You are on page 1of 18

• NAKAPAGPAPAKITA NG

MALASAKIT SA MGA TAONG


KABILANG SA GRUPONG
ETNIKO

ESP 3,Q2,week 6,day1


Preliminary Activities
Drill/Review

Masdan ang
larawan. Ano
ang masasabi
ninyo sa
kanya?
BASAHIN ANG KUWENTO AT KILALANIN ANG
BATANG SI ABEL
Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Sino ang bata sa kuwento?
2. Ano ang naramdaman ni Mario nang isali siya
sa laro ng kaniyang mga kamag-aral?
3. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng kaniyang
mga kamag-aral, gagawin mo rin ba ang ginawa
nila? Bakit?
4. Ito ba ay nagpapakita ng pagsasaalang-alang
sa kapwa bata?
5. Bilang isang bata, ano ang iyong magagawa mo
upang maipakita ang
pagsasaalang-alang/pagmamalasakit sa iyong
Ito si Abel. Ang batang ayta na nabibilang sa
pangkat-etniko. Ang pangkat-etniko ay mga
pangkat ng tao na naninirahan sa Pilipinas na
may kani-kaniyang kultura at paniniwala. Ang
pagmamalasakit at pagsasaalang-alang sa ating
kapwa ay walang pinipili. Anoman ang pangkat-
etnikong ating kinabibilangan, lahat tayo ay
Pilipino.
Iba-iba man tayo ng kinagawian , paniniwala, panuntunan,
relihiyon at kultura, hindi ito mababago ang ating pagiging
Pilipino.Ang mga batang gaya mo na nabibilang sa
pangkat etniko ay tulad natin may puso at damdaming
nasasaktan. Marapat natin silang pakitunguhan ng
maayos. Dapat isaalang-alang ang kanilang karapatan sa
anoman pagkakataon. Laging tandaan na ang
pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa ay walang
pinipili.
Lahat ng tao anuman ang kulay at anyo
saanman silang pangkat nanggaling ay nilikha
sila sa wangis ng Diyos. Lahat tayo ay pantay-
pantay at dapat silang isaalang-alang, igalang
at irespeto bilang isang mamamayan Pilipino.
May karapatan mabuhay nang may dignidad at
pagkakakilanlan.
Suriin ang bawat larawan. Kulayan ng berde ang bilog na nasa
tabi ng larawan kung ito ay nagpapakita ng pagsasaalang –alang
at nagmamalasakit sa kapwa batang pangkat-etniko at dilaw kung
hindi naman. Gawin ito sa sagutang papel.
Ngayon alam mo nang ipakita at ipadama
ang pagmamalasakit sa iyong kapwa
batang pangkat-etniko. Sa iyong sagutang
papel, gumuhit ng limang lobo at isulat mo
ang kabutihang maaari mong ipakita o
ipadama nang may pagsasaalang-alang sa
kanila.
Ano ang natutuhan mo sa aralin
natin ngayon? Paano mo
maipapakita ang pagmamalasakit
mo sa mga batang kabilang sa
pangkat-etniko?
Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang tamang
sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Nakita mong pinagtatawanan ang batang ayta dahil sa kanyang


pisikal na anyo. Ano ang gagawin mo?
a. Tatawanan ko rin siya.
b. Sasawayin ko sila at sasabihing mali ang kanilang ginagawa.
c. Pababayaan ko sila baka awayin din nila ako.
d. Panonoorin ko lang sila.
2. May nakasabay kang batang Ilokano na bumibili sa tindahan.
Hindi niya mabigkas sa tagalog ang kaniyang binibili. Ano ang
iyong gagawin?
a. Mauuna na akong bumili.
b. Paalisin ko siya sa tindahan.
c. Tutulungan at ipatuturo ko ang kaniyang binibili.
d. Lilipat ako sa ibang tindahan.

3. Magsisimula na ang klase nang biglang umiyak ang iyong


kamag-aral na Ilonggo dahil ayaw siyang katabi ng iyong kaklase.
Ano ang gagawin mo?
a. Yayayain ko siya sa aking tabi.
b. Hindi ko siya papansinin.
c. Tatakpan ko ang aking tainga upang hindi ko marinig ang iyak
niya.
d. Isusumbong ko sa guro na ayaw naming siyang katabi.
4. Magulo ang buhok ng batang ayta dahil ginulo ito ng
isa sa inyong mga kalaro. Ano ang gagawin mo?
a. Aayusin ko ang buhok niya.
b. Aawayin ko ang nanggulo sa buhok niya.
c. Hahayaan kong magulo ang buhok niya.
d. Hindi ko na siya isasali sa aming laro.

5. May isang batang T’boli na nanunuod ng mga


naglalaro. Biglang siyang tinamaan kaya siya ay umiyak.
Ano ang gagawin mo?
a. Tatawanan ko siya.
b. Hahayaan ko siyang umiyak.
c. Wala akong gagawin.
d. Lalapitan ko siya at tatanungin kung siya ay nasaktan.
Unawain ang sitwasyon sa ibaba. Isulat
sa iyong sagutang papel ang iyong
sagot

You might also like