You are on page 1of 18

9

Filipino
Unang Markahan
Sariling Linangan Kit 5:
Dula
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Unang Markahan – Sariling Linangan Kit 5: Dula
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Regional Director: Allan G. Farnazo


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Sariling Linangan Kit


Manunulat: Avelino T. Gapol, Emily Bayla
Editor: Phelma O. Camacho
Tagasuri: Rene P. Sultan/Phelma O. Camacho
Tagaguhit: Hareld O. Candari/Jemar D. Alinabo
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo Reynaldo M. Guillena
Mary Jeane B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada Mary Ann M. Jumuad
Mary Jane M. Mejorada Rene P. Sultan

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon XI


Sangay ng Lungsod ng Davao
Daang E. Quirino, Lungsod Davao
Telepono Bilang (082) 2274726
9

Filipino
Unang Markahan –
Sariling Linangan Kit 5:
Dula
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang Sariling Linangan Kit
na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin
at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa SLK.
Para sa mag-aaral:
Ang Sariling Linangan Kit na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
SLK:
1. Gamitin ang SLK nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan
ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang SLK sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos
ng mga gawain.
Kung may mga bahagi ng SLK na ito na nahihirapan ka sa
pagsagot, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng SLK na ito, ay mararanasan mo ang isang
makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga
kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin

Ang SLK na ito ay nakatuon sa dula. Ayon kay Aristotle, ang dula ay
isang masining at makaagham na panggagaya sa kalikasan ng buhay. Ito’y
kinatha at itinatanghal upang magsilbing salamin ng buhay – sa wika, sa
kilos at sa damdamin. Bilang sining, may layunin itong makaaliw,
makapagturo o makapagbigay ng mensahe, makaantig ng damdamin at
makapukaw ng isip.
Sa pag-aaral mo ng SLK na ito, maisakatuparan mo ang sumusunod:
1. nakabubuo ng paghuhusga sa karakterisasyon ng mga tauhan sa
kasiningan ng akda;
2. naipaliliwanag ang kahulugan ng salita habang nababago ang
estruktura nito;
3. nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa isang
dula; at
4. nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan (sa
totoo, talaga, tunay, iba pa).

Subukin Natin

A. Panuto: Suriin ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang TAMA kung


ang pangungusap ay nagsasaad ng tama at MALI naman kung hindi. Isulat
mo sa sagutang papel ang tamang sagot.

______1. Ang dula ay tumatalakay sa pangyayari sa buhay ng tao.

______2. Ang iskrip ay maituturing na kaluluwa ng isang dula.

______3. Hindi mahalaga ang mga tauhan sa pagsasagawa ng dula.

______4. Ang melodrama ay maituturing na isang dula.

______5. Ang dula ay isang masining at makaagham na panggagaya sa


kalikasan ng buhay.

1
Aralin Natin

Panuto: Basahin at unawain ang dula. Sagutin ang sumusunod na tanong.


Isulat mo sa sagutang papel ang sagot.

Mga Tauhan:

Tiyo Simon -isang taong nasa katanghalian ang gulang, may kapansanan
ang isang paa at may mga paniniwala sa buhay na hindi maunawaan ng
kaniyang hipag na relihiyosa

Ina –ina ni Boy

Boy–pamangkin ni Tiyo Simon. Pipituhing taong gulang

Oras –Umaga, halos hindi pa sumisikat ang araw.

Tagpo: Sa loob ng silid ni Boy. Makikita ang isang tokador na


kinapapatungan ng mga langis at pomada sa buhok, toniko, suklay at iba
pang gamit sa pag-aayos. Sa itaas ng tokador, nakadikit sa dingding ang
isang malaking larawan ng Birheng nakalabas ang puso at may tarak itong
punyal. Sa tabi ng nakabukas na bintana sa gawing kanan ay ang katreng
higaan ng bata. Sa kabuuan, ang silid ay larawan ng kariwasaan.

Sa pagtaas ng tabing, makikita si Boy na binibihisan ng kaniyang ina.


Nakabakas sa mukha ng bata ang pagkainip samantalang sinusuklay ang
kaniyang buhok.(Biglang uunat ang babae, saglit na sisipatin ang ayos ng
anak, saka ngingiti.)
Ina: O, hayan, di nagmukha kang tao. Siya, diyan ka muna at ako naman
ang magbibihis.

Boy: (Dadabog) Sabi ko, ayaw kong magsimba, e!


Ina: Ayaw mong magsimba! Hindi maa...Pagagalitin mo na naman ako, e!
At ano’ng gagawin mo rito sa bahay ngayong umagang ito ng pangiling-
araw?

Boy: Maiiwan po ako rito sa bahay, kasama ko si ...si Tiyo Simon...

Ina: (Mapapamulagat) A, ang ateistang iyon. Ang... Patawarin ako ng Diyos.


Boy: Basta. Maiiwan po ako...(Ipapadyak ang paa) Makikipagkuwentuhan
na lamang ako kay Tiyo Simon...
Ina: (Sa malakas na tinig) Makikipagkuwentuhan ka? At anong kuwento?
Tungkol sa kalapastanganan sa banal na pangalan ng Panginoon?

2
Boy: Hindi, Mama. Maganda ang ikinukuwento ni Tiyo Simon sa akin...
Ina: A, husto ka na... Husto na, bago ako magalit nang totohanan at
humarap sa Panginoon ngayong araw na ito nang may dumi sa
kalooban.

Boy: Pero...
Ina: Husto na sabi, e! (Matitigil sa pagsagot si Boy. Makaririnig sila ng mga
yabag na hindi pantay, palapit sa nakapinid na pinto ng silid. Saglit na
titigil ang yabag; pagkuwa’y makaririnig sila ng mahinang pagkatok sa
pinto.)

Ina: (Paungol) Uh ... sino ‘yan?


Tiyo Simon: (Marahan ang tinig) Ako, hipag, naulinigan kong... (Padabog
na tutunguhin ng babae ang pinto at bubuksan iyon. Mahahantad ang
kaanyuan ni Tiyo Simon, nakangiti ito.)

Tiyo Simon: Maaari bang pumasok? Naulinigan kong tila may itinututol si
Boy...
Boy: (Lalapit) Ayaw kong magsimba, Tiyo Simon. Maiiwan ako sa iyo rito.
Hindi ako sasama kay Mama.
Ina: (Paismid) Iyan ang itinututol ng pamangkin mo, Kuya. Hindi nga raw
sasama sa simbahan...

(Maiiling si Tiyo Simon, ngingiti at paika-ikang papasok sa loob.


Hahawakan sa balikat si Boy.)
Tiyo Simon: Kailangan ka nga namang sumama sa simbahan, Boy. Kung
gusto mo... kung gusto mong isama ako ay maghintay kayo at ako’y
magbibihis ...Magsisimba tayo. (Mapapatingin nang maluwat si Boy sa
kaniyang Tiyo Simon, ngunit hindi makakibo. Ang ina ay napamangha rin.
Tatalikod na si Tiyo Simon at lalabas. Maiiwang natitigilan ang dalawa.
Pagkuwa’y babaling ang ina kay Boy.)

Ina: Nakapagtataka! Ano kaya’ng nakain ng amain mong iyon at naisipang


sumama ngayon sa atin? Ngayon ko lamang siya makikitang lalapit sa
Diyos ...

Boy: Kung sasama po si Tiyo, sasama rin ako ...


Ina: Hayun! Kaya lamang sasama ay kung sasama ang iyong amain. At
kung hindi, e, hindi ka rin sasama. Pero, mabuti rin iyon... Mabuti,
sapagkat hindi lamang ikaw ang maaakay ko sa wastong landas kundi
ang kapatid na iyon ng iyong ama na isa ring...(Mapapayuko ang
babae, papahirin ang luhang sumungaw sa mga mata. Magmamalas
lamang si Boy.)

Ina: (Mahina at waring sa sarili lamang). Namatay siyang hindi man lamang
nakapagpa-Hesus. Kasi’y matigas ang kalooban niya sa pagtalikod sa
simbahan. Pareho silang magkapatid, sila ng iyong amain. Sanay
magbalik-loob siya sa Diyos upang makatulong siya sa pagliligtas sa
kaluluwa ng kaniyang kapatid na sumakabilang buhay na...

3
(Mananatiling nagmamasid lamang si Boy. Pagkuwa’y nakarinig sila ng
hindi pantay na yabag, at ilang sandali pa ay sumungaw na ang
mukha ni Tiyo Simon sa pinto. Biglang papahirin ng babae ang
kaniyang mukha, pasasayahin ito, at saka tutunguhin ang pinto.)

Ina: Siyanga pala. Magbibihis din ako. Nakalimutan ko, kasi’y ... diyan
muna kayo ni Boy, Kuya ... (Lalabas ang babae at si Tiyo Simon ay
papasok sa loob ng silid. Agad tutunguhin ang isang sopang naroroon,
pabuntung-hiningang uupo. Agad, naman siyang lalapitan ni Boy at
ang bata ay titindig sa harapan niya.)

Tiyo Simon: (Maghihikab) Iba na ang tumatandang talaga. Madaling


mangawit, mahina ang katawan at ... (biglang matitigil nang
mapansing ang tinitingnan ng bata ay ang kaniyang may kapansanang
paa. Matatawa.)

Boy: Bakit napilay po kayo, Tiyo Simon? Totoo ba’ng sabi ni Mama na iya’y
parusa ng Diyos? ...

Tiyo Simon: (Matatawa) Sinabi ba ng Mama mo ‘yon?


Boy: Oo raw e, hindi kayo nagsisimba. Hindi raw kasi kayo naniniwala sa
Diyos. Hindi raw kasi ...

Tiyo Simon: (Mapapabuntong-hininga) Hindi totoo, Boy, na hindi ako na


naniniwala sa Diyos ...

Boy: Pero ‘yon ang sabi ni Mama, Tiyo Simon. Hindi raw kasi kayo
nangingilin kung araw ng pangilin. Bakit hindi kayo nangingilin, Tiyo
Simon?

Tiyo Simon: May mga bagay, Boy na hindi maipaliwanag. May mga bagay
na hindimmaipaaalam sa iba sa pamamagitan ng salita. Ang mga
bagay na ito ay malalaman lamang sa sariling karanasan sa sariling
pagkamulat...ngunit kung anuman itong mga bagay na ito, Boy, ay isa
ang tiyak: malaki ang pananalig ko kay Bathala.

Boy: Kaya ka sasama sa amin ngayon, Tiyo Simon?...


Tiyo Simon: Oo, Boy. Sa akin, ang simbahan ay hindi masamang bagay.
Kaya huwag mong tatanggihan ang pagsama sa iyo ng iyong Mama.
Hindi makabubuti sa iyo ang pagtanggi, ang pagkawala ng pananalig.
Nangyari na sa akin iyon at hindi ako nagging maligaya. (Titigil si Tiyo
Simon sa pagsasalita na waring biglang palulungkutin ng mga alaala.
Buhat sa malayo ay biglang aabot ang alingawngaw ng tinutugtog na
kampana. Magtatagal nang ilang sandal pagkuwa’y titigil ang
pagtugtog ng batingaw. Magbubuntunghininga si Tiyo Simon,
titingnan ang kaniyang may kapansanang paa, tatawa nang mahina
at saka titingin kay Boy).

Tiyo Simon: Dahil sa kapansanang ito ng aking paa, Boy, natutuhan ko

4
ang tumalikod, hindi lamang sa simbahan, kundi sa Diyos. Nabasa
ko ang The Human Bondage ni Maughamat ako’y nanalig sa
pilosopiyang pinanaligan ng kaniyang tauhan doon, ngunit hindi ako
naging maligaya. Boy, hindi ako nakaramdam ng kasiyahan.

Boy: Ano ang nangyari, Tiyo Simon?...


Tiyo Simon: Lalo akong naging bugnutin, magagalitin. Dahil doon, walang
natuwang tao sa akin, nawalan ako ng mga kaibigan, hanggang sa
mapag-isa ako... hanggang sa isang araw ay nangyari sa akin ang isang
sakunang nagpamulat sa aking paningin.

Boy: Ano iyon, Tiyo Simon...? (Uunat sa pagkakaupo si Tiyo Simon at


dudukot sa kaniyang lukbutan. Maglalabas ng isang bagay na
makikilala na isang sirang manikang maliit.)
Tiyo Simon: Ito ay manika ng isang batang nasagasaan ng trak. Patawid
siya noon at sa kaniyang pagtakbo ay nailaglag niya ito. Binalikan niya
ngunit siyang pagdaan ng isang trak at siya’y nasagasaan
...Nasagasaan siya, nadurog ang kaniyang isang binti, namatay ang
bata... namatay... nakita ko, ng dalawang mata, ako noo’y naglalakad
sa malapit... At aking nilapitan, ako ang unang lumapit kaya nakuha
ko ang manikangito at noo’y tangang mahigpit ng namatay na bata,
na waring ayaw bitiwan kahit sa kamatayan...

Boy: (Nakamulagat) Ano pa’ng nangyari, Tiyo Simon?


Tiyo Simon: Kinuha ko nga ang manika, Boy. At noon naganap ang
pagbabago sa aking sarili...sapagkat nang yumuko ako upang
damputin ang manika ay nakita ko ang isang tahimik at nagtitiwalang
ngiti sa bibig ng patay na bata sa kabila ng pagkadurog ng kaniyang
buto... ngiting tila ba nananalig na siya ay walang
kamatayan...(Magbubuntunghinga si Tiyo Simon samantalang
patuloy na nakikinig lamang si Boy. Muling maririnig ang tunog ng
batingaw sa malayo. Higit na malakas at madalas, mananatili nang
higit na mahabang sandali sa pagtunog, pagkuwa’y titigil. Muling
magbubuntunghinga si Tiyo Simon.)
Tiyo Simon: Mula noon, ako’y nag-isip na, Boy. Hindi ko na makalimutan
ang pangyayaring iyon. Inuwi ko ang manika at iningatan, hindi
inihiwalay sa aking katawan, bilang tagapaalalang lagi sa akin ng
matibay at mataos na pananalig ng isang batang hangggang sa oras
ng kamatayan ay nakangiti pa. At aking tinandaan sa isip: kailangan
ng isang tao ang pananalig, kahit ano, pananalig, nang sa anong
bagay, lalong mabuti kung pananalig kay Bathala, kung may
panimbulanan siya sa mga sandali ng kalungkutan, ng sakuna, ng
mga kasawian... upang may makapitan siya kung siya’y iginugupo na
ng mga hinanakit sa buhay. (Mahabang katahimikan ang maghahari.
Pagkuwa’y maririnig ang matuling yabag na papalapit. Susungaw ang
mukha ng ina ni Boy sa pinto.)
Ina: Tayo na, baka wala na tayong datnang misa. Hinanap ko pa kasi ang
aking dasalan kaya ako natagalan. Tayo na, Boy...Kuya
Boy: (Paluksu-luksong tutunguhin ang pinto) Tayo na, Mama, kanina pa

5
nga po tugtog nang tugtog ang kampana, e. Tayo na, Tiyo Simon, baka
tayo mahuli, tayo na! (Muling maririnig ang tugtog ng kampana sa
malayo. Nagmamadaling lalabas si Boy sa pinto. Lalong magiging
madalasang pagtugtog ng kampana lalong magiging malakas, habang
bumababa ang tabing)

Pinagkunan: Panitikang Asyano Modyul ng


mga Mag-aaral sa Filipino 9

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang inyong sagot sa


patlang.
1. Ano ang malaking impluwensiya ng pangunahing tauhan kay Boy?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

2. Bakit kailangang magkaroon ng matibay na pananalig sa Diyos ng isang


tao?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

3. Kung ikaw si Tiyo Simon, sasama ka rin ba sa simbahan? Bakit?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.
4. Ano-anong kaisipan ang inyong napulot sa akda?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.
5. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapahahalagahan ang mga taong
nakapaligid sa iyo? Pangatuwiranan ang sagot.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

6
Gawin Natin

Panuto: Bigyan ng paghuhusga ang karakterisasyon ng sumusunod na


diyalogo ng mga tauhan sa pamamagitan ng isa o dalawang pangungusap.
Isulat mo sa sagutang papel ang sagot.

Diyalogo 1:
Ina: Ayaw mong magsimba! Hindi maa...Pagagalitin mo na naman ako, e! At
ano’ng gagawin mo rito sa bahay ngayong umagang ito ng pangiling-araw?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Diyalogo 2:
Boy: Basta. Maiiwan po ako...(Ipapadyak ang paa) Makikipagkuwentuhan na
lamang ako kay Tiyo Simon...
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Diyalogo 3:
Tiyo Simon: May mga bagay, Boy na hindi maipaliwanag. May mga bagay na
hindi maipaaalam sa iba sa pamamagitan ng salita. Ang mga bagay na ito ay
malalaman lamang sa sariling karanasan sa sariling pagkamulat...ngunit
kung anuman itong mga bagay na ito, Boy, ay isa ang tiyak: malaki ang
pananalig ko kay Bathala.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Sanayin Natin

A. Panuto: Suriin ang pangungusap at tukuyin kung anong angkop na salita


ang gagamitin upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Ipaliwanag ang
pagbabagong nangyayari sa estruktura ng pangungusap. Isulat mo sa
sagutang papel ang tamang sagot.
____1. Masayang ________ ang mga manonood matapos bigkasin ni Miguel ang
piyesa ng kaniyang tula.
a. pumalakpak c. papalakpak
b. pumapalakpak d. kapapalakpak
Paliwanag:____________________________________________________

7
____2. Bukas ______ ang ina ni Verlita galing sa ibang bansa.
a. dumating c. kararating
b. dadating d. darating
Paliwanag:____________________________________________________

B. Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga ekspresyong nagpapahayag ng


katotohan. Isulat mo sa sagutang papel ang sagot.
1. sa totoo
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________.
2. talaga
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________.
3. tunay
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

Tandaan Natin

Ang dulang Tiyo Simon ay sumasalamin sa isang taong may hindi


mauunawaan na paniniwala sa buhay bunga na rin sa kaniyang naging
karanasan na kahit kailan ay hindi niya makalilimutan. Dahil dito, tingin ng
kaniyang hipag ay hindi siya naniniwala sa Diyos kaya hindi na siya
nagsisimba ng matagal na panahon. Ang isang taong hindi nagsisimba ay
hindi nangangahulugan na kawalan ng pananampalataya. Maaaring marami
lamang siyang katanungan sa buhay at dahil wala naman siyang
mababahaginan kung kaya’t sinasarili lamang niya ito. Tunay na hindi dapat
husgahan ang tao kung ano man ang naging paniniwala niya sa buhay,
bagkus ay kilalanin, unawain at bigyang pansin ang kaniyang naging
karanasan at huwag kaagad hatulan.

Suriin Natin

Panuto: Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng iyong pagmamahal


sa mga taong nakatulong sa iyo nang malaki. Iguhit mo sa sagutang papel.
Sundin ang pamantayan sa pagguhit na makikita sa ibaba.

8
RUBRIK SA PAGGUHIT NG LARAWAN

Pamantayan 1 2 3 4
Pagkamalikh Hindi naging Di gaanong Nagpakita ng Lubhang
ain masining o naging kaunting napakahusay
malikhain sa masining o pagkamalik- sa pagiging
pagguhit. malikhain hain sa malikhain sa
sa pagguhit. pagguhit. pagguhit.

Kaangkupan Hindi angkop Di gaanong Ilang iginuhit Lubusang


sa paksa ang mga angkop ang na bahagi sa napakaangkop
larawang mga larawan ang ng mga
iginuhit sa larawang angkop sa larawan sa
paksa. iginuhit sa paksa. paksa.
paksa.

Presentasyo Hindi naging Di gaanong May bahaging Ang buong


n malinaw ang naging naging larawan ay
detalyeng malinaw malinaw ang naging
inilahad sa ang pagkakala-had malinaw ang
larawan. detalyeng ng mga detalye pagkakalahad
inilahad sa sa larawan. ng mga detalye.
larawan.
Mensahe Hindi Di gaanong May ilang Lubusang
malinaw ang malinaw bahagi sa malinaw ang
mensaheng ang larawan na mensaheng
ipinahahatid mensaheng malinaw ang ipinahahatid
ng larawan. ipinahahati mensaheng ng larawan.
d ng ipinahahatid
larawan. ng larawan.

Kalinisan at Hindi naging Di gaanong Ang ilang Lubusang


Kaayusan malinis at naging bahagi ng napakalinis at
maayos ang malinis at larawan ay napakaayos ng
pagkakabuo maayos ang malinis at larawan na
ng larawan. pagkakabuo maayos ang iginuhit.
ng larawan. pagkakabuo.
Kabuoang
puntos

9
Payabungin Natin

Panuto: Tukuyin ang mga makatotohanang pangyayari sa dula at magbigay


ng mga patunay. Isuat mo sa sagutang papel ang sagot gamit ang
talahanayan.
Makatotohanan Patunay

Pagnilayan Natin

Panuto: Sumulat ng isang repleksyon tungkol sa kahalagahan ng dula sa


buhay ng tao. Isulat ang inyong sagot sa patlang.
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_______________________________.

10
Pangwakas na Gawain

Panuto: Magbahagi ng inyong sariling pananaw tungkol sa tanong na: “Alin


sa mga babasahin ng Timog-Silangang Asya ang iyong nagustuhan?”. Isulat
mo sa sagutang papel ang sagot sa paraang patalata. Sundin ang
pamantayan sa pagmamarka na makikita sa ibaba.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

RUBRIK SA PAGSULAT NG MAIKLING KUWENTO


Pamantayan 1 2 3 4 Guro
Nilalaman Di May ilang Medyo Lubusang
nakapaglahad bahagi sa marami ang nailahad ang
ng mga talata na bahagi sa mga
impormasyon malinaw na talata na impormasyo
/ kaisipan sa inilahad ang malinaw na n o kaisipang
maayos o impormasyo inilahad ang ninanais sa
malinaw na no impormasyo paksa.
pamamaraan. kaisipan. n o kaisipan.
Pagkakabuo Di May 3-4 na May 1-2 Lubusang
magkakaug- bahagi sa bahagi sa nakapaglaha
nay ang talata ang di talata ang di d ng malinaw
bawat bahagi naging naging at
ng talata malinaw ang malinaw ang magkakaugn
kaya’t di pagkakalaha pagkakalaha ay na mga
naging d sa paksa. d sa paksa. impormasyo
malinaw ang n at kaisipan
pagtalakay sa sa paksa.
paksa.
Baybay/Pagga May 5 salita May 3-4 May 1 salita Walang
mit ng mga ang mali ang salita ang ang mali ang makitang
Salita pagkakabayb mali ang pagkakabay mali sa
ay at gamit pagkakabay bay at gamit pagkakabayb
ng salita. bay at gamit ng salita. ay at gamit
ng salita. ng salita.
Kalinisan ng Di mabasa o May 3-4 na May 1-2 Lubhang
Pagkakasulat di maayos bura sa bura sa napakalinis
ang pagkakasula pagkakasula ng
pagkakasulat. t. t. pagkakasula
t.
Kabuoang
puntos

11
12
Subukin Natin
1. TAMA
Sanayin Natin 2. TAMA
3. MALI
1. A 4. TAMA
2. D 5. TAMA
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Peralta, R., et al, Panitikang Asyano –Modyul ng Mag-aaral sa Filipino


9, (2014), Department of Education: Bureau of Learning Resources
(DepEd-BLR), Pasig City, Philippines.
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Region XI


F. Torres St., Davao City
Telefax:
Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph

You might also like