You are on page 1of 22

Popular na

Babasahin

1
• Masasabing nagpatuloy ang tradisyunal
na panitikan sa kabila ng
modernisasyong dulot ng pag-unlad ng
teknolohiya.
• Marahil nagkaroon lamang ito ng bagong
mukha.
• Ang layunin sa pagsulat nito ay
magbigay-aliw (entertain) at sumalamin
sa pang-araw-araw na pangyayari sa
buhay.
PAHAYAGAN

• Isang uri ng print media na


nanatiling buhay at bahagi ng ating
kultura.
• TABLOID- pahayagang pangmasa na
nakasulat sa wikang Filipino o sa
ibang dayalekto.
• BROADSHEET- Ingles ang midyum na
ginagamit sa ganitong uri ng
pahayagan.
TABLOID BROADSHEET
KOMIKS

• Grapikong midyum na ang mga salita at


larawan ay ginagamit upang ihatid ang
isang salaysay at kuwento.
• Isang makulay na popular na babasahin
na layuning magbigay aliw sa mga
mambabasa, magturo ng iba’t-ibang
kaalaman at magsulong ng kulturang
Pilipino.
KOMIKS

• May kaunting dayalogo at naglalaman ng


mga larawan.
MAGASIN

• Uri ng babasahing popular na


kinagigiliwan ng mga Pilipino.
• Babasahing ang mga nakapaloob ay
nauuso o patok.
• Naglalaman ng mga artikulo, kuwento,
larawan, anunsyo at iba pa.
Kauna-unahang Magasin sa Pilipinas

Liwayway (1922)

• Naunang nakilala bilang”Photo News”


ito’y naglalaman ng mga larawan,
balita, sanaysay, prosa at tula.
• Naglalaman ito ng mga maikling
kuwento at sunod-sunod na mga nobela.
Dagli

• Maiituring na maikling kuwento.


• Lumaganap sa panahon ng Amerikano.
• Maikling kuwentong mabilis ang mga
pangyayari.
Ang maikling kuwentong Tagalog ay
naisulat noong unang sampung taon ng
mga Amerikano. Mga unang anyo nito ay
dagli.

Ang dagli ay isang maikling salaysay na


nangagaral ng lantaran, namumuna at
nanunuligsa.
Halimbawa ng dagli ni Salvador R.
Barros:
“Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa
pandinig, ang lalaki, babae at ang
mamahayag o (reporter) ay may malaking
ipinagkakaiba”
“Ang pumapasok sa isang tainga ng
lalaki ay lumalabas sa kabila”
“Ang pumapasok sa dalawang tainga ng
babae ay lumalabas sa bibig”
“At ang pumapasok sa dalawang tainga ng
mamahayag o (reporter) ay lumalabas sa
pahayagan.”

Sampagita, 8 Nobyembre 1932


Mga Katangian ng Isang Mabuting Balita
1. Ganap na kawastuhan– dapat na wasto o
tama ang ibinibigay ng tagapaghatid
ng balita, maayos ang paglalahad ng
mga detalye, at hindi dapat magulo o
masalimuot ang diwa ng balita.
2. Timbang– pagkamakatotohanan ng mga
pangyayaring iniulat sa publiko at
sinasabing balanse ang pagbibigay-
diin sa paglalahad ng mga pangyayari.
Mga Katangian ng Isang Mabuting Balita
3. Walang kinikilingan– hindi dapat
kumakampi sa isang panig ang pag-uulat
kaya dapat obhektibo ang pag-uulat ng

pangyayari.
4. Kaiklian, kalinawan at kasariwaan–
kailangang maikli lamang ang pag-uulat
ng mga pangyayari at iyong
mahahalagang pangyayari lamang ang
iulat.
Gawing mas malinaw at mas
tawag-pansin sa mambabasa o
tagapakinig ang mga sariwang balita.
Uri ng Balita

1. Paunang Balita– nagbibigay ng mga


paunang impormasyon sa mangyayari sa
isang event na inaasahang mangyari.
2. Balitang ‘di inaasahan– isang ulat ito
ng mga hindi inaasahan o biglaang
pangyayari.
Uri ng Balita

3. Balitang Itinalaga– batay ito sa


ibinigay na paksa o assignment na
isusulat tulad ng pagdiriwang o
paggunita.
4. Balitang Panubaybay– isa itong ulat sa
pinakabagong pangyayari bilang
karagdagan o kasunod ng naunang
balita.  
Uri ng Balita
5. Balitang Rutinaryo o Kinagawian–
palaging nagaganap ang pangyayari at
regular itong nangyayari.

You might also like