You are on page 1of 2

Ang Alamat ng Pagong

Noong unang panahon,si pagong ang pinakanatatanging hayop sa


Unang Gubat.Kaya niyang magpalipat-lipat sa mga puno sa
pamamagitan ng nakatagong maliliit na pakpak sa tagiliran.

Lagi siyang nananalo sa mga kontes sa pagtakbo.Kaya niyang


tumakbo nang mas matulin sa ostrich dahil pwede niyang
pahabain ang apat na mga paa.

Napakabilis din niyang lumangoy dahil kaya niyang palaparin ang


buntot na parang palikpik ng malaking isda.

Dahil sa mga katangian,hinirang siya ng diyosa ng Unang Gubat


na to mamuno sa kanyang konseho.”Ayoko! Napakaliit ko para
mamuno!” protesta ni pagong.

“Bakit hindi na lang si elepante o kaya si leon?” giit ni


pagong.Dahil may kakayahan kang maglibot nang mabilis sa
buong gubat kaysa iba,”sagot ng diyosa

Lahat ng mga hayop ay sumang-ayon sa desisyon ng diyosa.


”Mabuhay ang bagong lider nating si pagong!” bunyi nila.

Nang bumalik sa kanilang daigdig ang diyosa,pinamahalaan ni


pagong ang Unang Gubat.Lahat ay sumusunod s autos niya.

Makaraan ang ilang araw ay bumalik si pagong sa dating gawi.Mas


gusto pa niyang magkulong sa loob ng bahay kaysa lumabas at
makisalimuha sa ibang mga hayop.

Si leon ang inutusan niyang humalili sa kanya.”Karamihan sa


konseho ay ayaw makinig sa akin.Kailangan mo nang dumalo lalo
pa’t nakataya ang kaligtasan nating lahat sa miting mamaya,”giit
nil eon

“Huwag mo na akong istorbohin! Kung anuman ang


mapagkakasunduan ng konseho,hayaan mo na!Bumalik ka na
roon!” galit na wika ni pagong.

Ipanagbabawal ng diyosa ang pagbubukas ng takip ng lagusang


nakaharap sa dagat.pero dahil karamihan sa konseho ay nais ding
Makita ang itsura ng dagat,inaprubahan nila ang hiling ng
nakararami.
Dumating ang panganib.Isang napakalaking alon ang
sumalakay.Malayang nakapasok ang rumaragasang tubig dagat na
halos sumira sa Unang Gubat.

Gali nag alit ang diyosa kay pagong.”Binalewala mo ang


pagtitiwala ko! Bilang parusa,babawiin ko sa iyo ang mga
kakayahan mo sa himpapawid,sa lupa at sa tubig!”

Dahil mahalaga pa kay pagong ang bahay niya kaysa kapakanan


ng Unang Gubat,idinikit na ng diyosa sa katawan niya ang bahay.

Mula noon,nagging ordinaryong hayop na lamang si


Pagong.Ibinigay na rrin ng diyosa kay Leon ang pagiging pangulo
ng Unang Gubat.

Huli na nang matuklasan ni Pagong na hindi tama ang mag-


aksaya ng oras sa walang kabuluhang bagay.Ngayon ay dala-dala
niya ang kanyang bahay saan man siya magpunta.

You might also like