You are on page 1of 11

Aralin 22 – Ang paghahanap sa Reino de los Crystal

TAGAPAGSALAYSAY: Limang buwan nang naglalakbay si Don Juan para marating ang ikapitong
bundok na sinasabi ng ermitanyo. At pagdating doon ay nadatnyan na ito.
ERMITANYO: Sino ka at anong ginagawa mo rito? Lumaya ka sa akin!
DON JUAN: Ingkong, huwag po kayong matakot. Mahaba po ang aking nilakbay upang kayo
lamang ay makita. Narito po ang aking dala, isang kapirasong baro na ibinigay saakin ng isa pang
ingkong sa aking pinanggalingan.
TAGAPAGSALAYSAY: Napatungo ang Ermitanyo nang makita ang baro na dala ng prinsipe at
napaluha.
ERMITANYO: Kung gayon, ano ang sadya mo sa akin upang ika’y matulungan ko?
DON JUAN: Gusto ko po sanang malaman kung nasaan ang Reino de los Crystal?
ERMITANYO: Sa limang daang ako’y naninirahan dito ay hindi ko alam kung saan ang tinutukoy
mo na kaharian. Hayaan mong tawagan ko ang mga hayop na aking sakop at tayo ay humingi ng
tulong sakanila.
TAGAPAGSALAYSAY: At tinawag nga ng ermitanyo ang kanyang mga hayop sa pamamagitan ng
pagtunog ng kampana. Nagsidatingan na ang mga hayop ngunit ni isa sakanila ay di alam ang
tinutukoy na kaharian, pati ang Olikornyo na hari ng mga hayop ay walang alam kung saan ito.
Nanatiling tahimik si Don Juan at buo ang pananalig na makarating din nya ang Reino de los
Crystal.
ERMITANYO: Narinig mo Don Juan n ani ang familiar ko ay hindi alam kung saan ang itinutukoy
mong kaharian ngunit huwag kang mag-alala, pumunta ka sa ikapitong bundok at doon ay
naroon ang aking kapatid. Dalhin mo itong baro ko baka sakaling makatulong ito at ipapahatid
na kita kay Olikornyo ng ika’y di mahirapan.
TAGAPAGSALAYSAY: At tumungo ang prinsipe sa ikapitong bundok

ARALIN 23 – MAGANDANG BALITA


TAGAPAGSALAYSAY: Ang prinsipe ay sumakay sa likod ng Olikornyo kaya’t mas mapadali ang
paglalakbay niya. Pagkababa niya ay nagtatakang nagtanong sakanya ang Ermitanyo.
ERMITANYO: Sino kang pahangas at manunukso? Matagal Nakong hindi nakakakita ng tao rito.
DON JUAN: Narito po at tingnan niyo ang dala kong baro. Ipinadala po ito ng isang Ermitanyo sa
aking pinanggalingan.
Tagapagsalaysay: Hindi maipaliwanag ang say ana nararamdaman ng Ermitanyo habang yakap
ang dalang baro ng prinsipe. Isa raw itong himala na hinintay niya, at lubos na nagtaka si Don
Juan. Napansin niyang mas matanda ang Ermitanyo na kaharap niya ngayon kaysa sa Nakita
niyang Ermitanyo sa pinanggalingan niya.
ERMITANYO: Sino ba ang pinagkunan mo ng mahal na barong ito?
DON JUAN: Gaya nga po nang sinabi ko kanina, galing ito sa isang Ermitanyong pinanggalingan
ko kanina ang baro.
TAGAPAGSALAYSAY: At tinawag nga ng Ermitanyo ang kanyang mga ibon sa pagpapatawag ng
kampana. Dumating agad ang iba’t ibang ibon at tinanong ng Ermitanyo ang mga ito at ni isa ay
hindi alam ang kaharian ngunit sa mga hanay ng mga ibon ay kulang ng isa. Ang malaking agila,
at dumating nanga ang agila.
ARALIN 24 – PAGSAPIT NG CRISTALINO
TAGAPAGSALAYSAY: Hindi nakalimutan ng agila na magbaon para sa mahabang paglalakbay nil
ani Don Juan, ang maliliit na ibon ang nagging pagkain ng agila samantal si Don Juan ay walang
kapagod pagod na nakaupo sa likod ng agila habang naglalakbay sila sa Dakong Silangan
patungo sa Reino de los Crystal at nang silay makadating ay takip silim na.
AGILA: Prinsipeng Don Juan, dito na kita iiwan.Mamayang madaling araw darating ang
Prinsesang hinihintay niyo. Tatlo silang magkakapatid at si Donya Maria ang pinaka mabait at
sila ay dito maliligo kaya ikaw ay magtago. Darating sila bilag kalapati na dadapo sa puno ng
peras na ito.
TAGAPAGSALAYSAY: At umalis nanga ang agila. Naghintay ang prinsipe hanggang mag-umaga na
at tulad nga ng sinabi ng agila, dumating na ang mga tatlong Prinsesa. Hindi matatawaran ang
kagandahan ni Prinsesa Maria Blanca lalo na nong naghubad ito ng saplot at lubos na natulala
ang prinsipe sa nakita.
DON JUAN: Himala ka nga ng langit. Sa haba ng aking nilakbay ay sulit naman dahil ika’y at ng
iyong kagandahan ay nakita ko.
TAGAPAGSALAYSAY: Hindi napigilan ng Prinsipe ang kaniyang pananabik kaya’t kinuha niya ang
damit ng Prinsesa.
ARALIN 25 – NASUBHANG GALIT
MARIA BLANCA: Sino kaya ang lapastangan ang kumuha ng damit ko? Baka utusan ng Amang
Hari ang magnanakaw. Dapat hindi nila ginagawa sakin ito dahil kahit amak o alipin ay lubos ang
paggalang ko sakanila.
TAGAPAGSALAYSAY: Iniwan na ng dalawang niya kapatidsi Maria Blanca. Halos isang oras niyang
hinanap ang kaniyang damit, gayunpama’y di parin nawawala ang kaniyang galit.Pagkatapos ng
ilang sandal lumabas na rin si Don Juan at biglang lumuhod sa galit nag alit na Prinses.
DON JUAN: Mahal na prinsesa patawarin mo po sana ako sa aking nagawa. Alam kong nagging
mapangahas ako kung kaya’t handa akong tanggapin ang parusang ipapataw niyo saakin.
TAGAPAGSALAYSAY: Sa sinabi ng Prinsipe unti-unting nawala ang galit ng Prinsesa
MARIA BLANCA: Ang galit ko man ay parang apoy na nagliliyab ay hindi ko naman mapigilang
maawa sa iyong kalagayan. Kahit na apoy na mainit kapag binuhusan ng tubig, namamatay rin.
Kaya’t pinapatawad nakita ngunit matanong ko lang, saan kaba kahariang nanggaling?
DON JUAN: Bulaklak ng Sampaga, ako ay galing sa kaharian ng Berbanya at sa totoo lang hindi
ko alam ang pagbalik roon. Sinadya kong puntahan ang iyong kaharian dahil lubos na
bumabagabag sa akin ang isang sakdal-dilag, kung sa aking pagsusumamo wala paring makawit,
mamatay man para s aiyo walang kapantay. Kaya kunin mo na ang iyong damit at baka
pagsisihan ko pa ito habang buhay.
TAGAPAGSALAYSAY: Lalong nahabag sa matatamis na salita ang prinsipe kung kaya’t kinuha na
niya ang damit at nagmamadaling nagbihis.
MARIA BLANA: Tumayo ka at hawakan mo ang aking kamay, tanda ng aking walang kapantay at
tapat nap ag-ibig para s aiyo.
TAGAPAGSALAYSAY: Tumayo si Don Juan at inabot ang kamay ng prinsesa. Umupo ang dalawa sa
batong makinis at sila’y nag-usap.
MARIA BLANCA: Sa ating pagiibigan ang sinumang maglihim ay isang taksil dahil ang paglilihim
ay isang kataksilan.
TAGAPAGSALAYSAY: Patuloy na pagsasalaysay ang Prinsesa.
ARALIN 26 – ANG UTOS NG HARI
TAGAPAGSALAYSAY: Patuloy sa pagsalaysay si Maria Blanca
MARIA BLANCA: Nakikita mo ba ang mga batong nakahanay na iyon? Iyan ang mga taong naparusahan
ng aking Amang Hari. Ginamit niya ang ang kaniyang kapangyarihan kaya't lahat ng batong yan ay mga
prinsipe at iba pang nangako ng kanilanf pagsinta ngunit naisahan ng aking ama sa katalinuhan.
TAGAPAGSALAYSAY: Patuloy sa pakikinig si Don Juan sa mga bilin ng mahal na prinsesa.
MARIA BLANCA: Mamayang ikalima ay gigising na ang aking Ama. Kapag ikaw ay tinanong kung ano ang
pakay mo sa kanya, sabihin mo ay maglilingkod ka sa kanyang kaharian at kapag ikaw ay nagtagumpay,
hilingin mo na ang maging kapalit ay ako na iyong pakasalan. Sakaling ikaw ay anyayahan niya sa loob ng
palasyo, magpasalamat ka ngunit mas pipiliin mo ang mananatili sa labas at tumanggap ng kanyang utos.
Kapag ikaw ay bumigay sa kanyang bitag, tiyak na iyon na ang katapusan. O, siya sige, humayo ka na Don
Juan. Ako ay aalis na, magkikita tayo ulit rito para malaman ko kung ano ang iniutos ng aking Ama.
TAGAPAGSALAYSAY: Umalis na si Maria Blanca at noon naman ay nagisibg na si Haring Salermo, ang
Amang Hari ni Prinsesa Maria Blanca
DON JUAN: Magandang hapon po sa inyo, Mahal kong Hari, ako po ay si Don Juan galing sa kaharian ng
Berbanya, pangatlong anak ng amang hari at pumarito dahil sa aking wagas na pag-ibig da inyong mahal
na anak.
HARING SALERMO: Ah ganoon ba? Sige tayo nang pumanhik sa itaas at doon tayo mag-udap tungkol sa
aking anak.
Don Juan: Salamat na lamang po. Mahal kong Haring Salermo, ngunit mas pinipili ko pong manatili dito
at mag-hintay sa inyong kautusan.
TAGAPAGSALAYSAY: Tinawag ng Hari ang kanyang alagad at nagpakuha ng trigo.
HARING SALERMO: Don Juan, pakinggan mong mabuti ang iyong gagawin. Ibibigay ko sa iyo ang mga
trigot ito. Ingatang wag mabawasan pagkat ngayong gabi ay itatanim mo iyan. Tibagin mo ang bundok
na iyon at doon mo itanim, patubuin at anihin ang mga ito. Gawin mo rin itong tinapay para paggising ko
bukas, iyon ang aking umagahan.
ARALIN 27 - IKALAWANG UTOS
TAGAPAGSALAYSAY: Sinimulan na ng Prinsipe ang kanyang pagtupad sa inutos ng hari. MARIA
BLANCA: Hayaan mong ako na ang gumawa niyan. Magpahinga kana lamang.
TAGAPAGSALAYSAY: At wala pang idang saglit ay napatag na ang bundok at doon ay tumubo
ang malulusog na trigo. Gulat na gulat ang Hari sa nakitang tinapay na nasa kanyang hapag.
HARING SALERMO: Kahanga-hanga ang Prinsipeng iyan!
TAGAPAGSALAYSAY: Ipinatawag uli si Don Juan para sa susunod na kautusan
DON JUAN: Ano po ang aking maipaglilingkod sa inyo, aking mahal na Hari?
TAGAPAGSALAYSAY: Pumunta muna sa karagatan ang dalawa at sinabi ng Hari ang ipinag-uutos
HARING SALERMO: Ito ang iyong gagawin. Pakawalan ko ang mga ito sa karagatan at dapat
makikita ko ulit sila sa bukas na praskerang ito.
TAGAPAGSALAYSAY: Iniwan na ng hari ang prinsipe. Sinabi ni Don Juan sa prinsesa ang ibinilin
ng hari.
PRINSESA MARIA: Madali lamang ang ipinagagawa ng aking Amang Hari.
TAGAPAGSALAYSAY: At tinawag nga ng prinsesa ang mga negritong iyon ang tinig ni prinsesa
Maria. Kinabukasan, ang Hari ay hindi makapaniwala sa nakita.
HARING SALERMO: Talagabg kahanga-hanga ang prinsipeng iyon.
ARALIN 28 - PAG-UNSOD NG BUNDOK
TAGAPAGSALAYSAY: Ipinatawag muli ng Hari si Don Juan para sa ikatkong kautusan.
HARING SALERMO: Ibig ko ay iusod mo ang hundok na iyon upang magkaroon dito ng sariwang
hangin.
TAGAPAGSALAYSAY: Nagpaalam ang Prinsipe sa Hari
MARIA BLANCA: Magaan lamang ang kanyang ipinagagawa. Hayaan mong ako ang gumawa
para saiyo
TAGAPAGSALAYSAY: Nag usap sila buong magdamag na para bang hindi nagkita ang mga ito at
pinagpahinga na lamang ni Donya Maria si Don Juan. Pagkagising ni Haribg Salermo ay
sumasalubong ang na sakanya ang malakas na bugso ng hangin.
ARALIN 29 - TANGGULANG KAHANGA HANGA
HARING SALERMO: Humahanga ako sa iyong taglay na galing, ngunit may isa pa akong hiling sa
iyo. Ngayon naman ay ilipat mo ang bundok na ito sa gitna ng dagat. Gawin mo itong palasyo na
may mga kawal at mga kanyon na nagpuputukan na para bang may digmaan at lagyan mo rin
ng kalsada na magdudugtibg sa palasyo at moog upang ako ay may malakaran
TAGAPAGSALAYSAY: Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay bumalik si Don Juan sa kanyang
tinutuluyan. Tuwing gabi ay nagkikita sina Don Juan at Donya Maria at nalaman ni Donya Maria
ang muling pagsubok ng kanyang ama.
DONYA MARIA: Sige na matulog kana nang mahimbing, ako na ang bahala sa lahat. Alam mo
naman ang ama kung ano ano ang hinihiling
TAGAPAGSALAYSAY: Sa isang iglap ay natapos naisaayos na ang lahat. Nakatayo na ang palasyo
at maog na may maraming kawal na animo'y nakikipagdigmaan.
HARING SALERMO: Ano ba ang ingay na yon?
TAGAPAGSALAYSAY: Manghang-mqngha ang hari sa mga nakita. Aliw na aliw itong
pinagmamasdan ang kanyang paligid habang sila ni Don Juan ay patungo sa maog. Hindi sila
pinapasok sa loob ngunit nang magsakita si Don Juan ay nagyukuan ang lahat at pinapasok sila.
Ngunit hindi parin nawala ang kalungkutan ng hari at nadagdagan pa iyon nang kanyang
malaman na nawala pala ang kaniyang singsing. Hiniling ng haring itigil na ang putukan at
bumalik na sila sa palayso. Bagama'y hindi pa nagsasakita si Don Juan, isang tingin lang sa kawal
ay nagkaroon na ng kapayapaan
ARALIN 30 - DALAWA PANG KAHILINGAN
TAGAPAGSALAYSAY: Nang hapong din iyon ay pumunta si Don Juan sa may hardin kung
saan naglilibang si Haring Salermo. Hiniling niya na maibalik sa dating kalagayan ang paligid.
Umakis si Don Juan at sinabi niya ito kay Donya Maria
DONYA MARIA: Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala
TAGAPAGSALAYSAY: At nang umaga ding iyon ay bumalik ang lahat sa dati. Nagtaka ang
Hari sa mga naganap na pangyayari kaya pinasundo niya muli si Don Juan
HARING SALERMO: Don Juan, napakalaki na ng utang ko sa iyo. Sa kaligayahang naidudulot
mo, hindi ko alam kung paano ka mababayaran. Bakit ba kasi sayo ko naipakita ang sakit ko na
humiling ng kung ano-ano. Kaya ngayon may gusto pa sana akong hilingin sa iyo ngunit ako ay
nahihiya na.
DON JUAN: Diba sinabi ko naman sayo na ako ang alipin mo at lahat ng hiling mo ay tutuparin
ko. HARING SALERMO: Maraming salamat, habang naglalakad tayo papunta sa moog,
nalaglag ang aking pinakamamahal kong singsing. Hinihiling ko sana sa iyo na hanapin mo ang
aking singsing at gusto ko sanang makita ito sa ibabaw ng aking unan bukas ng umaga.
DON JUAN: Huwag kayong mag-alala, hahanapin ko ang iyong singsing kahit ikamatay ko pa.
Pangako ko yan sa inyo.
TAGAPAGSALYSAY: Alam na ni Don Juan na kapag hindi niya makita ang singsing ay
mamamatay siya sapagkat hindi niya natupad ang hinihiling ni Haring Salermo. Isinalaysay ni
Don Juan sa kasintahan ang nais ng Hari. Pumalaot ang dalawa upang mahanap ang singsing ng
hari.
DONYA MARIA: Tadtarin mo ako ngayon at itapon sa dagat. Ang mga piraso ng katawan ko ay
magiging isda upang hanapin ang singsing ng aking Ama. Kapag nakita mong hawak ko na ang
singsing ay kunin mo na kaagad ito ng makaahon ako
TAGAPAGSALAYSAY: At iyon nga ang nangyari. Lumudong sa tubig ang Prinsesa, matagal
ang nangyaring paghahanap. Nakatulog si Don Juan at hindi niya napansin ang sumesenyas na si
Donya Maria. Nabitawan nito ang singsing at nawala sa karagatan. Umahon ang prinsesa na may
inis sa kasintahan.
DONYA MARIA: Ano kaba naman mahal ko? Bakit ka natulog? Diba ang sabi ko sa iyo
hintayin mo ako at kunin mo ang singsing. Tadtarin mo na uli ako at ihagis sa dagat.
TAGAPAGSALAYSAY: Dali-daling tinadtad ni Don Juan ang Prinsesa. Sa kanyang
pagmamadali ay hindi niya napansing tumalsik ang dulo ng darili nito. Nang makaahon na si
Donya Maria ay iyak ng iyak ng malamang nawawala ang dulo ng kanyang darili.
DONYA MARIA: Tingnan mo dahil sa hindi mo pag-iingat nawala ang dulo ng darili ko. Ito
lang ang tatandaan mo, ako lamang ang Prinsesang may putol ang darili.
TAGAPAGSALAYSAY: Maya-maya lang ay nagisibg na ang hari at gulat na gulat ito nang
makitang nasa ibabaw ng kanyang unan ang kanyang singsing. Dali daling pinatawag ang
Prinsipe upang makausap
HARING SALERMO: Susubukin ko ulit siya. Ngayon, sisiguraduhin kong hindi na siya
makakalampas dito. At kung makapasa man siya, saka ko na lang iisipin kung ano ang gagawin
ko.
ARALIN 31 – AWA’T LUPIT NG SANDATA
TAGAPAGSALAYSAY: Muling humarap ang Prinsipe kay Haring Salermo
DON JUAN: Ano po ang ipag-uutos ninyo Mahal na Hari
HARING SALERMO: Ako ay may hayop na alaga na sobrang ilap at napakasama. Gusto ko
sanang paamuin mo siya at gawing mabuti. Umuwi ka at magpahinga at makapaghanda para
bukas.
TAGAPAGSALAYSAY: Kinagabihan ay naghintay si Don Juan kay Donya Maria. Matagal
tagal din itong hinintay, nang dumating ang Prinsesa, at sinabi niya sa prinsesa ang nais ng hari.
DONYA MARIA: Ang kabayong mailap na sinasabi ng aking Ama ay ang aking Ama mismo.
At ang mga kasangkapang gagamitin mo ay mga kapatid ko rin. Kapag nakita mo itong
nanghihina na, saka mo ito atakihin upang hindi na makalaban. Kapag ikaw ay nakasakay na,
humawak kang mabuti.
TAGAPAGSALAYSAY: Pagkasabi ng prinsesa sa mga tagubilin nito ay umalis na si Don Juan
upang maghanda. Totoo ngang napakalupit at katakot-takot ang kabayong sinasabi ng hari.
Nagsimula na ang pagpapaamo. Sinugod ni Don Juan ang lahat ng tagubilin ni Donya Maria.
Nagtagumpay sa pagpapaamo sa kabayo ni Haring Salermo.
DONYA MARIA: Bukas nang umaga ay ipapasundo ka ng aking ama upang makapanayam.
Pumunta ka sa palasyo, tiyak na importante ang inyong pag-uusapan. Sige, hanggang bukas
mahal ko.
ARALIN 32 - NADAIG ANG LIHIM
UTUSAN: Magandang umaga po. Tayo napo sa palasyo dahil inutusan po ako ng Mahal na Hari
DON JUAN: Bakit daw?
UTUSAN: Gagawin na raw po kasi ang pagpili
DON JUAN: Pagpili ng ano?
UTUSAN: Patawad po, pero hindi ko po alam
DON JUAN: Ganoon ba?
TAGAPAGSALAYSAY: Nagmamadaling umalis ang dalawa, sakay ng isang malaking ibon
kaya naman narating nila ang kaharian ng madali.
DON JUAN: Kamahalan, bakit ninyo ako pinatawag?
MAHAL NA HARI: Bibigyan kasi kita ng isang regalo
TAGAPAGSALAYSAY: At doon ay nakita ni Don Juan ang tatlong silid kubg saan nasa loob
nila ay ang mga anak ng Hari at doon siya pipili ng kanyang nais mapangasawa
DON JUAN: Mahal na Hari, nakapili napo ako
MAHAL NA HARI: Sige, mga kawal, buksan ang pintuan
TAGAPAGSALAYSAY: Pagbukas ng pinto ay nakita ng lahat ang nasa loob nito si Donya
Maria, ang tunay na minamahal ni Don Juan
ARALIN 33 - SUMPA NG HARI
DONYA MARIA:Bakit ganoon si ama? Wala siyang awa.
DON JUAN: Bakit ano ang kaniyang ginawa?
DONYA MARIA: Binalak kasi niyang tayo ay paghiwalayin at ikaw ay ipapatay
DON JUAN: Ano? Totoo ba ang sinabi mo?
DONYA MARIA: Oo, totoo ang lahat ng aking sinabi
DON JUAN: Kung ganoon, ano ang ating gagawin?
DONYA MARIA: Kailangan nating makatakas dito
DON JUAN: Alam ko na, magtanan tayo mamayang gabi
DONYA MARIA: Sige pero teka bago ka umalis ay may sasabihin ako
DON JUAN: Ano iyon?
DONYA MARIA: Tandaan mo na nasa ikapitong pintuan ang kabayong pinakamabilis tumakbo.
Iyon ang dapat kunin upang di nila tayo maabutan
DON JUAN: Oo, tatandaan ko ang iyong sinabi
TAGAPAGSALAYSAY: Umalis na nga si Don Juan para kunin ang sasakyan nila sa kanilang
pag alis ngunit ibang kabayo ang kaniyang nakuha
DONYA MARIA: Don Juan, tingnan mo nga itong ginawa mo, dahil sa mali ang kinuha mong
kabayo ay. maaabutan nila tayo!
DON JUAN: Wala na tayong magagawa, nandiyan na iyan
HARING SALERMO: Maaabutan ko na kayo!
DONYA MARIA: Hindi, kailangan ko nang gamitin ang aking Mahika
TAGAPAGSALAYSAY: At ginamitan bga ng Prinsesa ng mahika ang mahal na Hari
DONYA MARIA: Nandiyan parin ba si ama?
HARING SALERMO: Anong naging dagat??
TAGAPAGSALAYSAY: Ginawang dagat ng Prinsesa ang daan at tuluyang hindi nakasunod sa
kanila ang kaniyang ama
HARING SALERMO: Panginoon, kayo na po ang bahala sa aking anak na si Maria.
Pagsisisihan mo ang ginawa mong pag iwan sa sarili mong ama!
TAGAPAGSALAYSAY: Dahil sa nangyari ay hindi na kumain ng tama ang hari at nagkaroon
na siya ng malubhang sakit at di nagtagal ay namatay
ARALIN 34 - ANG KAHILINGAN NG PRINSESA
TAGAPAGSALAYSAY: Pagkatapos makatakas sina Don Juan at Donya Maria sa ama ay
pumunta muna sila sa Berbanya at doon muna tumigil
DON JUAN: Donya Maria, magpapaalam sana ako dahil haharap muna ako sa aking ama. May
nais akong ipagtapat sa kanya na marapat sa atin at ang pagsalubong sa iyo
DONYA MARIA: Hindi ba pwedeng huwag na silang abalahin pa, isama mona lang ako
DON JUAN: Matagal akong nawala at alam ko na alang-alala na sila lahat sa akin, isa pa kahiya-
hiya ang Berbanya na di ka parangalan
DONYA MARIA: Hindi parin ako pumapayag
DON JUAN: Mahal, pupunta ako doon para mapaghandaan ang dating mo
DONYA MARIA: Bakit kailangan pabang mag mag-aksaya tayo ng oras? Huwag nalang
DON JUAN: Oo nga, pero ano nalang ang sasabihin ng ama mong Hari kapag nalaman niya
iyon? Magiging kahiya hiya ang aming kaharian
DONYA MARIA: Pero....
DON JUAN: Maria mahal ko... sige na, pumayag ka na
DONYA MARIA: Pumapayag na ako pero sa isang kondisyon
DON JUAN: O, sige, sabihin mo sa akin kung ano ang kondisyon
DONYA MARIA: Iwasan mong maging malapit sa sinomang babae, kahit na sa iyong ina at
maipapangako mo saakin na hinding-hindi ka titingin sa ibang mga babae, dapat ako lang.
DON JUAN: Ano ba naman Maria mahal ko magagawa ko pa ba sa iyon sayo? Alam mo naman
na ikaw lang ang babaeng nasa puso ko
DONYA MARIA: Alam ko... pero basta, mangako ka sakin
DON JUAN: Sige, pangako ko saiyo
TAGAPAGSALAYSAY: At umalis nanga si Don Juan at pumunta na sa kanilang kaharian

ARALIN 35- ANG PAGSALUBONG KAY DON JUAN


TAGAPAGSALAYSAY: Napakasayang sinakubong ng kaharian si Don Juan sa kanyang
oagdating at lahat ay nagdiwang sa pagbabalik ni Don Juan lalong-lalo na ang ama at ina niya
PRINSESA LEONORA: Don Juan? Ikaw ba yan? Tama ikaw nga!
DON PEDRO: Leonora, saan ka pupunta? Sandali, bumalik ka rito prinsesa!
PRINSESA LEONORA: Pabayaan mo na ako, matagal ko na hinintay ang pagbabalik ni Don
Juan. Don Juan, ako ito, si Prinsesa Leonora
TAGAPAGSALAYSAY: At nagmadali nang tumakbo si Prinsesa Leonora at agad na niyakap
ng mahigpit si Don Juan nang di iniisip kung ano ang sasabihin ng taong naroroon, at ang nasa
isip niya lamang sa oras na iyon ay nalaman ng hari kung ano ang tunay na nangyari noon
PRINSESA LEONORA: Mahal na hari, ako po sana ay iyong pakinggan
MAHAL NA HARI: Magsalita ka Leonora
PRINSESA LEONORA: Ang panata pong aking ginawa ay upang makaiwas na ikasal kay Don
Pedro. Si Don Juan po talaga ang aking mahal
MAHAL NA HARI: Paano nangyari iyon? Hindi ba't si Don Pedro ang iyong kasama sa
pagdating dito sa kaharian?
PRINSESA LEONORA: Tama po kayo, ngunit si Don Juan ang talagang nagligtas sa amin ng
aking kapatid at si Don Pedro ay inihulog si Don Juan sa balon upang maiuwi po ako at
pakasalan MAHAL NA HARI: Ano? Totoo bang lahat ang sinasabi mo?
PRINSESA LEONORA: Opo, si Don Juan ang talagang gusto kong maging asawa at siya ang
laman ng aking puso't isipan, pero tanggapin ko parin ang iyong desisyon
TAGAPAGSALAYSAY: Sandaling katahimikan ang nangingibabaw sa kaharian nang biglang
magsalita ang hari...
MAHAL NA HARI: Nakapagpasya na ako, dahil sa lahat ng napakinggan, ikaw Leonora ay
pinahihintulutan kong pumili ng gusto mong mapapangasawa
PRINSESA LEONORA: Salamat po, Mahal na Hari at pinahihintulutan niyo akong pumili at si
Don Juan po ang nais kong mapangasawa
MAHAL NA HARI: Kung ganon ay sa isang linggo na ang inyong kasal
TAGAPAGSALAYSAY: At lahat ay naghanda sa paparating na kasalan
ARALIN 36 - ANG PAGDATING NI DONYA MARIA
TAGAPAGSALAYSAY: Mabilis na kumalat ang balitang kasalan na mangyayari kay Don Juan
at Prinsesa Leonora at dahil sa mabilis na balita ay agad itong nakarating kay Donya Maria na
lubos nitong ikinagalit at agad itong pumunta sa palasyo
MGA TAO: Kaygandang Prinsesa at ngayon ko lamang siya nakita na parang isang diyosang
bumaba sa langit
TAGAPAGSALAYSAY: Nang makarating si Donya Maria sa kaharian ay di maiwasang siya ay
hangaan ng mga tao pati na rin ang Mahal na Hari
MAHAL NA HARI: Sino ang babaeng iyan? Kay gandang Emperatris, patugtugin ang musika
UTUSAN: Opo, masusunod Mahal na Hari
DONYA MARIA: Mahal na Hari, ikinatutuwa kopo kayong makilala. Ako po si Donya Maria at
nabalitaan ko po na ikakasalang isa niyong anak, gusto ko po silang batiin at bigyan ng regalo
TAGAPAGSALAYSAY: Habang nagsasalita ay hindi maiwasang tumingin si Donya Maria kay
Don Juan na noo'y parang nakalimutan niya na ito
MAHAL NA HARI: Kung ganoon ay sige, ano ba ang dala mong regalo
DONYA MARIA: Gusto ko po sanang bigyan sila ng isang tula, kung iyong papayagan
MAHAL NA HARI: Bakit naman hindi? sige magsimula kana
DONYA MARIA: Salamat po aking Mahal na Hari
TAGAPAGSALAYSAY: Umayos na nga si Donya Maria upang simulan ba ang kaniyang
palabas
ARALIN 37 – SA KABAYO ANG LATAY
TAGAPAGSALAYSAY: Nqng nagsimula ang palabas ng Donya ay lumabas boteng dala nito,
ang isang grupo ng mga ita, at nagsimula ang palabas
NEGRITO 1: Ako nga ay sagutin mo, kilala mo ba kung sino ako?
NEGRITO 2: Hindi, hindi kita kilala
NEGRITO 1: Ako si Donya Maria, alam mo ba kung bakit naririto ako at saan siya nagsimula?
NEGRITO 2: Hindi ko talaga kilala
NEGRITO 1: Ano? Hindi mo kilala ang babaeng iniwang mag isa at pinangakuang babalikan?
Bakit, nakalimutan mo naba talaga siya
TAGAPAGSALAYSAY: Nagpatuloy sa pagsasalita ang negrito at pinaalala kung sino si Donya
Maria
NEGRITO 1: Matigas talaga ang iyong ulo, hah! Meron akong hawak ngayon na suplinana
makakatulong sa pagpapaalala kung sino talaga si Donya Maria
TAGAPAGSALAYSAY: At doon nga'y pinalo ng negrito ang isa pang negrito pero imbes na
ang negrito ang nasaktan ay sa halip si Don Juan ang nasaktan
DON JUAN: Aray!! Sino ba ang pumalo sa aking likod? Aray ang sakit, ano ba, nasasaktan ako.
DONYA MARIA: Sige, sayaw naman ang inyong ipalit
TAGAPAGSALAYSAY: Tumigil ang mga dula at napalitan ng nakakaaliw na sayaw
DONYA MARIA: Itigil ang musiko at ipalit muli ang dula
NEGRITO 1: Ipapaalala ko uli kung wala ka talagang matandaan
NEGRITO 2: Pero, talagang wala akong maalala o matandaan sa mga sinasabi mo
TAGAPAGSALAYSAY: Nagpatuloy ang dula at tumagal ng isa't kalahating oras at ang
pagsasalaysay naman ay umabot sa nangyari kay Don Juan at Donya Maria
ARALIN 38 – HULING BARAHA
TAGAPAGSALAYSAY: Patuloy parin sa dula si Donya Maria at ipinagpatukoy ng negrita abg
pagkwekwentuhan tungkol sa nangyari pero talagang nakalimutan na ni Don Juan si Donya
Maria
DONYA MARIA: Itigil ang sayawan at palitan ng usapan
NEGRITO 1: Naalala mo pa ba Don Juan ang ginawa ko makatakas lang sa ama kong Haring
Salermo? Sinumpa ako ng aking ama dahil sa oagsana ko saiyo tapos pumunta tayo sa Berbanya
at doon ay sinabihan mong ika'y aalis at muling magbalik pagkatapos maihanda ang aking
pagdatibg
NEGRITO 2: Patawad peri wala talaga akong matandaan sa lahat ng mga sinasabi mo
NEGRITO 1: Kung ganoon ay talaga palang nalimot mo na ako. Wala na akong iba pang maisip
na paraan iyon ay ipakita kung sino ako. Don Juan ako'y labis mong nasaktan, ngayon ay
makikita niyo ang halit ko!!
TAGAPAGSALAYSAY: At tinapos na nga ang palabas at dahil sa galit ay binalak ng Donya na
basagin ang praskong hawak na sisira sa buong kaharian at dahil don nagbalik ang ala-ala ni Don
Juan kung sino si Donya Maria
DON JUAN: Naalala ko na! Maria mahal ko, ikaw nga! Ikaw ang babaeng aking iniwan at
pinangakong babalikan at pakakasalan. Oh, Maria mahal ko, itigil mo iyan. Halika, punta tayo sa
Ama at sabihin ko na ikaw talaga ang mahal ko at patawarin mo sana ako, mahal ko.
ARALIN 39 – ANG HINAKDAL NI LEONORA
TAGAPAGSALAYSAY: Di naiwasang nagkagulo sa pagitan nina Prinsesa Leonora at Prinsesa
Maria dahil kay Don Juan
PRINSESA LEONORA: Mahal na Hari, paano naman ako? Pitong taon akong naghintay sa
pagbalik ng inyong anak ng sa ganoon ay nasabi ko ang buong katotohanan at makasal sa
lalakung tubay na nagligtas sa akin
DONYA MARIA: Mahal na hari, hinihingi ko po sa inyo ang iyong pang-unawa. Mahal ko po
talaga si Don Juan. Siya po ang dahilan ng aking matagal na pagtitiis. Ako po sabay pakinggan
niyo.
MAHAL NA HARI: Kung ganoon katarungan ang dapat manaig, ikaw dapat ang pakasalan ng
anak ko
DONYA MARIA: Paano naman po ang aking kalagayan? Itinakwil na po ako ng sarili kong ama
dahil sa pagsama ko sa inyong anak. Sumama po ako sa kaniya ng walang pag-aalinlangan dahil
mahal na mahal ko po siya
MAHAL NA HARI: Kung gayon ay patunayan mo ang iyong mga sinabi
DONYA MARIA: Ngunit paano ko po gagawin iyon?
MAHAL NA HARI: Kailangang mapaniwala mo ang Arsobispo
ARALIN 40 - HATOL NG ARSOBISPO
TAGAPAGSALAYSAY: Dahil sa gulo pangyayari ay nagsimulang muli di Donya Maria upang
ipaglaban ang nararamdaman niya kay Don Juan
DONYA MARIA: Mahal na Hari, patawad po ngunit dapat hindi po tayo magpadala sa sinasabi
ng iba at alam naman po nating lahat kung sino talaga ang mahal ni Don Juan
TAGAPAGSALAYSAY: Muling isinalaysay ng Donya ang pag-iibigan nila ni Don Juan upang
mulung kumampi sakanya ang hari
DONYA MARIA: Kung inyo pong titimbanging ang sakripisyo ko at ni Prinsesa Leonora, di po
ba higit ang sa akin
TAGAPAGSALAYSAY: At doon nga natapos ang kwento ni Donya Maria at siya'y naupo sa
katabi ng lalaking ipinaglalaban
MAHAL NA HARI: Talagang mahirap ang sitwasyon niyo kaya na isip kong ipatawag ang
Arpobispo. Mga Kawal ipatawag ang Arsobispo
MAHAL NA HARI: Talagang mahirap ang sitwasyon niyo kaya na isip kong ipatawag ang
Arsobispo. Mga Kawal ipatawag ang Arsobispo.
MAHAL NG HARI: Talagang mahirap ang sitwasyon niyo kaya na isip kong ipatawag ang
Arsobispo.
KAWAL: Masusunod po Mahal na Hari
TAGAPAGSALAYSAY: Maya-maya may dumating ng Arsobispo
ARSOBISPO: Ayon sa batas ng kalangitan kung sino ang unang nagkatagpo siya ang unang may
karapatan kaya nararapat lamang na ikasal si Prinsesa Leonora kay Don Juan
DONYA MARIA: Hindi ako makapapatawad! Sa hatol na iginawad
TAGAPAGSALAYSAY: Hindi maiwasan ang labis na pagtutol ni Maria sa desisyon kaya
sobrang nagalit kay Prinsesa Leonora
ARALIN 41 - DALAWANG KASALAN
TAGAPAGSALAYSAY: Dahil sa sobrang sama ng loob ay xbinalak ni Donya Maria ang
maghiganti
DONYA MARIA: Napakasakit ang ginawa ninyo sa akin! Ito ang bagay sa inyo
DON JUAN: Maria, huwag! Tandaan mong ikaw ang mahal ko at pakakasalan.
TAGAPAGSALAYSAY: Hinarap ni Don Juan ang Arsobispo
DON JUAN: Pantisiping mataas, si Maria po talaga ang aking iniibig. Gusto ko po sanang
sakanya makasal para na rin sa ngalan ng katarungan
TAGAPAGSALAYSAY: Inabot ni Don Juan ang singsing kay Prinsesa Leonora upang ito'y
ibigay muli sa kanya
MAHAL NA HARI: Palagay ko'y marapat nga kayong makasal ni Donya Maria at ikaw Prinsesa
Leonora ay kay Don Pedro at ikaw Don Juan ang susunod na hari
DONYA MARIA: Gusto ko po sanang hilingin na kay Don Pedro na lamang mapunta ang
korona dahil hinihintay din kami sa aming kaharian
TAGAPAGSALAYSAY: Naging hari ng Berbanya si Don Pedro matapos ang kasal
ARALIN 42 - PAGBABALIK SA REINO DE LOS CRYSTAL
TAGAPAG SALAYSAY: Pagkatapos ng kasalan ay bumalik na sina Don Juan at Donya Maria
sa Reino de los Crystal
DONYA MARIA: Bakit kaya tahimik?
DON JUAN: Oo nga, ang laki ng pinagbago ng kaharian
DONYA MARIA: Ano kaya ang nangyari?
TAGAPAGSALAYSAY: Nagluksa ang kaharian kasama sina Dob Juan at Donya Maria dahil
wala na ang hari at kanyang mga kapatid
MGA TAO: Mabuhay ang bagong hari! Mabuhay si Don Juan!
TAGAPAGSALAYSAY: Mula nang maging hari si Don Juan ay naging kilala na ang kaharian
at lalo pang tumibay ang pagmamahalan nila

You might also like