You are on page 1of 14

Marcelo H.

del Pilar National High School


Bagong Bayan, City of Malolos, Bulacan
Senior High School Department

Sinag sa Karimlan

Iniayos at Isinulat ni Clare Angela A. Enriquez

Clare Angela C. Enriquez


11 – STEM-JSJAngeles

Prof. Virgillio Valenzuela


2017 – 2018
PANAHON: Kasalukuyan

TAGPUAN: Isang panig ng pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa.

ORAS : Umaga

PROLOGO : Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa: Wakas at Simula … Moog ng katarungan


… Sagisag ng Demokrasya … Salaming pambudhi … Palihan ng puso’t diwa… Waterloo ng
kasamaan… Hamon sa pagbabagong buhay …

May mga maikling gayung dapat hubdan ng mascara at sa sinapupunan nito kailangang
iwasto ay hayu’t talinghagang mamamayagpag at umiiring sa batas. Sa isang dako’y may mga
walang malay na dahil sa kasaliwaang-palad, kahinaan, o likas na mapagsapalaran ay dito
humahantong; dito rin sinisikatan o nilulubugan ng Katotohanan at Katarungan…

Marami nang lubha ang mga pang pumasok at lumabas dito. Walang makapagsasabi
kung gaano pa karami ang tatanggap ng kanyang tatak…

May sala o wala, ang bawat pumasok dito ay kabuuan ng isang marikit at makulay na
kasaysayan…

PAGBUBUKAS ng tabing ay mabubungad ang isang bahagi ng pagamutan ng


Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa. May anim na teheras ang makikita rito. Ang dalawang
nasa makabilang gilid ay bakante. Sa dalawang nasa gawing kanan ay magkaagapay si Tony (19
na taon) at si Bok (29); sa gawing kaliwa naman ay naroroon si Mang Erman (45) at si Doming
(30). May munting durungawang nahahadlangan ng mga rehas na bakal na makikita sa gawing
likod, kalagitnaan. Hubad ang natutulog na si Tony. May bakas ng dugo ang mga bendang nasa
kanyang tiyan at kaliwang bisig . May black eye rin siya. Si Bok ang bilanggong labas-masok sa
Bilibid, ay nakakulubong – may trangkaso siya. Si Mang Erman, na may apat na araw nang
naooperahan ng almoranas, ay gising at waring nag-iisip. Naka-plaster cast naman ang isang paa
ni Doming … Paminsan minsa’y maririnig ang malakas ng paghilik ni Bok .

Doming: (Bibiling sa higaan, iiangat ang ulo, at tatanungin si Bok) Walang hiya. Istorbo naman
itong si Bok. Lakas humilik!

Ernan: (Mangingiti) Ay, pagpasensyahan mo na, Doming.

Doming: Kelan pa kaya lalabas dito ‘yan, a Mang Ernan? Tagal na niyan di-- Oh, may bagong
dating?

Ernan: Ewan, Hatinggabi kagabi nang ipasok ‘yan dito. Kawawa naman. Duguan siya nang
dalhin dito.

Doming: Kasama siguro sa OXO ‘yan. O kaya Sigue-Sigue. Baka nakipagbugbugan.


(Mamasdang mabuti si Tony.) Mukhang bata pa.

Ernan: At may hitsura pa kamo.(Mapapalakas ang hilik ni Bok.)

Doming : Put-- parang tambutso ah! (Matatawa si Mang Ernan.)

Bok: (Biglang mag-aalis ng kulubong; pasigaw) Saylens! Samwan is sliping! Yawa….

Ernan: Manahimik ka riyan.

Doming: Chill lang pre.


Bok: Tuluyan nang babangon: matapos mag-inat at maghikab ay susulyapan ang katabi) Laki ng
sugat niyan! Puyat ako dahil sa kanya. (Titingnan ni Tony.) (Kikilos sa pagkakahiga at
mapapahalinghing si Tony.)

Doming: Kilala mo siya, Bok?

Bok: (Sabay iling) Dehins. Gisngin ko kaya.

Doming : Oi wag!(Makikitang kikilos si Tony.) Yan, gisng na pala.

Tony: (Matapos huminga ng paimpit na waring ayaw ipahalata ang nararamdamang sakit) M-ma
—gandang umaga po...

Ernan: Sa iyo din. Sino ka ba, ato?

Tony: (Mauupo; mahahalatang nagpipigil pa rin sa sakit) Tony po. Sandali! Kayo si Ginoong
Ernani Alba, di ho ba?

Ernan : Ako nga.

Tony : Nababasa ko’ng inyong mga akda. Hinahangaan ko po kayo!

Bok: (May pagmamaki) Eh ako, hindi mo kilala? Di wan en only Bok – alyas Thompson Junior.
Big bos ng Batsi Gang. Marai padrino. Yeba!… (Mangingiti ng makhulugan ang lahat.)

Tony: (Haharapin si Doming; malumanay) Kayo?

Doming: Doming lang. Wala nang kaartehan o palayaw.

Bok : (Kay Tony) Miyembra ka ng OXO? … Sigue – Sigue? … Bahala Na? … (Pawang iling
ang itutugon ni Tony.) Beri-gud.  Isasama kita sa Batsi-Gang.

Tony: Salamat, Bok. Pero sawa na ‘ko sa mga gang, sa mga barkada. Dahil sa barkada’y – heto,
magdadalawang taon na ‘ko dito sa Big House.

Ernan : Mukhang makulay ang … Pwede ba Toning magkwento ka ng kaunti tungkol sa iyong
buhay?

Bok : (Bago makapangusap si Tony) Hold it, Tony boy! … Bakit ang dami ng sugat mo? Beri
teribol!

Doming: (Mapapansin ang pangagasim ng mukha ni Tony) Kaya pa ba, ato?

Tony: (Tatango muna bago umayos ng upo)Kagabi, tumakas sina Silver Boy.Hindi  ako sumama
kaya sinuntok ako. Mabuti ay nailagan ko yung saksak dito (sabay turo sa kaliwang dibdib),
kundi patay na siguro ako. Pero ang ‘di naiwasan eh yung saksak ni Pingas … Nagpatay-patayan
lang ako. Langya.

Ernan: Dinig ko sa nars at tanod, tatlo ang napatay. Nakatakas ang lima pero nahuli ang iba. (Sa
sarili) O, kalayaan, sa ngalan mo’y kay dumaming humahamak sa kamatayan ! Kay Tony )
mabuti’t tumanggi ka, kung hindi, ay Diyos ko po.

Tony : Huwag kayong mag-alala, Mang Ernan, kaya ko ho ito. (Hihinga muna nang mahaba.)
Nang madakip ako eh naiba na takbo ng buhay ko … Naisip kong walang ibubungang mabuti
ang kasamaan … Malaki ang utang na loob ko ke Padre Abena … sa aking pagbabago … Totoo
nga naman, walang utang na hindi pinagbabayaran …. May parusa sa bawat kasalanan!
Ernan : (May paghanga) Tama iyon, iho.

Bok: (Ngingiti – ngiti habang nakikinig sa pahayag ni Tony; sa himig nagmamagaling) Basta
ako, kahit gaano kadami ang nakawin, basta may lagay. Go lang ng go!

Tony : Me relihiyon ka ba, Bok?

Bok: (Tatawa habang sumasagot; pauyam)Ha!  Wala kwenta. Kahit simba nang simba, puro
panloloko lang. Puro kasalanan, pagnanakaw, pag-iismuggle… Anak ng pating.

Doming : ‘Wag na kaya natin iyan pagusapan, ano?

Ernan : Tama. Masyadong kontrobesiyal ang paksang iyan. May iba-iba tayong pinaniniwalaan.

Tony: Bakit po? Takot ho ba kayo na makipagtalo? Kung walang pagtatalo, walang
pagkakaunawaan. Kung walang pagkakaunawaan, walang pagkakaisa. Kung wala n’on, aba,
puro away ang tao.

Ernan : Tama ‘yan. Ngunit ang pagtatalo’y dapat lamang sa taong malaki ang puso; hindi sa mga
maliit ang pinagkukunan.  Pero kahnga-hanga ang sagot mo, Tony! Nag-aaral ka ba ng Law? Iba
ka kung tumugon.

Tony: Hanggang elementary lang po.

Doming: Daig mo pa abogado ah!

Bok: Aba,  mga pare! ‘Pakinggan na natin storya ng ating bida!

Tony:  Sandali, Bok. Sumama ka kaya, Bok, isang araw, sa klase naming nila Padre Abena.
Dami mong matututunan doon tiyak.

Bok: No way! Aba, kung night club ‘yan go lang ako!

Tony: (Matapos makinang handa na ang lahat sa pakikinig sa kanya) O sige.…Ipinanganak ako
sa isang pamilyang may payak na pamumuhay sa Tondo. Empleyado si Tatay. Guwapo siya.
Kaso, lasinggero at mahilig sa karera. Napakabait ng Nanay ko. Kahit kulang sweldo ni Tatay e
di siya nagagalit di gaya ng iba. Tapos, isang araw, nabuking si tatay ng nanay na mayroong
kabit. Syempre nag-aaway sila … Umalis si Tatay . Iniwan kami. Salamat sa  Diyos e natapos ko
rin ang elementarya. Balediktoryan ako…

Bok: (Sisingit) Balediktoryan? Yabang ah!

Tony : (Magpapatuloy matapos ngitian si Bok) Namatay ang iisa kong kapatid na babae.
Malubha si Nanay. Naospital siya… Naghahanapbuhay naman ako. Pero, kulang din, kasi mahal
ang lahat … Nakakahiya pero … dahil sa barkada’y natuto akong akong mandurukot , mang –
agaw, magsugal. Naglabas-masok ako sa Welfareville … Inilipat ako dito pagkatapos … Isang
taong parusa ang inabot ko… Kasalanan ito ni tatay … Mabuti nama’t idinistino ako ni Direktor
sa ‘ting library. Nagpagbabasa ako roon. Mahilig akong magbasa ng –

Ernan : Magaling. Ang pagbabasa’y nakapagpapayaman ng isip. Sabi nga ni Bacon ay


“Nakalilikha ng tunay na lalaki ang pagbabasa…”

Tony: Mahilig din ho akong magsulat.

Doming : Sandali, anong nangyari sa tatay mo?

Tony: Hindi na nami siya nababalitaan eh.


Ernan : Hay nako, ang ama ay dapat gampanan ang tungkulin habang-buhay.

Doming : Paano kapag nagkita kayo?

Tony: Ayoko na siyang makita.

Bok: Relihiyoso ka kamo, eh bakit ganyan ka kung umasta?

Tony: Hindi pa ba halata? Kasalanan niya ang lahat lahat! Kung bakit ako nandito, kung bakit
namatay kapatid ko, kung bakit naospital si nanay!

Ernan: Madali daw magpatwad at makalimot pero mahirap itong gawin. Kung tatanungin ako,
nagawa ko ring patawarin ang mga naghangad ng aking pagbagsak.

Tony: Kay bait niyo naman po, Mang Ernan!  Kakaiba ho kayo!

Ernan: Salamat, iho. Ngunit alam mo bang ang pinakamabigat kong kasawian ay ang di-
pagkakaroon ng anak?

Tony : Biyudo kayo?

Ernan: Hindi, buhay ang aking asawa. Mabait siya. Maunawain. Mapagpahal. Mapagkatiwalaan.
Pero ang mag-asawang walang anak (Magbubuntunghininga) … talagang… hindi pa nakakamit
ang tunay na kaligayagan

Doming: Ilang taon na po kayo.

Ernan: K’warenta’y singko na.

Bok: Ay! Ang lolo ko, kahit sisenta, kinakaya pa!

Tony : Gaano katagal na po kayo dito

Ernan : Isang taon na iho. May isa pa. Kuwestiyon de prinsipyo ang ipinasok ko rito. Binayaran
ko lang yung multa.

Tony : Bakit po kayo namultahan?

Ernan : Kakaiba ang aking pagkamakabayan.

*Flashback*

Isang araw ay sinunog ng isang kapisanang pinangungunahan ko ang maraming aklat na imoral,
mga aklat kasaysayang mali-mali ang mga ulat, mga nobela, komiks at magasin at iba pa na
nakaw lang sa iba ang nilalaman… Nahuli kami at pinagmultahan. Dahil nga sa prinsipyo, pinili
ko pang pabilanggo. Malaya naman akong nakapagsusulat dito, kung sabagay.

*End of Flashback*

Tony: Madami po akong gustong isulat. Pwede po ba ako magpaturo sa inyo?

Ernan : Tulad ng isang mahusay mag-aalahas, kita ko agad na ikaw ay may potensyal… Ituturing
kitang parang tunay na anak … Mapapamahal ka rin sa asawa kong kay buti… Meron din
kaming ilang ari-arian … pag-aaralin ka namin.
Tony: Kay buti niyo ho . . . Me pangako rin si Padre Abena. Pag – aaralin din daw ako. Pero…
nakakahiya na atang pumasok sa klase. Mapapahiya lang ako.

Ernan: Walang kinikilalang edad ang karunugan. Tandaan mo iyan. Walang katapusan itong pag-
aaral ng buhay ng tao.

Tony: Ganyan din ho ang sabi ni Padre Abena, Mang Ernan.

Ernan: Ang runong ay yaman, ikaw, hagdan, kapangyarihan. Walang marunong nag-
nagkakaanak ng alipin.

Tony: Wala rin kuwenta ang masyadong marunong. Gaya ni Rizal, binaril –

Ernan: Iba na ang panahon, iho. Pasalamat tayo’t dahil sa kanyang pambihirang katalinuhan ay
nabago ang takbo ng ating kasaysayan … Kailangan natin ang marunong na lider, Tony. Mga
taong matalino na’y makabayan pa. Hindi gahaman sa yaman at karangalan. Hindi
mapagsamantala at walang colonial mentality.

Bok: Kalunyal mantiliti? Anu ‘yun?

Ernan : Diwang alipin, Bok. Pamamanginoon sa mga dayuhan. Walang sariling paninindigan.
Wal- (Kagyat na matitigil dahil sa naririnig na takatak ng sapatos.) May padating!… (Habang
dumaraan ang may edad nang tanod ay walang imik sa magkakasama.)

Bok: (Pagkatalikod ng tanod) Kala siguro tatakas tayo. Langya. (Tawanan) Paano naman natin
gagawin yon? … Oh eto may trangkaso, lumpo pa (Titingnan si Doming) … Almoranas
(Susulyapan si Mang Ernan) . . . May saksak sa tiyan. ( Ingungususo si Tony. Tawanan na
naman.)

Tony: Maiba ‘ko, Mag Ernan. Ba’t kayo naospital?

Ernan: Hindi ah.

Doming: May tanong po ako. Ang mga makata po ba eh ginagawa?

Ernan: Isinisilang sila, Doming …. Teka! Di ba ikaw, Tony, ang tumula nang dumalaw itong
minsan ang Presidente?

Tony: Opo.

Ernan: Ang binigkas mong tula’y –

Tony: Pilipinas, kay gandang tula. Alam kong kayo ang gumawa niyon.

Ernan: Oo nga pala, ang binigkas mong tula ay makakasama sa librong sama-sama ang mga tula.
Kasama ang mga ginawa ko dito sa preso.

Doming: Ano po pamagat?

Ernan: Sinag Sa Karimlan.

Tony: Sinag sa Karimlan? Ang ganda! Bagay ba bagay sa saaa …(tingin sa lahat ng kasama) atin
dito! Kailangan ng dilim ang liwanag!

Ernan: Walang taong hindi nalalabanan ng dilim. Lubhang makapangyarihan ang karimlan pero
nalalabanan ang dilim!
Tony: Gusto kong basahin!

Ernan: Bibigyan kita ng pahapyaw pati ang iba kong mga gawa.

Bok: (Nakahahalataan ng pagkabagot kapag pangkaisipan na ang paksa) Hay nako, Doming!
Ikaw naman ang magkwento, pare! (Titingnan at tataguan ng iba si Doming, bilang pag-ayon sa
pahiwatig ni BOK)

*Flashback*
Doming: Ahente ako ng isang Insurance Company. Malakas ang sweldo ko. Isang haraw, umuwi
ako dahil may bagyo. Sabi ko pa noon, magugulat pero masisiyahan ang asawa ko. Sa kusina ako
nagdaan. Pero anong nakita ko? Maryosep! Ang asawa ko’t matalik kong kaibigan hay… Huli
ko sila . Nagdilim ang paningin ko … Binaril/Sinaksak ko ang traydor… Napatay ko siya.
(Mapapasandal sa dingding pagkatapos).

*End of Flashback*

Tony: Nakulong ka dahil doon? Bakit ganon?

Doming: Malay ko ba. Hay. (Magbububuntunghininga)

Ernan: Nakikiramay kami sa ‘yo, Doming …. Alam mo Tony, ang bilangguan ay hindi lamang
para sa mga nagkakasala. Para din ito sa mga sawing-palad. Sa mga kawawa. Sa walang malakas
na naa… padrino, sabi nga ni Bok.

Bok: (May pananabik) Bakit ka pinagtaksilan? Seksi ba masyado?

Doming: Para sa akin, siya na ata ang pinakamagandang babae na nakilala ko. PInag-aartista nga
dahil sa sobrang ganda. Marami kong naging karibal sa kanya! Nakakasama ng loob ‘yung
pinakamatalik ko pang kaibigan… Hay Diyos ko. (Haharapin si Tony.) Binata ka pa, Tony,
hano? … Ikaw, Bok, binata rin? ‘Wag kayong pakakasal sa masyadong napakaganda. Huwag din
magtataksil!

Bok: Ako? No way! Ang bait bait ko! Isa pa, baka nga ako pa ang pag-agawan eh!

Ernan: Kaya hindi ako sumasang-ayon sa sinabi ni Keats na “A thing of beauty is a joy forever.”
Dahil sa kagandahan, madaming tahanan ang nawasak at patuloy na mawawasak. Daming
pagkakaibigang nasisira. Daming kataksilang nangyayari! …. Kung totoong nagbibigay ng
inspirasyon ang kagandahan, totoo ring lumalason ito. Pumapatay!

Bok: Asaan na nga pala misis mo?

Tony: Babalikan mo pa ba?

Doming: Aba, hindi na. Ang kapal naman niya!

Bok: May anak ba kayo?

Doming: Wala na. Namatay na ang panganay.

Ernan: Speaking of kaibigan, talagang mahirap silang harapin. Lalo a kung material na bagay
lang ang laging hangad. (Dahil hindi lubos na maunawaan ni Bok ang marami sa kanyang
naririnig, mahihiga na siya’t magbabalot ng kumot.)

Tony: Paano po ba malalaman kung tapa tang isang kabigan?


Ernan: Maraming paraan, iho, pero ang pinakamabuting pagsubok ay sa mga oras ng kagipitan,
pangangailanga’t pangungulila. Walang pagpapanggap. Lagi siyang handang magbigay at
magpakasakit.

Tony: Bakit nga ba napakaraming mapagkunwari? Mga madudumi na naglilinis-linisan. At


meron pang kaya lang nagbibigay e gusto ng kapalit. Kunwari nagkakawanggawa, pero gusto
lang makilala bilang malinis na tao.

Ernan: Kaya nga kaibigan natin ang moral regeneration o pagbabagong - buhay.

Doming: Pareho kayong mag-isip ah!

Tony: Hay, nangbola ba. Ibang-iba-- (Mauuntol ang sasabihin dahil sa paglitaw ni Padre Abena )
Aba si Padre Abena ! Magandang umaga po Padre.

P. Abena: Magandang umaga sa inyong lahat. (Karaniwan lamang ang taas ni Padre Abena. Isa
siya sa pari ng Bilibid. Mag-aapatnapu na siya, Maamo ang kanyang mukha at malamig ang
tinig. Nakasutana siya. At nakasalamin Habang lumapit ) Tony, totoo ba? … May sugat ka sa
tiyan ! .. Sa braso! Pati black eye! Ay Diyos kong mahabagin!

Bok: (Maliksing babangon) Nagpatay-patayan pa yan, Father!

Tony: Totoo po, Father.

P. Abena: Laking pagsisi ngayon ng mga nabigong mapupusok.

Tony: Talaga ngang nasa huli ang pagsisisi. Paano po yan, Father, mukha mapapa-absent ako.

P. Abena: Huwag mong isipin iyon, iho. Ikaw naman ang pinakamarunong sa lahat. Natutuwa
ako’t nakaligtas ka.

Tony: Father, hindi ko po kayang mantsyahan ang pagtitiwala niyo sa akin nila Direktor.

P. Abena: Salamat, anak. Huwag mong kalimutan ang Diyos. Ang tumatawag ay dinirinig. Ang
napakupkop ay tinatangkilik.

Tony: Kay buti niyo po! … Oo nga po pala, si Mang Ernan, walang anak.

Ernan: (Maagap) Totoo po. Sabi niya po ay may usapan kayo… Father, kami po ng maybahay
ko’y labing limang taong umasa at nagnobena upang mag-kaanak, subalit …. Ewan ko ba kung
bakit ko gusting kupkupin ang batang ito.

P. Abena: Talagang isa sa marami ang batang iyan . Masunurin siya. Matulungin.
Mapagkakatiwalaan. At matalino. Balak ko sanang pagpariin siya perot ibang kurso ang kanyang
ibig.

Tony: Pwede po bang dalawa ang magtayong ama para kay Tony?

P. Abena: Bakit naman hindi ? Mabuti nga’ng gayon at maraming hahanga sa ‘yo. Pagdating ng
araw, matutuwa ang tatay mo.

Tony: (Mapapalakas ang tinig) Utang na loob, Father. Sinabi ko na wala ‘na akong Tatay!

P. Abena: Ikaw ang masusunod, anak. Alam kong alipin ka pa ng nakaraan mo. Maiba ako,
malalim ba ang sugat mo, Tony?

Tony: Sabi ng doctor e di naman daw naapektuhan ang bituka.


P. Abena : Mabuti. Huwag kang masyadong maggagagalaw at nang hindi dumugo. (Sa bahaging
ito’y aalingawngaw ang isang malakas na pagpapagibik buhat sa ibang panig ng ospital .
Matatahimik ang lahat at makikinig sa na)

Sa labas…

???: Tubig! Tubigg! Mamamatay na ‘ko sa uhaw! Tubiggg!

P. Abena: Diyan nga muna kayo at titingnan ko lang kung sino ang nagpapagibik na ‘yon.
(Susundan ito ng alis .)

Lahat: Paalam po, Father

Tony: ( Sa sarili) Ang bait niya, noh? Salamat at nagkaroon ang kulungan ng tulad niya …
Matutupad din ang pangarap kong makapag-aral … kung sakali…

Ernan: Sandali, Ayan na’ng ating butihing angel! Si Doktora Reyes! (Titigil sa pagsasalita
pagkatanaw sa pumapasok na doktor. Magbibigay galang ang lahat. Ilalapag ng simpatika’t
batangbatang nars ang lalagyan ng mga gamut.)
Ms: O kamusta ang lahat?

Bok: Maayos naman po, dok. Mas umayos noong dumating ka.

Doming: (Binatukan si Bok) Umayos ka nga! Landi mo!

Ms. Reyes: Hay nako, Bok, magtigil ka. (Isa-isa niyang titingnan ang temperatura ng naroong
apat na pasyente. Hindi iintindihin ang may paghanga’t pagnanasang tinging iniuukol sa kanya –
lalo na si Bok. Alam niyang sa kaharian ng mga lalaki, ang pangit mang babae ay nagiging pulot
gata. Aalis siya pagkabigay ng kaukulang gamut sa mga may karamdaman)

Bok: (pagkatalikod ng nars) Wow! Doktora Reyes. Ay layk her so mats! Ang ganda niya! Sana
sa akin siya magkagusto, kaso, ang gara ng record ko. Langya.

Tony: Bok, si San Agustin , bago naging santo, naging isang magnanakaw muna… Tandaan
mo’to, Bok. Mas marangal ang masamang bumuti kaysa mabuting sumama.

Ernan: Malay natin, baka maging santo ka rin, Bok. (Tawanan)

Bok: (Matatangay na rin ng biruan) Tama ka Mang Ernan. San Bok (pagdadaupin ang mga palad
sa tapat ng dibdib, titingala ng bahagya at pipikit ) … Patron ng mga holdaper! .. Ang sagwa
palang pakinggan. (Tawanan na naman)

Ernan: Maiba ako, napansin kong may meaning ang tinginan ni Tony at Doc Reyes. Pustahan,
may something sa inyo noh? Kakaiba yung tinginan eh. (Ngingiti lamang ng makahulugan si
Tony at ang palihim na pag-sang-ayon sa pamamagitan ng pagtaas ng kilay ay mapapansin din
nina Bok at Doming.)

Bok: Anak ng pu—lamang ka pa sakin! May kaagaw na ako! Patay! (Tawanan)

Doming: Oi! Padating ang bantay! Darating ng dati ring tanod.)

Tanod: (Sa may pintuan) Antonio Cruzada!

Tony (Itataas ang kanang kamay) Ma’am!

Tanod: May bisita ka.


Tony: Sino siya? Kilala ko po ba? Sino po, ma’am? Sino?

Tanod: (Iiling at susulyapan si Mang Ernan) Kaedad siguro…. niya.

Tony Papunta nap o?

Tanod: Abangan mo.

Tony (Kunut-noo) Sino kaya ‘yon?

Ernan: Baka tatay mo, ato.

Bok: Gwapo ba gaya mo, Tony?

Tony (Dahil sa pag-iisip ay hindi mauunaaan ang tanong ni Bok; sa sarili) Pa’no niya
malalamang narito ako? …. Anim na taon!… City Jail … Welfareville … Muntinlupa …
Imposible! Hindi. Hindi maaaring siya!

Ernan: Ayun! Siya na Siguro ‘yung dumarating!

(Papasok si Mang Luis, ang ama ni Tony. Kasama niya ang dating tanod. May kataasan si Mang
Luis, nakasalamin siya ng may kulay. Mababasa sa kanyan g anyo na siya’y dumanas o
dumarana ng maraming suliranin. Isang manhid na barong tagalog ang kanyang suot. Sunog ang
kanyang balat, gayunmay halata rin ang kanyang kagandahang lalaki. Mag-aapatnapu pa lamang
siya subalit mukha nang lilimampuin.)

(Pagagalain niya ang kanyang sabik na paningin. Pagkunwa’y ituturo naman ng tanod para sa
kanya ang pinaghahanap na hindi kaagad mamumukhaan. Pagtatama ng kanilang tingin ang
anaki nakatanaw ng multo si Tony. Akibat ng matinding tuwa at pananabik ay pasugod na lalapit
ang ama sa anak.)

Luis: (Madamdamin) Tony, anak ko! …

(Walang imik na pagyayapos ang tila natatandaang si Tony. Magpapalipat-lipat ang kamay ng
naluluha sa galak na ama sa buong katawang mutya ng anak. Pagkaraan ng ilang saglit sa gayong
ayos ay pabigla at walang kibong magwawala si Tony. Kahit nakararamdam ng kirot at tatayo
siya’t uurong ng ilang hakbang. Tutop niya ang sugat sa tiyan. Tiin ang kanyang mga bagang,
may apoy sa mata at iaalon ang kanyang dibdib. Mapapansin si Mang Luis ang mga sugat at
“black-eye” niya.)

Luis : Tony, napaano ka?

(Hindi rin tutugon si Tony. Patuloy ang pananalim ng kanyang sulyap, ang panginginig ng
kanyang ugat sa kalamnan ng kanyang panga, ang paninikip ng kanyang dibdib. Samantala’y
walang kibuan ang lahat, bagaman mataman silang nagmamasid at nakikiramdam)

Luis: Anak, magsalita ka. Di k aba masaya na nandito ako? (Buhat sa kinatatayuan ay hindi rin
iimik o titinag si Tony. Unti-unti siyang lalapitan ng ama.)

Tony : Wag niyo akong lapitan! Wag niyong susubukan!

Luis: (Matigigil!) Anak, di mo ba-- … Ako ang Tatay mo…

Tony: (Palibak) Tatay? … Wala akong kilalang tatay! Nagsayang ka lang ng oras! Umalis ka na!

Luis : (Lalapit pa ng isang hakbang; titigil) Anak, patawad.


Tony: Inuulit ko, wala na akong, ama! …. (Lilingon sa gawi ng bintana) Mula noong iwan mo
kami dahil sa kabit mo, ang hirap ng pinagdaanan namin …lalo na si Nanay … Natigil ang
pagaaral ko kasi kailangan kong alagaan si nanay at si bunso … Puro kami sangla, utang …
Dumating na sa puntong wala nang nagpapautang sa amin … ‘Napilitan akong magnakaw.
Nahuli tuloy ako! Nagmakaawa ako at pinagbigyan. Pero noong umuwi ako… patay nang
kapatid ko! Sa tulong –

Luis: (Nahihilam na sa luha) Tama na! … U-utang na loob … A-a alam ko ang lahat! …

Tony: (Hindi rin papansinin ang samo ng ama) Sa tulong ng mga kapitbahay e nailibing si
Baby… Naospital si Nanay … Walang kumupkop sa ‘kin … Baka raw may sakit rin ako …
Naging kanto boy ako, nabarkada, hanggang … Natuto ako ng iba’t ibang paraan ng pagnanakaw
… Natikman kong matulog nang walang unan … magtago sa ilalim ng tulay …Pero may wakas
ang lahat … Mula sa city jail e nalipat ako sa Welfareville. Naglabas-masok ako ro’n … Nang
magdisiotso ako, heto … Magdadalawang taon na ‘ko rito … (Hihinga ng mahaba at malalim .
Tutop pa rin ng kaliwang kamay ang sugat. Biglang haharapin nang tuwiran ang lumuluha’t
mistulang korderong ama. Makapangyarihan.) Kayong dapat kong tawaging ama ay tinatanong
ko: Mangyayari kaya ang nangyari sa ‘ming mag-iina kung nagpaka-ama kayo kahit kaunti?!

Luis: H-hindi ko na – hindi ko na kayo iiwan … Ka-kahit kailan!

Tony: Aba, pangako. Ang daling sabihin noh? Madali din sirain!

Luis: Nagbalik ako para—para pagbayaran ang lahat ng naga--

Tony: (Patuya) Bakit hindi na lang doon sa kabit mo?

Luis: Iniwan n’ya ako – ang taksil! – Mabuti na lang at nangyari iyon. Naliwanagan tuloy ang
aking isip na magbalik sa inyo!

Tony: Huli ka na!

Luis: Ang sakit mong magsalita, anak…alam mo bang limang buwan kitang pinaghahanap? …
At nang malaman kong narito ka, nilakad ko pa … Nangako si Senador Bigat na mabibigyan ka
ng parole.

Tony: (Dahil sa ibang iniisip ay hindi maunawaan ang huling sinabi ng ama) Hindi ko na nga
alam kung buhay pa ba si Nanay o hindi! (Pasigaw naman) Kayo! Kayo ang may kasalanan kung
ba—Aray. ARAAAAAAY!

Luis: Buhay ang nanay mo, anak. Nagkita na kami. Magaling na siya.

Tony: (Magliliwanag ang mukha) Buhay! Mabuti naman!

Luis: (Hindi mapapansin ang sariwang dugo sa kamay ni Tony) Pinatawad na n’ya ako. At
nagkasundo nga kaming hanapin kita. Anak, magkakasama na tayo ulit!

Tony: Mahal ko si Nanay, ngunit kayo… Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa sumama sa
inyo!

Luis: (Mawawala ang pagtitimpi at paghaharian ng damdaming –ama. Isang matinding sampal
ang ibibigay kay Tony. Durugo ang bibig ng huli. Sa bahaging ito’y nganingani nang lundagin ni
Bok si Mang Luis danga’t makakambatan siya ni Mang Ernan na huwag manghimasok. Sa
sandaling ito’y nakatalikod naman at nasa may labas ang tanod. Mapagwawaring ang nagawang
kabiglaan, mabilis na lalapitan ang anak. Iigtad naman si Tony.) Patawarin mo ‘ko, anak!
Tony: (Matapos pahirin ang likod ng palad and dumudugong bibig) Nambibwisit ka lang ata eh!
(Mabilis na tatalikod.) (Tigib-pagsisisi at panunumbat sa sarili, walang malamang gawin o
sabihin si Mang Luis. Naroong pisilin ang mga kamao; naroong muling tangkaing lapitan Ang
nagmamalaking anak; naroong tanawin sina Mang Ernan na parang nagpapahabag at
nagpapatulong. Wala namang imikan ang nangamamasid. Pagkuwa’y walang kibong lalabas.
Titigil sa may pintuan. Pagkuwa’y walang kibong lalabas. Titigil sa may pintuan upang linguni’t
pag-ukulan ng may pagmamahal sa titig si Tony.

Wala namang kamalayan ang nagugulumihanan ding si Tony sa mga ikinikilos ng kanyang ama.

Muling babalikan ni Mang Luis ang nakatungong bunso subalit hindi maisasagawa ang balak na
pagyapos dito. Mapapabuntunghininga na lamang at tiim-bagang na aalis. Magkakatitigan sina
Mang Ernan, Bok at Doming.

Pagkalipas ng ilang saglit ay dahan-dahang nauupo sa gilid ng kanyang teheras Si Tony. Kagat
niya nang mariin ang kanyang labi.)

Ernan: (Malumanay subalit madamdamin) Ang buhay, Tony, puno ng mga pagsubok. Ang
tagumpay, kaya lalong tumitingkad ay dahil sa kakambal na paghihirap. Ang lalaking tumatakbo
sa mga pagsubok at hamon ng tadhana ay pinagtatampuhan ng tagumpay.

Tony: Mang Ernan, kung ikaw ang nasa lugar ko, ano ang marara--

Ernan Nauunawan kita, iho. (Titindig at aakbayan si Tony. Miino ang dugong nagmumula sa
sugat sa tiyan.) Dumudugo ang sugat mo! (Kay Bok) Tawagin niyo si Doc Reyes! (Kay Tony)
Humiga ka, ato. Baka sakaling tumigil.

Tony: (Habang nahihiga) Wala po ito Mang Ernan.

Doming: Sa bagay, kung ako man yung iniwan ng tatay – eh, ewan.

Bok: Bilib ako sayo! Beri matapang ah!

Ernan: (Habang bumabalik sa kanyang teheras; sa sarli) A, kung masusunod lamang ng mga tao
ang Panalangin ni San Francsico ng Asisi, sana’y –

Tony: (Biglang mapapabangon pagkarinig sa tinuran ni Mang Ernan)

Ernan: (Nagbabasa ng libro) Maganda ang “Panalangin ni San Francisco” … “O Diyos, gawin
Ninyo akong … kasangkapan … Kung saan may galit – Bayaang nakapaghasik ako ng pag-
ibig.” Maganda din ito … “Nasa pagbibigay ang ating ikatatanggap … nasa pagpapatawad ang
ating kapatawaran … “

Tony: (Mabilis) Mang Ernan… Madali ngang sabihing “Lumimot at magpatawad, “ ano ho?
Pero, ARAY! (Mapipikit at aasim ang mukha. Hahawakan ang sugat sa tiyan.)

Ernan: (Makikitang sa pag-aangat ng kamay ni Tony ay punung-puno yaon ng dugo) Tony!


(Kagyat na nalalapitan ang binata at pagyayamanin.) DOMING! BOK! Si Doc Reyes! Nasaan
na? Tawagin niyo, bilis!

Doming: (Patikud–tikod na lalabas subalit doon pa’y sisigaw na) Dok! Dooook! (Muling
darating ang doktor na nakarinig sa malakas na sigaw ni Doming. Agarang lalapatan ng
pampaampat ng dugo ang sugat ni Tony. Samantalang nangagamutan sila ay siya namang
paglitaw sa may pintuan ng magkasamang P. Abena at Mang Luis. Walang imik silang
magmamasid.)
Nars: Sariwa pa’ng sugat mo. Tsk, tsk. Wag kang magsisisigaw at huwag kang magpapagalaw
ha, Tony? Naiintindihan mo?

Tony: Pagkalaya ko, pupunta ako sa bahay niyo, Lyd—este Miss Reyes.

Nars: Sabing manahimik muna eh! Sige ka!

Tony: Opo. (Pipikit dapwat muling didilat. Masusulyapan si P. Abena. Magpapalitan sila ng
ngiti.)

Nars: O, tapos na. Be good, ha, Tony? Promise? (Tatango ang binata; hahanda siya sa pag-alis.)

Tony: Maraming salamat, L-Ly – Miss Reyes. Hinding hindi kita makakalimutan! ( Hindi pa rin
nakikita ni Tony ang ama sapagkat natatakpan ito ng papalapit na pari.)

P. Abena: Magkakilala pala kayo ni Miss Reyes …. Mabait at masipag ang batang ‘yan. Parang
ikaw lang.

Tony: Siya nga po ang babaing handa kong …

Bok: (Makahulugan ang ngiti) Oo na. Tanggap ko na bagay silang dalawa. Noh, Father?

P. Abena : Tama, tama. (Saglit na titigil; kay Tony, sa ibang tinig) Anak, ang tatay mo’y …
nagkita kami. Sabi niya--

Tony: (Malilimutan ang lahat; mapapabagong bigla’t puputulin ang pagsasalita ng kausap)
Father! Paulit-ulit na lang! (Hindi mangungusap si P. Abena. Marahan na lang siyang
mapapailing; subalit maagap namang maaalayan si Tony.)

Si Mang Luis naman, naroon pa rin sa may pintuan, ay mapapabuntung-hininga’t mapapakagat


labi Sa namamalas na katigasan ng anak. Mauuntol ang balak niyang paglapit.

Si Miss Reyes naman naman na hindi pa tuluyang nakakalayo ay magaganyak na manood sa


tagpong yaong may pangako ng kapanabikan. Lalapitan si Tony at masuyong pagsasabihan.)

Nars: Tony, ang kulit mo naman. Sabi kong wag munang gumalaw at makakasama sa iyo ‘yan.
Hay nako!

Tony : Sorry po, Ly – est, Miss Reyes.

Nars: (Tatanguan si Tony) Okay, sige. Patatawarin kita ulit. Sige, higa na. (Susunod na sana si
Tony subalit magkakatama ang tingin nilang mag-ama. Matagal silang magkakatinginan.)

P. Abena: (Makahulugan) Anak, buti pa si Dok, nakapagpapatawad….


(Hindi tutugon si Tony. Mapapatango siya. Ganap na katahimikan . Walang kaurap-kurap, at
halos hindi humihinga sina Mang Ernan sa pagmamasid sa nangyayaring dula sa silid na yaon.
Sa pagtaas ng mukha ni Tony ay makikitang may luha sa kanyang pisngi.)

(Mabubuhayan ng loob si Mang Luis. Dahan-dahan siyang lalapit a bunsong ngayo’y


nakayupyop sa bisig ni Padre Abena.)

(Magaling sa sikolohiya, marahang iaangat ng butihing pari ang ulo ni Tony at siya’y unti-unting
uurong upang mabigyan ng ganap na kalayaan ang mag-ama.)

(Ngayo’y may kakaiba ng sinag sa mukha ni Tony. May kakaiba ring ngiting dumurungaw sa
kanyang mapuputlang labi. At sa isang kisap-mata’y mayayapos siya ng kanyang ama. Masuyo,
madamdamin, mahaba ang kanilang pagyayakap.
Katulad ng dalawa, mapapaluha rin ang lahat . Maging ang may bakal na pusong si Bok ay
mapapakagat-labi’t mapapatungo ng marahn. Pagdaraupin naman naman ni Padre Abena ang
mga, titingala ng bahagya at pangiting bubulong.)

You might also like