You are on page 1of 17

Aralin 19: Kaugaliang

Pilipino! Ipagmamalaki
Ko!
Grade Five Online
Distance Learning
S.Y. 2020-2021
#newnormal
#rlsnes
Layunin:
Nakapagpapakita ng mga kanais-nais na
kaugaliang Pilipino
19.1. nakikisama sa kapwa Pilipino
19.2. tumutulong/lumalahok sa bayanihan
at pasulong
19.3. magiliw na pagtanggap ng mga
panauhin
Panimula

Tayong mga Pilipino ay may namumukod at


kanais-nais na mga kaugalian. Namumukod
dahil tayong mga Pilipino ay kilalang kilala
sa mga kaugaliang ito.
Pinoy Tayo !

Pag-aralan ang karanasan ng ilang


Pilipinong iskolar sa Amerika. Alin sa mga
kwento ang kakikitaan ng
kanais-nais na kaugaliang Pilipino?
Pinoy Tayo !
Napiling iskolar na ipinadala sa Amerika si Aida. Isang taon
siyang at nag-aral sa Amerika kasama ng ilan pang Pilipinong
iskolar. Sa Amerika, maraming naging kaibigang Amerikano si
Aida. Palagi na lang sila ang kasama niya. Nakalimutan niyang
may mga iskolar na Pilipino rin sa unibersidad na pinapasukan
nila. Kung may mga okasyon ang mga Pilipinong iskolr, hindi
pumupunta si Aida. Madalas, iniiwasan din ni Aida ang mga
kapwa niya iskolar na Pilipino. Katwiran niya ay kasama niya ang
mga kaibigan niyang Amerikano at iba pang iskolr mula sa iba-
ibang bansa at wala na siyang panahon para sa mga kapwa niya
Pilipino.
Pinoy Tayo !
Si Leah naman ay naging iskolar sa Japan. Isang taon siyang
nanirahan dito. Habang siya ay nag-aaral ay nagkaroon ng sunog
sa kanilang tinitirahang bahay. Nasunog ang lahat ng kanyang
mga kagamitan, wala siyang nailigtas na gamit. Lungkot na
lungkot at nawalan na ng pag-asa.
Ang mga kaibigang Pilipinong iskolar ni Leah ay di nagatubiling
tumulong sa kanya. Lahat sila ay nagtulong-tulong para
mabigyan siya ng pagkain, damit at iba pang mga
pangangailangan. Dinamayan siya ng kanyang mga kaibigan at
hindi iniwan. Laking pasasalamat ni Leah sa ginawang tulong ng
kanyang mga kapwa Pilipinong iskolar.
Pinoy Tayo !
Sa Australia naman naging iskolar si Peter. Isang taon din
siyang nanirahan sa Australia upang mag-aral. Sa dormitoryo
tumira si Peter at doon, may ilang Pilipinong iskolar siyang
nakasama. Magiliw siyang tinanggap ng mga nakatira roon.
“Maligayang pagdating, Peter. Kung anuman ang kailangan
mo, magsabi ka lang sa amin,” ang wika ng mga Pilipinong iskolar
na nadatnan ni Peter sa Dormitoryo.
Siyempre, naibsan ang agam-agam sa dibdip ni Peter. “Salamat
sa inyong lahat. Salamat at nariyan kayo na handang tumulong sa
akin,” ang masayang sagot ni Peter.
Pinoy Tayo !
Isang araw ng Sabado. Dumating ang magiging mga foster
parent ni Peter sa Australia. Nagpakilala ito sa kanya.
“Good morning, Peter. I’m Ruth Evans and this is Jack, my husband. We are
going to be your foster parents while you are in Australia.”
“Nice to meet you,” ang sabi ni Peter. “Thank you very much for
being my foster parents. I’m looking forward to meeting your children.
Please sit down. Would you like to have some snacks? I brought
somedelicacies from the Philippines and I hope you will like them,” ang
masaya at magiliw na sagot ni Peter, sabay bukas ng mga matatamis mula
sa ating bansa.
“Oh, thank you very much, Peter. You’re so thoughtful and kind. I’m sure
you and my children will be good friends,” ang sagot nina G. at Gng. Evans.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
a. Sino ang mga iskolar at saan sila ipinadala?
b. Anong kakaibang pag-uugali ang ipinakita ni Aida sa
kapwa niya Pilipino sa Amerika?
c. Anong pang-uugaling Pilipino naman ang ipinakita kay
Leah ng mga Pilipinong iskolar sa Japan?
d. Anong pag-uugaling Pilipino naman ang ipinakita kay
Peter ng mga Pilipinong nakatira sa dormitory?
e. Ano kaya ang naramdaman nina Leah at Peter sa
ipinakita sa kanila ng kapwa nila Pilipino?
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
f. Ano ang maaaring mangyari kung ipagpapatuloy ni Aida
ang kanyang pag-uugali?
g. Ano ang idinulot ng pagiging matulungin ng mga kapwa
Pilipinong Iskolar kay Leah?
h. Paano mo ipinakikita ang kanais-nais na pag-uugaling
Pilipino kung kayo ay may panauhin?
i. Kailangan ba na ang kanais-nais na pag-uugaling Pilipino
ay isabuhay ng mga Pilipino? Bakit?
Tandaan Natin:
Isabuhay ang mga namumukod at kanaisnais na
pag-uugaling Pilipino tulad ng pakikiisa sa
kapwa Pilipino, pagtulong o
paglahok sa bayanihan at pasulong, at
magiliw na pagtanggap ng mga
panauhin..
Tandaan Natin:
Ipagmalaki at ipagpatuloy ang kanais-nais na mga
kaugaliang Pilipino. Ang pag-uugaling ito ay isang
susi at daan tungo sa pagkakaroon ng
magandang pagsasamahan sa ating bansa at
pagkakaisa sa sandaigdigan.
SUBUKAN NATIN
Anong kanais-nais na katangiang Pilipino and dapat
ipakita sa bawat sitwasyon? Paano mo ito
maipakikita?
1. Bumibisita sa inyong pamilya ang isang
kaibigan ng iyong ina.
2. Nasunugan ang iyong kapitbahay, walang silang
naisalbang gamit.
SUBUKAN NATIN
3. May dumating na Panauhin ang iyong tatay
buhat sa Estados Unidos. Nataon namang
naghihikahos kayo nang panahong iyo.

4. . May bago kayong Kamag -aral. Napansin mong


nahihiya siya at mukhang nagaalala.
SUBUKAN NATIN

5. Pinupulot ng iyong kamagaral ang nahulog


niyang mga gamit. Napansin mong nahihirapan siya
PAGTATAYA
Isulat ang check (/) kung ang isinasaad ng
pangungusap ay nagpapakita ng kanais-nais na
kaugaliang Pilipino at lagyan ng ekis (x) kung
hindi.
1. Makikisama ako sa mga kapwa ko Pilipino.
2. Tutulong ako sa lahat ng pagkakataon.
3. Tutulong ako kung may kapalit na kabayaran.
4. Pipiliin ko ang taong dapat tulungan.
5. Tutulong ako kung maraming taong nakakakita.
PAGTATAYA
6. Isasapuso ko lagi ang pagtulong sa kapwa.
7. Papaupuin at aasikasuhin ko kapag may panauhin
kami sa aming tahanan.
8. Pagsarahan ko ng pinto ang panauhin ng aking
kapatid.
9. Pakitunguhan ko nang maayos ang mga panauhin
sa aming paaralan.
10. Ipaghahanda ko ng meryenda ang panauhin sa
aming tahanan

You might also like