gamot na nagyayayari matapos gumamit nito nang paulit-ulit at sa tuloy-
tuloy na pagkakataon. Ang pagkagumon sa ipinagbabawal na gamut ay nagdudulot ng masasamang epekto
sa isip at katawan.
Ang mga krimeng nagaganap sa ating lipunan ay may malaking kaugnayan sa paggamit ng droga.
Dahil sa droga ang isip ng tao ay nagiging blank spot, nahihirapan ang isip ng tao na iproseso ang iba’t-ibang
impormasyon na dumadaloy nito na karaniwang sanhi ng maling pagpapasya at pagkilos. Ang pagkagumon
nito ay nagdudulot ng masasamang epekto sa pisikal at isip ng taong gumagamit nito. Maari itong maghatid sa
tao sa maling landas at possibleng pagkamatay.

2. Alkoholismo
Ito ang labis na pag-inom ng alak kung saan may malalaking epekto pag-iisip, sumisira sa pagiging
malikhain, kawalan ng pokus, nagpapahina ng enerhiya at nabawasa ang kakayahan sa paglinang sa
makabuhulang pakikipagkapwa.

Ang pag-inom ng alak ay hindi masama kung paiiralin ang pagtitimpi at disiplina. Hindi lamang may
masamang epekto ito sa pag-iisipm at pag-uugali, apektado rin ang kalusugan ng tao. Ito rin ay pinagmulan ng
maraming sakit na maaring magresulta ng pagkamatay.

3. Aborsiyon
Ang aborsiyon o pagpapalaglag ay pag-alis ng isang fetus o sanggol sa sinapupunan ng isang ina. Ito
ay ang pagpapalaglag sa isang buhay na nasa sinapupunan pa lamang ng ina o kaya’y ang hindi pa
nanapanahon na paglabas nito. Ang pagpigil at pakikialam sa ganitong uri ng proseso ay hindi makatarungang
paghihimasok sa karapatan ng isang bata na mabuhay.

4. Pagpapatiwakal
Ito ay sadyang pagkitil ng buhay at naayon sa sariling kagustuhan. Ang pagkitil sa sariling buhay o
pagpapakamatay. Ito ay isang kasalanan sa Diyos. Siya lamang ang tanging nagmamay-ari ng buhay at
kamatayan.

5. Euthanasia
Ito ay isang gawain kung saan napapadali ang kamatayan ng isang taong may matindi at walang nang
lunas na karamdaman. Ito rin ang paggamit ng modernong medisina at kagamitan upang tapusin ang
paghihirap ng isang maysakit.Tinatawag ding “ mercy killing “ o “painless death.”Kadalasan hinihingi ito ng
isang taong may matinding karamdaman upang mapadali ang paghihirap. Ang pagpapadali ng pagputol ng
buhay ay isang uri din ng pagpapatiwakal.

Sabi ni Papa Frances ng Roma “ Ang buhay ng tao ay napakahalaga; kahit na ang mga
pinakamahihina at madiling matukso, mga may sakit, matatanda, mga hindi pa isinilang at mahihirap, ay mga
ora ng Diyos na ginawa sa sarili Niyang imahe, laan upang mabuhay magpakailanman, at karapat-dapat na

8
mataas ang paggalang at respeto. Ang buhay ay nararapat na kalingain, pagyamanin, at paunlarin upang ito
ay magamit sa paghanap ng katotohanan at tuparin ang kalooban ng Diyos (Edukasyon sa Pagpapakatao 10,
2015).

Modyul 6
Pagpapahalaga Sa Buhay
Ang tao ay binigyan ng buhay at ginawang kawangis ng Diyos. Ikaw, bilang tao ay natatangi at naiiba
sa ibang mga nilalang na may buhay. Ikaw ay pinagkalooban ng isip, kilos-loob, puso, kamay at katawan na
siyang nagpapabukod sa iyong pagkatao at nagpapatibay na nilikha ka na kawangis ng Diyos. Bukod dito,
maituturing din na isang kaloob sa tao ang pagkakaroon ng kilos-loob sapagkat ito ang nagbibigay sa tao ng
kakayahang gumawa, kumilos, pumili ag magmahal. Gayon pa man, mahalaga na magabayan an gating kilos-
loob tungo sa kabutihan.

Ang buhay ay matituturing na paglalakbay. Sa ating paglalakbay kailangan natin ang makakasama
natin ang ating kapwa at ang Diyos upang maging magaan, makulay at maligaya ang ating paglalakbay. Ang
ating makakasama sa paglalakbay ay ang ating kapwa at ang Diyos. Kailangan natin sila upang maging
makahulugan at makabuluhan ang ating paglalakbay. Tandaan natin na ang ating paglalakbay ay hindi laging
banayad. May mga panahon na tayoy madapa, mahirapan, maligaw, masaktan o mahirapan. Ngunit ang
mahalaga ay ay hindi tayo lalayo at bibitiw sa ating mga kasama. Anumang mga paghihirap at balakid ang
makatagpo mahalagang harapin natin ito na may direksyon at determinasyon.

Makikita natin ang kahulugan ng buhay hindi tayo hihiwalay sa Diyos at sa ating kapwa. Maging
masaya tayo sa ating paglalakbay kapag nakapagpasya tao na piliin ang mga bagay, kilos at tao na maaring
tutulong sa atin na maging makabuluhuhan at may kahulugan ang lahat. Kung tayo ay patuloy na naniniwala,
magbukas ng puso at isip sa katotohanan ito ay maging dahilan kung bakit tayo umiiral sa mundong ito?

Ang pagpapahalaga sa buhay ay hindi lamang sa pisikal na buhay, kundi sa kalidad ng buhay na
nakaugat sa dignidad ng tao. Ito ay ang aktibo at positibong paglinang sa kalidad ng buhay ng tao. Kaya
inaasahan tayo makabubuo at makagagawa ng isang mabuting posisyonsa kabila ng isyu na umiiral sa ating
lipunan.

Modyul 7
Mga Isyu tungkol sa Buhay
Droga
Isa sa matagal na isyung panlipunan ay ang bawal na gamot. Ang pagkalulong sa
ipinagbabawal na gamot ay nagdudulot ng masamang epekto sa isip at katawan ng tao. Maraming
pamilya ang nawasak dahil sa bawal na gamot. Maraming krimen na nangyayari sa lipunan ay may
kaugnayan sa paggamit ng bawal na gamot. Napatunayan na ng mga eksperto na ang taong
gumagamit ng droga o ipinagbabawal na gamot ay wala sa kanyang tamang pag-iisip.Nahihirapan
ang kanyang isip na iproseso ang iba’t-ibang impormasyon na dumadaloy ditto. Dahil dito, hindi na
siya makakapagdesisyon ng maayos.
Hindi lang paggamit ng bawal na gamot ang problema ng lipunan kundi lalo na ang talamak na
pagtutulak nito. Walang gagamit ng droga kung walang gumagawa at lumalako nito sa lipunan. Kaya
ang gobyerno mismo ang nagsulong ng iba’t-ibang klaseng programa kaakibat ng mga batas sa
bansa na ipinapatupad para ito malimitahan kung hindi man ito tuluyang mapuksa. Nakita ng
9
pamahalaan na mataas ang krimen tulad ng panggagahasa, sa mga kababaihan, pagnanakaw at
pagpatay sa bansa dulot ng paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot.
Alkoholismo
Ang labis na pagkonsumo ng alak ay may masamang epekto sa tao. ito ay nagpapahina ng
enerhiya, nagpapabagal ng pag-iisip at sumisira sa kanyang pagkamalikhain. Ito rin ang isa sa mga
sanhi sa away o gulo sa pamilya o sa lipunan sapagkat ang taong nakainom ng sobra ay wala na sa
kanyang tamang katinuan. Kaya nauuwi ang away sa krimen kung minsan.
Aborsiyon
Ang aborsiyon o pagpapalaglag ay pag-alis ng isang fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina.
Isa rin ito sa matagal na isyu ng panlipunan. Sa ilang mga bansa, ang aborsiyon ay tinuturing na
legal sa kanilang batas ngunit sa Pilipinas ito ay itinuturing na isang krimen. Maraming tanong ang
nakaakibat sa aborsiyon. Kung ito ay gawing legal ibig ba sabihin na ang kapakanang moral ay hindi
maapektuhan?
Dalawang uri ng aborsiyon:
1. Kusa (miscarriage)- Ito ay ang pagkawala ng isang sanggol sa natural na mga
pangyayari at hindi ginamitan ng medical o artipisyal na pamamaraan.
2. Sapilitan (induced)- Ito ay ang pagwawakas ng pagbubuntis at pagpapaalis ng isang
sanggol sa pamamagitan ng pag-opera o pagpapainom ng mga gamot.
Prinsipyo ng Double Effect Ang prinsipyong ito ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ay may mga oras
kung kalian ang isang kilos na nararapat gawin ay maaring magdala ng mabuti at masamang epekto.
Bilang resulta, nagkakaroon ng isang problemang etikal.
Ito ay malimit na ginagamit sa mga isyu ng aborsiyon at euthanasia. Kung gagamiting batayan
ang Prinsipyo ng Double Effect may apat na kondisyon ang dapat isipin.
a. Ang layunin ng kilos ay nararapat na mabuti.
b. Ang masamang epekto ay hindi dapat direktang nilayon ngunit bunga lamang ng
naunang kilos na may layuning mabuti.
c. Ang mabuting layunin ay hindi dapat makuha sa pamamagitan ng masamang pamamaraan.
d. kinakailangan ang pagkakaroon ng mabigat at makatuwirang dahilan upang maging
katanggap-tanggap ang masamang epekto.
Pagpapatiwakal
Ito ay ang sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at naaayon sa sariling kagustuhan.
Dapat may maliwanag na intension ang isang tao sa pagtatapos ng kaniyang buhay bago ito
maituring na isang pagpapatiwakal.
Ang kadalasan dahilan ng pagpapatiwakal ay dahil sa pagkasira ng ulo o diperensya sa pag-
iisip (mental illness or mental health disorder) ay isang karamdaman sa kaisipan na nagdudulot ng
kakaibang pag-aasal, pakiramdam o personalidad na itinuturing na hindi bahagi ng normal na isang
indibidwal.
Isa pang karaniwang dahilan ay ang kawalan ng pag-asa (despair) kung bakit may ilang
taong pinipiling kitlin ang sarili nilang buhay. Ito ay tumutukoy sa pagkawala ng tiwala sa sarili at
kapuwa, gayundin ang pagkawala ng paniniwala na may mas magandang bukas pang darating.
Euthanasia (Mercy Killing)
Isang gawain kung saan napadadali ang kamatayan ng isang taong may matindi at wala nang
lunas na karamdaman. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng mga modernong medisina at kagamitan
upang tapusin ang paghihirap ng isang maysakit. Ito ay tinatawag din na assisted suicide, sa
10
kadahilanang may pagnanais o motibo ang isang biktima na wakasan ang kaniyang buhay, ngunit
isang tao na may kaalaman sa kaniyang sitwasyon ang gagawa nito para sa kaniya.
Modyul 8
Pagmamahal sa Bayan (Patriyotismo)
 Ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala sa papel na dapat gampanan ng bawat mamamayang bumubuo nito.
 Tinatawag din itong patriyotismo, mula sa salitang pater na ang ibig sabihin ay ama na karaniwang iniuugnay
sa salitang pinagmulan o pinanggalingan.
 Ang literal na kahulugan nito ay ang pagmamahal sa bayang sinilangan (native land).
 Ang pagsasabuhay nito ay sa pamamagitan ng:
o paggawa ng trabahong pinili o ibinigay
o aktibong pakikilahok sa interes ng mayorya o kabutihang panlahat
o pagsawata sa mga kilos na di makatarungan at hindi moral
 Hindi magkasingkahulugan ang nasyonalismo at patriyotismo.
 Ang nasyonalismo ay tumukoy sa mga ideolohiyang pagkamakabayan at damdaming bumibigkis sa isang tao at
sa iba pang may pagkakaparehong wika, kultura at mga kaugalian o tradisyon.
 Sa patriyotismo isinasaalang-alang nito ang kalikasan ng tao, ang pagkakaiba sa wika, kultura at relihiyon na
kung saan tuwiran nitong binibigyang-kahulugan ang kabutihang panlahat.
 Ang pagmamahal sa bayan ay nagiging daan upang makamit ang mga layunin na gustong maisakatuparan.
 Pinagbubuklod ng pagmamahal sa bayan ang mga tao sa lipunan.
 Naiingatan at napahahalagahan ng pagmamahal sa bayan ang karapatan at dignidad ng tao.
 Ang kultura, paniniwala at pagkakakilanlan ay napahahalagahan.

Mga Pagpapahalaga na Indikasyon ng Pagmamahal sa Bayan


(Ang mga sumusunod ay nakapaloob sa Panimula (Preamble) ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas)

1. Pagpapahalaga sa Buhay-Hiram lamang ang ating mga buhay at dapat nating pinahahalagahan. Ito ay moral na obligasyon
natin sa Diyos na pinagmulan ng buhay. Nararapat lang pangangalagaan ang lahat ng Aspekto ng ating Pagkatao.
2. Katotohanan. Kailanman ay hindi naging huwaran ang kasinungalingan at pagkukunwari. Ang Integridad ng isang tao
ang siyang nagbibigay kasiyahan at kapayapaan sa pang araw araw na pamumuhay.
3. Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa. Kasama sa ating pagkatao ang responsibilidad sa pagtulong sa kapuwa
sa anumang bagay na mayroon tayong pwedeng maiambag.
4. Pananampalataya. Ang pagkilala sa Diyos na Siyang simula at katapusan ng lahat ng ito, na dapat tumbasan ng
pagtitiwala at pagmamahal upang mapa-unlad ang relasyon sa Diyos at sa tao.
5. Paggalang. Ito ay unang natutunan sa mga nakapalibot sa atin. Ang mamuhay na walang inaapakan at pagbibigay
galang sa karapatan ng bawat mamamayan ay naaayon sa kabutihang panlahat.
6. Katarungan. Ang paggalang sa karapatan ay siniseguro sa hindi pagmamalabis o pagdaraya. Ang batas ay batas na
dapat sundin ano man ang estado sa buhay.
7. Kapayapaan. Hindi mahahawakan ngunit mararamdaman. Ang Katahimikan, kapanatagan, kawalan ng kaguluhan at
karahasan sa paligid ay indikasyon ng mapayapang mamamayan.
8. Kaayusan. Makakamtan natin ang kaayusan kung may disiplina sa sarili, organisadong ideya, kilos at pananalita.
9. Pagkalinga sa Pamilya at salinlahi. Ang pamilya ay salamin ng ating pagkatao. Kung kaya’t kailangan nating bumuo
ng planado, at maayos na pamilya na siyang pundasyon ng isang mabuting mamamayan. Hubugin din ang miyembro ng
pamilya na naaayon sa kagustuhan ng Diyos at sa Bayan na may pagsunod at paggalang sa batas at kulturang kinagisnan.
10. Kasipagan. Ang paggawa na may sipag at tiyaga, planado at pulido, may katuturan at akma sa tamang oras.
11. Pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran. Ang pagsasabuhay sa pangangalaga ng kalikasan at kapaligiran ay hindi
lamang isang oportunidad kundi isa rin itong responsibilidad dahil ito ay ang pinagkukunan ng ating pang kabuhayan.
12. Pagkakaisa. Mas madali kapag ‘Tayo’, kaysa ‘Ako’. Makiisa sa pang kalahatang alituntunin na mapabuti ang Bayan
sa napapanahong “WE HEAL AS ONE.”
13. Kabayanihan. Ito ay ang lahat ng kabutihan at pagsunod sa batas ng pamahalaan na nagawa mo para sa isa o
nakararami, at para sa Bayan.
14. Kalayaan. Huwag kalimutan na “Ang kalayaan ang may kaakibat na pananagutan.” Malaya ang isang tao kung ang
kalayaan niya ay walang naaapakan at naaayon sa Batas.
15. Pagsunod sa Batas. Kasabay sa pag-unlad ang pag aaral at pagsunod sa batas na umiiral na nangangalaga sa
karapatan ng bawat mamamayan.
16. Pagsusulong ng kabutihang panlahat. Kooperasyon ang tugon sa pangkalahatang pagsulong sa anumang suliranin
ng Bayan. Sama-sama sa iisang layunin, na mapabuti ang ating Bayan.

11
Ang isang mamamayang may pagmamahal sa bayan ay nauunawaan ang pangangailangang maglingkod sa bayan
at sa kapuwa. Alam niya kung kailan siya kikilos dahil sa angking karunungan. Ibibigay ang nararapat para sa iba,
kokontrolin ang sarili lalo na sa mga sitwasyong siya lamang ang makikinabang at hindi ang lahat.
Modyul 9

Pagmamahal sa Bayan (Patriyotismo)

Mga Angkop na kilos na Nagpapamalas ng Pagmamahal sa Bayan

Lagi nating naririnig “Ligtas ang may alam.” Ang kakayahang


maisasakatuparan ang iyong pangarap at nang sa Bayan dahil ang may wastong
kaalaman ay yaman ng Bayan.

PAYO NI AMA AT INA: “Mag-aral ng mabuti…iyan lang ang mana ko sa iyo” bilin ni ama at ina.
Ako’y naniniwala na ang taong may pinag-aralan ay simpleng sumusunod sa anumang batas na
umiiral sa lipunan. Maging maaga sa lahat ng panahon. Huwag magpapahuli dahil oras ay
mahalaga. Kahit ilang minuto lamang ay maaaring may masasayang na oportunidad o mawawala na
mahalaga o mahal mo sa buhay. Isa din sa mga responsibilidad ng mga kabataan na alagaan at
igalang ang mga nakakatanda dahil iyon ay tama at pasasaan ba’t diyan din ang ating tunguhin.
“Gawin mo sa iba ang gusto mong gawin sa iyo” ayon sa sikat na Golden Rule.

PAYO NI GURO: Ang ugat ng kaayusan ay disiplina sa sarili. Pumila ng maayos, maging
totoo at tapat sa sarili, huwag mangopya at magpapakopya. Ugaliing magpakatotoo. Huwag
mang linlang sa kapuwa mo na kahit minsan ay masakit ang katotohanang hugot mo… hindi ba’t
may ganoon? Magtipid ng Tubig, magtanim ng Puno, at huwag magtapon ng basura kahit
saan. Ang lahat ay may dapat kalalagyan. Ang paggamit, pag-iingat, at pag-aalaga ng
pinagkukunang yaman ay responsibilidad ng bawat mamamayan. Sabayan mo akong gawin ito.

PAYO NG GOBYERNO: Ang pag-awit ng Pambansang awit nang may paggalang at


Dignidad. Yuyuko ang puso na nag-aalab habang ito ay iyong kantahin at bigkasin kasabay ang
panunumpa at panata sa Bayan, hindi ba’t nakapaninindig balahibo ang liriko at bawat salita nito?
Pag ramdam mo iyan, mahal mo ang bayan mo at sigurado akong iiwasan mo ang anumang
Gawain na hindi nakakatulong sa iyo at sa bansa. Huwag magpadala sa grupong umaalsa na
ikakasira sa bayan. Tulungan natin si Inang Bayan. Bumili ng produktong sariling atin, huwag
peke o smuggled. “Pera mo, para sa bayan mo:” Pumili ka ng kandidato na may takot sa Diyos,
may paninindigan at hindi kurap, kung pwede ka nang bumoto, isagawa ito ng tama at
pahalagahan.

PAYO NG SIMBAHAN: Isama na din sa panalangin ang bansa at kapuwa mamamayan.


“Walang sino man ang Nabubuhay para sa sarili lamang…” ayon sa kanta. Kailanman, ang
kapangyarihan ng Diyos ang siyang nagbubuklod-buklod sa atin na Siya’ng tagapagligtas at
tagapangalaga sa lahat lalo na sa panahon natin ngayon na sinubok ang ating bayan at ang ating
pananampalataya sa Kanya. Pakikiramdaman mo: Paniniwala mo at ang Bayan mo.

12
Modyul 10
Pangangalaga sa Kalikasan
Kalikasan
Ang kalikasan ay ang lahat na makikita na maaring may buhay o wala, tulad ng halaman, puno at mga
iba’t-ibang uri ng hayop, malaki man o maliit. Bahagi rin ng kalikasan ang mga pinagkukunan nila ng pagkain
na siyang tumutugon upang sila ay mabuhay. Maging ang tao ay parti rin ng kalikasan, sa kadahilanang iisa
lang ang mundo na ating ginagalawan. Ngunit kahit na ang tao ay parti nito, di maikakaila na ang tao rin ang
sumusira nito.
Ang Pilipinas ay sagana sa mga iba’t- ibang yamang handog ng Kalikasan. Sa pagyabong ng
modernong panahon nitong kasalukuyan ay may malaking bahagi ang nasisira at nalalagay sa alanganin.
Kung ihahambing natin ang panahon noong nakalipas na sampung taon ay may pagkakaiba ba ito sa
kasalukuyan? Marahil ang sagot mo at ng karamihan ay “Oo” dahil ang tindi ng init ngayon ay ibang-iba na
talaga. At ang tag-ulan o taglamig naman natin ay tunay ngang nagdudulot ng napakalaking trahedya na
sumisira ng buhay ng tao at ng kagandahan ng kalikasan. Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung bakit
nangyayari ang ito. Sino ang may pananagutan? Maipabaling mob a ito sa Diyos? O sa tao?
Malinaw na may malaking paglabag ang tao at ambag sa mga pangyayaring ito.
Narito ang mga halimbawa ng mga suliranin sa kalikasan na marahil isa ka sa lumalabag dito:

Suliranin sa Kalikasan
1. Maling Pagtatapon ng basura.
 Ang maling pagtatapon ng basura ay nakapagdudulot ng pagbaha. Kapag uumuulan ng malakas ang
mga basura na itinapon sa daanan ng tubig ay maaring makabara sa daluyan ng tubig at
nakapagdudulot ng pagbaha.
 Maaring pagmulan ng mga iba’t-ibang sakit.
2. Iligal na pagputol ng mga puno.
 Ang walang habas na pagputol ng puno ay nakakaapekto sa supply ng tubig dahil ang mga ugat ng
mga puno ang siyang nadadala at nag iipon ng tubig o tinatawag na underground water.
 agiging sanhi din ito ng pagbaha at paguho ng lupa, dahil wala nang kumakapit sa lupa lalo na pag
malakas ang ulan.
3. Polusyon sa hangin, tubig, at lupa.
 Ang hangin, tubig at lupa ay unti-unting dumurumi dahil narin sa mga maling gawain ng mga tao na
nagpabago sa kondisyon ng hangin, tubig at lupa.
4. Pagkaubos ng mga natatanging species ng hayop at halaman sa kagubatan.
 Maraming mga uri ng halaman at hayup ang unti-ynting nawawala, threatened, endangered dahil na rin
sa pagkasira ng kanilang tirahan at walang habas na pangangaso ng mga tao dahilan ito sa pagkawala
nila o magiging extinct.
5. Malabis at mapanirang pangingisda.
 Dahil sa Dynamite fishing at cyanide fishing nasisira ang kanilang tirahan at nalalason ang mga isda.
6. Ang pagko-convert ng mga lupang sakahan, iligal na pagmimina, at quarrying.
 Ang mga lupang sakahan na sana ay upang makapagtanim ng produkto bilang pagkain ay kinoconvert
sa pagpapatayo ng mga subdivision gulf course at iba pa.
 Ang mga paguho ng lupa ay kadalasan sanhi ng pagmimina ng mga kompanyang patagong kumukuha
at humuhukay ng mga yamang lupa sa mga bundok.
7. Global warming at climate change.
 Ang patuloy nag pag-init ng daigdig (Global warming) ay nakakaapekto sa (climate change) o
pagbabago ng klima at pagtaas ng temperature sa mundo.
8. Komersiyalismo at Urbanisasyon.
13
10
 Komersiyalismo ay tumutukoy sa ugali at kilos ng tao na labis ang pagpapahalaga na kumita ng pera o
pagmamahal sa mga materyal na bagay.
 Urbanisasyon naman ay ang patuloy na pag-unlad ng mga bayan, hal. Pagpapatayo ng mga gusali,
Mall at iba pa. Dahil dito hindi natutuunan ng pansin ang pagpapahalaga sa kapaligiran.
Modyul 11
Tao: Bilang Tagpangalaga

Matatandaan mo sa talata na binasa mo na ang Diyos ay ibinigay at ipinabubaya sa tao ang


lahat na narito sa lupa upang magamit, ngunit ito ay may kaakibat na responsibilidad. Ang tao ang
natatatingng pinagkalooban ng Diyos na gawin ang nararapat sa kalikasan. Ngunit ang lahat ng ito
ay sa paglipas ng panahon ay nakalimutan at nakaligtaan dahil sa pag usbong ng modernong
panahon. Ang kapangyarihang biyaya ng Diyos sa tao ay naabuso dahil may kalayaan ang tao na
gustohin ang kanyang gustong gawin. Tinalakay sa Modyul 10, na ang tao ay may kalayaan, ngunit
ang kalayaang handog na ito ay napapalooban ng paggawa ng mabuti. Ang paggamit ng kalaayaan
ay hindi nangangahulugang gawin mo ang lahat ng gusto mong gawin, dadapwa’t gamitin ito para sa
kabutihan.

Ang pamilya ay nangangailangan ng isang tahanang masisilungan. Ang kalikasan ay ang


tahanan ng bawat pamilya na dapat pangalagaan. Ito ay pinagkatiwala sa atin ng Diyos upang
pangalagaan na may responsabling kalayaan para sa kabutihang panlahat.

Ayon naman sa Pilosopong Si Immannuel Kant ang tao at kalikasan ay magkasama sa isang
malaking disenyo. Dito masasabi natin na ang tao at kalikasan ay magka-ugnay.

Ayon naman sa isang contemporaryong Pilosopo na si Fr. Noriss Clarke, na ang lahat nang
umiiral dito sa mundo ay magka-iba, ngunit nakikilahok sa iisang Sistema na umiiral sa mundo. Ang
tao at kalikasan ay magkaibang umiiral sa mundo kasama na ang mga hayup at halaman at lahat
nag may buhay o wala, ngunit lahat nang ito ay parti ng isang kabuohan. Kahit na ang lahat ng bagay
dito sa mundo ay magkaiba pinag isa pa rin tayo ng isang tahan, ang ating mundo.
Ang Diyos ang nag utos sa atin upang alagaan ang kalikasan (stewards) at hindi ang pagsira
nito. Ang tao ay pinagkatiwalaan ng Diyos sa lahat ng mga nilikha sa mundo. Ito ay nagpapahiwatig
na tayo ay may pananagutan sa pagsisilbi sa layunin ng kaharian ng Diyos. Ang ating pagiging
tagapangalaga ay naka-ugat sa salita ng Diyos (Gen. 1: 26–28; Mga Awit 8: 5). Ang mga kalalakihan
at kababaihan ay nilikha sa imahe ng Diyos, binigyan ng isang pribilehiyong lugar sa mga nilalang, at
inutusan na gampanan ang pamamahala sa mundo.
Ang Kalikasan ang bumubuhay sa atin at sa lahat ng may buhay. Lahat nang
pangangailangan ng tao ay naka depende dito. Ang halimbawa nito ay ang oxygen and carbon
dioxide cycle. Ang oxygen ay kailanagan sa paghinga na inilalabas ng mga puno’t halaman upang
malanghap ng lahat na nabubuhay. Ang tao naman ay naglalabas ng carbon dioxide na kailangan
naman bilang pagkain ng mga halaman. Kasama na rin ang tubig na iniinom, ang mga pagkaing
naaani sa lupa, ang mga hayop sa mga kagubatan na nagpapanitili ng balanse ng buhay sa
kalikasan.

14
Modyul 12
Mga Hakbang at Moral na batayan sa paggamit ng Kapangyarihan at
Pangangalaga sa Kalikasan

Prinsipyong gabay sa pangangalaga ng Kalikasan


Naglatag ng mga Prinsipyong gabay sa pangangalaga ng Kalikasan si Obispo Giampaolo
Crepaldi na kalihim ng Pontifical Council for Justice and Peace, upang magkaroon ng gabay ang tao
sa pangangalagaan ng kalikasan na kaloob ng Diyos.

Sampung Utos para sa Kalikasan


1. Ang tao na nilikha ng Diyos na kaniyang kawangis ang siyang nasa itaas ng lahat ng
Kaniyang mga nilikha ay marapat na may pananagutang gamitin at pangalagaan ang kalikasan
bilang pakikiisa sa banal na gawain ng pagliligtas.

2. Ang kalikasan ay hindi nararapat na gamitin bilang isang kasangkapan na maaaring


manipulahin at ilagay sa mas mataas na lugar na higit pa sa dignidad ng tao.

3. Ang responsibilidad na pang-ekolohikal ay gawaing para sa lahat bilang paggalang sa


kalikasan na para rin sa lahat, kabilang na ang mga henerasyon ngayon at ng sa hinaharap.

4. Sa pagharap sa mga suliraning pangkalikasan, nararapat na isaalang-alang muna ang etika


at dignidad ng tao bago ang makabagong teknolohiya.

5. Ang kalikasan ay hindi isang banal na reyalidad na taliwas sa paggamit ng tao. Ang
paggamit dito ng tao ay hindi kailanman mali, maliban na lamang kung ginagamit ito na taliwas sa
kung ano ang kaniyang lugar at layunin sa kapaligiran o ecosystem.

6. Ang politika ng kaunlaran ay nararapat na naaayon sa politika ng ekolohiya. Ang halaga at


tunguhin ng bawat pagpapaunlad sa kapaligiran ay nararapat na bigyang-pansin at timbangin nang
maayos.

7. Ang pagtatapos o wakas ng pangmundong kahirapan ay may kaugnayan sa


pangkalikasang tanong na dapat nating tandaan, na ang lahat ng likas na yaman sa mundo ay
kailangang ibahagi sa bawat tao na may pagkakapantay-pantay.

8. Ang karapatan sa isang malinis at maayos na kapaligiran ay kailangang protektahan sa


pamamagitan ng pang-internasyonal na pagkakaisa at layunin.

15
9. Ang pangangalaga sa kapaligiran ay nangangailangan ng pagbabago sa uri ng
pamumuhay (lifestyles) na nagpapakita ng moderasyon o katamtaman at pagkontrol sa sarili at ng
iba. Ito ay nangangahulugang pagtalikod sa kaisipang konsyumerismo.

10. Ang mga isyung pagkalikasan ay nangangailangan ng espiritwal na pagtugong bunga ng


paniniwala na ang lahat na nilikha ng Diyos ay Kaniyang kaloob kung saan mayroon tayong
responsibilidad.

Mga Batas tungkol sa Kalikasan

1. Republic Act 7586- o kilala bilang National Integrated Protected Areas (NIPAS)-Ang batas na ito
ay naglalayong matiyak ang kasalukuyan at hinaharap ng susunod na henerasyon, para sa walang
hanggang pag-iral ng mga katutubong halaman at hayop.

2. Republic Act 7942 o Philippine Mining Act of 1995- Lahat ng yamang mineral na matatagpuan
sa mga lupaing pribado at pampubliko na nasa loob ng hangganan ng isang bansa ay pag-aari ng
bansa.

3. Republic Act 9003 Ecological Solid Waste Management Act of 2003- ang batas na ito ay
nagtatakda ng mg pamamaraan para ma kolekta at mahiwalay (Segregate) ang mga hindi nabubulok
na basura sa bawat barangay.

4. Republic Act 8749 Philippine Clean Air Act of 1999- Ang batas na ito ay naglalaman ng
programa at polisiya na naglalayong mapanatili na malinis ang hangin na nalalanghap ng bawat
Pilipino.

5. Presidential Decree 1067 Water Code of the Philippines ang P.D 1067- Ang batas na ito ay
may layuning maitatag ang gabay sa konserbasyon ng tubig. Saklaw na rin dito ang lahat na yamang
tubig na sakop ng teritoryo ng Pilipinas.

6. Republic Act 9147 Wildlife Resources Conservation and Protection Act. - Ang batas na ito ay
para proteksyonan at makonserba ang mga hayop na malapit ng mauabos (Endangered Species)
dahil sa pagkasira ng kanilang tirahan at sa walang pakundangang pangangaso ng mga tao.

Mga paraan upang makatulong sa pagpapangalaga ng kapaligiran at kalikasan.

1. Itapon ang basura sa tamang lugar.

2. Pagsasabuhay ng 4R.
 Reduce-Pag-iwas o hindi paggamit ng mga bagay na hindi makakalikasan.
 Re-use-huwag itapon ang mga bagay na mapapakinabangan o magagamit pa.
 Recycle- pwede pang gamitin sa ibang bagay.
 Replace- mga bagay na hindi na kinakailangang kunin pa sa kalikasan.
Halimbawa: paggamit ng panyo kaysa sa tisyu dahil ang tisyu ay galing sa puno.

3. Pagtatanim ng mga puno.


16
4. Sundin ang batas at makipagtulungan sa mga tagapagpatupad nito.

17

You might also like