You are on page 1of 2

GOLDILOCKS AND THE THREE BEARS

(IN THE CONTEXT OF THE PHILIPINE SOCIAL CLASSES)

I.

*tumakbo ang babae*

Babae: Ang sakit ng tiyan ko! Tulungan n’yo ko! Wala bang makakapagbigay ng makakain? Kanina pa ko
tumatakbo! Ang daming humahabol sakin! Sige na, kapag binigyan n’yo ko ng makakain, higit pa sa
inaasahan n’yo ang matatanggap sa’kin.

Tauhan 1: Sinong may lakas ng loob na pumasok dito sa pamamahay ko? Hoy, lumayas ka hampaslupa,
walang dukha ang pwede rito!

Babae: Pasensya na! Talagang nagugutom lang ako at pagod. Bigyan mo naman ako ng makakain kahit
iyong lugaw an nasa mesa sige na! Kahit ano ibibigay ko kapag nakabalik ako sa palasyo. Ginto man o
posisyon sa palasyo!

Tauhan 1: Teka ikaw ‘yung prinsesa! Sige na’t kuhanin mo ang ulam diyan, kumain ka na!

Babae: Salamat! Teka sobrang init nito!

Tauhan 1: Hipan ninyo’t kami’y sanay na sa mainit. Gusto naming parating bagong hango! Ayaw namin
ng matagal na at napaglipasan. Hindi kami magtitiis dahil lamang kapos, gagawa kami ng paraan para
parating masarap ang nasa hapag namin. Kung kailangang babaan naming ang presyo ng bigas dito para
mapilitan ‘yung mga pesante na ibenta samin yung lupa nila, gagawin namin! Aba, pinapasuweldo na
nga sila ng higit sa 5,000 piso kada buwan may parasyon pa, sila pa ang aangal!

Babae: Tama ka! Sa oras na makarating ka sa palasyo, tiyak akong sasang-ayon sa iyong kagustuhan ang
amang hari! Hamo’t gagawan natin ng paraan!

Tauhan 1: Salamat prinsesa!

II.

Babae: Nako ayan na naman siya! *tatakbo ulit*

Tauhan 2: Sinong siya? *mula sa likod manggagaling*

Babae: Susmaryosep! Ginulat mo ko!

Tauhan 2: Prinsesa? Oo nga kayo ang prinsesa

Babae: Oo, at pagod na pagod na ako maaari mo bang ibigay na lang sa akin ang dala mong upuan?
Ako’y napapagod na maglakad at tumakbo sa kakahuyan!

Tauhan 2: Sige po, heto na po ang inyong upuan, hindi nga lang ganoon kagarbo, pero hindi naman
sobrang hamak,

Babae: Napansin ko nga ngunit diba iyon ang bahay ninyo? Bakit ayaw ninyong pataasan pa iyon at
magtayo ng sariling negosyo?
Tauhan: Dahil malaki ag utang na loob naming sa mga maharlika na nandoon. Ayaw naming isipin nila na
kakalabanin naming sila sa pakikipagtagisan sa kayamanan. Masaya na kami ditto sa gitna. Walang away,
walang sigalot. Hindi kami naapakan ngunit hindi kami magpapaapak. Magiging katiwala lang kami ng
nakatataas kaya’t. Oo lang kami. Ang importante hindi kami maging isang kahig, isang tuka. Hindi kami
aasa sa mga butil o mismis na nahuhulog sa hapag kainan nila. Dahil dito sa gitna, magmamasid ka lang
mula sa pedestal hanggang sa putikan.

Babae: Talaga ba? Kung ganoon, asahan mong patuloy ang tapat na pamamalakad ng Amang hari sa
inyo dahil naging tapat din kayo sa amin.

III

Babae: Nako ayan na naan siya! Aalis na ako’t kailangan ko na kaagad makabalik sa palasyo

*matatalisod ang babae sa putikan*

Tauhan 3: Masakit ba? Ngayon alam mo na paano sumasadsad sa putikan!

Babae: Tigilan mo na ako!

Tauhan 3: Ngayong nakaharap na kita, alam kong hindi mo na ako matatakbuhan. Bakit nahihiya ka?
Nahihiya kayo sa amin?

Babae: Anong ibig mong sabihin?

Tauhan 3: Alam mo kung gaanong kalbaryo ang sinasapit naming sa araw araw. Hindi kami hangal para
magbulag-bulagan kesyo prinsesa ka’t anak ka ng hari. Natatawa ako’t narinig ko ang mga pangako mo
sa mga naunang tao na nakasalubong mo.

Suman-ayon ka na babaan pa ang presyo ng bigas ditto, samantalang 4 kami sa pamilya at hindi
malaman saang kamay ng Diyos namin kukuhanin ang pantustos sa gastusin sa isang araw. Kung kaya’t
napilitan kaming ‘wag na lang pag-aralin ang mga bata. Iyon na lamang ang tanging hanapbuhay namin.

Kinausap mo ring ang katiwala na nagiging sunud-sunuran lang sa amo n’ya huwag lang maging dukha
kagaya naming at nangako kang magbibigay gn tapat na serbisyo. Pero heto kami,t higit sa pagiging
tapat tang marangal ang trabaho ngunit minsan itak pa ang igaganti n’yo sa serbisyo namin. Kami ang
kaawa-awa hindi sila.

Sa bagay walang maririnig ang mga nasa taas dahil sobrang taas na nila. Ni hindi niyo kami pinakinggan.
Sa halip, tinatakbuhan n’yo pa kami. Kagaya ng ginagawa mo. Hindi ako magtataka na isang araw hindi
na lang ako ang humahabol sa iyo dahil sa mga huwad mong pangako. Kaya’t tumayo ka na diyan sabihin
mo sa hari na “Huwag s’yang maduwag na harapin kami, kaming nasa laylayan. Ang ‘di humaharap sa
mulat puno ng kaduwagan ang balat”

*hindi makakasagot ang babae*

Tauhan 3: Wala akong maibibigay na mainit na ulam o upuan pero heto ang piraso ng kahoy. Gamitin
mo’t umalis ka na ngayon dito.

Babae: Salamat.

You might also like