You are on page 1of 11

Aralin 8 - Isapuso

Kahihinatnan ng
Kilos at Pasya Natin
Pagpukaw
Batay sa ginawaing aktibiti noong nakaraang araw,
sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan:
1. Naging madali ba ang pagkilala sa iyong sariling
emosyon o damdamin? Bakit?
2. Naging madali ba para sa iyo na balikan ang
mga dahilan ng iyong kasalukuyang emosyon?
Bakit?
3. Sa mga posibleng nagawa dahil sa emosyong
nadarama, ano ang nagtutulak sa iyo para hindi
gawin ang mga ito?
4. Nakagawa ka na ba ng mga bagay
na iyong pinagsisihan dahil
napangunahan ka ng iyong emosyon?
Paano mo ito hinarap?
5. Dapat bang hayaan ng tao na
pangunahan siya ng kanyang
emosyon dahil sa kanyang mga
desisyon? Ano ang mga posibleng
kahinatnan ng mga ito?
• Ano ang kadalasan mong ginagawa kapag ikaw
ay nagkakamali?
• Humihingi ka ba ng paumanhin?
• Isinisisi mo ba ito sa iba?
• Itinatama mo ba ito?
• Sa paanong paraan?
- Mga tanong na kadalasang nababanggit kapag
nararanasan ng mga tao ang madalas na
pagkilos lamang kapag nagkakamaliat naninisi
ng iba.
Minsan, hindi natin batid na…
“Ang mali ay nananatiling mali hangga’t hindi
ito itinatama.”
“Ang bawat pagkilos ay may mga salik na
nagiging dahilan para maisagawa ang
aksyon.”
“Anumang ang kalabasan ng ginawang
aksyon, dapat itong akuin o panindigan.”
PANANAGUTAN
• Isang birtud na nagpapamalas ng
katatagang moral kagaya ng hindi
pagsisinungaling, pagtanggi sa
masama, sa paninindigan sa
ginawang pagkilos at pagpapasya.
Dapat alam natin na….
• Mahirap na manindigan sa kung
ano ang tama at mabuti, subalit
dahil ikaw ay tao na binigyan ng
kakayahang mag-isip at malaman
kung ano ang batas moral, ay may
pananagutan na sundin ito.
Dapat alam natin na….
• Ang pag-amin ng pagkakamali ay
higit ding mahirap, subalit tayo ay
binigyan ng kakayahan na alamin
ang tama at mabuti, marapat
lamang ang responsableng
paggamit nito.
Mga paraan sa paghubog ng
pagpapasya tungo sa makataong kilos:
1.Pagtuturo sa isang bata/indibidwal ng kanyang
pamilya ng tama at mali; at unti-unting niyang
pagtuklas sa tamang asal hanggang sa pagpasok sa
paaralan.
2. Paghulma sa karanasan ng tao sa pagdaan ng
panahon.
3. Paghubog sa pagpapasya ayon sa tama at mali
upang kumilos ang tao tungo sa direksyon na
itinalaga ng Diyos.
Mga paraan sa paghubog ng
pagpapasya tungo sa makataong kilos:
4. Pagharap sa mga problema at hamon sa
buhay.
5. Pagbabasa, pag-aaral at pananaliksik ay
makatutulong upang hindi manatiling walang
alam.
6. Pagpapasya na may kusang loob na pagkilos
na disiplinahin ang sarili. Bitawan na ang mga
bisyo.
7. Maging maingat sa pamamahala ng sariling
emosyon o damdamin.
Mga Dapat Ating
Paglabanan/Pamahalaan ng Wasto
• Mga Suliranin at Pagsubok sa
Buhay
• Kamangmangan
• Mga Bisyo
• Masidhing Damdamin

You might also like