You are on page 1of 4

IBONG ADARNA

IKATLONG BAHAGI
 ANG PRINSIPE AT ANG LOBO
Nakita ng lobo na isang engkantado ang sugatang si Don Juan.
Ginamot niya ang prinsipe sa pamamagitan ng tubig na nanggaling
sa Dagat Jordan. Pagkatapos gumaling si Don Juan, kinuha niya ang
singsing na diamante ni Prinsesa Leonora at lumakad siya pabalik
sa Kaharian ng Berbanya.
 MASAYANG PAGKIKITA NG ADARNA AT NI DON
JUAN
Lumakad na si Don Juan pabalik sa Kaharian ng Berbanya. Sa
kapaguran, nagpahinga siya sa ilalim ng puno. Dumating ang Ibong
Adarna at kumanta na nagsasaad ng pag-iisip ni Prinsesa Leonora sa
kaniya subalit meron pang isang babaeng mas maganda kay Prinsesa
Leonora. Siya ay si Donya Maria Blanca, anak ng Haring Salermo ng
kaharian ng De los Crystal. Pumunta na si Don Juan papuntang
Reyno de los Crystal.
 PAGDADALAMHATI NI PRINSESA LEONORA
Napakalungkot ni Donya Leonora. Nanalangin siya na nailigtas ng
lobo si Don Juan. Habang malungkot si Donya Leonora, si Don Juan
naman ay di mahanap ang daan patungong Reyno De Los Cristales.
 Paglalakabay ni don juan sa dakong silangan
Habang malungkot si Donya Leonora, si Don Juan naman ay di mahanap
ang daan patungong Reyno De Los Cristales. Habang naglalakad,
nakatagpo siya ng isang Ermitanyo. Humingi siya ng pagkain dito at
binigyan siya ng isang maitim na tinapay at tubig. Nagpasalamat si Don
Juan at tinanong niya kung saan ang daan patungong De Los Cristales.
Sabi ng ermitanyo, pumunta siya sa ikapitong bundok. Doon ay may
matatagpuan siyang isa ding ermitanyo. Ibibigay ni Don Juan ang
pirasong tela na ibibigay ng habilin ng ermitanyo sa kanya. Kung
tatanungin si Don Juan kung kanino galing, sasabihin daw ni Don Juan na
galing sa matandang sugatin.
 Paghihimagsik ng kalooban ni don pedro
Sa kabanatang ito ay nag-aaway sina Donya Leonora at Don
Pedro. Mahal pa rin ni Donya Leonara si Don Juan kaya’t tuwing
binibisita ni Don Pedro si Donya Leonora , sila ay nag-aalitan.
Pinipilit naman ni Don Pedro na mahalin siya ni Donya Leonara
ngunit ayaw talaga nito. Sa huli, umalis si Don Pedro na may
sakit sa dibdib dahil sa pagkabigo.
 Paglalakbay sa kabundukan
Matapos ang limang buwan ay nakarating si Don Juan sa
ikapitong bundok kung saan nakita niya ang ermitanyo na
mahaba na ang buhok sa katandaan.
Ayaw kausapin ng ermitanyo si Don Juan kung hindi niya
ipinakita ang piraso ng damit na ibinigay ng matanda. Umiyak
ang ermitanyo nang makita ang damit at sinabi ninyang Iyon ay
damit ni Hesukristo. Humingi siya ng kapatawaran sa kaniyang
mga sala.
Sinabi ng ermitanyo na limandaang taon na siya at wala pa
siyang nalalamang ganoon kaharian. Sinangguni rin niya ang
mga hayup kung may nalalaman sila pero wala ring masabi ang
mga dumating sa kaniyang panawagan.
Sa huli ay pinayuhan niyang sumangguni sa kapatid niyang
ermitanyo rin na nasa ikapitong bundok. Pinasakay niya ito sa
likod ng isa niyang alaga na siyang naglipad sa kaniya sa
kaniyang pupuntahan.Katulad ng naunang ermitanyo, ayaw
ding makiusap ang walongdaang taon na ermitanyo kung hindi
ipinakita ni Don Juan ang piraso ng damit ni Jesus. Tinanong din
ng ikalawang ermitanyo ang mga hayup kung alam nila ang de
los Cristal na kaharian. Isang agila ang nakapagsabi kung
nasaan yon.Pinasakay siya sa likod ng agila at naglakbay sila
nang isang buwan. Bago iniwan ng agila si Don Juan sa de los
Cristal, pinagbilinan nito ang anyo ng tatlong prinsesa na
naliligo sabay-sabay pero may kanya-kanya silang paliguan.
 PAGLALAKBAY PATUNGONG CRISTALES
Pinasakay siya sa likod ng agila at naglakbay sila nang isang
buwan. Bago iniwan ng agila si Don Juan sa de los Cristal,
pinagbilinan nito ang anyo ng tatlong prinsesa na naliligo sabay-
sabay pero may kanya-kanya silang paliguan.
 UNANG PAGTATAGPO NINA DON JUAN AT DONYA MARIA
Tulad nang sinabi ng agila, dumating ang tatlong prinsesa sa anyong kalapati
pagsapit ng ikaapat ng madaling-araw. Hinintay ni Don Juan sa paliguan ni
Prinsesa Maria Blanca. Nang naliligo na ang prinsesa ay itinago ni Don Juan
ang damit nito at hindi inlilabas hanggang makalipas ang isang oras at
nagpupuyos sa galit and dalaga.Nagpakumbaba ang prinsipe sa paghingi ng
tawad sa prinsesa na naawa naman sa binata at kanya nang pinatawad
matapos itong magpakilala na siya ay mula sa kaharian ng
Berbanya.Nagpahayag si Don Juan ng pag-ibig kay Prinsesa Maria Blanca.
Ipinaliwanag ng prinsesa ang haharapin niyang pagsubok mula sa ama niyang
Haring Salermo na gigising pagdating ng ikalima ng umaga.Ipinakita niya na
ang mga bato na nakapaligid sa kanila. Sila raw ay mga prinsipe, konde at mga
kabalyero na tinalo ng kaniyang ama at ginawang bato ang katawan.Dahil sa
gusto na rin ng prinsesa si Don Juan, tinuruan niya ito kung anong gagawin
pag nakita ang kaniyang ama. Una huwag niyang tatanggapin ang imbitasyon
sa palasyo. Sundin niya lahat ang iuutos sa kanya at ang prinsesa ang gagawa
ng paraan upang iyon ay matupad. Sabay-sabay na umalis ang mga prinsesa na
nag-anyo ulit na kalapati.
 MGA KAHILINGAN NG NG HARING SALERMO
Nagising ang hari at itinanong kay Don Juan kung ano ang pakay niya sa De los
Cristal. Kagaya nang sinabi ni Prinsesa Maria Blanca, sinabi niya na gusto
niyang mag-asawa sa isa sa mga prinsesa.Nang inimbita siya sa palasyo ay
tumanggi siya pero tinanggap niya lahat ang pagsubok na ibinigay ng
Hari.Unang pagsubok ay ang pagpantay ng bundok kung saan itatanim ang
trigo na pinakuha niya sa kanyang mga utusan. Itatanim ni Don Juan ang trigo,
patutubuin, gagapasin, gagawing arina para malutong tinapay na siyang
kakainin sa almusal ng hari. Sa pamamagitan ng puting mahika ni Prinsesa
Maria Blanca, nagawa ni Don Juan ang utos ni Haring Salermo. Kinabukasan
namangha siya nang makita niya ang tinapay mula sa trigo.
 IKALAWANG SALERMO
Pinakawalan ni Haring Salermo ang alaga niyang mga Negrito mula sa
kinakulungang nitong malaking bote sa malawak na karagatan.
Utos kay Don Juan ay ibalik ang labindalawang Negrito sa bote kinabukasan
paggising niya.Muli ay tinulungan ni Princesa Maria Blanca ang prinsipe kaya
kinabukasan ay namangha ang hari sa pagkakatupad ng kaniyang utos.
 IKATLONG KAHILINGAN
Isang bundok ang hiniling ni Haring Salermo na pagalawin para makita niya
kinabukasan sa harapan ng kaniyang bintana.Ginawa ni Prinsesa Maria Blanca
ang utos ng hari para kay Don Juan. Napg-isip-isip ang hari at ang kaniyang
konseho na mas may alam ang lalaking ito kaysa sa mga naunang naghangad na
mapakasal sa prinsesa.
 IKAAPAT NA KAHILINGAN
Inutos niya kay Don Juan na ang bundok na inilapit niya sa bintana ay dalhin sa
karagatan at gawing kastilyo. Ibinigay niya ang mga gusto niyang makita sa
kastilyo. Inutos din niya ang paggawa ng daan mula sa palasyo hanging doon
sa kastilyo.Ginawa ulit ni Prinsesa Maria Blanca ang imposible utos ng hari
kay Don Juan.
 PANGHULING KAHILINGAN
Inutos niya kay Don Juan na ang bundok na inilapit niya sa bintana ay dalhin
sa karagatan at gawing kastilyo. Ibinigay niya ang mga gusto niyang makita
sa kastilyo.Inutos din niya ang paggawa ng daan mula sa palasyo hanging
doon sa kastilyo.Ginawa ulit ni Prinsesa Maria Blanca ang imposible utos ng
hari kay Don Juan.
 ANG SUWAIL NA KABAYO
Habang kasama si Don Juan sa kastilyo, inisip ng hari kung saan
kumukuha ng kapangyarihan ang prinsipe.Sa pag-iinspeksiyon ng
kastilyo, nahulog ang singsing ng hari sa karagatan.Ang ikalima niyang
utos ay pag-alis sa kastilyo sa karagatan at pagbalik sa bundok sa dati
nitong kinalalagyan. Kinailangan ang tulong ni Don Juan para ito
maisakatuparan ni Prinsesa Maria Blanca.Sumakay sila sa isang batya at
inutusan niya ang prinsipe na tadtarin ang katawan niya. Sumunod
naman ang prinsipe. Nang matadtad ay naging maliliit na isda ang
prinsesa.Sa unang ahon ng daliri Prinsesa Maria na hawak ang singsing,
walang kumuha sa singsing kasi nahimbing si Don Juan. Sa ikatlong
pagbalik niya at tulog pa rin ang binata, bumalik siya sa katawan
niyang tao at muling inutusan si Don Juan na siya ay tadtarin at abangan
ang kaniyang paglutang ng kaniyang daliri na may hawak ng
singsing.Dahil sa pagkakamali sa pagtadtad, tumilamsik ang isang dulo
ng daliri ng prinsesa. Ito ang sinabi niyang maaring palatandaan niya sa
darating na araw.Naibalik ni Prinsesa Maria Blanca ang singsing sa
ilalim ng unan ng hari bago ito nagising.

You might also like