You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
DIVISION OF LAPU-LAPU CITY
MACTAN NATIONAL HIGH SCHOOL

FILIPINO 9
LEARNING ACTIVITY SHEETS FOR QUARTER: 1
WEEK NO. 7

I. Paksa: DULA at MGA EKSPRESYONG NAGPAPAHAYAG NG KATOTOHANAN AT OPINYON


II. Mga Kasanayang Pampagkatuto:
➢ Nakabubuo ng paghuhusga sa karakterisasyon ng mga tauhan sa kasiningan ng akda
➢ Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita habang nababago ang estruktura nito
➢ Nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa isang dula
➢ Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan (sa totoo, talaga, tunay, iba pa)

III. Mga Layunin:


A. Naipaliliwnag ang kahulugan ng salita at nagagamit ito sa sariling pangungusap
B. Nailalarawan ang mga tauhan batay sa karakter na ginampanan sa dula at naiisa-isa ang pagkakaiba
ng mga tauhan
C. Nasusuri ang mga pangyayari sa dula na nagsasaad ng katotohanan at opinyon
D. Nakabubuo ng pangungusap gamit ang ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan at opinyon

IV.Pagtatalakay sa Aralin:

Si Tiyo Simon
Dula-Pilipinas ni N.S.P. Toribio
Mga Tauhan:
Tiyo Simon- isang taong nasa katanghalian ang gulang, may kapansanan ang isang paa at may mga
paniniwala na hindi maunawaan ng kanyang hipag na relihiyosa.
Ina- ina ni Boy
Boy- pamangkin ni Tiyo Simon. Pipituhing taong gulang

Oras: Umaga halos hindi pa sumisikat ang araw. Tagpo : Sa loob ng silid ni Boy. Makikita ang isang tokador na
kinapapatungan ng mga langis at pomade sa buhok, toniko, suklay at iba pa pang gamit sa pag-aayos. Sa itaas ng
tokador nakadikit sa dingding ang isang malaking larawan ng birheng nakalabas ang puso at may tarak ng isang
punyal. Sa tabi ng nakabukas na bintana sa gawing kanan ay ang katreng higaan ng bata. Sa kabuuan, ang silid ay
larawan ng karaniwan. Sa pagtaas ng tabing, makikita si Boy na binibihisan ng kanyang ina. Nakabakas sa mukha ng
bata ang pagkainip, samantalang sinusuklay ang kanyang buhok. (Biglang uunat ang babae, saglit na sisipatin ang
ayos ng anak saka ngingiti.)

INA: O, hayan, di nagmumukha kang tao. Siya, dyan ka muna at ako naman ang magbibihis.
BOY: (Dadabog) sabi ko, ayaw kung magsimba e!
INA: Ayaw mong magsimba! Hindi maa.. pagagalitin mo na naman ako, e! at anong gagawin mo rito sa bahay
ngayong umagang ito na pangiling- araw?
BOY: Maiiwan po ako rito sa bahay, kasama ko si… Tiyo Simon…
INA: (Mapapamulagat) A, ang ateistang iyon. Ang…patawarin ko ng Diyos
BOY: Basta. Maiiwan po ako… (Ipapadyak ang paa) makikipagkuwentuhan na lamang ako kay Tiyo Simon…
INA: (Sa malakas na tinig) makikipagkuwentuhan ka? At anong kuwento? Tungkol sa kalapastangan sa banal na
pangalan ng Panginoon?
BOY: Hindi, Mama. Maganda ang ikinukuwento ni Tiyo Simon sa akin…
INA: A, husto ka na.. husto na bago ako magalit nang totohanan at humarap sa Panginoon ngayong araw na ito nang
may dumi sa kalooban.
BOY: Pero…. INA: Huston a sabi, e! 7 (Magtitigil sa pagsagot si Boy. Makaririnig sila ng mga yabag na hindi pantay
palapit sa nakapinid na pinto sa silid saglit na titigil ang yabag; pagkuwa’y makaririnig sila ng mahinang pagkatok sa
pinto.)
INA: (Paungol) uh…sino ‘yan?
TIYO SIMON: (Marahan ang tinig) Ako, hipag, naulinigan kong… (Padabog na tutunguhin ng babae ang pinto at
bubuksan iyon. Mahahantad ang kaanyuan ni Tiyo Simon, nakangiti ito.)
TIYO SIMON: Maaari bang pumasok? Naulinigan kong tila may Itinututol si Boy…
BOY: (Lalapit) Ayaw kong magsimba, Tiyo Simon. Maiiwan ako sa iyo rito. Hindi ako sasama kay Mama.
INA: (Paismid) Iyan ang itinututol ng pamangkin mo, kuya. Hindi nga raw sasama sa simbahan. (Maiiling si Tiyo
Simon, ngingiti at paika-ikang papasok sa loob, hahawakan ang balikat ni Boy.)
TIYO SIMON: Kailangan ka nga namang sumama sa simbahan, Boy. Kung gusto mong isama ako ay maghintay kayo
at ako’y magbibihis…magsisimba tayo. (Mapapatingin nang maluwat si Boy sa kanyang Tiyo Simon, ngunit hindi
makakibo. Ang ina ay namangha rin. Tatalikod na si Tiyo Simon at lalabas. Maiiwang natitigilan ang dalawa
pagkuwa’y babaling ang ina kay Boy.)
INA: Nakapagtataka! Ano kaya ang nakain ng amain mong iyon at naisipang sumama ngayon sa atin? Ngayon ko
lamang siya makikitang lalapit sa Diyos…
BOY: Kung sasama po si Tiyo Simon, sasama rin ako…
INA: Hayun! Kaya lamang sasama ay kung sasama ang iyong amain. At kung hindi ay hindi ka rin sasama. Pero
mabuti rin iyon…mabuti, sapagkat hindi lamang ikaw ang maakay ko sa wastong landas kundi ang kapatid na iyon ng
iyong ama 8 na isa ring…. (Mapayuko ang babae,papahirin ang luhang sumusungaw sa mga mata .Magmamalas
lamang si Boy)
INA: (Mahina at waring sa sarili lamang). Namatay siyang hindi lamang nakapagpa-Hesus. Kasi’y matigas ang
kalooban niya sa pagtalikod sa simbahan. Pareho silang magkapatid sila ng iyong amain. Sana’y magbalik-loob siya
sa Diyos upang makatulong siya sa pagliligtas sa kalooban ng kanyang kapatid sumakabilangbuhay na. (Lalabas ang
babae at si Tiyo Simon ay papasok sa loob ng silid. Agad tutunguhin ang isang sopang naroroon,
pagbubuntunghiningang uupo. Agad naman siyang lalapitan ni Boy at ang bata ay titindig sa harapan niya.)
TIYO SIMON: (Maghihikab) iba na ang tumatandang talaga. Madaling mangawit, manghina ang katawan, at…
(biglang matitigil nang mapansing tinitingnan ng bata ay ang kanyang may kapansanang paa. Matatawa.) BOY: Bakit
napilay po kayo, Tiyo Simon? Totoo ba’ng sabi ni Mama na iya”y parusa ng Diyos?
TIYO SIMON: (Matatawa) sinabi ba ng Mama mo iyon?
BOY: Oo raw e, hindi kayo nagsisimba. Hindi raw kasi kayo naniniwala sa Diyos. Hindi raw kasi…
TIYO SIMON: (Mapapabuntong-hininga) hindi totoo, Boy, na hindi ako naniniwala sa Diyos.
Tiyo Simon: May mga bagay, Boy na hindi maipaliwanag. May mga bagay na hindi maipaaalam sa iba sa
pamamagitan ng salita. Ang mga bagay na ito ay malalaman lamang sa sariling karanasan sa sariling pagkamulat ...
ngunit kung anuman itong mga bagay na ito, Boy, ay isa ang tiyak: malaki ang pananalig ko kay Bathala
Boy: Kaya ka sasama sa amin ngayon, Tiyo Simon? 9
Tiyo Simon: Oo Boy. Sa akin ang simbahan ay hindi masamang bagay. Kaya huwag mong tanggihan ang pagsasama
mo sa iyong Mama. Hindi makabubuti sa iyo ang pagtanggi, ang pagkawala ng pananalig. Nangyari na sa akin iyon at
hindi ako naging maligaya. (Titigil si Tiyo Simon sa pagsasalita na waring biglang palulungkutin ng mga alaala. Buhat
sa malayo ay biglang aabot ang alingawngaw ng tinutugtog na kampana. Magtatagal nang ilang sandali pagkuwa’y
titigil ang pagtugtog ng batingaw. Magbubuntunghininga si Tiyo Simon, titingnan ang kaniyang may kapansanang paa,
tatawa nang mahina at saka titingin kay Boy).
Tiyo Simon: Dahil sa kapansanang ito ng aking paa, Boy, natutuhan ko ang tumalikod, hindi lamang sa simbahan,
kundi sa Diyos. Nabasa ko ang The Human Bondage ni Maugham at ako’y nanalig sa pilosopiyang pinanaligan ng
kaniyang tauhan doon, ngunit hindi ako naging maligaya. Boy, hindi ako nakaramdam ng kasiyahan.
Boy: Ano ang nangyari, Tiyo Simon?...
Tiyo Simon: Lalo akong naging bugnutin, magagalitin. Dahil doon, walang natuwang tao sa akin, nawalan ako ng mga
kaibigan, hanggang sa mapag-isa ako ... hanggang sa isang araw ay nangyari sa akin ang isang sakunang
nagpamulat sa aking paningin.
BOY: Ano iyon, Tiyo Simon?
TIYO SIMON: Ito ay isang manika ng batang nasagasaan ng Trak. Patawid siya noon at sa kanyang pagtakbo ay
nailaglag niya ito. Binalikan niya ito ngunit siyang pagdaan ng trak at siya’y nasagasaan Nadurog ang kanyang binti,
namatay ang bata…namatay nakita ko, ng dalawang mata, ako noo’y naglalakad sa malapit..at aking nilapitan. Ako
ang unang lumapit kaya nakuha ko ang manikang ito at noo’y tangang mahigpit ng namatay na bata na waring ayaw
bitiwan kahit sa kamatayan.10
Boy: (Nakamulagat)” Ano pang nangyari, Tiyo Simon?”
Tiyo Simon: Kinuha ko nga ang manika, Boy. At noon naganap ang pagbabago sa aking sarili...sapagkat nang
yumuko ako upang damputin ang manika ay nakita ko ang isang tahimk at nagtitiwalang ngiti sa bibig ng patay na
bata, sa kabila ng pagkadurog ng kanyanag buto… ngiting tila ba nanalig na wala siyang kamatayan
(Magbubuntunghinga si Tiyo Simon samantalang patuloy na nakikinig lamang si Boy. Muling maririnig ang tunog ng
batingaw sa malayo. Higit na malakas at madalas, mananatili nang higit na mahabang sandali sa pagtunog,
pagkuwa’y titigil. Muling magbubuntunghinga si Tiyo Simon.)
Tiyo Simon: Mula noon, ako’y nag-isip na, Boy. Hindi ko na makalimutan ang pangyayaring iyon. Inuwi ko ang manika
at iningatan, hindi inihiwalay sa aking katawan, bilang tagapaalalang lagi sa akin ng matibay at mataos na pananalig
ng isang batang hangggang sa oras ng kamatayan ay nakangiti pa. At aking tinandaan sa isip: kailangan ng isang tao
ang pananalig, kahit ano,pananalig, nang sa anong bagay, lalong mabuti kung pananalig kay Bathala, kung may
panimbulanan siya sa mga sandali ng kalungkutan, ng sakuna, ng mga kasawian... upang may makapitan kung
iginugupo ng mga hinankit sa buhay. (Mahabang katahimikan ang maghahari. Pagkuwa’y maririnig ang matuling
yabag na papalapit. Susungaw ang mukha ng ina ni Boy sa pinto.)
Ina: Tayo na, baka wala na tayong datnang misa. . Hinanap ko pa kasi ang aking dasalan kaya ako natagalan. Tayo
na, Boy...Kuya..
Boy: (Paluksu-luksong tutunguhin ang pinto) Tayo na, Mama, kanina pa nga po tugtog nang tugtog ang kampana, e.
Tayo na, Tiyo Simon, baka tayo mahuli, tayo na!

Ang Dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo
sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. Ang mga taong dalubhasa
sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay tinatawag na mga mandudula,
dramatista, o dramaturgo.

MGA BAHAGI AT URI NG DULA

3 BAHAGI NG DULA
1. YUGTO – Ang bahging ito ang ipinanghahati sa dula. inilaladlad ang pangmukhang tabing
upang magkaroon ng panahong makapahinga ang mga nagsiganap gayundin ang mga
manonood.
2. TANGHAL – Ang bahaging ito ang ipinanghahati sa yugto kung kinakailangang magbago
ng ayos ng tanghalan.
3. TAGPO – Ito ang paglalabas-masok sa tanghalan ng mga tauhang gumaganap sa dula.

5 URI NG DULA
1.TRAHEDYA – sa dulang ito’y may mahigpit na tunggalian. Mapupusok ang mga tauhan at
ginagamitan ng masisidhing damdamin. Ito’y nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng
mga pangunahing tauhan.
2. KOMEDYA – ang uring ito’y nagtatapos na masaya sapagkat ang mga tauhan ay
nagkakasundo. Ang wakas ay kasiya-siya sa mga manonood.
3. MELODRAMA – ang dula ay nagwawakas na kasiya-siya sa mabubuting tauhan bagama’t
ang uring ito’y may malulungkot na sangkap. Kung minsan ay labis ang pananalita at
damdamin sa uring ito.
4. PARSA – ang layunin ng dulang ito’y magpatawa sa pamamagitan ng kawilikawil na
pangyayari at mga pananalitang lubhang katawa-tawa.
5. SAYNETE – ang pinakapaksa ng uring ito ay mga karaniwang ugali. Katulad ng parsa,
ang dulang ito ay may layuning magpatawa.
- Halaw mula (https: //www.slideshare.net/mobile/ladychu08/dula-15515688.)

Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at Opinyon

Katotohanan - Ang mga impormasyon ay awtentiko at sinusuportahan batay sa pinagkunan nito.Ginagamitan ito ng
mga ekspresyon gaya ng: mula kay, batay sa, tinutukoy na, pinatutunayan ng, pinatutunayan ni, sang-ayon sa, resulta
ng, mababasa na, atbp.
Halimbawa:
1. Pinatutunayan ng mga eksperto na ang pagtulog nang maaga at pagkain sa saktong oras ay nakatutulong upang
makaiwas sa iba’t ibang sakit.
2. Ayon sa resulta ng isinagawang eksperimento, napag-alaman na ang pagsasamasama ng iba’t ibang kemikal ay
nakasasama sa tao dahil sa reaksiyon nito.
3. Sinasabi ng World Health Organization na wala pang gamot sa pandemyang aranasan natin sa kasalukuyan
4. Ilang libong katao na rin ang nasawi sa sakit na lumaganap sa buong mundo.
5. Ang pagkain ng gulay at prutas ay nagpapalakas ng ating resistensiya at enerhiya upang hindi agad makapitan ng
sakit.

Opinyon - Ito ay ang saloobin o damdamin ng isang tao batay sa kanyang sariling pananaw. Ginagamitan ito ng
ekspresyon gaya ng: sa tingin ko, kung ako ang tatanungin, sa aking palagay, para sa akin, atbp.
Halimbawa:
1. Sa palagay ko, malaki ang responsibilidad ng magulang para matuto ang mga magaaral sa kanilang tahanan.
2. Kung ako ang tatanungin, mas mabuti pa ring matuto ang mga mag-aaral sa kanilang sariling pamamaraan.
3. Sa ganang akin mas mainam siguro na sumunod tayo sa batas na ipinaiiral ngayon nang sa gayon ay magupo
natin ang kaaway na hindi natin makikita
4. Para sa akin kung naging masunurin ang mga anak sa magulang ay hindi sila Mapapahamak
5. Sa aking palagay dapat irespeto ng bawat isa ang kanya kanya nating pananam- palataya sa Diyos.
-Halaw mula sa https://www.scribd.com/doc/315341185/Alamin-Ang-Kahulugan-NgKatotohanan-at-Opinyon
V. Mga Gawain
Gawain 1
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salita at gamitin ang mga ito sa sariling pangungusap.

TALASALITAAN KAHULUGAN SARILING PANGUNGUSAP


1. Punyal
2. Tokador
3. Pananalig
4. Pagbabago
5. Kalapastangan

Gawain 2
Panuto: Kilalaning mabuti ang mga tauhan mula sa nabasang dula sa pamamagitan ng paglalarawan
sa bawat isa at pagbibigay-katangian na hindi ipinamalas ng ibang karakter sa dula.

KATANGIANG HINDI TAGLAY


TAUHAN PAGLALARAWAN NG IBANG TAUHAN SA DULA
Tiyo Simon
Boy
Ina

Gawain 3
Panuto: Isulat sa patlang kung ang salitang may diin ay katotohanan o opinyon.
________1. Sa tingin ko uulan na naman dahil madilim ang langit.
________2. Pinatunayan ng mga datos na nasaliksik sa imbestigasyon na ang akusado ang siyang
tunay na may sala.
________3. Siya ay karapat-dapat sa posisyon sang-ayon sa kwalipikasyong ibinigay.
________4. Sa palagay ko maraming nawalan ng trabaho ngayong panahon ng pandemya.
________5. Sa pagsusuri ng mga nakalap na datos, napatunayan na 75 bahagdan ng manggagawa
ang apektado ngayon dahil sa kawalan ng trabaho.

VI. Pangkalahatang Gawain:


Panuto: Sumulat ng sariling pangungusap gamit ang ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan at
opinion batay sa napapanahong pandemya na nararanasan natin ngayon.

1. Batay sa ________________________________________________________________
2. Sa tingin ko ______________________________________________________________
3. Para sa akin _____________________________________________________________
4. Pinatutunayan ni __________________________________________________________
5. Napatunayang mabisa ang __________________________________________________

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1 Gawain 3

1. Isang patalim 1. Opinyon


2. Mesang may salamin at drawer 2. Katotohanan
3. Paniniwala 3. Katotohanan
Inihanda nina:
Venus L. Amores
Irene S. Linao

Naitala ni:
GEMMA G. LARA
MT – I Filipino

_________________________________________________________________________
Name of the School: Mactan National High School
Address: Mactan, Lapu-Lapu City
Contact Number: 239-2628
Email Address: mactannhs.01gmail

You might also like