You are on page 1of 10

“BANTUGAN”

Unang tagpo: pinapakita ang kahariang Bumbarian at sina prinsipe bantugan at prinsipe
madali.

Narrator : sa isang malayong kaharian ng bumbarian ay pinanganak ang dalawang


prinsipeng nagngangalang Madali at Bantugan. Si Prinsipe bantugan ay pinanganak na
makisig at malakas kaya naging dahilan ito upang hangaan siya ng mga kababaihan sa
kanilang palasyo . samantalang si Haring Madali naman ay may taglay na kakisigan at
kahusayan sa pakikidigma ngunit ito ay may masamang ugali at may masamang hangarin
sa trono.

Unang tagpo :( bubukas ang tabing , nagsasaya ang mga tao sa kadahilanang ipapakilala
ng hari ang kanyang anak na si prinsipe Madali bilang bagong hari ng Bumbarian.

Kawal 1: ating salubungin ang hari at reyna ng kahariang bumbarian (nagpapalakpakan


ang mga tao habang tumutugtog ang musika). (hangang-hanga ang mga tao sa
kagandahan ng reyna at ng hari)

Haring Bandali: maraming salamat sa inyong malugod na pagdalo sa aking imbitasyon .


napakahalaga ng araw na ito sa ating kaharian dahil ipapakilala ko sa inyo ang bagong
haring mamumuno ng ating kaharian. Aking ipinakikilala sa inyo ang aking bunsong anak
Prinsipe Bantugan! (maghihiyawan ang mga babae magpapalakpakan dahil sa subrang
paghanga sa prinsipe) . at ang panganay kong anak na makisig at siyang bagong hari ng
Bumbarian Haring Madali. (kunti lamang ang pumapalakpak at halos lalake pa).

(ibibigay ng hari ang kanyang trono sa bagong hari )

Haring Madali: maraming salamat ama karapat-dapat lamang na sa akin ibigay ang
kaharian . dahil ako lamang ang bagay na umupo sa tronong ito hahaha (patawang traidor)

Simula sa araw na ito ay ang mga batas ko na ang masusunod sa kahariang ito!

Close tabing

Ikalawang tagpo:

Sa labas ng kanyang kaharian ay marami siyang naririnig na masasamang salita sa


tungkol sa kanyang pamumuno.

Tsismosa 1: alam mo bang naging hari lang iyan dahil siya ang panganay?

Tsismosa 2: oo nga! Hindi siya karapat dapat sa trono na iyan mas mabuti pa ang
kanyang kapatid mabait na makisig at malakas pa!

Tsismosa 3: oo nga!hay naku mukhang hindi magiging maganda ang kapalaran ng


kahariang ito.
Tsismosa 4 : itigil niyo iyan nandiyan ang hari maaari kayong maparusahan sa inyong
ginagawa.

(Namamasyal ang magkapatid sa kanilang kahariang sinasakupan)

(kinikilig ang mga babae dahil sa angking kagwapuhan at kabaitan ni bantugan)

Haring madali: parang pinipyistahan ka ata ng mga kababaihan dito mahal kong kapatid
ha?

Prinsipe bantugan: hindi naman sa ganon mahal na hari sadyang masaya lang sila na
naparito tayong dalawa.

(nang may biglang yumakap kay prinsipe bantugan)

Babae: prinsipe bantugan ang gwapo gwapo niyo naman po tanggapin niyo poi tong
bulaklak at ang mga preskong prutas.

Babae 2: oo nga prinsipe bantugan tanggapin niyo rin po itong kwentas na bulaklak na
ginawa ko.

(at agad namang sumunod pa ang ibang kababaihan) (walang pagdadalawang isip namang
tinanggap ni bantugan ang mga inalay sa kanya)

Prinispe bantugan : maraming salamat mga binibini malugod kong tinatanggap ang mga
inaalay ninyo nawa’y pagpalain kayo ng Bathala.

Haring madali: kawal! Parang nasasaktan na ang aking kapatid paalisin mo ang mga
babaeng iyan sa aking harapan.

Kawal: masusunod po mahal na hari ( at agad namang pinaalis ng kawal ang mga babae).

Prinsipe bantugan : mga binibini kami’y aalis na’t baka ang hari’y napapagod na sa
paglalakad.

“paalam mahal na prinsipe hanggang sa muling pagkikita” (sigaw ng mga kababaihan)

Close tabing: ikatlong tagpo

umuupo ang hari sa kanyang trono hawak ang chaliss na may lamang ubas.

Jay (kanang kamay ng hari) : mahal na hari mukhang malalim ang inyong iniisip at
mukhang Malaki ang iyong problema tungkol po ba ito sa inyong kapatid?

Haring madali: masyado nang natatapakan ang aking pagkalalaki ano bang meron sa
aking kapatid na wala sa akin? Sagutin mo nga ako?!

Jay: mahal na hari perpekto po kayo lahat ay nasa inyo na!

Haring m: eh! Bakit masyadong kinagigiliwan ang aking kapatid?

Jay: bakit hindi kayo gumawa ng hakbang upang masulosyonan ang inyong problema
Haring M: oh siya! Simula sa araw na ito ayo kung makita na ni-isang dalaga na
makikipag-usap o lumapit sa aking kapatid kamatayan ang parusa sa paglabag ng batas
na iyan.

(hindi alam ng hari na patagong nakikinig ang prinsipe sa likod ng pinto)

Close tabing open tabing

Bantugan: hindi ko inaakalang ganoon pala ang tingin ng aking kapatid sa akin kailangan
kong umalis sa kahariang ito upang mapanatag ang kanyang loob at para na rin sa
kapakanan ng mga tao “paalam Bumbarian” (malungkot na huling salita ni bantugan)

Close tabing open tabing

Habang nakaupo si madali sa kanyang trono ay hinihingal na lumapit ang kanyang alalay
sa kanya.

Jay: mahal na hari mayroon pong iniwang sulat si prinsipe bantugan sa kanyang kwarto .
ito po’t basahin ninyo!

Ang liham: mahal kong kapatid, hnidi ko inaakalang mangyayari ang lahat ng ito. Ako’y
kusa ng umalis. Ginawa ko lamang ito upang walang sinuman ang masaktan sa yong
binabalak para sa akin. Akoy pupunta sa lugar na kung saan ay malayo sa iyong
prisensiya, mamumuhay ako ng iba sa pumumuhay natin sa ating kaharian. Naway
sumang ayon ka sa aking sinabi ng sa gayon walang sinuman ang masaktan, at higit sa
lahat an gating mga magulang sanay alagaan mo sila at huwag kang gumawa ng bagay na
ipapahamak nila.

(Ngigiti si madali ng patraidor at umopo)

Close tabing

Ikaapat na tagpo

Hingal na hingal na si prinsipe bantugan sa kanyang paglalakbay dahil sa subrang gutom


uhaw at pagod sa paglalakbay

)Hanggang sa hinimatay siya sa isang kaharian.).

Prnsipe bantugan :ako’y pagod na pagod na ! anong kaharian ito (at biglang hinimatay
dahil sa subrang pagod)(sia’y hinimatay sa harap ng kaharian ng encantadia .

At siyang paglabas ng prinsesa ______

Prinsesa: kay gwapong nilalang! bakit kaya ito napadpad dito? Mga kasama? Tulungan
ninyo ako dalhin natin siya saloob ng palasyo.

Hinubaran ng prinsesa ang prinsipe at agad namang pinakain at pinainom ng tubig


Prinsesa : saan kaya galing ang lalaking ito ? babaylan? Alamin niyo nga kung saan galing
ang napakagwapong nilalang na ito? (habang hinahawakan ng prinsesa ang mukha ng
hari ay tila’y may pag-ibig siyang naramdaman dito)

(nag-uusap ang prinsesa at ang kaniyang mga kasama)

(Habang pinupunasan ng reyna ang mukha ng prinsipe ay biglang nagkamalay ito at agad
na niyakap ang prinsesa )

Prinsipe bantugan: maraming salamat sa iyong pagtulong maari ko bang malaman ang
iyong pangalan?

Prinsesa: ako nga pala si prinsesa______ ako ang pinuno ng kahariang ito wala kaming
tinuturing na hari dahil karamihan ng tumitira dito ay mga babaylan. Binilin lamang ito
ng aking ama matapos siyang pumanaw ikaw maaari ko bang malaman ang iyong
pangalan? At kung saan ka naggaling?

Prinsipe: isa akong Prinsipe sa aming kaharian na tinatawag nilang Kahariang bumbarian

Prinsesa Amira : eh bakit ka naman napadpad ditto sa napakalayong kaharian ko mahal


na prinsipe?

Prinsipe: gumawa kasi ng batas ang aking haring kapatid na ang lahat ng babaeng lalapit
sa akin ay kanyang papatayin kaya’t mas minabuti ko na lumayo para sa kapakanan ng
lahat.

Prinsesa :sandali lamang at kakausapin ko ang aking mga kasama kung maari kabang
manatili ditto at kung sigurado k aba sa mga sinasabi mo .

Prinsipe: malugod ko pong tatanggapin mahal na prinsesa ang inyong desisyon.

(Agad namang kinausap ng prinsesa ang mga kasama niyang babaylan)

Prinsesa amira: hindi pa ba dumadating si_________ ? kailangan nating malaman kong


sigurado ang mga sinasabi nitong taong ito nang sa gayon ay hindi tayo malagay sa
kapahamakan.

Babaylan 1: hindi pa ho mahal na prinsesa malayo po kasi ang kanyang pinuntahan at sa


palagay ko’y matagal pa tayong maghihintay.

Babaylan 2: oo nga mahal na prinsesa pero huwag ho kayong mag-alala sigurado akong
mabuti ang taong iyan.

(at agad namang dumating ang babaylang inutusan ni amira)


Babaylan 3: mahal na prinsesa! Mahal na prinsesa! Hindi paman ako nakakalayo ay
mayroon akong narinig sa isang bayan na mayroong prinsipeng taga bumbarian na lumyo
dahil sa batas na pinapatupad ng kanyang kapatid na hari ngayon ay hinahanap siya ng
mga kawal ng hari.

Prinsesa amira: maraming salamat babaylan totoo nga’t isang siyang prinsipe oh siyaano
ang magiging desisyon ninyo ? patitirahin ba natin siya ditto o papaalisin natin ?

Babaylan 5: mahal na prinsesa wala po kaming sapat na kakayahan upang magdesisyon


sa mga ganyang bagay desisyon po ninyo ang mas nakakataas ditto.

Prinsesa : oo nga’t ako ang namumuno ditto ngunit sa mga ganitong bagay kailangan ko
ang mga desisyon ninyo. Ngayon ? ano ba ang desisyon ninyo?

Mga babylan: sige mahal na prinsesa atin pong tanggapin ang bisitang iyan !

Prinsipe bantugan: maraming salamat sa inyo mahal na prinsesa maraming salamat sa


kabutihang inyong pinakita!

Ikalimang tagpo:

(nakaupo ang hari sa kanyang trono naghihirap na ang mga tao dahil sa kalupitang
kanyang pinaranas sa mag taong kanyang sinasakupan. Nakupo habang may
pinapatungang alipin sa kanyang paa)

Haring madali: hahahahahhaha! Bigyan niyo pa ako ng alak at ipasok ang lahat ng
babaeng iyan sa aking kwarto ! walang sinuman ang makahihigit sa aking kapangyarihan
walang sinuman ang tataas sa aking karangalan ang lahat ng lalabag sa aking batas ay
kamatayan ang kaparusahan

Jay advisor: Mahal na hari narito nap o ang mga kawal na pinadala ninyo upang
maghanap kay prinsipe bantugan .

Gwardiya 1: mahal na hari hindi po naming nahanap ang inyong kapatid!

Gwardiya 2: patawarin po ninyo kami mahal na hari ginawa po naming lahat n gaming
makakaya!

Hari: mga inutil diba sinabi ko sainyo na hanapin niyo ang hambog na iyon ( at pinatay
ang dalawang kawal)

Hari :hahahaha alam ba ng bantugan na iyon kung ano ba talaga ang totoong istorya ng
buhay niya? Hahahaha uto-uto akala niya siguro’y tinuturing ko siyang tunay na kapatid
hahahahah !!(at sinipa ang mga alalay )

jay advisor : mahal na hari narito po ang iyong ama’t ina)


hari: papasukin mo sila.

AMA: madali? Ano bang nangyayari sa iyo ? naghihirap na ang mga taong sinasakupan mo
wala nang naaning pagkain lugmok na ang lahat ng pananim at unti unti nang nauubos
ang mga hayop! At bakit hindi mo pa nahahanap ang iyong kapatid? Alam mo bang
malungkot na malungkot na ang iyong ina?

HARI: kapatid? Sinong nagsabing kapatid ko ang inutil na iyon ? diba ? pinulot niyo lang
ang demonyong iyon sa palayan? Na iniwan ng kanyang ina dahil wala siyang kuwenta?

(sinampal ng malakas ng ina ang kanyang anak)

INANG AMALIA: huwag na huwag mong matawag na demonyo ang kapatid mo at lalong
hindi siya naming pinulot sa palayan! Oo ampon ang kapatid mo! Pero alam mo bang mas
lumaki siya ng mabait kaysa sa iyo alam mo bang mas minahal kami ng kapatid mo kaysa
sa iyo ? kinain ka na ng kapangyarihang inuuupuan mo madali masyado kanag kinakain
ng demonyo diyan sa puso mo!

(and madali threatens to stab her mother with a sword)

HARI: madali? Subukan mong ituloy yan at sa iyo ko isasaksang ang espadang iyan.
hindi ka karapat dapat na mamuno sa kahariang ito.

MADALI: umalis kayo sa harapan ko mga inutil !mga kawal ikulong ang mga taong iyan
simula sa araw na ito wala na akong ina’t ama alis!

(at agad namang pinaalis ng kawal ang dalawa)

Ikaanim na tagpo

(habang natutulog ang mag asawa ay nilason ito ng kanilang anak na si madali)

(pagkaumaga ay labis ang paghihinagpis ng mga tao sa bumbarian.

(walang bakas na kalungkotan si madali)

(PAG ADLIB RAMO DIRI MGA DZAI KAY KAPOY NAKOG BUHAT SCRIPT HAHA
CHAROOS)

CLOSE AND OPEN TABING

(dahil sa kabutihang pinapakita ni bantugan ay maslalong napaibig si prinsesa at napaibig


na din si bantugan. SO MABUHAT TAG MGA SCENE DIRI HA NA NGANONG NA INLOVE SILA
SA ISAT’ISA OK?)
habang namamasyal si bantugan at prinsesa sa kanilang palasyo ay biglang dumating ang
isang babaylan

Babaylan 6: mahal na prinsipe ! mahal na prinsipe?! Mayroon po akong masamang balita

PRINSIPE: ano iyon ? babylan?. Magsalita ka

Babaylan6: mahal na hari nabalitaan kopo sa isang bayan na nilason ng hari ang kanyang
amat ina sa kaharian ng bantugan

(labis na nagulat si bantugan at napaluhod)

BANTUGAN: mahal na prinsesa kailangan kong bumalik sa aking kaharian upang


ipaglaban ang aking mga tao at upang iganti ang aking mga magulang.

PRINSESA: bantugan, iyong tanggapin ang aking inaalok lahat ng babaylan ditto ay sanay
sa pakikidigma maaasahan mo an gaming kakayahan.

BANTUGAN: mahal kong prinsesa ayo kong mapahamak ka hindi ko kakayanin kong may
masamang mangyayari saiyo.

PRINSESA: aking mahal magtiwala ka sa kakayahang binigay ni ALLAH sa amin.

BANTUGAN: sige mahal kong prinsesa kung iyan ang iyong gusto

(at agaD na naghanda ang mga warriors hahahaXD)

IKAPITONG TAGPO:

(pagkabukas ng tabing ay nakaupo si madali na may hinahawakang espada )

Kawal 1: mahal na hari? Nilulusob po tayo ng inyong kapatid. Kasama ang mga bbaylang
galing sa ibang kaharian kauni nalamang po ang mga natirang kawal .

(galit nag alit si madali nang biglang pumasok si bantugan)

Madali: narito pala ang magaling kong kapatid na gustong gusto ng lahat ?! anong
maipaglilingkod ko sa iyo ? mahal kung kapatid? !

Bantugan: tumahimik ka madali anong narito ako upang ipaghiganti ang ginawa mo sa
ating magulang wala na talagang magandang kalooban na natitira diyan sa puso mo !

Madali: ha? Kapatid?! Anong sinasabi mong kapatid ha? Hindi ba sinabi sayo ng mga
mababait mong magulang na pinulot kalang nila sa palayan dahil iniwan ka ng ina mong
walang kuwenta?

Bantugan: hindi ako naniniwala sayo madali (galit na galit).


Madali: pwes kong hindi ka naniniwala ay tanungin mo ang aking kanang kamay na
siyang nag-alaga sa ating dalawa mula nang tayoy sanggol palamang!

Bantugan: totoo ba ? ang mga sinasabi niya? _______ sa ngalan ng kahariang ito ay sabihin
mo sa akin ang totoo dahil kong hindi ako mismo ang tatapos ng buhay mo !

Jay: opo mahal na prinsipe pinulot lamang po kayo sa palayan at ayaw ng iyong mga
magulang na sabihin ang totoo dahil minahal ka na nila na parang totoo nilang anak at
ayaw nilang masaktan ka.

Madali: ngayon?! Mahal kung kapatid anong nararamdaman mo? Galit ? o kasiyahan?
Hahahahahahaha!

Bantugan: oo pinulot lang ako sa palayan! Pero alam mo bang mas naramdaman ko ang
pagmamahal nila sa akin? Wala akong galit na nararamdaman sa aking puso. Kasiyahan
ang siyang nangingibabaw sa aking puso dahil alam kong minahal ako ni ina’t ama at
hindi pinabayaan tulad mo!

Madali: anong sinabi mo?! (at magaaway espada sa espada action scene yan ditto bes XD)

(at aagad nanapatay ni bantugan si madali tapos I hug niya si prinsesa amira and then
karang akala niya kay patay na si madali tapos karang gidalagan ni madali sa bantugan na
patyon . kaya lang si prinsesa ang pumigil ditto at siya ang namatay oh diba? Movie kaayu
haha)

Ikawalong tagpo( close and open tabing)

(nakaluhod si bantugan at kinakausap ang kanyang mga mahal sa buhay na namatay

Pinapangako ko sa inyong aalagaan ko ang lahat ng sinasakupan ko at itataguyod ko ng


mabuti ang kahariang ito!

At agad na tumayo si bantugan!

Mga tao : mabuhay ang bagong hari!

Mabuhay!

Mabuhay si haring bantugan!

Mabuhay!

(pero diri kay maaliwalas nan a diri ang palasyo ha? )

THE SURPRISE SCENE HAHA!


MGA TAUHAN

PRINSIPE BANTUGAN

PRINSESA AMIRA

HARING MADALI

AMA

INA

KATONG MGA BABAE NGA NAG ALAY UG BULAK KAY BANTUGAN (DALAWA)

TSISMOSA 1

TSISMOSA 2

TSISMOSA 3

TSISMOSA 4

TSISMOSA 5

MGA GWARDIYA MURAG UPAT?

BABAYLAN 1

BBAYLAN 2

BABAYLAN 3

BABAYLAN 4

BABAYLAN 5

BABAYLAN 6

KATONG BABAYLAN NA GISUGO

KANANG KAMAY NI MADALI

MGA TAO SA PALASYO NG BUMBARIAN

You might also like