You are on page 1of 41

ESP

Q3- WEEK 3
DAY 3
KAYA NATING
SUMUNOD
Iguhit ang masayang mukha
kung nagpapakita ng pagsunod
sa tagubilin at malungkot na
mukha kung hindi. Isulat ang
iyong sagot sa iyong sagutang
papel.
1. Nagpapaalam sa mga magulang
bago umalis.
2. Nagpapasalamat sa Panginoon sa
lahat ng kanyang natatanggap.
3 Nagdadabog habang
.

gumagawa ng gawaing
bahay.
4. Nagmamano sa mga Lolo at
Lola.
5. Nakikisali sa usapan ng
matatanda.
Pagmasdan mo ang larawan sa
ibaba. Ito ay larawan ng isang
maayos na pamayanan na may
sinusunod na mga tuntunin.
 

Ilarawan ang komunidad na


nasa itaas.
Bakit kaya may mga
tuntunin sa pamayanan? Sa
iyong palagay, mahalaga ba
ang mga ito? Ano ang
mangyayari kung walang
ganito sa isang pamayanan?
Basahin at unawain.
Ang Pamamasyal ni Akong
ni Marilou P. Nozares

Araw ng Linggo’y espesyal,


Para kay Akong na mamasyal.
Doon sa parke sa bayan,
Kaya lubos ang kaniyang kasiyahan.
Si Inay nagpaalala,Tuntunin dapat
tandaan niya.Bawal ikalat ang mga
basura, sa basurahan lang dapat
mapunta. Bulaklak bawal pitasin, Mga
gamit sa parke huwag sirain.Punong
matataas bawal akyatin,Para di ka sa
baba pupulutin.
Sa paglalaro, ay dahan-dahan, baka
ika’y masaktan.Ingat ay dapat tandaan,
Upang kasiyahan, lubos na makamtan.
Ang pagsunod sa mga tuntunin, ay
magandang kaugalian natin.
Dapat nating isapuso at
gawin,Para maging ehemplo
ng bayan natin.
• Ano-ano ang bilin ng inay ni Akong?
• Ano ang dapat niyang iwasan?
• Paano mo maipahahayag na
ang pagsunod sa tuntunin
ng pamayanan ay isang
tanda ng mabuting pag-uugali
ng isang Pilipino?
Sagutin ang sumusunod na
mga tanong sa inyong
kuwaderno, isulat sa tapat
ng bilang ang ✓ kung ito’y
nagpapahayag ng tamang
kaugalian, at X naman kung
mali.
______1. Tumawid sa tamang
tawiran.
______2. Itapon ang basura sa
bangin.
______3. Makipagdaldalan
sa loob ng klase.
______4. Magbigay pugay sa
watawat ng Pilipinas.
______5. Magsuot ng I.D. bago
pumasok sa
eskwelahan.
Sagutan ang sumusunod na tanong
sa inyong kuwaderno. Ano ang dapat
mong gawin kung:
1. Palabas ng bakuran ang
iyong tatay na walang suot
na facemask.
2. Nagpatugtog nang malakas si
Kuya lampas alas diyes ng gabi
na.
3. Pinipitas ng iyong
kaibigan ang magagandang
bulaklak sa pook-pasyalan.
4. Nagtapon ng tissue paper
ang iyong kapatid sa inodoro
ng pampublikong palikuran.
5. Nakita mo ang iyong
kaibigan na hindi tumata-
wid sa tamang tawiran.
Tandaan:
Ang tamang pagsunod sa anumang
alituntunin at patakaran ay malaking
tulong sa pamahalaan para sa kalig-
tasang pampamayanan at
maging Pambansa o
pandaigdigang pagkakaisa.
Isulat ang salitang OK kung ang
larawan ay nagpapakita ng
mabuting pag-ugali ng
pagsunod sa mga tuntunin.
Isulat mo naman ang salitang
DI-OK kung hindi.
DAY 4
Kumpletuhin ang talata.
Mahalaga sa isang barangay o
pamayanan ang kaayusan.
Magkakaroon lang nito kung
may mga ________________ na
sinusunod ang lahat.
Ang pagsunod nito ay pagkakaroon
din ng mabuting pag-uugali na
maipagmamalaki bilang mga batang
____________.
Ang mga namumuno na nagpapatupad
nito ay nararapat igalang dahil
ninanais nila ang isang ____________ na
pamayanan lalo na sa panahon ng
______________.
Pasalamatan sila at ang lahat ng
tao na marunong _____________ sa
lahat ng oras.

sumunod tuntunin maayos


Filipino pandemya utos
Bilang bahagi ng lipunan, may mga
tuntunin ang pamayanan na dapat
mong sinusunod. Ito ay tanda ng
isang mabuting pag-uugali ng isang
Pilipino.
Pangkatin sa dalawa ang mga mag-
aaral. Hulaan kung anong tuntunin
ng pamayanan ang ipinakikita ng
isang pangkat sa paraang
pantomina. Ang makapagsasabi ng
mensahe na ipinakitang pantomina
ang siyang magkakaroon ng puntos.
Tanong:
1.Ano-ano ang tuntunin ng pamayanan
na pinahulaan sa inyong gawain?
2.Tama ba ang pagkaganap ng mga
nagpapahula sa pagsunod sa tuntunin
ng pamayanan?
3. Ano ang iyong naramdaman sa
gawaing ito?
4. Paano mo maipahahayag na ang
pagsunod sa tuntunin ng pamayanan
ay isang tanda ng mabuting pag-
uugali ng isang Pilipino.
Ang paaralan ay isang uri ng
munting pamayanan na
binubuo ng mga guro at
mag-aaral. May mga
tuntuning pinaiiral sa loob
ng paaralan at inaasahan na
ang bawat kasapi nito ay
susunod.
Ang bawat pangkat ay magsasagawa
ng pagbabalita ukol sa sumusunod na
tuntunin na mayroon sa paaralan. Ito
ay gagawin ng bawat pangkat
matapos makapangalap ng sapat na
impormasyon at mga larawan na
nagsisilbing patunay ng iyong ulat.
Tuntunin ng Paaralan
 
Pangkat 1 – sa main gate ng paaralan
Pangkat 2 – sa silid aralan
Pangkat 3 – sa silid aklatan
Pangkat 4 – sa kantina
Pangkat 5 – sa palikuran
Paano sinusunod ang tuntunin sa
bawat bahagi ng inyong paaralan?
Maaaring magpakita ang mga bata
ng mga larawan o isinagawang
panayam o interview bilang
patunay na sinusunod ang
tuntunin.
Punan ang Graphic
Organizer ng mga
tuntunin na dapat
sundin sa Paaralan o
sa pamayanan.
Ang mga tuntunin ng ating
pamayanan ay pinag-iisipan at
pinagkakasunduan ng mga
namamahala sa ating
pamayanan. Layunin nilang
mapaunlad at maisaayos ang
ating pamayanan.
pamayanan kung susunod
tayo sa mga tuntuning
kanilang pinatutupad. Ito
ay isang paraan nang
pagpapakita ng disiplina
sa ating sarili.
Pagtataya:

Maglista ng mga tuntunin


na dapat sundin tuwing
ikaw ay namamasyal sa
sikat na pasyalan sa ating
probinsiya. (1-5)
Maraming
Salamat !

You might also like