You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon ng Caraga
SANGAY NG LUNGSOD NG BUTUAN
MATAAS NA PAARALAN NG KINAMLUTAN

PANGATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT-FILIPINO 9


UNANG MARKAHAN

Pangalan: Seksyon:
Guro:Bb. Febbie P. Balinton Petsa:

I. Iskrambol
Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang makabuo ng mga salitang may kaugnayan sa dula. Isulat
ang inyong sagot sa sagutang papel.
1. prisik ` 2. Oldigyao 3. unhaat
II. Anong Damdamin
Panuto: Unawain ang ipinapakitang katangian o damdamin ng bawat pahayag. Piliin ang tamang sagot
mula sa kahon ng mga pagpipilian sa bawat aytem. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

galit matampuhin mapagmalasakit maaalalahanin mahiyain


panghihinayang reklamador matulungin mapagmahal
masunurin

4. Ayaw kumanta ni Zafyhael sa harap ng kanyang kaklase kaya napayuko na lamang siya ng tawagin siya
ng kanyang guro.
5. Hindi mapakali si Biboy “Gabi na at wala pa ang mga ate ko. Sana walang nangyaring masama sa
kanila.”
6. Nagdala ng pagkain sila Zhyckean para sa mga frontliner sa kanilang lugar.
7. “Bakit mo sinulatan ang dingding? Hindi na malinis yan at kailangang pinturahan ulit.”
8. “Dapat nag-aral ako ng mabuti kagabi. Hayan tuloy nabagsak ko ang pagsusulit ngayon.”
9. Aspekto ng pandiwa kung saan ang kilos ay kasalukuyang nagaganap.
a.perpektibo b. imperpektibo c. kontemplatibo d. katatapos
10. Aspekto ng pandiwa kung saan ang salitang kilos ay kakatapos lamang.
a.perpektibo b. imperpektibo c. kontemplatibo d. katatapos
11. Kakalaba pa lamang ni Norma ng kanyang uniporme. Ang salitang may salungguhit ay nasa anyong
______.
a. perpektibo b. imperpektibo c. kontemplatibo d. katatapos

II. Fill in the Blank


Salungguhitan ang pandiwa na bubuo sa pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng panaklong.
12. Minamasdan ni Lola ang mga apo niyang (naglaro, naglalaro, maglalaro) sa bakuran.
13. Humingi ng miryenda si Allan kaya (binigyan, binibigyan, bibigyan) ko siya ng turon.
14. Ikaw ba ang (gumuhit, gumuguhit, guguhit) ng larawang ito? Napakaganda ng gawa mo!
15. Magpapahinga muna ako sandali dahil (sumakit, sumasakit, sasakit) ang ulo ko.
16. Ang tatay mo ay (tumawag, tumatawag, tatawag) bukas nang alas otso.

III. Totoo o Hindi? (8 puntos)


Panuto: Ang mga tagpo na nasa ibaba ay bahagi sa dulang Tiyo Simon. Iguhit ang (/ ) kung
makatotohanan ang pangyayari sa tagpo at (x ) naman kung ito ay hindi makatotohananMaaaring kang
makapagbigay ng dalawang pasya [/] at [x] kung ang tagpo ay nagpapakita ng pagkamakatotohanan at
hindi makatotohanang pangyayari.
Tagpo 1
Ina: O, hayan, di nagmukha kang tao. Siya, diyan ka muna at ako naman ang magbibihis. Boy:
(Dadabog) Sabi ko, ayaw kong magsimba, e! Ina: Ayaw mong magsimba! Hindi maa... Pagagalitin mo
na naman ako, e! At ano’ng gagawin mo rito sa bahay ngayong umagang ito ng pangiling-araw? Ito ay
_____ .
Tagpo 2
Ina: Nakapagtataka! Ano kaya’ng nakain ng amain mong iyon at naisipang sumama ngayon sa atin?
Ngayon ko lamang siya makikitang lalapit sa Diyos ... Boy: Kung sasama po si Tiyo, sasama rin ako ...
Ina: Hayun! Kaya lamang sasama ay kung sasama ang iyong amain. At kung hindi, e, hindi ka rin
sasama. Pero, mabuti rin iyon ... Mabuti, sapagkat hindi lamang ikaw ang maaakay ko sa wastong
landas kundi ang kapatid na iyon ng iyong ama na isa ring ... Ito ay _____ .
Tagpo 3
Ina: (Mahina at waring sa sarili lamang). Namatay siyang hindi man lamang nakapagpa- Hesus. Kasi’y
matigas ang kalooban niya sa pagtalikod sa simbahan. Pareho silang magkapatid, sila ng iyong amain.
Sana’y magbalik-loob siya sa Diyos upang makatulong siya sa pagliligtas sa kaluluwa ng kaniyang
kapatid na sumakabilang buhay na ...
Ito ay _____ .
Tagpo 4
Tiyo Simon: (Maghihikab) Iba na ang tumatandang talaga. Madaling mangawit, mahina ang katawan
at ... (biglang matitigil nang mapansing ang tinitingnan ng bata ay ang kaniyang may kapansanang paa.
Matatawa.) 11 Boy: Bakit napilay po kayo, Tiyo Simon? Totoo ba’ng sabi ni Mama na iya’y parusa ng
Diyos? Ito ay _____ .
Tagpo 5
Boy: Oo raw e, hindi kayo nagsisimba. Hindi raw kasi kayo naniniwala sa Diyos. Hindi raw kasi Tiyo
Simon: (Mapapabuntong-hininga) Hindi totoo, Boy, na hindi ako na naniniwala sa Diyos Ito ay _____ .
Tagpo 6
Tiyo Simon: May mga bagay, Boy na hindi maipaliwanag. May mga bagay na hindi maipaaalam sa iba
sa pamamagitan ng salita. Ang mga bagay na ito ay malalaman lamang sa sariling karanasan sa
sariling pagkamulat ... ngunit kung anuman itong mga bagay na ito, Boy, ay isa ang tiyak: malaki ang
pananalig ko kay Bathala. Ito ay _____
Tagpo 7
Tiyo Simon: Dahil sa kapansanang ito ng aking paa, Boy, natutuhan ko ang tumalikod, hindi lamang sa
simbahan, kundi sa Diyos. Ito ay _____ .
Tagpo
8 Boy: Ano ang nangyari, Tiyo Simon?... Tiyo Simon: Lalo akong naging bugnutin, magagalitin. Dahil
doon, walang natuwang tao sa akin, nawalan ako ng mga kaibigan, hanggang sa mapag-isa ako ...
hanggang sa isang araw ay nangyari sa akin ang isang sakunang nagpamulat sa aking paningin. Ito ay
_____ .

IV.
Panuto: Gamit ang mga ekspresyong nakatala sa ibaba ay ipahayag ang iyong konsepto at pananaw
tungkol sa mga paksang nakatala sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

25. Gamit ang ekspreyong talaga… ay ipahayag ang iyong pananaw hinggil sa turo ng iyong
magulang.

26. Sa pamamagitan ng ekspresyong tunay… ay ipahayag ang pananaw ng paborito mong lider tungkol sa
kanyang nagawang kabutihan.

27. Sabihin ang pananaw ng iyong idolo sa kanyang buhay na nais mong tularan gamit ang ekspresyong
mula kay…
___________________________________________________________________
28. Sabihin ang iyong pananaw gamit ang ekspresyong totoo… upang masabi ang pilosopiya o gabay sa
buhay na iyong isinasabuhay.

29. Sabihin ang iyong pananaw tungkol sa mga pagsubok sa buhay na iyong nalampasan gamit ang
ekspresyong ayon sa mga dalubhasa, napatunayan na…

30. Sabihin ang iyong pananaw tungkol sa Covid-19 gamit ang ekspresyong batay sa..

You might also like